TUNAY NA LINGKOD

Tuesday, June 25, 2013

TITO 2:13 Nagpapatunay daw na Dios si Cristo


Tito 2:13  “Na hintayin yaong mapalad na pagasa at ang pagpapakita ng kaluwalhatian ng ating dakilang Dios at Tagapagligtas na si Jesucristo;”

Diretsahan daw na sinabi dito na Diyos si Cristo, dahil ang banggit ay “DAKILANG DIOS AT TAGAPAGLIGTAS NA SI JESUCRISTO”, kaya daw wala na daw pagtatalunan, si Cristo ay Diyos.  Sa biglang tingin, ay aakalain ng Sinoman na ganun nga ang ibig sabihin ng nasabing talata, dahil sa kanilang pagkaunawa iyong salitang “DAKILANG DIOS” at “TAGAPAGLIGTAS” ay parehong tumutukoy kay Cristo.

Gaya nga ng atin nang nasabi kanina, sa Biblia WALANG KONTRADIKSIYON oSALUNGATAN, kasi nga po ang sumulat kay Tito ay si Apostol Pablo na may sinabing ganito:

1 Corinto 8:6  “NGUNI'T SA GANANG ATIN AY MAY ISANG DIOS LAMANG, ANG AMA, na buhat sa kaniya ang lahat ng mga bagay, at tayo'y sa kaniya; at isa lamang Panginoon, si Jesucristo, na sa pamamagitan niya ang lahat ng mga bagay, at tayo'y sa pamamagitan niya.”

Maliwanag niyang sinabi na may ISANG DIYOS LAMANG, ANG AMA. Samakatuwid, sa paniniwala ni Apostol Pablo ang Diyos ay ang AMA lamang. Kaya lalabas niyan kinontra niya ang sarili niyang sinabi kay Tito, kung ating uunawain iyon gaya ng kanilang pagkaunawa.

Bukod dun sinabi pa ni Pablo ang ganito:

1 Timoteo 2:5  “Sapagka't may isang Dios at may isang Tagapamagitan sa Dios at sa mga tao, ANG TAONG SI CRISTO JESUS,”

Niliwanag ni Apostol Pablo na si Cristo ay TAO.  Kaya dalawa ang katotohanang kokontrahin ng kalalabasan ng kanilang pagkaunawa sa Tito 2:13Una, mayroon lamang iisang Diyos, na walang iba kundi ang AMA, at si Cristo ay TAONG TAGAPAMAGITAN. Kaya imposible po na ituro ni Apostol Pablo na si Cristo ay Diyos sa Tito 2:13.

Kaya bumalik tayo sa Tito 2:13, ano nga ba ang tunay na kahulugan nito?  Ang ibig bang sabihin ni Apostol Pablo dito ay Diyos si Cristo? Ang mga kataga bang “DAKILANG DIOS” at “TAGAPAGLIGTAS” ay parehong kay Cristo tumutukoy? Hayaan kasi natin na si Apostol Pablo ang magpaliwanag dahil siya po ang nagsasalita sa talata, narito po ang katibayan at ating tunghayan kung kanino tumutukoy iyong sinabi niyang “DAKILANG DIOS”:

Tito 1:4  “Kay Tito na aking tunay na anak ayon sa pananampalataya ng lahat: Biyaya at kapayapaan nawang mula sa Dios Ama at kay Cristo Jesus na Tagapagligtas natin.”

Kitang-kita sa sinabi ni Apostol Pablo na hindi tumutukoy ang salitang “DAKILANG DIYOS” kay Cristo sa Tito 2:3, dahil sa Tito 1:4ay sinabi niya na ang Diyos Ama ang tinutukoy niya, kaya napakaliwanag na DALAWA ANG TINUTUKOY niya sa Tito 2:13, at hindi parehong tumutukoy kay Cristo ang dalawang salita “DAKILANG DIOS” at “TAGAPAGLIGTAS”:

Tito 2:13  “Na hintayin yaong mapalad na pagasa at ang pagpapakita ng kaluwalhatian ng ating “dakilang Dios” [tumutukoy sa Dios Ama] at “Tagapagligtas” na si Jesucristo;”

Tito 1:4  “Kay Tito na aking tunay na anak ayon sa pananampalataya ng lahat: Biyaya at kapayapaan nawang mula sa Dios Ama at kay Cristo Jesus na Tagapagligtas natin.”

