TUNAY NA LINGKOD

Tuesday, September 3, 2013

Sign of the Cross



Kung tayo po ay mapag masid sa ating mga kaibigan na katoliko ay mapapansin natin na madalas silang nag AANTANDA o ang tawag sa English ay SIGN OF THE CROSS. Malimit nila itong ginagawa kapag sila ay madarasal, mapapadaan sa kanilang simbahan,kung sila ay natatakot, o iba pa mang gawain nila, sapagkat sa kanilang paniniwala ay makatutulong ito ng malaki sa kanilang buhay at makalulugod sa Diyos.

Anu ba itong PAG AANTANDA na kanilang ginagawa? Mabuti po ay basahin natin ang aklat katoliko na may pinamagatang “Siya ang Inyong Pakinggan: Ang Aral na Katoliko sa Pahina 11”

"ANG TANDA NG SANTA KRUS

"Ang paraang ginagawa sa paggamit ng Santa Krus ay dalawa: ang magantanda at ang magkrus. ANG PAGAANTANDA AY ANG PAGGAWA NG TATLONG KRUS NANGHINLALAKI NG KANYANG KANANG KAMAY; ANG UNA'Y SA NOO,... ANG TANDA NG SANTA KRUS AY SIYANG TANDA NG TAONG KATOLIKO,.." [Siya Ang Inyong Pakinggan:Ang Aral na Katoliko, Page 11]

Ang Sagot sa atin ng aklat na sinulat ng Paring si Enrique Demond, kaya isinasagawa ang PAG-AANTANDA o SIGN OF THE CROSS ay sapagkat ito ay TANDA ng taong Katoliko. At totoo naman ito dahil madali mo naman talagang makilala ang Katoliko sa Hindi Katoliko, kapag nasa sasakyan ka, pag napatapat sa Simbahan, at may nag-antanda eh alam mo na kagad na Katoliko iyon. Walang pag aalinlagan sa ikakikilala sa isang katoliko sapagkat ito ang itinuro sa kanila ng kanilang mga Pari.
Paano ang pagsasagawa ng PAG AANTANDA? Ayon narin sa aklat na ating binasa; ito ay paggawa ng tatlong krus ng hinlalaki ng KANANG KAMAY; ang una ay sa NOO.
Kaya kahit kaliwete ang taong katoliko ay kanan ang kaniyang gagamitin sa PAG AANTANDA; sapagkat ganon ang paraan na itinuro sa kanila. Unang lalapat ang Hinlalaki ng kanang kamay sa NOO. Hindi sa anu pamang bahagi ng katawan.

At dahil sa ito ay PAGAANTANDA na gamit ang KANANG KAMAY at NOO, kaya ito ay maaari nating tawagin na TANDA SA NOO at KANANG KAMAY.

Anu ang mababasa natin sa biblia tungkol sa TANDA SA NOO AT KANANG KAMAY? Ito ba ay tanda ng taong maliligtas? Ito bang tandang ito ang ibinigay para maging mga tunay na lingkod ng Diyos? Mabuti pa ay basahin natin mula sa Biblia,
Ang Tanda sa Noo at Kanang Kamay

Apocalypsis 13:16 “At ang lahat, maliliit at malalaki, at mayayaman at mga dukha, at ang mga laya at ang mga alipin ay pinabigyan ng isang TANDA sa kanilang KANANG KAMAY, o sa NOO;”
Ang sabi sa biblia binigyan ng TANDA sa KANANG KAMAY, o sa NOO.

Mabuti ba ang pagkakaroon ng tandang ito? Ano ba ang idududulot sa tao kung mananatiling magkakaroon o magsasagawa ng tandang ito?

