Maraming tao sa daigdig ang
umaasam sa isang perpektong pamumuhay na malayo sa anomang alalahanin, sakit at
suliranin. Subalit ang gayong uri ng pamumuhay ay hindi matatagpuan saan
man sa daigdig, dahil sa patuloy na paglala at pagsama ng kalagayan ng
pamumuhay ng tao, ay kitang-kita natin na natutupad ang sinabing ito ng
Biblia:
Ecclesiastes 2:22-23 “Nagpapakapagod
at nagpapakahirap nang husto sa mundong ito ang isang tao, ngunit para saan ba
ang pagpapagod na ito? Anumang gawin ng tao'y nagdudulot sa kanya ng
balisa at hinanakit. May mga gabi pang hindi siya makatulog sa pag-iisip. Ito
man ay walang kabuluhan.” [Magandang Balita, Biblia]
Napakalinaw na sinabi
ng Biblia na anoman ang gawin ng tao’y hindi niya masusolusyonan ang lumalalang
kalagayan ng kaniyang pamumuhay, patuloy siyang makakaranas ng kalumbayan,
pagkabalisa, at kahapisan. Sa kabila ng paglago ng kaalaman ng tao, at pagunlad
ng teknolohiya, ay wala siyang magawa para maiwasan ang bagay na ito.
Kailan man ay hindi
matatagpuan sa mundong ito ang isang perpektong pamumuhay, dahil ang
mundo man na ating kinalalagyan ay papunta sa pagkawasak, gaya ng sinasabi rin
ng Biblia:
Isaias 24:19-20 “Ang daigdig ay
tuluyang mawawasak, sa lakas ng uga ito'y mabibiyak. Ang lupa'y tulad ng
lasenggong pasuray-suray at kubong maliit na hahapay-hapay, sa bigat ng
kasalanang kanyang tinataglay, tiyak na babagsak ang sandaigdigan at hindi na
babangon magpakailanman.” [MB]
Kaya atin ngayong
natitiyak na hindi sa daigdig na ito matatamo ng tao ang inaasam niyang
maluwalhati at perpektong pamumuhay, sapagkat ang mundong ito ay nakatakda na
sa kaniyang pagkawasak na ito nga ay ang araw ng Paghuhukom:
2 Pedro 3:7 “Nguni't ang
sang-kalangitan ngayon, at ang lupa, sa pamamagitan ng gayon ding salita ay
iningatang talaga sa apoy, na itinataan sa araw ng paghuhukom at
ng paglipol sa mga taong masama.”
Saan nga ba
matatagpuan ang perpektong pamumuhay? Paano ba ito matatamo ng tao?
At gaano kapalad ang mga tao na makararating doon?
· Saan nga ba matatagpuan ang perpektong pamumuhay?
Ating basahin ang
sagot:
Hebreo 11:16 “Nguni't
ngayon ay nagnanasa sila ng lalong magaling na lupain, sa makatuwid
baga'y ang sa langit: kaya hindi sila ikinahihiya ng Dios na tawaging Dios
nila; sapagka't kaniyang ipinaghanda sila ng isang bayan.”
Ang sabi ng
Biblia, ang lalong magaling na lupain ay matatagpuan sa langit. Doon lamang
malalasap ng tao ang isang uri ng pamumuhay na hindi pa niya nararanasan kailan
man sa mundong ito.
· Sino ang maghahanda ng dakong iyon?
Ang Panginoong Jesus
ang maghahada, gaya ng kaniyang sinabi:
Juan 14:2-3 “Sa bahay ng
aking Ama ay maraming silid. Kung hindi ito totoo, sasabihin ko ba sa inyong
pupunta ako roon upang ipaghanda ko kayo ng inyong matitirhan? At
kapag naipaghanda ko na kayo ng matitirhan, ako'y babalik at isasama ko kayo
upang kayo'y makapiling ko kung saan ako naroroon” [MB]
Ang isa sa misyon ng
pag-alis ng Panginoong Jesucristo, ay upang ipaghanda ang mga ililigtas niya ng
dakong kalalagyan, at ito’y ang bahay ng Ama na maraming silid. At kapag
naihanda na niya ito ay siya’y muling magbabalik upang kunin at isama roon ang
kaniyang mga hinirang.
· Anong uring pamumuhay ang tatamuhin ng tao sa dakong iyon?
