TUNAY NA LINGKOD

Friday, December 6, 2013

Sugo ng Diyos sa mga huling araw




Ganap na naunawaan natin na ang [Anghel] o Sugo na may taglay na tatak ng Diyos ay si Kapatid na Felix Manalo ang tinutukoy ayon sa katuparan ng hula.  Walang lumitaw na sugo ng Diyos na tagapangaral ng Ebanghelyo rito sa Pilipinas na lahing Pilipino at kababayan natin noong 1914 kundi si Kapatid na Felix Manalo.  Kaya siya ang tiyak na katuparan ng hula ng Diyos, sapagka’t ang panahon at ang dakong lilitawan ng Sugo na may taglay ng tatak ng Diyos ay sa kanya lamang nasusukat.

     Nguni’t ang maliwanag at tiyak na katuparan ng hulang ito kay Kapatid na Felix Manalo ay mayroon pa ring nag-aalinlangan at hindi lubos na matanggap ang katotohanang ito.  Bakit?  Sapagka’t ayon sa kanilang sariling pagkaunawa ay wala na raw Sugo ng Diyos sa huling araw na ito.  Totoo nga kaya ang kanilang inaakala at sinasabing ito?  Sa ikatitiyak kung totoo o hindi ang kanilang palagay na ito ay tatalakayin natin ang paksang:  “ANG SUGO NG DIYOS SA HULING ARAW NA ITO.”

Mayroon Bang ItinalagangHuling Sugo Ang Diyos?
    
 Sa Isa. 41:4, ay ganito ang ipinakikilala:

     “Sinong gumawa at yumari, na tumawag ng mga sali't saling lahi mula ng una? Akong Panginoon, ang una, at kasama ng huli,ako nga.

    Mayroon bang itinalagang Huling Sugo ang Diyos?  Mayroon.  Ayon sa Diyos, Siya ang gumawa at yumari ng mga sali’t saling lahi mula nang una.  Ang Diyos ay kasama ng mga unang tinawag.  Kasama rin ba ang Diyos ng Kanyang tinawag na HULI?  Kasama ng huli. 

 Kailan tatawagin ng Diyos ang Kanyang Huling Sugo Sa Isa. 41:9, ay sinasabi ang ganito:

 Ikaw na aking hinawakan mula sa mga wakas ng lupa, at tinawag kita mula sa mga sulok niyaon, at pinagsabihan kita, Ikaw ay aking lingkod, aking pinili ka at hindi kita itinakuwil.

     Kailan tatawagin ng Diyos ang Huling Sugong ito?   Ang Huling Sugo ay tatawagin ng Diyos mula sa “mga wakas ng lupa.”  Kailan ang tiyak na panahon ng “mga wakas ng lupa?”  Sa pag-alam ng tiyak na panahon nito ay hindi natin maiiwasan na pag-aralan ang pagkakahati-hati ng panahon ni Cristo. 

 Sa ilang bahagi nababahagi ang panahon ni Cristo?  Sa Apoc. 5:1, ay ganito ang sinasabi:
     At nakita ko sa kanang kamay niyaong nakaupo sa luklukan ang isang aklat na may sulat sa loob at sa labas, na tinatakang mahigpit ng pitong tatak.

     Sa ilang bahagi nahahati ang panahon ni Cristo?  Sa talatang ating ginamit ay may binanggit na isang aklat na may pitong tatak. 

 Tunay bang aklat o libro ito?  Sa Isa. 29:11, ay ganito ang paliwanag:

   “At ang lahat ng pangitain ay naging sa inyo'y gaya ng mga salita ng aklat na natatatakan, na ibinibigay ng mga tao sa isang marunong bumasa, na sinasabi, Iyong basahin ito, isinasamo ko sa iyo: at kaniyang sinasabi, Hindi ko mababasa, sapagka't natatatakan.

  Tunay bang aklat o libro ang may pitong tatak?  Hindi, kundi mga pangitain na itinulad lamang sa aklat.  Ang aklat o pangitain ay may pitong tatak

 Ipinakita nga ba sa pangitain ang panahon ni Cristo, mula sa Kanyang pagkapanganak hanggang sa Kanyang pagparito sa paghuhukom?  Sa Apoc. 1:10, 19, ay ipinakikilala ang ganito:

 “Ako'y nasa Espiritu nang araw ng Panginoon, at narinig ko sa aking likuran ang dakilang tinig, na tulad sa isang pakakak.

     “Isulat mo nga ang mga bagay na nakita mo, at ang mga bagay ngayon, at ang mga bagay na mangyayari sa darating.

     Ipinakita ba sa pangitain ang buong panahon ni Cristo?  Ipinakita.  Ang buong panahon ni Cristo ay ipinakita kay Juan Apostol sa pangitain at ipinasulat.  Ito ang itinulad sa pitong buko ng panahon ni Cristo.  Alin sa pitong tatak o buko ng panahon ni Cristo ang “mga wakas ng lupa”?  Ito’y nasa dulo ng ikaanim na tatak.  Bakit?  Sapagka’t ang dulo ng ikaanim na tatak ay ISANG WAKAS.  Pagkatapos ng ikaanim na tatak ay simula naman ng ikapitong tatak at ito ang wakas na hati ng panahon ni Cristo, sapagka’t sa dulo nito ay ang paghuhukom.  Kaya ang katapusan ng ikaanim na tatak at ang simula ng ikapitong tatak ayDALAWANG WAKAS.  Kung gayon, ang “mga wakas ng lupa” ay nagsisimula sa dulo ng ikaanim na tatak ng panahon ni Cristo na siyang panahon ng pagtawag ng Diyos sa Kanyang HULING SUGO.  

Paano natin matitiyak kung kalian ang panahon ng “mga wakas ng lupa”ayon sa kalendaryo ng tao?  Dapat nating malaman ang pangyayaring naganap sa katapusan ng ikaanim na tatak o buko ng panahon ni Cristo.  Ano ba ang pangyayaring naganap sa panahong iyon?  Sa Apoc. 6:12, 15, ay sinasabi ang ganito:

     “At nakita ko nang buksan niya ang ikaanim na tatak…”

 Ano ang pangyayaring naganap sa dulo nito?

     At ang mga hari sa lupa, at ang mga prinsipe, at ang mga pangulong kapitan, at ang mayayaman, at ang mga makapangyarihan, at ang bawa't alipin at ang bawa't laya, ay nagsipagtago sa mga yungib at sa mga bato sa mga bundok.

 Ano ang pangyayaring naganap sa katapusan ng ikaanim na tatak ng panahon ni Cristo?  Ang pagtatago sa yungib ng mga hari, ng mga prinsipe, ng mga pangulong kapitan, ng mayayaman, ng mga laya at ng mga alipin. 