Apocalypsis 14:9-11 "At ang ibang anghel, ang pangatlo ay sumusunod sa kanila, na nagsasabi ng malakas na tinig, Kung ang sinoman ay sumamba sa hayop at sa kaniyang larawan,at tumatanggap ng TANDA SA KANIYANG NOO, O SA KANIYANG KAMAY, Ay iinom din naman siya ng alak ng kaglitan ng Dios, na nahahandang walang halo sa inuman ng kaniyang kagalitan; at siya'y PAHIHIRAPAN NG APOY AT ASUPRE sa harapan ng mga banal na anghel, at sa harapan ng Cordero: AT ANG USOK NG HIRAP NILA AY NAPAIILANGLANG MAGPAKAILAN KAILAN MAN; AT SILA'Y WALANG KAPAHINGAHAN ARAW AT GABI, sila mga nagsisisamba sa hayop at sa kaniyang larawan, at sinomang tumatanggap ng tanda ng kaniyang pangalan."

Ayun ang liwanag ng sinabi ng Biblia na ang mga taong nagsasagawa ng PAG-AANTANDA o SIGN OF THE CROSS ay ang mga taong mapapahamak, “PAHIHIRAPAN NG APOY AT ASUPRE sa harapan ng mga banal na anghel, at sa harapan ng Cordero: AT ANG USOK NG HIRAP NILA AY NAPAIILANGLANG MAGPAKAILAN KAILAN MAN; AT SILA'Y WALANG KAPAHINGAHAN ARAW AT GABI” walang hanggang kaparusahan ang saapitin. Kakila kilabot po ito mga kaibigan naming Katoliko.  

Anu ang pagamin ng isang Pari na si Aniceto dela Merced? Ganito ang nakatala sa kanyang aklat  na kung tawagin ay PASIOSN CANDABA, sa pahina 210.

"Ipag uutos mag quintal sa noo o canang camay sucat pagca quilalanan na sila nga, i, campong tunay nitong Anti-Cristong hunghang."
[Pasion Candaba, isinulat ng Paring si Aniceto dela Merced, Page 210]

Sabi ng Pari, ang nagtataglay ng TANDANG ito ay kabilang sa mga tao na tinatawag na Anti-Cristo o kalaban ni Cristo kaya po tiyak na mapapahamak at hindi maliligtas sa Araw ng Paghuhukom.

Kaya bakit pa ito tuluyang gagawin ng ating mga kaibigang katoliko? Kapag talagang inunawa ito ng ating mga kaibigan, tiyak na titigilan na nila ang ginagawa nilang Pag AANTANDA na palatandaang ibinigay sa mga taong KATOLIKO. Hindi ito ikaliligtas bagkus ay tiyak na ikapapahamak pa.

“Tanda sa Noo at Kanang Kamay” iba raw sa “Tanda sa Noo o Kanang Kamay”

Sa kagustuhan namang makapangatuwiran (o magpalusot as usual) ng mga kaibigan nating Catholic Defenders, ang nakalagay daw sa talata ay “TANDA SA NOO O KANANG KAMAY” at hindi daw “TANDA SA NOO AT KANANG KAMAY”, sinasadya daw ng mga ministro sa INC na palitan ang “O” ng “AT” para daw mapalitaw na ang Katoliko ang tinutukoy, nagkakasala daw ang mga ministro sa INC sa ginagawa nilang ito na maging ang Biblia daw pinapalitan ng salita para mabagao ang kahulugan. Makalulusot kaya ang panga ngatwiran nila? Atin itong patunayan

Kaya puntahan po natin ang nasabing talata sa Bibliang Griego ang orihinal na wikang ginamit sa pagsulat ng Bagong Tipan:

Revelations 13:16 “και ποιει παντας τους μικρους και τους μεγαλους και τους πλουσιους και τους πτωχους και τους ελευθερους και τους δουλους ‘ινα δωση αυτοις χαραγμα επι της χειρος αυτων της δεξιας η επι των μετωπων αυτων”

Pagbigkas:

kai poiei pantas tous mikrous kai tous megalous kai tous plousious kai tous ptōkhous kai tous eleutherous kai tous doulous hina dōsē autois kharagma epi tēs kheiros autōn tēs dexias ē epi tōn metōpōn autōn

