Ang Iglesia ni Cristo ay lubusang
sumusunod sa mga utos ng Diyos na nakasulat sa biblia. Kahit sa pagbabawal ng
Diyos sa pagkain ng dugo ay lubusan itong sinusunod ng mga kaanib, ito po ang
tinutuligsa ng kaibayo natin sa pananampalataya. Sinasabi nila na ang
pagbabawal ng pagkain ng dugo ay imbentong aral lang ng mga Ministro sa loon ng
INC. ngayon po ay ating pag aralan kung sino talaga ang nagbabawal sa pagkain
ng dugo? Kalian ba ito ipinagbawal? Anu ang dahilan kung bakit ito ibinawal?
Isa isahin nating sagutin ang mga tanong sa ating pag aaral ngayon. Inyo pong
basahing mabuti at makatulong nawa ito sa mga nagsusuri. Sino po ba ang nagbawal
ng pagkain ng dugo? Dito tayo magpasimulang bumasa sa
Genesis 9:1-4 “At binasbasan ng
Dios si Noe at ang kaniyang mga anak, at sa kanila'y sinabi, Kayo'y
magpalaanakin, at magpakarami at inyong kalatan ang lupa. At ang takot sa inyo
at sindak sa inyo ay mapapasa bawa't hayop sa lupa, at sa bawa't ibon sa
himpapawid; lahat ng umuusad sa lupa, at lahat ng isda sa dagat, ay ibinibigay
sa inyong kamay. Bawa't gumagalaw na nabubuhay ay magiging pagkain ninyo; gaya
ng mga sariwang pananim na lahat ay ibinibigay ko sa inyo. Nguni't ang lamang may buhay, na
siya niyangdugo, ay huwag ninyong kakanin.’’
Ang tanung natin ay sino po ang
nagbabawal ng pagkain ng dugo? Maliwanag po ang panginoong Diyos. Ang talatang
ating binasa ay sa panahon ng binasbasan ng Diyos si Noe at ang kanyang
sambahayan. Anu ang pagkaing ibinigay ng Diyos sa kanila? Ang sabi . “At
ang takot sa inyo at sindak sa inyo ay mapapasa bawa't hayop sa lupa, at sa
bawa't ibon sa himpapawid; lahat ng umuusad sa lupa, at lahat ng isda sa dagat,
ay ibinibigay sa inyong kamay. Bawa't gumagalaw na nabubuhay ay magiging pagkain
ninyo; gaya ng mga sariwang pananim na lahat ay ibinibigay ko sa inyo.”
Maliwanag po kung anu ang pagkaing ibinigay ng Diyos, ngunit anu lang ang
kanyang ipinagbawal na kainin ng mga tao? “Ang lamang may buhay, na siya niyang
dugo ay huwag ninyong kakanin” letra por letra po sinabi at ipinag bawal ng
Diyos na kainin ng mga tao ang dugo, na ang kanyang sinabihan ay ang lahat ng
mga tao. Anu ang pagtuturing ng Diyos sa mga taong
kumakain ng dugo? Ganito ang nakasulat sa
Levitico 17:10-11 “At sinomang tao sa
sangbahayan ni Israel o sa mga taga ibang bayan na nakikipamayan sa kanila, na kumain
ng anomang dugo, ay aking itititig ang aking mukha laban sa taong
yaon na kumain ng dugo, at ihihiwalay ko sa kaniyang
bayan. Sapagka't ang buhay ng laman ay nasadugo; at aking ibinigay
sa inyo sa ibabaw ng dambana upang itubos sa inyong mga kaluluwa: sapagka't
ang dugo'y siyang tumutubos dahil sa buhay.”
Napaka laking
kasalanan po pala sa Diyos ang pagkain ng dugo anu ang sabi mismo ng Diyos?:“aking itititig ang
aking mukha laban sa taong yaon na kumain ng dugo, at ihihiwalay ko sa kaniyang
bayan”. Maliwanag na
magiging kaaway ng Diyos ang tao, at ihihiwalay siya o ititiwalag siya sa
kaniyang bayan, sa bayan ng Diyos. Kaya nga po natitiwalag sa Iglesia ang
sinomang kumain ng dugo.
