Mga kaibigan namin lalo
na sa mga kaanib ng Iglesia ng Diyos kay Kristo Hesus Haligi at Saligan ng
Katotohanan sa Bansang Pilipinas Incorporated, tinatawag ding "Ang Dating
Daan" napakalinis? ng aming layunin sa pagpapadala sa inyo ng cassette tape
na ito na naglalaman ng mga impormasyon tungkol sa mga aral at turo ni Ginoong
Eliseo SORIANO. Kayo ang magpasiya kung dapat pa kayong manatili sa samahang
ito pagkatapos ninyong marinig ang mga katotohanang ito. Subalit bago ang lahat
ay nais muna naming malaman ninyo kung ano ang kasaysayan ng Iglesiang
kinaaaniban ninyo sa ngayon.
Noong 1922 nagparehistro sina G. Teofilo Ora, itiniwalag sa Iglesia ni Cristo,
ng isang samahan na tinawag na Iglesia Verdadera de Cristo. Subalit pagkalipas
ng ilang buwan ay binago niya ang pangalan ng Iglesiang ipinarehistro niya.
Tinawag niya ito na Iglesia ng Diyos kay Kristo Jesus. Dito naging kaanib si
Ginoong Nicolas Perez, itiniwalag din sa Iglesia ni Cristo at siyang sugo na
kinikilala ni G. SORIANO. Ang dahilan ng pagkatiwalag kay G. Perez sa Iglesia
ni Cristo ay dahil sa kinunan niya ng litrato sa ilog ng Mabacao, Maragondon,
Cavite ang mga inanyayahan niyang mag-picnic at pagkatapos ay ipinadala ito kay
Ginoong Felix Manalo at sinabing ang mga nasa litrato ang mga pinabautismuhan
niya. Samakatuwid, hindi gawa ng isang tunay na mangangaral ang ginawa ni G.
Perez, kaya siya itiniwalag. Pansinin din na sa simula pa lamang ay dalawang
beses nang nagpalit ng pangalan ang iglesiang ipinarehistro ni G. Ora na rito
ay kaanib si G. Perez.
Noong namang 1931, nagkahiwalay si G. Perez at G. Ora dahil sa ang nais ni G.
Perez ay siya ang mamahala sa Iglesia. Hindi pumayag si G. Ora. Sa pangyayaring
ito, nangaral na naman ng panibagong Iglesia si G. Perez. Tinawag niya itong
Iglesia ng Diyos kay Cristo Jesus Haligi at Suhay ng Katotohanan. Sa? Iglesiang
ito nabautismuhan ang mga magulang ni G. SORIANO noong 1934 ayon na rin sa
pagtatapat ni G. SORIANO.
Noon namang 1936 ipinarehistro ni G. Perez ang Iglesiang ito na ipinangaral
niya noong 1931. Ganito ang nakalagay sa rehistro noong 1936: 'That the
official name of this society will be called "The church of God in Christ
Jesus The Pillar and Ground of the Truth; Iglesia de Dios En Cristo Jesus,
Columna Y Apoyo dela Verdad: Iglesia ng Dios kay Kristo Jesus Haligi at Suhay
ng Katotohanan. That the central office of this society shall be situated at
530 Natividad St. Pasay City'. May lagda ito ni Ginoong Pedro SORIANO bilang
General Secretary. Samakatuwid, mula 1931 hanggang 1936 ay kolorum ang
relihiyong ipinangaral ni G. Perez. Naging opisyal lamang (daw) noong 1936.
Samakatuwid, hindi na dapat baguhin ang pangalan ng Iglesiang ipinarehistro ni
G. Perez dahil opisyal na raw ito.
Taong 1954 nang humiwalay naman ang grupo ni G. Avelino Santiago sa Iglesiang
ipinarehistro ni G. Perez dahil nagturo si G. Perez na siya raw ang puno ng
buhay at hindi ang Panginoong Jesucristo.
Noong 1973 lamang pinagtibay ni G. Perez na rito ay sang-ayon si G. SORIANO na
si Cristo ay tunay na Diyos. Samakatuwid, mula noong 1931 ay walang malinaw na
aral ang grupo ni G. Perez kung ano talaga ang kalagayan ni Cristo.
Taong 1975 na ng bawian ng buhay si G. Perez. Si Bb. Levita Gugulan ang naging
presiding minister dahil ito ang nasa by-laws. Sa simula ay sang-ayon si G.
SORIANO na si Bb. Gugulan ang siyang mamahala sa Iglesia. Lumagda ng
pagsang-ayon si G. SORIANO na ititiwalag ang sinumang lalaban sa pamamahala ni
Bb. Gugulan. Limang manggagawa ang sinuspinde dahil sa paglaban sa pamamahala
ni Bb. Gugulan. Isa si G. SORIANO na sumang-ayon na suspindihin ang limang
manggagawa.
Noong 1976 ay isa sa mga naging board of director si G. SORIANO sa Iglesiang
pinamamahalaan ni Bb. Gugulan. Sa taon ding ito siya itiniwalag kasama ang 13
kaanib dahil sa pagtutol sa pamamahala ni Bb. Gugulan. Tinindigan ni G. SORIANO
na hindi dapat mamahala ang babae sapagkat labag ito sa Biblia. Subalit halos 2
taon din ang lumipas na namahala si Bb. Gugulan sa kanila. Nangangahulugang sa
loob ng 2 taong pamamahala ni Bb. Gugulan ay hindi sila sa Diyos sapagkat babae
ang namamahala. Diumano ay si G. SORIANO raw ang dapat mamahala sa Iglesia dahil
siya ang bukod tanging ministro na sinanay maging sa debate upang humalili kay
G. Perez. Kung siya ang dapat mamahala sa Iglesia pagkamatay ni G. Perez, bakit
pumayag pa siya na si Bb. Gugulan ang mamahala sa loob ng 2 taon? Di ba dapat
ay siya na agad ang namahala sa Iglesia? At nasaan ang napakatagal na niyang
sinasabing katunayan na siya lamang ang ministrong pinagtiwalaan ni G. Perez na
mamahala sa Iglesia?
Noong Marso 30, 1977, nagparehistro si G. SORIANO sa SEC sa pamamagitan ni G.
Fermin Calma ng isang panibagong Iglesia. Ganito ang nakasulat sa Articles of
Incorporation: "That Iglesia ng Dios kay Kristo Hesus Haligi at Saligan ng
Katotohanan is a religious denomination, this church is an independent society
and not affiliated or part of any other church. That the principal office of
the church shall be located at Bacolor, Pampanga at Barangay Tinajero."
