TUNAY NA LINGKOD

Tuesday, December 30, 2014

Alalahanin ninyo ang mga nangangasiwa sa inyo




Halos naging kaugalian na ng mga tao sa ibat ibang dako na magbalik tanaw sa taong lumipas at maglatag ng mga panukala para sa panibagong taon, o ang tinatawag na “New Year’s Resolution”. Lingid sa kaalaman ng marami, ang pagtatakda ng malalaking mithiin nang walang kaukulang masusing pagpaplano ay mauuwi lamang sa wala, sapagkat walang kongkretong hakbang upang yaon ay matamo. Sa malaot madali, ang kasiglahan at pag asa ay unti-unting napapawi sa paglipas ng mga buwan, kung hindi man mga linggo, at ang pagsisikap na makapag bago tungo sa ikabubuti ay biglang natatapos.

Kaysa magtala ng gayong mga “resolusyon” mas minamabuti ng mga tunay na kaanib sa Iglesia ni Cristo na lingunin ang nagdaan taon upang alalahanin ang mga pagtatagumpay na spiritual na ibiniyaya ng Panginoong Diyos. Mahigit 100 gusaling sambahan ang naipatayo at naihandog sa Diyos, limang bagong distrito eklesiatiko ang naitatag, daan daang ministro ang naordenahan, at libo-libong mga tao ang nabautismuhan tunay ngang ibinuhos ng Diyos ang kaniyang masaganang pagpapala at patnubay sa buong Iglesia at sa kasalukuyang Tagapamahalang Pangkalahatan, Ang Kapatid na Eduardo V. MAnalo!

Tangi rito, habang binabalikan natin ang taong lumipas ay hindi natin malilimot ang pahayag ng Biblia na “ alalahanin ninyo ang mga nangangasiwa sa inyo, na nagpahayag sa inyo ng salita ng Diyos. Isipin nga ninyo kung paano sila namumuhay at namamatay, at tularan ninyo ang kanilang pananalig sa Diyos” (Heb. 13:7, Magandang Balita Biblia). Ito ay lagi nating isinasagawa, lalo pa ngat ang ika 2 ng Enero ang siya sanang ika 90 na taong kaarawan ng Kapatid na Erano G. Manalo kung siya ay nabubuhay pa.

Ang Aral ng Banal na kasulatan, kung gayon, ang ating tinutupad kapag ginugunita natin ang yumaong Tagapamahalang Pangkalahatan, Kapatid na Erano G. Manalo. Bagamat wala na sila sa ating piling, ang kanilang alaala at iniwang halimbawa ay namamalaging buhay sa puso at isip ng mga kaanib ng Tunay na Iglesia ni Cristo.

Nagugunita natin ang pahayag noon ni Apstol Pablo sa mga unang Cristiano na: “Tiyak na tatandaan pa ninyo, mga kapatid, kung paano kami gumawa at nagpagal araw-gabi… samantalang ipinahahayag namin sa inyo ang Mabuting Balita” ( I Tes 2:9,). Tunay ngang nangaral sila sa atin ng walang bahid ng anumang likong layunin, bagkus ay sa pamamagitan ng matuwid at tapat na pananalita. Hindi nila binago kahit kaunti man ang mga pahayag ng Diyos para lamang maayon sa panlasa ng mga nakikinig, at hindi rin gumamit ng matatamis na pananalita para lamang makahikayat ng tao.

Bakit? Anu ang tunay na layunin ng Sugo ng Diyos sa mga huling araw, ang Kapatid na Felix Y. Manalo, at ng yumaong tagapamahalang Pangkalahatan, Kapatid na Erano G. Manalo, na nagbuhos sa kanila upang magpagal para sa Iglesia? Ganito ang paliwanag ni Apostol Pablo: “Dahil sa laki ng aming pagmamahal sa inyo, itinalaga namin ang aming sarili sa pangangaral sa inyo ng Mabuting Balita. Hindi lamang iyan, pati na aming buhay ay ihahandog namin, kung kakailanganin. Lubusan na kayong napamahal sa amin” I Tes. 2:8).

Ganoon na lamang ang kanilang pagmamahal sa Iglesia na handa nilang ibigay hindi lamang ang Mabuting Balita ng kaligtasan kundi maging ang kanilang buhay, kung kinakailangan. Hindi maitatatuwa na sila ay nagpagal at nagsakit para sa kapakanan ng mga kapatid. Subalit ang kanilang mga tiniis ay hindi ininda o ikinahapis man, bagkus ay ikinagalak pa nga nila ang kanilang pagsasakit alang alang sa Iglesia. Ginampanan nila ang kanilang tungkulin na magturo, mangalaga, at patibayin ang pananampalataya ng mga kapatid, hindi upang bigyang lugod ang tao, kundi ang Diyos (Gal. 1:10). Hindi nila hinangad na hangaan ng tao, yayamang ang ebanghelyo na kanilang itinuro ay mula sa Diyos sa pamamagitan ng pahayag ng Panginoong Jesucristo. ( Gal 1:11-12).

Napakahalagang mapansin na ang dakilang layunin at adhikain ng mga nangangasiwa sa atin sa kanilang pagpapagal at pagmamalasakit sa Iglesia, ay ka Espirito ng layunin ni Apostol Pablo noon, na “ samantalang inihahatid ninyo ang sa kanila ang balita ng kaligtasan. Pagdating ni Cristo ay maipagmamalaki ko kayo sapagkat hindi nawalan ng kabuluhan ang aking pagpapagal” ( Fil 2:16, MB). Ginugol nila ang kanilang buhay sa pag akay at paghikayat sa mga kapatid sa panahon ng mga pagsamba na kanilang pinangasiwaan, na mamuhay nang walang kapintasan- walang bahid ng kasamaan o karumihan sa gitna ng isang lahing liko at masama- upang kanilang maipagmalaki ang mga kapatid sa araw ng Paghuhukom. Subalit paano natin matitiyak na ang mga pagpapagal at pagsasakit ng mga nangangasiwa sa atin ay hindi mawawalang kabuluhan, kahit ngayong wala na sila sa ating piling? Niliwanag ito ni Apostol Pedro: “ Kaya lagi ko kayong pinapaalalahanan tungkol sa mga bagay na ito, kahit alam n’yo na ang mga ito at matatag na kayo sa katotohanang tinanggap n’yo. At sa palagay ko, nararapat lang na paalalahanan ko kayo sa mga bagay na ito habang nabubuhay pa ako,…. Kaya gagawin ko ang lahat para makatiyak akong maaalala n’yo parin ang mga itinuro ko kahit wala na ako rito” ( II Ped. 1:12-13,15 Ang salita ng Diyos).

Si Apostol Pedro, na isa sa mga namahala sa Iglesia noong unang siglo, ay buong diing nagpahayag: “Bagamat alam na ninyo ang katotohanang inyong tinanggap at matatag na kayo rito, gayunma’y lagi ko rin kayong paaalalahanan tungkol ditto.” Hindi ba ito rin ang nilayon at itinaguyod ng mga namahala sa Iglesia Ni Cristo sa mga huling araw na ito, mula sa Sugo ng Diyos na si Kapatid na Felix Manalo, hanggang sa namayapang Tagapamahalang Pangkalahatan, kapatid na Erano Manalo? Ito rin ang kanilang itinuro at walang sawang binigyang diin sa mga kaanib ng Iglesia nang sila ay nabubuhay pa. Sa anong layunin? Sinabi rin ni Apostol Pedro na: “Kaya gagawin ko ang lahat para makatiyak akong maalala n’yo parin ang mga itinuro ko kahit wala na ako rito.”

Ang isa sa mga dakilang katotohanan na lagging ipinaalala sa atin noon ng Sugo at ng Kapatid na Erano Manalo ay “ Mga kapatid, yamang kayo’y tinawag at hinirang ng Diyos, magpakatatag kayo sa kalagayang ito upang huwag kayong manlupaypay. Sa ganitong paraan, kayo’y maluwag na papapasukin sa walang hanggang kaharian ng ating Panginoon at Tagapagligtas na si Jesucristo” ( II Ped 1:10-11 MB).

