PINATUTUNAYAN
NG BIBLIA na hindi si Cristo ang tunay na Diyos kundi ang Ama na lumalang ng
lahat ng bagay. Sa kabila nito, maraming tagapangaral ang gumagamit ng mga
talata ng Biblia para patunayan na si Cristo ay tunay na Diyos. Subalit, maging
ang ibang nagtataguyod ng paniniwala na si Cristo ay Diyos ay tinututulan ang
paggamit ng mga talatang ito para patunayan na si Cristo ay Diyos. Ayon sa
pag-aaral ng mga tumututol na ito, ang mga talatang tinutukoy ay hindi
mapagbabatayan na si Cristo ay Diyos kumuha tayo ng isang halimbawa.
Juan 10:30
"Ako at ang Ama ay iisa."
Ang sinabing ito ni Cristo ang isa sa mga talata ng Biblia na karaniwang ginagamit na katunayan na si Cristo ay Diyos. Subalit alam ba ninyo na maraming nasa hanay ng mga naniniwalang si Cristo ay Diyos ay tumututol na ang talatang ito ay katunayan ng diumano'y pagiging Diyos ni Cristo? Tunghayan natin ang pahayag ng isang paring Jesuita na si Stanley B. Marrow:
"Ako at ang Ama ay iisa."
Ang sinabing ito ni Cristo ang isa sa mga talata ng Biblia na karaniwang ginagamit na katunayan na si Cristo ay Diyos. Subalit alam ba ninyo na maraming nasa hanay ng mga naniniwalang si Cristo ay Diyos ay tumututol na ang talatang ito ay katunayan ng diumano'y pagiging Diyos ni Cristo? Tunghayan natin ang pahayag ng isang paring Jesuita na si Stanley B. Marrow:
"Gayunman, ang
malamang na hindi natin mapansin sa mga pananalitang ito ni Jesus ay, hindi
niya sinabi na 'Ako at ang Diyos ay iisa'. Ang buong dahilan kung bakit niya
sinabi iyon ay hindi upang angkinin sa sarili ang pagka-Diyos, kundi upang
linawin na ang kaniyang mis-yon bilang Siyang Anak ay upang isagawa ang
kalooban ng Ama na nagsugo sa kaniya (tingnan ang 4:34; 5:30). Sa pamamagitan
ng ganitong pagsunod sa kalooban ng Ama ay pinatutunayan niya ang kaniyang
pagiging tunay na Anak. Sa pamamagitan ng kaniyang buong-buong pagsunod ay
inihayag niya na ang Diyos ang kaniyang Ama. Dahil sa lubos na pagsang-ayon ng
kaniyang kalooban, dahil sa kaniyang pagsunod sa kalooban ng Ama kaya niya
nasabi na 'Ako at ang Ama ay iisa'." (The Gospel of John-A
Reading, p. 177)'
Ayon sa paring Jesuitang ito, hindi pinatutunayan ni Cristo na Siya ay Diyos nang Kaniyang sabihin, "Ako at ang Ama ay iisa." Ang pinatutunayan ni Cristo sa talatang ito ay kaisa Siya sa kalooban ng Diyos at ito'y pina-tunayan Niya sa pamamagitan ng Kaniyang pagsunod.
Ang isa pang naniniwala na Diyos si Cristo ay ang Protestanteng komentarista ng Biblia na si A.M. Hunter. Subalit sa kabila ng kaniyang paniniwalang ito, ayon sa kaniya, ang sinabi ni Cristo na "Ako at ang Ama ay iisa" ay hindi katunayan na si Cristo ay Diyos. Sang-ayon din siya na si Cristo ay kaisa ng Diyos sa kalooban at hindi sa kalagayan:
"... Ang
aking Ama at ako ay iisa. Ang kaisahan ay sa layunin sa halip na sa
kasiyangaan: 'Iniisip ng Anak ang mga nasa isipan ng Ama, at hinahangad ang
layon ng Ama, at gumagawa sa kapangyarihan ng Ama' ..." (The Cambridge Bible Commentary: The Gospel According to John,
Commentary, p. 107)2
Bakit kahit ang mga nagtataguyod ng aral na Diyos si Cristo ay tinatanggihan na
ang nasa Juan 10:30 ay katunayan na si Cristo ay Diyos?
Ang
iskolar ng Biblia na si Albert Barnes ay nagbigay ng komento sa talatang
nabanggit:
"30. Ako at ang aking Ama ay iisa. Ang salitang isinalin na 'iisa' [one] ay wala sa masculine [panlalaki] kundi nasa neuter gender [walang kasarian]. Ito'y naghahayag ng pagiging isa(union), subalit hindi tiyak ang uri ng union na iyon. Ito'ymaaaring maghayag ng anumang union, at ang partikular na uri na tinutukoy ay mahihinuha mula sa pagkakaugnay. Sa naunang talata ay sinabi niya na siya at ang kaniyang Ama ay nagkakaisa sa iisang layon—alala-ong baga'y sa pagtubos at pangangalaga sa kaniyang bayan. Ito ang diwa ng kaniyang pangungusap." (Barnes' Notes—Notes on the New Testament, p. 293)3
Si Albert Barnes ay isang iskolar sa Biblia at ministro
ng Presbyterian Church. Ang iglesiang kaniyang kinabibi-langan ay
naniniwala na si Cristo ay Diyos. Ngunit itinu-turo niya na ang nasa Juan 10:30
ay hindi katunayan na si Cristo ay Diyos. Ayon sa kaniyang pag-aaral, sa wikang
Griyego, ang salitang "iisa" na nasa Juan 10:30 ay hindi masculine
kundi neuter na tumutukoy sa pagkakaisa, hindi sa kalagayan kundi sa layunin.
Narito pa ang karagdagang patotoo ukol sa isyung ito ng mga nasa hanay ng mga naniniwala na si Cristo ay Diyos:
Narito pa ang karagdagang patotoo ukol sa isyung ito ng mga nasa hanay ng mga naniniwala na si Cristo ay Diyos:
"Ang salita para sa
'isa' ay ang neuter na hen, at hindi ang masculine na heis: Si Jesus at ang
kaniyang Ama ay hindi iisang persona, gaya ng ibig ipakahulugan ng masculine
... si Jesus at ang kaniyang Ama ay lubos naiisa sa pagkilos, sa kanilang
ginagawa ..."(The Pillar New
Testament Commentary: The Gospel According to John, p. 394)4
"Ang 'iisa' ay neuter, 'iisang bagay', at hindi 'isang persona'. Hindi ipinahahayag dito ang pagkakatulad kundi ang mahalagang pagkakaisa." (The New International Commentary on the New Testament, p. 522)5
"Totoong ipinahayag ni Jesus, 'Ako at ang aking Ama ay iisa', (Juan 10:30). Subalit hindi ito nangangahulugang si Jesus at ang Kaniyang Ama ay iisang Persona ... dahil ang Griyegong neuter na hen ('iisa') ang ginamit ng apostol na si Juan sa halip na ang masculine na heis; kaya ang mahalagang pagkakaisa ang tinutukoy, hindi ang lubos na pagkakatulad."(Systematic Theology: A Pentecostal Perspective, p. 174)6
"Ang 'iisa' ay neuter, 'iisang bagay', at hindi 'isang persona'. Hindi ipinahahayag dito ang pagkakatulad kundi ang mahalagang pagkakaisa." (The New International Commentary on the New Testament, p. 522)5
"Totoong ipinahayag ni Jesus, 'Ako at ang aking Ama ay iisa', (Juan 10:30). Subalit hindi ito nangangahulugang si Jesus at ang Kaniyang Ama ay iisang Persona ... dahil ang Griyegong neuter na hen ('iisa') ang ginamit ng apostol na si Juan sa halip na ang masculine na heis; kaya ang mahalagang pagkakaisa ang tinutukoy, hindi ang lubos na pagkakatulad."(Systematic Theology: A Pentecostal Perspective, p. 174)6
Maliwanag sa patotoo mismo ng mga naniniwala na si Cristo ay Diyos na ang sinabi ni Cristo na "Ako at ang Ama ay iisa" sa Juan 10:30 ay hindi mapagbabatayan na si Cristo ay Diyos.
right,, tama po ang paliwanag ninyo sa talatang iyan, JOHN 10:30, gnyan din po ang pagkaintindi ko.. Kaya lng may talata o bahagi sa bibliya na nagpapatunay na ang ama(DIYOS) at anak(JESUS) ay iisa..,
ReplyDelete1.) HULA:
Isaiah 40:3 May tinig na sumisigaw sa ilang “Ipaghanda si YHWH ng daan sa ilang; Isang patag at matuwid na lansangan para sa ating Diyos.
