Sa mga Saksi
ni Jehova ay ipinagbabawal ang Pagsusundalo, maging
ang Pagpupulis, para sa kanila ang tungkuling ito ay hindi
katanggap-tanggap sa paningin ng Diyos sapagkat ang mga taong ito ay may
karapatang kumitil ng buhay ng tao bilang bahagi ng kanilang tungkulin, bagamat
hindi mababasa sa Biblia ng tuwiran na BAWAL ANG MAGSUNDALO ay may talata
silang ginagamit na batayan, ito ay ang nasa aklat ng Exodo, atin pong basahin:
Exodo 20:13 “Huwag kang
papatay.”
Ito raw ay napakatibay na ebidensiya na
bawal ang PAGSUSUNDALO dahil sa mahigpit daw na ipinagbabawal ng Diyos ang
pagpatay ng kapuwa tao. Totoo kaya ang pagkaunawa nilang ito na ang pagbabawal
na ito ay kumakapit sa lahat ng uri ng tao?
Pero nais po naming ipapansin sa inyo
ang isang pangyayari na nakatala sa kasaysayan ng Biblia:
1 Samuel 15:2-3 “Ganito ang sabi ng
Panginoon ng mga hukbo, Aking tinandaan yaong ginawa ng Amalec sa Israel, kung
paanong siya'y humadlang sa kaniya sa daan, nang siya'y umahon mula sa Egipto.
Ngayo'y yumaon ka at saktan mo ang Amalec, at iyong lubos na lipulin ang buo
nilang tinatangkilik, at huwag kang manghinayang sa kanila; kundi PATAYIN MO
ANG LALAKE AT BABAE, SANGGOL AT SUMUSUSO, BAKA AT TUPA, KAMELYO AT ASNO.” At
pinisan ni Saul ang bayan at binilang sila sa Telaim, dalawang yutang lalake na
naglalakad, at sangpung libong lalake sa Juda.
Kitang-kita sa talata na inuutusan ng
Diyos si Haring Saul, ang Hari noon ng Israel na lipulin at pataying
lahat, lalake, babae, sanggol, maging mga hayop. Narito ang
tanong? HINDI BA BAWAL ANG PUMATAY SA PANAHONG IYAN? WALA PA BANG
BATAS NA NAGBABAWAL SA PAGPATAY NG TAO SA PANAHONG IYAN? Sa
panahong iyan ay malaon nang patay si Moises, at ang pagbabawal sa pagpatay
bilang bahagi ng sampung utos ay matagal ng panahon naibigay
sa bayang Israel. Hindi ba lalabas niyan na kinokontra ng Diyos
ang kaniyang sarili sa paguutos niyang ito?
Bakit ba pinagpasiyahan ng Diyos na
lipulin ang bayan ng Amalec?
1 Samuel 15:2 "When the
Israelites were on their way out of Egypt, the nation of Amalek attacked them.
I am the LORD All-Powerful, and now I am going to make Amalek pay! [Contemporary
English Version]
Sa Filipino:
1 Samuel 15:2 “Nang ang mga
Isrealita ay paalis ng Ehipto, SILA’Y NILUSOB NG BAYAN NG AMALEC. Ako ang
Panginoon na Pinakamakapangyarihan, at ngayon aking pagbabayarin ang Amalec.”
Hindi ikinalugod ng Diyos ang ginawang
paglusob o pagatake ng Amalec sa Israel ng sila ay papaalis sa Ehipto, nais
lamang ng Diyos na makaganti ang bayan Israel sa ginawa nilang ito. Kaya maliwanag
kung gayon na:
ANG PAGBABAWAL NG DIYOS SA
PAGPATAY AY ISANG BATAS NA MAY KUNDISYON…NA WALANG KARAPATANG MAGPASIYA
ANG SINOMANG TAO NA PUMATAY SA KANIYANG SARILI MALIBAN NANG MAY MAGBIGAY SA
KANIYA NG KARAPATAN NA GAWIN IYON, at sa pagkakataong ito ay ang
Panginoong Diyos.
Maliwanag kung gayon na may mga tao na
binigyan ng Diyos ng karapatan lumipol sa mga taong itinuturing ng Diyos na
kaniyang mga kaaway.
Katulad ni Samson na
binigyan ng Diyos ng karapatang ito:
Judge 15:15 “Then he found a
jawbone of a donkey that had recently died. He reached down and picked it up,
AND KILLED A THOUSAND MEN WITH IT.” [Good News Bible]
Sa Filipino:
Hukom 15:15 “At siya’y nakakita
ng panga ng isang asno na kamamatay lamang. Kaniyang iniunat ang kaniyang
kamay at kinuha ito, at PINATAY ANG ISANG LIBONG TAO SA PAMAMAGITAN NOON.”