Tunay nga hindi sila nagsawa sa pagtuturo at pagpapaalala ukol sa kadakilaan ng ating kahalalan at pagkatawag sa atin ng Diyos bilang Kaniyang mga lingkod sa mga huling araw na ito. Hinimok nila tayo na mamalagi sa biyayang ito, magpakatatag at magpakatibay anuman ang pagsubok, tiisin na ating masagupa upang hindi tayo matisod at maibuwal sa ating paglalakbay. Natitiyak nating tayo ang tunay na mga hinirang at pinili ng Diyos dahil ang ating saligan ay gaya ng ipinaliwanag ni Apostol Pedro: “ At kami ay mayroong lalong panatag na salita ng hula; na mabuti ang inyong ginagawa kung ito’y inyong sinusundan, na gaya ng isang ilawang lumiliwanag sa dakong madilim, hanggang sa pagbubukang liwayway, at ang tala sa umaga ay sumilang sa inyong mga puso” ( II Ped. 1:19).

Tunay ngang ang Iglesia ni Cristo na ating kinaaaniban ay may panatag na salita ng Hula- mga hula ng Diyos na pawang nagkaroon ng katuparan. Ang hula sa Isaias 43:5-6 ay nagpapahayag ng pagbangon ng mga anak ng Diyos sa Malayong Silangan o sa Pilipinas, na nagkaroon ng katuparan sa panahon ng Kapatid na Felix Y. Manalo. Binanggit din ng hula ang ukol sa pagtitipon ng mga anak ng Diyos sa Malayong Kanluran, na natupad naman sa panahon ng Kapatid na Erano Manalo nang kanilang pangunahan ang unang “Pagtitipon” ng mga kaanib sa Iglesia ni Cristo sa labas ng Pilipinas doon sa Ewa Beach, Honolulu, Hawaii, USA noong Hulyo 27, 1968.

Ang panatag na salita ng Hula na siyang saligan ng ating kahalalan ay siya ring katibayan na tayo ay maliligtas at makapapasok sa walang hanggang kaharian ng Diyos sa araw ng Paghuhukom na totoong malapit na. ito ang dahilan kaya walang humpay tayong tinuruan ng Kapatid na Erano Manalo nang sila ay nabubuhay pa. ang kanilang marubdob na hangarin ay ang madala ang bawat kaanib sa kasakdalan at kaligtasan. Sa pamamagitan ng mga leksyon sa pagsamba at mga palibot liham na kanilang inihanay, paulit ulit nila tayong pinaalalahanan na maging matibay at matatag tayo sa ating pagkatawag bilang mga kaanib sa Iglesia ni Cristo upang matamo natin ang pangakong kaligtasan.

Upang mapatunayan natin ang ating pagtatalaga sa ating pagkahirang, dapat nating sundin ang tagubilin ni Apostol Pablo na: “… Kailangan kayong manatiling tapat at matatag sa inyong pananampalataya at huwag bayaang mawala ang pag-asang dulot ng Mabuting Balita na inyong narinig….” (Col. 1:23, MB). Ang mga kaanib sa Iglasia ni Cristo na tunay na matatag at matibay sa kanilang kahalalan ay hindi natitinag sa kanilang pag asa sa kaligtasang ipinangako ng Diyos. Anumang pagsubok na dumating sa kanilang buhay- matinding hapis na dulot ng pagpanaw ng mahal sa buhay, kahirapan, pamalagiang sakit ng isang kaanib sa pamilya, o matinding pag uusig- hindi sila pumapayag na makilos sa pananampalataya at sa kanilang paninindigang sundin ang mga utos ng Diyos na kanilang tinanggap. Sa ganitong paraan ay hindi magiging walang kabuluhan ang pagsasakit ng mga nangasiwa sa kanila at maging  ng kasalukuyang namamahala.

Lubos nilang sinasampalatayanan ang pahayag ng ating PAnginoong Jesus na: “ Ang magtumibay ay daramtang gayon ng mga mapuputing damit; at hindi ko papawiin sa anomang paraan ang kanilang pangalan sa aklat ng buhay, at ipahahayag ko ang kaniyang pangalan sa harapan ng aking Ama at sa harapan ng kaniyang mga anghel” (Apoc 3:5). Isang matibay at di matitinag na pananalig sa puso at isip ng mga tapat na Iglesia ni Cristo ang siyang iniwan ng mga nagasiwa sa kanila- na isang dakilang kapalaran ang naghihintay sa kanila sa kahariang inihanda ng Panginoong Jesucristo. Doon, lubos silang nananalig na “ papahirin (ng Diyos) ang bawat luha sa kanilang mga mata, at hindi na magkakaroon ng kamatayan; hindi na rin magkakaroon pa ng pagdadalamhati, o ng pagtitiis man, o ng kirot man, sapagkat ang mga unang bagay ay lumipas na” (Apoc 21:4 Ang Bagong Ang Biblia).



Sunday, December 28, 2014

On smoking and drinking alcoholic beverages


Letter to the Editor: 
PASUGO, September 2000, p.2
I RECENTLY RECEIVED   a copy of Pasugo from my best friend. The articles were so informative, inspiring, and enlightening. I have two questions though.  Is it a sin in the sight of God to smoke? Does the Bible prohibit drinking alcoholic beverages even without getting drunk?
Lawrence Cardinal
Baguio City, Philippines

Editor's reply:
People are responsible both to God and to themselves to take care of their physical bodies which they present when they serve the Lord. Hence, it is wrong to harmful substances such as nicotine and alcohol.

Many studies have been made by medical experts conclusively proving that one of the culprits of chronic and fatal diseases is nicotine. Little by little, nicotine affects the functioning of the heart and lungs, ultimately resulting in premature death because of the failure of the systems in the human body. Cancer is also one of the disastrous consequences of nicotine intake.

This is why members of the Iglesia ni Cristo are advised to stop smoking to avoid its dreadful consequences. To the early Christians, Apostle Paul said:
“Now may the God of peace Himself sanctify you completely; and may your whole spirit, soul, and body be preserved blameless at the coming of our Lord Jesus Christ.” (I Thess. 5:23, New King James Version)

With regard to drinking alcoholic beverages, the Lord Jesus Christ gave this warning:
“Be careful, or your hearts will be weighed down with dissipation, drunkenness and the anxieties of life, and that day will close on you unexpectedly like a trap.” (Lk. 21:34, New International Version)

We should not fall into drunkenness as it endangers our salvation. The apostles likewise admonished the first Christians not to get drunk on wine because drunkenness leads to debauchery (Eph. 5:18). This is one of the reasons why no drunkards will inherit the kingdom of God (I Cor. 6:9-10).
18 And do not get drunk with wine, for that is debauchery; but ever be filled and stimulated with the [Holy] Spirit. Eph. 5:18, Amplified Bible)

Do you not know that the unrighteous will not inherit the kingdom of God? Do not be deceived. Neither fornicators, nor idolaters, nor adulterers, nor homosexuals,[a] nor sodomites, 10 nor thieves, nor covetous, nor drunkards, nor revilers, nor extortioners will inherit the kingdom of God. (I Cor. 6:9-10, NKJV)

The Bible describes wine as a mocker and beer a brawler and those who are lead astray by them are not wise (Prov. 20:1). Thus, the Holy Scriptures teaches that we should not associate with drunkards (Prov. 23:20).
Wine is a mocker,
Strong drink is a brawler,
And whoever is led astray by it is not wise. (Prov. 20:1, NKJV)

Be not among drunkards or among gluttonous eaters of meat, (Prov. 23:20, English Standard Version)

Since being drunk with alcohol begins with the intake of alcoholic beverages, it would be best for one to refrain from drinking so as not to fall into drunkenness which will jeopardize his salvation.  
___________________
Note: Some cited verses are printed in full to facilitate study.

Bible Study Suggestion: If you have further questions, please feel free to visit the Iglesia ni Cristo congregation nearest you. A minister or an evangelical worker would be happy to answer any biblical question you have in mind. For the latest Worship Service Directory of Iglesia ni Cristo Locales and Congregations outside the Philippines, please visit www.iglesianicristoworshipservice.com or just click link at home page.