Ano ang dahilan at magsisipagtago sa yungib ang lahat halos ng uri ng mga tao?  Sa Jer. 4:13, 19, ay ganito ang pahayag:

     Narito, siya'y sasagupang parang mga ulap, at ang kaniyang mga karo ay magiging parang ipoipo ang kaniyang mga kabayo ay lalong matulin kay sa mga aguila. Sa aba natin! sapagka't tayo'y nangapahamak.

  “Ang hirap ko, ang hirap ko! Ako'y nagdaramdam sa aking puso; ang dibdib ko ay kakabakaba, hindi ako matahimik; sapagka't iyong narinig, Oh kaluluwa ko, ang tunog ng pakakak, ang hudyat ng pakikipagdigma.”

     Ano ang dahilan at magsisipagtago sa yungib ang lahat halos ng uri ng mga tao sa katapusan ng ikaanim na tatak ng panahon ni Cristo?  Sila’y magsisipagtago sa yungib dahil sa magaganap na DIGMAAN.  Anong uring digmaan ito?  Ito’y isang digmaang makabago, sapagka’t ito’y gagamitan ng mga kasangkapang pandigma na makabago na hindi pa ginamit sa mga digmaang nakaraan.  Anu-anong mga bagong kasangkapang pandigma ang gagamitin?  Gagamitan ito ng mga karo na sasagupang parang mga ipuipo na umiikot.  Ito ang mga tangke.  Gagamitan din ng mga kabayong matulin pa kay sa mga agila na may dalang kapahamakan.  Ito ang mga eroplano na kung tawagin ng Kasaysayan ay aerial cavalry” o kabayuhang paghimpapawid.  Kapag sumasalakay ang mga eroplano ng mga kaaway ay inihuhudyat o may sirenang tumutunog na babala sa mga tao na sila’y dapat magsipagtago sa yungib.  Ang mga tao naman ay magsisipagtago sa air raid shelter”o sa yungib.  Anong uring digmaan ang unang ginamitan ng mga tangke at ng mga eroplano ?  Ayon sa pahayag ng Diyos ang digmaang iyan ayDIGMAANG PANDAIGDIG, sapagka’t ang lahat ng mga bansa at ang lahat ng kanilang mga hukbo ay makakasangkot sa digmaang iyan (Isa. 34:1-2).  Mayroon nga bang naganap na Digmaang Pandaigdig na unang ginamitan ng mga tangke at ng mga eroplano?  Mayroon.  Alin ito?  Ang Unang Digmaang Pandaigdig noong 1914.  Kung gayon, ang tiyak na panahon ng mga “wakas ng lupa” ayon sa kalendaryo ng tao ay1914.  

Ayon naman sa ating Panginoong Jesucristo, magaganap nga ba ang digmaang ito sa katapusan ng ikaanim na tatak na siyang pintuan ng ikapitong tatak o buko ng panahon ni Cristo?

 Gayon din naman kayo, pagka nangakita ninyo ang lahat ng mga bagay na ito, ay talastasin ninyo na siya'y malapit na, nasa mga pintuan nga. (Mat. 24:33).  Ayon sa ating Panginoong Jesucristo, kapag nakita na ang digmaang ito, ito’y pintuan na.  Pintuan ng ano itong digmaan noong 1914?  Sa Apoc. 8:1, ay sinasabi ang ganito:  “At nang buksan niya ang ikapitong tatak…”  Ang digmaan noong 1914 ay pintuan ng ikapitong tatak ng panahon ni Cristo.  Ang katapusan ng ikaanim na tatak ay siyang pinto ng ikapitong tatak na huling hati ng panahon ni Cristo.  Kaya ang UNANG DIGMAANG PANDAIGDIG ay naganap sa katapusan ng ikaanim na tatak na tinatawag na “mga wakas ng lupa”1914.  Kung gayon, ang tiyak na panahon ng pagtawag ng Diyos sa Kanyang HULING SUGO ay 1914.

Paano Inihalal Ng DiyosAng Kanyang Huling Sugo

  Sa Isa. 41:9, ay ganito ang pahayag:

     “ Ikaw na aking hinawakan mula sa mga wakas ng lupa, at tinawag kita mula sa mga sulok niyaon, at pinagsabihan kita, Ikaw ay aking lingkod, aking pinili ka at hindi kita itinakuwil.

     Paano inihalal ng Diyos ang Kanyang Huling Sugo?  Ang Huling Sugo ay tinawag ng Diyos mula sa mga sulok niyaon.  Alin ba ang mga sulok na ito?  Ang mga sulok o direksiyon ng lupa.  Alin-alin ito? Silangan, Kanluran, Hilagaan at  Timugan (Isa. 43:5-6).  Sa lahat ba ng mga sulok o direksiyong ito ng lupa tatawagin ang Huling Sugo?  Hindi,  kundi sa mga sulok.  Saan-saang mga sulok o direksiyon ng lupa tatawagin ng Diyos ang Kanyang Huling Sugo?  Sa Timugan, sa Hilagaan at sa Silanganan.  Paano tinawag ng Diyos ang Sugong ito sa Timugan?  Ang Sugong ito, dati’y isang Katoliko.  Ang Iglesia Katolikana nasa Pilipinas ay galing sa Roma.  Ang Roma, ayon sa mapa, ay nasa TIMOG ng Europa.  Pagkaraan ng ilang panahon, ang Sugong ito’y nalipat sa Protestante.  Ang Protestanteng nasa Pilipinas ay nanggaling sa Hilagang Amerika.  Ang Amerika bagaman at nasa Kanluran ng mundo ay nagkaroon ito ng dalawang lupalop.  Ang isa’y tinatawag na Hilagang Amerika (North Amerika) at ang isa nama’y tinatawag na Timog Amerika (South Amerika).  Ito’y nakakatulad din ng lalawigan ng Ilocos, bagaman nasa Hilaga ng Luson ay may tinatawag na Ilocos Norte at Ilocos Sur.  

Alin naman ang tiyak na dako ng Sugong ito na tinutukoy ng Diyos sa hula?  Sa Isa. 46:11, ay ganito ang pahayag:

     Na tumatawag ng ibong mangdadagit mula sa silanganan, ng taong gumagawa ng aking payo mula sa malayong lupain; oo, aking sinalita, akin namang papangyayarihin; aking, pinanukala, akin namang gagawin.

