TUNAY NA LINGKOD

Friday, May 15, 2015

Diyos ba si Cristo ayon sa Filipos 2-6-8 dahil sa Anyong Diyos?



Ang dahilan kung bakit inakala ng marami na si Jesus ay Diyos ay dahil sa pagkakasalin ng Filipos 2:6-8 sa Magandang Balita Biblia.


Sa kaalaman ng LAHAT, Ito ay isang SALIN ng Biblia sa Filipino na pinagtulungang gawin ng mga iskolar na PROTESTANTE at KATOLIKO. Paano nila isinalin ang talatang Filipos 2:6-8? Isinalin nila ito batay na rin sa kanilang paniniwala na si Jesus ay Diyos at iniba ang nakasulat. Ganito ang laman ng talata sa MBB



“ Na kahit Siya'y tunay at likas na DIYOS, hindi nagpilit na manatiling kapantay ng Diyos. Bagkus hinubad niya ang lahat ng katangian ng pagka-Diyos, nagkatawang-tao at namuhay na isang alipin. Nang maging tao, siya’y nagpakababa at naging masunurin hanggang kamatayan, oo, hanggang kamatayan sa krus.” Filip. 2:6-8, MBB

Isinalin nila ang mga talatang ito sa paraang lilitaw na si Jesus ay Diyos. Kung hindi ka magsusuri ay talagang madadaya tayo, Inalis na nila ang salitang “
NASA ANYO” . Anong maling turo ang ibinunga ng salin ng Filipos 2:6-8 sa Magandang Balita Biblia? Lumilitaw dito na dalawa ng Diyos: isang Diyos (Jesus) na hindi nagpilit na manatiling kapantay ng Diyos, at isang Diyos na hindi pinagpilitang pantayan. Sinasalungat nito ang itinuro ni Jesus at ni Apostol Pablo na ang Ama lamang ang iisang tunay na Diyos (Juan17:1, 3; I Cor.8:6).

Ikalawa, kung si Cristo rin ang Diyos, paano mauunawaan ang kasunod na talata sa Fil.2:9?


Sa talatang 9 ay nakasulat na si Jesus ay itinampok ng Diyos at binigyan ng pangalang higit sa lahat ng pangalan. Malinaw na iba ang itinampok at binigyan sa nagtampok at nagbigay. Kaya iba si Cristo sa Diyos.


Kung gayon, ano ang tunay na nakasulat kung susuriin natin ang Greek ? Pansinin natin ang isang salin :



ΦΙΛΙΠΠΗΣΙΟΥΣ 2:6  ος εν μορφη θεου υπαρχων ουχ αρπαγμον ηγησατο το ειναι ισα θεω[Textus Receptus]

Kung babasahin po ay :


" os en MORFI THEOU yparchon ouch arpagmon igisato to einai isa theo. "


Pansinin po ninyo ang " μορφη θεου " na kung babasahin yan ay "morfi theo". Ang " Morfi" po ay FORM o anyo, at malinaw na ito ang kanilang binawas sa Biblia upang madaya ang tao. Nakakalungkot sapagkat marami na ang kanilang nadaya dito. Ano ang katumbas na salin? Narito ang isang salin na ANG BIBLIA :



Filipos 2:6  Na siya, bagama't NASA ANYONG DIOS, ay hindi niya inaring isang bagay na nararapat panangnan ang pagkapantay niya sa Dios, [Ang Biblia]


Natitiyak natin na ang sinumang tagapangaral na gumagamit sa Filipos 2:6-8 bilang batayan sa pagtuturo na si Jesus ang tunay na Diyos ay nagkakamali ng pagkaunawa.


Ayon sa mga naniniwalang si Cristo ay Diyos, ang Filipos 2:6-8 daw ay nagpapatunay na si Jesus ay Diyos. Kahit raw sinabing “nasa anyong Diyos.”  ay patotoo parin daw na Dios sapagkat si Jesus ay “nasa anyong Diyos,” Siya raw ay Diyos. Ating suriin, dahil ba sa sinabi sa Filipos 2:6-8 na si Cristo ay “nasa anyong Diyos”. Dios na?


Balikan natin ulit ang Talata na hindi yung ginamit sa pandaraya :



“ Na siya, bagama't nasa anyong Dios , ay hindi niya inaring isang bagay na nararapat panangnan ang pagkapantay niya sa Dios, “Kundi bagkus hinubad niya ito, at naganyong alipin, na nakitulad sa mga tao: “At palibhasa'y nasumpungan sa anyong tao, siya'y nagpakababa sa kaniyang sarili, na nagmasunurin hanggang sa kamatayan, oo, sa kamatayan sa krus.” [Ang Biblia]



Si Apostol Pablo mismo ang sumulat na si Cristo ay “nasa anyong Diyos” kaya hayaan nating siya rin ang magpaliwanag nito. Bakit niya sinabi na si Cristo ay “nasa anyong Diyos”? Sinabi ni Apostol Pablo na si Cristo ay “nasa anyong Diyos” sapagkat Siya ay larawan ng Diyos:



“…upang sa kanila'y huwag sumilang ang kaliwanagan ng evangelio ng kaluwalhatian ni Cristo, na siyang larawan ng Dios.” 
II Cor. 4:4 

"Na siya ang larawan ng Dios na di nakikita,  ang panganay ng lahat ng mga nilalang; " col. 1:15


Ngunit paano naging larawan ng Diyos ang ating Panginoong Jesucristo? Larawan ba Siya ng Diyos sa kalikasan? Hindi, sapagkat ang Diyos ay espiritu samantalang si Cristo ay may laman at buto (
Luk. 24:39 ).


