Ipinagtataka ng iba kung bakit Iglesia Katolika
ang kinagisnan ng lalong maraming tao samantalang ang itinatag ni Cristo ay ang
Iglesia ni Cristo. Ito ay bunga ng kawalan ng kabatiran sa tunay na kasaysayan
ng Iglesiang itinatag ng ating Panginoong Jesuscristo noong unang siglo. Kapag
ating nalalaman ang mga pangyayari sa kasaysayan ng Iglesia ni Cristo ay
hindi na tayo magtataka kung bakit ang Iglesia Katolika ang kinagisnan ng
marami samantanlang hindi ito ang Iglesia itinatag ng ating Panginoong
Jesucristo.
Paano ba nagsimula ang Iglesia ni Cristo noong
unang siglo? Ano ang kalagayan nito noong una?
Ang Iglesia ni Cristo ay nagsimula sa panahon ng
Panginoong Jesucristo sa lupa bilang isang munting kawan. Tinawag Niya ito na
muting kawan.
"Huwag
kayong mangatakot, munting kawan;
sapagka't nakalulugod na mainam sa inyong Ama ang sa inyo'y ibigay ang
kaharian."(Luc.12:32)
Bakit natin natitiyak na ang Iglesia ni Cristo ang
tinutukoy dito sa pangungusap ng ating panginoon?
Ang kawan ay ang Iglesia ni Cristo na tinubos ng
dugo ng ating Panginoong Jesucristo; kaya natin natitiyak na ang Iglesia ni
cristo ang tinutukoy dito sa pangungusap ng ating Panginoon.
"Ingatan ninyo kung gayon ang inyong sarili at
ang buong kawan na rito'y hinirang
kayo ng Espiritu Santo ng mga katiwala,upang pakanin ang iglesia ni Cristo na binili niya ng kaniyang dugo." (Gawa20:28, lamsa trans.)
Kung noong ang Panginoong
Jesucristo ay narito pa sa lupa ay naroon na rin ang kawan o ang Iglesia ni
Cristo, nangangahulugan na ang Iglesia ni Cristo ay natatag noong unang siglo
pa.
Ano nag nangyari sa Iglesiang ito sa panahon ng
pangangasiwa ng mga Apostol?
Ang Iglesia ni Cristo ay nagdanas ng malaking
pag-uusig mula sa mga hindi kumikilala sa kaniya. Bunga nito ay nangalat ang
mga kaanib sa mga dako ng Judea at Samaria. Samantala ay naiwan sa Jerusalem
ang mga apostol.
"At si Saulo ay
sumangayon sa kaniyang pagkamatay. At nang araw na yao'y nangyari ang isang malaking paguusig laban sa iglesia na nasa
Jerusalem; at silang lahat ay nagsipangalat sa lahat ng mga dako ng Judea at
Samaria, maliban na sa mga apostol." (Gawa 8:1)
Habang nangngalat ang mga alagad bunga ng pag-uusig
ano ang patuloy na tinupad nila?
Habang sila ay nagsisipaglakbay sa kanilang
panangalat sa iba't ibang dako ay ipinangaral nila ang salita.
"Ang mga
nagsipangalat nga ay nagsipaglakbay, na
ipinangaral ang salita.
"At bumaba si Felipe sa bayan ng Samaria, at
ipinangaral sa kanila ang Cristo." (Gawa 8:4-5)
Ano ang ibinunga sa Igleisa kapag ang salita ng
Diyos ay patuloy na ipinangaral?
Nang ipangaral sa Jerusalem ang mga salita ng
Diyos, lumago ang Iglesia ni Cristo. Dumami ang tumalima sa pananampalataya.
"At lumago ang
salita ng Dios; at dumaming lubha sa
jerusalem ang bilang ng mga alagad; at nagsitalima sa pananampalataya ang
lubhang maraming saserdote." (Gawa 6:7)
Kung paanong lumago ang Iglesia ni Cristo bunga ng
pangangaral sa Jerusalem, gayon din ang natupad nang mangaral ang mga alagad
habang nagsisipaglakbay sa pangangalat dahil sa dinanas na pag-uusig. Dumami
rin ang bilang ng mga alagad.
Hanggang saan nakarating ang Iglesia ni Cristo na
nagsimulang isang muntign kawan?