Thursday, December 25, 2014

Sapat na ba na maging kaanib lang sa Iglesia ni Cristo para maligtas?



Madalas nating napapansin ang paninirang ginagawa ng mga kaibayo natin sa pananampalataya, sa anumang paraan ay gumagawa sila para sirain at padumihin ang pag iisip ng maraming mga kapatid at maging ang iba ay mahikayat nilang umalis sa loob ng Iglesia ni Cristo. Anu ang isa sa mga paninirang ginagawa nila? Yung mga nababalitaan na kaugalian at gawain ng ilang mga kapatid na kahit na nasa loob ng Iglesia ay nagpapatuloy sa ganun. Gumagawa sila ng labag sa mga utos ng Diyos na nakasulat sa biblia. Anu yung ilang gawaing pansalibutan na maaaring makikita sa ilang kapatid? May mga nag lalasing o umiinom ng alak, may mga gumagamit ng ipinag babawal na gamot, may mga ilang nakiki apid, at ibat ibang uri pa ng mga gawaing hindi maka Cristiano ay maaaring masumpungan sa ilang mga kapatid sa INC.

Hindi natin maililihim ang ganitong mga pangyayari sa loob ng Iglesia, naka lulungkot lang talaga na tanggapin na may mga kapatid paring hindi sinusunod ang doktrina. Ngunit tandaan natin na pagsinabing nagkasala o nagkakamali ang mga kaanib ay hindi kabilang ang buong IGLESIA sa nagkasala. ang nagkasala ay yaon lamang mga kaanib at hindi ang IGLESIA. Katulad ng sa panahon ng ating Panginoong Jesucristo may nagtaksil at gumawa ng masama laban sa kaniya. Sino po si Judas, anu po ang dapat nating isipin? Si Judas ay hindi po basta kaanib lang sa Iglesia noong unang siglo sya ay kasama sa 12 Apostol. Kung nagkasala si Judas at naparusahan kasama ba ang ilang mga Apostol o mga kaanib sa nagkasala? hindi po sapagkat indibidual lang ang nagkasala. baket indibidual na kaparusahan lang kung magkasala ang Tao? Basahin natin ang nakasulat sa biblia.

"Hindi papatayin ang mga magulang dahil sa mga anak, ni ang mga anak ay papatayin dahil sa mga magulang; bawa't tao'y papatayin dahil sa kaniyang sariling kasalanan(Deut. 24:16).
Ang sabi sa atin hindi papatayin ang magulang dahil sa anak, ganun din ang anak ay hindi papatayin dahil sa mga magulang baket? Sapagkat bawat tayo ay papatayin dahil sa kaniyang sariling kasalanan. Kaya kung sino lang ang nagkasala sya lang ang paparusahan. Aling kamatayan ba ang ganap na kabayaran ng kasalanan? sa Apoc 21:8 ay ganito ang maliwanag na sinasabi.
Nguni't sa mga duwag, at sa mga hindi mananampalataya, at sa mga kasuklamsuklam, at sa mga mamamatay-tao, at sa mga mapakiapid, at sa mga manggagaway, at sa mga mapagsamba sa diosdiosan, at sa lahat na mga sinungaling, ang kanilang bahagi ay sa dagatdagatang nagniningas sa apoy at asupre; na siyang ikalawang kamatayan.
Ang ikalawang kamatayan ang binabanggit kabayaran ng kasalanan. Saan ito? Sa dagatdagatang apoy at asupre. Dito mapaparusahan ang mga tao na hindi sumunod sa mga utos ng Diyos kahit sabihing kaanib pa sa Iglesia ni Cristo. Wala ding kaligtasan ang gayong mga tao. Kaya ano po ang ginagawa ng Pamamahala?

Ang Pamamahala ay walang sawang nagpapaalala sa mga kapatid at nagtuturo ng mga tamang asal at pag uugali na dapat taglayin ng bawat kaanib sa Iglesia, nag papadala sila ng Pastoral Letter para makaabot sa lahat ng kapatid ang tagubilin. Gumagawa sila ng ibat ibang drive para mailayo ang mga kapatid sa kasamaan at kalayawan, Pinag lalapit ang damdamin ng mga mga Kapisanan upang hindi na mapasama sa masamang kaibigan.baket ba ito ginagawa ng Pamamahala?

Anu po ang isa sa mga dapat nating maintindihan? Hindi po sapat na maging kaanib lang sa Iglesia para maligtas mayrong dapat gawin ang mga kaanib, Anu ang dapat nating gawin? Basahin natin ang nilalaman ng Biblia.

Efeso 4:17-24 BMBB 17 Sa pangalan ng Panginoon, ito ang sinasabi ko sa inyo: huwag na kayong mamuhay tulad ng pamumuhay ng mga walang pananampalataya sa Diyos. Walang kabuluhan ang kanilang iniisip, 18 at wala silang pang-unawa. Dahil sa kanilang kamangmangan at katigasan ng ulo, wala silang bahagi sa buhay na kaloob ng Diyos. 19 Sila'y naging alipin ng kahalayan, at wala na silang kahihiyan kaunti man lamang. Wala na silang inaatupag kundi pawang kalaswaan.   20 Hindi ganyan ang natutuhan ninyo tungkol kay Cristo. 21 Napakinggan na ninyo ang aral ni Jesus at natutuhan na ninyo ang katotohanang nasa kanya. 22 Iwanan na ninyo ang dating pamumuhay. Hubarin na ninyo ang inyong dating pagkatao na napapahamak dahil sa masasamang pagnanasa. 23 Magbago na kayo ng diwa at pag-iisip; 24 at ang dapat ninyong isuot ay ang bagong pagkatao na nilikhang kalarawan ng Diyos, at nahahayag sa matuwid at banal na pamumuhay ayon sa katotohanan.

Himayin natin ang sinasabi sa talatang ating sinipi.

1.      Huwag na kayong mamuhay tulad ng pamumuhay ng mga walang pananampalataya sa Diyos.

2.      Hindi ganyan ang natutuhan ninyo kay Cristo.

3.      Iwanan na ninyo ang dating pamumuhay.

4.      Magbago na kayo ng Diwa at pag iisip.

5.      Nahahayag sa matuwid at banal na pamumuhay ayon sa katotohanan.

Ito po ang dapat na Makita sa bawat kaanib sa Iglesia ni Cristo whag papaya na nabubuhay sa kalayawan at kasalanan. Sundin natin ang ipinag uutos ng Diyos para tayo ay makatiyak ng kaligtasan. Humarap ka man sa pagsubok, magtiis Kaman ng maraming hirap bastat manatili kang tapat hanggang wakas ay ikaliligtas. Mateo 24:13. Anu ba ang ninanasa ng mga tapat na naglilingkod sa Diyos? Basahin natin ito.

Hebreo 11:16  “Nguni't ngayon ay nagnanasa sila ng lalong magaling na lupain, sa makatuwid baga'y ang sa langit: kaya hindi sila ikinahihiya ng Dios na tawaging Dios nila; sapagka't kaniyang ipinaghanda sila ng isang bayan.”

Nagnanasa ng lalong magaling na lupain samakatwid bagay ang nasa langit, alin itong magaling na lupain ito ang inihandang bagong bayan. Dahil sa pagtatapat nila ay hindi ikinahiya ng Diyos na siya ay tawaging Diyos. Kaya hindi lugi ang mga nagtatapat sa paglilingkod. Alin itong isang bayan na inihanda at anu ang magiging pamumuhay dito?

Apocalypsis 21:1-4  “At nakita ko ang isang bagong langit at ang isang bagong lupa: sapagka't ang unang langit at ang unang lupa ay naparam; at ang dagat ay wala na.”

 “At nakita ko ang bayang banal, ang bagong Jerusalem, na nananaog mula sa langit buhat sa Dios, na nahahandang gaya ng isang babaing kasintahan na nagagayakang talaga sa kaniyang asawa.”