(IPAGHANDA DAW PO ANG DIYOS NG DAAN).
KATUPARAN:
JOHN 1:23 Sumagot si Juan “AKO ang tinig ng isang sumisigaw sa ilang: Tuwirin ninyo ang daraanan ng Panginoon!” Ang Propeta Isais ang may sabi nito.
INAMIN NI JUAN na SIYA ANG TINIG at yan daw ang prophecy ni Isaiah.
tanong sino ba si juan? siya yung naghanda ng daraanan ni jesus...
SO MALIWANAG NA SI YHWH(ama) AT SI JESUS AY IISA.
2.) ISAIAS 9:6
Sapagkat sa atin ay ipinanganak ang isang bata, sa atin ay ibinigay ang isang anak na lalake; at ang pamamahala ay maaatang sa kaniyang balikat, at ang kaniyang pangalan ay tatawaging Kamangha-mangha,Tagapayo, Makapangyarihang Diyos, Walang Hanggang AMA, Pangulo ng Kapayapaan.
(SO SI JESUS ANG BATANG IPANGANGANAK SA HULA NA ITO,, Makapangyarihang diyos daw siya at walang hanggang ama)
madami pa sa bible ang nagpapatunay na si jesus at ang ama ay iisa...
ANO KAYO NGAYON ???
at ang pamamahala ay maaatang sa kaniyang balikat, at ang kaniyang pangalan ay tatawaging Kamangha-mangha,Tagapayo, Makapangyarihang Diyos, Walang Hanggang AMA, Pangulo ng Kapayapaan.
Deleteat ang PAMAMAHALA ay maatang sa kaniyang balikat, which means the subject is ang AMA,
intindihin po maigi..alangan nman ang pamamahala=anak sino ang nka atang sa kaniyang balikat?=anak ulit? ganito b intindi mo? "at ang anak ay maatang sa kaniyang balikat"?
saang talata po yan?..
Deleteintindihin mung mabuti yung talata brod.!!!sino po ba yung tinutukoy na bata diyan?diba ang anak?which means s kamay ng anak nakasalalay ang pamamahala ng mundong ito.,
Deletemaaatang present tense brod.,cnu po ba yung pinopropisiya jn?diba yung anak?
Leo Ampongan: Hula yan sa Isaias, at nagkatotoo, kung saan kinikilala at tinatawg ninyong Diyos ang Panginoong Hesus, subalit, nakasaad sa Mateo 7:21 “Hindi lahat ng tumatawag sa akin, ‘Panginoon, Panginoon,’ ay papasok sa kaharian ng langit, kundi ang mga taong sumusunod sa kalooban ng aking Ama na nasa langit."
DeleteTamah po Ang pagkakapaliwanag ninyo, marami sa Bible na sinabi Kung ano si Jesus siyang PANGINOONG DIYOS naten at Wala NG iba. Si Jesus ay di PO Tao.
DeleteShare ko Lang din PO Ang panaginip ko about Kay JESUS na sinabi Kung paano maliligtas Ang Tao. Tatlong bagay Lang PO.
Delete1. Huwag MAGTANIM NG GALIT
2. MATUTONG MAGPATAWAD
3. KILALANIN na JESUS Ang Panginoon Diyos at Wala NG iba
Di ba PO malinaw na may subject na po agad na Ako / Ama Kya inemphasized na po ung "Iisa" ay pagkakakilanlan sa subject. Magiging nueter lng PO Kung sinabi na "NAGKAKAISA" e malinaw PO Ang talata na "AKO at Ang AMA ay IISA".so ibig sabihin sa persona Hindi sa gawa Lang. based po sa wisdom NG Holy Spirit na ginawad saken.
Deletebakit di mo ituloy ang pagbasa ssa baba?sa luklukan ni David? paano mo nasabing si Cristo ang tinutukoy na "walang hanggang Ama" eh hindi naman nagkaroon kahit isang Anak si Cristo? kung siya ang Dios at siya parin ang walang hanggang Ama,sino yung Ama na tinutukoy niya sa Juan 17:1-3 ??? ibig ba sabihin binuboladas lang tayo no Cristo? Ama dumating na ang oras luwalhatiin mo ang anak upang ikaw ay luwalhatiin ng anak...
Deleteat ito ang buhay na walang hanggan na ikaw ay makilala nila na IISANG DIOS na TUNAY...ikaw pero siya pala ang walang hanggang Ama? isip isip kung meron ka?
Si Jesus po ba ang tinutukoy na YAHWEH sa Isaias 40:3? siya ba yung ipaghahanda ni Juan ng Daan?
DeleteSagutin natin ang kumento ng ating kaibigan na matiyagang nagbasa ng ating post.:
ReplyDeleteIto po ang kaniyang unang sinabi:
HULA:
Isaiah 40:3 May tinig na sumisigaw sa ilang “Ipaghanda si YHWH ng daan sa ilang; Isang patag at matuwid na lansangan para sa ating Diyos.
(IPAGHANDA DAW PO ANG DIYOS NG DAAN).
KATUPARAN:
JOHN 1:23 Sumagot si Juan “AKO ang tinig ng isang sumisigaw sa ilang: Tuwirin ninyo ang daraanan ng Panginoon!” Ang Propeta Isais ang may sabi nito.
INAMIN NI JUAN na SIYA ANG TINIG at yan daw ang prophecy ni Isaiah.
tanong sino ba si juan? siya yung naghanda ng daraanan ni jesus...
SO MALIWANAG NA SI YHWH(ama) AT SI JESUS AY IISA.
SAGOT:
Hindi po sinasabi ng talata sa Isaias at Juan na si Jesus ay ang siyang Diyos. Ito po ay isang malaking kamalian. Kung ating mapapansin ang tetragamaton na YHWH ay may katumbas na Panginoon sa ibang salin ito po ay tumutukoy sa ating Panginoong Jesucristo. At ang Diyos po sa kabilang hanay ng salita ay tumutukoy sa Ama. Paano po natin nasabing magkaiba ay tinutukoy sa talata at hindi iisa lang.. sapagkat sa maraming talata ng Biblia ay nagpapatunay na magkaiba ang Diyos at ang Ating Panginoong Jesus. Ditto natin pasimulang bumasa.
Juan 14:28 “Narinig ninyo kung paanong sinabi ko sa inyo, Papanaw ako, at paririto ako sa inyo. Kung ako'y inyong iniibig, kayo'y mangagagalak, dahil sa ako'y pasasa Ama:sapagka't ang Ama ay lalong dakila kay sa akin.”
Ang sabi ni Jesus ang Ama ay lalong dakila kaysa kanya. Kaya magka iba po sila. Basa pa tayo ng ilang mga talata.
Mat 16:15-17 “Kaniyang sinabi sa kanila, Datapuwa't, ano ang sabi ninyo kung sino ako? At sumagot si Simon Pedro at sinabi, Ikaw ang Cristo, Ang anak ng Dios na buhay. At sumagot si Jesus at sa kaniya'y sinabi, Mapalad ka, Simon Bar-Jonas: sapagka't hindi ipinahayag sa iyo ito ng laman at ng dugo, kundi ng aking Ama na nasa langit.