Huwag itong ikakaila ni G. SORIANO dahil ang relihiyong ito ang ipinangaral
niya mula nang itiwalag siya sa samahan ni Bb. Gugulan. Pansining hindi na
Suhay ang ipinarehistro kundi Saligan.
Taong 1978, kung hindi kami nagkakamali, nabahagi naman ang Iglesia ni G.
SORIANO. Humiwalay sa kaniya ang grupo ni G. Filomeno Hizon.
Taong 1979, inamin ni G. Calma sa korte na iba ang salitang Suhay at Saligan.
Ito raw ay magkaibang salita na may magkaibang kahulugan. Inamin din niya na
1922 pa nagsimula ang Iglesiang ipinangaral ni G. Perez. Sa paglilitis na ito
ay saksi si G. SORIANO. Noon namang 1980 ay nagparehistrong muli ng panibagong
Iglesia si G. SORIANO. Ito ang samahang tinawag niya na Ang mga kaanib sa
Iglesia ng Dios kay Kristo Hesus, Haligi at Saligan ng Katotohanan sa Bansang
Pilipinas, Incorporated. Ganito ang nakalagay sa Articles of Incorporation:
"That this religious society or organization shall be called 'Ang mga
kaanib sa Iglesia ng Diyos kay Kristo Hesus Haligi at Saligan ng Katotohanan sa
Bansang Pilipinas'. That the principal office of the corporation is to be
established and located at Bagong Pag-asa Village, Apalit, Pampanga." Dito
sa relihiyong ito kayo kaanib ngayon.
Mayo 4 1988 nang dumating ang pasiya ng SEC na palitan nina G. Calma at G.
SORIANO ang Iglesiang ipinarehistro nila noong 1977. Ganito ang pasiya ng SEC:
"Wherefore, in view of all the foregoing, respondent Iglesia ng Dios kay
Kristo Jesus, Haligi at Saligan ng Katotohanan is hereby ordered to change its
corporate name to another name not similar to any name already used by a
corporation." May lagda ito ni James Abugan na siyang hearing officer
noon. Batay sa record ng SEC ay hindi na naghabol ang grupo ni G. Calma at G.
SORIANO sa pagkatalo nilang ito dahil nagparehistro naman si G. SORIANO ng
Iglesian noong 1980. Marahil napatunayan nilang mali at hindi opisyal na
pangalan ng Iglesia ang ipinarehistro nila, nina G. Calma noong 1977.
Noong 1993 lamang nalaman ng grupo nina G. Maximino Nieto, humalili kay Bb.
Levita Gugulan na si G. SORIANO ay nagpa-rehistro ng panibagong Iglesia noong
1980.
Noon ding 1993 muling nagparehistro ng panibagong samahan si G. SORIANO. Tinawag
niya itong Bayan ng Katotohanan Incorporated. Si G. SORIANO ang presiding
minister. Ganito ang nakasulat sa Articles of Incorporation: "That we, the
undersigned, all of legal age, have this day voluntarily associated ourselves
for the purpose of forming religious corporation in accordance with SEC 116 of
the Corporation Code of the Philippines and we certify: First: That the name of
this corporation shall be: Bayan ng Katotohanan Inc. Second: That this
religious corporation is a religious organization and an independent
organization. It is also known as the City of Truth."
Si G. SORIANO ang Presiding Minister sa samahang ito tulad ng mababasa sa
kanyang pahayag na ganito: "That I, Eliseo SORIANO of legal age Filipino,
and a resident of K-40 Bagong Pag-asa Subdivision, Apalit, Pampanga, after
having duly sworn in accordance with law, do hereby depose and say that I am
the Presiding minister of the Bayan ng Katotohanan INC." Sinumpaan niya
ito sa harap ni Attorney Benjamin Alba noong December 14, 1993. May mga lagda
ito nina G. SORIANO, Danilo Navales, Daniel Razon, Josell Mallari, Freddie
Cabanilla, Arcadio Mallari at Renato Dimalanta. Hindi pa ba sila nasiyahan sa mga naunang samahang ipinarehistro
kaya't nagparehistro na naman ng panibagong samahan? Sa Diyos ba ang samahang
ito na sa mula't mula pa ay laging nagbabago ng pangalan? Hindi na ba ito
magiging opisyal? Kayo ang humatol.
Noong 1994 ay inihabla ng grupo ni G. Nieto si G. SORIANO.
Nobyembre 20, 1995 nang dumating ang pasiya ng korte na palitan ni G. SORIANO
ang pangalan ng Iglesiang ipinarehistro niya noong 1980. Ganito ang desisyon ng
SEC: "Respondent Mga kaanib sa Iglesia ng Dios kay Kristo Jesus Haligi at
Saligan ng Katotohanan sa Bansang Pilipinas is hereby mandated to change its
corporate name not deceptively similar or identical to the name already used by
the Petitioner." So ordered. May lagda ito ng hearing officer na si Ysobel
Yasay Murillo. Samakatuwid, muling natalo si G. SORIANO.
Noong taong 1996 ay nag-apela si G. SORIANO sa SEC dahil sa diumano ay
napabayaan ng kaniyang abogado ang kasong ito. Pinalitan niya ang kaniyang
abogado.
Noong October 7, 1997, dumating ang pasiya ng korte tungkol sa apela ni G.
SORIANO sa pagkatalo niya sa SEC. Sa kaniyang apela ay muli na naman siyang natalo.
Ganito ang pasya ng korte.
"Wherefore, the instant petition for review is hereby denied." May
lagda ito nina Cancio Garcia, Delillah Vidallon Magtolis at Marina Buzon. Sila
ay mga associate Justices sa Court of Appeals sa Maynila. Diumano ay patuloy na
maghahabol si G. SORIANO hanggang sa Kataastaasang Hukuman o Supreme Court.
Ito po ang kasaysayan ng Iglesiang ipinarehistro ni G. Perez na diumano ay
kinikilalang sugo ni G. SORIANO.