 “At narinig ko ang isang malakas na tinig na mula sa luklukan, na nagsasabi, Narito, ang tabernakulo ng Dios ay nasa mga tao, at siya'y mananahan sa kanila, at sila'y magiging mga bayan niya, at ang Dios din ay sasa kanila, at magiging Dios nila:”

“At papahirin niya ang bawa't luha sa kanilang mga mata; at hindi na magkakaroon ng kamatayan; hindi na magkakaroon pa ng dalamhati, o ng pananambitan man, o ng hirap pa man: ang mga bagay nang una ay naparam na. “

Ang tanung natin ay alin ang isang bayan na inihanda? Ito ang bagong langit at bagong lupa, anu ang kmagiging pamumuhay ng mga nagtapat? Wala ng luha, wala ng kamatayan, wala ng dalamhati ang lahat ng hirap ng una ay naparam na. perpektong pamumuhay ang naghihintay sa mga kaanib sa Iglesia ni Cristo na naging tapat hangang wakas. Dito hinihikayat ng pamamahala ang lahat ng kapatid, bagaman may mga nagkakasala ay sinisikap ng Pamamahala na madala sa kaligtasan ang bawat kaanib. kaya lubusan nang iwan ang masamang pamumuhay at mamalaging nasa tapat na pag lilingkod.



Friday, December 12, 2014

Christmas Bonus masama bang tanggapin?




Maraming mga kaibayo natin sa Pananampalataya ang nagtatanong kung masama bang tumanggap ng Christmas bonus ang mga kaanib sa Iglesia ni Cristo dahil hindi naman tayo nagdiriwang ng Pasko. Kaya minsan ang mga kapatid ay maaaring may ganito ring kaisipan o minsan ay nahihiyang tanggapin ang kanilang Christmas Bonus dahil sa kantiyaw o pag uusig ng mga taga sanlibutan o ng ilang hindi natin kapananampalataya. Alamin natin ang kasagutan sa Paksang ito.
Anu ba ang Kahulugan ng salitang “Bonus”?
The word Bonus to extra pay due to good performance.
Ang Bonus po ay extra bayad o reward sa mga trabahador na may magandang performance, na ang katumbas nito ay masibag sa trabaho. Pinagpagalan po ng bawat manggagawa ang pagtanggap ng Bonus nagkataon lang na ito ay ibinibigay tuwing buwan ng Disyembre dahil ang panahong ito ang maraming gastusin.
Kung ganito ay bawal ba ang kaanib sa Iglesia ni Cristo tumanggap ng Christmas Bonus? Hindi po sapagkat wala po nalalabag na doktrina kung ang sinoman ay tumanggap ng Bonus dahil sa kanilang kasipagan karapatan din po ito ng bawat kaanib sa Iglesia ni Cristo kahit hindi nagdiriwang ng Christmas sapagkat kasapi o empleyado sila sa kumpanya.
Anu po ba ang masama o bawal na hindi dapat masumpungan sa mga kaanib sa Iglesia ni Crsito? Ang makiisa o magdiwang ng kapaskuhan. Baket po? Basahin natin ito.

“It has sometimes been said that the Nativity [Christmas] is only a Christianized pagan festival.” [Handbook of Christian Feasts and Customs, page 61]

Sa Filipino:

“Nasabi na sa ilang pagkakataon na ang Natividad [Pasko] ay isa lamang isina-Cristianong kapistahang pagano.”


Ang Christmas pala ay isa lamang isina Cristianong kapistahang pagano. Galing sa Aral o Kaugaliang Pagano.
Ano ba ang ibig sabihin ng salitang PAGAN o “pagano”?

“PA'GAN, n. a Gentile; an idolater; one who worships false gods. This word was originally applied to the inhabitants of the country, who on the first propagation of the Christian religion adhered to the worship of false gods, or refused to receive Christianity, after it had been received by the inhabitants of the cities.” [Webster’s 1828 Dictionary]

Sa Filipino:

“PAGANO, n. isang Gentil; isang mapagsamba sa diosdiosan; sumasamba sa mga hindi tunay na diyos. Ang salitang ito ay unang ginamit sa mga unang mamayan ng isang nayon, na sa pasimula ng pagpapalaganap ng relihiyong Cristiano ay mga nahirati sa pagsamba sa mga hindi tunay na diyos, o yaong tumatanggi na tanggapin ang Cristianismo, pagkaraan na ito ay tinanggap na ng mga naninirahan sa mga lungsod.”


Kaya kahit tumanggap ang bawat kaanib sa Iglesia ni Cristo ng Christmas Bonus ay hindi naman ito gagamitin sa Pagdiriwang ng Pasko sapagkat ito ay labag sa utos ng Diyos na nakasulat sa Biblia. 

Friday, November 14, 2014

Ligtas Daw Ang mga Lahat ng Tao kahit Atheist?

                                   Ang Nagtuturo ng Maling Aral (Pope Francis) 

Ang PAPA ng Iglesia Katolika ay may pahayag na lahat daw ng tao ay maliligtas kahit ang mga hindi naniniwalang may Diyos (Atheist). Sapagkat lahat daw ay tinubos ni Cristo ng kaniyang mahalagang dugo. Ganito ang kaniyang sinabi.
"THE LORD HAS REDEEMED ALL OF US, ALL OF US, WITH THE BLOOD OF CHRIST: ALL OF US, NOT JUST CATHOLICS. EVERYONE! 'FATHER, THE ATHEISTS?' EVEN THE ATHEISTS. Everyone! And this Blood makes us children of God of the first class. We are created children in the likeness of God and the Blood of Christ has redeemed us all. And we all have a duty to do good. And this commandment for everyone to do good, I think, is a beautiful path towards peace. If we, each doing our own part, if we do good to others, if we meet there, doing good, and we go slowly, gently, little by little, we will make that culture of encounter: We need that so much. We must meet one another doing good. 'But I don't believe, Father, I am an atheist!' But do good: We will meet one another there."

Napaka liwanag ng sinabi ng kanilang PAPA na lahat ay tinubos ng dugo ni Cristo hindi lang katoliko, lahat maging ang mga Atheist . 
Anu ba ang kahulugan ng Atheist para po malaman talaga natin?
Concise Oxford English Dictionary (eleventh edition).
atheism 
n  noun disbelief in the existence of a god or gods.

DERIVATIVES
     atheist noun
     atheistic adjective
     atheistical adjective

ORIGIN
            C16: from French athéisme, from Greek atheos, from a- 'without' + theos 'god'.
Samakatwid Itinuturo ng Leader ng Iglesia katolika o kanilang PAPA na maging ang mga hindi naniniwalang may Diyos ay maliligtas din sapagkat tinubos din sila ng Dugo ni Cristo. Sangayon kaya sa biblia ang kaniyang pagtuturo? Maliligtas ba ang mga hindi kumikilala sa Diyos? Basahin natin ang pagpapaliwanag ng Biblia.                 

2 TESALONICA 1:8-9 “NA MAGHIHIGANTI SA HINDI NAGSISIKILALA SA DIOS, at sa kanila na hindi nagsisitalima sa evangelio ng ating Panginoong Jesus: NA SIYANG TATANGGAP NG KAPARUSAHAN, NA WALANG HANGGANG KAPAHAMAKANG MULA SA HARAPAN NG PANGINOON at mula sa kaluwalhatian ng kaniyang kapangyarihan.”
Hindi maliligtas ang mga taong hindi kumikilala sa Diyos anu ang gagawin ng Diyos? Siya ay maghihiganti, anung klaseng paghihiganti ang gagawin ng Diyos? walang hanggang kaparusahan at kapahamakan. Saan itong walang hanggang kaparusahan at kapahamakan?
Apocalypsis 21:8 " Nguni't sa mga duwag, at SA MGA HINDI MANANAMPALATAYA, at sa mga kasuklamsuklam, at sa mga mamamatay-tao, at sa mga mapakiapid, at sa mga manggagaway, at sa mga mapagsamba sa diosdiosan, at SA LAHAT NG SINUNGALING, ang kanilang bahagi ay sa DAGATDAGATANG NAGNININGAS SA APOY at asupre; na siyang ikalawang kamatayan. "
Walang hanggang kaparusahan at kapahamakan sa Dagat Dagatang Apoy  ang sasapitin ng mga taong hindi sumasampalataya o hindi naniniwalang may Diyos. Kaya tiyak na mali ang itinuturo ng PAPA ng Iglesia katolika ukol Dito.
Ayon sa PAPA ng Iglesia katolika na nabasa sa itaas ay Lahat ng Tao kasama na nga ang mga Atheist ay Tinubos ni Cristo ng Kaniyang Dugo para maligtas. Totoo kaya ito? Alamin natin ang pagtuturo ng Biblia.
Ilan ang Iglesia na Tinubos ng Dugo ni Cristo? Basahin natin ang pahayag ni Cristo.
Mateo 16:18 At sinasabi ko naman sa iyo, na ikaw ay Pedro, at sa ibabaw ng batong ito ay itatayo ko ang aking iglesia; at ang mga pintuan ng Hades ay hindi magsisipanaig laban sa kaniya. 

