TUNAY NA LINGKOD

Friday, March 14, 2014

Baptism of Bro. Felix Manalo



WHO BAPTIZED HIM?
If not, SURELY HE WILL NOT ATTAIN SALVATION AS THE CHURCH BELIEVES AND IT IS WRITTEN IN THE BIBLE THAT ONE MUST BE BAPTIZED TO BE SAVED!


Well then, Is Bro. Felix Manalo, BAPTIZED OR NOT BAPTIZED?

From the Pasugo, it says:
It is true that Bro. Felix Manalo was not baptized into the Church of Christ because no one was there immediately preceding his work to baptize him. Remember that the Church of Christ fell in the way of apostasy and the emergence of the Church of Christ led by Bro. Felix Manalo is its restoration. Hence, who will have to baptize him?

The same is true with John the Baptist who was called and sent by God for a specific work and who was not baptized. Yet, John the Baptist is God’s messenger.

Our Lord Jesus Christ receive baptism through a messenger sent by God, one who preceded him and prepared his way—John the Baptist (Mt.3:3).

The baptism that our Lord Jesus Christ received is different from the kind of baptism he commanded to his apostles. The baptism performed by the apostles was for the forgiveness of sins, and for making disciples of those who received it (Acts 2:38, Mt. 28:19). Christ, who is sinless and was made lord (I Pt. 2:21-22, Acts 2:36) was baptized not for that purpose but to “fulfill all righteousness”. (Mt. 3:13-15).

On the other hand, it was God himself who cleansed Bro. Felix Manalo so that he would be made worthy to preach his message of salvation in these last days. The almighty declared:

“I, even I, am he who blots out your transgressions for my own sake;and I will not remember your sins.” (Is. 43:25, New King James Version)


The point that Bro. Felix Manalo was not baptized into the Church of Christ does not in any way disqualify him from being a true messenger of God. His commissioning as a true preacher of the gospel in these last days has been attested by the various prophecies written in the Holy Scriptures, one of which is Revelation 7:2-3:

“Then I saw another angel ascending from the east, having the seal of the living God. And he cried with a loud voice to the four angels to whom it was granted to harm the earth and the sea, saying, “Do not harm the earth, the sea, or the trees till we have sealed the servants of our God on their foreheads.” (New king james version)


There are many other prophecies in the bible that specifically pertain to the commissioning of Bro. Felix Manalo, such as Isaiah 41:9-10, 14:16, 43:5-6, 46:11 and Rev. 14:9-14. Hence, although no one baptized him into the Church of Christ, his commissioning is from God through the fulfillment of the prophecies recorded in the Holy Scriptures. He is a true messenger who was chosen to start God’s work of Salvation in these last days.

Source: Pasugo Novermber 2001

Saturday, March 8, 2014

Banal na Hapunan may abuluyan ba?




Nalalapit nanaman ang ating paghahanda para sa ating Banal na Hapunan o Santa Cena, lahat tayong mga kaanib sa Iglesia Ni Cristo ay sabik sa ganitong mga pagkakataon. Tayo po ay lubusang nag hahanda para sa gawaing ito. Sapagkat totoong napaka selan para sa atin ng Banal na Hapunan. Hindi po lingid sa atin na sa bawat gawain o anu mang aktibidad ng INC ay may mga bumabatikos at hindi natin ito maiiwasan. Para po laong magliwanag ang mga salita ng Diyos ay sagutin natin ang nagiging tanung nila ukol sa Banal na Hapunan. Ang naitatanung nila ay kung “Bakit may abuluyan ang ating Santa Cena? Utos po ba ng Panginoong Jesus na mag-abuluyan sa Banal na Hapunan?” 

Basahin natin ang nakasulat sa Marcos 14:12

Marcos 14:12  “AT NANG UNANG ARAW NG MGA TINAPAY NA WALANG LEBADURA, NANG KANILANG INIHAHAIN ANG KORDERO NG PASKUA, ay sinabi sa kaniya, ng kaniyang mga alagad, Saan mo ibig kaming magsiparoon at ipaghanda ka upang makakain ng KORDERO NG PASKUA?”

Nung PANAHON ng Panginoong Jesus, ito ay isinabay niya sa HAPUNANG PANGPASKUWA, o ng KAPISTAHAN ng TINAPAY ng walang LEBADURA ang kaniyang BANAL NA HAPUNAN:


Isang pagdiriwang sa mga JUDIYO ang Kapisthan ng Tinapay ng walang LEBADURA, at sa gabi ng HAPUNANG PANGPASKUA ay kumakain sila at nagsasalo-salo sa KORDERO o TUPA NG PASKUA. Iba ito sa BANAL NA HAPUNAN, dahil ito ay talagang KAINAN.