     Alin ang dako ng Huling Sugo na tinutukoy ng Diyos sa hula?  Ayon sa hula, ang Diyos ay may tinawag na Ibong Mandaragit mula sa silanganan.  Ito ba’y talagang ibon?  Hindi, ito’y taong gumagawa ng payo ng Diyos.  Saan nagmula ang tao?  Sa malayong lupain.  Sapagka’t ang ibon ay yaon din ang tao at ang ibon ay mula sa Silanganan at ang tao ay mula sa Malayo, kaya ang pagmumulan ng Sugong ito ay sa Malayong Silangan.  

Saan naman magmumula ang lahi ng Sugong ito?  Sa Isa. 43:5-6, ay sinasabi ang ganito:

     “ Huwag kang matakot, sapagka't ako'y sumasaiyo: aking dadalhin ang iyong lahi mula sa silanganan, at pipisanin kita mula sa kalunuran;
  
      “Aking sasabihin sa hilagaan, Bayaan mo, at sa timugan, Huwag mong pigilin; dalhin mo rito ang aking mga anak na lalake na mula sa malayo, at ang aking mga anak na babae na mula sa wakas ng lupa.”

     Saan magmumula ang lahi ng Sugong ito sa Huling Araw?  Ang lahi ng Sugong ito sa Huling Araw ay magmumula rin sa Malayong Silangan.  Pinupuna kami ng aming mga kaibayo sa pananampalataya sa paggamit ng Isa. 43:5-6.  Hindi raw kami marunong gumamit ng talata ng Biblia.  Bakit?  Sapagka’t iyon daw salitang Silangan at Malayo na magkahiwalay ng talata ay pinagsasama at pinaglalapit daw namin.  Ang salitang Silangan daw ay nasa talatang 5 at ang salitang Malayo raw naman ay nasa talatang 6.  Kung ang salitang Silangan at Malayo sa Bibliang Tagalog na isinalin ng mga Protestante ay magkahiwalay at hindi magkasama sa isang talata ay hindi dapat isisi sa amin.
  Hindi rin dapat na paratangan kami na hindi marunong gumamit ng mga talata ng Biblia kung aming pagsamahin sa isang talata ang dalawang salitang ito.  Bakit?  Sapagka’t hindi kami ang nagsalin ng Biblia. 

 Sa Bibliang Ingles ba’y talagang magkasama sa isang talata ang salitang Silangan at Malayo?  Opo.  Sa Isa. 43:5, sa salin ni James Moffatt, ay ganito ang sinasabi:  “From the far east will I bring your offspring…”  (Mula sa Malayong Silangan ay dadalhin ko ang iyong lahi…).

     Samakatuwid, ayon sa katuparan ng hula, ang Sugo ng Diyos sa Huling Araw at ang kanyang lahi ay magmumula sa Malayong Silangan. 

Aling bansa ang tinatawag na Malayong Silangan?  Sa World Historynina Boak, Slosson at Anderson, sa dahong 445, ay ganito ang sinasabi:

     “The Philippines were Spain’s share of the first colonizing movement in the Far East.” 

     Sa Wikang Pilipino ay ganito ang ibig sabihin:

     “Ang Pilipinas ay naging bahagi ng Espanya sa unang kilusan sa pananakop sa Malayong Silangan.”

     Aling bansa ang tinatawag na Malayong Silangan?  Ang PILIPINAS.  Kung gayon, ang Sugo ng Diyos sa huling Araw na ito ay taga Pilipinas o isang Pilipino.  Siya’y naging Katoliko muna, pagkatapos ay naging Protestante, at saka pa lamang tinawag ng Diyos sa kanyang bayang Pilipinas na maging Sugo noong 1914.

     Paano natin matitiyak at makikilala kung sino ang kinatuparan ng hulang ito?  Sa pamamagitan ng pagpapakilala ng mismong taong kinatuparan ng hula.  Sino ang nagpapakilalang kinatuparan ng hulang ito?  Si Kapatid na Felix Manalo.  Tangi ba sa kanya ay may iba pang nagpapakilala na kinatuparan ng hulang ito?  Wala na!  Bakit naman wala nang iba pang kinatuparan ng hulang ito kundi si Kapatid na Felix Manalo?  Sapagka’t ang hula ay tanging ukol lamang sa kanya at para sa kanya!  Totoo bang si Kapatid na Manalo dati’y isang Katoliko at pagkatapos ay naging Protestante?  Opo.  Totoo bang mula sa Protestante ay tinawag siya ng Diyos sa kanyang Bayang Pilipinas noong 1914 upang maging Kanyang Sugo sa Huling Araw na ito?  Opo.  Ano ang katunayan?  Ipinangaral ni Kapatid na Manalo ang Iglesia ni Cristo at ito’y narehistro sa ating Pamahalaan noong 1914.  Tunay na Pilipino ba siya?  Opo.  Kung gayon, si Kapatid na Felix Manalo ang Huling Sugo ng Diyos sa Huling Araw na ito na tinawag ng Diyos dito sa Pilipinas noong 1914!

Ano Ang Kahalalang Ibinigay ng Diyos
Sa Huling Sugo?
     Sa Isa. 41:9, ay ganito ang sinasabi:

     “Ikaw na aking hinawakan mula sa mga wakas ng lupa, at tinawag kita mula sa mga sulok niyaon, at pinagsabihan kita, Ikaw ay aking lingkod, aking pinili ka at hindi kita itinakuwil.

     Ano ang kahalalang ibinigay ng Diyos sa Huling Sugo?  Kinikilala ng Diyos na ang Huling Sugo ay Kanyang lingkod, Kanyang pinili at hindi Niya itatakwil.  Bakit pinagsabihan ng Diyos ang Huling Sugo na hindi Niya itatakwil?  Sapagka’t ang Sugong ito’y  itatakuwil ng mga tao at kahit ng mga taksil na naging ministro sa Iglesia ni Cristo.  Itinakuwil nga ba siya?  Itinakuwil.  Ngunit itinakuwil ba siya ng Diyos?  Hindi!  Ano ang katunayan?  Nang maalis ang mga taksil na ministro na ipinasok ng lihim sa Iglesia, ang Iglesia ni Cristo ay lalong lumago at lumakas sa banal na tulong at biyaya ng Diyos.  Ano ang uri ng gawain ng Sugong ito sa Huling Araw ayon sa hula?  Sa Isa. 46:11, ay ganito ang pahayag:

     Na tumatawag ng ibong mangdadagit mula sa silanganan, ngtaong gumagawa ng aking payo mula sa malayong lupain; oo, aking sinalita, akin namang papangyayarihin; aking, pinanukala, akin namang gagawin.