Maliwanag na sinabi ni Cristo na mapalad ang kumikilala sa kaniya bilang Anak ng Diyos sapagkat ito ay sinabi ng Ama na nasa langit. Kailan man ay hindi ipinakilala ni Cristo na siya ang Ama.
Kung sinabi sana sa talata ay ganito: “Ako at ang Ama ay iisang Diyos” wala na sanang paguusuapan eh, kaso nga dahil sa ang sabi nga niya ay: “Ako at ang Ama ay iisa”, ay diyan natin kailangang matiyak kung ano ang ibig niyang sabihin, at atin ngang nalaman na ang ibig lamang sabihin ni Cristo ay iisa sila ng Ama sa pangangalaga ng mga tupa.
Ating pang patunayan na hindi komo sinabing "iisa" ay iisa talaga sa bilang o single body or entity, kumuha tayo ng kamukhang talata:
1 Corinto 3:8 “Ngayon ang nagtatanim at ang nagdidilig ay iisa: nguni't ang bawa't isa ay tatanggap ng kaniyang sariling kagantihan ayon sa kaniyang sariling pagpapagal.”
Oh hayan mga kaibigan maliwanag na sinabi diyan na “ang nagtatanim at nagdidilig ay iisa”,kung susundan natin ang kanilang argument at pagkaunawa lalabas niyan sa talatang iyan na iyong nagtatanim siya din yung nagdidilig hindi po ba?
Iisa nga lang ba iyong nagtatanim at nagdidilig? Basahin natin:
1 Corinto 3:6 “Ako ang nagtanim, si Apolos ang nagdilig; nguni't ang Dios ang siyang nagpalago.”
Kita ninyo mga kaibigan, ang sabi ni Apostol Pablo siya ang nagtanim at si Apolos ang nagdilig, eh di maliwanag ngayon iyan na hindi komo sinabi na “iisa” yung dalawa ay “iisa” ang bilang. Diyan kasi sila nalilito eh. Dahil napakalabo naman yatang isipin na si Apolos ay si Apostol Pablo din.
Paano pa natin napatunayan na mali ang kanilang pananaw sa talatang kanilang sinisitas upang patunayan di umanoy si Jesus at ang Ama ay iisa. Sapagkat si Jesus po ang Daan Papunta sa Ama. Basahin natin ang nakasulat sa talata
Juan 14: 6 Sinabi sa kaniya ni Jesus, Ako ang daan, at ang katotohanan, at ang buhay: sinoman ay di makaparoroon sa Ama, kundi sa pamamagitan ko.
Panu lalakad ang tao sa daan kung ang daan at ang patutunguhan ng daan ay iisa? Napaka simple pero Malabo ang katotohanang ito sa mga nabulag ng diyablo. Si Cristo ang Daan sinuman ay hindi makakapunta sa Ama, kundi sa pamamagitan lamang niya.
Yung post nyo puro kontra lang dun sa mga nasa ibang pananampalataya. Sana kumuha ka ng talata na sumusuporta sa sinasabi mo na kontra sa nasa talata. Kung itutuloy mo lang yung nasa biblia, nandun na yung katunayan na si Kristo ay Dios eh. Mabuti pa yung mga Judio, naintidihan siya pero kayo hindi nyo matanggap na Dios ang Panginoong Hesukristo.
Delete(Joh 10:30) Ako at ang Ama ay iisa.
(Joh 10:31) Nagsidampot uli ng mga bato ang mga Judio upang siya'y batuhin.
(Joh 10:32) Sinagot sila ni Jesus, Maraming mabubuting gawa na mula sa Ama ang ipinakita ko sa inyo; alin sa mga gawang yaon ang ibinabato ninyo sa akin?
(Joh 10:33) Sinagot siya ng mga Judio, Hindi dahil sa mabuting gawa ay binabato ka namin, kundi sa pamumusong; at sapagka't ikaw, bagaman ikaw ay tao, ay nagpapakunwari kang Dios.
(Joh 10:34) Sinagot sila ni Jesus, Hindi baga nasusulat sa inyong kautusan, Aking sinabi, Kayo'y mga dios?
(Joh 10:35) Kung tinawag niyang mga dios, yaong mga dinatnan ng salita ng Dios (at hindi mangyayaring sirain ang kasulatan),
(Joh 10:36) Sinasabi baga ninyo tungkol sa kaniya, na pinabanal ng Ama at sinugo sa sanglibutan, Ikaw ay namumusong; sapagka't sinasabi ko, Ako ang anak ng Dios?
Nadaig pa kayo ng mga Judio dhl naintndhan nila c Kristo.
Kung kayo pala ay nabuhay sa panahon ng Panginoong Hesus ay malamg katulad ng mga Judio ay batuhin nyo rin ang Panginoong Hesus dahil para sa inyo ay nagkukunwari lang siyang Diyos. Joh 10:31) Nagsidampot uli ng mga bato ang mga Judio upang siya'y batuhin.
Delete(Joh 10:32) Sinagot sila ni Jesus, Maraming mabubuting gawa na mula sa Ama ang ipinakita ko sa inyo; alin sa mga gawang yaon ang ibinabato ninyo sa akin?
(Joh 10:33) Sinagot siya ng mga Judio, Hindi dahil sa mabuting gawa ay binabato ka namin, kundi sa pamumusong; at sapagka't ikaw, bagaman ikaw ay tao, ay nagpapakunwari kang Dios.
Isaias 9:6
ReplyDelete“Sapagka't sa atin ay IPINANGANAK ANG ISANG BATA, sa atin ay ibinigay ang isang ANAK NA LALAKE; at ang pamamahala ay maaatang sa kaniyang balikat: at ANG KANIYANG PANGALAN AY TATAWAGING Kamanghamangha, Tagapayo, MAKAPANGYARIHANG DIOS,
WALANG HANGGANG AMA,
Pangulo ng Kapayapaan.”
Atin pong pansin, "Ang kanyang pangalan"
Samakatuwid ang mga salitang:
KAMANGHAMANGHA, TAGAPAYO, MAKAPANGYARIHANG DIOS,
WALANG HANGGANG AMA, PANGULO NG KAPAYAPAAN.”
Ay hindi tumutukoy sa bata kundi sa kaniyang PANGALAN, maliwanag kung gayon na ang PANGALAN na ipantatawag sa bata ay ang may LITERAL MEANING o ang siyang may katumbas ng mga salitang nabanggit at hindi ang mismong bata ang tinutukoy ng mga salitang ito. Ano ang katangian ng Dios na kanilang malalabag kung ipagpipilit na Dios ang ipinanganak? ganito po.
Bilang 23:19
“ANG DIOS AY HINDI TAO na magsisinungaling, NI ANAK NG TAO na magsisisi; Sinabi ba niya, at hindi niya gagawin? O sinalita ba niya, at hindi niya isasagawa?”
Malinaw na ang Dios po ay Hindi anak ng tao.Anu pala yung tinutokoy na PANGALAN?
Ating tunghayan sa isang salin ng Biblia na inilathala ng mga JUDIO:
Sa Filipino na po :
Isaias 9:6
“Sa atin ay ipinanganak ang isang bata, isang anak na lalake ay ibinigay sa atin; at ang pamamahala ay nasasa kaniyang balikat; at ang kaniyang pangalan ay tatawaging PELE- JOEZ-EL- GIBBOR-ABI-AD-SAR-
SHALOM” [ [The Jewish Publication Society, 1917 ]
Ang pangalang PELE- JOEZ-EL- GIBBOR-ABI-AD-SAR-SHALOM , ay isa sa mga PANGALAN ng Panginoong JESUS o iyong tinatawag sa English na THEOPHORIC NAME .
Ano ba ang ibig sabihin ng salitang THEOPHORY?
"Theophory [1] refers to the practice of embedding the name of a god or a deity in, usually, a proper name. Much Hebrew theophory occur s in the Bible , particularly in the Old Testament ..."