Si Cristo ay larawan ng Diyos sa kaabanalan. Narito ang katunayan:


“Sapagka't ako ang Panginoon ninyong Dios:magpakabanal nga  kayo at kayo'y maging mga banal; sapagka’t ako’y banal…” [Lev.11:44]

Kung paanong ang Diyos ay banal, ganoon din si Cristo.


“Sapagka't nararapat sa atin ang gayong dakilang saserdoteng banal, walang sala, walang dungis…”
[Heb. 7:26]

Ang dahilan nito ay sapagkat si Cristo ay pinabanal ng Diyos:


“Sinasabi baga ninyo tungkol sa kaniya, na pinabanal ng Ama at sinugo sa sanglibutan…”[
Juan10:36]


Bagaman ang lahat ng tao ay nilikha ng Dios ayun sa larawan Niya [ 
Genesis 1:27], sa KABANALAN parin [Efeso 1:4], ay walang nakatugon sapagkat lahat ay nagkasala :

Roma 5:12, MB".....lumaganap ang kamatayan sa lahat
ng tao sapagkat ang lahat ay nagkasala "

Roma 3:23
" Sapagka't ang lahat ay nangagkasala
nga, at hindi nangakaabot sa
kaluwalhatian ng Dios; "

Dahil dito, napakalaki ng suliranin ng tao. Nawala siya sa pagiging KALARAWAN NG DIOS at nagkaroon na ng kamatayan, hindi lamang sa pagkalagot ng hininga, kundi ang IKALAWANG KAMATAYAN na kaparusahang walang hanggan sa dagat- dagatang apoy (
Apoc.20:14 )

MULING MAGING KALARAWAN
Upang maligtas sa parusa ay kailangang makabalik ang tao sa uring kalarawan ng Dios. Paano mangyayari ito? Dapat siyang maging katulad ng LARAWAN NG ANAK NG DIOS:

Roma 8:29 " Sapagka't yaong mga nang una pa'y kaniyang nakilala, ay itinalaga naman niya na maging katulad ng larawan ng kaniyang Anak, upang siya ang maging panganay sa maraming magkakapatid "


 Ito ay sapagkat si Jesuscristo nga ang larawan ng Dios.Colosas 1:15 " Na siya ang larawan ng Dios na di
nakikita, ang panganay ng lahat ng mga
nilalang "


Ayon sa Biblia, si Cristo lamang ang taong hindi nagkasala [
 Juan 8:40; 1 ped. 2:21-22 ]. Kaya Siya lamang ang nakatupad ng layunin ng Dios na ang tao ay maging kauri Niya (Dios) sa pag-ibig at kabanalan. Ang mga taong larawan ni Cristo, kung gayon, ang kalarawan ng Dios.

Ang Diyos at si Cristo ay kapuwa banal. Kung gayon, sa kabanalan “larawan ng Diyos” si Cristo, kaya sinabi ni Apostol Pablo na si Cristo ay “nasa anyong Diyos.” suriin naman natin ang binanggit din ni Apostol Pablo sa Filipos 2:6-8 na “di niya inaring pagkapantay niya sa Diyos.”    ganito po ang dahilan :


“Sinabi ni Yahweh, ‘Saan ninyo ako itutulad? Mayroon bang makapapantay sa akin?”
“Dili-dilihin ninyo Ang matagal nang nakaraan. Inyong kilalaning ako lamang ang Diyos, At liban sa akin ay wala nang iba.” [Isa. 46:5, 9, MBB]

Maaari bang may kapantay ang nag-iisa?   Kung may kapantay ang Diyos sa pagiging Diyos, lilitaw na hindi na Siya ang iisang Diyos na Makapangyarihan sa lahat. Sasalungat na ito sa itinuturo ng

Biblia.

Suriin naman po natin bakit hinubad niya ito? ano ang HINUBAD niya?