Niliwanag din ng
Diyos na ang dugo ay “pantubos ng
buhay”, hindi nga ba’t ang isang taong naubusan ng dugo dahil sa
panganganak o aksidente, ay naililigtas sa pamamagitan ng pagsasalin ng dugo sa
kaniya? At higit sa lahat ito’y pantubos sa kaluluwa, na ang ibig pong sabihin
ay maaari po tayong matubos ng dugo sa ating mga pagkakasala sa Diyos, at iyon
nga po ay sa pamamagitan ng mahalagang dugo ni Cristo:
Hebreo 9:13-14 “Sapagka't kung ang
dugo ng mga kambing at ng mga baka, at ang abo ng dumalagang baka na
ibinubudbod sa mga nadungisan, ay makapagiging banal sa ikalilinis ng
laman: Gaano pa kaya ang dugo
ni Cristo, na sa pamamagitan ng Espiritu na walang hanggan ay inihandog
ang kaniyang sarili na walang dungis sa Dios, ay maglilinis ng inyong budhi sa
mga gawang patay upang magsipaglingkod sa Dios na buhay?”
Kaya po marapat na
ating igalang at pahalagahan ang dugo sa pamamagitan ng hindi
pagkain nito. Sundin po natin ang pagbabawal na ito ng Diyos. Napakalinaw po at
banal ang kaniyang dahilan kung bakit hindi niya ito ipinakakain sa atin. At
tinitiyak ng biblia na hindi maliligtas ang mga taong kumakain ng dugo. Kaya
patuloy paba kayo sa pagkain ng dugo o dinuguan? Matapos ninyo malaman na bawal
ito kainin ay dapat na ninyo itong iwan o huwag na kumain pa.
Ngunit iminamatuwid po ng iba na
hindi po purong dugo ang kanilang kinakain, bagkus ay mayhalong dugo lang na
ang tawag nga nila ay dinuguan. Pinapayagan na po ba kumain ng laman na may
dugo o dinuguan? Ito ang naka sulat sa
Deuteronomio 12:22-23 “Kung paano ang
pagkain sa maliit at malaking usa, ay gayon kakanin; ang marumi at ang malinis
ay kapuwang makakakain niyaon. Lamang ay pagtibayin
mong hindi mo kakanin ang dugo: sapagka't ang dugo ay siyang
buhay; at huwag mong kakanin ang buhay na kasama ng laman.”
Maliwanag na sinabi
ng Diyos na:“sapagka't ang dugo ay
siyang buhay; at huwag mong kakanin ang buhay na kasama ng laman”. Sa
madaling salita, huwag kumain ng laman at dugo na magkasama. Hindi po ba
sangkap ng dinuguan ay dugo at laman? Kaya maliwanag na bawal ang dinuguan, o
alinmang pagkaing sinangkapan o nilagyan ng dugo. Kahit sabihin pa ng mga
pilosopo na masarap pagmay puto. Panu kung nais nating kumain ng karne anu po
ba ang dapat nating gawin? Anu po ang ipinag uutos kung tayo ay magkakatay ng
Hayop upang kainin? Basahin natin ang nakasulat sa
Levitico 17:13 “At sinomang tao sa
mga anak ni Israel, o sa mga taga ibang bayan na nakikipamayan sa kanila na
manghuli ng hayop o ng ibon na makakain; ay ibubuhos
niya ang dugo niyaon at tatabunan ng lupa.”
Maliwanag po ang
utos na dapat ibubuhos o patutuluin ang dugo at tatabunan ng lupa. Hindi
sasahurin at tatabunan ng bigas. Samadaling salita itatapon po ang dugo ng
anumang hayop na ating kakatayin upang kainin. Paano kung dumanas ng tag-gutom
at walang makain, baka maawa ang Diyos at payagan na niyang kumain ang tao ng
dugo? Basahin natin ang naging pangyayari noon na nakasulat sa
1 Samuel 14:32-33 “At ang bayan ay
dumaluhong sa samsam, at kumuha ng mga tupa, at mga baka, at mga guyang baka,
at mga pinatay sa lupa: at kinain ng bayan pati ng dugo. Nang magkagayo'y
kanilang isinaysay kay Saul, na sinasabi, Narito, ang
bayan ay nagkakasala laban sa Panginoon, sa kanilang pagkain ng dugo.
At kaniyang sinabi, Kayo'y gumawang may paglililo: inyong
igulong ang isang malaking bato sa akin sa araw na ito.”