Isang perpektong pamumuhay
na malayo sa anomang alalahanin, sakit, kalumbayan, at maging kamatayan:
Apocalypsis 21:1-4 “At nakita ko
ang isang bagong langit at ang isang bagong lupa: sapagka't ang
unang langit at ang unang lupa ay naparam; at ang dagat ay wala na.”
“At nakita ko
ang bayang banal, ang bagong Jerusalem, na nananaog
mula sa langit buhat sa Dios, na nahahandang gaya ng isang babaing kasintahan
na nagagayakang talaga sa kaniyang asawa.”
“At narinig ko
ang isang malakas na tinig na mula sa luklukan, na nagsasabi, Narito, ang
tabernakulo ng Dios ay nasa mga tao, at siya'y mananahan sa kanila, at
sila'y magiging mga bayan niya, at ang Dios din ay sasa kanila, at magiging
Dios nila:”
“At papahirin
niya ang bawa't luha sa kanilang mga mata; at hindi na magkakaroon ng
kamatayan; hindi na magkakaroon pa ng dalamhati, o ng pananambitan man, o ng
hirap pa man: ang mga bagay nang una ay naparam na. “
Ang tahanan ng Diyos
na maraming silid na siyang ihahanda ng Panginoong Jesus, ay isang
maluwalhating tahanan, Isang bagong langit at isang bagong lupa, na ito ay ang
BAYANG BANAL, ang Bagong Jerusalem, na mananaog mula sa Langit.
Sa bayang ito,
makakapiling na ng tao ang Diyos at hindi na siya makakaranas ng kalumbayan,
kahapisan, sakit, at maging ng kamatayan, lahat ng bagay ng una ay lilipas
na. Dito magawawakas ang paghihirap ng taong maliligtas, dito niya
matitikman ang isang uri ng pamumuhay na kailan man ay hindi niya mararanasan
sa diagdig.
· Ano ba iyong Bagong Langit?
Alam natin na
ang unang langit ay ang lahat ng bagay ngayon na nasa itaas na ating
natatanaw. Ang araw, ang buwan at mga bituin. Ang langit na
iyan ay mapaparam o mawawala sabi ni Apostol Pedro:
2 Pedro 3:10 “Datapuwa't
darating ang araw ng Panginoon na gaya ng magnanakaw; na ang sangkalangitan sa
araw na iyan ay mapaparam na kasabay ng malaking ugong, at ang mga
bagay sa langit ay mapupugnaw sa matinding init, at ang lupa at ang mga
gawang nasa lupa ay pawang masusunog.”
Mawawala ang lahat ng
bagay na nasa Langit dahil sa ito ay masusunog. Kaya ang tao na
maninirahan sa bayang banal ay hindi na makakaranas ng liwanag ng araw, at
hindi na rin magkakaroon ng gabi:
Apocalypsis 22:5 “At hindi
na mag-kakaroon pa ng gabi, at sila'y hindi nangangailangan ng liwanag ng
ilawan, ni ng liwanag man ng araw; sapagka't liliwanagan sila ng
Panginoong Dios: at sila'y maghahari magpakailan kailan man.”
Sa bagong
langit ay wala nang araw, kundi ang Panginoong Diyos ang magbibigay ng
liwanag doon. Hindi na mararanasan ng tao ang mabilad sa init ng araw:
Apocalypsis 7:16 “Sila'y hindi
na magugutom pa, ni mauuhaw pa man; ni hindi na sila tatamaan ng araw,
o ng anomang init:”
· Ano naman iyong Bagong Lupa?
Alam din natin
na ang unang lupa ay kung ano iyong tinutungtungan natin ngayon - yari sa
bato, buhangin, lupa, at putik. Ngunit ang Bagong Lupa ay dalisay na
ginto:
Apocalypsis 21:21 “…ang
lansangan ng bayan ay dalisay na ginto, na gaya ng nanganganinag na bubog.”
Saan sa daigdig tayo
makakakita ng lansangan na purong ginto na kumikinang na parang bubog o
salamin? Tama po, ang lalakaran ng tao doon ay ginto, at hindi na
lupa. At hindi lamang ang lansangan ang ginto kundi ang mismong bayan ay
ginto rin:
Apocalypsis 21:18 “At ang
malaking bahagi ng kuta niya ay jaspe: at ang bayan ay dalisay na ginto,
na katulad ng malinis na bubog.”