Ganoon din ang karapatang ibinigay niya
kay Haring David:
1 Samuel 17:46 “Sa araw na ito ay
ibibigay ka ng Panginoon sa aking kamay; AT SASAKTAN KITA, AT PUPUGUTIN KO ANG
ULO MO; at ibibigay ko ang mga bangkay sa hukbo ng mga Filisteo sa mga ibon sa
himpapawid sa araw na ito, at sa mababangis na hayop sa lupa; upang maalaman ng
buong lupa na may Dios sa Israel:”
Nang patayin ni David si Goliath ay
may patnubay siya ng Diyos, at hindi lamang si Goliath ang
napatay ni David sa buong panahon ng kaniyang buhay, subalit magkagayon man
dahil sa dami ng kaniyang napatay itinuring ba siyang makasalanan?
Awit 86:2 “Ingatan mo ang
aking kaluluwa; sapagka't AKO'Y BANAL: Oh ikaw na Dios ko, iligtas mo ang iyong
lingkod na tumitiwala sa iyo.”
Sa kabila ng lahat na si David ay
maraming napatay na tao sa buong kasaysayan ng kaniyang buhay, ang turing pa
rin sa kaniya ay BANAL, samakatuwid hindi ibinilang na kasalanan
niya ang kaniyang mga ginawang pagkitil ng buhay, dahil sa ito’y karapatan at
kapangyarihang ibinigay sa kaniya ng Diyos bilang Hari ng Israel.
Napakaraming halimbawa na mababasa sa
Biblia na mga mandirigma ngunit mga lingkod ng Diyos bukod kay Haring David at
Samson, nandiyan din sina Josue, Gedeon, at marami pang iba.
Ano ang tawag noon sa Diyos ng bayang
Israel?
1 Samuel 17:45 “Nang magkagayo'y
sinabi ni David sa Filisteo, Ikaw ay naparirito sa akin na may tabak, at may
malaking sibat at may kalasag; nguni't ako'y naparirito laban sa IYO SA
PANGALAN NG PANGINOON NG MGA HUKBO, ng DIOS NG MGA KAWAL NG ISRAEL na iyong
hinahamon.”
Ang Diyos noong panahong iyon ay
tinatawag na “DIYOS NG MGA HUKBO” at “DIYOS NG MGA
KAWAL”, kaya dito pa lamang ay maliwanag na nating nakikita ang matibay na
ebidensiya na ang pagiging KAWAL o SUNDALO, ng isang tao ay hindi bawal sa
Biblia. Dahil bakit papayag ang Diyos na itawag ng tao sa kaniya ito kung
bawal naman pala sa kaniya ang pagiging KAWAL ng isang tao.
At sa isa pang pagkakataon ang Diyos ay
ipinakilala na“PANGINOON NG MGA HUKBO”:
Isaias 44:6 “Ganito ang sabi ng
Panginoon, ng Hari ng Israel, at ng kaniyang Manunubos, na PANGINOON NG MGA
HUKBO, Ako ang una, at ako ang huli; at liban sa akin ay walang Dios.”
Kaya nga dito pa lang ay alam na alam
na natin ang napakatibay na ebidensiya na HINDI BAWAL ANG PAGSUSUNDALO,
hindi po ito kailan man ipinagbawal ng Diyos sa Biblia. Ang kanilang
tungkulin bagamat totoo na sila ay kumikitil ng buhay at pumapatay ng tao para
magpanatili ng kapayapaan at ipagtanggol ang bayan, ay tungkuling ibinigay ng
Diyos sa kanila. Kaya EXEMPTED po sila sa batas ng Diyos
na HUWAG KANG PAPATAY.
Tayo na mga ordinaryong tao na wala sa
ganoong tungkulin ang walang karapatang pumatay ng sinoman, dahil tayo ay nasa
ilalim ng batas ng Diyos na siyang nagbabawal sa pagpatay ng kapuwa tao.
Pagsusundalo bawal ba sa Bagong
Tipan?
Maaaring may mangatuwiran na iyon daw
mga halimbawa na ating ipinakita ay puro saLumang Tipan, pero sa
panahong Cristiano na panahon ng Bagong Tipan, na siyang sumasakop sa panahon
natin ay bawal na ang pagsusundalo.
Inyong tanungin ang inyong mga
kaibigang Saksi ni Jehova, kung may maipapakita silang kahit
na isang talata na mababasa ng maliwanag na ipinagbabawal ng Diyos ang
PAGSUSUNDALO. Natitiyak namin na wala silang maipapakitang talata sa inyo kahit
saBagong Tipan.