     Sa ano itinulad ang uri ng gawain ng Sugong ito?  Itinulad sa ibong mandaragit.  Bakit itinulad sa ibong mandaragit ang gawain ng Sugong ito?  Sapagka’t sa pagbangon ng Sugong ito rito sa Pilipinas noong 1914, ang mga tao sa Pilipinas ay mayroon nang kinabibilangang relihiyon, kaya mula roon ay kanyang daragitin ang mga taong tinatawag ng Diyos sa Iglesia ni Cristo.  Ayon din sa hula, saang mga relihiyon manggagaling ang karamihang daragitin ng Sugong ito?  Sa Isa 43:6, ay sinasabi ang ganito:

     Aking sasabihin sa hilagaan, Bayaan mo, at sa timugan,Huwag mong pigilin; dalhin mo rito ang aking mga anak na lalake na mula sa malayo, at ang aking mga anak na babae na mula sa wakas ng lupa.

     Saan manggagaling na mga relihiyon ang karamihang daragitin ng Huling Sugo?  Sa mga relihiyong manggagaling sa TIMUGAN at HILAGAAN.  Ang relihiyong nanggaling sa Timugan ay ang Iglesia Katolika, sapagka’t ang Roma na pinagmulan ng Iglesia Katolika ay nasa Timog ng Europa.  Ang relihiyon namang nanggaling sa Hilaga ay ang mga Protestante sa Hilagang Amerika na dumating dito sa Pilipinas.  Totoo nga bang ang karamihan sa mga taong nadadala saIglesia ni Cristo  ay nanggaling sa Iglesia Katolika at sa mga Protestante?  Opo.  Paano sila dinaragit ng Huling Sugo?  Dinaragit sila ng Huling Sugo hindi upang kanyang silain, kundi upang gawing mga anak ng Diyos na mga lalake at babae.  Siya ang gagawa ng payo ng Diyos upang madala sila sa marapat na paglilingkod.  Siya ang naghahanda ng mga leksiyong itinuturo sa mga propaganda, sa mga pagduduktrina at sa mga pagsamba ng Iglesia ni Cristo.

     Ano ang katunayang ang gawaing ito ng Huling Sugo ay pangangaral ng Ebanghelyo?  Sa isa pang hula ng Diyos sa Apoc. 7:2-3, ay sinasabing:  “Ang ibang anghel na umaakyat sa sikatan ng araw na taglay ang tatak ng Diyos na buhay…” 

 Sa paghahawak ng tatak ng Diyos ay nag-iisa siya, datapuwa’t sa pagsasagawa ng pagtatatak ay mayroon na siyang mga katulong.  Kaya ang sabi sa talatang 3 ay,“hanggang sa aming matatakan sa kanilang mga noo ang mga alipin ng ating Diyos.”  Ang tatak ay ang Espiritu Santo at ang pagtatatak ay ang pangangaral ng Ebanghelyo (Efe. 1:13).  Ang salitang “anghel” ay maliwanag na pinatutunayan sa Biblia at maging ng mga Diksiyonaryo (talatinigan) na ang kahulugan ay “SUGO” o “UTUSAN” ng Diyos.  Kaya ang ibang anghel sa Apoc. 7:2, ay Sugong tagapangaral ng Ebanghelyo.  Ang Sugong ito’y magmumula sa sikatan ng araw o sa silanganan.  Dahil dito’y natitiyak natin na ang “Ibong Mandaragit” at ang “Ibang Anghel” ay iisang tao ang tinutukoy ng Diyos sa hula, at ito’y si Kapatid na Felix Manalo ang tiyak na kinatuparan.

     Ano ang mga pangako ng Diyos sa Kanyang huling Sugong ito na magmumula sa Malayong Silangan o sa Pilipinas?  Sa Isa. 41:10, ay ganito ang sinasabi:

     “Huwag kang matakot, sapagka't ako'y sumasaiyo; huwag kang manglupaypay, sapagka't ako'y iyong Dios; aking palalakasin ka;oo, aking tutulungan ka; oo, aking aalalayan ka ng kanang kamay ng aking katuwiran.

     Ano ang mga pangako ng Diyos sa Kanyang huling Sugo o kay Kapatid na Felix Manalo?  Sinabi ng Diyos sa Sugong ito:  “Huwag kang manlupaypay, Ako’y iyong Diyos.”  Ang pangakong ito ay katulad din ng pangako ng Diyos kay Abraham.  Sinabi ng Diyos kay Abraham:  “Ako’y iyong Diyos.”  Kung gayon, sa huling araw na ito ay ipinakikilala ng Diyos na ang Kanyang Huling Sugo ang taong may Diyos.

  Ang Diyos ay napadidiyos sa kanya.  Kaya ang sinumang tao na ibig dumiyos sa Diyos ay nararapat makisama o makiisa sa Kanyang Huling Sugong ito.  Ang sabi pa ng Diyos sa Kanyang Huling Sugo: “Aking palalakasin ka.”  Natupad ba ang pangakong ito kay Kapatid na Felix Manalo?  Opo.  Ano ang katunayan nito?  Ang mabilis na paglago at malakas na paglaganap ng Iglesia ni Cristo sa pangunguna ni Kapatid na Manalo, na ito’y pinatutunayan din ng mga pari at ng mga pastor sa kanilang mga aklat na sinulat. 

 Sa kasalukuyan ay maraming mga Katoliko, mga Protestante, mga Aglipayano at iba’t iba pang relihiyon ang nakaanib na at patuloy na umaanib pa sa Iglesia ni Cristo.  Sinabi pa ng Diyos sa Kaniyang Huling Sugo:  “Aking tutulungan ka.” Tinulungan nga ba ng Diyos si Kapatid na Manalo?  Opo.  Ano ang katibayan nito?  Ang malalaki, magaganda at mga mamahaling kapilya na naitayo at ipinatatayo pa ng Iglesia ni Cristo sa iba’t-ibang dako ng Kapuluang Pilipinas na hinahangaan din maging ng mga kalaban ng pananampalatayang ito.  Ang makapangyarihang gawang ito na marahil ay hindi iniisip ng sinuman na matutupad sa Iglesia ni Cristo ay malinaw na tulong ng Diyos kay Kapatid na  Felix Manalo at sa Iglesia ni Cristo

 Ipinangako pa rin ng Diyos sa Kanyang Huling Sugo:  “Aking aalalayan ka ng kanang kamay ng Aking katuwiran.”  Natupad ba ang pangakong ito kay kapatid na Manalo?  Opo.  Ano ang katunayang ating masasaksihan?  Ang katunayang ating masasaksihan na si Kapatid na Manalo ay inaalalayan ng kanang kamay ng Katuwiran ng Diyos, na ang katuwiran ng Diyos ay ang Ebanghelyo, sa pamamagitan ng masiglang pangunguna at pagtatagumpay sa larangan ng pangangaral ng mga salita ng Diyos. 