Bukod sa napakagulo at laging nababahaging samahan nina G. Perez at G. SORIANO,
napakarami rin ng mga mali, pabagu-bago at mga salungatang aral na itinaguyod
ni G. Perez at kasalukuyang itinataguyod ni G. SORIANO. Ang sinabing doktrina
kahapon ay iba na sa sinabing doktrina ngayon. Pakinggan ninyo ang mga ito. Simulan muna natin sa pangalan ng
Iglesiang ipinarehistro. Tunay ba ang ipinarehistro ni G. Ora at G. Perez noong
1922? Tandaan ninyo na sa simula pa lamang ng rehistro ay dalawang beses ng
nagpalit ng pangalan. Kung tunay ito, di hindi na tunay ang ipinangaral noong
1931? O baka naman ang tunay ay ang ipinarehistro noong 1936? Kung itatanggi ni
G. SORIANO ang Iglesiang ipinarehistro noong 1936, para na rin niyang
itinanggi? ang kinikilala niyang sugo na nagparehistro nito maging ang mga
magulang niya na nabautismuhan sa relihiyong ito noong 1934. Di ba 17 taong
gulang pa lamang ay nangangaral na si G. SORIANO ayon sa pahayag niya at
diumano ang nagturo sa kanya ay ang kapatid na Matanda na si G. Perez? Di
nangangahulugang tunay na ang relihiyong ipinarehistro ni G. Perez noong 1936?
Kung tunay na ito, di hindi na tunay ang ipinarehistro ni G. SORIANO noong
1977? Kung tunay ang ipinarehistro noong 1977, di hindi na tunay ang
ipinarehistro ni G. SORIANO noong 1980 na rito ay kaanib kayo. Kung tunay naman
ang ipinarehistro noong 1980, tunay din ba ang ipinarehistro noong 1993 na
Bayan ng Katotohanan Incorporated? na rito ay presiding minister si G. SORIANO?
O wala isa mang tunay sa mga ito. Ngayon iyong IGLESIA NI YHWH AT NI YHWSA
HMSYH, INC na pinarehistro niya noong 1994 at iton bagi ang Church of God
International, alin ang tunay dito?
Hindi ba napakagulo at pawang salungatan ang mga pangalan ng Iglesiang
ipinarehistro nina G. Perez at G. SORIANO? At di ba may pasiya ang korte na
dismiss o talo ang apela ni G. SORIANO noong 1996? Di nangangahulugang kolorum
ang samahan ninyo hanggang sa oras na ito. At naghabol na ba si G. SORIANO sa
Supreme Court tungkol sa pagkatalo ng Iglesia niya sa Court of Appeal? O hindi
na siya maghahabol dahil may inpinarehistro naman siyang Bayan ng Katotohanan
Incorporated? Pakitanong ninyo kay Ginoong SORIANO kung nasa hula ng Biblia na
ang Iglesia na pinasimulan ni G. Perez na diumano ay itinataguyod niya ay
magkakaroon ng napakaraming pangalan, magkakahati-hati, mahahabla at matatalo
sa habla? Nasa hula rin ba ng Biblia na hanggang sa taong ito, 76 na taon ang
nakalipas ay wala pang opisyal na pangalan ang relihiyong kinaaaniban ninyo?
Tandaan ninyo na malabo pa sa tubig baha kung ano talaga ang pangalan ng
Iglesiang kinaaaniban ninyo. Ito nga kaya ang tunay na Iglesia ng Diyos na
nakasulat sa Biblia? Puntahan naman natin ang ukol sa mga doktrina maging sa
mga ipinahayag ni G. SORIANO sa radyo at telebisyon.
UKOL SA SALITANG
SUHAY AT SALIGAN
Di ba ang ipinarehistro ni G. Perez ay Suhay at ang kay G. SORIANO ay Saligan?
Di ba inamin ni G. SORIANO na iba ang Suhay sa Saligan? Di malinaw na
salungatan ang aral ng dalawa? Di ba kinamatayan ni G. Perez ang salitang
Suhay? Di namatay siyang hindi tunay ang pangalan ng Iglesiang ipinangaral
niya. Diumano, ayon kina G. SORIANO, Danilo Navales at Mel Magdaraog, hindi raw
gaanong nakapag-aral si G. Perez, kaya Suhay ang naiparehistro. Di ba halos
wala ring pinag-aralan ang mga apostol? Mali ba ang mga aral ng mga apostol? Di
ba tamang lahat ang itinuro nila sapagkat may Espiritung pumatnubay sa kanila
dahil sila ay mga sugo ng Diyos. Diumano, ayon kay G. SORIANO ay inutusan siya
ni G. Perez na magsaliksik kung ano talaga ang tama, kung Suhay o Saligan dahil
sa marami raw salin ang nagpapatotoo na Saligan ang tama. Maging sa wikang
Griyego ay Saligan din ang katumbas sa Pilipino. Di nangangahulugang mali nga
ang Suhay? Di mali ang Iglesia ni G. Perez at ni G. SORIANO mula 1936 at naging
tama lamang noong magparehistro si G. SORIANO noong 1980? Kung tama ang
Saligan, di mali ang nasa himnario na ginawa at binalangkas mismo nina G.
Nicolas Peres at G. Eliseo SORIANO? Ganito ang nilalaman ng nasa Himnario 1990, pahina 44, ika-2 estropa: " Si Kristo ang buhay, Ilaw sa puso'y
tanglaw, Nating lahat na tinawagan, Sa Iglesia ng Diyos na haligi at suhay na
ating kaligtasan." Di ba kaya lamang
ipinarehistro ni G. SORIANO ang Saligan ay upang maiba sa ipinarehistro ni G.
Perez dahil bawal sa batas na magparehistro ng isang samahang nakarehistro na.
UKOL SA MAY HINDI
RAW ALAM ANG DIYOS
Isang ipinagmamalaking doktrina ni G. SORIANO na may hindi alam ang Diyos. Di
hindi rin alam ng Diyos na may magrerebelde pa sa langit dahil mayroon Siyang
hindi alam? Di hindi rin alam ng Diyos kung may mga lalaban pa sa Kaniya
pagdating ng mga maliligtas sa bayang banal? Di ba napakahinang klase ng Diyos
ni G. SORIANO, nagawang lalangin ang buong sansinukob at nakagawa ng mga
kahanga-hangang gawa, yaon pala ay mayroong hindi alam? Bakit naipatala ng
Diyos sa Biblia na ang parurusahan ay singdami ng buhangin sa dagat kung
mayroon siyang hindi alam? Bakit naipatala Niya ang lahat ng pangyayari sa
darating kung mayroon Siyang hindi alam? Marahil, hindi alam ng Diyos ni G.
SORIANO na magkakagulo rin ang relihiyong ipinarehistro niya at ni G. Perez at
hindi rin alam ng Diyos na napakarami palang salungatan ang mga aral niya.
Lahat ng tanong kay G. SORIANO ay nasasagot daw niya (kuno), pagkatapos ay ang
Diyos na kinikilala niya ay may hindi alam. Nakapanghihilakbot na doktrina ito
dahil may limitasyon ang kakayahan ng Diyos na kinikilala niya. Kayo
matatanggap ba ninyo na ang kinikilala ninyong Diyos ay may hindi alam? Di ba
ang Diyos ang pinakamakapangyarihan sa lahat, pinakamarunong sa lahat at sumasa
lahat?