Ang mga pintuan ng
bayan ay yari sa mamahaling perlas:
Apocalypsis 21:21 “At ang
labingdala-wang pintuan ay labingdalawang perlas; at bawa't pinto ay isang
perlas;…”
Doon lamang tayo
makakakita ng napakalaking perlas dahil ang bawat isang pintuan ng bayan ay
isang perlas. Maging ang kaniyang kinasasaligan ay yari sa mga mamahaling
bato:
Apocalysis 21:19 “Ang mga
pinag-sasaligan ng kuta ng bayan ay may pamuting sarisaring mahahalagang bato.
Ang unang pinagsasaligan ay jaspe; ang ikalawa ay zafiro;
ang ikatlo ay calcedonia; ang ikaapat ay esmeralda;
Ang ikalima ay sardonica; ang ikaanim ay sardio; ang
ikapito ay crisolito; ang ikawalo ay berilo; ang
ikasiyam ay topacio; ang ikasangpu ay crisopasio; ang ikalabingisa
ay jacinto; ang ikalabingdalawa ay amatista.
Wala pang sinomang
tao sa daigdig ang mayroong ganitong klase ng bahay, kahit gaano pa siya
kayaman, o siya man ang itinuturing na pinakamayamang tao sa buong mundo.
Sa gitna ng bayan ay
mayroong isang ilog na may tubig ng buhay, at ang punongkahoy ng buhay na
inalis sa halamanan ng Eden noon ay doon din matatagpuan:
Apocalypsis 22:1-2 “At ipinakita
niya sa akin ang isang ilog ng tubig ng buhay, na maningning na gaya ng bubog,
na lumalabas sa luklukan ng Dios at ng Cordero, Sa gitna ng lansangang yaon. At
sa dako rito ng ilog, at sa ibayo nito, naroon ang punong kahoy ng
buhay, na namu-munga ng labingdalawang iba't ibang bunga, na namumunga sa
bawa't buwan: at ang mga dahon ng punong kahoy ay pangpagaling sa mga bansa.
Sa Bayang Banal, doon
lamang malalasap ng taong maliligtas ang tunay na kapahingahan ng kaniyang
kaluluwa, ang walang hanggang buhay sa piling ng Diyos at ng Panginoong
Jesucristo.
· Gaano ba kalaki ang Bayang Banal?
Ang sukat ng bayang
banal ay ibinigay din ng Biblia, ating basahin:
Apocalypsis
21:15-16 “At ang nakiki-pag-usap sa akin ay may panukat na tambong
ginto upang sukatin ang bayan, at ang mga pintuan nito, at ang kuta nito.
At ang pagkatayo ng bayan ay parisukat, at ang kaniyang haba ay gaya ng
kaniyang luwang: at sinukat niya ng tambo ang bayan, ay labingdalawang
libong estadio: ang haba at ang luwang at ang taas nito ay magkakasukat.”
Sabi ng Biblia, ang
bayan ay parisukat [square] kung ano ang haba siya rin ang kaniyang
luwang, ganun din ang kaniyang taas. Ang sukat nito ay labingdalawang
libong estadio. Ano ang katumbas ng sukat nito? Ating basahin
sa Bibliang Ingles:
Revelations 21:16 “The city was
perfectly square, as wide as it was long. The angel measured the city with his
measuring stick: it was fifteen hundred miles long and was as
wide and as high as it was long.” [Good News Bible]
Ang sukat ng haba at
luwang niya ayon sa Bibliang Ingles ay 1,500 miles na katumbas
na sa kilometro ay: 2,414 kms, kaya ang
kabuoang area ng bayang banal ay 5.83 Million Square
Kilometers
Napakaliit na sukat
kung ikukumpara sa ating daigdig na may 148.4 Million Square Kilometers,
at mas maliit pa ang bayang banal sa pinakamaliit na
kontinente ng mundo na ito ang Australia na may 7.68
Million sq.km. At Malaki lamang siya ng kaunti sa bansang India na
may 3.29 Million sq.km.
Kaya nga maliwanag na
maliwanag na sa maliit na sukat na iyan ay tunay na ating mababatid na talagang
hindi maliligtas ang lahat ng tao sa daigdig. Dahil kulang na kulang ang sukat
na iyan upang magkasiya ang lahat ng tao.
· Maaari pa bang mag-asawa ang tao sa dakong iyon?