Kinain noon ng
bayang Israel pati ang dugo nung panahon na sila’y dumaluhong sa
samsam o nakaranas ng matinding tag-gutom. At ang sabi nga ni
Haring Saul, ang hari noon ng Israel:“Narito, ang bayan ay nagkakasala
laban sa Panginoon, sa kanilang pagkain ng dugo.” Maliwanag na kahit pa kapusin sa pagkain ang isang bayan,
ang mga lingkod ng Diyos ay hindi dapat at kailan man magtangka na ito ay
kainin. Eh paano nasolusyunan ni Haring Saul ang suliraning ito? Narito
ang kaniyang ginawa:
1 Samuel 14:34 “At sinabi ni Saul,
Magsikalat kayo sa bayan at inyong sabihin sa kanila, Dalhin sa akin dito ng
bawa't tao ang kaniyang baka, at ng bawa't tao ang kaniyang tupa, at patayin
dito, at kanin; at huwag nang magkasala laban sa Panginoon
sa pagkain ng dugo. At dinala ng buong
bayan, bawa't tao ang kaniyang baka nang gabing yaon at pinatay roon.”
Ipinadala ni Haring
Saul sa kaniyang harapan ang lahat ng hayop na papatayin upang kaniyang matiyak
na hindi na magkakasala ang bayan laban sa Panginoong Diyos dahil sa kanilang
pagkain ng dugo na mahigpit niyang ipinagbabawal.
Ang kabawalan ba sa
pagkain ng Dugo ay sa panahon lang ng lumang tipan o mga unang lingkod ng Diyos?
Namamalagi ba ang kabawalang ito hanggang sa panahong Cristiano? Biblia po ang
pasagutin natin sa aklat ng mga Gawa
Acts 15:28-29 “The Holy Spirit
and we have agreed not to put any other burden on you besides these necessary
rules: Eat no food that has been offered to idols; eat
no blood; eat no animal that has been strangled; and keep yourselves
from sexual immorality. You will do well if you take care not to do these
things. With our best wishes." [Good News Bible]
Sa Filipino:
Mga Gawa 15:28-29 “Ang Espiritu Santo
at kami ay nagkasundo na huwag na kayong atangan ng mabibigat na pasanin
maliban sa mga tuntuning ito na talagang kailangan: Huwag kayong kakain
ng mga pagkaing inihandog sa mga diosdiosan; huwag
kayong kakain ng dugo; huwag kayong kakain
ng hayop na namatay sa pagkabigti; at umiwas kayo sa mga imoralidad na seksual.
Mapapabuti kayo kung iiwasan ninyong gawin ang mga bagay na ito. Lubos ang
aming pagbati.”
Maliwanag na
ipinahayag ng mga Apostol na minagaling ng Espiritu Santo ang kautusang ito,
samakatuwid ito ay kautusang mula sa Espiritu Santo, mahigpit na pinagbawalan
noon ang mga Gentil na nais umanib sa Iglesia na huwag kumain
ng mga pagkaing inihain sa mga Diosdiosan [Mga pagkaing inihahanda sa Fiesta – na inihahanda para sa
kaarawan ng mga larawan at mga rebulto], ng dugo, at hayop na
binigti [Yung mga hayop na namatay
sa pagkalunod, o mga namatay na hindi lumabas ang dugo – gaya ng “botcha”], at
huwag makikiapid. Kaya maging sa panahon natin ngayon ay ipinagbabawal pa din
ang pagkain ng dugo.
Kaya po napakalinaw
na maging sa panahon natin ngayon ay mahigpit na ipinagbabawal ang pagkain ng
dugo, kaya po dapat na umiwas ang lahat ng tao sa panahon natin sa ganitong mga
gawain, hindi ito pinahihintulutan ng Diyos. Pagkatapos malaman ng Tao ang katotohanang ito
na bawal ng Diyos ang pagkain ng dugo at ginawa parin nya ito, anu ang
tinitiyak na sasapitin niya. Ganito ang nakasulat sa
Hebreo 10:26-27 “Sapagka't kung
ating sinasadya ang pagkakasala pagkatapos na ating
matanggap ang pagkakilala sa katotohanan, ay wala
nang haing natitira pa tungkol sa mga kasalanan, Kundi isang
kakilakilabot na paghihintay sa paghuhukom, at isang kabangisan ng apoy na
lalamon sa mga kaaway.”
Ang sabi “ wala nang haing natitira pa tungkol
sa ma kasalanan” Hindi na po mapapatawad ng Diyos kung magpapatuloy pa sa
pagkain ng dugo kung sa kabila ng katotohanang nalaman natin na ito ay kaniyang
mahigpit na ipinagbabawal, ang ganitong pagkakasala ay tinatawag na: “kasalanang sinasadya”, ang
gumagawa ng pananadya ay ituturing na niyang kaaway, at ang tangi na lamang
nating hinihintay ay ang kabangisan ng apoy na siyang parusang kaniyang
ibibigay sa Araw ng Paghuhukom sa mga taong lumabag sa
kaniyang mga utos. Kaya huwag na po tayong kakain ng dugo magmula ngayon na
inyong nabasa ang katotohanang ito.