Roma 8:3-4
" Sapagka't ang hindi magawa ng kautusan,  na mahina sa pamamagitan ng laman, sa pagsusugo ng Dios sa kaniyang sariling Anak  na NAGANYO LAMANG SALARIN at dahil sa kasalanan,  ay hinatulan ng Dios sa laman ang kasalanan"
" Upang ang kahilingan ng kautusan ay matupad  sa atin, na hindi nangagsisilakad ayon sa laman,  kundi ayon sa Espiritu "

Ang sabi ng talata, sya ay nag anyong salarin, samakatuwid ang KABANALAN parin ang hinubad ni Cristo at nag anyong alipin o salarin. Bakit naman po siya nag anyung SALARIN? Ganito po ang ating mababasa


2 cor 5:21 " Yaong hindi nakakilala ng kasalanan  ay kaniyang inaring may sala dahil sa atin: upang tayo'y maging sa kaniya'y katuwiran ng Dios."


Siyay ibinilang na makasalanan upang makipagkaisa tayo sa kanya at mapabanal sa harapan ng DIOS sa pamamagitan niya. Banal pa ba si Cristo dahil hinubad na niya ito? baka po matanung ng ilan. ganito po ang kasagutan :


Roma 10:36  "  Sinasabi baga ninyo tungkol sa kaniya, na pinabanal ng Ama at sinugo sa sanglibutan, Ikaw ay namumusong; sapagka't sinasabi ko, Ako ang anak ng Dios? "

Banal parin po sapagkat siya nga ay pinabanal ng AMA na siyang nagsugo sa kanya.kaya maliwanag po na hindi mapanghahawakan ang talatang ito sa pagtuturong si Cristo ay Diyos. Maling pagkaunawa po sa talata.

71 comments:

  1. Hinanap ko yung Roma 10:36 hahaha Buti nalang po nabalikan ko yung Verse na Juan 10:36

    ReplyDelete
  2. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  3. KungKsino man gumawa nito. Basahin mo anng John 10:30

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hahaha di sinabi jan na iisa s apagka Diyos ang tamang salin "nagkakaisa" sa pagiingat sa mga tupa ...

      Delete
    2. Sabi nya Ang paging kapantay ni kristo ay sakabanalan San kaya yon mabasa na kaya Sila magkapantay sa kabanalan nag Gawin na Naman Ng kwintong kwintong pagong dinagdagan Ang bible gumawa Ng sariling salin nya pag Hindi ka nga nman nag aral Ng bible maliligaw ka nga nman ibig Palang Sabihin yong mga banal na tao pwdi palang tawaging kapantay Ng dios KC Ang daming binangit sa bible na banal piro kaylan man Walang binangit Ang bible na Sila ay kapantay tanging SI Cristo lng Ang kapantay kaya binulok yong paliwanag mo birsikulo dila kapitulo laway na Naman Ang ginamit mo

      Delete
    3. Kung sa kabanalan Pala naging
      kapantay SI kristo ano Ang hinubad ni
      Kristo kabanalan ba? ibig bang Sabihin Ng sinilang hangang sa mamatay c Cristo Hindi banal?

      Ankabanalan hinubad ni kristo Hindi naba

      Delete
  4. Jesus Is truly God And Truly ManOctober 24, 2018 at 6:24 AM

    kilan po naging banal si Hesus? at kilan po niya hinubad ang kanyang kabanalan

    ReplyDelete
  5. Actually ung "Morphi" ay Anyu sa tagalog narin eh. Parang kulang kase tagalog lng ang na analyze. Sa english ay "being in the form of God." Morphi Theo sa Latin. Morphi = Form so definition ng form ay "type or kind" sa Merriam. Parang tama naman.

    Pakorek nlng ako base sa ebidensya at tamang analysis. Thank u.

    ReplyDelete
  6. At saka ung Theo nga pala ay "God", Theo Morphi = Form of God. Anyong Diyos. Parang ok naman ah.

    ReplyDelete
  7. Hindi nakaka intindi ang mga INC hahaha
    2 Juan 1:7- 7Sapagka't maraming magdaraya na nangagsilitaw sa sanglibutan, sa makatuwid ay ang mga hindi nangagpapahayag na si Jesucristo ay napariritong nasa laman. Ito ang magdaraya at ang anticristo.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Pano pag may kinikilalang iisa at tunay na diyos ang ang Panginoong Jesucristo? Maniniwala ka ba?

      Delete
    2. Kayo po ang hindi nkakaintindi basahin nyo po kaya mabuti. Mga anti cristo at mandaraya ang hindi naniniwla na nsa laman or tao si cristo. Ano pob pgkakaunawa nyo?

      Delete
    3. Ibig sabihin naparito nasa lamam, tao siya dahik ang may laman ay tao ang Diyos ay walang kaman

      Delete
  8. Kung tao ang panginoong Jesus Para sa inyo 👇👇👇
    Jer 17:5

    5 Ganito ang sabi ng Panginoon: Sumpain ang tao na tumitiwala sa tao, at ginagawang laman ang kaniyang bisig, at ang puso ay humihiwalay sa Panginoon

    Ecle 7:20

    20 Tunay na walang matuwid sa lupa, na gumagawa ng mabuti, at hindi nagkakasala.

    Ung kristo nyo na tao maksalanan at hindi PA nakapunta sa langit.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Paano po kung ang aanginoong diyos may kinikilalang iisang diyos?

