Ilang araw nalang sasapit ang Iglesia ni Cristo sa 100
taong anniversary mula ng ito ay maiparehistro sa pilipinas noong July 27,
1914. Kitang kita natin ang pagtulong ng Panginoong Diyos sa kanyang Iglesia at
sa Pamamahala, mula sa iisang Tao na kanyang sinugo ay lumaganap ito sa ibat
ibang panig ng mundo at ibat ibang lahi ng tao. Tayo po ang saksing buhay ukol
sa tagumpay ng Iglesia sa kasalukuyan. Ito ay tagos hanggang sa ating
sambahayan.
Kaya anu po ang ibinilin ng mga Apostol na lagging gawin ng
mga kaanib sa Iglesia?ganito an gating mababasa
Col 1:12 Lagi kayong magpasalamat sa Ama sapgkat minarapat niyang
makabahagi kayo sa mga pangako ng Diyos para sa mga hinirang na nasa liwanag.
Ang bawat kaanib sa INC ay dapat lagging napapasalamat sa Ama
o sa ating Panginoong Diyos. Bakit kailangan lagging magpasalamat? Sapagkat minarapat
ng Diyos na tayo’y makabahagi sa kanyang mga Pangako. Totoo po ba na nangako
ang Diyos sa kanyang bayan? Anu ang kaniyang pangako sa Sugo at sa pasugong
ito?
Sa Isa. 41:10, ay ganito ang sinasabi:
“Huwag kang matakot, sapagka't ako'y
sumasaiyo; huwag kang manglupaypay, sapagka't ako'y iyong Dios; aking
palalakasin ka;oo, aking tutulungan ka; oo, aking aalalayan
ka ng kanang kamay ng aking katuwiran.”
Ang sabi mismo ng Diyos sa kanyang sinugo; “sapagka't ako'y iyong
Dios; aking palalakasin ka;oo, aking tutulungan
ka; oo, aking aalalayan ka ng kanang kamay ng aking katuwiran.”
Totoo po ba na tinulungan
ng Diyos ang kanyang sugo na si kapatid na Felix Manalo? Opo.. malawak at
matagumpay ang Iglesia ni Cristo na patuloy na nagtatagumpay dahil sa awa at
tulong ng Diyos.
Ngunit anu po ang
hindi maiiwasan ng bawat kaanig sa Iglesia ni Cristo? Ang kapootan ng taga
sanlibutan. Tayo po ay nakakaranas ng mga pag uusig. Sari saring paninira ang
kanilang binibitawan laban sa atin. Na ang sabi ng ilan ay pera pera lang daw
sa Iglesia, INC1914, at ibat ibang panunuya ang ginagawa nila sa atin. Bakit ba
ito nangyayari? Baket po ba tayo kinapopootan at inuusig ng mga taga
sanlibutan? Ito mismo ang pahayag n gating Panginoong Jesus ang ating basahin
Juan 15:18-20 MB Kung napopoot sa inyo
ang sanlibutan, alalahanin ninyong ako muna ang kinapootan nila bago kayo. Kung
kayo'y taga-sanlibutan, mamahalin nila kayo, sapagkat kayo'y kabilang sa kanila.
Hindi kayo taga-sanlibutan. Sila'y napopoot sa inyo dahil pinili ko kayo.
Alalahanin ninyo ang sinabi kong ito: walang aliping nakakahigit kaysa sa
kanyang panginoon. Kung ako'y inusig nila, uusigin din nila kayo. Kung sinunod
nila ang aking sinabi, susundin rin nila ang inyong sasabihin.
Sabi ni Jesus hindi na tayo taga sanlibutan, pinili nya tayo
kaya hindi na tayo taga sanlibutan, kung papaanong si Jesus ay inusig tayong kaniyang
pinili o ibinukod ay uusigin din at kapopootan ng sanlibutan. Samakatwid taglay
na natin ang pangalan ng ating Panginoong Jesus ng tayo ay kaniyang piliin at
ibukod. Tinatawag na tayo sa kaniyang pangalan. Aling pangalan ba ito? Ito ang
pahayag ng Diyos
ISA 43:7 Bawa't tinatawag sa aking pangalan, at yaong aking nilikha ay
sa aking kaluwalhatian, yaong aking inanyuan oo, yaong aking ginawa.
Ang sabi mismo ng Diyos “
Bawat tinatawag sa aking pangalan, na kanyang nilikha ay siya niyang
kaluwalhatian.
Aling pangalan ang nilikha ng Diyos para sa kanyang
kaluwalhatian?
“Pakatalastasin
nga ng buong angkan ni Israel, na ginawa ng Dios na Panginoon at Cristo itong
si Jesus na inyong ipinako sa krus.” (Gawa 2:36)
Pangalang Cristo po ang
nilikha ng Diyos na ito ay sa kanyang
kaluwalhatian. Ito ang pangalang taglay natin. Kaya ang tawag ng mga Apostol ay
IGLESIA NI CRISTO. (Roma 16:16)
Hindi tayo uusigin,
kapopootan ng taga sanlibutan kung hindi ka kabilang sa INC lahat ng taong
kaanib dito ay tiyak na makakaranas ng pag uusig, hindi po ito pananakot para
sa mga gusto makabilang sa tunay na Iglesia, Ang pag uusig po ang katunayan na
pinili tayo, ibinukod ni Jesus upang sa magmana ng kaharian ng Diyos. Anu po ba
ang nais ni Cristo para sa kanyang mga ibinukod?
Juan 14: 1-3 1Huwag magulumihanan ang inyong puso:
magsisampalataya kayo sa Dios, magsisampalataya naman kayo sa akin. 2Sa bahay ng aking Ama ay maraming tahanan; kung di gayon, ay
sinabi ko sana sa inyo; sapagka't ako'y paroroon upang ipaghanda ko kayo ng
dakong kalalagyan. 3At kung ako'y pumaroon at kayo'y maipaghanda ng kalalagyan,
ay muling paririto ako, at kayo'y tatanggapin ko sa aking sarili; upang kung
saan ako naroroon, kayo naman ay dumoon.
Kung saan naroon si Cristo
ay nais nya naroon din ang kaniyang mga ibinukod. Kahit makasagupa ng mga pag
uusig at paninira sa Iglesia. Ano lamang ang dapat gawin ng bawat isa upang
maligtas? Manatili tapat hanggang wakas.Mateo 24:13