Source:
http://en.wikipedia.org/wiki/Theophory_in_the_Bible
Ang THEOPHORY ay ang paglalagay ng PANGALAN ng Diyos sa PANGALAN na itinatawag sa TAO.
Dahil may mga PANGALAN sa Biblia na nagtataglay ng PANGALAN ng Diyos, Mga halimbawa:
Ezrael – Help of God
ReplyDeleteGabriel, Gavriel – Man of God, God has shown Himself Mighty, Hero of God or Strong one of God
Gaghiel – Roaring Beast of God
Gamaliel – Reward of God
Hamaliel – Grace of God
Hanael – Glory of God
Immanuel – God with us
Imriel – Eloquence of God
Iruel – Fear of God
Ishmael, Ishamael – Heard by God, Named by God , or God Hearkens
Yisrael – Struggles with God or Prince of God
Elijah (Elias) – Whose God is Jah, God Jah , The Strong [dubious – discuss ] Jah , God of Jah, My God is Jah. Reference to the meaning of both ( Eli)-( Jah)
Isaiah – Salvation of Yahweh
Jeremiah – "Raised by YahwehYahweh exalts"Yahweh Appointed""Yahweh's Chosen"
Jeshaiah – Salvation of Yahweh
Ang mismong PANGALAN ni JESUS:
Yehoshua ( Joshua, Jesus) – Yahweh saves, Yahweh is Savour, Yahweh is my Salvation
Kaya nga ang banggit ay ANG KANIYANG PANGALAN at hindi sinabi na ANG KANIYANG MGA PANGALAN, dahil ang PELE-JOEZ-EL- GIBBOR-ABI-AD-SAR-SHALOM , ay ISANG MAHABANG PANGALAN LAMANG, wala itong tuldok ni kuwit sa pagitan.
Kaya isang pagkakamali ang naggawa ng mga nagsipagsalin ng Biblia na isalin ang LITERAL na KAHULUGAN nito sa wikang ENGLISH at iba pa. Tama ang ginawa ng mga Judio na pinanatili ang Orihinal nitong anyo sa Wikang Hebreo . Dahil sa ito ay ISANG PANGALAN, at hindi ISANG PANGUNGUSAP.
Ang PELE-JOEZ-EL-GIBBOR- ABI-AD-SAR-SHALOM ay Isang THEOPHORIC NAME na ipinantatawag kay JESUS, tulad ng kaniyang isa pang THEOPHORIC NAME na EMMANUEL, na may LITERAL MEANING na
“SUMASAATIN ANG DIYOS” .
Pero hindi nangangahulugan na si Cristo ang Diyos na sumaatin, kundi kahulugan lamang ng kaniyang
PANGALAN iyon, Sapagkat niliwanag ni Cristo iyan:
Juan 8:28-29
“Sinabi nga ni Jesus, Kung maitaas na ninyo ang Anak ng tao, saka ninyo makikilala na ako nga ang Cristo, at WALA AKONG GINAGAWA SA AKING SARILI, KUNDI SINALITA KO ANG MGA BAGAY NA ITO, AYON SA ITINURO SA AKIN NG AMA. AT ANG NAGSUGO SA AKIN AY SUMASA AKIN; hindi niya ako binayaang nagiisa; SAPAGKA'T GINAGAWA KONG LAGI ANG MGA BAGAY NA SA KANIYA'Y NAKALULUGOD.”
Maliwanag kung gayon na ang DIYOS na SUMAATIN ay hindi si Cristo kundi ang AMA na NAGSUGO sa KANIYA Kaya nga hindi komo ganun na ang kahulugan ng isang PANGALAN ang ibig sabihin noon ay iyon na rin ang kalagayan nung tinatawag sa PANGALANG iyon.
Kumuha pa tayo ng isa pang halimbawa:
ReplyDeleteIsaias 8:1
“At sinabi ng Panginoon sa akin, Kumuha ka ng malapad na tabla, at sulatan mo ng panulat ng tao, Kay MAHER-SALALHASH- BAZ;”
Kung isasalin ang MAHER- SALALHASH-BAZ sa English ay MAKE HASTE TO PLUNDER, na sa TAGALOG ay:
MAGMADALI UPANG MAKAPANGULIMBAT o MAKAPAGNAKAW.
Kung ating uunawain iyan gaya ng kanilang pagintindi sa ISAIAS 9:6 na dahil sa iyan ang meaning nung pangalan ng ANAK ni ISAIAS hindi ba lalabas niyan na ang ANAK ni Isaias ay isang MAGNANAKAW ?
Lagi po nating TATANDAAN na iba ang KAHULUGAN ng PANGALAN sa KALAGAYAN ng taong PINATUTUNGKULAN. IBA ANG MAY KATANGIAN ng mga sumusunud :
WALANG HANGANG AMA
1 Timoteo 1:17
"Ngayon sa Haring walang hanggan, walang kamatayan, DI NAKIKITA, sa iisang Dios, ay ang kapurihan at kaluwalhatian magpakailan kailan man. Siya nawa."
Alam naman nating ang walang hanggang AMA ,yun pala ang Dios na walang kamatayan at Di nakikita,sapagkat siya ay Espirito (juan 4:24) at si Cristo taoNg tao na nagmula at narinig mula sa Dios.(juan8:40)
MAKAPANGYARIHANG DIOS
Genesis 35:11
“At sinabi sa kaniya ng Dios, ako ang Dios na Makapangyarihan sa lahat;..”
Ang tunay na Dios makapangyarihan sa lahat, magagawa ang lahat ng bagay at walang imposible.
Matthew 19:26
" Tiningnan sila ni Jesus at sinabi,“Hindi ito magagawa ng tao,ngunit
magagawa ng Diyos ang lahat ng bagay.
Lucas 1:37
"Ito ay sapagkat sa Diyos ay walang anumang bagay na hindi mapagyayari"
Paanu ni Cristo maipakilala ang tunay at iisang Dios. sarili Ba nya? ganito ang mababasa :
Juan 17:1, 3
Ang mga bagay na ito ay sinalita ni Jesus; at sa pagtingala ng kaniyang mga mata sa langit, ay sinabi niya, Ama, dumating na ang oras; luwalhatiin mo ang iyong Anak, upang ikaw ay luwalhatiin ng Anak: At ito ang buhay na walang hanggan, na ikaw ay makilala nila na iisang Dios na tunay, at siyang iyong sinugo, sa makatuwid baga'y si Jesucristo.
Kaya po malinaw po na malinaw kung paanu po Makikilala ang iisan Dios na tunay.na yun ang ipinakilala ni Cristo.
Kaya po ang mga Iglesia Ni Cristo.patuloy sa paghikayat sa lahat na makinig sa aral sa Loob ng Iglesia Ni Cristo upang malaman ang mga katotohanan. Sa Pakikinig ng mga salita ng Dios, Dito natin malaman ang katotohanan.
Roma 10:17
“Kaya nga ang paniniwala'y nanggagaling sa pakikinig, at ang pakikinig ay sa pamamagitan ng salita ni Cristo.”
Purihin ang Diyos salamat sa kaniyang mga salita na totoong nagliwanag.
Kelan pa nagbunga ng kamatis ang mangga????
DeleteMalinaw sa John 3:16 na ibinigay nya ang kanyang Bugtong na anak sa sanlibutan...
syempre jung anak sya ng DIYOS siya din ay ISANG DIYOS.. Virgin si Marry ng mabuntis siya Ndi sya nanggaling sa TAO kundi sa Diyos, .
John 14:6-7
" 6Jesus said to him, "I am the way, and the truth, and the life; no one comes to the Father but through Me. 7"If you had known Me, you would have known My Father also; from now on you know Him, and have seen Him."