      Delete
    2. Pag sinabing bisig mga taong gingmit ang lakas pra makanakit ng kapwa. Ung paguunwa nyo po hindi nbabatay ky jesus. Mrming verse na nagssbi tao si cristo. Ang totoong diyos spirito walng pinagmulan. Si jesus db my pingmulan?

      Delete
    3. Ang panginoong Jesus ay hindi karaniwang Tao sya lang Tao na walang kasalanan hindi sya tulad natin,nakitulad lang

      Delete
    4. Opo kasi sya ang bugtong anak nya kung baga tayo kasi na mga anak ng Diyos my kulang saatin yun ay ang kabanalan na nawala dahil kay eva at adan.. si jesus ang ay naging bugtong kasi sya yung anak nanilikha nya gaya ng saatin ngunit ang pag likha sa kanya ay my pag sugo na d gaya saatin nilikha tayo para luwalhatiin ang Diyos at si jesus ang nilikha para ipakilala saatin ang Diyos kaya nga sya ang kanang kamay ng Diyos at bugtong na anak kasi my pag sugo sa kanya at pinaging banal sya... Pareho lang tayo ni jesus kung d lang nag kasala ang unang tao... Isipin nila kung si jesus ang Diyos susubukan ba syang Dayain ng Demonyu d ba hindi kasi walang makaka daya Sa Diyos alam ng Demonyo na tao si jesus kaya sinubukan nyang Dayain gaya ng ginawa nya kina eva at adan

      Delete
  9. Ano bayang paliwanag mo mabuti pa ang hayop nakakaintindibpa sayo

    ReplyDelete
  10. Si cristo tao na ginawang panginoon ng dios yan ang tama hindi siya ang dios nakaintindi ka ba

    ReplyDelete
  11. Si cristo tao na ginawang panginoon ng dios yan ang tama hindi siya ang dios nakaintindi ka ba

    ReplyDelete
    Replies
    1. Nag aaral lang po.. wag po sana kayong magalit..
      Kung si Cristo po ay tao lamang ibig sabihin po siya ang pinakaunang tao na nilikha ng Panginoon bukod kay Eba at Adan?

      "Na siya ang larawan ng Dios na di nakikita, ang panganay ng lahat ng mga nilalang; " col. 1:15

      Gusto ko lamang po ng kaliwanagan..


      Delete
    2. Ito ang sagot sayong katanungan..1 Pedro 1;20 basa..Itinadha sya ng Dios bago pa likhain ang sanlibutan at ibinunyag naman alang alang sa inyo sa mga huling araw💞

      Delete
    3. Itinadhana sya ng Dios bago pa likhain ang sanlibutan...so una nga sa lahat ang panginoong Jesus, dahil naka program na sya sa isip ng Dios💞

      Delete
    4. Tama po alam mo kung bakit alam kasi ng Diyos ang lahat alam nga nya kung kailan ang pag huhukom na hindi naman alam no Jesus... Alam ng Diyos lahat ng pd mang yare una nung kina eva at adan pag hindi sila nag kasala nuon si jesus parin tagapamagitan natin at mamomuno saatin sa pag lilingkod sa Ama kasi sya ang nilikha na pastol sa mga tupa...
      Nasa isip na ng Diyos si jesus nuon pa kasi bago pa talaga likhain ang lahat alam na ng Ama ang mang yayare ang mga possible na mang yarr ganun kamakapang yarehan ang Diyos... Si jesus hindi nya alam ang mang yayare kaya ang buhay nya hinandog nya sa Diyos at bawat utos sinusunor nua kasi d nya alam mang yayare ngunit ang Ama lamang ang nakaka alam kaya lagi sumusunod sa utos si jesus

      Delete
  12. Ano bayang paliwanag mo mabuti pa ang hayop nakakaintindibpa sayo

    ReplyDelete
  13. Ano bayang paliwanag mo mabuti pa ang hayop nakakaintindibpa sayo

    ReplyDelete
  14. Sinabi nya sa biblia na sya ay tao tas gagawin mo syang dios bubu ka ba

    ReplyDelete
  15. I Timoteo 2:5
    "Sapagkat may iisang diyos at may iisang tagapamagitan sa tao at sa Diyos , ang taong si Cristo Jesus"

    Kung Diyos si Cristo sa talatang yan dpaat ganito

    "Sapagkat may iisang Diyos at tagapamagitan kay Jesus at sa tao"

    ReplyDelete
    Replies
    1. Natural po si Jesus po ang tagapamagitan bakit kakailanganin pa po ng tagapamagitan ni Jesus?tao ang nagkasala para maligtas ang tao sa pagkakasala kailangan ng alay kaya nga binigay ni Jesus Juan 3:16..Biglang tagapaglitas

      Delete
  16. Mga kapatid... K'musta po. Ako po di kapatid na Jerome. Nais ko lang po itanong Kung ano po Ang inyong paliwanag sa nakasaad sa biblia sa (Awit 82:1) nais ko lang pong maliwanagan... Salamat po.