UKOL SA HINDI PAG-AASAWA
NG MGA ANGHEL
Naninindigan si G. SORIANO na ang mga anghel ay hindi nag-aasawa sapagkat
espiritu ang kalagayan ng mga ito. Ngunit ipinahayag ni G. SORIANO na ang mga
anak ng Diyos na nagsipag-asawa ng mga anak ng mga tao ay mga anghel. Para na siyang
kumuha ng bato at ipinukpok sa sarili niyang ulo dahil sa aral na ito. Diumano
ay walang anghel na tao? Sino naman ang anghel na tao na binabanggit sa
Apocalipsis 21:17? Pakitanong kay G. SORIANO, ano sa Griyego ang anghel? Ano sa
Griyego ang mga sugo kay Rahab? Ano sa Pilipino ang angelos?
UKOL SA IISANG
SANTIAGONG APOSTOL
Halos manggalaiti si G. SORIANO sa paninindigang iisa raw ang Santiago na
Apostol sa Biblia? Tinutuligsa niya ang mga kaanib sa Iglesia ni Cristo at
sinabing kawawa raw ang mga kaanib nito dahil sa Iglesia ni Cristo raw, kahit
patay na ay nakapagpapasiya pa. Ipinahintulot na naman ng Diyos sa napakalaking
pagkakamali si G. SORIANO dahil 2 ang Santiagong Apostol sa Biblia. Kayo na ang
bumasa sa Mateo 10:2-4 at mapatutunayan ninyo kung sino ang nagsasabi ng totoo
at hindi.
UKOL SA
TAGAPAMAHALANG PANGKALAHATAN
Diumano ay si Apostol Pablo raw ang Tagapamahalang Pangka-lahatan ng unang
Iglesia ni Cristo at hindi si Apostol Santiago. Sino naman ang Tagapamahalang
Pangkalahatan sa Iglesia noong hindi pa natatawag na maging apostol si Apostol
Pablo? Anong talata? Di ba malinaw na si Apostol Pablo ay doon lamang sa mga
Gentil isinugo at hindi naman sa dako ng mga Judio dahil si Apostol Pedro ang
sugo rito? Hindi ba ng magkaroon ng usapin sina Apostol Pablo at Apostol Pedro
ay sumangguni sila sa Jerusalem? Hindi ba ang nagpasiya sa suliraning bumangon
sa unang Iglesia ay si Apostol Santiago? Pakibasa na lamang po ang nilalaman ng
Gawa kapitulo 15.
UKOL SA Zacarias
13:7-9
Malinaw ding tinitindigan ni G. SORIANO na sila ang katuparan ng nasa Zacanulls
13:7-9. Kung sila ang katuparan nito, sino ang Pastor na sinaktan? Si Ginoong
Perez ba? Sinaktan ba siya? Sino ang mga maliliit? Sino ang nahiwalay? Sino ang
naiwan? Sino ang nangalat? Sino ang mamamatay? Ang katuparan ba nito ay ang
samahan ni G. Perez? Ilang beses silang nabahagi? Ilang beses silang nahiwalay
? Bakit hanggang ngayon ay walang opisyal na pangalan? Di ba ang Pastor na
sinaktan ay ang Panginoong Jesucristo at ang mga maliliit ay ang mga apostol?
UKOL SA PAGTALIKOD
Tinitindigan din ni G. SORIANO na diumano ay walang pagtalikod na naganap sa
unang Iglesia dahil lilitaw na mahina ang Diyos kung matatalikod ang itinatag
Niya. Mahina ba ang Diyos nang tumalikod si Adan at Eva? O ang mahina ay si
Adan at Eva? Mahinang klase ba ang Diyos nang tumalikod ang bansang Israel? O
ang mahinang klase ay ang bansang Israel? At kung totoong walang naganap na
pagtalikod sa Iglesiang itinatag ni Cristo, sinu-sino ang mga naging
tagapamahala sa Iglesia bago sumapit sa panahon ni G. Perez? Di ba nasa himnario 1990, pahina 82, na ang Iglesiang tunay ay nagiba at nawala?
Ganito ang nakasulat sa himnario: "Sa dakong silanganan tinutukoy ng hula, Dito ay
mababangon ang bayang nagiba, Ang Iglesiang tunay malaong nawala, ngayo'y
ibinabandila." Alin kaya itong
Iglesiang nawala at nagiba? Di ba malinaw na kasinungalingan na naman ang
itinuturo niyang walang pagtalikod? Di ba malinaw din na salungat ang
paninindigan ni G. Perez sa paninindigan ni G. SORIANO?
UKOL SA KALAGAYAN NG
PANGINOONG JESUCRISTO
Maging sa pagtuturo kung ano talaga ang kalagayan ni Cristo ay napakaraming
salungatang ipinahayag si G. SORIANO. Ayon kay G. SORIANO, si Cristo raw ay
inahing manok. Ayon naman kay G. Danilo Navales, manggagawa ni G. SORIANO, wala
raw matinong tao na magtuturo na si Cristo ay inahing manok. Di para niyang
sinabi na hindi matinong tao si G. SORIANO? Turo rin ni G. SORIANO na si Cristo
ay nasa kalagayang manok. May aral pa siyang si Cristo raw ay kumakatawan at
tumulad sa inahing manok. Diumano, ayon pa rin sa turo niya, si Cristo raw ay
may spiritual na pakpak? Di nangangahulugang may spiritual na palong din at may
spiritual na tuka? Ano kayang talata? May binaggit din siyang si Cristo ay
taong ibon at ang batayan niya ay nasa Isaias 46:11. Diumano ay si Cristo raw
ang angel sa Apocalipsis 7:2-3? Sa madaling salita, napakagulo ng mga aral ni
G. SORIANO.
UKOL SA KATUPARAN NG
BIG 4
Diumano ay alam daw ni G. SORIANO kung sino ang katuparan ng Big 4 na
binabanggit sa Apocalipsis 7:1-3. Noon pang 1982 niya ipinangakong ihahayag
kung sino ito pero hanggang ngayon 16 na taon na ang lumipas ay hindi pa niya
masabi kung sino.