 Paano natin mapaniniwalaan na si Kapatid na Felix Manalo at ang Iglesia ni Cristo angnangunguna at nagtatagumpay sa larangan ng pamamahayag ng Ebanghelyo?  Natutupad kay Kapatid na Manalo at sa Iglesia ni Cristo ang sinasabi sa Isa. 41:11-12 na ganito:
 Narito, silang lahat na nangagagalit saiyo ay mangapapahiyaat mangalilito: silang nangakikipaglaban sa iyo ay papanaw at mangapapahamak.

     “Iyong hahanapin sila, at hindi mo mangasusumpungan, sa makatuwid baga'y silang nangakikipaglaban sa iyo: silang nakikipagdigma laban sa iyo ay papanaw, at gaya ng bagay ng wala.

     Ano ang natutupad kay Kapatid na Manalo at sa Iglesia ni Cristo na nagpapatunay na ito’y nangunguna nga at nagtatagumpay sa larangan ng pangagaral ng Ebanghelyo sa tulong ng alalay ng kanang kamay ng katuwiran ng Diyos?  Lahat ng lalaban sa Sugong ito at sa Iglesia ni Cristo ay mapapahiya at malilito.  Ito’y isang katotohanang nasaksihan hindi lamang ng mga kapatid sa Iglesia ni Cristo, kundi maging ng hindi pa kaanib sa Iglesia ni Cristo.  At sa panahong ito’y wala na halos ibig makipaglaban ng diskusyon sa mga ministro ng Iglesia ni Cristo,sapagka’t sila’y nangapapahiya at nalilito lamang sa panahon ng labanan.  Ang mga dating mahihigpit na kaaway ay marami na ang nagsipanaw at ang iba namang buhay pa ay para namang wala na.

 Tangi ba rito’y ano pa ang pangako ng Diyos sa Kanyang Huling Sugo? Sa Isa. 41:13-15, ay ganito ang pahayag:

     “Sapagka't akong Panginoon mong Dios, ay hahawak ng iyong kanang kamay, na magsasabi sa iyo, Huwag kang matakot; aking tutulungan ka.

     “Huwag kang matakot, ikaw na uod na Jacob, at kayong mga tao ng Israel; aking tutulungan ka, sabi ng Panginoon, at ang iyong Manunubos ay ang Banal ng Israel.

     “Narito, aking ginawa kang bagong kasangkapang panggiik na matalas na may mga ngipin; iyong gigiikin ang mga bundok, at didikdiking durog, at iyong gagawin ang mga burol na parang ipa.

     Natupad din ba kay Kapatid na Manalo at sa Iglesia ni Cristo ang pangakong ito ng Diyos?  Opo.  Ano ang katunayan nito?  Dahil sa ang Huling Sugong ito’y ginawa ng Diyos na bagong kasangkapang panggiik, ay gigiikin at didikdikin niyang durog ang mga bundok o ang mga pamunuan.  Paano ito nangyari?  Sa mga kampanya ng mga pagpapahayag ng mga salita ng Diyos ay dinudurog ng Sugong ito ang mga MALING ARAL ng iba’t ibang pamunuan ng mga iglesia.  Sa mga pagduduktrina at maging sa mga pagsamba ng Iglesia ni Cristo ay dinidikdik na durog ng mga ministro ng Iglesia ni Cristo ang mga ARAL NG KADILIMAN, unang-una na ang Iglesia katolika na tulad sa pinakamalaking bundok sa mga relihiyon.  Samakatuwid, ang mga pangakong ito na natupad kay Kapatid na Manalo at sa Iglesia ni Cristo ang matibay na katunayan na Sugo nga ng Diyos si kapatid na Felix Manalo sa huling araw na ito.   Tinutupad ng Diyos ang Kanyang pangako sa Kanyang Huling Sugo.  Isinumpa ng Diyos na kapag sinalita Niya’y gagawin Niya at kapag pinanukala niya’y papangyayarihin Niya (Isa. 46:11).  Nguni’t ipinalalagay ng mga kumakalaban sa Iglesia ni Cristo na sa Israel daw ukol ang pangakong ito at hindi kay Kapatid na Manalo at sa Iglesia ni Cristo sa huling araw.  Sila’y nagkakamali, sapagka’t hindi ang lahat lamang ng mula kay Abraham ang kinikilalang Israel, kundi yaong mga anak man sa pangako.  Kaya ang mga kay Cristo o ang Iglesia ni Cristo ay mga anak sa pangako at sila’y ibinibilang na binhi ni Abraham (Rom. 9:6-8; Gal. 3:29).

Ano Ang Magiging Buhay Ng Huling Sugo Ng Diyos?

  Sa Isa. 41:16, ay ganito ang sinasabi:

     “Iyong pahahanginan, at tatangayin ng hangin, at pangangalatin ng ipoipo: at ikaw ay magagalak sa Panginoon, ikaw ay luwalhati sa Banal ng Israel.”

     Ano ang magiging buhay ng Huling Sugo ng Diyos?  Ang magiging buhay ng Huling Sugo ng Diyos ay maligaya, sapagka’t siya’y magagalak sa Panginoon.  Paluluwalhatiin ng Diyos ang kanyang pamumuhay, dahil sa mga tagumpay sa kaluwalhatian ng Diyos at ngIglesia ni Cristo.  Aling kaluwalhatian ito?  Sa Isa. 14:18, ay sinasabi ang ganito:

     Lahat ng mga hari ng mga bansa, silang lahat, nangatutulog sa kaluwalhatian, bawa't isa'y sa kaniyang sariling bahay.

     Anong kaluwalhatian ang matatamo ng Huling Sugo?  Ang kaluwalhatiang tulad ng sa mga hari sa lupa.  Ito ba’y isang katotohanan na nakikita nating natutupad sa Sugo ng Diyos sa Huling Araw na ito?  Opo.  Ano ang katunayan nito?  Ang pagtanggap sa kanya ng mga tao, hindi lamang ng mga kapatid sa Iglesia ni Cristo, kundi ng mga hindi pa kaanib sa Iglesia ni Cristo na higit sa pagtanggap sa mga kinikilalang dakilang tao sa sanlibutan. 