Ang mga sinabi at itinuro ni Apostol Pablo kailanman ay hindi magkakakontrahan. Sila lamang ang nagpapaliwanag ng mali kaya lumilikha ng kontradiksiyon.

23 comments:

  1. This is idiotic! VIVA SANTA IGLESIA KATOLIKA!

    ReplyDelete
  2. 10 and there must be no pilfering -- they must show complete honesty at all times, so that they are in every way a credit to the teaching of GOD OUR SAVIOUR.

    11 You see, God's grace has been revealed to save the whole human race;

    12 it has taught us that we should give up everything contrary to true religion and all our worldly passions; we must be self-restrained and live upright and religious lives in this present world,

    13 waiting in hope for the blessing which will come with the appearing of the glory of OUR GREAT GOD and SAVIOUR CHRIST JESUS.

    14 He offered himself for us in order to ransom us from all our faults and to purify a people to be his very own and eager to do good.

    SURE BA KAYONG IBANG DIOS ANG PINAG UUSAPAN DITO?

    ReplyDelete
  3. yes of course,iba ang Dios at ang Tagapagligtas ang binabanggit sa Tito 2:13.

    ReplyDelete
  4. Ang Tito 2:13 ay sa pag ka Dios ni Jesus at hindi sa Ama.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Nabasa niyo na nga ayaw niyo padin tanggapin! puro palusot b*bo yung puno niyo ! Kaya wla kayong natutunan na aral sa Bibliya! Basa !
      Filipos 2:6

      "Na siya, bagama't nasa anyong Dios, ay hindi niya inaring isang bagay na nararapat panangnan ang pagkapantay niya sa Dios,"

      Bibliya

      Delete
  5. Ang verbo ay nagkatawang tao at ang verbo ay Dyos na cyang salita ng Dyos

    ReplyDelete
    Replies
    1. Kung ang verbo ay bukod na diyos Ilan na ang tunay na diyos

      Delete
  6. Hahahaha diba si Apostle Pablo sumulat yan bakit titus 2:13 ohhh bakit KINUKONTRA ninyo ang sulat ni Apostle Pablo sya nga Mismo nagsabi na sya Dakila Diyos at Ating Tagapagligtas
    Na si Jesucristo

    1tim 2:5 yes alam ni Apostle Pablo yan sya nga mismo sumulat yan ehh
    At ito pa hindi sya nagfofocus sa human nature lamang kundi sya kanyang pakaDios mismo
    Ahayy

    1tim2:5 at titus 2:13 same author
    Si APOSTLE pablo parin
    Same person only Jesus Christ

    At ito pa Bakit sinasabi ninyo ang Ama Dakila nga hindi namn sya Darating dito kundi si Jesucristo lamang
    At ito magkaiba ang Diyos sa Tagapagligtas hahaha sino nagsabi magkaiba si felix manalo isang kunwari anghel sa harap pero lobo pala

    Wow Galing naman mag Baliktad ng Salita ng Diyos ang Katotohanan sinabi sa biblia ginawa ninyo KASINUNGALINGAN 😂

    ReplyDelete
    Replies
    1. Tito 1:4 “Kay Tito na aking tunay na anak ayon sa pananampalataya ng lahat: Biyaya at kapayapaan nawang mula sa Dios Ama at kay Cristo Jesus na Tagapagligtas natin

      Sino ang Diyos na tinutukoy ni pablo??

      Delete
  7. Habang ating hinihintay ang dakilang araw itoy ang kanyang pagbabalik ng ating dakilang dios at tagapagligtas na si hesukristo

    Sagot ng iglot dalawa!
    Talaga ba?dalawa babalik?

    ReplyDelete
  8. Magandang Balita bibliya

    Habang ating hinihintay ang dakilang araw,ito ang kanyang pagbabalik ng ating dakilang dios at tagapagligtas na si hesukristo


    Walang problema sa tito 1:4

    Ang mali gamitin to upang palitawin na dalawa yung nasa tito 2:13

    Pagkapinilit mong dalawa yan anung sama naman


    Dalawa ang hinihintay na babalik 😆

    Pagka sinabeng"pagbabalik,"
    Nanggaling sa lupa at muling babalik 🤣🖕

    Ang ama ba gaya ba ni kristo?
    Na galing dito sa lupa at nangakong babalik 😆🖕😆

    Kaya sabalay!
    Pulpol ang doktrina nio 🤣🤣🤣🤣

    ReplyDelete
  9. inc.talaga ginawang mali ang sulat ni san pablo...