UKOL SA KATUPARAN NG
DANIEL 12:4, 9-10
Malakas din ang loob ni G. SORIANO na sabihing siya ang katuparan ng pantas na
binabanggit sa Daniel 12:4 at 9-10. Ang panahon daw ng paglitaw o pagbangon
nito ay sa panahong malago na ang karunungan ng tao at ito raw ay noong 1980
nang iparehistro niya ang samahan niyang 'Ang mga kaanib sa Iglesia ng Dios kay
Kristo Hesus, Haligi at Saligan ng Katotohanan sa Bansang Pilipinas,
Incorporated'. Di para niyang sinabi na bobo ang bumangon noong 1936 na rito ay
kaanib ang kinikilala niyang sugo maging ang mga magulang niya? Di ba rito ay
naging kaanib din si G. SORIANO?
UKOL SA PATUBUAN
Labag sa Biblia ang patubuan sapagkat nakasulat sa Deutrunomio 23:19 ang ganito: "Huwag kang magpahiram na may tubo sa
iyong kapatid." Kumusta na kaya ang
Bayan ng Katotohanan Credit Cooperative na kung manghihiram ka ay patutubuan?
UKOL SA ANTI-CRISTO
Hindi raw itinuturo ni G. SORIANO na ang Papa ang 666 gayong nasa himnario pahina 94, malinaw na sinasabi na ang Papa ang katuparan
ng Anti-Cristo? Tingnan ninyo ang
pagkakasulat sa ikatlong estropa: "Anti-Kristo'y
may tanda siyang inangkin, Anim na raan anim na put anim, Sa mitra ng papa
ating bilanging, Vicarius Filii Dei sa wikang latin." Di ba isa na naman itong malaking
kasinungalingan ni G. SORIANO?
UKOL SA MARANGYANG
DAMIT
Ipinagbabawal ni G. SORIANO ang marangyang damit pero naka-amerikana siya noon
sa pagtuturo. Di ba iba ang sinasabi niya sa kanyang ginagawa?
UKOL SA SASAKYAN
Tinutuligsa niya ang mga Mangangaral na may mga sasakyan dahil si Cristo raw at
ang mga apostol ay sa asno sumasakay noon. Marahil, asno rin ang sinasakyan ni
G. SORIANO mula Apalit patungong Maynila. Marahil tama ang sinasabi ni G.
Navales na mayroong ngang hindi matinong tagapangaral.
UKOL SA ORDENASYON
Mayroon siyang iba't-ibang paliwanag ukol dito. Diumano ay sa ulo raw
papatungan ng kamay. May turo siya na hindi raw ito literal na kamay, di hindi
rin literal ang ulo at hindi rin literal ang patong? Diumano mula ulo ay
dadaus-dos sa balikat? Literal bang pagdaus-dos ito at literal din bang
balikat? Di ba inamin niyang ang Isaias 9:6 ay ordenasyon? Inordenahan ba siya
ni G. Perez? Literal bang kamay? Dumaus-dos ba sa balikat? Inordenahan ba ni G.
SORIANO ang mga manggagawa niya? Kung walang ordenasyon sa samahan ninyo, di
nangangahulugang walang ministro? Alam ba ninyo na may nakalagay sa By Laws ng
samahan ninyo ang ganito: Section
5: "That the council of Ministers is composed of all ordained minister,
each one with a written appointment from the incumbent Presiding
Minister." May lagda ito ni G.
SORIANO kasama ang 9 na iba pa.
UKOL SA PAG-AASAWA
Ilan pang aral ni G. Perez na tahasang sinalungat ni G. SORIANO ay ang ukol sa
pag-aasawa. Ipinahihintulot na ngayon ang mag-asawa sa mga kaanib ni G. SORIANO
samantalang mahigpit na ipinagbabawal ang pag-aasawa sa panahon ni G. Perez.
Ang katunayang ipinahihintulot na ngayon ang pag-aasawa ay ang mga ikinasal
noon sa Araneta Coliseum. Salungat naman ito sa
himnario 1993 pahina 72. Ganito ang nakalagay sa
himnario: "Oh kabataan,
H'wag na tayong mangag-asawa, Malapit ang kawakasan, Nang mangaligtas sa
parusa." Ganito naman ang nasa pahina 134 na ang pamagat ay Awit Sa Mga
Manggagawa, ika-2 estropa: "Kami ay hinding-hindi na mag-aasawa, Ang
aming buong lakas, Laan sa Kanya, Para kay Hesus ang buhay, O para kay Hesus
lamang." Pakibasa na rin ang nasa
pahina 66. Dito ninyo mapatutunayan na nagkakalaban laban ang mga aral nina G.
Perez at G. SORIANO. Pakibasa na rin ang nasa I Timoteo 4:1-3 at mapatutunayan
ninyo na ang pagbabawal ng pag-aasawa ay hindi aral ng Diyos kundi aral ng
demonyo. Ang katunayan ay may asawa si Apostol Pedro maging ang iba pang mga
apostol. Basahin ang I Corinto 9:5.
UKOL SA ALAHAS
Sa panahon ni G. Perez ay karumaldumal ang gumamit ng alahas. Itinitiwalag ni
G. Perez ang sinumang lumabag dito. Ngunit sa panahon ni G. SORIANO ay
ipinahihintulot na ang paggamit ng alahas. Ang isang matibay na katunayan ay
ang pagbebenta ni G. SORIANO ng alahas kay Ginang Lolita Hizon. Marahil ay
tatanggi si G. SORIANO ukol dito. Mapapakinggan ninyo sa bandang dulo ng tape na ito ang pagtatapat ni G. Lolita Hizon na si
G. SORIANO ay nagbenta sa kaniya ng alahas. Kung bawal ang pag-aalahas,
itiniwalag na ba ni G. SORIANO ang lahat ng mag-aalahas na miembro niya maging
ang mga gumagamit ng alahas?
UKOL SA
PAGKAKATIWALAG KAY G. SORIANO
Boong giting na isinisigaw ni G. SORIANO na hindi raw siya itiniwalag sa grupo
nina Bb. Gugulan kundi kusang tumiwalag. Nabanggit na naman sa inyo na
napakasinungaling ni G. SORIANO. Katunayan, pakinggan ninyo ang nilalaman ng Circular bilang 6, Serye ng taong 1976 tungkol sa
pagkakatiwalag niya: "Sa lahat ng mga kapatid kay Kristo
Hesus: Alinsunod sa Artikulo IV Seksion 1 ng patakarang batas ng Iglesia ng
Diyos kay Kristo Hesus Haligi at Suhay ng Katotohanan, ang mga pamunuan at
miembro sa Iglesia na dapat itiwalag ay yaong tinutukoy sa talatang 2 ng
nabanggit na artikulo. Batay sa disiplinang nabanggit sa itaas, ang pangasiwaan
ng INDKKHSK ay makatuwirang ipinaiiral ang pagpapatupad ng panuntunang ito at
walang pasubaling itinitiwalag ang mga sumusunod: 1. Eliseo SORIANO (unang-una sa mga itiniwalag)Severina Jose,
Noli Dacer, Manuel Bacosa Jr. at 13 iba pa. Ang pagtitiwalag na ito ay
nagkakabisa ngayong ika-21 ng Pebrero 1976 pagkatapos na lagdaang ng Lupon ng
mga patnugot at sinag-ayunan ng kapulungan ng mga manggagawa." Nakalagda sa ibaba ang 19 na maytungkulin sa
Iglesia sa pangunguna ni Bb. Levita Gugulan.
