BAGAMAT ang Biblia ay bumanggit ng pahayag na “churches of Christ” o “mga iglesia ni Cristo”, tulad ng nasa Roma 16:16:
Romans 16:16 “Salute one another
with an holy kiss. The churches of Christ salute
you.” [King James Version]
Roma 16:16 “Mangagbatian kayo
ng banal na halik. Binabati kayo ng lahat ng mga iglesia ni
Cristo. [Ang Biblia, 1905]
Hindi ito nangangahulugan na mahigit
sa isa o marami ang iglesia o ang katawan ni Cristo. Binigyan diin ni Apostol
Pablo na iisa lamang ang katawan ni Cristo o iglesia (Efeso 4:4; Colosas
1:18). Kung alin ang marami ay ang mga kaanib o miyembro ng katawan
o iglesia na kanyang nilinaw sa kaniyang sulat sa mga taga Roma na ganito ang
ating mababasa:
Roma 12:4-5 “Sapagka't kung
paanong sa isang katawan ay mayroong tayong MARAMING MGA SANGKAP, at ang lahat
ng mga sangkap ay hindi pareho ang gawain: Ay GAYON DIN TAYO, NA MARAMI, AY
IISANG KATAWAN KAY CRISTO, at mga sangkap na samasama sa isa't isa.”
Ano ngayon ang nais ipahiwatig ng
katagang “churches of Christ” o “mga iglesia ni Cristo” ?
Anong pangalan ang dapat itawag upang
tumukoy sa kabuoan ng katawan ng mga nagsisisampalataya o mga tao ng Diyos?
Para maiwasan ang pagiging bias at di isipin ang iisang panig lamang na
pagpapaliwanag ating sipiin ang akalat ni G. Don De Welt.
“So that, not only is the expression
“churches of Christ” justified, as applied to local
congregations of believers; but “church of Christ” as a DESIGNATION
OF THE WHOLE BODY OF HIS PEOPLE, lies implicit in its very constitution and
history. The idea of it is not only scriptural, it is inseparable from the
relation of Christ to the church.” (The Church in the
Bible, p. 349)
Sa Filipino:
“Kaya nga hindi lamang ang katagang “mga iglesia ni
Cristo” ang nagpapatunay, na ikinapit sa mga lokal na kongregasyon ng
mga mananampalataya; Maging ang “iglesia ni Cristo” na ISANG
KATAWAGAN NA TUMUTUKOY SA KABUOANG KATAWAN NG MGA TAO NIYA, ito’y maliwanag na
nakabatay sa kaniyang pinaka alituntunin at kasayasayan. Ang kaisipang ito ay
hindi lamang maka-kasulatan, ito ay hindi maihihiwalay sa kaugnayan ni Cristo
sa iglesia.”
Ang katagang “churches of Christ”
o “mga iglesia ni Cristo” ay tumutukoy sa mga lokal na kongregasyon, at
hindi sa kabuoan ng mga mananampalatayang kabilang sa katawan o iglesia, ang
Pangalang “church of Christ” o “iglesia ni Cristo” ang
siyang ginamit para rito. Sa kadahilanang ang pangalang ito ang tumutukoy sa
pinaka alituntunin at kasaysayan ng Iglesia, at maliwanag na ipinapakita ang
kaugnayan ni Cristo sa Iglesia. Ang mga ganitong pagpapaliwanag ay
maka-kasulatan o maka-Biblia. Samakatwid ang pangalang Iglesia Ni
Cristo, ay isang katotohanang hango sa Biblia na pinatutunayan ng mga Bible
Scholars:
“He conferred authority in the
Church; explained the importance of designating the organization by its PROPER
NAME--the Church of Christ” (The Great Apostasy,
p. 12)
Sa Filipino:
“Kaniyang tinaglay ang pamamahala sa
Iglesia; ipinaliwanag ang kahalagahan ng pagtawag sa organisasyon sa kaniyang
MARAPAT NA PANGALAN—ang Iglesia ni Cristo.”
Kung paanong ang Iglesia ay ang
katawan ni Cristo, marapat lamang na ang opisyal na pangalan nito ay Iglesia
ni Cristo. Batay sa mga kasulatan, ito ang marapat na pangalan ng
organisasyong ito, gaya ng ipinapaliwanag ng isa pang Bible scholar na si J.C.