Ang Iglesia ni Cristo ay nakarating sa dako ng mga
Gentil, gaya ng ipinahayag ni Apostol Pablo.
"Na ipinain ang
kanilang mga leeg dahil sa aking buhay; na sa kanila'y hindi lamang ako ang
nagpapasalamat, kundi naman ang lahat ng
mga iglesia ng mga Gentil." (Roma 16:4)
Binabanggit sa sulat na ito ni Apostol Pablo ang
Iglesia ng mga Gentil. Samakatuwid, nakarating sa dako ng mga Gentil at naging
kaanib ng Iglesia ang mga Gentil. Sino ang tinatawag noong na mga Gentil? Ito
ang mga hindi Judio o hindi Israelita sa laman. Ang mga ito ay tinatawag ni
Apostol Pablo na Iglesia ng mga Gentil.
Subalit saan kaanib ang mga napabilang sa Iglesia
ng mga Gentil? Iba pa na ito sa Iglesia ni Cristo?
Ang tinawag ni Apostol Pablo na Iglesia ng mga
Gentil ay mga Iglesia ni Cristo rin. Sa Iglesia ni Cristo kaanib ang mga Gentil
na tinawag ng Diyos noon. Ganito ang sinasabi sa Roma 16:16:
"Mangagbatian kayo
ng banal na halik. Binabati kayo ng lahat ng mga iglesia ni Cristo."
Ano ang hinulaan ni Cristo nga mangyari sa Iglesia
itinayo niya noong unang siglo?
Pinapag-ingat ng ating Panginoong Jesucristo ang
mga kaanib sa Iglesia sapagkat may magliligaw sa kanila. Samakatuwid, ililigaw
ang mga kaanib sa Iglesia. Ganito ang Kaniyang pahayag:
"At sumagot si Jesus
at sinabi sa kanila, Mangangingat kayo
na huwag kayong maliligaw ninoman." (Mat.24:4)
Sino ang magliligaw sa Iglesia ni Cristo at gaano
karami ang kanilang ililigaw?
Ang magliligaw sa Iglesia ni Cristo ay ang mga
bulaang propeta at ang ililigaw ay ang maraming kaanib sa Iglesia.
"At magsisibangon ang maraming bulaang propeta, at
kanilang ililigaw ang marami." (Mat 24:11)
Ano ang katumabas na kahulugan ng sinabi sa
talatang ito na ililigaw ang mga alagad? Ganito naman ang pahayag ni Apostol
Pablo na humula rin ukol sa pagliligaw sa mga alagad:
"Ngunit hayag na
sinasabi ng Espiritu, na sa mga huling panahon,ang iba'y magsisitalikod sa pananampalataya, at mangakikinig sa mga
espiritung mapanghikayat at sa mga aral ng mga demonio." (I Tim. 4:1)
Ang ibig sabihin ng ililigaw ay itatalikod sa
pananampalataya. Samakatuwid, maliligaw o matatalikod ang Iglesia ni Cristo
dahil sa mga bulaang propeta.
Paano itatalikod ng mga bulaang propeta ang mga
alagad?
Ang gagamitin ng mga bulaang propeta upang
maitalikod o mailigaw ang Iglesia ni Cristo ay ang mga aral ng demonio.
"Nguni't hayag na
sinasabi ng Espiritu, na sa mga huling panahon ang iba'y magsisitalikod sa
pananampalataya, at mangakikinig sa mga espiritung mapanghikayat at sa mga aral ng mga demonio.
"Na
ipinagbawal ang pagaasawa, at ipinaguutos na lumayo sa mga lamangkati, na
nilalang ng Dios upang tanggapin na may pagpapasalamat ng mga
nagsisisampalataya at nangakakaalam ng katotohanan." (I Tim.4:1,3)
Alin-alin ang mga aral ng Demonio na ituturo ng mga
bulaang propeta sa mga alagad upang sila ay mailigaw o matalikod sa
pananampalataya?
Una, ipagbabawal ang pag-aasawa. Ikalawa,
ipag-uutos na lumayo sa mga lamangkati o karne.
Kung gayon, ang relihiyong nagtataguyod ng mga aral
na ito ay siyang relihiyong tumalikod sa mga aral ng Diyos. Kapag tumalikod na
sa aral ng Diyos ay tiyak nating hindi na ito ang tunay na Iglesia ni Cristo.