UKOL SA PAMAMAHALA
NI BINIBINING GUGULAN
Tinutulan ni G. SORIANO ang pamamahala ni Bb. Gugulan sa pagsasabing hindi raw
babae ang dapat mamahala sa Iglesia subalit nakalagda siya at si Ginoong Manuel
Bacosa sa sinumpaang pahayag na si Bb. Gugulan ang mamamahala sa Iglesia. May
petsa itong Hunyo 15, 1975.
UKOL SA BABASAHING
PASUGO
Isa pang kasinungalingan ni G. SORIANO: Diumano ay expert daw siya sa Pasugo
dahil may mga kopya daw siya nito mula 1928. Malinaw na mas sinungaling pa siya
kay Satanas dahil noong lamang 1939 nagsimulang maglathala ang Iglesia ni
Cristo ng Pasugo.
UKOL SA BIBLIA AT
REPERENSIYA
Tinutuligsa rin ni G. SORIANO ang gumagamit ng reperensiya at maging ng iba't
ibang salin ng Biblia. Nakapagtatakang ngayon ay gumagamit na siya ng mga
reperensiya at iba't ibang salin ng Biblia. Ang katunayan, ang kahulugan ng
ordenasyon ay sa reperensiya niya kinuha at ang salitang Saligan ay hindi niya
kinuha sa ginagamit niyang katiwa-tiwalang salin kundi sa Bibliang isinalin ng
Iglesia Katolika.
UKOL SA SALITANG
ROMANO
Mali raw na tawaging Romano ang mga Pilipino dahil aplikable lamang ito sa mga
taga-Roma. Di ba malinaw na kasinungalingan na naman ito dahil nakatala sa
kanilang himnario na maging ang mga Pilipino ay puwedeng tawaging Romano. Ano
ang katunayan? Ganito ang nasusulat sa
Himnario 1990, pahina 95, unang estropa: "Oh, mga Romanong
aming kababayan, H'wag ninyong isipin kayo ay kaaway, Kundi bagkus kayo'y aming
minamahal, Tayo'y magkabansa magkakaibigan." Pakitanong ninyo sa kanya kung sino ang mga Romanong aming
kababayan? Haling at mangmang lamang ang magsasabing ang mga kababayang
tinutukoy sa himnario ay mga taga-Roma.
UKOL SA SALITANG
HULING ARAW
Mali raw ang aral ng Iglesia ni Cristo na ang INC ay babangon sa huling araw
dahil ang huling araw daw ay paghuhukom. Mababasa rin ito sa kanilang magasin na "Ang Dating Daan" January 1990 issue
pahina 8 na ang nakasulat ay ganito: "Ang huling araw
naman ay ang pagbangon ng mga patay na ito ay sa paghuhukom." Sinasalungat ng magasing ito ang nasa himnario 1990, pahina 101, na ang nasulat ay ganito: "Balita ng Kaligtasan, Sa Huling araw
sumilang, Titipunin ang tupang naligaw, Sa loob ng Kaniyang bakuran, Tanging
Iglesia ng Dios lamang, Si Hesus nag-aakay." Di sa araw pa ng paghuhukom babangon ang samahan ni G. SORIANO
kung paniniwalaan ang kasinungalingan niya.
UKOL SA SALITANG
BUMANGON
Matibay din ang paninindigan ni G. SORIANO na ang samahan nila ay hindi
bumangon kundi umugnay. Di mali na naman ang nasa himnario 1990, pahina 97, at 100 na mababangon ang dating bayan. Tunghayan ninyo ang nilalaman ng
himnario, pahina 97: "Ang Iglesia ng
Dios lamang, Ang tanging katotohanan, Tinukoy na dating daan, Ang mga hindi
kilala, Na mula sa ibang bayan, Ibabangon dating tunay, Sa malayong silangan,
Dito ay hinuhulaan, Mababangon dating bayan, Ngayon ibinabandila, Naming inyong
kababayan, Sa Pilipinas na bayan."? Payo kay G. SORIANO, ang kabisahin mong mabuti ay hindi
ang pasyon kundi ang himnario mo dahil marami sa mga aral mo ay nilalabanan ng
himnariong ginagamit mo. Isa pang nakatatawag ng pansin, kung walang pagtalikod,
bakit kailangang ibangon ang dating bayan? Matawagan nawa kayo ng pansin sa mga
salungatang ito. Dumating nawa ang panahong sinusumbatan na siya ng kaniyang
budhi dahil sa ginagawang mga panloloko sa tao lalo na sa pagpilipit sa mga
talata ng Biblia.
UKOL SA MALAYONG
SILANGAN
Noon ay tinutuligsa niya ang Iglesia ni Cristo sa pagtuturong hindi raw ang
Pilipinas ang Malayong Silangan ngunit napansin ninyo marahil sa kaniyang
himnario 1990 pahina 97 na inaamin niyang ang Pilipinas ay nasa malayong silangan.
Isa pang nakatatawag ng pansin, kung walang pagtalikod, bakit kailangang
ibangon ang dating bayan? Matawagan nawa kayo ng pansin sa mga salungatang ito.
UKOL SA REHISTRO
Hindi raw dapat iparehistro ang Iglesia sapagkat nakatala na ito sa Biblia. Ang
dapat raw iparehistro ay ang mga kaaninb. Di mali na naman si G. Perez ng
iparehistro ang Iglesia at hindi ang mga kaanib? Di dapat ang ipinarehistro ni
G. SORIANO noong 1993 ay: "Ang Mga Kaanib Sa Bayan Ng Katotohanan,
Incorporated."
UKOL SA ABULOYAN SA
STA. CENA
Tinutuligsa rin niya ang Iglesia ni Cristo dahil nag-aabuluyan daw sa Sta.
