TUNAY NA LINGKOD

Saturday, July 13, 2013

Isaias 9:6 Si Crsito po ba ang MAKAPANGYARIHANG DIOS, WALANG HANGGANG AMA?



Isaias 9:6  “Sapagka't sa atin ay IPINANGANAK ANG ISANG BATA, sa atin ay ibinigay ang isang ANAK NA LALAKE; at ang pamamahala ay maaatang sa kaniyang balikat: at ANG KANIYANG PANGALAN AY TATAWAGING Kamanghamangha, Tagapayo, MAKAPANGYARIHANG DIOS, WALANG HANGGANG AMA, Pangulo ng Kapayapaan.”

Walang mababasa sa Biblia na ang BATA ang MAKAPANGYARIHANG DIYOS o siya angWALANG HANGGANG AMA.

Ang sabi sa talata:

ANG KANIYANG PANGALAN AY TATAWAGIN

hindi sinabing:

ANG BATA AY TATAWAGING MAKAPANGYARIHANG DIYOS… o kaya ay

ANG BATA AY ANG MAKAPANGYARIHAN DIYOS, WALANG HANGGANG AMA, ETC.

Dahil imposible na ang MAKAPANGYARIHAN DIYOS ay ipanganak ng isang tao at lumabas sa daigdig bilang isang BATA. Ganito sabi ng Biblia:

Bilang 23:19  “ANG DIOS AY HINDI TAO na magsisinungaling, NI ANAK NG TAO na magsisisi; Sinabi ba niya, at hindi niya gagawin? O sinalita ba niya, at hindi niya isasagawa?”

Niliwanag ng Biblia na ang Diyos ay HINDI TAO, NI ANAK NG TAO. Kaya kung ipipilit na ang talagang Diyos ang BATA na IPINANGANAK na binabanggit sa Isaias 9:6, ay napakaliwanag na KOKONTRAHIN noon ang talatang iyan.

Kaya nga atin na ngayong natitiyak ngayon pa lang na ang salitang MAKAPANGYARIHANG DIYOS at iba pa, ay hindi talaga tumutukoy sa bata. Dahil ang TUNAY NA DIYOS ay hindi ipinanganganak at hindi maaaring maging ANAK NG TAO.

Kaya nga dahil sa ang banggit ay:

ANG KANIYANG PANGALAN AY TATAWAGIN

Samakatuwid ang mga salitang: KAMANGHAMANGHA, TAGAPAYO, MAKAPANGYARIHANG DIOS, WALANG HANGGANG AMA, PANGULO NG KAPAYAPAAN.” Ay hindi tumutukoy sa bata kundi sa kaniyang PANGALAN, maliwanag kung gayon na ang PANGALAN na ipantatawag sa bata ay ang may LITERAL MEANING o ang siyang may katumbas ng mga salitang nabanggit at hindi ang mismong bata ang tinutukoy ng mga salitang ito.

Ano ang PANGALANG ito?

Ating tunghayan sa isang salin ng Biblia na inilathala ng mga JUDIO:

Isaiah 9:6 “For a child is born unto us, a son is given unto us; and the government is upon his shoulder; and his name is called PELE-JOEZ-EL-GIBBOR-ABI-AD-SAR-SHALOM; [The Jewish Publication Society, 1917 ]

Sa Filipino:

Isaias 9:6 “Sa atin ay ipinanganak ang isang bata, isang anak na lalake ay ibinigay sa atin; at ang pamamahala ay nasasa kaniyang balikat; at ang kaniyang pangalan ay tatawaging PELE- JOEZ-EL-GIBBOR-ABI-AD-SAR-SHALOM”

Ang pangalang PELE- JOEZ-EL-GIBBOR-ABI-AD-SAR-SHALOMay isa sa mga PANGALAN ng Panginoong JESUS o iyong tinatawag sa English na THEOPHORIC NAME.

Ano ba ang ibig sabihin ng salitang THEOPHORY?

"Theophory[1] refers to the practice of embedding the name of a god or a deity in, usually, a proper name. Much Hebrew theophory occurs in the Bible, particularly in the Old Testament..."


Ang THEOPHORY ay ang paglalagay ng PANGALAN ng Diyos sa PANGALAN na itinatawag sa TAO.