Atin pong pansinin ang Singular word na "Iglesia/Church"
at ang Personal Pronoun na 

"Aking/my"

Kaya po ang pagkasabi ni Cristo sa IGLESIA ay AKING IGLESIA o MY CHURCH. Hindi nya po sinabi na “ITATAYO KO ANG AKING MGA IGLESIA” hindi kasali dito ang IGLESIA KATOLIKA at ibat ibang sekta ng Relihiyon. Pansinin natin na Si Cristo ang Nagmamay ari ng Iglesia na kaniyang  itinayo kaya anu ang Ginawa nya para sa Iglesia? Basahin natin ang talata na madalas na ninyong marinig.
Acts 20:28 “Take heed therefore to yourselves and to all the flock over which the Holy Spirit has appointed you overseers, to feed the CHURCH OF CHRIST WHICH HE HAS PURCHASED WITH HIS BLOOD. (Lamsa Translation)

Sa Filipino:

Gawa 20:28 “Ingatan ninyo kung gayon ang inyong mga sarili at ang buong kawan na rito’y hinirang kayo ng Espiritu Santo upang maging mga katiwala, upang pakanin ang IGLESIA NI CRISTO  NA BINILI NIYA NG KANIYANG DUGO.”

Balik tayo sa ating tanung ilan ang Iglesia na Tinubos ni Cristo ng Kaniyang Dugo? Isa lang walang iba kundi ang IGLESIA NI CRISTO. Kaya maling mali ang tinuturo ng PAPA ng Iglesia katolika na Lahat ay tinubos ni Cristo. Labag po sa mg autos ng Diyos at tiyak na ikapapahamak ng mga tao. Kung ganito ang kanilang paniniwala ay hindi na kailangan pang maging Katoliko. Kahit ang mga taong Kasuklam Suklam sa Diyos na hindi niya kinikilala ay maliligtas din pala. Napaka laking kalapastanganan sa Diyos ang Ganitong mga pagtuturo ng Iglesia KATOLIKA.


Wednesday, October 29, 2014

SAAN NAROON ANG MGA NAMATAY



May mga nagsasabi na may tatlong dako na pinaglalagyan sa mga taong nangamamatay. Ang mga banal daw ay sa langit o glorya, banal man at hindi naman lubos o ganap na nakapagkawas o nakapaglinis sa pamamagitan ng pagkukumpisal ay sa purgatoryo raw at ang mga makasalanan ay sa impiyerno. Ang iba naman ay nagtuturong may dalawang dakong pinaglalagyan ng mga namamatay ngayon:—sa langit at sa impiyerno. Naniniwala rin silang ang mga patay ay tumatanggap na ng kagantihan pagkatapos na mamatay. Mabuti ay alamin natin ang katotohanang nakasulat sa biblia kung saan naroon ang amga namatay. Alamin muna natin Anu ba ang tawag ni Jesus at mga Apostol sa mga patay? Basahin muna natin ang pahayag n gating P. Jesus sa

Sa Juan 11:11-14, “Ang mga bagay na ito'y sinalita niya: at pagkatapos nito'y sinabi niya sa kanila, Si Lazaro na ating kaibigan ay natutulog; nguni't ako'y paroroon, upang gisingin ko siya sa pagkakatulog.

“Sinabi nga ng mga alagad sa kaniya, Panginoon, kung siya'y natutulog, ay siya'y gagaling.
“Sinalita nga ni Jesus ang tungkol sa kaniyang pagkamatay: datapuwa't sinapantaha nila na ang sinalita ay ang karaniwang pagtulog. “Nang magkagayon nga ay sinabi sa kanila ni Jesus ng malinaw, Si Lazaro ay patay.”

Malinaw ang pahayag na ito ng ating Panginoong Jesucristo. Ang tawag Niya sa taong patay ay natutulog. Ganito rin kaya ang natutuhan ng mga Apostol kay Cristo?
 Sa I Tes. 4:13,“Nguni't hindi namin ibig na kayo'y di makaalam, mga kapatid, tungkol sa nangatutulog; upang kayo'y huwag mangalumbay, na gaya ng mga iba, na walang pagasa.”

Si Jesus at ang mga Apostol ay may iisang tawag sa taong patay-natutulog

Saan naroroon ang mga natutulog o ang mga patay? Nasa langit kaya ang mga banal? Nasa purgatoryo kaya ang mga banal na hindi lubos na nakapaglinis o hindi lubos na nakapagkawas ng kasalanan ayon sa mga pari? Nasa impiyerno kaya naman ang mga makasalanan?

Sa
Dan. 12:2, ganito ang sagot sa mga tanong na iyan:

“At marami sa kanila na nangatutulog sa alabok ng lupa ay mangagigising, ang iba'y sa walang hanggang buhay, at ang iba'y sa kahihiyan at sa walang hanggang pagkapahamak.”

Ayon sa biblia ang mga nangamatay ay nasa alabok ng lupa. Kaya wala sa langit, purgatory o impiyerno ang mga nangamatay namamalagi sa alabok ng lupa.

Hanggang kalian kaya manantili sa alabok ng lupa o sa libingan ang mga patay? Gaano katagal mananatili sa libingan ang mga patay na tao? Sa Job. 14:12, ganito ang sagot:

“Gayon ang tao ay nabubuwal at hindi na bumabangon: hanggang sa ang langit ay mawala, sila'y hindi magsisibangon, ni mangagigising man sa kanilang pagkakatulog.”

Maliwanag po na mamamalagi sa libingan ang mga nangamatay hanggang sa mawala ang langit. Nawala naba ang langit? Hindi pa po. Kaya mula noon hanggang ngayon ay namamalagi sila sa alabok ng lupa o libingan.
Kailan kaya mawawala ang langit na siyang panahon ng pagbangon ng mga taong nangamamatay? Sa II Ped 3:10

Datapuwa't darating ang araw ng Panginoon na gaya ng magnanakaw; na ang sangkalangitan sa araw na iyan ay mapaparam na kasabay ng malaking ugong, at ang mga bagay sa langit ay mapupugnaw sa matinding init, at ang lupa at ang mga gawang nasa lupa ay pawang masusunog.”

Pagdating ng araw ng Panginoon o ang Araw ng paghuhukom ang pagkawala ng langit at lupa. Na siyang panahon ng pagbangon ng mga patay sa libingan. Hanggat di pa nag huhukom namamalaging nasa libingan ang mga patay. Kaya kasinungalingan ang sinasabi ng ibang relihiyon na hinuhukuman na agad ang mga tao pagkamatay o ang iba naman namatay ay agad tatanggap ng kagantihan. Malinaw na maling aral ang kanilang tinuturo na ikapapahamak ng tao.

May sinasabi pa ba ang Diyos kung hanggang kalian mananatili sa libingan ang mga patay na tao? Ganito ang sabi sa Job. 14:14:

“Kung ang isang tao ay mamatay, mabubuhay pa ba siya? Lahat ng araw ng aking pakikipagbaka ay maghihintay ako, hanggang sa dumating ang pagbabago.”