Sasagutin tayo ng
Panginoong Jesus:
Marcos 12:18-25 “May ilang
Saduseo na lumapit kay Jesus upang magtanong. Ang mga ito ay nagtuturo na hindi
muling mabubuhay ang mga patay. Sinabi nila, "Guro, isinulat po
ni Moises para sa atin, 'Kung mamatay ang kuya ng isang lalaki at ang asawa
nito'y maiwang walang anak, siya ay dapat pakasal sa biyuda upang magkaanak sila
para sa namatay.' Mayroon pong pitong magkakapatid na lalaki.
Nag-asawa ang panganay, subalit siya'y namatay na walang
anak. Pinakasalan ng pangalawang kapatid ang biyuda subalit ito ay
namatay ring walang anak. Ganoon din ang nangyari sa pangatlo. Isa-isang
napangasawa ng babae ang pitong magkakapatid at silang lahat ay namatay na
walang anak. Sa kahuli-huliha'y ang babae naman ang namatay. Kapag
binuhay na muli ang mga patay sa araw ng muling pagkabuhay, sino
po ba sa pitong magkakapatid ang kikilalaning asawa ng babaing iyon, sapagkat
silang lahat ay napangasawa niya?"
“Sumagot si
Jesus, "Maling-mali ang paniniwala ninyo, dahil hindi ninyo nauunawaan ang
itinuturo ng Kasulatan at ang kapangyarihan ng Diyos. Sa muling
pagkabuhay, ang mga tao'y hindi na mag-aasawa; sila'y magiging katulad na ng
mga anghel sa langit.” [MB]
Hindi na kailangan pa
ng paliwanag hindi po ba? Sapat na ang malinaw na sagot ng Panginoong Jesus.
· Kung hindi makapapasok ang lahat ng
tao, sino lamang ba ang makapapasok sa Bayang Banal?
Ang makapapasok
lamang doon ay yung mga tao na ang kanilang pangalan ay nakasulat sa aklat ng
buhay ng Cordero:
Apocalypsis
21:25-27 “At ang mga pintuan niyaon ay hindi ilalapat kailan man sa
araw (sapagka't hindi magkakaroon doon ng gabi): At dadalhin nila sa loob
niyaon ang karangalan at kapurihan ng mga bansa: At hindi papasok doon
sa anomang paraan ang anomang bagay na karumaldumal, o siyang gumagawa ng
kasuklamsuklam at ng kasinungalingan: kundi yaon lamang na mga nakasulat sa
aklat ng buhay ng Cordero.”
Makakapasok lamang
doon ang isang tao kung ang kaniyang pangalan ay maisusulat sa aklat ng buhay
sa langit. Kung wala roon ang pangalan ng isang tao siya ay ibubulid sa
dagat-dagatang apoy:
Apocalypsis
20:15 “At kung ang sino-man ay hindi nasumpungang nakasulat sa
aklat ng buhay, ay ibinulid sa dagat-dagatang apoy.”
Kaya dapat matiyak ng
isang tao kung ang kaniyang pangalan ay nakasulat sa aklat ng buhay, dahil kung
hindi makikita doon ang kaniyang pangalan ito ay mangangahulugan ng walang
hanggang kapahamakan para sa kaniya.
· May halimbawa ba sa Biblia ng mga taong ang pangalan ay
nakasulat sa aklat ng buhay?
Kahit dito pa lamang
sa buhay na ito ay maaari nang malaman at ang Biblia ay may ipinakilalang
halimbawa:
Filipos 4:1,3 “Kaya nga, mga
kapatid kong minamahal at pinananabikan, aking katuwaan at putong, magsitibay
nga kayo sa Panginoon, mga minamahal ko… Oo, ipinamamanhik ko rin naman sa iyo,
tapat na kasama sa pagtulong, na iyong tulungan ang mga babaing ito, sapagka't
sila'y nangagpagal na kasama ko sa evangelio, at kasama rin naman ni Clemente,
at ng ibang aking mga kamanggagawa, na ang kanilang pangalan ay nangasa
aklat ng buhay.”
Saan ba kabilang ang
sinasabi ni Apostol Pablong ito na mga taong ang pangalan ay nakasulat sa aklat
ng buhay?
Roma 12:5 “Ay gayon din
tayo, na marami, ay iisang katawan kay Cristo, at mga sangkap na
samasama sa isa't isa.”