Kung nakita mo na daw si HESUs nakita mo na din ang AMA..... ikaw na din ang nagsabi na
sa panginoon Diyos ay walang imposible... sinabi na nga nya na sya at ang ama ay iisa,, kokontrahin nyu pa???? kaya nyang maging TAO, kaya nyang maging APOY o kahit ano mang gustuhin nya.... Kanino ba kau maniniwala?? sa Tao??? sa ministro nyo??? ano ba ang nagawa ng ministro nyo na nkakamamangha??? O kay HESUS na tumubos ng kasalanan mo!, Bumuhay ng PATAY, nagpalakad sa mga pilay, nakakita ang mga BINGI, nabuhay matapos ng 3 araw!! sige KAYA BA ng tao yan???? mas maniniwala kau jan sa ministro nyo na syang
tao lamang, ndi nya kayang Arukin ang KAKAYAHAN AT KAPANGYARIHAN NG DIYOS!
Pareho namang tama ang sinasabi ng ninyong dalawa kaya lang di kayo magkaintindihan kasi yong iglesia ni manalo naka tuon ang kanyang paniniwala noong si kristo ay kasalukuyang nasa lupa at nangangaral at pinakikilala ang ang diyos ama dahil sa sinugo sya ng ama.hanggang doon lang ang argumento ng iglesia ni manalo at ikaw naman kapatid at nasa panahon na sinugo si kristo sa lupa hanggang umakyat sa langit ...kaya di kayo mag tugma....tumigil kasi si manalo sa panahong nag katawang tao si kristo.....di na sila nag move on kasi mamamali ang doctrina nila....kaya tao lang si kristo sabi nila...ang tanong ko naman kung tao si kristo ilang libong taon na ang edad nya?saan ba sya nakatira ngayon? sa lupa ba o sa langit?kung sa langit meron bang taong mortal na nakatira doon?pakisagot nga po iglesia ni manalo....
Deleteang Dios po ay hindi kamatis o mangga, Si Cristo po ay anak ng Dios at Ipinanganak din ni Maria, ngayun Si maria po ay hindi Dios kahit anak niya si jesus, si david, Moises, Jacob, adan, kahit sinong tao na kinilalang anak ng DIOS ay anak din PO ng Dios nguniot kailan may hindi magiging Dios sapagkat Iisa lamang ang Dios, hindi po pamilya o angkan ang pagka Dios, at hindi rin Hybrid ang Dios, Maliwanag po na iisa ang tunay na Dios na ipinakilala ni cristo ANG AMA na siyang Dios ni Cristo.
DeleteAng tanong papayag ba ang diyos na siya ay tao? Oseas 11:9; Ezekiel 28:2.. Ang Diyos ay hindi tao at ang tao ay hindi Diyos..
DeleteAng Diyos ay hindi nababago (Malakias 3:6) oh sabihin mo kaya ng Diyos na magiging tao Siya? Oo kaya pero hindi siya papayag.
Yun ay pahayag ng Biblia at hindi sa Ministro.
Kung papayag siya na maging tao bakit pa Niya sasabihin "ako'y Diyos at hindi tao" ni sasabihing "ikaw ay tao at hindi Diyos"?
Pag isipan mo yan
Mark 16:19
Delete[19] Ang Panginoong Jesus nga, pagkatapos na sila'y mangakausap niya, ay tinanggap sa itaas ng langit, at lumuklok sa kanan ng Dios.
Sa talata pong ito patay na po ang panginoong jesus cristo, at muling nabuhay pagkatapos ng tatlong araw, at umakyat sa langit.
Unang una po iisa lang ang tunay na diyos, ayan po ang paniniwala nating lahat, Pero bakit pagkaakyat po ng panginoong jesus cristo sa langit ay sa kanan ng diyos sya lumuklok hindi po ba? Ang luklukan po ng diyos ay nasa gitna, kung ang panginoong jesus cristo po at ang AMA ay iisa ng kalagayan, ibig sbhn po ba na dalawa ang kinikilala ninyong diyos?.
Pangalawa, ang panginoong jesus cristo po ang tagapamagitan ntn sa AMA, tama po ayan din ang paniniwala ntng lahat, kung ang tagapamagitan at ang AMA ay iisa ng kalagayan edi dalawa na ang diyos na tinutukoy ninyo?
Pangatlo, ang panginoong jesus cristo ang daan na patungo sa kaligtasan, kung ang daan at ang AMA ay iisa ng kalagayan ulit, dalawa na rin ang diyos na tinutukoy ninyo?
Pasensya na po wala akong maibibigay na talata ng bibliya dhl hindi nmn ako ganun kagaling magmemorya ng mga talata ng bibliya.
Yun lang salamat sa pagbabasa
At Pag may nakita ka sa BIBLe na nagsasabi na ang sinabi na HESUS na hindi sya ang DIYOS eh d sige panalo na kau at aanib ako sa samahan nyu!! wala syang sinabi na wag nyo akong sambahin dahil hindi ako ang DIYOS
ReplyDeleteSasagutin ko po yung katanungan patungkol sa pagsamba sa panginoong Jesu-Cristo.
DeleteBakit nga ba Sinasamba si Cristo dahil sya ba ay Diyos? ano ang paliwanag ng bibliya patungkol dito?
Filipos 2:10(ADB)
Upang sa pangalan ni Jesus ay iluhod ang lahat ng tuhod, ng nangasa langit, at ng nangasa ibabaw ng lupa, at ng nangasa ilalim ng lupa.
Pansinin po ninyo sinabi sa Talata sa PANGALAN ni Jesus ay iluhod ang lahat ng tuhod.
ang kahulugan ng PANGALAN na binabanggit sa talata ay CRISTO (Gawa 4:10).
"iluhod ang lahat ng tuhod" sa ibang salin ng bibliya nakalagay "luluhod sa pagsamba"(ASD)
Ngayon tama po na nakasulat sa biblia na dapat sambahin ang panginoong Jesu-Cristo
ang Katanungan ay kung bakit? dahil sya ba ay DIYOS ito ang sabi ng Bibliya
Filipos 2:9-11 (ADB)
Kaya siya naman ay pinakadakila ng Dios, at siya'y binigyan ng pangalang lalo sa lahat ng pangalan; Upang sa pangalan ni Jesus ay iluhod ang lahat ng tuhod, ng nangasa langit, at ng nangasa ibabaw ng lupa, at ng nangasa ilalim ng lupa,At upang ipahayag ng lahat ng mga dila na si Jesucristo ay Panginoon, sa ikaluluwalhati ng Dios Ama.
UNA sabi sa talata “SIYA ay Pinadakila ng Diyos”
Kung si Cristo at ang Ama ay iisang Diyos sino ang Diyos na tinutukoy nagpadakila sa Kanya?
Pangalawa Siya’y binigyan ng pangalang lalo sa lahat ng pangalan
Ang pangalang Cristo ay binigay kay Jesus
At Pangatlo Higit sa Lahat
Ang Pangalang Ibinigay sa Panginoong Jesu-Cristo ang syang Sasambahin
Para ano? Ang sabi ng bibliya
"sa IKALULUWALHATI ng Diyos (AMA)"
Maliwanag na sinasabi ng Bibliya sinasamba si Cristo hindi dahil sya ay diyos
Kundi sya ay pinadakila ng Diyos at binigyan ng pangalang mas higit sa lahat para sambahin sa ikaluluwalhati din naman ng Diyos .
Ngayon ibabalik ko sa inyo ang katanungan saan mababasa sa biblia na sambahin ang panginoong jesu- Cristo dahil sya ay Diyos?
Hi. Pakitignan na lng po ito. Para po ito sa mga taga INC. http://www.trueiglesia.org/
ReplyDeleteSi "Hesus''ang alpha at omega,tagapagligtas,Kordero ng Diyos na Diyos ng lahat at Ama ng lahat ng tao.Mula sa angkan ni David..yan ang naglalarawan kay Hesus sa bibliya,.Sige,wag ninyong sambahin si Hesus,at sinasabi ko sa inyo!Hindi ninyo makakamtan ang buhay na walang hanggan sa piling ng Amang nasa langit.. Ako at ang ama ay iisa",bakit sinabi ng Panginoong Hesus ito? Dahil ang Diyos ay sumasakanya. Lahat ng sinasabi ng Panginoong Hesus ay nanggagaling sa Diyos.Nagsasalita ang Diyos sa pamamagitan ng Panginoong Hesus.