Pagkatapos ng MAKAKAIN NG HAPUNANG PANGPASKUA, ay saka isinagawa ng PANGINOONG JESUS ang kaniyang BANAL NA HAPUNAN:

Lucas 22:14-15  “At nang dumating ang oras, ay naupo siya, at ang mga apostol ay kasalo niya. At sinabi niya sa kanila, PINAKAHAHANGAD KONG KANIN NA KASALO NINYO ANG KORDERO NG PASKUANG ITO bago ako maghirap:”

Lucas 22:20  “Gayon din naman ang saro, PAGKATAPOS NA MAKAHAPON, na sinasabi, ANG SARONG ITO'Y ANG BAGONG TIPAN SA AKING DUGO, NA NABUBUHOS NANG DAHIL SA INYO.”

Maliwanag ang sabi: PAGKATAPOS NA MAKAHAPON, ibig sabihin TAPOS NA NILANG KAININ ANG HAPUNANG PANGPASKUA, tsaka isinagawa ang PAGBABANAL NA HAPUNAN.

Ang mga GENTIL na naging KAANIB sa UNANG IGLESIA, ay hindi nagdiriwang ng KAPISTAHAN NG PASKUA, dahil hindi naman sila mga JUDIYO, ang HAPUNANG PANGPASKUA ay requirement lamang na gawin ng mga Judiyo. Narito ang dahilan:

Exodo 12:27  “Na inyong sasabihin: SIYANG PAGHAHAIN SA PASKUA NG PANGINOON, NA KANIYANG NILAMPASAN ANG MGA BAHAY NG MGA ANAK NI ISRAEL SA EGIPTO, nang kaniyang sugatan ang mga Egipcio, at iniligtas ang aming mga sangbahayan. At ang bayan ay nagyukod ng ulo at sumamba.”

Ang HAPUNANG PANGPASKUA ay isang PAGGUNITA sa ginawang PAGLAGPAS na kung tawagin sa English ay PASS OVER nung panahon ni Moises na pinatay ang lahat ng PANGANAY, at hindi nadamay ang mga anak ng bayan ng ISRAEL kundi ang mga panganay lamang ng mga EGIPCIO, dahil sa nilagpasan sila dahil sa paglalagay nila ng DUGO ng TUPA sa kanilang mga Pintuan.

Kaya sa dako ng mga GENTIL na hindi nagsasagawa ng HAPUNAN NG PASKUA ay sa PANAHON ng PAGTITIPON nila ito isinagawa:

1 Corinto 11:20 “Kaya’t sa inyong PAGTITIPON, hindi BANAL NA HAPUNAN ng Panginoon ang kinakain ninyo. [Ang Bagong Magandang Balita, Biblia]

Ito ‘yong talatang naibigay ko na sa iyo sa nakaraan, na kinagagalitan ni Apostol Pablo ang mga Cristiano sa Corinto, na nagsagawa ng BANAL NA HAPUNAN ng walang kaayusan na inakalang ito ay ORDINARYONG HAPUNAN lamang na kaya isasagawa ay para MABUSOG, kaya niya nasabi na hindi BANAL NA HAPUNAN ang kanilang kinain. Pero maliwanag niyang sinabi na iyan ay sa panahon ng PAGTITIPON.

At ang PAGTITIPON na isinasagawa ng mga UNANG CRISTIANO ay ang PAGSAMBA sa Diyos:

1 Corinto 14:26  “Ano nga ito, mga kapatid? PAGKA KAYO'Y NANGAGKAKATIPON ANG BAWA'T ISA SA INYO'Y MAY ISANG AWIT, MAY ISANG ARAL, MAY ISANG PAHAYAG, MAY WIKA, MAY ISANG PAGPAPALIWANAG. Gawin ninyo ang lahat ng mga bagay sa ikatitibay.”

Ang mga UNANG CRISTIANO na kabilang sa DAKO ng mga GENTIL, ay nagsagawa ng kanilang BANAL NA HAPUNAN sa kanilang PAGTITIPON o PAGSAMBA. 

Kaya ang INC ay ganun din, ISINABAY ANG BANAL NA HAPUNAN sa aming PAGSAMBA, gaya ng ginawa ng mga UNANG CRISTIANO, dahil tayo man ay hindi required na magsagawa ng HAPUNANG PANGPASKUA, dahil hindi naman tayo LAHING JUDIYO.

Ang PAGSAMBA ang may ABULOY, hindi ang BANAL NA HAPUNAN:

Hebreo 13:15-16  “Sa pamamagitan nga niya ay maghandog tayong palagi ng hain ng PAGPUPURI SA DIOS, sa makatuwid baga, ay ng bunga ng mga labi na nagpapahayag ng kaniyang pangalan. Datapuwa't ang paggawa ng mabuti AT ANG PAGABULOY ay huwag ninyong kalimutan: sapagka't sa mga gayong hain ang Dios ay totoong nalulugod.”

Sa panahon ng PAGPUPURI SA DIYOS, sa PANAHON ng PAGSAMBA ginagawa ang ABULUYAN, isinabay lamang ang BANAL NA HAPUNAN. Walang ABULUYAN ang BANAL NA HAPUNAN, NAGAABULOY kami sa PAGSAMBA, at hindi sa BANAL NA HAPUNAN.