Ang mga sangkap o
kaanib ng katawan ni Cristo na siyang Iglesia [Colosas
1:18], ay ang mga tao na ang pangalan ay nakasulat sa aklat ng
buhay sa Langit.
Maliwanag na
kinakailangan na tayo ay maging sangkap o kaanib ng tunay na iglesia na ito nga
ang Iglesia ni Cristo na tinubos niya ng kaniyang dugo:
Gawa 20:28 “Ingatan ninyo
ang inyong sarili at ang buong kawan, na rito’y hinirang kayo ng Espiritu Santo
upang maging mga katiwala, upang pakanin ang iglesia ni Cristo na
binili niya ng kaniyang dugo.” [Lamsa Version]
Kaya nga kung ating
natitiyak na ang ating pangalan ay nakasulat na sa aklat ng buhay dahil sa
pagiging kaanib natin sa tunay na iglesia, ay dapat natin itong
ikagalak:
Lucas 10:20 “Gayon ma'y
huwag ninyong ikagalak ito, na ang mga espiritu ay nagsisisuko sa inyo; kundi
inyong ikagalak na nangasusulat ang inyong mga pangalan sa langit.”
Kaya kung nais nating
masiguro na tunay tayong makararating sa Bayang Banal,
hinding-hindi natin maiiwasan ang isang napakahalagang gampanin, na tayo ay
kailangang mapabilang o maging kaanib ng tunay na Iglesia na
siyang katawan ng ating Panginoong Jesucristo, sapagkat dito kabilang ang mga
taong maliligtas sapagkat siyang tinubos ng dugo ni Cristo:
Acts 2:47 “Praising God,
and having favour with all the people. And the Lord added to the church daily
such as should be saved.” [King James Version]
Sa Filipino:
Gawa 2:47 “Na nangagpupuri
sa Dios, at nangagtatamo ng paglingap ng buong bayan. At idinaragdag ng
Panginoon sa Iglesia araw-araw yaong mga maliligtas.”
Kabilang sa Iglesia
ni Cristo ang mga taong maliligtas pagdating ng araw ng paghuhukom…
1. MATALINGHAGA, KAILANGAN NG LOHIKAL AT TAMANG INTERPRETASYON. Walang ibang lubos na makakaunawa sa mga pakahulugan o interpretasyon kundi ang mga nasa tunay na kogregasyon na kay Kristo. At maging ng taimtim na tumatanggap at naghahanap ng katotohanan.
ReplyDeletePALIWANAG:
Una, gaya ng mga naunang nabanggit na, na ang bilang na 144,000 na munting kawan na siyang aakyat sa langit ay nakabilang diyan ang ilan sa mga "Apostol" na siyang kausap ng panginoon sa
-JUAN 14:2-3.
Pangalawa, patungkol sa binanggit na "Silid" o "Dako" na inihanda para sa kanila ay wala naman tutol diyan oo mayroon, ngunit kailangan natin ng tamang interpretasyon dahil maging ang Diyos sa langit ay may sariling dako "Nakaluklok sa kanyang trono". Nagtalaga parin ang panginoon ng dako o silid para sa kanila KAHIT NA SILA AY MGA ESPIRITU NA NILALANG na hindi nangangailangan na kumain,uminom,umihi,dumumi, mapagod at matulog (bagay na para sa tao lamang na may katawang laman).
(-AWIT 115: 16)
Sabi ng panginoon na "Ako ay babalik/darating,upang kayo'y makapiling kung saan ako naroroon". Bagaman mga apostol ang kausap niya ay tumutukoy din ito sa kabuuan ng munting kawan na 144,000. Dahil ang ilan sa kanila ay may nabubuhay pa sa lupa hanggang sa pagbabalik ng Panginoon, at sa mga natitirang buhay na bahagi ng 144,000 ay "aagawin sa alapaap" at sila ay di na kailangang dumanas pa ng kamatayan. -1 TESALONICA 4: 17. Dahil sa matalinghaga na mga pananalita ng panginoon at maging ng karamihan sa mga talata sa banal na kasulatan, nangangahulugan ito ng "Inilaan niyang dako para sa kanilang lahat na bahagi ng munting kawan". Dahil sila ay mga saserdote ng Diyos at mamamahala sila bilang mga hari sa ibabaw ng lupa. -APOCALIPSIS 5: 9 at 10 . Kapag ganap ng kompleto ang kabuuan ng 144,000 ay makakasama na nila si Kristo na maghahari sa langit at sa ibabaw ng lupa, ito ang tamang interpretasyon sa "BAGONG LANGIT". sa malaking pulutong ng kawan na kailangan din dalhin (dalhin sa kaligtasan) ay nauukol naman sila sa makalupang pag-asa na mabuhay magpakailanman. At kung ito ay maganap na, ito ang "BAGONG LUPA". dahil ang dating langit at dating lupa at mga dating bagay ay lumipas na. Ito ay katuparan ng panalangin sa -MATEO 6: 9 at 10⤵
"9. Manalangin kayo, kung gayon, sa ganitong paraan:“ ‘Ama namin na nasa langit, pakabanalin nawa ang iyong pangalan
("יַהְוֶה ").