Sino ang nagtataguyud ng mga aral ng ito ng
Demonio?
Sa isang aklat ng Iglesia Katolika na pinamagatang "Ang Pananampalataya ng ating mga Ninuno"
ay ganito ang sinasabi:
"Ang disiplina ng Iglesia(katolika)ay ipinatupad buhat
pa sa pasimula,sa pamamagitan ng pagbabawal sa mga Sacerdote(pari) na mag-asawa
pagkatapos na sila'y maordena." (p.396)
Sa Iglesia Katolika natin natagpuan ang pagbabawal
sa pag-aasawa.Ang aral na ito na isa sa mga aral ng demonio ay ipinatutupad sa
mga paring katoliko.Sila ay pinagbawalang magsipag-asawa. At saan din natin
matatagpuang itinuturo ang aral ukol sa paglayo o hindi pagkain ng anumang
lamangkati o karne? Ganito ang sinasabi ng isa pang aklat ng Iglesia Katolika:
Ang ikalawang iutos ng santa iglesia: Magayuno at
huwag kumain ng anomang lamangkati sa mga araw na bawal.
"Sa ikalawang utos
ay ipinaguutos ng Santa Iglesia sa atin na magayuno at huwag kumain ng anomang lamangkati o karne sa mga araw ng ipinagbabawal niya." (Siya Ang Inyong Pakinggan: Aral na Katoliko,
P.139)
Maging ang pagbabawal ng pagkain ng lamangkati o
obstinensiya sa karne ay ating nasumpungan sa Iglesia Katolika. Pinatutunayan
lamang ng mga katotohanang ito na ang Iglesia Katolika ang tumalikod sa
pananampalataya.
Ang relihiyong ito ay hindi siyang itinatag ng
ating Panginoong Jesucristo kundi siyang naging bunga ng pagtalikod sa unang
Iglesia ni Cristo.
Paano naman ipinakilala ni Cristo ang mga bulaang
propeta na magtatalikod sa Iglesia niya? Ayon sa Kaniyang, sila ay nakadamit
tupa.
"Mangagingat kayo sa
mga bulaang propeta, na nagsisilapit sa inyo na may damit tupa,datapuwa't sa loob ay mga lobong maninila." (Mat. 7:15)
Kung gayon, may pagkakakilanlan sa mga bulaang
propeta na magtatalikod sa Iglesia. Makikilala sila sa kanilang pananamit. ayon
kay Cristo,ay magdaramit tupa.
Ano ang kahulugan ng magdaramit tupa? Sino ang tupa
na nagdaramit na tularan ng mga bulaang Propeta? Si Cristo ang kordero o tupa
ng Diyos.
"Nang kinabukasan ay
nakita ni Juan si Jesus na lumalapit sa
kaniya,at sinabi Narito, ang Cordero ng Dios, na nag-aalis ng kasalanan ng
sanlibutan!." (Juan 1:29)
Ang salitang "Cordero" ay mula sa wikang
Kastila na ang katumbas sa Pilipino ay tupa.Kaya, ang ibig sabihin ng
"cordero ng Dios" ay tupa ng Diyos. Ang ating Panginoong Jesucristo
ay tupa ng Diyos. Ang Kaniyang pananamit ang siyang tutu- laran ng mga bulaang
propeta o magdaramit tupa.
Sino nga ba ang tumulad sa damit ni Cristo?
"ANG PANANAMIT NG PARENG NAGMIMISA.
"Ang pareng gayak sa pagmimisa ay nakakatulad ni
Jesukristo noong umakyat sa bundok ng kalvario."
(Siya ang Inyong Pakinggan:
Ang Aral na Katoliko, p.195)
Ang mga paring Katoliko ang tumulad sa pananamit ng
ating Panginoong Jesucristo. Dahil dito, natitiyak nating ang mga paring
Katoliko ang tinutukoy ng ating Panginoon na mga bulaang propeta na
magtatalikod sa Iglesia ni Cristo.
Ano ang malaking kasalanan sa Diyos ng mga paring
Katoliko? Ano ang kanilang ginawa?