Ang sabi sa talata hanggang sa dumating ang pagbabago. Alin itong binabangit na panahon ng pagbabago na darating na sapanahong ito mabubuhay ang mga patay? Sa I Cor. 15:51-53, basahin natin:

“Narito, sinasaysay ko sa inyo ang isang hiwaga: hindi tayong lahat ay mangatutulog, nguni't tayong lahat ay babaguhin,
“Sa isang sangdali, sa isang kisap-mata, sa huling pagtunog ng pakakak: sapagka't tutunog ang pakakak, at ang mga patay ay mangabubuhay na maguli na walang kasiraan, at tayo'y babaguhin.

“Sapagka't kinakailangan na itong may kasiraan ay magbihis ng walang kasiraan, at itong may kamatayan ay magbihis ng walang kamatayan.”

Ayon sa mga talatang ito ng Biblia, sa pahayag ni Apostol Pablo, ang panahon ng pagbabago’y sa huling pagtunog ng pakakak, at ayon sa pahayag ni Apostol Pablo ang panahon ng huling pagtunog ng pakakak ay sa pagbaba ni Cristo mula sa langit (I Tes. 4:16). Diyan din sa panahong iyan bubuhayin ang mga patay. Ang mga unang mabubuhay na mag-uli ay ang mga kay Cristo. Sapagka’t sa panahong ito lamang bubuhayin ang mga patay, papaano magiging katotohanan pa rin ang sinasabi ng mga ibang tagapagturo gaya ng pari at pastor protestante na pagkamatay ng mga tao ay tumatanggap na ng kagantihan? Hindi totoo iyan. Laban iyan sa pagtuturo ng Biblia. Iyan ang dayang aral.

Ang kalagayan ng mga taong patay

Datapuwa’t sa kabila ng mga katotohanang inilalahad ng Biblia ukol sa kalagayan ng mga taong patay, ang mga pari ng Iglesia Katolika’y ipinipilit pa rin na ang mga banal daw na nangamatay ay nasa langit na nga at maaaring dalanginan upang sila’y ipamagitan sa Diyos. Mayroon bang kamalayan ang mga patay na nasa libingan? Sa araw na ang tao’y mamatay, mayroon pa ba siyang pag-iisip? Sa Awit 146:4, ganito ang pahayag:

“Ang hininga niya ay pumapanaw, siya'y nanunumbalik sa kaniyang pagkalupa; sa araw ding yaon ay mawawala ang kaniyang pagiisip.”

Paano kaya mapananalanginan ang taong wala nang hininga at bumalik na sa kaniyang pagkalupa o naging alabok na muli? Papaano makasasagot ang walang pag-iisip? Ang taong namatay ay wala nang hininga, nalulusaw at nagiging lupa at wala nang pag-iisip. Yaon lamang sira ang bait o baliw ay hindi dapat pakipag-usapan sapagka’t sira nga ang isip. Hindi kaya ibayong sira ang tumawag o manalangin sa walang pag-iisip? Kayo na ang humatol. At upang patibayan pa ng Santong Sulat na talagang walang malay at ni walang bahagi ang mga patay sa mga ginagawa sa ilalim ng araw ay ganito ang mababasa sa Ecles. 9:5-6:

“Sapagka't nalalaman ng mga buhay, na sila'y mangamamatay: nguni't hindi nalalaman ng patay ang anomang bagay ni mayroon pa man silang kagantihan; sapagka't ang alaala sa kanila ay nakalimutan.
“Maging ang kanilang pagibig, gaya ng kanilang pagtatanim at ng kanilang pananaghili ay nawala ngayon; na wala man silang anomang bahagi pa na magpakailan man sa anomang bagay na nagawa sa ilalim ng araw.”

Napakalinaw ng mga pangungusap na iyan ng Bibliya. Ang patay ay walang anumang nalalaman; kahit ang kanilang kagantihan, sapagka’t ang alaala sa kanila ay nakalimutan ng lahat. Anumang gawin ng mga buhay patungkol sa mga patay, gaya ng pagdarasal o anumang pag-aalay sa kanila ay wala silang anumang bahagi. Lalong hindi naman makapapamagitan ang mga patay para sa mga buhay, sapagka’t “ang patay ay hindi pumupuri sa Panginoon ni sinumang nabababa sa katahimikan o sa libingan.” (Awit 115:17). Maging si David na hari ng Israel ay hindi pa rin umakyat sa langit bagaman siya’y inaring banal (Gawa 2:29, 34).

Namamatay ang kaluluwa ngunit ang mga tagapagturo na nagsasabing ginanti na raw ang mga taong namatay, ay nagmamatuwid ng ganito: Na di-umano ang mananatili raw sa libingan ay ang katawang lupa lamang, datapuwa’t ang kaluluwa raw ang umaakyat sa langit. Kung ang tao kaya’y mamatay, ano ang nangyayari sa kaluluwa?
Sa Ezek. 18:4, ganito ang patotoo ng Diyos:

“Narito, lahat ng kaluluwa ay akin; kung paano ang kaluluwa ng ama, gayon din ang kaluluwa ng anak ay akin: ang kaluluwa na nagkakasala ay mamamatay.”


Tiyak ang pahayag ng Diyos na ang kaluluwa na nagkakasala ay mamamatay. Kaya kapag ang tao’y namatay, kasamang namamatay ang kanyang kaluluwa. Kaya maliwanag kung gayon na ang pagtuturo ng ilang relihiyon ay labag sa kalooban ng Diyos na nakasulat sa biblia. Ang maling araw kalian may hindi nakasalig sa mga salita ng Diyos ay hindi ikaliligtas.

Monday, August 18, 2014

Pinagbawal ba ng Diyos ang Pagsusundalo o Pagpupulis?


Sa mga Saksi ni Jehova ay ipinagbabawal ang Pagsusundalo, maging ang Pagpupulis, para sa kanila ang tungkuling ito ay hindi katanggap-tanggap sa paningin ng Diyos sapagkat ang mga taong ito ay may karapatang kumitil ng buhay ng tao bilang bahagi ng kanilang tungkulin, bagamat hindi mababasa sa Biblia ng tuwiran na BAWAL ANG MAGSUNDALO ay may talata silang ginagamit na batayan, ito ay ang nasa aklat ng Exodo, atin pong basahin:

Exodo 20:13  “Huwag kang papatay.”

Ito raw ay napakatibay na ebidensiya na bawal ang PAGSUSUNDALO dahil sa mahigpit daw na ipinagbabawal ng Diyos ang pagpatay ng kapuwa tao. Totoo kaya ang pagkaunawa nilang ito na ang pagbabawal na ito ay kumakapit sa lahat ng uri ng tao?

Pero nais po naming ipapansin sa inyo ang isang pangyayari na nakatala sa kasaysayan ng Biblia:

1 Samuel 15:2-3  “Ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, Aking tinandaan yaong ginawa ng Amalec sa Israel, kung paanong siya'y humadlang sa kaniya sa daan, nang siya'y umahon mula sa Egipto. Ngayo'y yumaon ka at saktan mo ang Amalec, at iyong lubos na lipulin ang buo nilang tinatangkilik, at huwag kang manghinayang sa kanila; kundi PATAYIN MO ANG LALAKE AT BABAE, SANGGOL AT SUMUSUSO, BAKA AT TUPA, KAMELYO AT ASNO.” At pinisan ni Saul ang bayan at binilang sila sa Telaim, dalawang yutang lalake na naglalakad, at sangpung libong lalake sa Juda.

Kitang-kita sa talata na inuutusan ng Diyos si Haring Saul, ang Hari noon ng Israel na lipulin at pataying lahat, lalake, babae, sanggol, maging mga hayop.  Narito ang tanong?  HINDI BA BAWAL ANG PUMATAY SA PANAHONG IYAN? WALA PA BANG BATAS NA NAGBABAWAL SA PAGPATAY NG TAO SA PANAHONG IYAN?  Sa panahong iyan ay malaon nang patay si Moises, at ang pagbabawal sa pagpatay bilang bahagi ng sampung utos ay matagal ng panahon naibigay sa bayang Israel.  Hindi ba lalabas niyan na kinokontra ng Diyos ang kaniyang sarili sa paguutos niyang ito?