10. Dumating nawa ang iyong KAHARIAN. Mangyari nawa ang iyong kalooban, kung paano sa LANGIT, gayundin sa LUPA".
2. MATALINGHAGA, KAILANGAN NG LOHIKAL AT TAMANG INTERPRETASYON. Walang ibang lubos na makakaunawa sa mga pakahulugan o interpretasyon kundi ang mga nasa tunay na kogregasyon na kay Kristo. At maging ng taimtim na tumatanggap at naghahanap ng katotohanan.
ReplyDeleteAPOCALIPSIS 21:1 “At nakita ko ang isang bagong langit at ang isang bagong lupa: sapagka't ang unang langit at ang unang lupa ay naparam; at ang 'DAGAT' ay wala na.”
PALIWANAG:
Inihalintulad ni Isaias ang balakyot na mga tao sa lupa, ang mga karamihan na hiwalay sa Diyos, sa “DAGAT" na umaalimbukay, kapag hindi ito humuhupa, na ang tubig nito ay patuloy na nag-aalimbukay ng damong-dagat at lusak.” (ISAIAS 57:20) Sa Apocalipsis 17:1, 15, ang “mga tubig” na “kinauupuan” ng Babilonyang Dakila ay sinasabing nangangahulugan ng “mga bayan at mga pulutong at mga bansa at mga wika.” Humula pa si Isaias ukol sa Sion na “babae” ng Diyos: “Sapagkat sa iyo ay pupunta ang kayamanan ng DAGAT; ang mismong yaman ng mga bansa ay paroroon sa iyo.” (ISAIAS 59:20; 60:1, 5) Waring nangangahulugan ito ng pagbaling ng maraming tao mula sa mga karamihan sa lupa tungo sa makasagisag na “babae” ng Diyos.
Inilarawan ni Daniel ang apat na “hayop” na umahon “mula sa DAGAT” at isiniwalat niya na ang mga ito ay sumasagisag sa pulitikal na mga hari o mga kaharian. (DANIEL 7:2, 3, 17, 23) Sa katulad na paraan, tinukoy ni Juan ang isang “mabangis na hayop na umaahon mula sa DAGAT,” samakatuwid nga, mula sa napakalaking bahaging iyon ng sangkatauhan na hiwalay sa Diyos; at dahil bumanggit siya, sa makasagisag na pananalita, ng mga diadema at ng isang trono, muling naiugnay sa hayop na ito na nagmula sa “DAGAT” ang ideya ng isang pulitikal na organisasyon. (APOCALIPSIS 13:1, 2) Nakita rin niya sa pangitain ang panahon kung kailan magkakaroon ng “isang bagong langit at isang bagong lupa” at kapag “ANG DAGAT,” samakatuwid nga, ang maliligalig na karamihan ng mga tao na hiwalay sa Diyos, ay "WALA NA".
—APOCALIPSIS 21:1.