Choate, na ganito:
“Name of the Church” If the church is to
be scriptural, then it must have a scriptural name. As to the
church, Christ promised to build it (Matt. 16:18), it is said that he
purchased it with his own blood (Acts 20:28), that he was the saviour of it
(Eph. 5:23) and the head of it (Col. 1:18). It is only natural that it would
wear his name to honour its founder, builder, saviour, and head. So when Paul
wrote to the church at Rome, and sent along the greetings of the congregations
in his area, he said, the churches of Christ salute you
(Rom 16:16). Then in speaking to the church at Corinth, “Now ye are the body of
Christ and members in particular” (I Cor. 12:27). But since the body is the
church (Eph 1:22, 23), then he was simply talking about the
church of Christ.” (The Church of the Bible, pp 27-28)
Sa Filipino:
“Pangalan ng
Iglesia” kung ang iglesia ay dapat maging maka-kasulatan, ito ay dapat may
pangalang maka-kasulatan. At sa Iglesia, ipinangako ni
Cristo na itatayo niya ito (Mat 16:18), sinasabing ito’y tinubos niya ng
kaniyang dugo (Gawa 20:28), at siya ang tagapagligtas nito (Efe. 5:23), at siya
ang ulo nito (Col.1:18). Kaya natural lamang na taglayin nito ang pangalan ng
nagtatag, nagtayo, tagapagligtas, at ng ulo nito. Kaya nang si Pablo
ay sumulat sa Iglesia na nasa Roma, at nagpadala ng pagbati sa mga
kongregasyong sa kaniyang dako, sinabi niya “ binabati kayo ng mga iglesia ni Cristo” (Rom. 16:16).
Pagkatapos nagsalita rin siya sa Iglesiang nasa Corinto, at sinabi niya, “kayo
nga ang katawan ni Cristo, at bawat isa’y sama-samang mga sangkap niya” (I Cor.
12:27), at dahil sa katawan ni Cristo ang iglesia (Eph 1:22, 23), ang tinutukoy
lamang niya sa kaniyang mga sinasabi ay ang iglesia ni Cristo.
Maging sa Norlie’s
Simplified New Testament na isang salin ng Biblia, isang bahagi ng
sulat ni Apostol Pablo sa mga taga Efeso ay isinalin sa isang paraan na ang
pangalang ginamit ay church of Christ o iglesia ni
Cristo imbes na body of Christ o katawan ni
Cristo:
Ephesians 4:12 “The common object
of their labor was to bring the Christians maturity, to prepare them for
Christian service and the building up of the Church of Christ.” (Norlie’s Simplified
New Testament)
Karaniwan sa mga salin ng Biblia
tulad ng King James Version, Today’s English
Version,New International Version, ang nasabing bahagi ng
talata ay isinasalin bilang “body of Christ” o katawan
ni Cristo. Dapat mapansin na ito’y nasa anyong pangisahan (singular form),
at hindi “bodies of Christ” o mga katawan ni Cristo. Sa tuwing
babanggitin ang katagang katawan ni Cristo sa Biblia, ito’y palaging nasa
singular form. Sapagkat si Cristo ay nagtayo ng isa lamang Iglesia:
Matthew 16:18 “And I also say
unto thee, that thou art Peter, and upon this rock I will build MY CHURCH; and
the gates of Hades shall not prevail against it.” [ASV]
Mateo 16:18 “At sinasabi ko
naman sa iyo, na ikaw ay Pedro, at sa ibabaw ng batong ito ay itatayo ko ang
AKING IGLESIA; at ang mga pintuan ng Hades ay hindi magsisipanaig laban sa
kaniya.”
Hindi sinabi ni Cristo na “I will
build MY CHURCHES” o “Itatayo ko ang AKING MGA IGLESIA”, hindi ba?
Kaya nga, kapag binabanggit ng Biblia ang katagang katawan ni Cristoang
tinutukoy lamang nito ay ang Iglesia ni Cristo.
Katawan ni Cristo =
Iglesia ni Cristo
Iisang lang ang katawan, kaya iisa
lang ang Iglesia, ang marami ay ang mga kaanib.
bakit po sinasamba si cristo gayung siya daw ay tao?
ReplyDeletehindi po sya pangkaraniwang tao lang, siya po ay binigyan ng karapatan ng Panginoong Diyos na maging Panginoon rin.
Delete