Bakit ba pinagpasiyahan ng Diyos na lipulin ang bayan ng Amalec?

1 Samuel 15:2  "When the Israelites were on their way out of Egypt, the nation of Amalek attacked them. I am the LORD All-Powerful, and now I am going to make Amalek pay! [Contemporary English Version]

Sa Filipino:

1 Samuel 15:2  “Nang ang mga Isrealita ay paalis ng Ehipto, SILA’Y NILUSOB NG BAYAN NG AMALEC. Ako ang Panginoon na Pinakamakapangyarihan, at ngayon aking pagbabayarin ang Amalec.”

Hindi ikinalugod ng Diyos ang ginawang paglusob o pagatake ng Amalec sa Israel ng sila ay papaalis sa Ehipto, nais lamang ng Diyos na makaganti ang bayan Israel sa ginawa nilang ito.  Kaya maliwanag kung gayon na:

 ANG PAGBABAWAL NG DIYOS SA PAGPATAY AY ISANG BATAS NA MAY KUNDISYONNA WALANG KARAPATANG MAGPASIYA ANG SINOMANG TAO NA PUMATAY SA KANIYANG SARILI MALIBAN NANG MAY MAGBIGAY SA KANIYA NG KARAPATAN NA GAWIN IYON,  at sa pagkakataong ito ay ang Panginoong Diyos.

Maliwanag kung gayon na may mga tao na binigyan ng Diyos ng karapatan lumipol sa mga taong itinuturing ng Diyos na kaniyang mga kaaway.

Katulad ni Samson na binigyan ng Diyos ng karapatang ito:

Judge 15:15  “Then he found a jawbone of a donkey that had recently died. He reached down and picked it up, AND KILLED A THOUSAND MEN WITH IT.” [Good News Bible]

Sa Filipino:

Hukom 15:15 “At siya’y nakakita ng panga ng isang asno na kamamatay lamang.  Kaniyang iniunat ang kaniyang kamay at kinuha ito, at PINATAY ANG ISANG LIBONG TAO SA PAMAMAGITAN NOON.”

Ganoon din ang karapatang ibinigay niya kay Haring David:

1 Samuel 17:46  “Sa araw na ito ay ibibigay ka ng Panginoon sa aking kamay; AT SASAKTAN KITA, AT PUPUGUTIN KO ANG ULO MO; at ibibigay ko ang mga bangkay sa hukbo ng mga Filisteo sa mga ibon sa himpapawid sa araw na ito, at sa mababangis na hayop sa lupa; upang maalaman ng buong lupa na may Dios sa Israel:”

Nang patayin ni David si Goliath ay may patnubay siya ng Diyos, at hindi lamang si Goliath ang napatay ni David sa buong panahon ng kaniyang buhay, subalit magkagayon man dahil sa dami ng kaniyang napatay itinuring ba siyang makasalanan?

Awit 86:2  “Ingatan mo ang aking kaluluwa; sapagka't AKO'Y BANAL: Oh ikaw na Dios ko, iligtas mo ang iyong lingkod na tumitiwala sa iyo.”

Sa kabila ng lahat na si David ay maraming napatay na tao sa buong kasaysayan ng kaniyang buhay, ang turing pa rin sa kaniya ay BANAL, samakatuwid hindi ibinilang na kasalanan niya ang kaniyang mga ginawang pagkitil ng buhay, dahil sa ito’y karapatan at kapangyarihang ibinigay sa kaniya ng Diyos bilang Hari ng Israel.

Napakaraming halimbawa na mababasa sa Biblia na mga mandirigma ngunit mga lingkod ng Diyos bukod kay Haring David at Samson, nandiyan din sina Josue, Gedeon, at marami pang iba.

Ano ang tawag noon sa Diyos ng bayang Israel?

1 Samuel 17:45  “Nang magkagayo'y sinabi ni David sa Filisteo, Ikaw ay naparirito sa akin na may tabak, at may malaking sibat at may kalasag; nguni't ako'y naparirito laban sa IYO SA PANGALAN NG PANGINOON NG MGA HUKBO, ng DIOS NG MGA KAWAL NG ISRAEL na iyong hinahamon.”

Ang Diyos noong panahong iyon ay tinatawag na “DIYOS NG MGA HUKBO” at “DIYOS NG MGA KAWAL”, kaya dito pa lamang ay maliwanag na nating nakikita ang matibay na ebidensiya na ang pagiging KAWAL o SUNDALO, ng isang tao ay hindi bawal sa Biblia.  Dahil bakit papayag ang Diyos na itawag ng tao sa kaniya ito kung bawal naman pala sa kaniya ang pagiging KAWAL ng isang tao.

At sa isa pang pagkakataon ang Diyos ay ipinakilala na“PANGINOON NG MGA HUKBO”:

Isaias 44:6  “Ganito ang sabi ng Panginoon, ng Hari ng Israel, at ng kaniyang Manunubos, na PANGINOON NG MGA HUKBO, Ako ang una, at ako ang huli; at liban sa akin ay walang Dios.”

Kaya nga dito pa lang ay alam na alam na natin ang napakatibay na ebidensiya na HINDI BAWAL ANG PAGSUSUNDALO, hindi po ito kailan man ipinagbawal ng Diyos sa Biblia.  Ang kanilang tungkulin bagamat totoo na sila ay kumikitil ng buhay at pumapatay ng tao para magpanatili ng kapayapaan at ipagtanggol ang bayan, ay tungkuling ibinigay ng Diyos sa kanila. Kaya EXEMPTED po sila sa batas ng Diyos na HUWAG KANG PAPATAY.  

Tayo na mga ordinaryong tao na wala sa ganoong tungkulin ang walang karapatang pumatay ng sinoman, dahil tayo ay nasa ilalim ng  batas ng Diyos na siyang nagbabawal sa pagpatay ng kapuwa tao.


Pagsusundalo bawal ba sa Bagong Tipan?

Maaaring may mangatuwiran na iyon daw mga halimbawa na ating ipinakita ay puro saLumang Tipan, pero sa panahong Cristiano na panahon ng Bagong Tipan, na siyang sumasakop sa panahon natin ay bawal na ang pagsusundalo.
Inyong tanungin ang inyong mga kaibigang Saksi ni Jehova, kung may maipapakita silang kahit na isang talata na mababasa ng maliwanag na ipinagbabawal ng Diyos ang PAGSUSUNDALO. Natitiyak namin na wala silang maipapakitang talata sa inyo kahit saBagong Tipan.

Dahil, hindi po bawal ang pagsusundalo sa buong Biblia…

Kumuha na tayo ng halimbawa sa Biblia:

Luke 3:14  “Some SOLDIERS also asked him, "What about us? What are we to do?" He said to them, "DON'T TAKE MONEY FROM ANYONE BY FORCE OR ACCUSE ANYONE FALSELY. BE CONTENT WITH YOUR PAY." [Good News Bible]

Sa Filipino:

Lucas 3:14 “May mga SUNDALO na nagtanong sa kaniya, “Kami? Ano ang aming gagawin? ” Sinabi niya sa kaniya, “HUWAG KAYONG KUKUHA NG SALAPI MULA SA KANINO MAN NG SAPILITAN AT MAGPARATANG SA KANINO MAN NG KASINUNGALINGAN.  MAKUNTENTO KAYO SA IBINABAYAD SA INYO.”

Dito sa pagkakataong ito, tinatanong ng mga SUNDALO si Juan Bautista kung ano ang kanilang gagawin upang maging dapat sa Diyos.  Kung talagang ipinagbabawal ng Diyos ang pagsusundalo, hindi ba ito ay isang napakagandang pagkakataon na sabihin ni Juan sa kanila na bawal ito?

Kasi kung talagang bawal ang pagsusundalo Puwedeng ganito ang mangyari:

MGA SUNDALO:  “Kami? Ano ang aming gagawin?”