Ang mga pananalita sa bibliya ay matalinghaga at madalas symbolical. Kaya ang salitang pagtupok o paglipol sa apoy ay katumbas ng lubos na pagkapuksa o di na muling pag-iral... Katulad ng panalita sa bibliya na: Sa panahon ng pag-ani ay ihihiwalay ang trigo sa damo at ang damo ay susunugin... Ibig sabihin ng trigo ay ang mabubuting tao o lingkod ng Diyos samantalang ang damo ay mga masasama o balakyot at ang apoy ay kumakatawan sa pagkapuksa... Yan ang parusa/paglipol sa isang masamang tao, bagay o ng isang grupo o organisasyon ang pagkapuksa o di na muling pag-iral... Na binabanggit sa mga talata ng bibliya ay "Lilipulin sa Apoy"... Kung tungkol sa sakit, hapdi o kirot na dadanasin sa apoy ay wala ng mararamdaman pa ang makasalanang namatay na... Kundi, wala ng ikikirot pa sa hindi na mabibigyan ng pagkakataon para umiral muli o mabuhay. Samakatuwid baga'y ang kirot o hapdi sa pamamagitan ng apoy ay ang ikalawang kamatayan o ng hindi na muling pag-iral pang muli. Ang hapdi o kirot ay ginagamit din bilang sagisag. Kasuwato ito ng mga konteksto sa (MATEO 13: 24-30) (MATEO 13: 36-40) (GAWA 2:24) (AWIT 97:4) (AWIT 77:16) (AWIT 114:7)
DeletePALIWANAG: Ang salitang Hebreo na ginamit sa Kasulatan na [chai·yimʹ], at ang salitang Griego ay [zo·eʹ]. Ang salitang Hebreo na [neʹphesh] at ang salitang Griego na [psy·kheʹ], kapuwa nangangahulugang “KALULUWA,” ay ginagamit din upang tumukoy sa "BUHAY", hindi sa diwang abstrakto, kundi sa buhay bilang isang persona o hayop.
DeleteNagkakatalo lang sa interpretasyon ang ibang relihiyon na ang lahat ng tao kapag namatay daw ay may "ESPIRITU [greek: pneuʹma] [hebrew: ruʹach] daw na hihiwalay sa katawan ng tao... Ang sabi sa talata sa bible na ang taong namatay ay walang alam o sa ibang talata ay natutulog -ECLESIASTES 9:5; AWIT 146:4; EFESO 5:14... Kasuwato lang na ang hihiwalay sa katawan ng isang tao na namayapa na ay ang kanyang mismong "BUHAY". Kung may mga taong hihiwalay ang espiritu pagkatapos mamatay ay sila yun mga makakasama ni Kristo sa langit at sila ay binili at may takdang bilang na 144,000 ang maliit na kawan (APOCALIPSIS 7: 4) (APOCALIPSIS 14: 3).
Samantalang ang malaking kawan o malaking pulutong ay kailangan ding iligtas o isama sa kaharian at sila naman ang magmamana sa lupa -APOCALIPSIS 7: 9... Ang tinutukoy sa bibliya na "Ang malaking pulutong o kawan" na sinabi ni Kristo na kailangan din niyang dalhin sa kanyang kaharian ay kailangan natin dito ng logical na interpretasyon... Hindi ba't ang kaharian ng Diyos ay binanggit sa panalangin na gawin ang kanyang kalooban kung paano sa LANGIT, gayon din naman sa LUPA (MATEO 6: 10)... At magkakagayon nga na darating ang araw na iyon na ang lahat ng kalooban ng Diyos ay mangyayari sa LANGIT at maging sa LUPA... Patungkol naman sa "BAGONG LANGIT" at sa "BAGONG LUPA" ay hindi literal na panibagong paglalang na naman ng Diyos na parang sa una na naganap sa genisis o noong bago niya lalangin sa pasimula ang langit at lupa, kailangan dito ng lohikal at tamang interpretasyon... Na ang ibig sabihin lamang ng makasimbulong pananalitang iyan sa apocalipsis ay:
DeleteBAGONG LANGIT = Bagong kaayusan na magaganap sa langit...Bakit? Dahil kapag ganap ng buo ang bilang ng mga binili na 144,000 mga makakasama ni Kristo sa kaharian sa langit bilang mga saserdote ng Diyos (1 TESALONICA 4:17). Bakit sila lang ang binili at hindi lahat ng mabubuti?... Dahil may takdang bilang ang binili na mga magiging saserdote ng Diyos. Kahit naman noon nasa lupa si Kristo ay 13 lang ang apostol at iyon ay ayon sa napili niya...