Dahil, hindi po bawal ang
pagsusundalo sa buong Biblia…
Kumuha na tayo ng halimbawa sa
Biblia:
Luke 3:14 “Some SOLDIERS also asked him,
"What about us? What are we to do?" He said to them, "DON'T TAKE
MONEY FROM ANYONE BY FORCE OR ACCUSE ANYONE FALSELY. BE CONTENT WITH YOUR
PAY." [Good News Bible]
Sa Filipino:
Lucas 3:14 “May mga
SUNDALO na nagtanong sa kaniya, “Kami? Ano ang aming gagawin? ” Sinabi niya sa
kaniya, “HUWAG KAYONG KUKUHA NG SALAPI MULA SA KANINO MAN NG SAPILITAN AT
MAGPARATANG SA KANINO MAN NG KASINUNGALINGAN. MAKUNTENTO KAYO SA
IBINABAYAD SA INYO.”
Dito sa pagkakataong ito, tinatanong
ng mga SUNDALO si Juan Bautista kung ano ang kanilang gagawin upang maging
dapat sa Diyos. Kung talagang ipinagbabawal ng Diyos ang pagsusundalo,
hindi ba ito ay isang napakagandang pagkakataon na sabihin ni Juan sa kanila na
bawal ito?
Kasi kung talagang bawal ang
pagsusundalo Puwedeng ganito ang mangyari:
MGA SUNDALO: “Kami? Ano ang
aming gagawin?”
JUAN BAUTISTA: “Una, ninyong gawin
ay iwan ang inyong pagiging sundalo dahil bawal ng Diyos ang PAGSUSUNDALO,
dahil pumapatay kayo ng tao.”
Pero hindi ba sa pagsasabi ni Juan na:
“MAKUNTENTO KAYO SA IBINABAYAD SA INYO.”Hindi ba maliwanag
na hindi ipinagbabawal ang pagsusundalo, hindi ba lumalabas niyan na
pinapayuhan pa ni Juan Bautista ang mga sundalo na makuntento sa kanilang
suweldo at huwag mang-aabuso ng kapuwa? Ito ay isa sa matibay na
ebidensiya na maging sa Bagong Tipan ay hindi po bawal ang
pagsusundalo, basta huwag mang-aabuso ng kapuwa, huwag magpaparatang ng hindi
totoo, at makuntento sa suweldong tinatanggap.
Kumuha pa tayo ng isa pang halimbawa:
Mga Gawa 10:1-5 “At may isang
lalake nga sa Cesarea, na nagngangalang CORNELIO, SENTURION NG PULUTONG NA
TINATAWAG NA PULUTONG ITALIANO. Isang taong masipag sa kabanalan at
matatakutin sa Dios siya at ang buong sangbahayan at naglimos ng marami sa mga
tao, at laging nananalangin sa Dios. Nakita niyang maliwanag, sa isang
pangitain, nang may oras na ikasiyam ng araw, na pumapasok na patungo sa kaniya
ang isang anghel ng Dios, at nagsasabi sa kaniya, Cornelio. At siya, sa
pagtitig niya sa kaniya, at sa pagkatakot niya, ay nagsabi, Ano ito, Panginoon?
At sinabi niya sa kaniya, ANG MGA PANALANGIN MO AT ANG IYONG MGA PAGLILIMOS AY
NANGAPAILANGLANG NA ISANG ALAALA SA HARAPAN NG DIOS. At ngayo'y magsugo ka ng
mga tao sa Joppe, at ipagsama mo yaong Simon, na may pamagat na Pedro;”
Isang tao sa Cesarea na ang pangalan ay
Cornelio, isang SENTURION, o opisyal ng hukbong Romano, na siya ring pulutong
italiano, sa madaling salita isang mataas na “ROMAN OFFICER”.
Mabuting tao si Cornelio, mapanalanginin, at palaging tumutulong sa mahihirap,
sa isang pangitain ay napakita sa kaniya ang isang anghel at sinabihan siyang
ang kaniyang mga panalangin at ang kaniyang mga paglilimos ay napaiilanlang
bilang isang alala sa harapan ng Diyos, at ipinagutos niyang ipasundo si Pedro.
Ano ang nangyari nang dumating si
Pedro?
Gawa 10:34 “At binuka ni Pedro
ang kaniyang bibig, at sinabi, TUNAY NGANG NATATALASTAS KO NA HINDI NAGTATANGI
ANG DIOS NG MGA TAO:”
Ikinagalak ni Apostol Pedro ang
pagsampalataya ni Cornelio na bagamat siya’y isang Gentil, nasabi niyang hindi
nagtatangi ang Diyos ng mga tao. Isa na namang katunayan na hindi bawal
ang pagsusundalo, dahil kung ito ay mahigpit na ipinagbabawal, pauunlakan ba ni
Apostol Pablo ang paanyaya ng isang kawal? At hindi ba niya sasabihin kay
Cornelio na ang PAGSUSUNDALO ay bawal ng Diyos? Hindi ba’t ito ay isa na
namang napakagandang pagkakataon? Kahit basahin niyo pa ang buong kapitulo 10,
ng aklat ng mga Gawa, wala kayong mababasa na sinabi ni Pedro na bawal
ang MAGSUNDALO, bilang katibayan na hindi ito bawal, ano ang sumunod na
pangyayari?