Wednesday, March 5, 2014

Hapunan sa Umaga?




Kadalasang tinutuligsa ng kaibayo natin sa pananampalataya ay ang ukol sa ating Pagbabanal na Hapunan, bakit daw ginagawa ang banal na hapunan sa umaga, maliwanag daw na hapunan yon? Malaki ang pagkakaiba ng Banal na Hapunan sa ordinaryong Hapunan, ang ordinaryong hapunan ay kadalasang ginagawa natin upang tayo ay mabusog. Ganito ang sinabi ni Apostol Pablo.


1 Corinto 11:20 “Kaya’t sa inyong pagtitipon, hindi BANAL NA HAPUNANng Panginoon ang kinakain ninyo. [Ang Bagong Magandang Balita, Biblia]

1 Corinto 11:21 “Sapagka't sa inyong pagkain, ang bawa't isa'y kumukuha ng kanikaniyang sariling hapunan na nagpapauna sa iba; at ang isa ay gutom, at ang iba'y lasing.”

1 Corinto 11:22 “ANO, WALA BAGA KAYONG MGA BAHAY NA INYONG MAKAKANAN AT MAIINUMAN? o niwawalang halaga ninyo ang iglesia ng Dios, at hinihiya ninyo ang mga wala ng anoman? Ano ang aking sasabihin sa inyo? Kayo baga'y aking pupurihin? Sa bagay na ito ay hindi ko kayo pinupuri.”

Ang sabi ni Apostol Pablo “ Hindi banal na hapunan ng Panginoon ang kinakain ninyo” bakit nya sinabi ito, sapagkat ang bawat isa ay kumuha ng kanikaniyang sariling hapunan. Anu ang naging layunin ng mga unang Cristiano? Sila ay mabusog sa inakala nilang Ordinaryong hapunan lang ang kanilang ginagawa. Kaya ang sabi ni A. Pablo..”Wala baga kayong mga bahay na makakanan at maiinuman”? Anu ang ipinayo ni A. Pablo para matupad ang tunay na layunin sa Banal na Hapunan? Ganito ang kanyang pahayag.

1 Corinto 11:34 “KUNG MAY NAGUGUTOM, KUMAIN NA MUNA SIYA SA BAHAY upang hindi humantong sa hatol na kaparusahan ang inyong pagtitipon. Tungkol naman sa ibang mga bagay, saka ko na aayusin pagdating ko riyan.” [Ang Bagong Magandang Balita, Biblia]

Pinapakain muna ni Apostol Pablo ang mga kapatid sa kanilang bahay noon kung may nagugutom, baket nya ito ipinayo sa kanila? Upang hindi na humantong sa hatol na kaparusahan ang pagtitipon. Mahalaga po pala ang pagsunod at pagganap sa tunay na layunin ng Pagbabanal na Hapunan. Hindi ito katulad lang ng ordinaryong hapuan na ating karaniwang ginagawa araw araw.

Linawin nga natin para sa lahat ng sumusubaybay. Anu po ang marapat na maging layunin sa pagsasagawa ng Banal na Hapunan? Basahin natin ang sagot sa banal na kasulatan

1 Corinto 11:24 “At nang siya'y makapagpasalamat, ay kaniyang pinagputolputol, at sinabi, Ito'y aking katawan na pinagputolputol dahil sa inyo: GAWIN NINYO ITO SA PAGAALAALA SA AKIN.”

1 Corinto 11:25 “At gayon din naman hinawakan ang saro pagkatapos na makahapon, na sinasabi, Ang sarong ito'y siyang bagong tipan sa aking dugo: GAWIN NINYO ITO SA TUWING KAYO'Y MAGSISIINOM, SA PAGAALAALA SA AKIN.”

Ang liwanag po ng naka sulat.. ginagawa ang Banal na Hapunan upang alalahanin ang ating Panginoong Jesus hindi po sa layuning mabusog gaya ng karaniwang ginagawa sa literal na hapunan. Tinawag lang na “Banal na Hapunan” kaya maaaring isagawa ito sa umaga, tanghali o sa hapon.


Kaya HINDI APPLICABLE ang “ELEMENT OF TIME” sa pangalang o katawagang ito. Katulad ng mga halimbawa sa ibaba ng mga KATAWAGAN o SALITA na hindi APLIKABLE ang TINATAWAG NA “ELEMENT OF TIME”…

Katulad ng “SIMBANG GABI” na isinasagawa sa MADALING ARAW

Katulad ng salitang “MIRIENDA” na sa English ay AFTERNOON TEA, na puwede ring GAWIN SA UMAGA.

Ang salitang “NIGHT GOWN”, ay hindi nangangahulugang sa GABI MO LANG PUWEDENG ISUOT iyon. At kapag isinuot mo sa UMAGA ay hindi na siya NIGHT GOWN.

Iyong MUTA SA MATA na tinatawag sa ENGLISH na MORNING GLORY, pero hindi nangangahulugan na sa UMAGA ka lang puwedeng magkaroon nun.