BAGONG LUPA = Bagong kaayusan sa lupa. Ito ay bagong gobyerno at bagong pamamahala na pinaghaharian ni Kristo at ng munting kawan. Sa panahong darating na maghahari na sa lupa si Kristo kasama ng mga saserdote ng Diyos "Ang Munting Kawan". Dahil sa langit pa lamang naghahari si Jesus simula noong 1914 ayon na rin sa katuparan ng mga hula ng banal na kasulatan (MATEO 24:7)... Kapag dumating ang panahon na kumpleto na ang bilang ng binili (Fast tence kasi yun binanggit na talata sa APOCALIPSIS 5: 9-10 na "BINILI" pero ito ay isang pangitain kaya madami pang hindi nagaganap doon o mangyayari pa lamang sa hinaharap, sinabi na "BINILI" dahil naihula na ng propeta sa pasimula). Bakit di pa kumpleto? DAHIL SA PAGTALIKOD NG ISRAEL SA DIYOS at di pa ganap na natatapos ang pagpili o sa pagbili sa mga kabilang sa 144,000 (DANIEL 9:11)(DANIEL 4: 23-26). Bagaman sinabi ng bibliya na bibilhin ang 144,000 sa tribu ni Abraham ay di ibig sabihin natapos na iyon noong panahong iyon... Maagang tumalikod ang Israel at may yugto ng panahon na walang tunay na kristiyano o tunay na lingkod ang Diyos... Ngunit ang tribu ni Abraham ay nagpatuloy ng lahi (kasama tayo)... Kaya ang pagbili sa bahagi ng 144,000 mula sa Israel sa tribu ni Abraham ay nagpapatuloy hanggang sa ngayon dahil ito ay para sa Diyos mula sa bawat tribo at wika at bayan at bansa (APOCALIPSIS 5: 9 at 10). Kaya ang pagbili ay hindi nagtatapos sa bansang Israel lamang... Opo, dahil ang tunay na sangkakristiyanuhan ay muling nabuhay sa panahon ng tinatawag na "Mga Huling Araw" na nagsimula noong taong 1914 (MATEO 24:7)..
May natitira pa na buhay sa bilang ng kabuuan ng 144,000 hanggang sa pagsapit ng tinatawag sa bibliya na "Armagedon" (APOCALIPSIS 16:16)... Pagsapit ng armagedon ang mga nalalabi sa 144,000 ay aagawin sa alapaap (1 TESALONICA 4:17)... Ang pagiging hindi pa ganap na kompleto ng 144,000 ay
kasuwato ng konteksto sa 2 PEDRO 3: 13-- "Ngunit may MGA BAGONG LANGIT at ISANG BAGONG LUPA na ating HINIHINTAY ayon sa kaniyang PANGAKO, at sa mga ito ay tatahan ang katuwiran". Ang "MGA BAGONG LANGIT" ay maaring tumukoy din mismo sa "MUNTING KAWAN" at gayundin naman sa "MALAKING PULUTONG" ay maaring tumukoy sa "BAGONG LUPA".
Dapat na malaman ng iba na ang pinaghaharian ng Diyos ay pambuong sansinukob, na nakapaloob dito ang "Langit" at ang "Lupa" kaya samakatuwid baga'y iyan ang kaharian na tinutukoy sa panalangin sa "MATEO 6: 9 at 10".⤵
Delete"9. Manalangin kayo, kung gayon, sa ganitong paraan:“ ‘Ama namin na nasa langit, pakabanalin nawa ang iyong pangalan
("יַהְוֶה ").
10. Dumating nawa ang iyong KAHARIAN. Mangyari nawa ang iyong kalooban, kung paano sa LANGIT, gayundin sa LUPA".
Ang orihinal na plano o layunin ng Diyos ay sinira ni satanas sa pamamagitan ni Adan at Eba (GENESIS 2:16,17) (GENESIS 3:6,17) (SANTIAGO 1:14,15) (ROMA 5:12... Diyos din ang nagbigay sa tao ng pagkakaton para muling mabuhay ang tao sa pagtubos ni Kristo sa kasalanan (JUAN 3:16) (MATEO 20:28) (EFESO 1:7) ... Samakatuwid baga'y, ang orihinal na plano o layunin ng Diyos ay matutupad din... Na sa pasimula ang langit ay para sa mga espiritung nilalang at ang lupa naman ay para sa nilikha niya ayon sa kaniyang wangis: Ang Tao... (AWIT 115: 16) (GENESIS 1:26,27)
DeleteHallelu-Jah "Purihin ang Amang Jah/Jehovah" / "Praise Jah/Jehovah"
ReplyDelete-Pahayag/Apocalipsis/Revelation 19:1-6 :)