Cena. Di ba malinaw na hindi niya naiintindihan ang Sta. Cena? Ang Sta. Cena ay
pagkain at pag-inom. Walang abuluyan sa Sta Cena. Ang may abuluyan ay ang
pagsamba. Nakakikilabot na turo ni G. SORIANO, hindi raw tunay na tinapay at
katas ng ubas ang kinain at ininom ng mga alagad. E ano ang pinagputol-putol,
ano ang kinain, ano ang ininom? Di ba naniniwala si G. SORIANO na may Sta Cena
at ang kinukuwesatiyon niya ay ang abuluyan? Kayo, may Sta. Cena ba kayo?
Literal bang tinapay at katas ng ubas?
UKOL SA BAHAY NG
DIYOS
Mali raw na tawaging bahay ng Diyos ang bahay sambahan. Ang bahay daw ng anay
ay anay ang gumawa, ang bahay ng gagamba ay gagamba ang gumawa kaya ang bahay
ng Diyos, Diyos din ang dapat gumawa? Di bahay ng aso, aso rin ang gumawa?
Bahay ng baboy, kalapati etc.. baboy, kalapati etc.. ang gumawa? Di mali ang
nasa Isaias 2:2 na ganito ang nakasulat: "At mangyayari sa mga huling araw, na ang
bundok ng bahay ng Panginoon ay matatatag sa mga taluktok ng mga bundok at
magiging mataas sa mga burol; at lahat ng bansa ay magsisiparoon doon." Basahin din ninyo ang nakasulat sa Mateo 21:12
at mapatutunayan ninyong ang aral ni G. SORIANO ay kalaban ng aral ng Diyos.
UKOL SA ABULUYAN
Naghihirap daw ang mga kaanib sa Iglesia ni Cristo dahil sa abuluyan. Bakit?
Alam ba ni Ginoong SORIANO kung ano ang buhay ng mga kapatid sa Iglesia ni
Cristo? Sino ba ang daing ng daing na lubog na sa utang? Di ba si SORIANO? Sino
ba ang nagkakandakuba dahil hindi na halos makabayad sa programa sa radyo at
telebisyon? Di ba siya? Sino ngayon ang nagkakandarapa sa hirap? Di ba siya?
Sino ba ang nanghihiram ng amerkana na magagamit sa pagsasalita sa TV? Baka
hindi mo pa naisasauli sa tunay na may-ari? May itatanong lamang kami kay G.
SORIANO: "Nabayaran na ba niya ang humigit-kumulang 50 milyong piso para
pambayad mo sa mga nagastos sa programa sa radyo at telebisyon?" Nakalikom
na ba siya sa mga kaanib sa samahan niya ng halagang ito? Di ba kasalukuyang
gumagala ang mga manggagawa para mangulekta sa mga kaanib ng diumano ay kusang
loob na tulong? Sinasabi ng mga manggagawa na kaawaawa raw si G. SORIANO kung
hindi ito mababayaran dahil makukulong siya. Pakitanong nga pala kay G.
Manoling Bacosa kung natubos na mula sa pagkakasanla ang kanilang bahay upang
maitulong sa utang ni G. SORIANO. Ayon kay Gng. Meding Bacosa ay 2 milyon ang
pagkakasanla ng kanilang bahay dahil nais nilang matulungan si G. SORIANO.
UKOL SA PAGHUHUKOM
Diumano ay hindi raw alam ni Cristo ang petsa ng paghuhukom noong nandito pa
siya sa lupa. Ngayon daw nasa langit na siya ay alam na niya ang petsa ng
paghuhukom dahil kasama na niya ang Ama sa langit? Anong talata? Diumano ay
hindi raw maaring hindi ito sabihin ng Ama kay Cristo? Samakatuwid ang batayan
ni G. SORIANO ay kathang isip o guni-guni. Di ba sabi ni G. SORIANO na si
Cristo at ang Ama ay magkasama na sa langit maging sa simula pa lamang ng
paglalang? Di alam na ni Cristo noon pa ang petsa ng paghuhukom? Nalimutan ba
ng magkatawan tao? Anong talata?
UKOL SA DIYOS SA
LANGIT AT SA DIYOS SA LUPA
Diumano ay ang Ama ang Diyos sa langit at si Cristo ang Diyos sa lupa. Di
ngayong magkasama na sila sa langit ay wala ng Diyos sa lupa? Di ba malinaw na
salungat ito sa nakasulat sa Efeso 4:4-6 at Deutronomio 4:39.
UKOL SA PAGIGING TAO
NI CRISTO
Mali raw ang turo ng Iglesia ni Cristo na si Cristo ay tao. Mali ba si Cristo
nang sabihin Niyang Siya at tao batay sa Juan 8:40? Mali ba ang turo ni Apostol
Pablo na si Cristo ay taong tagapamagitan sa Diyos? Mali ba ang hula ng Diyos
na nakasulat sa Isaias 53:3 tungkol sa Panginoong Jesucristo na siya (Cristo)
ay tao? Di ba kung ano ang nakasulat sa Biblia ang siyang paniniwala ng mga
kaanib sa Iglesia ni Cristo? Di ba maliwanag na ang nilalabanan ni G. SORIANO
ay ang turo ng Diyos, ni Cristo at ng mga apostol at hindi ang mga kaanib sa
Iglesia ni Cristo?
UKOL SA KALIGTASAN
Hindi raw itinuturo ni G. SORIANO na sila lamang ang tunay at maliligtas.
Kasakiman raw ito dahil pinakyaw na raw ang langit kapag sinabing sila lamang
ang maliligtas. Malinaw na kayabangan at kasinungalingan na naman ito dahil
nakasulat sa kanilang himnario, 1990,
pahina 82, ang ganito: "Iglesia ng Diyos lamang ang katotohanan,
Sa hula ni Jeremias siyang dating daan, Ang mga di kilala taga-ibang bayan, Sa
hula ni Isaias magtatayong tunay." Ganito na nasa pahina 83: "Ang Iglesia ng Dios lamang, Kay Kristo Hesus na tunay,
Ang siyang tanging pangalan, Na nasa Bagong Tipan." Huwag ninyong kalilimutan na ang gumawa
at nagbalangkas ng himnario ay sina G. Perez at G. SORIANO.
UKOL SA MORAL
Ang tunay na tagapangaral ay dapat maging huwaran hindi lamang sa pagsasalita
kundi maging sa pagkilos at sa paggawa. Pasado kaya si G. SORIANO sa
pamantayang ito? Gaano karaming mayayamang kaanib ang inutangan niya kasama na
si Mrs. Co ng Quezon City? Gaano karami ang mga utang niya sa mga bangko? Gaano
karami ang kasalukuyang habla sa kaniya kasama na ang ukol sa DZME, maging ang
habla sa kanya ng may-ari ng inuupahan ninyong sambahan sa De Jesus St. sa
Roosevelt? Gaano karami ang mga kaaway niyang kapitbahay kasama na si Mrs.