Kinikilala siya at binibigyan ng mataas na pagpaparangal ng magkakalabang pangkating ukol sa lupa.  Bagaman ang sugo ng Diyos sa Huling Araw na ito ay itinulad sa UOD na Jacob, na kung sukatin sa kalagayan ay mahina at walang katangiang tulad ng mga dakila at marurunong na kinikilala ng mga tao sa lupa, gayunman, ang kaluwalhatiang tinamo sa Diyos ng Huling Sugo ay hindi nila natamo.  Bakit ang mga kahanga-hangang bagay na ito ay nagiging isang ganap na katotohanan sa buhay ng Huling Sugo?  Sapagka’t tinutupad ng Diyos ang Kanyang mga pangako sa kanyang Sugo sa Huling Araw na ito.  Ang sugong ito’y palalakasin at tutulungan ng Diyos(Isa. 41:10)

Si kapatid na Felix Manalo ay pinalakas ng Diyos na dahil dito’y naging mabilis ang paglago ng Iglesia ni Cristo.  Siya’y tinulungan ng Diyos na pinatutunayan ng hindi matatawarang pag-unlad ng Iglesia ni Cristo, na nagpapatuloy sa pagtatayo ng mga kapilyang malalaki, magaganda na nagkakahalaga ng angaw-angaw na piso.  Nakabibili ng malalawak na lupa na pinagtatayuan ng mga makabagong kapilya.  Ang Sugong ito’y inalalayan ng Diyos ng Kanyang katuwiran, kaya ang lahat ng mga tagapangaral na lumaban sa Kanya ay napapahiya at nalilito.

     Dahil dito, dapat matalastas ng lahat ng mga kumakalaban sa Iglesia ni Cristo na hindi na sila dapat magtaka sa mabilis at maunlad na pagtatagumpay ng Iglesia ni Cristo sa huling araw.  Bakit?  Sapagka’t hindi si Kapatid na Manalo sa kanyang sarili ang gumagawa ng pagtatagumpay na ito.  Ito’y gawa ng Diyos sa pamamagitan ng kanyang Sugo sa Huling Araw na ito!  Bakit ang Diyos ay gumagawa ng maligayang pagtatagumpay ng Iglesia ni Cristo sa Huling Araw?  Sapagka’t ang Iglesia ni Cristo sa Huling Araw ay siyang tunay na Iglesiang sa Diyos.  Sapagka’t si Kapatid na Felix Manalo ay ANG SUGO NG DIYOS SA HULING ARAW NA ITO!




30 comments:

  1. mga nakakaawang tao.nagbibigay ng ibang kahulugan sa mga nakasulat sa bibliya upang mapaniwala ang lahat at mga hindi pa nakakaunawa kung ano at sino ang dapat purihin.ginagawang instrumento ang bibliya upang lumikom ng mga salapi at mapalaganap ang iglesiang bulaan ang mga ministro at bulag sa katotohanan.marami kayong tamang tinuturo,pero hindi ninyo natuturuan ang sarili ninyong puso at Espiritu ang ipinapahamak niyo...Ikaw na ministro.basahin mo ang bibliya.wag mong pag aralan kundi unawain.wag mong bigyan ng kahulugan ang mga nakasulat dito.si hesus ang huling sugo dito.paano?bibliya din ang isusumbat ko sa inyo.nakikipagdiskusyon kayo sa marami pero hindi ninyo nauunawaan ang tunay na kahulugan at turo ng Banal na Salita ng Diyos.

    ReplyDelete
    Replies
    1. This comment has been removed by the author.

      Delete
    2. Mega Facepalm*
      Magbasa ka muna bago ka mag-Comment. Walang duda! hindi ka nagbasa. Ano b kinaaaniban mo? bka ikahiya ka nila dahil sa Comment mo. At saang banda maliligtas kinaaniban mo?
      Basahin mo at buksan mo isip mo at ka magbulag bulagan masama un. Salamat.

      Delete
    3. Kung si Jesus ang huling sugo ng Dios,paano si Pablo?Hindi na ba siya sugo ng Dios?Mali ang unawa nio sa Biblia.Sino ba ang nauna si Pablo o si Cristo?Cge sagutin mo anonymous.Mali din ang sinabi mo ma magbasa lang ng Biblia para makaunawa nito.Kahit sauluhin mo pa ang buong Biblia kung hindi ka naman tunay na sugo at walang sugo na magpapaliwanag sayo ay hindi ka makakarating sa tunay na pagkaunawa nito.Maliwanag ang sinabi ni Cristo sa Marcos 4:11-12 na ginawa ang lahat ng mga bagay na hiwaga sa mga taong nasa labas,ngunit para sa mga tunay na lingkod ng Dios at ni Cristo,sa kanila ibinigay ang pagkaunawa.CGe i challenge ko kayo na mga nagmamayabang dito..basahin nio ang Apocalipsis 14:6-9 at ipaliwanag nio sa akin ang kahulugan ng nakasulat at sino ang 3 anghel na binabanggit dun.Patunayan nio sa akin ngayon kung totoo ang sinabi nio na MAGBASA ng Biblia para maunawaan daw ito. Patunyan nio na mbasalahin lang ang Biblia mauunawaan na raw..Cge i try nio sa akin ngayon.

      Delete
    4. Maraming pona salamat kapatid at binibigyan ninyo ng linaw sa kanila ang aral na ating tinataglay,dahil tayo po ay nakinig sa pagtuturo sa atin ni ka Felix Y. Manalo sa nilalaman ng banal na kasulatan.Tunay ngang siya'y huling sugo sa huling araw.

      Delete
    5. Marami pong salamat kapatid at binibigyan ninyo ng linaw sa kanila ang aral na ating tinataglay,dahil tayo po ay nakinig sa pagtuturo sa atin ni ka Felix Y. Manalo sa nilalaman ng banal na kasulatan.Tunay ngang siya'y huling sugo sa huling araw.

      Delete
    6. Anonymous kung si Cristo ang huling sugo sino naman yong sinabihan niyang at Mayroon pa akung ibang mga tupa na wala sa kulungang ito at magkakaroon ng isang pastol sa Juan 10:16 at isang kawan? Ikalawa: Hindi mo ba alam na noong umakyat na si Cristo sa langit at noong namatay na ang lahat ng mga apostol ay saka pumasok ang mga mababangis na Lobo na nagsisidamit na gaya ng sa tupa at sinila ang kawan kaya nagkawatak watak at natalikod ang marami at hindi naka panindigan dahil sa mababangis na Lobo? Hindi mo ata alam yan na ang unang Iglesia Ni Cristo na itinatag ni Cristo ay natalikod dahil sa mga Katoliko na ipinipilit nila ang kanilang aral na pagka hindi ka susunod ay aariing ikaw ay nagkasala sa pamamagitan ng pagiging erehe kaya dumanak ang tone toneladang dugo sa lupa sa lahat ng mga pinagpapatay nila..yon yong mga nanindigan na ayaw sumunod sa aral nila pagiging Katolikong pagano na pagsamba sa kahoy at bato larawan at rebulto pinagpapatay nila. Kaya nga nagsugo ang Diyos in these last days para ang natitirang mga anak ng Diyos sa mga huling araw na ito ay mangaligtas sa parusa pagdating ng araw ng paghuhukom. Ikaw anong Relihiyon ba kinabibilangan mo? Malamang yang nangunguna sa inyo hindi mo kayang banggitin na siya ay sugo.