ReplyDeleteJuan 12:44-50
At malakas na sinabi ni Hesus,"Ang nananalig sa akin ay hindi lamang sa akin nananalig kundi pati sa nagsugo sa akin,at ang nakakakita sa akin ay nakakakita din sa kanya.Ako'y naparito bilang ilaw ng sanlibutan,upang hindi manatili sa kadiliman ang nananampalataya sa akin. Kung mapakinggan ninuman ang aking mga salita ngunit hindi niya tuparin ito,hindi ko siya hahatulan,Sapagkat naparito ako hindi upangf hatulan ang sanlibutan kundi upang iligtas ito.May hahatol sa sinumang magtakwil sa akin at hindi tumanggap sa aking mga salita:ang salitang ipinahayag ko ang hahatol sa kanya sa huling araw. Sapagkat hindi ako nagsalita sa ganang sarili ko lamang, kundi ang Amang nagsugo sa akin ang siyang nag-utos kung ano ang aking sasabihin at ipapahayag.At alam kong ang kanyang utos ay nagbibigay ng buhay na walang hanggan.Kaya't ang ipinapasabi ng Ama ang siya kong sinasabi..
Marami ang nagdedebate tungkol kay Hesus at sa Diyos.Mateo 1:23 "Maglilihi ang isang berhen at manganganak ng isang lalaki,at tatawaging Emmanuel"kahuluga"y kasama natin ang Diyos, Dito pa lang ay sinasabi na ng Panginoon sa pamamagitan ng propeta na ipapanganak ang Diyos mula sa isang Berhen.Kung iintindihin po natin ito,ilalarawan ni Hesus ang Diyos sa pamamagitan niya,hindi sa pagiging tao o sa itsura niya kundi sa mga gawa niya na lahat ng bagay na imposible sa isang tao ay posible kay Hesus bilang Diyos.
kay mr. capuz saan talata ng biblia na kaylangan sambahin si jesus dahil siya ay alpha at omega? si jesus ay sinasamba dahil utos ng dios na sambahin siya at iyan ay nakasulat sa filipos 2:9-11. iyon pbang sinugo at nagsugo iisa lang b saan pong tlta ng biblia? iyon pong sumasaatin ang dios ay literal na kahulugan ng emmanuel pangalan ni jesus. ang mga propeta at apostol may mga imposible rin nagawa dios din ba sila? at may mga kahulugan din ang pangalan nila.. nakasulat din sa biblia na ang kalagayan ng dios ay espiritu kaya hindi siya pwude maging tao na kagaya ng ating panginoon jesu cristo kaya nga ang bangit ay si maria ay nasumpungan nagdadalang tao lalang ng espiritu hindi nman sinabing iyon ang dios na espiritu..
ReplyDeletetanong ko lang ki manalo short and sweet lang kaya pakisagot din ng maliwanag alam naman nating lahat na nagkatawang tao si kristo...para ganapin ang kalooban ng ama...ngayon bago ba sya nagkatawang tao ano sya?....pakisagot po..
DeleteWapa pang kalagayan si Cristo noon una.Nasa isip pa lamang o plano pa lang ng Dios ang pagkakaroon ng Cristo.Kaya ang mali ang tanong mo kung ano ang kalagayan ni Cristo bago nagkatawang tao.Naka focus kc kayo sa salitang "NAGKATAWANG TAO".Basahin nio ang ibang salin ng Biblia,hindi ganun ang pagkakasulat.Akala nio may kalagayan na Siya o Dios si Cristo na nanghiram ng katawan ng tao.Mali po yan.Paniniwala ng mga Pagano yan.
Deletesir isaac newton wala kang mababasa biblia na si Kristo ay nasa isip lamang ng AMA...wag kang mag imbento kahit bali baligtarin mo ung biblia walang apostol o propeta na nagsabi na "NASA ISIP LNG SIYA NG AMA BAGO SIYA NAGKATAWANG TAO"..eto basahin mo at pagarala mo ng mabuti pero wag mong baluktutin... Juan 1:1 Ng pasimula siya ang Verbo. At ang Verbo ay sumasa Diyos.at ang Verbo ay diyos.2 Ito rin ng pasimula ay sumasa Diyos.3 Ang ng mga bagay ginawa sa pamamagitan niya.At alin man sa lahat ng ginawa ay hindi ginawa kung wala siya. 4 Nasa kaniya ang buhay at ang buhay ay siyang ilaw ng mga tao. Juan 1:14 At ang Verbo ay nagkatawang tao at tumahan sa atin(at nakita namin ang Kanyang kaluwalhatian, kaluwalhatian na gaya ng sa bugtong na Ama) na puspos ng biyaya at katotohanan.. OH AYAN NAKA MULAGAT NA KATOTOHANAN DIYAN...WALANG NAKASULAT DYAN NA SA PASIMULA ANG VERBO AY NASA ISIP PALANG NG DIYOS HEHEHE!!! MALIWANAG NA SINABI DYAN NA ANG VERBO AY DIOS..at NAGKATAWANG TAO AT NANAHAN SA ATIN...SINO BA UNG NAGKATAWANG TAO? EH WALANG IBA KUNDI ANG PANGINOONG HESUKRISTO!!! WAG NYO NG BALUKTUTIN PA..HAHANAP KA NA NAMANNG TALATA PARA IPAGLABAN ANG PANINIWALA MO EH MALIWANAG PA SA SIKAT NG ARAW SA TANGHALI YAN...Juan 1:1-4 Juan 1:14..
DeleteMeron. Huwag kang tanga at pakurokuro please. Magsuri ka pa para huwag kang mapahiya. Sa salin ni Juan trinidad isang pareng katoloko. Makinig ka.
Deleteang Panginoong Jesucristo ay nasa isip na ng panginoong Diyos. Ito ang pinatutunayan ni Apostol Pedro sa kaniyang sulat sa 1 Pedro 1:20:
" Nasa isip na siya ng Diyos bago pa lalangin ang daigdig ngunit ipinakilala siya ngayong huling panahon dahil sa inyo." (Salin ni Juan Trinidad)
Tapos sabihin mong walang talata? Magsuri ka pa kasi. Pakinggan mo pa to.
Ganito ang sinasabi sa isang footnote ng Juan 1:1 sa Bagong tipan na isinalin ng Paring Katoliko na si G. Juan Trinidad:
" Verbo ...at ang Anak ay tinawag niyang isang uri ng banaag ng kaisipan na nagmumula sa Ama ..."
Namamalagi ba siyang nasa isip ng Diyos? Hindi. Dumating ang panahong si Cristo ay ipinangako ng Diyos, gaya ng nakasulat sa Roma 1:2-3
" Na kaniyang ipinangako noong una sa pamamagitan ng kaniyang mga propeta sa mga banal na kasulatan, tungkol sa kaniyang anak naipinanganak sa binhi ni David ayon sa laman."
Samakatuwid wala pang umiiral na Cristo ng Pasimula kundi siya ay pangako pa lamang ng Panginoong Diyos. Sa halamanan pa lang ng Eden ay sinalita na ng Diyos ang tungkol kay Cristo.
Genesis 3:15
At papagaalitin ko ikaw at ang babae, at ang iyong binhi at ang kaniyang binhi:ito ang dudurog ng iyong ulo, at ikaw ang dudurog ng kaniyang sakong.
at pagkatapos ay kaniyang ipinangako kay Abraham.