Dalmacia Gutierrez na kaaway niyang mortal? Tanungin ninyo si Gng. Gutierrez at
ang tawag niya kay G. SORIANO ay puta, dalahira, malandi at walang pinag-aralan.
Tama bang mamutawi sa bibig ng tunay na sugo ng Diyos na may Espiritu Santo ang
mga salitang gago, sira ang ulo, tarantado, walanghiya, manloloko at iba pang
mga uri ng mababang uri ng pangungusap na sinasalita lamang ng mga istambay sa
kanto at mga walang pinag-aralan? Tagapangaral ba ng Diyos ang napakaraming
kasong estafa? Magtanong kayo sa mga pulis sa Apalit at sasabihin sa inyong mga
walang kuwentang tao lamang ang maniniwala kay SORIANO dahil alam nila ang
lahat ng panloloko at panggagantsong ginawa niya. Inihabla ni G. SORIANO si
Evangelist Wilde Almeda dahil tinawag siyang bakla ngunit hindi niya magawang
maihabla si Gng. Lolita Hizon, may-ari ng Pampanga's Best nang tawagin siyang
bakla dahil may matibay na ebidensiya si Gng. Hizon tungkol sa pagiging bakla
ni G. SORIANO. Tanungin rin ninyo si Ginoong Maning Manzanilla, mahigit na 10
taong nakasama ni G. SORIANO sa pangangaral sa radyo at telebisyon kung bakit
umalis sa samahan ninyo ang ibang mga manggagawa at mga kapatiran? Ang sabi ni
G. Manzanilla ay pana-panahon kung sumpungin si G. SORIANO. Tinalakay na rin ni
Ginoong Manolo Favis sa DZBB na si G. SORIANO ay hindi tunay na lalake.
Binanggit niya ito noong kainitan ang pag-aaway nila G. SORIANO. Sana bago
magturo si G. SORIANO ng mataas na moral ay turuan muna niya ang kaniyang
sarili. (Roma 2:20-24).
UKOL SA PAGPAPUTOL
NG LEEG
Buong giting na isinigaw ni G. Almeda na magpapabaril siya kapag hindi nanalo
si Speaker Joe de Venecia. Buong giting namang tinindigan ni G. SORIANO na
magpapaputol siya ng leeg kapag mapatutunayang may isang maling aral na
itinuturo niya? Di ba magkauri lamang si G. Almeda at si G. SORIANO dahil
parehong sinungaling? At kung magpapaputol nang leeg si G. SORIANO, di ba mas
maganda kung hindi na siya magdadamay? Siya na mismo ang pumutol sa kaniyang
leeg kapag narinig niya ang tape na ito. Marahil kahit 50 leeg ay kulang dahil
napakaraming maling doktrina ang itinuro ni G. SORIANO.
PANAWAGAN
Nanawagan din kami sa mga manggagawa ni G. SORIANO na buksan ang kanilang mga
mata at huwag maging mga panatikong tagasunod. Tandaan ninyo na may kaluluwa
rin kayong nangangailangan ng kaligtasan. Ang inyong pagpapagal at
pagmamalasakit ay magkakaroon lamang ng kabuluhan kung nasa tunay kayong
relihiyon. Isa pa, papayag ba kayong maging kasangkapan upang ihatid ang mga
tao sa kapahamakan na marahil ay iba rito ay mga mahal ninyo sa buhay. Bakit
hindi ninyo pag-ukulang magsuri o magtanong sa mga ministro sa Iglesia ni
Cristo tungkol sa lahat ng tuligsa ni G. SORIANO.
Narinig na ninyo ang mga tuligsa ni G. SORIANO sa Iglesia ni Cristo, narinig na
ba naman ninyo ang sagot ng Iglesia ni Cristo. LAHAT ng mga tuligsa ni G.
SORIANO ay nasagot na ng Iglesia ni Cristo sa programa sa radyo maging sa
telebisyon, ngunit ang mga tanong ng Iglesia ni Cristo kay G. SORIANO, kasama
na ang mga ito ay hindi pa niya nasasagot. May ilan lamang siyang sinagot
ngunit halatang nangangatwiran lamang. Tandaan ninyo ang nakasulat sa Galacia
5:19-21 na ang may hidwang pananampalataya ay hindi magmamana ng kahanulln ng
Diyos. Nakasulat din sa II Tesalonica 2:9-12 na ang ayaw sa katotohanan ay
ipahihintulot sa kasinungalingan upang mahatulan sila pagdating ng paghuhukom.
Ito ba ang gusto ninyong maging hantungan? Gaano karami na ang puhunan, hirap,
sakit at pagtitiis ang naranasan ninyo sa pamamalagi sa samahan ni G. SORIANO?
Papayag ba kayong ang lahat ng ito ay mawalan ng kabuluhan sapagkat nasa mali
kayong samahan? Huwag nawang mangyari!!! May pagkakataon pang ibinibigay ang
Diyos para sa kaligtasan ninyo.
Iparinig ninyo ang nilalaman ng tape na ito sa mga kakilala at kaibigan ninyong
nadaya at patuloy na dinadaya ni G. SORIANO. Magpakopya rin kayo nito at
ipadala sa lahat ng kapatirang patuloy na naligaw ng landas. Kudlit at tuldok
lamang ang alisin sa Banal na Kasulatan ay sapat na para hindi kayo magtamo ng
kaligtasan, di lalo na kung napakaraming mga aral ang salungatan, idinagdag at
ibinawas? Masasabi ba ninyo ng taas sa noo na tunay ang samahan ninyo sa harap
ng mga kasinungalingan at mga salungatang aral nina G. Perez at SORIANO? Hindi
ba nakasulat sa Apocalipsis 21:8 na ang bahagi ng mga sinungaling ay sa
dagat-dagatang apoy? Di ba malinaw pa sa sikat ng araw na kapahamakan ang
inyong tinatahak sa samahang kinaaniban ninyo? Kahangalan at kapanatikuhan
lamang kung mananatili kayo sa samahang "Ang Dating Daan." Ang tunay
na Iglesia ay hindi nagbabago ng doktrina o aral kaya hindi tunay ang Iglesiang
kinaaniban ninyo.
Huwag kayong manatili sa mali; doon kayo sumama sa tunay na Iglesia ni Cristo
na ipinakikilala ng Biblia. Kaawaan nawa kayo ng tunay na Diyos na marating ang
tunay na relihiyong maghahatid sa kaligtasan at buhay na walang hanggan. SA
HULI, KAYO ANG HUMATOL O KAYO ANG HAHATULAN !!!