    ReplyDelete
  17. Kungvtao si christo dapat may ama.walang leteral na ama si Christo kaya nagkatawang tao lang.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Si adan at eva rin po ay walang mga magulang walang ama at ina pro hindi sila dios..ginawa sila ng dios sa pamamagitan ng putik. Ganun din ang panginoong jesus. Ginawa sya ng amang dios..

      Delete
  18. Sa paliwang mo kandahaba haba ei diyos pa din ang kinalabasan ni kristo ��

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hindi po kayo nakakaintindi e Ang Dios Ama nadin nagsabi kay Cristo an siya at tao

      Delete
  19. ANAK NG DIYOS IKAW NA NAG LATAG... SO DIYOS SI KRISTO ... ALANGAN IBON MANGANAK NG MANOK.. IBON NATURAL...

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hehe...so pag ibon manganak ibon ang anak..ang Dios ay espirito hindi na kikita natural lang ang anak ng Dios espirito rin d nakikita😁

      Delete
    2. Lahat ng Tao anak ng Diyos... Mula tayo kina eva at adan na nilikha ng Diyos para sa kanyang kaluwalhatian anak ng Diyos sila eva at adan... Ngunit sila ung nadaya ng Demonyo kaya my pag kakasala si jesus ay bugtong kasi sya ung anak na my pag sugo at pinaging banal

      Delete
    3. Saan po makikita na si Jesus ay linikha ng Dios gaya ni Adan at Eva?

      Delete
  20. Nakakaawa po kayo..malinaw na po na sinabi n si Jesus ay Diyos bakit pilit mo siyang ginagawang tao lng?Kapag ang Ama pla ay Diyos ano pla ang anak Nya?tao lang po ba?Di ba po Diyos din..kahit ano pong ikot nyo at paliwanag malinaw pa sa sikat ng araw na si Jesus ay Diyos..

    ReplyDelete
    Replies
    1. Mas nakaka awa po kayo kasi nadaya kayo ng sarili nyung aral... Basahin mo ang bible sa greek language ung mga anak ng Diyos, anak ng Diyos bakit ung mga tonutukoy doun tao at hindj Diyos.. mababada mo din doun ilang besis isinalaysay tao si jesus, ilang besis mo mababasa yun pero ung lagi nyung tinururo eh yung maling pag translated wala kang mababasa sa greek bible na Diyos si jesus ang mamabasa mo don morfi ung morfi mababasa mo din nung nilikha sila eva at adan pero ung theos
      Laging patukoy sa iisang Diyos un ang Ama iba kung mag aaral ka sa greek pag sinabi mo na morfi ang pag describe nila isa parang minimirror or my pag kahaling tulad.. iba sa theos na wlanag katulad at nag iisa

      Delete
    2. may mababasa kabang letra for letra na Diyos Si Jesus?

      Delete
    3. kahalintulad din yan ng tanong na kung may mababasa ba sa bible word for word na hindi Diyos si Cristo? Gusto kong maliwanagan eh ano kung aking kilalaning Diyos si Cristo mapaparusahan ba ako ng Dahil dito anong uri ng pagkakasala ang ipapataw sa akin? paki sagot kung saan mababasa? at anong salin ng Biblia ang ginamit?

      Delete
  21. PMCC4thwatch po aq kabilang :)
    Mal. 2:10: "Wala baga tayong lahat na isang ama? hindi baga isang Dios ang lumalang sa atin? bakit tayo nagsisigawa ng paglililo bawa't isa laban sa kaniyang kapatid, na nilalapastangan ang tipan ng ating mga magulang.

    Smal letter yun ama na tinukoy, it means ndi yan yung Ama na manlalalang lahat tayong mga tao may isa lang na ama at ina, prang ganun yan, pero yung sa part na isang Dios ang lumalang sa atin

    Jn. 10:30: "Ako at ang Ama ay iisa."

    Gen. 1:26: "At sinabi ng Dios, Lalangin NATIN ang tao sa ating larawan, ayon sa ATING wangis: at magkaroon sila ng kapangyarihan sa mga isda sa dagat, at sa mga ibon sa himpapawid, at sa mga hayop, at sa buong lupa, at sa bawa't umuusad, na nagsisiusad sa ibabaw ng lupa."
    May kasama ang Ama sa pag lalang malinaw, eto pa ang ibang patunay na si Cristo kasama ng Ama

    Jer. 10:10-12: "Nguni't ang Panginoon ay tunay na Dios; siya ang buhay na Dios, at walang hanggang Hari: sa kaniyang poot ay nayayanig ang lupa, at hindi matatagalan ng mga bansa ang kaniyang galit. Ganito ang inyong sasabihin sa kanila, Ang mga dios na hindi gumawa ng langit at ng lupa, ang mga ito ang mangalilipol sa lupa, at sa silong ng langit. Kaniyang ginawa ang lupa sa pamamagitan ng kaniyang KAPANGYARIHAN, kaniyang itinatag ang sanglibutan sa pamamagitan ng kaniyang KARUNUNGAN, at kaniyang iniladlad ang langit sa pamamagitan ng kaniyang pagkaunawa:"

    1 Cor. 1:24: "Nguni't sa kanila na mga tinawag, maging mga Judio at mga Griego, si Cristo ang KAPANGYARIHAN ng Dios, at ang KARUNUNGAN ng Dios."