      Delete
  2. nakakaawa iyon nag comment ng una diko kasi maunawaan iyong pinuputak niya... panalangin nalang kit para makaunawa ka...

    ReplyDelete
  3. basa basa nga muna ng bibliya bago ka mag comment pwde?
    saka ano bang relihiyon mo?
    at paano mo masasabi na bulaan ang mga ministro at nag bubulag bulagan?

    ReplyDelete
  4. basahin mo yung bibiliya para maunawaan mo :).ty

    ReplyDelete
  5. Kapag binasa at inunawa ito ng mabuti totoo lahat ng iyan maging ako nakaramdam ng takot totoo namaan ang tungkol na pasimula ng wakas ng lupa.. wag po sana tau pipili lang ng ating gustong unawain at hindi po sana puro saya nlang ang gusto natin marinig sa bible dahil itinuturo din nmn ang tungkol sa kapahamakan.. dapat pa nga na mas tiyakin ntin kung tayo ba ay kasama sa pagliligtas ng panginoong jesus hindi po ung salitang BAHALA NA pagdating ng paghuhukom... tandaan po natin ang kamatayan ng katawan ay muli kang mabubuhay at hindi na muling mamamatay dalawa lang ang pwede mo puntahan IMPYERNONG WALANG KAMATAYAN O SA LANGIT KASAMA NG DIOS... tandaan po na ang buhay sa lupa ay may hangganan ngunit ang buhay sa apoy walang hangganan at walang kamatayang kaparusahan.. salamat po sana maunawaan ng lahat ang patungkol sa pagliligtas..

    ReplyDelete
  6. Kung si Jesus ang huling sugo ng Dios,paano si Pablo?Hindi na ba siya sugo ng Dios?Mali ang unawa nio sa Biblia.Sino ba ang nauna si Pablo o si Cristo?Cge sagutin mo anonymous.Mali din ang sinabi mo ma magbasa lang ng Biblia para makaunawa nito.Kahit sauluhin mo pa ang buong Biblia kung hindi ka naman tunay na sugo at walang sugo na magpapaliwanag sayo ay hindi ka makakarating sa tunay na pagkaunawa nito.Maliwanag ang sinabi ni Cristo sa Marcos 4:11-12 na ginawa ang lahat ng mga bagay na hiwaga sa mga taong nasa labas,ngunit para sa mga tunay na lingkod ng Dios at ni Cristo,sa kanila ibinigay ang pagkaunawa.CGe i challenge ko kayo na mga nagmamayabang dito..basahin nio ang Apocalipsis 14:6-9 at ipaliwanag nio sa akin ang kahulugan ng nakasulat at sino ang 3 anghel na binabanggit dun.Patunayan nio sa akin ngayon kung totoo ang sinabi nio na MAGBASA ng Biblia para maunawaan daw ito. Patunyan nio na mbasalahin lang ang Biblia mauunawaan na raw..Cge i try nio sa akin ngayon.

    ReplyDelete
  7. marami kaung tamang aral kaso hindi nyo naman sinusunod... mostly ng mga kaklase ko na INC napakaharas kung kumilos, wild pa masyado. hidi mo tlaga makikita ang pagiging kristyano sa kanilang pamumuhay.. nang aapi pa. nakaka-disappoint. buti pa ang ibang denomination tulad ng mormons, adventist at born again. ,, makikita mo talaga sa kanilang pamumuhay ang pagiging kristyano. ma fell mo na si kristo ay andyan sa kanila kasi hndi yan sila umiinom ng alak, hndi nagmumura hndi mapagmataas,.. sana ganun din ang ugali nyo.

    ReplyDelete
    Replies
    1. tulad nga ng binabangit sa biblia ang iglesia ay isa sa mga unang hakbang upang ang tao ay maligtas.
      kung sa pagkatao at pag uugali ng isang miyembro ng inc ay hindi namumuhay ng pagka cristiano at may nag ulat ay ang ganun ay itinitiwalag sa iglesia.

      Delete
    2. maraming salamat po sa pagpupuri ang sarap sa pakiramdam

      Delete
    3. Sa INC lang ako nakamulat Ng tamang aral dumaan na Rin ako sa Mormons, born again,dating Daan, sabadista, Muslim, baptist at maranatha Dito lang sa INC Ang Tama at naayon mismo sa bible Ang aral. Yung mga taong mapaglait sa INC Sila Po Yung walang tunay na pananampalataya sa Diyos at Hindi nila tinatanggap Ang katotohanan na nagmula sa bibliya. Sila Yung mga sarado at madilim Ang pag uunawa ukol sa aral Ng Diyos.

      Delete
  8. Tanong ko lng po,,sa anong anyo ni felix manalo siya itinalaga ng diyos upang gawing huling sugo? Sa anyong tao po ba?

    ReplyDelete
  9. alam nyo kac mga kapatid sa panginoon nd na bago sa amin na siraan nyo kami kayo na rin ang isa sa mga tumutupad ng hula tungkol sa amin na mga INC sabi sa mateo 24:9 “Pagkatapos ay kapopootan kayong lahat dahil sa inyong pagsunod sa akin. Isasakdal kayo upang pahirapan at patayin, 10 at dahil dito'y marami ang tatalikod sa kanilang pananampalataya. Mapopoot sila at magtataksil sa isa't isa

    ReplyDelete
    Replies
    1. 24:9 “Pagkatapos ay kapopootan kayong lahat dahil sa inyong pagsunod sa akin. Isasakdal kayo upang pahirapan at patayin, 10 at dahil dito'y marami ang tatalikod sa kanilang pananampalataya. Mapopoot sila at magtataksil sa isa't isa" hindi naman ito tinutukoy na kay manalo kundi kay Jesus at sa Dios Ama.at si manalo sya lang nagkeklaim na sugo at wala naman sa Biblia heheheheheh

      Delete
  10. Natiwalag si Manalo dahil sa kalibugan, nagtanan ba naman ng babae at sa araw pa ng Sabado!