Ipinagpauna ni Apostol Pablo ang pagsalangsang na
gagawin ng mga bulaang propeta na magtatalikod sa Iglesia:
"Huwag kayong padaya
kanino man sa anomang paraan: sapagka't ito'y hindi darating, maliban nang
dumating muna ang pagtiwakas, at mahayag ang taong makasalanan, ang anak ng
kapahamakan.
"Na
sumasalangsang at nagmamataas laban sa lahat na tinatawag na Dios o
sinasamba; ano pa't siya'y nauupo sa templo ng Dios, na siya'y natatanyag sa kaniyang sarili na tulad sa Dios." (II Tes.2:3-4)
Ayon kay Apostol Pablo, ang taong makasalanan na
mangunguna sa pagtaliwakas o pagtalikod sa pananampalataya ay magmamataas, sasalangsang,
at magtatanyag sa kaniyang sarili na tulad sa Diyos.
Paano gagawin ng mga bulaang Propeta ang
pakikitulad o pakikipantay sa Diyos? Alin utos ng Diyos ang sasalangsangin ng
mga paring katoliko sa layuning makitulad sa Diyos?
"at huwag ninyong tawaging inyong ama ang sinomang tao
sa lupa: sapagka't iisa ang inyong ama, sa makatuwid baga'y siya na nasa langit." (Mat. 23:9)
Ipinagbawal ng Panginoong Jesucristo na tawaging
ama(na tulad ng pagiging ama ng Diyos na nasa langit) ang sinumang tao sa lupa.
Lalong malaking kasalanan kung ang isang tao ay magpatawag ng ama na tulad ng
pagiging Ama ng Diyos na nasa langit. Ito
ang pakikitulad o pakikipantay sa Diyos.
Ano ang uri ng pagka-ama ng Diyos na siyang
tinularan ng mga paring Katoliko?
Ang Diyos ay ama ng Kaluluwa sapagkat ang kahulugan
ng ama ay pinagmulan. Sa Kaniya nagmula ang lahat ng mga kaluluwa kaya Siya
tinatawag na Ama ng kaluluwa.
"Narito, lahat ng kaluluwa ay akin; kung paano ang kaluluwa ng ama,gayon din ang
kaluluwa ng anak ay akin:ang kaluluwa na nagkakasala ay mamamatay." (Ezek.18:4)
Samakatuwid, masamang tawaging Ama ng kaluluwa ang
sinumang tao sa lupa. Sinumang magpatawag nang gayon ay nakikipantay sa Diyos.
Sino nga ba ang nagpatawag na Ama ng kaluluwa?
Ganito ang nakasulat sa isang babasahing Katoliko:
"At ang Santo Papa(Ama)ay ang pinakamataas na ama ng
ating kaluluwa dito sa lupa, dahil sa siya ang kahalili nang ating Panginoon. "At
dahil sa ang mga sacerdote ang nagbibigay sa atin ng buhay ng ating kaluluwa,
sa pamamagitan ng pangangasiwa sa mga sacramento, sila man ay tinatawag na 'Ama ng kaluluwa'."
(Ang Iglesia ni Kristo at
Iba't ibang SektangProtestante, p.26)
Ang mga papa at mga paring Katoliko ay napatatawag
na mga ama ng kalu-luwa. Kaya nga ang tawag sa kanila ng mga taong Katoliko ay
Padre(sa Kastila) o Father(sa Ingles), kapuwa katumbas ng salitang ama.
Samakatuwid, sa pamamagitan ng pagpapatawag na mga ama ng kaluluwa ay
nakikitulad o nakikipantay ang mga paring Katoliko sa Diyos. Ito ay isang
malaking kalapastanganan sa tunay na Diyos.
Paano naman makilala ang mga naitalikod o nailigaw
ng mga paring Katoliko na siyang mga bulaang Propeta? Bibigyan nila ng tanda
ang mga nadaya nila.
Ano ang tanda na ibinigay sa mga itinalikod ng mga
pari?
Ang mga nailigaw o naitalikod ay bibigyan ng tanda
sa noo at kanang kamay.
"At ang lahat,
maliliit at malalaki, at mayayaman at mga dukha, at ang mga laya at ang mga
alipin ay pinagbigyan ng isang tanda sa
kanilang kanang kamay, o sa noo." (Apoc. 13:16)
Alin ang tanda sa Noo at Kanang Kamay na ibinigay
ng mga pari sa kanilang mga tagasunod?