JUAN BAUTISTA:  “Una, ninyong gawin ay iwan ang inyong pagiging sundalo dahil bawal ng Diyos ang PAGSUSUNDALO, dahil pumapatay kayo ng tao.”

Pero hindi ba sa pagsasabi ni Juan na: “MAKUNTENTO KAYO SA IBINABAYAD SA INYO.”Hindi ba maliwanag na hindi ipinagbabawal ang pagsusundalo, hindi ba lumalabas niyan na pinapayuhan pa ni Juan Bautista ang mga sundalo na makuntento sa kanilang suweldo at huwag mang-aabuso ng kapuwa?  Ito ay isa sa matibay na ebidensiya na maging sa Bagong Tipan ay hindi po bawal ang pagsusundalo, basta huwag mang-aabuso ng kapuwa, huwag magpaparatang ng hindi totoo, at makuntento sa suweldong tinatanggap.


Kumuha pa tayo ng isa pang halimbawa:

Mga Gawa 10:1-5  “At may isang lalake nga sa Cesarea, na nagngangalang CORNELIO, SENTURION NG PULUTONG NA TINATAWAG NA PULUTONG ITALIANO.  Isang taong masipag sa kabanalan at matatakutin sa Dios siya at ang buong sangbahayan at naglimos ng marami sa mga tao, at laging nananalangin sa Dios.  Nakita niyang maliwanag, sa isang pangitain, nang may oras na ikasiyam ng araw, na pumapasok na patungo sa kaniya ang isang anghel ng Dios, at nagsasabi sa kaniya, Cornelio.  At siya, sa pagtitig niya sa kaniya, at sa pagkatakot niya, ay nagsabi, Ano ito, Panginoon? At sinabi niya sa kaniya, ANG MGA PANALANGIN MO AT ANG IYONG MGA PAGLILIMOS AY NANGAPAILANGLANG NA ISANG ALAALA SA HARAPAN NG DIOS. At ngayo'y magsugo ka ng mga tao sa Joppe, at ipagsama mo yaong Simon, na may pamagat na Pedro;”

Isang tao sa Cesarea na ang pangalan ay Cornelio, isang SENTURION, o opisyal ng hukbong Romano, na siya ring pulutong italiano, sa madaling salita isang mataas na  “ROMAN OFFICER”.  Mabuting tao si Cornelio, mapanalanginin, at palaging tumutulong sa mahihirap, sa isang pangitain ay napakita sa kaniya ang isang anghel at sinabihan siyang ang kaniyang mga panalangin at ang kaniyang mga paglilimos ay napaiilanlang bilang isang alala sa harapan ng Diyos, at ipinagutos niyang ipasundo si Pedro.

Ano ang nangyari nang dumating si Pedro?

Gawa 10:34  “At binuka ni Pedro ang kaniyang bibig, at sinabi, TUNAY NGANG NATATALASTAS KO NA HINDI NAGTATANGI ANG DIOS NG MGA TAO:”

Ikinagalak ni Apostol Pedro ang pagsampalataya ni Cornelio na bagamat siya’y isang Gentil, nasabi niyang hindi nagtatangi ang Diyos ng mga tao.  Isa na namang katunayan na hindi bawal ang pagsusundalo, dahil kung ito ay mahigpit na ipinagbabawal, pauunlakan ba ni Apostol Pablo ang paanyaya ng isang kawal?  At hindi ba niya sasabihin kay Cornelio na ang PAGSUSUNDALO ay bawal ng Diyos?  Hindi ba’t ito ay isa na namang napakagandang pagkakataon? Kahit basahin niyo pa ang buong kapitulo 10, ng aklat ng mga Gawa, wala kayong mababasa na sinabi ni Pedro na bawal ang  MAGSUNDALO, bilang katibayan na hindi ito bawal, ano ang sumunod na pangyayari?

Gawa 10:46-47  “Sapagka't nangarinig nilang nangagsasalita ang mga ito ng mga wika, at nangagpupuri sa Dios. Nang magkagayo'y sumagot si Pedro, Mangyayari bagang hadlangan ng sinoman ang tubig, upang huwag mangabautismuhan itong mga nagsitanggap ng Espiritu Santo na gaya naman natin? AT INUTUSAN NIYA SILA NA MAGSIPAGBAUTISMO SA PANGALAN NI JESUCRISTO. Nang magkagayo'y kanilang ipinamanhik sa kaniya na matirang mga ilang araw.”

Si Cornelio at ang buo niyang sambahayan ay binautismuhang lahat na ang lahat ng mga nabautismuhan ay binautismuhan sa isang katawan:

1 Corinto 12:13  “Sapagka't sa isang Espiritu ay BINABAUTISMUHAN TAYONG LAHAT SA ISANG KATAWAN, maging tayo'y Judio o Griego, maging mga alipin o mga laya; at tayong lahat ay pinainom sa isang Espiritu.”

Na ang isang katawan ay ang Iglesia:

     Colosas 1:18  At siya ang ulo ng katawan, sa makatuwid baga'y ng IGLESIA…”

At ang pangalan ng Iglesia na kinaaniban ng senturiong si Cornelio at ng kaniyang buong sambahayan ay:

Roma 16:16  “Mangagbatian kayo ng banal na halik. Binabati kayo ng lahat ng mga IGLESIA NI CRISTO.”

Naging kaanib po ng Iglesia ni Cristo si Cornelio na isang SENTURION ng hukbong Romano, isang sundalo na tinanggap ang katotohanan sa pamamagitan ng pagsampalataya at nabautismuhan sa loob ng tunay na iglesia, ang Iglesia ni Cristo. Kaya po pinapahintulutan na maging kaanib ng Iglesia ang isang sundalo, pulis, at iba pa na mayroong katulad na tungkulin o trabaho.

Ang mga SUNDALO o KAWAL na naglilingkod sa pamahalaang umiiral ay may karapatang ibinigay ang Diyos upang kanilang gampanan ang kanilang tungkulin, Ganito ang sabi ng Biblia:

Roma 13:3-4  “Sapagka't ang mga pinuno ay hindi kilabot sa gawang mabuti, kundi sa masama. At ibig mo bagang mawalaan ng takot sa MAY KAPANGYARIHAN? gawin mo ang mabuti, at magkakamit ka ng kapurihan sa kaniya:   Sapagka't siya'y ministro ng Dios sa ikagagaling mo. Datapuwa't kung ginagawa mo ang masama, ay matakot ka; SAPAGKA'T HINDI WALANG KABULUHAN ANG PAGDADALA NIYA NG TABAK: SAPAGKA'T SIYA'Y MINISTRO NG DIOS, TAGAPAGHIGANTI SA IKAGAGALIT SA GUMAGAWA NG MASAMA.

Ang mga MAY KAPANGYARIHAN sa ating Pamahalaan ay binigyan ng Diyos ng karapatang magdala ng ARMAS o mga SANDATA sabi nga ng talata:  “SAPAGKA'T HINDI WALANG KABULUHAN ANG PAGDADALA NIYA NG TABAK”, may karapatan siyang gumamit ng sandata sa anong layunin at tungkulin?: “TAGAPAGHIGANTI SA IKAGAGALIT SA GUMAGAWA NG MASAMA.” Kaya dapat silang katakutan ng mga gumagawa ng masama, dahil may kapangyarihan at karapatan silang magparusa.

KAYA HINDI PO MASAMA ANG PAGDADALA NILA NG MGA ARMAS O SANDATA, sapagkat ang Diyos ay may pagpapahintulot sa mga MAY KAPANGYARIHAN (PULIS, SUNDALO, ETC.)upang maghiganti at magparusa sa mga taong gumagawa ng masama o sa mga taong lumalabag sa batas.

Hindi po kailan man ipinagbabawal ng Diyos sa Biblia ang PAGSUSUNDALO o PAGPUPULIS, ito po ay kapangyarihan at karapatang kaloob ng Diyos sa alinmang pamahalaang kanilang pinaglilingkuran sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan o iyong tinatawag sa English na "peace and order"...