    ReplyDelete
    Replies
    1. hahahah xD wala na bang maisip na iba kaya FAKE NEWS nalang ang iyong na ikomento???? Ayan ba ang tinuro sa inyo ng inyong Relihiyon ang mag pakalat ng MALING Impormasyon????
      .
      .
      Kakahiya naman yan lang ang alam mo sa buhay ^_^

      Delete
  11. Mga nagkakalat ng maling impormasyon ay
    Kasangkapan ni satanas sbagay di namin kyo masisisi yan tlaga ang trabaho nya.
    Kung ang tao e buksan lang ang pagka,unawa at hindi ang pride ang paiiralin mkakakita sya ng kliwanagan

    ReplyDelete
  12. saan po ba nakalagay sa bibliya o anong verse sa bible nakalagay na si Felix Manalo ang huling sugo ng Diyos?

    ReplyDelete
    Replies
    1. Sa gawain po at pasugo na kanyang ginagampanan ang pagkakikilanlan at hindi po sa pangalan ng tao. Dahil kung ang tanong mo ay letra letra na dapat may mababasang Felix Manalo ang sugo sa mga huling araw..malamang lahat ng tao ay ipapangalan nila sa kanilang mga anak ay gayon nga.

      Delete
    2. Hindi naging kaugalian sa mga propesiya na magbanggit ng eksaktong pangalan kundi ang tungkuling gagampanan. Si Juan Baitista ayon sa hula ay ang tinig sa ilang. Kamusta naman kung inilagay dyan word for word ang oangalang Felix Manal9? Baka pati tatay mo ganon ang pangalan? Kailangan mo pa talagang magsaliksik.

      Delete
  13. Tungkol sa Huling sinugo mga kapatid...
    MALAKIAS 4:5 "Narito, aking susuguin sainyo si ELIAS NA PROPETA bago dumating ang dakila at kakilakilabot na kaarawan ng Panginoon"

    MATEO 11:14 At kung ibig ninyong tanggapin, siya'y si ELIAS na paririto. 15Ang may mga
    pakinig upang ipakinig, ay makinig.
    Anu ba yung ipaparinig Yun po TURO AT ARAL NA Nagmula sa Diyos...

    Sabi sa JUAN 14:1 Huwag magulumihanan ang inyong Puso: magsisampataya kayo sa DIOS, Magsisampalataya naman kayo sa akin..
    Anu sabi ng Panginoong Jesus? Magsisampalataya sakanya...

    JUAN 14:6 Sinabi sakanya ni Jesus, AKO ANG DAAN, AT ANG KATOTOTHANAN, AT ANG BUHAY SINUMAN AY DI AKO MAKAPAROROON SA AMA, Kundi sa PANGALAN ko..

    JUAN 14:7 Kung ako'y nangakikilala ninyo ay mangakikilala ninyo ang aking AMA: Buhat ngayon siyay inyong mangakikilala, at siya'y inyong nakita...

    juan 14:15 Kung ako'y inyong iniibig, ay TUTUPARIN NYO ang aking mga UTOS.

    JUAN 14:16 At akoy dadalangin sa AMA, at kayo'y bibigyan niya ng ibang MANGAALIW, upang siyang sumainyo magpakailanman

    JUAN 16:17 Samakatuwid bagay ang ESPIRITU ng KATOTOHANAN: na HINDI MATATANGGAP NG SANGLIBUTAN; Sapagkat hindi nito siya nakikita, ni nakikilala man: siya'y nakikilala ninyo, at sasainyo...

    Maliwanag po mga KAPATID NA HINDI TAO ang susuguin kundi ESPIRITU NG KATOTOHANAN...

    JUAN:14:26 Datapuwa't ang MANGAALIW, sa makatuwid baga'y ang ESPIRITU SANTO, na susuguin ng AMA sa aking pangalan, SIYA ANG MAGTUTURO SAINYO NG LAHAT NG MGA BAGAY, AT MAGPAPAALALA NG LAHAT NA SAINYO'Y AKING SINABI.

    Maliwanag mga KAPATID NA ESRITU SANTO ANG MAGTUTURO hindi ang TAO.. Baket? sapakat ang tao ay likas na makasalanan kaya hindi pwede mangaral at magturo ang TAO sa TAO kundi marapat lamang na DIYOS ang magturo sa TAO.

    ROMA 3:10 Gaya ng nasusulat, WALANG MATUWID, Wala,wala kahit isa...
    kaya walang sinumang tao ang dapat MAGTURO AT MANGARAL kundi ang dapat naten gampanan ay MAGBALITA Lamang ng ating napakakinggan buhat sa DIOS at sa tinig ng ESPIRITU SANTO...

    MGA KAPATID ANG ESPIRITU SANTO NG KATOTOHANAN ay MALAON ng NAGTURO SA MGA HIRANG NA PINILI NG PANGINOON... Narinig ng aming mga magulang na personal ang TINIG ng ESRITU NG KATOTOHANAN. 1997 ng huling marinig namin ang TINIG ng KAGALANG GALANG NA PROPETA ELIAS o MAHAL NA MAGULANG.

    AWIT 111:9 Siya'y nagsugo ng katubusan sa kaniyang bayan; kaniyang iniutos ang kaniyang tipan magpakailanman: BANAL at KAGALANG GALANG ang kaniyang PANGALAN.

    Akin pong ibinabalita ang TUNGKOL SA HULING SUGO "ANG KAGALANG GALANG NA PROPETA ELIAS"

    Salamat po.

    ReplyDelete
  14. Totoo sugo Ng diyos si Felix y manalo

    ReplyDelete
  15. Maliwanag sa Romans 10:4 Si Cristo ang hangganan ng Kautusan,at sa gayon ang sinumang nananalig sa kanya ay pawawalang sala. At sa Juan 17:3 Ito ang buhay na walang hanggan ang kilalanin ka nila, ang iisa at tunay na Diyos at si Jesu Cristo na iyong sinugo.

    ReplyDelete
  16. Sa Exodus 3:14 Sinabi ng Diyos ,Ako'y si Ako Nga sabihin mong sinugo ka ni Ako Nga. At sa Juan 8:58 Sumagot si Jesus,Sinasabi ko sa inyo :bago ipinanganak si Abraham Ako'y Ako Na. Juan 13:19 Sinasabi ko ito sa inyo bago pa mangyari upang, kung ito'y mangyari na ay manalig kayo na Ako'y si Ako Nga. Juan 10:30 Ako at ang Ama ay iisa. Ngunit hindi nangangailangan ng tagapamagitan ang nag-iisa -at ang Diyos ay iisa.

    ReplyDelete
  17. Galacia 3:20 Ngunit hindi nangangailangan ng tagapamagitan ang nag-iisa - at ang Diyos ay iisa.

    ReplyDelete