"ANG TANDA NG SANTA KRUS
"Ang paraang
ginagawa sa paggamit ng Santa Krus ay dalawa:ang magantanda at ang magkrus. Ang
pagaantanda ay ang paggawa ng tatlong Krus nanghinlalaki ng kanyang kamay;ang una'y sa noo, ang ikalawa ay sa
bibig,.. Ang tanda ng Santa Krus ay siyang tanda ng taong Katoliko,.." (Siya Ang Inyong Pakinggan:Ang Aral na
Katoliko, p.11)
Ang tanda sa noo at kanang kamay na tinutukoy sa Biblia ay
siyang tanda ng Santa Krus kung tawagin naman ng mga Katoliko. Paano ang
pag-aantanda ng Santa Krus? Ito ay sa pamamagitan ng kanang kamay na ang una ay
ginagawa sa noo. Kaya tinatawag na tanda sa noo at kanang kamay.
Ano ang tanda sa noo at kanang kamay? Ano uring
tanda ang tandang ito? Ayon na rin sa mga pari?
Ito ay tanda ng anti-Cristo.
"Ipag uutos mag
quintal sa noo o canang camay sucat pagca quilalanan na sila nga, i, campong tunay nitong Anti-Cristong hunghang."
(Pasion
Candaba,p.210)
Dito ay sinabi ng pari na ang tanda ng Santa Krus
na siyang tanda sa noo at kanang kamay ay tandang ikakilala sa anti-Cristo o
kalaban ni Cristo. Nangangahulugan lamang na ang mga taong Katoliko na binigyan
ng tanda ng Santa Krus ay hindi na sa Diyos kundi kalaban na sila sapagkat sila
ang mga nadaya ng mga pari o bulaang propeta.
Ano ang sasapitin ng mga taong may tanda sa Noo at
Kanang Kamay, Ayon sa Biblia ?
Sila'y parurusahan sa apoy.
9 "At ang ibang anghel, ang pangatlo ay
sumusunod sa kanila, na nagsasabi ng malakas na tinig, Kung ang sinoman ay
sumamba sa hayop at sa kaniyang larawan,at
tumatanggap ng tanda sa kaniyang noo, o sa kaniyang kamay, 10"Ay iinom din naman siya ng alak ng kaglitan ng
Dios, na nahahandang walang halo sa inuman ng kaniyang kagalitan; at siya'y pahihirapan ng apoy at asupre sa
harapan ng mga banal na anghel, at sa harapan ng Cordero: 11
"At ang usok ng hirap nila ay napaiilanglang magpakailan kailan man; at
sila'y walang kapahingahan araw at gabi, sila mga nagsisisamba sa hayop at sa
kaniyang larawan, at sinomang
tumatanggap ng tanda ng kaniyang pangalan."
(Apoc. 14:9-11)
Ang mga binigyan ng tanda ng SantaKrus ang tiniyak
ng Biblia na parurusahan sa apoy sa araw ng Pahuhukom. Kaya,dapat nang tigilan
ang pag-aantanda ng tinatawag na Santa Krus.
Ano ang ginawa ng Iglesia Katolika sa mga hindi
sumunod sa ginawa nilang pagtalikod, kung kaya ganap na hindi natin nagisnan
ang Iglesia ni Cristo?
Ayon sa hula, sila'y hindi patatawarin ng mga ganib
na lobo.
"Aking talastas na pagalis ko ay magsisipasok sa inyo ang mga
ganid na lobo, na hindi mangagpapatawad
sa kawan." (Gawa 20:29)
Pag-alis ni Apostol Pablo ay papasok ang mga ganib
na lobo at hindi magpapatawad sa kawan o sa Iglesia.
Ano ang ibig sabihing hindi patatawarin ng mga
lobong maninila ang kawan?
"Kung magkagayo'y
ibibigay kayo sa kapighatian, at kayo'y
papatayin: at kayo'y kapopootan ng lahat ng mga bansa dahil sa aking
pangalan." (Mat. 24:9)
Samakatuwid ay papatayin ng mga ganib na lobo o ng
mga bulaang propeta ang mga alagad na tatang-ging sumunod sa kanilang
kagustuhan.
Nagpapatay nga ba ang Iglesia Katolika na katunayan
sila nga amg tumalikod sa Iglesiang itinayo ni Cristo?