Revelations 13:16 AndG2532 he causethG4160 all,G3956 both smallG3398 andG2532 great,G3173(G2532) richG4145 andG2532 poor,G4434 (G2532) freeG1658 andG2532 bond,G1401 toG2443 receiveG1325 G846 a markG5480 inG1909 theirG848 rightG1188 hand,G5495 orG2228 inG1909 theirG848 foreheads:G3359 [KJV with Strong’s Concordance]

Ang salitang Griegong “η” [ē] (pansinin ang letrang kulay pula sa itaas) na sa English ay isinalin bilang “OR” na sa tagalog ay “O”, ay maniniwala ba kayo na kasing kahulugan din ng salitang “AND” na sa tagalog ay “AT”?

Tingnan ang paliwanag na ito ng isang kilalang Greek Dictionary:

G2228
ἤ ē ay
A primary particle of distinction between two connected terms; disjunctive, or; comparative, than: - and, but (either), (n-) either, except it be, (n-) or (else), rather, save, than, that, what, yea. Often used in connection with other particles. Compare especially G2235, G2260, G2273.
[Strong’s Greek Dictionary]

Kitang-kita sa dictionary na kasama sa kahulugan nito ang salitang “and”.

At dahil sa ang salitang “η” [ē] ay kasing kahulugan din ng salitang “AND” o “AT” sa tagalog, ay hindi kailan man magiging maling sabihin na:

“TANDA SA NOO ‘O’ KANANG KAMAY” 

ay katumbas din ng

“TANDA SA NOO ‘AT’ KANANG KAMAY”

Wala po iyang pagkakaiba kung sa orihinal na wikang ginamit sa Biblia na wikang Griego ang pag-uusapan. Kaya po hindi nagkakamali ang INC sa bagay na iyan. Hinding hindi ito maikakaila sapagkat maliwanag pa sa sikat ng araw ang pag papaliwanag ng mga Ministro ng Iglesia ni Cristo walang pinipilipit na talata bagkus ay pinapaliwanag na may karunungan ang mga salitang ipinagkaloob ng Diyos sa kanyang Sugo.


At para lalo nating matiyak na talagang ang Apocalypsis 13:16 ay sa mga Katoliko tumutukoy, itloy lang ang pagbasa sa talatang 17 hanggang 18, at ganito ang ating matutunghayan:

Apocalypsis 13:17-18 “At nang huwag makabili o makapagbili ang sinoman, KUNDI SIYANG MAYROONG TANDA, sa makatuwid ay ng pangalan ng hayop o bilang ng kaniyang pangalan. Dito'y may karunungan. Ang may pagkaunawa ay bilangin ang bilang ng hayop; sapagka't siyang bilang ng isang tao: at ang kaniyang bilang ay ANIM NA RAAN AT ANIM NA PU'T ANIM.”

Ang nagbigay o siyang nag-utos na ang mga tao’y magkaroon ng TANDA sa NOO AT KANANG KAMAY ay ang taong may bilang na ANIM NA RAAN AT ANIM NA PU’T ANIM [666], na ang kinatuparan nito ay ang PAPA sa ROMA, at kung nais mabasa ang kumpletong pagtalakay, puntahan ang LINK na ito:


http://tunaynalingkod.blogspot.com/2013/07/kaiba-ang-pamamaraan-ngdiyos-kapag-siya.html



Kaya po sa mga kaibigan naming mga Katoliko, tigilan na ninyo ang gawaing iyan, dahil ang PAGAANTANDA ng KRUS, o pagsa-SIGN OF THE CROSS ay TANDA SA NOO AT KANANG KAMAY, tanda ng mga taong mapapahamak, isang gawaing hindi po makapagliligtas kundi magdadala sa kaparusahang walang hanggan sa araw ng paghuhukom. Ang pinaka maganda ay tuluyan na ninyong lisanin ang Iglesia Katolika; sapagkat sa relihiyong iyan natupad ang pagtalikod sa unang iglesia at katuparan din ng taong may bilang na 666. Tiyak na tiyak na walang kaligtasan ang sinumang kaanib sa IKAR.