Dagdagan pa natin
ang paliwanag, hindi ba sinabi ng mga Apostol na: “Sapagka't minagaling ng Espiritu Santo, at namin” na ang ibig sabihin ay: ang kautusang ito ay kautusan
ng Espiritu Santo, gaano
po ba kabigat kapag ating nilabag ang utos ng Espiritu Santo?
Mateo 12:31 “Kaya't sinasabi ko
sa inyo, Ang bawa't kasalanan at kapusungan ay ipatatawad sa mga tao; datapuwa't
ang kapusungang laban sa Espiritu ay hindi ipatatawad.”
Wala pong
kapatawaran sa harap ng Diyos ang paglabag sa utos ng Espiritu Santo, kaya po kahit na ano ang
mangyari, mula ngayon ay huwag na huwag na po kayo kakain ng dugo matapos na
ating malaman ang katotohanang bawal pala ito ng Diyos. Dahil kaya pong
patawarin ng Diyos ang lahat ng ating kasalanan, maliban po sa pagkain ng dugo.
Di po ba sa Isaias ay sinabe na kahit gaano katingkad na pula ang kasalanan mo ay papuputiin na parang niyebe kapag ikaw ay nagsisi???wala din po doong binangit na pera lang sa kasalanan sa espiritu???ang sinabe lang ay kasalanan, ibig sabihin ay general...at meron din po akong mga kilalang kumaen ng dugo sa kabila ng inc na,nagsisi at nakabalik sa talaan. eto po ba ay may contradiction sa sinasabeng di na mapapatawad???salamat po.
ReplyDeleteMay mga kasalanang hindi na mapapatawad at may mga kasalanang mapapatawad. Isang kasalanang hindi napatawad kahit anong pagsisisi ay kasalanan na tulad ng pagkanulo ni Judas kay Cristo. Ang katunayan naman ng mga taong nabalik sa loob ng Iglesia ay napatawad sila ng Diyos. Diyos ang nakakakita ng puso ng tao. Hindi natin maaaring ipagbalat' kayo ang pagbabago. Sapagkat alam ng Diyos kung taos puso ang pagbabago o hindi. :)
DeleteJulz Tugade
DeleteIkaw na ang nagsabi, napapatawad kapg nagsisisi... kung kain ka ng kain ng dugo, nasaan ang pagsisisi...???
Salamat po sa iyong katanungan. Sino po ba ang tinitiyak na wala ng kapatawaran?. Basahin natin..
ReplyDeleteMateo 12:31 “Kaya't sinasabi ko sa inyo, Ang bawa't kasalanan at kapusungan ay ipatatawad sa mga tao; datapuwa't ang kapusungang laban sa Espiritu ay hindi ipatatawad.”
Ang laban sa Espirito ay hindi patatawarin ng Diyos. Kaya ang naghihintay sa kanila ay ang kaparusahan sa araw ng paghuhukom. Baket po sila laban sa Espirito Santo?
Sa I Corinto 12:3 ay ito ang sinasabi.
3 Kaya't nais kong malaman ninyo na walang taong pinapatnubayan ng Espiritu ng Diyos ang magsasabing, "Sumpain si Jesus!" At hindi rin masasabi ninuman, "Si Jesus ay Panginoon," kung siya'y hindi pinapatnubayan ng Espiritu Santo.
Ang taong lumalabag sa kautusan ng Diyos katulad ng Pagkain ng Dugo ay hindi na pinapatnubayan ng Espirito Santo. Kaya sila ay tinitiyak na walang kapatawaran. Sapalagay mo po ba ay may kaligtasan pa ang ganitong tao? Pansinin po natin ang nakasulat sa Mateo 12:30, sa unahan lang ng ating sinitas sa itaas.
“30 Ang hindi panig sa akin ay laban sa akin, at ang hindi ko kasama sa pag-iipon ay nagkakalat.”
Ang mga taong hindi na pinapatnubayan ng Espirito Santo ay hindi panig kay Jesus at laban sa kanya. Kaya nakatitiyak tayo na wala ng kaparusahan ang may ganitong uring kasalanan.