    Gen. 1:26: "At sinabi ng Dios, Lalangin NATIN ang tao sa ating larawan, ayon sa ATING wangis: at magkaroon sila ng kapangyarihan sa mga isda sa dagat, at sa mga ibon sa himpapawid, at sa mga hayop, at sa buong lupa, at sa bawa't umuusad, na nagsisiusad sa ibabaw ng lupa."

    Fil. 2:6-8: "Na siya, bagama't nasa anyong Dios, ay hindi niya inaring isang bagay na nararapat panangnan ang pagkapantay niya sa Dios, Kundi bagkus hinubad niya ito, at naganyong alipin, na nakitulad sa mga tao: At palibhasa'y nasumpungan sa anyong tao, siya'y nagpakababa sa kaniyang sarili, na nagmasunurin hanggang sa kamatayan, oo, sa kamatayan sa krus."

    Co. 2:9: "Sapagka't sa kaniya'y nananahan ang buong kapuspusan ng pagka Dios sa kahayagan ayon sa laman,"

    Jn. 1:1,14: "Nang pasimula siya ang Verbo, at ang Verbo ay sumasa Dios, at ang Verbo ay Dios. … At nagkatawang-tao ang Verbo, at tumahan sa gitna natin (at nakita namin ang kaniyang kaluwalhatian, kaluwalhatian gaya ng sa bugtong ng Ama), na puspos ng biyaya at katotohanan."

    ReplyDelete
  22. PMCC4thwatch po aq kabilang :)
    Mal. 2:10: "Wala baga tayong lahat na isang ama? hindi baga isang Dios ang lumalang sa atin? bakit tayo nagsisigawa ng paglililo bawa't isa laban sa kaniyang kapatid, na nilalapastangan ang tipan ng ating mga magulang.

    Smal letter yun ama na tinukoy, it means ndi yan yung Ama na manlalalang lahat tayong mga tao may isa lang na ama at ina, prang ganun yan, pero yung sa part na isang Dios ang lumalang sa atin

    Jn. 10:30: "Ako at ang Ama ay iisa."

    Gen. 1:26: "At sinabi ng Dios, Lalangin NATIN ang tao sa ating larawan, ayon sa ATING wangis: at magkaroon sila ng kapangyarihan sa mga isda sa dagat, at sa mga ibon sa himpapawid, at sa mga hayop, at sa buong lupa, at sa bawa't umuusad, na nagsisiusad sa ibabaw ng lupa."
    May kasama ang Ama sa pag lalang malinaw, eto pa ang ibang patunay na si Cristo kasama ng Ama

    Jer. 10:10-12: "Nguni't ang Panginoon ay tunay na Dios; siya ang buhay na Dios, at walang hanggang Hari: sa kaniyang poot ay nayayanig ang lupa, at hindi matatagalan ng mga bansa ang kaniyang galit. Ganito ang inyong sasabihin sa kanila, Ang mga dios na hindi gumawa ng langit at ng lupa, ang mga ito ang mangalilipol sa lupa, at sa silong ng langit. Kaniyang ginawa ang lupa sa pamamagitan ng kaniyang KAPANGYARIHAN, kaniyang itinatag ang sanglibutan sa pamamagitan ng kaniyang KARUNUNGAN, at kaniyang iniladlad ang langit sa pamamagitan ng kaniyang pagkaunawa:"

    1 Cor. 1:24: "Nguni't sa kanila na mga tinawag, maging mga Judio at mga Griego, si Cristo ang KAPANGYARIHAN ng Dios, at ang KARUNUNGAN ng Dios."

    Gen. 1:26: "At sinabi ng Dios, Lalangin NATIN ang tao sa ating larawan, ayon sa ATING wangis: at magkaroon sila ng kapangyarihan sa mga isda sa dagat, at sa mga ibon sa himpapawid, at sa mga hayop, at sa buong lupa, at sa bawa't umuusad, na nagsisiusad sa ibabaw ng lupa."

    Fil. 2:6-8: "Na siya, bagama't nasa anyong Dios, ay hindi niya inaring isang bagay na nararapat panangnan ang pagkapantay niya sa Dios, Kundi bagkus hinubad niya ito, at naganyong alipin, na nakitulad sa mga tao: At palibhasa'y nasumpungan sa anyong tao, siya'y nagpakababa sa kaniyang sarili, na nagmasunurin hanggang sa kamatayan, oo, sa kamatayan sa krus."