19 comments:

  1. http://www.splendorofthechurch.com.ph/2013/02/17/ang-tanda-na-ibibigay-ng-diablo-by-arnold-gutierrez-of-st-peters-men-society-spms/

    Kapatid ito po ang sagot ng pari tungkol sa Krus. iba ang pagkakaintindi nila sa mga talata. at iniba nila ang nakasulat sa orihinal na biblia. Tinignan ko sa online ang mga talata at mali ang pagkapublish ng pari sa mga talata sa blog nya.

    ReplyDelete
  2. Apocalypsis 13:16 “At ang lahat, maliliit at malalaki, at mayayaman at mga dukha, at ang mga laya at ang mga alipin ay pinabigyan ng isang TANDA sa kanilang KANANG KAMAY, o sa NOO;”

    Mukhang nakalimutan ng isang Manalo fanatic ang susunod na bersikulo pagkatapos nito:

    Apocalypsis 13:17 “At nang huwag makabili o makapagbili ang sinoman, kundi siyang mayroong tanda, sa makatuwid ay ng pangalan ng hayop o bilang ng kaniyang pangalan.

    Ang tanong. Kelan ba ginamit ang tanda ng krus sa pagbili at pagtinda ng anumang bagay?

    ReplyDelete
    Replies
    1. ... during the middle ages at the height of the power of the Catholic church. those who did not receive the Catholic faith were persecuted and put to death. One of the persecutions is to ban freeze their assets and finances and interfere with their businesses.

      Delete
    2. Idagdag mo nalang yung Apocalipsis 13:18.
      Hahaha sino ang may tanda ng 666? Hindi ba ang PAPA niyo?

      Apocalypsis 13:17-18 “At nang huwag makabili o makapagbili ang sinoman, KUNDI SIYANG MAYROONG TANDA, sa makatuwid ay ng pangalan ng hayop o bilang ng kaniyang pangalan. Dito'y may karunungan. Ang may pagkaunawa ay bilangin ang bilang ng hayop; sapagka't siyang bilang ng isang tao: at ang kaniyang bilang ay ANIM NA RAAN AT ANIM NA PU'T ANIM.”

      Ang nagbigay o siyang nag-utos na ang mga tao’y magkaroon ng TANDA sa NOO AT KANANG KAMAY ay ang taong may bilang na ANIM NA RAAN AT ANIM NA PU’T ANIM [666], na ang kinatuparan nito ay ang PAPA sa ROMA.

      Delete
  3. INC is also a church of satan

    ReplyDelete
  4. Anonymous is also a member of diabolic catholic a church of Demons around the world. Anti cristong hunghang sabi pa mismo ng pari niyo.

    ReplyDelete
  5. huwag kayong magaway away alam naman ninyong lahat na ang krus na kinamatayan ni kristo hesus ang nagligtas sa kagaya nating mga hentil na mga nasa kadiliman kayat bakit ninyo itinatatwa ang krus at bakit ninyo kinamumuhian ang krus kinamumuhian ba ninyo na kayo ay iniligtas ni kristo hesus sa sa kamatayan?

    ReplyDelete
    Replies
    1. Kayu mga IGLESIA NI MANALO YSAGUN 1914 paninira lng Ang Alam nyo para palaguin Ang negosyo nyo. Ganito yan... ako katoliko ako at palagi ako nagsa sign of the cross pero tingnan mo Wala Kang makimitang tanda sa noo at sa kanang kamay ko. Alam naman Kung panu kami mag sign of the cross db? Anu Ang nakalagay sa bibliya tanda SA no at sa kanang kamay... Mali kayu para sabihin samin KC pag nag aantada kami at sa NOO, sa BIBIG at SA DIBDIB. Bakit d nyo sinama Ang BIBIG at DIBDIB mga hunghang.

      Delete
    2. Nalinaw na ang Krus ay isang uri ng bitayan nung unang siglo. Komo pobat sa krus pinataysi Cristo at ang mga apostol, ito ay kailangan ng sambahin? Pano po kung sa kotsilyongbitinarak sa nuo namatay ang mga unang lingkid ng Dios? Ibig poba ninyong sabihin i mag tarak kayo ng kotsilyo sa nuo every time maka daan kayo sa tapat ng simbahan? Para pong maling lohika naman yo.