..ang Iglesia ay nagtatag
ng isang tanging hukuman, ang
Ingkisisyon Papa o Pangsanlibutang Ingkisisyon. Ang mahahalagang bahagi ng
pamamaraan nito ay itinakda ng isang kalipunan ng mga batas na kapuwa
pinagpatibay ni Papa Lucio III at Emperador Barbossa noong 1184. Ang mga
maliliit na detalye ay idinagdag noong 1230. Ang gayong mga hukuman ng katarungang pang-espiritu ay itinatag
sa mga dakong lubos na hinawahan ng mga maling aral... Itinuturing din ng bansa
ang erehiya bilang isang kasalanan, sapagkat pinapaghihina nito ang mga saligan
ng pangmadlang kagalingan. Ang parusa na
itinakda ng mga batas panlupa ukol sa erehiya ay kamatayan sa apoy. Ang mga ito ay hindi kailanman ipinataw ng pansimbahang hukom. ('The Modern World', p.344)
Walang alinlangan na
nagpapatay ng mga di nila kapanampalataya ang Iglesia Katolika. Pinatutunayan
ito ng kasay-sayan.
Inamin ba ng mga paring
Katoliko ang sinasabi ng kasaysayan na ang Iglesia Katolika ay nagpapatay?
Inaamin ito ng Iglesia
Katolika at kanilang kinilala ang pananagutan na pagpapatay sa mga hindi
sumang-ayon sa kanilang paniniwala.
'Ang unang batas ng
kasaysayan, pahayag ni Papa Leo XII, tulad ng aming binanggit nang nakaraan, ay
upang magpahayag nang walang kasinungalingan at upang huwag magkaroon ng takot
sa pagsasabi ng katotohanan. Bilang pagsang-ayon sa matalinong simulaing iyan, tahasan naming kinikilala ang pananagutan
ng mga papa sa paggamit ng pagpapahirap at sa pagsunog sa libulibong mga erehe
sa tulos. Ang pag papahintulot nila sa ganyang malupit at makahayop na mga
pamamaraan ay hindi maitatatuwang isa sa pinakamaitim na mga batik sa talaan ng
Banal na Tanggapan at mananatili hanggang wakas na isang dahilan ng pagkutya at
kahihiyan sa kapapahan. Kahit tapatang aminin,
na siya namang nararapat, na ang kanilang mga layunin ay mabuti at ang kanilang
pagsusumakit ay para sa kapakanan ng Kaluluwa ng biktima, hayaang manatiling
pananinindiganan na ang malupit at di makataong pamamaraan na ginamit ay hindi
mapasusubalian.(p.49)
'ANG PANANAGUTAN NG
IGLESIA'
Ang Iglesia(Katolika)ay
hindi makaiiwas sa pananagutan ukol sa paggamit ng pagpapahirap ni sa pagsunog
ng mga biktima sa tulos. Ang Iglesia sa katauhan ng kaniyang mga pontipise ang
nananagot sa paggamit ng pagpapahirap; ang
malupit na gawaing ito ay pinasimulan ni
Inocencio IV noong 1252... Pinasisikapan ng pontipise na ipagtanggol ang
paggamit ng pagpapahirap sa pamamagitan ng pagtuturing sa mga erehe bilang mga
magnanakaw at mamama-tay-tao, paghahalintulad lamang ang kanyang tanging
batayan.Ang batas na ito ni Inocencio IV ay muling pinairal at pinatibay ni
Alejandro IV noong ika-30 ng Nobyembre,1259, at Clemente IV noong ika-3 ng
Nobyembre,1265.
Ni hindi makaiiwas ang Iglesia(katolika)sa pananagutan ukol
sa pagpapasunog ng mga erehe sa tulos hanggang sa mamatay. Ang pagkukunwari lamang na ibigay ang biktima
sa kapangyarihang sekular ay hindi makapaglilingid sa katotohanang ang mga papa ay paulit-ulit na nagpilit sa
ilalim ng pagbabantang pagtitiwalag at pagbabawal sa mga pinuno, na igawad ang
kaparusahang kamatayan sa mga erehe. (Ibid.,p.47)
Kailan pa nagsimulang
mahayag ang pagtalikod sa Iglesiang itinayo ni Cristo na nagpatuloy hanggang sa
may tinatalikurang aral ng Diyos at ni Cristo?