Gawa 10:46-47 “Sapagka't
nangarinig nilang nangagsasalita ang mga ito ng mga wika, at nangagpupuri sa
Dios. Nang magkagayo'y sumagot si Pedro, Mangyayari bagang hadlangan ng sinoman
ang tubig, upang huwag mangabautismuhan itong mga nagsitanggap ng Espiritu
Santo na gaya naman natin? AT INUTUSAN NIYA SILA NA MAGSIPAGBAUTISMO SA
PANGALAN NI JESUCRISTO. Nang magkagayo'y kanilang ipinamanhik sa kaniya na
matirang mga ilang araw.”
Si Cornelio at ang buo niyang
sambahayan ay binautismuhang lahat na ang lahat ng mga nabautismuhan ay
binautismuhan sa isang katawan:
1 Corinto 12:13 “Sapagka't sa isang
Espiritu ay BINABAUTISMUHAN TAYONG LAHAT SA ISANG KATAWAN, maging tayo'y Judio
o Griego, maging mga alipin o mga laya; at tayong lahat ay pinainom sa isang
Espiritu.”
Na ang isang katawan ay ang Iglesia:
Colosas 1:18 At siya ang ulo ng katawan, sa
makatuwid baga'y ng IGLESIA…”
At ang pangalan ng Iglesia na
kinaaniban ng senturiong si Cornelio at ng kaniyang buong sambahayan ay:
Roma 16:16 “Mangagbatian kayo
ng banal na halik. Binabati kayo ng lahat ng mga IGLESIA NI CRISTO.”
Naging kaanib po ng Iglesia ni Cristo
si Cornelio na isang SENTURION ng hukbong Romano, isang
sundalo na tinanggap ang katotohanan sa pamamagitan ng pagsampalataya at nabautismuhan
sa loob ng tunay na iglesia, ang Iglesia ni Cristo. Kaya
po pinapahintulutan na maging kaanib ng Iglesia ang isang sundalo, pulis, at
iba pa na mayroong katulad na tungkulin o trabaho.
Ang mga SUNDALO o KAWAL na naglilingkod
sa pamahalaang umiiral ay may karapatang ibinigay ang Diyos upang kanilang
gampanan ang kanilang tungkulin, Ganito ang sabi ng Biblia:
Roma 13:3-4 “Sapagka't ang mga
pinuno ay hindi kilabot sa gawang mabuti, kundi sa masama. At ibig mo bagang
mawalaan ng takot sa MAY KAPANGYARIHAN? gawin mo ang mabuti, at magkakamit ka
ng kapurihan sa kaniya: Sapagka't siya'y ministro ng Dios sa
ikagagaling mo. Datapuwa't kung ginagawa mo ang masama, ay matakot ka;
SAPAGKA'T HINDI WALANG KABULUHAN ANG PAGDADALA NIYA NG TABAK: SAPAGKA'T SIYA'Y
MINISTRO NG DIOS, TAGAPAGHIGANTI SA IKAGAGALIT SA GUMAGAWA NG MASAMA.
Ang mga MAY KAPANGYARIHAN sa
ating Pamahalaan ay binigyan ng Diyos ng karapatang magdala ng ARMAS o
mga SANDATA sabi nga ng talata: “SAPAGKA'T HINDI
WALANG KABULUHAN ANG PAGDADALA NIYA NG TABAK”, may karapatan siyang gumamit ng
sandata sa anong layunin at tungkulin?: “TAGAPAGHIGANTI SA IKAGAGALIT
SA GUMAGAWA NG MASAMA.” Kaya dapat silang katakutan ng mga gumagawa ng
masama, dahil may kapangyarihan at karapatan silang magparusa.
KAYA HINDI PO MASAMA ANG PAGDADALA NILA
NG MGA ARMAS O SANDATA, sapagkat ang Diyos ay may pagpapahintulot sa mga MAY
KAPANGYARIHAN (PULIS, SUNDALO, ETC.)upang maghiganti
at magparusa sa mga taong gumagawa ng masama o sa mga taong lumalabag sa batas.
Hindi po kailan man ipinagbabawal ng
Diyos sa Biblia ang PAGSUSUNDALO o PAGPUPULIS, ito po ay kapangyarihan at
karapatang kaloob ng Diyos sa alinmang pamahalaang kanilang pinaglilingkuran sa
pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan o iyong tinatawag sa English na "peace
and order"...