      Delete
    3. Ang krus ay simbolo ng pagpapahirap ginamit sa ating panginoong jesucristo para siyay pahirapan kaya di dapat natin ikwentas sa ating mga leeg.

      Delete
    4. Ang cross isang bagay lang yan na ginagamit sa pag hatol ng taong mkasalanan nung panahong Kristo.

      Kung silya elektrika ginagamit noon sa paghatol siguro silya o upuan din ilalagay ng mga RC sa altar nila🤣🤣🤣🤣

      Delete
  6. Saan po nanggagaling ang source of income ng mga ministro?

    ReplyDelete
    Replies
    1. Saan din po ba amg source of income ng mga pari?

      Delete
  7. Mga kapatid mga kaibigan ang sinasabi sa biblia Apocalypsis 13:16 “At ang lahat, maliliit at malalaki, at mayayaman at mga dukha, at ang mga laya at ang mga alipin ay pinabigyan ng isang TANDA sa kanilang KANANG KAMAY, o sa NOO;”Apocalypsis 13:17 “At nang huwag makabili o makapagbili ang sinoman, kundi siyang mayroong tanda, sa makatuwid ay ng pangalan ng hayop o bilang ng kaniyang pangalan. 666 ito ay laganap na sa buong mundo mga kaibigan ito ay nagsisimbulo ng MICROCHIP dito masusubukan ang isang tao kong hanggang saan ang pananalig nya sa ating DIOS na lumikha ng langit at lupa. Ito ang kapalit ng lahat na card na ating ginagamit kapag wala ka nito kahit anong relihiyon mo mamatay ka sa gutom kaya ang mga tao darating ang panahon na mapipilitan magpalagay ng MICROCHIP upang sa ganon makakain makabili. Kaya mga kaibigan pagtibayin natin ang ating pananalig sa DIOS at sundin ang kanyng kalooban upang tyo ay maligtas.

    ReplyDelete
  8. So naniniwala pa kau sa mga fake news na microchips huh. Matagal ng sinakal ng mga Emperor Romano ang mga Cristiano dilang dimaka bili kundi Ipapatay lalo na ng Isinabatas ni Emperador Constantino na si Criato ay Dios na para lang wag mahati ang Emperio niya. Kahit sya ay isang Romanong Paganismo na walang kaalamalam sa Biblia ang Di sasampalataya Na Diyos Si Cristo Noon at sa mga isinabatas pa na doctrina nila you must be put to death as a Capital punishment..

    ReplyDelete
  9. Magsuri po kayo mga kaibigan...
    Dati po akong katoliko pero
    Wala po akong nakitang relihiyon
    Na tulad ng sa Iglesia Ni Cristo na tanging sa Biblia lang bumabase at wala ng iba...
    Dahil ang Biblia ay mga Sinalita ng Panginoong Diyos at ang Salita ng Diyos ay Katotohanan

    Kahit saidin nyopapo ang Bibliya
    Wala po kaung makikita na ritual o gawain
    Na ginagawa o tinuturo ng simbahang katoliko
    Mahirap isa-isahin sa dami..
    Pero kung nanood kayo sa FB makikita nyo ang mga nakakatawang ritual
    Tulad ng pagsabit ng pari sa kisami bilang magandang entrada sa misa, pagamit ng hoverboard,pagamit ng soray bottle sa bendisyon dahil sa misa may katamaran na pinapakita ito dipoba...
    Pagsampal sa mga kinukumpilan na may habol na sipa, pag dive ng pari sa isang sangol sa aquarium na may korio pa tanda ng binyag
    At madami pang kasuklam suklam sa paningin ng Panginoong Diyos...
    Sana dumating po ang araw na mapasainyo ang Espiritu ng Katotohanan ng Panginoong Diyos

    ReplyDelete