Genesis 17:7
At aking papagtitibayin ang aking tipan sa iyo at sa iyong binhipagkamatay mo sa buong kalahian nila, na tipang walang hanggan, na ako'y magiging iyong Dios, at ng iyong binhi, pagkamatay mo
Galacia 3:16
Ngayon kay Abraham nga sinabi ang mga pangako, at sa kaniyang binhi. Hindi sinasabi ng Dios, At sa mga binhi, na gaya baga sa marami;kundi gaya sa iisa lamang, At sa iyong binhi, na si Cristo.
Kulang pa iyan pero kainin mo muna ang mga salita na iyan
Atin po naman itong pag aralan kung bakit po si Cristo ang tinatawag na "UNA"? narito :
ReplyDeleteColosas 1:15, 17
"Na siya ang larawan ng Dios na di nakikita, ang panganay ng lahat ng mga nilalang; " At siya'y una sa lahat ng mga bagay, at ang lahat ng mga bagay ay nangabubuhay dahil sa kaniya.
Malinaw po ang tinutokoy ng talata,Siya po ang panganay ng lahat ng nilalang,kung saan pinakauna sa lahat ng Bagay, Bakit po siya ang pinaka una sa lahat ng Bagay? narito po :
1 Pedro 1:20
"Na NAKILALA nga nang una BAGO itinatag ang sanglibutan, nguni't INIHAYAG sa mga huling panahon dahil sa inyo,"
Kinilala na po si Cristo na una bago pa tinatag ang sanlibutan,at ayun sa taas,ang AMA ng lumikha ng sanlibutan.Anu ba ang katumbas ng KINILALA na sya ng AMA bago pa naitatag ang sanlibutan?mula sa isang salin sa English ay "FOREKNOWN" at sa salin ni juan Trinidad ay ganito :
1 Pedro 1:20
“Nasa ISIP na siya ng Diyos bago pa lalangin ang daigdig ngunit IPINAKILALA Siya ngayong HULING panahon dahil sa inyo.”
Una na syang pinanukala ng Dios upang siya ay maging PANGANAY ng lahat ng Nilalang. Bakit naman si tinawag sa taas na "HULI" ?
Ngayun pano po si Cristo naging Huli? anu po ang tinutukoy nito? narito po :
1 Tesalonica 4:16
"Sapagka't ang Panginoon din ang BABABANG mula sa langit, na may isang sigaw, may tinig ng arkanghel, at may pakakak ng Dios: at ang NANGAMATAY kay Cristo ay UNANG mangabubuhay na maguli;"
Ito po ang gagampanan ni Cristo sa Araw ng paghuhukom sa kanyang gagawing pagliligtas. At dahil sa pamamagitan Niya at Siya ang GAGANAP ng PAGHUHUKOM NG DIOS sa sanlibutan sa Araw ng Paghuhukom :
2 Corinto 5:10
" Sapagka't tayong lahat ay kinakailangang mahayag sa harapan ng hukuman ni Cristo; upang tumanggap ang bawa't isa ng mga bagay na ginawa sa pamamagitan ng katawan, ayon sa ginawa niya, maging mabuti o masama. "
Malaki po ang kaibahan ni Cristo sa tunay na Dios. At maling pag uunawa lang ang ginawa ng ilan sa paggamit ng talata para ihambing si Cristo sa tunay na Dios. Sanay naging malinaw muli ang mga aral ng Dios na katotohanan na mula sa biblia.
Paano naman magiging isa sa kalagayan ang Dios at ang kanyang anak na si Jesus? Napakalinaw na nga sa Juan 17:1-3 na Mismong ang Panginoon Jesus ang nagsabi na, IKAW AMA AY MAKILALA NILANG IISANG DIOS NA TUNAY Sa mga talatang 1 Corinto 8:6 at sa Isaiah 46:9 ay Napakalinaw din na ang Ama lamang ang nag iisang tunay na Dios. Sa Mga Gawa 2:36 Napakalinaw na si Jesus ay ginawa ng Dios na Panginoon at Mesiya. Sa Juan 14:28 mismong Ang Panginoong Jesus ang nagsabi na MAS HIGIT KAYSA SA KANYA ANG AMA. ANG DIOS AY ALAM LAHAT ANG MGA BAGAY, ngunit ang Panginoong Jesus ay hindi niya alam ang lahat ng mga bagay. Gaya na lamang ng nasusulat sa Mark 13:32, mismong ang Panginoong Jesus din ang may sabi na, Ang Ama lamang ang nakakaalam ng araw ng kawakasan. Sa Hosea 11:9 ay sabi MISMO NG DIOS NA, “ AKO AY DIOS AT HINDI TAO “. Sa Mga Bilang 23:19 ay ganito nman ang sinsabi, “ ANG DIOS AY HINDI TAO NA MAGSISINUNGALING “. Kelanman ay HINDI ITINURO NG PANGINOONG JESUS AT NG MGA APOSTOL NG DIOS DIN ANG PANGINOONG JESUS. Sa Juan 8:40 ganito ang sabi ng Panginoong Jesus, “ Datapwa’t ngayo’y pinagsisikapan ninyo akong patayin, na TAONG SA INYO’Y nagsaysay ng katotohanan, na narinig ko sa DIOS : ito’y hindi ginawa ni Abraham.
ReplyDeleteSo sinungaling pala si John the Baptist nung sinabi n'ya na ang SALITA ay DIYOS?
ReplyDeleteJuan 1:1 - Nang pasimula ay naroon na ang Salita; ang Salita ay kasama ng Diyos, at ang SALITA ay DIYOS.
- Juan 1:10 - Dumating ang "SALITA" sa sanlibutan ngunit hindi siya kinilala ng sanlibutang ito na NILIKHA sa pamamagitan NIYA.
mga kapatid. kung sinasabi nyong hindi Diyos ang SALITA(JESUS). Edi sinungaling pala si John the Baptist?
yan din yung question ko. sana maipaliwanag ng maayos sa akin tong mga salita na ito sa bible. salamat
DeleteHebrew 1 - Ang anak ang lumikha ng lahat.
ReplyDeleteMay tao bang kayang lumikha ng mundo?
matuto kayong magbasa ng Salita ng Diyos, hindi yung dahil sa itinuro lang ng ministro nyo, ni wala ngang Bible yung mga member nyo. nakakatawa lang, pinipilit nyo talagang hindi Diyos si Kristo e sa pmamagitan nga Niya nilikha yung lahat ng bagay.
Hindi lumikha ng Mundo ang Panginoong Hesus, Ang lumikha po ng lahat ay ang Diyos na mag-isa lamang. Saan talata mo po nabasa na si Hesus ang lumikha ng mundo?
DeleteTanong ko po kung tao po si Hesus papaanong nakaakyat siya sa Langit dahil sinasabi na kapag namatay ka ay kasamang ililibing ang iyong kaluluwa ng iyong katawan sa lupa at muli pa lamang bubuhayin sa unang pagkabuhay? At sinasabi rin po sa juan 3:13 At walang umakyat sa langit, kundi ang nanggaling sa langit, sa makatuwid baga'y ang Anak ng tao, na nasa langit.
ReplyDeleteIbig sabihin sa pasimula pa lamang si Cristo o ang anak ng Dios ay nasa langit na? Ibigsabihin nga siya at ang Diyos ay iisa? Tapos baka sabihin niyo pa po na ang Verbo lamang ang bumaba gayong ang Verbo rin ay ang Diyos? Nasa inyo na po ang katotohanan pero pilit niyo pa ring inaalis sa isip niyo. Sana po ay maliwanagan kayo at sana rin kung sinasalita niyo po ang mga talata sa Biblia huwag niyong murahin ang kapatid dahil kung ano man po ang ginagawa natin sa ating kapatid ay siya rin nating ginagawa sa Diyos. Pagpalain po kayo.
Si Elias po at si Enoc na tao ay nauna napong umakyat sa langit bago pa ang P. Jesus
Delete.