    Co. 2:9: "Sapagka't sa kaniya'y nananahan ang buong kapuspusan ng pagka Dios sa kahayagan ayon sa laman,"

    Jn. 1:1,14: "Nang pasimula siya ang Verbo, at ang Verbo ay sumasa Dios, at ang Verbo ay Dios. … At nagkatawang-tao ang Verbo, at tumahan sa gitna natin (at nakita namin ang kaniyang kaluwalhatian, kaluwalhatian gaya ng sa bugtong ng Ama), na puspos ng biyaya at katotohanan."

    ReplyDelete
  23. note.
    sabi ni cristo, Ama, it ang buhay na walang hanggan, ang kilalanin ka ng mga tao na ikaw Lang ang tunay na Diyos at kilalanin Rin nila ako na sinugo MO" JUAN 17:1,3 ASND

    ReplyDelete
  24. Theou sa greek ay Dios magtranslate ay kulang naman..nilalapastangan nyo si Hesus ginawa nyong tao eh ang nkalgay sa biblya lahat ng tao ay nagkakasala..si kristo ay nag iisang anak ng Dios ama kya sya ay Dios din

    ReplyDelete
  25. Buti Pa Ang Satanas Kilala Nya Ang Diyos ang Ama

    ReplyDelete
  26. Malinaw sa biblia may iaang Dios lang ang dapat na makilala

    ReplyDelete
  27. may isang Dios lang..
    Tumanda nalang ang iba hindi paren ito itinuro sa kanila
    👇👇
    1timoteo 2:3
    Ito'y mabuti at nakalulugod sa paningin ng Dios na ating Tagapagligtas;

    1timoteo 2:4
    Na siyang may ibig na ang lahat ng mga tao'y mangaligtas, at mangakaalam ng👉 katotohanan👈.

    Anu raw? Nais ng Dios MALIGTAS ANG TAO AT MAKA ALAM NG KATOTOHANAN..

    ANU BA ANG KATOTOHANAN??
    ituloy natin pag basa sa talata..
    👉1timoteo 2:5👈
    Sapagka't may isang Dios at may isang Tagapamagitan sa Dios at sa mga tao, ang taong si Cristo Jesus..

    Malinaw may isang Dios lang at may isang Tagapamagitan sa Dios ang Taong si Jesucristo..
    Ito ang Katotohanan para sa Ikaliligtas..
    NEVER TO INITURU SA SIMBAHAN NG KATOLIKO AT SA IBANG NAGPAKILALANG CRISTIANO KUNO!!

    ReplyDelete
    Replies
    1. natural para maging tagapamagitan sa tao kailangan niyang mag anyong tao at hindi yun imposible dahil maging mga anghel ay nag aanyo ring tao bagaman ang anghel ay espiritu diba. kung hayop ang mangangailangan ng tagapamagitan sa Diyos hindi imposibleng mag anyo din siyang ganun.simpleng lohika ikaw ay tao at kung ikaw ay magkaka anak natural ang anak mo ay likas na tao, eh papaano si Jesus na galing sa sinapupunan ng Ama at tinawag na kung ilang ulit na bugtong na anak ng Diyos hindi pa rin ba siya Diyos? ito isang pang halimbawa: ang minamahal mong anak ay napili sa eskwelahan na gumanap bilang isang unggoy na character at matapos ang pag ganap at nag patuloy pa rin ang pag tawag sa anak mo na unggoy anong gagawin at iyong mararamdaman tawagin anak mong unggoy?

      Delete
  28. walang taong taga pagligtas ng sanlibutan yan ang itatak nyo sa isipan ninyo,si jesus ang ating taga pagligtas kaya diyos sya wag kayo pa epal dyan

    ReplyDelete
  29. Kung hindi Dios si Jesus Bakit sinabi nya nong i test sya ng demonyo Sa matthew 4:7 na "Do not put the Lord your God to the test"

    ReplyDelete
    Replies
    1. nakaka unawa ka ba ng teksto ang gustong subuking ni satanas dyan ay si Jesus ganito ang kumpletong mababasa: 5 Pagkatapos, dinala siya ng diyablo sa Jerusalem, ang banal na lungsod, at pinatayo sa taluktok ng Templo. 6 Sinabi nito sa kanya, “Kung ikaw ang Anak ng Diyos, magpatihulog ka, sapagkat nasusulat,

      ‘Sa kanyang mga anghel, ika'y itatagubilin,
      at sa kanilang mga kamay, ika'y aalalayan,
      nang sa mga bato, paa mo'y hindi masaktan.’”

      7 Ngunit sumagot si Jesus, “Nasusulat din naman, ‘Huwag mong susubukin ang Panginoon mong Diyos.’”

      8 Pagkatapos, dinala siya ng diyablo sa isang napakataas na bundok at ipinakita sa kanya ang lahat ng kaharian sa daigdig at ang karangyaan ng mga ito. 9 Sinabi ng diyablo sa kanya, “Ibibigay ko sa iyo ang lahat ng ito kung magpapatirapa ka at sasamba sa akin.”