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hindi naman sinabi sa Tito 2:13 na muling babalik ang Dios Ama....Kundi ang sinabi lang ay "MAHAHAYAG ANG KALUWALHATIAN NG AMANG DIOS SA ARAW NG PAGDATING NI CRISTO". Kaya ang tinutukoy na babalik ang Panginoong Cristo at hindi ang Dios. Papaano babalik ang Dios...Ang Dios ay nasa lahat ng dako.

      Delete
    2. Kayo ang Mali Jan dahil kung Jos Di cristo SA Tito at SA 1 corento 8;6 na ama Yung Yung iisang diyos lalaban nagsasabing Aral m Pablo🤣

      Delete
  10. Basahin nyo ang Tito 2:13 “Na hintayin yaong mapalad na pagasa at ang pagpapakita ng kaluwalhatian ng ating dakilang Dios at Tagapagligtas na si Jesucristo;”

    Hindi ang Dios ang babalik....Mahahayag lang o Makikita natin ang Kaluwalhatian o kapangyarian Dios sapagkat sa pagdating ni Cristo ay mahahayag sa mga tao ang maluwalhating pagliligtas ng Dios sa pamamagitan ni Cristo.

    ReplyDelete
  11. Sabi ng ngblog. Wla daw kontradiksyon sa bibliavee mismong ngblog nito umpisa palang kinontra na ...indi pwedeng kontrahin ng isang talata ang isa pang talata, inuunawa yan ..palibhasa mga anticristo kau ..kaya pla mdalas kau sa sabungan dahil ung cristo niong tao nsa sabungan!!!

    ReplyDelete
  12. TAMA NMN PO UNG NAGSSBI NA TAO ANG PJK. OO TAO PO CIA DHIL PO NAGKATWAN TAO PO ANG BUGTONG NA ANK NG DIOS SA SANLIBUTAN.PERO PGKATPOS PO NG KANGYANG PGKAMATAY AT UMKYAT NA PO CIA SA LANGIT E BUMALIK A PO CIA SA KLGYAGYAN SA PGKADIOS.NAGMULA PO ANG PNGINOON JESUS SA DIOS AMA AT ANG DIOS AMA AY ESPIRITU IBG PONG SBHIN ESPIRITU DIN PO ANG BUGTONG NA ANK NG DIOS.KYA PO TUNAY NA DIOS PO ANG ATING PJK.
    BINABLOKTOT LNG NG INC ANG TALATA SA TITO 2;3






    ReplyDelete
    Replies
    1. Paki basa po ang Lukas 24:36-39. Paki unawa po lalo na ang talatang 39. Sa dating salin ng biblia. Kung espiritu ba talaga ang Panginoong Jesuscristo.

      Delete
  13. Kung tatanggapin natin na si Cristo ay Dios din, magiging kontra ito sa pahayag ng tunay na Diyos sa Isaias 45:21 na "walang iba liban sa akin". Kung tatanggapin din natin na si Cristo ay taong totoo at Dios pang totoo, hindi papayag ang tunay na Dios dito sapagkat ang sabi Niya sa Oseas 11:9 " Ako'y Dios, at hindi Tao". Hindi rin payag ang Dios na ang Tao ay maging Diyos ayon sa Ezekiel 28:2.

    Maraming katangian ang Panginoong Jesus na wala sa karaniwang tao subalit hindi ito nagpapatunay na Siya ay/o ang Dios sapagkat ang mga ito ay bigay o kaloob lamang ng Ama (hal. Gawa 2:36 at Filipos 2:9-11).

    Ang tunay na Dios ay walang kinikilalang ibang Dios ayon sa Isaias 45:5 subalit ang Panginoong Jesus ay may kinilalang Diyos batay sa Marcos 15:34. Kung Dios din si Cristo at sabi ng Dios ay walang iba "liban sa akin", bakit Siya tumawag sa Diyos sa Mar 15:34?

    At kung si Cristo ay Diyos din, kokontrahin nito ang sinabi Niya sa Juan 17:1 at 3 na "ikaw ay makilala nilang iisang Dios na tunay" na ang tinutukoy Niya ay ang Ama lamang. Hindi Niya sinabi na"ikaw at ako ay makilala nilang iisang Dios na tunay".

    Napakarami pong talata na nagpapatunay na iba ang Panginoong Jesucristo at ang Tunay na Dios. Sana ay magsuri po kayo ng malalim.

    ReplyDelete