Sa verbo ang verbo po ang ngkatawan tao at hindi ang Dios yung salita galing sa Dios yan kse lahat ng salita ng Dios makapangyarihan..
Hindi po ang Dios ang Ngkatawan tao kundi yung sinalita nya.
Revelation 19:13
[13]
At siya'y nararamtan ng damit na winisikan ng dugo: at ang kaniyang pangalan ay tinatawag na Ang Verbo ng Dios.
Ipaunawa nyo po sa akin Ang talaga NG Mateo 18 5:6
ReplyDeleteGOD BLESS PO
Talata
DeleteMalinaw n malinaw sa sikat p ng araw "AKO" ata ng "AMA" ay iisa. Kahit anong pagbabaluktot gawin nyu si Jesus ang Diyos.
ReplyDeleteKung gusto nyu kilalanin ang Ama lng ay ang natatanging Diyos hindi si Kristo, sana maligtas po kayo based sa Acts 4:12. Kaligtasan nyu po yan, kung gusto nyo baluktutin kayo nakakaalam nya matatanda n kayo.
Tanung lang po kung si jesus ang Ama at ang Dios ibig sabihin ginalaw niya c maria para isilang ang sarili nya para maging c jesus????
ReplyDeleteJuan 10:33
ReplyDeleteIsa na po kayo sa bumabato sa Panginoon.
Hebrew 1:8 Kinatatakutan nang INC itong verse na to...
ReplyDeleteBut to the Son he says, “Your throne, O God, endures forever and ever. You rule with a scepter of justice
Tamang tama ito, props to all
ReplyDeletePara po sa tnung na kung si Jesus ang ama,kylngang glwin si Maria,para isilang si Jesus..ang mssbi q po'y hwag sana kyong sumpain ng Dyos,wala pong makamundong pagnnsa ang Dyos,iba po ang kalooban ng Dyos sa pagnnsa ng tao,ipagtanggol mo ang panig mo't pnnnwala gmit ang salita ng Dyos,psubalit hndi angkop na ariing ktulad ng prosiso ng pgging tao ang kalooban ng Dyos.
ReplyDeleteTama Po, ang Panginoong Diyos lang Po nakakaalam kung ano Po ang mga ginagawa nya at wla na pong iba, dahil sya lng po ang nag iisang (Makapangyarihang Diyos)Po Amenπππ
DeleteKung kayo pala ay nabuhay sa panahon ng Panginoong Hesus ay malamang katulad ng mga Judio ay batuhin nyo rin ang PAnginoong Hesus dahil para sa inyo siya ay tao lamang. Basahin nyo ito.(Joh 10:30) Ako at ang Ama ay iisa. Joh 10:31) Nagsidampot uli ng mga bato ang mga Judio upang siya'y batuhin.
ReplyDelete(Joh 10:32) Sinagot sila ni Jesus, Maraming mabubuting gawa na mula sa Ama ang ipinakita ko sa inyo; alin sa mga gawang yaon ang ibinabato ninyo sa akin?
(Joh 10:33) Sinagot siya ng mga Judio, Hindi dahil sa mabuting gawa ay binabato ka namin, kundi sa pamumusong; at sapagka't ikaw, bagaman ikaw ay tao, ay nagpapakunwari kang Dios. Kumukuha kasi kayo ng isang talata lamang tapos ay ipinapaliwanag ninyo ayon sa inyong pagkakaunawa kaya out of context ang paliwanag nyo. Dapat ay basahin nyo ang buong context para maunawaan nyo. delikadong mag interpret ng talata sa Bible na walang consideration sa ibang talata na kasama nito o context.
Kung ang Panginoong Hesus ay tao lamang paano siya nabuhay muli sa ikatlong araw pagkatapos niyang mamatay? Kung siya ay tao lamang e di sana ay hindi sya nabuhay muli. Angh libingang walang laman ay patunay lamang na siya ay Diyos at nabuhay na maguli.
ReplyDeleteNabuhay po siya mag -uli dahil binuhay siya ng Diyos. Hindi po siya nabuhay nang sa sarili lang niya..
DeleteGawa 10:40
[40]Siya'y muling binuhay ng Dios nang ikatlong araw, at siya'y itinalagang mahayag.
Si tomas sinabi nya kay Jesus Panginion ko at Dios ko . Bakit di sinabi ni Jesus na tomas hindi ako Dios kasi meron kwento sa bible na isang hari tinawag siya ng Dios ng mga tao hindi siya nagreact kaya ayon inuod siya ngunit si Jesus pagkasilang pa lang sinamba na siya ng mga anghel di ba hindi pwede sambahin ang tao
ReplyDeleteNalilito lang ang hindi nagsasabing si Cristo ay Diyos. Ang liwa-liwanag ng mga sinabi ng ibang mga kapatid, Si Cristo ay Diyos at nakabatay talaga sila sa nakasulat sa Banal na Kasulatan. Ako, wala akong pinapanigang relihiyon pero naniniwala ako sa sinasabi ng mga kapatid na si Cristo ay Diyos. Bakit? Dahil ako mismo, nabasa ko yan sa Biblia. Hindi ako basta basta nagpapaniwala kung kani kanino. Tinitimbang ko kung sino ba talaga ang nagsasabi ng totoo. At alam ko kung sino sa inyo ang mas tama magpaliwanag. Marami akong nabasa sa Bibliya na nagpapatunay na ang Ama at si Cristo ay Iisa kasi kung kaisipan lang nung Ama at ni Cristo ang pinag-uusapan dito eh dapat hindi IISA ang sinabi kundi dapat ay NAGKAKAISA!! (Juan 10:30) Isa pa, lagi niyong pinagdududahan ang ikinikilos ni Cristo. Ang totoo niyan, hindi kayo dapat na malito kasi masyado lang talagang matalinghaga Magsalita ang Panginoon at maging ang kanyang Pagkilos o Paggawa ay lubhang matalinghaga rin. Kagaya niyan, hindi porket sinabi ni Cristo na Ama ko eh May iba pa siyang kinakausap no'n. Dahil sa ang totoo niyan - ang kinakausap at ang kumakausap ay iisa. Dahil si Cristo yan, at Diyos siya, walang mahirap sa kanya. Siya lang ang gagawa niyan at wala nang iba. Naalala nyo ba nung minsang hinuhugasan ng Panginoon ang mga Paa ng kanyang mga apostol? Di ba? Hindi maunawaan ni Pedro ang ikinikilos ng Panginoon para sa kanila. Sabi niya, " Panginoon, diyata't kayo pa ang maghuhugas ng aking mga Paa? " Sumagot si Jesus, "Hindi mo nauunawaan ngayon ang GINAGAWA ko, ngunit mauunawaan mo rin pagkatapos." (Juan 13:6-7) O di ba? Isipin nyo, pati pagkilos o sa Ginagawa eh... matalinghaga rin siya. Pangatlo, yung salitang " Ako'y si Ako nga " ? (Juan 13:19) O di ba? Dapat singular lang yan, isa lang dapat ang may-ari ng salitang yan pero bakit ginamit at inangkin din ni Cristo? Eh sa lumang tipan, Binanggit na yan ng dati pang Diyos ng Israel - Exodo 3: 14-15. Sa Bagong Tipan - Juan 13:19.
ReplyDeleteMarami pang patunay ang maipababasa ko sa inyo kaya lang kulang ang oras sa pagpapaliwanag.
At sinabi rin sa aklat ni propeta Isaias ang ganito: " Walang ibang diyos na una sa akin, ni mayroon pa mang iba na darating. Ako ay si Yahweh, tanging ako lamang ang Tagapagligtas, wala nang sinuman. " Isaias 43:19-11
CONTEXT! CONTEXT! CONTEXT! Basahin nyo ng buo ang talata para maintindihan!
ReplyDeleteTama Po ang salita ng Makapangyarihang Diyos Po ay matalinhaga,,,Amen πππ,salamat Po sa sagot Po,,, Godbless.
ReplyDelete