Ang pagtalikod ay nahayag
lamang sa pag-alis ng mga apostol . Nang naroon pa ang mga apostol ay hindi pa
ito nahayag.
"Aking talastas na pagalis ko ay magsisipasok sa inyo ang mga ganid na lobo,
na hindi mangagpapatawad sa kawan". (Gawa 20:29)
Alin pag-alis ang tinutukoy
dito ni Apostol Pablo?
Ang pag-alis na tinutukoy
niya ay ang pag-alis na tuluyan nang hindi siya muling makikita.
"At ngayon, narito,
nalalaman ko na kayong lahat, na aking nilibot na pinangaralan ng kaharian, ay hindi na ninyo
muling makikita pa ang aking mukha." (Gawa 20:25)
Aling pag-alis ito na
hindi na muling makikita pa ang kaniyang mukha? Ano ang naging damdamin ng mga
kapatid nang marinig nila ang sinabing ito ni Apsotol Pablo?
"At silang lahat ay nagsipanangis nang di kawasa, at nangasiyakap sa leeg ni Pablo at siya'y
hinagkan nila, "Na ikinahahapis ng lalo sa lahat ang
salitang sinabi niya, na hindi na nila makikitang muli pa ang kaniyang mukha.
At kanilang inihatid siya sa kaniyang paglalakbay hanggang sa daong." (Gawa 20:37-38)
Nanangis ang mga kapatid
na marinig ang pangungusap ni Apostol Pablo ukol sa kaniyang pag-alis na hindi
na muling makikita pa ang kaniyang mukha.
Bakit? Alin ba ang
talagang tinutukoy ni Apsotol Pablo na pag-alis niya?
"Sapagka't ako'y
iniaalay na, at ang panahon ng aking pagpanaw ay dumating na.
"Nakipagbaka ako ng
mabuting pakikipagbaka, natapos ko na ang aking takbo,iningatan ko ang pananampalataya: "Buhat ngayon ay natataan sa akin ang putong na
katuwiran, na ibibigay sa akin ng Panginoon na tapat na hukom sa araw na yaon;
at hindi lamang sa akin, kundi sa lahat din namang ng mga naghahangad sa
kaniyang pagpapakita."
(II Tim. 4:6-8)
Ang tinutukoy ni Apostol Pablo na pag-alis ay ang kaniyang
pagpanaw o pagkamatay. Samakatuwid, ang tinutukoy na pag-alis ng mga apostol ay
ang kanilang kamatayan. Nang mamatay ang mga apostol ay saka lamang nahayag ang
pagtalikod ng mga bulaang propeta.
Ano ang nangyari sa
Iglesiang itinatag ni Cristo noong Unang Siglo, Kaya hindi natin nagisnan?
Ang Iglesiang itinatag ni
Cristo noong unang siglo ay natalikod. Iniligaw ito ng mga bulaang propeta na
lumitaw sa Iglesia pagkatapos ng panahon ng mga apostol at ang iba naman, ang
mga nanindigan, ay pinatay ng mga lobong maninila. 'Ang kinatuparan ng ibinabalang magtatalikod sa Iglesia ay
ang mga paring Katoliko. Ipinasok nila ang mga hidwang pananampalataya sa
iglesia hanggang sa tinawag itong Iglesia Katolika - isang iglesiang ibang iba
na sa Iglesia ni Cristo na ipinakilala ng Biblia. Kung gayon ay hindi kay
Cristo at lalong hindi sa Diyos at walang kaligtasan sa Iglesiang Katolika.
Kaya ano ang dapat gawin
ng mga taong nasa Iglesiang Katolika pa upang sila ay maligtas?
"At narinig ko ang
ibang tinig na mula sa langit, na nagsasabi, Mangagsilabas kayo sa kaniya, bayan ko, upang huwag kayong mangaramay
sa kaniyang mga kasalanan,at huwag kayong magsitanggap ng kaniyang mga salot."
(Apoc.18:4)
Dapat lumabas sa Iglesia
Katolika ang mga tao na nadaya ng mga bulaang propeta upang huwag maramay sa
parusa ng Diyos. Dapat nang itakuwil ang lahat ng aral Katoliko sapagkat ang
mga ito'y laban sa mga aral ng Diyos.