Panu na maliligtas yung taong nagkasala? may kapatawaran paba sila sa kanilang kasalanan? Basahin po natin ito.
Joel 2:13
Magsisi kayo nang taos sa puso,at hindi pakitang-tao lamang.”Magbalik-loob kayo kay Yahweh na inyong Diyos!Siya'y mahabagin at mapagmahal,hindi madaling magalit at wagas ang pag-ibig;laging handang magpatawad at hindi nagpaparusa sanagsisisi.
Ang taong nagsisisi ng taos sa puso at nagbabalik-loob ay mayroong kapatawaran.
Ano ang paanyaya ng Diyos para sa mga taong nakagawa ng pagkakasala? Ito po ang talatang sinasabi mo.
Isaias 1:18-20
Magsiparito kayo ngayon, at tayo'y magkatuwiranan,sabi ng Panginoon: bagaman ang inyong mga kasalanan ay maging tila mapula, ay magiging mapuputi na parang niebe; bagaman maging mapulang gaya ng matingkad napula, ay magiging parang balahibo ng bagong paligong tupa, 19Kung kayo'y magkusa at mangagmasunurin,kayo'y magsisikain ng buti ng lupain: 20Nguni't kung kayo'y magsitanggi at manganghimagsik, kayo'y lilipulin ng tabak: sapagka't sinalita ng bibig ng Panginoon. At narito ang Matuwid na Tuntunin ng Diyos
Tinatawag ng Diyos ang taong nagkasala, kailangan lang ay tao pusong magbalik loob, kahit gaano ka bigat ng kasalanan ay patatawarin. Sapagkat kakalimutan nan g Diyos ang lahat ng nagawang kasalanan dahil sa pagbabalik loob sa kanya.
Ezekiel 18: 22 – 23
22 Kakalimutan na ang lahat ng nagawa niyang kasalanan at mabubuhay siya dahil sa kabutihang ginawa niya sa bandang huli. 23 Hindi ko ikinasisiya ang kamatayanng masama," sabi pa ni Yahweh. "Ang ibig ko nga,siya'y magsisi at magbagong-buhay.
Kaya hindi po kontradiksyon ang sinasabing walang kapatawaran na kasalanan dahil sa pamumusong sa Espirito Santo. Ang taong namumusong ay hindi kinakasihan ng Espirito Santo. Para patawarin sa kahit gaanong kabigat na kasalanan ay lubusang magsisi at magbalik loob sa Diyos, yung lubusang nagsisi at totoong nagbabalik loob sa Diyos ay tiyak na lalayo sa anumang kasalanan tulad ng pagkain ng Dugo. Sana po ay nasagot ang iyong katanungan.
Patuloy ka po sanang sumubaybay sa mga aral na sinasampalatayanan ng Iglesia Ni Cristo. maari po kayong pumasyal sa pinaka malapit na local sa inyong lugar para po lalong masagot ang inyo pang ilang mga katanungan.
hindi po ba yun din po ay katulad ng ginawa ng mga phariseo na lumalaban kay Jesus?
Deleteyan po ang pinakanakakalitong verse ng Bible, ang unforgivable sin na sinabing pamumusong. ang sabi po kasi ng iba yan po ay pagrerebelde sa Panginoong jesus at wala ng balak magbalik loob sa Diyos at kay Jesus. May mga tao din po kasi sobrang iniisip yan at nababaliw.
DeleteHindi po lahat ng kaanib ninyo ay sumusunod di po ba?
ReplyDeleteMarami po ang tinawag ngunit iilan lng ang pinili... Totoo po ang sinabi mo hnd lht sumusunod... Kya mayroon po kming paglilinis...
DeleteMarami po ang tinawag ngunit iilan lng ang pinili... Totoo po ang sinabi mo hnd lht sumusunod... Kya mayroon po kming paglilinis...
DeleteLeviticus 17:13 "And any man of the children of Israel, or of the strangers that sojourn among them, who takes in hunting any animal or bird that may be eaten; he shall pour out its blood and cover it with earth. "
ReplyDeletebakit po yung mga salitang hinango sa bibliya ay may mga salitang nabago? para saan?
ReplyDeleteyung bone marrow po ba kasama sa mga hindi puwedeng kainin?
ReplyDeleteHindi lang Po dugo ang ipinagbabawal na kainin kahit ang mga karumaldumal na hayop o maruming hayop ay huwag kakainin see Leviticus,at sa new testament walang inutos na pede na kainin ang mga ito.
ReplyDelete