      10 Kaya't sumagot si Jesus, “Lumayas ka Satanas! Sapagkat nasusulat,

      ‘Ang Panginoon mong Diyos ang dapat mong sambahin.
      At siya lamang ang dapat mong paglingkuran.’”

      11 Pagkatapos, iniwan na siya ng diyablo. Dumating naman ang mga anghel at siya'y pinaglingkuran nila. at pansinin si jesus mismo ang nagsabi kay satanas Ang Panginoon mong Diyos ang dapat mong sambahin.
      At siya lamang ang dapat mong paglingkuran.’” sangayon ka ba na Diyos lang ang dapat sambahin at pag lingkuran? bakit nung dumating ang mga anghel si Jusus ay kanilang pinag linguran?

      Delete
  30. Hindi parin talaga tao si Hesus kasi sya po yung kasama ng Dios nang hindi pa ginawa ang lahat sya po yung word na sinabi sa John 1:1"Nang pasimula siya ang Verbo, at ang Verbo ay sumasa Dios, at ang Verbo ay Dios. na makikita rin natin sa Gen. 1:26: "At sinabi ng Dios, Lalangin NATIN ang tao sa ating larawan, ayon sa ATING wangis: at magkaroon sila ng kapangyarihan sa mga isda sa dagat, at sa mga ibon sa himpapawid, at sa mga hayop, at sa buong lupa, at sa bawa't umuusad, na nagsisiusad sa ibabaw ng lupa." Alangan naman po Anghel ang kanyang kausap dyan. At klaro sa John. 1:14 At nagkatawang-tao ang Verbo, at tumahan sa gitna natin (at nakita namin ang kaniyang kaluwalhatian, kaluwalhatian gaya ng sa bugtong ng Ama), na puspos ng biyaya at katotohanan." At tama naman po ang sinabi nyong basehan sa 1 Timothy 2:5 na may isang Dios at taga pamagitan na tao malamang tao na si Hesus nagpakatao na e

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hindi mo po naintindihan. Ang ibig sabihin Jan ay sa pasimula pa palang planado an Si Cristo, nasa isip an ng Diyos Si Cristo.

      Delete
    2. Bobo ka pala eh

      Delete
  31. 2 John 1:7 For many deceivers are entered into the world, who confess not that Jesus Christ is come in the flesh. This is deceiver and an antichrist.

    ReplyDelete
  32. Titus 2:13 Looking for he blessed hope, and the glorious apprearing of the great God and our Saviour Jesus Christ;

    ReplyDelete
  33. si Jesus ay ang brightness of the glory of the father and the express image of his person. Ibig sabihin hindi sya another....(co-equal at co-divine)

    ReplyDelete
  34. Jesus is God the Father
    Jesus is the Holy Spirit
    The name of God is Jesus


    ReplyDelete
  35. May tao na ba bago lalangin Ang sanglibutan? Panong sasabihin mong tao Ang Panginoong Jesus, eh bago lalangin Ang sanglibutan andun na sya?

    ReplyDelete
  36. Paano mo naman papaliwanag ang Isaias 9:6...

    ReplyDelete
  37. IS Jesus Christ and God the Father the same??

    ANSWER:
    * JOHN 10:30 (read the v23-30)
    * JOHN 1:1
    * JOHN 5:17-18
    * Philippians 2:5-11
    * ISAIAS 9:6

    ACCORDING TO THE BIBLE SON OF GOD means
    1. He is fully God
    2. He is one of three persons who together make up the one God.

    This Concept is called " TRINITY."
    * JOHN 5:18



    ReplyDelete
    Replies
    1. Jesus became human through the Virgin Birth.

      • John 17:5- The eternal Son of God already wisted in heaven.

      • Matthew 1:20 Hewas born as a human being named Jesus.

      •Matthew. 1:25/ Colossians 2:9
      -To demonstrate that. Jesus was not a mere man.

      Delete
  38. (Jesus Christ will receive you If you come to Him)

    •John 6:37
    •Luke 19:10

    Lula 5:32

    ReplyDelete
  39. Parang nilaktawan nyo ang tunay at likas na diyos lol

    ReplyDelete
  40. napakadaling intindihin anyong Diyos bago bumaba sa lupa Anyong tao nangnagkatawang tao na sa lupa.
    kung iisipin mo nasusulat nagpakababa si Jesus na maging ang mga apostoles nya ay hinugasan nya ang mga paa. Kaya makikita mo ganun na lamang nya irespeto ang kanyang Ama. Dahil ba nagpakababa sya aalisin din ba natin ang respeto natin sa kanya bilang Anak ng Diyos? Kaya nga para sa marami Diyos parin sya kasi Anak nga sya ng Diyos eh, kahit nagpakababa sya di natin maaalis ang pagka Diyos nya.

    ReplyDelete