Dahil may mga PANGALAN sa Biblia na nagtataglay ng PANGALAN ng Diyos, Mga halimbawa:


Ezrael – Help of God

GabrielGavriel – Man of GodGod has shown Himself MightyHero of God or Strong one of God

Gaghiel – Roaring Beast of God

Gamaliel – Reward of God

Hamaliel – Grace of God

Hanael – Glory of God

Immanuel – God with us

Imriel – Eloquence of God

Iruel – Fear of God

Ishmael, Ishamael – Heard by GodNamed by God, or God Hearkens

Yisrael – Struggles with God or Prince of God

Elijah (Elias) – Whose God is JahGod JahThe Strong[dubious – discuss] JahGod of JahMy God is Jah. Reference to the meaning of both (Eli)-(Jah)

Isaiah – Salvation of Yahweh

Jeremiah – "Raised by YahwehYahweh exalts"Yahweh Appointed""Yahweh's Chosen"

Jeshaiah – Salvation of Yahweh

Ang mismong PANGALAN ni JESUS:

Yehoshua (JoshuaJesus) – Yahweh savesYahweh is SavourYahweh is my Salvation


Kaya nga ang banggit ay ANG KANIYANG PANGALAN at hindi sinabi na ANG KANIYANG MGA PANGALAN, dahil ang PELE-JOEZ-EL-GIBBOR-ABI-AD-SAR-SHALOM,ay ISANG MAHABANG PANGALAN LAMANG, wala itong tuldok ni kuwit sa pagitan.

Kaya isang pagkakamali ang naggawa ng mga nagsipagsalin ng Biblia na isalin ang LITERAL na KAHULUGAN nito sa wikang ENGLISH at iba pa. Tama ang ginawa ng mga Judio na pinanatili ang Orihinal nitong anyo sa Wikang Hebreo. Dahil sa ito ay ISANG PANGALAN, at hindi ISANG PANGUNGUSAP.

Ang PELE-JOEZ-EL-GIBBOR-ABI-AD-SAR-SHALOM ay Isang THEOPHORIC NAME na ipinantatawag kay JESUS, tulad ng kaniyang isa pang THEOPHORIC NAME naEMMANUEL, na may LITERAL MEANING na “SUMASAATIN ANG DIYOS”.

Pero hindi nangangahulugan na si Cristo ang Diyos na sumaatin, kundi kahulugan lamang ng kaniyang PANGALAN iyon,  Sapagkat niliwanag ni Cristo iyan:

Juan 8:28-29  “Sinabi nga ni Jesus, Kung maitaas na ninyo ang Anak ng tao, saka ninyo makikilala na ako nga ang Cristo, at WALA AKONG GINAGAWA SA AKING SARILI, KUNDI SINALITA KO ANG MGA BAGAY NA ITO, AYON SA ITINURO SA AKIN NG AMA. AT ANG NAGSUGO SA AKIN AY SUMASA AKIN; hindi niya ako binayaang nagiisa; SAPAGKA'T GINAGAWA KONG LAGI ANG MGA BAGAY NA SA KANIYA'Y NAKALULUGOD.”

Maliwanag kung gayon na ang DIYOS na SUMAATIN ay hindi si Cristo kundi ang AMA na NAGSUGO sa KANIYA.

Kaya nga hindi komo ganun na ang kahulugan ng isang PANGALAN ang ibig sabihin noon ay iyon na rin ang kalagayan nung tinatawag sa PANGALANG iyon.

Kumuha pa tayo ng isa pang halimbawa:

Isaias 8:1  “At sinabi ng Panginoon sa akin, Kumuha ka ng malapad na tabla, at sulatan mo ng panulat ng tao, Kay MAHER-SALALHASH-BAZ;”

Kung isasalin ang MAHER-SALALHASH-BAZ sa English ay MAKE HASTE TO PLUNDER, na sa TAGALOG ay, MAGMADALI UPANG MAKAPANGULIMBAT o MAKAPAGNAKAW.

Kung ating uunawain iyan gaya ng kanilang pagintindi sa ISAIAS 9:6 na dahil sa iyan ang meaning nung pangalan ng ANAK ni ISAIAS hindi ba lalabas niyan na ang ANAK ni Isaias ay isang MAGNANAKAW?

Lagi po nating TATANDAAN na iba ang KAHULUGAN ng PANGALAN sa KALAGAYAN ng taong PINATUTUNGKULAN.

Halimbawa ang pangalan mo ay REX,  ang ibig sabihin niyan ay HARI, Ibig bang sabihin niyan ay Hari ka talaga?

Ang Pangalan mo halimbawa ay ROSARIO na ang ibig sabihin ay BULAKLAK SA ILOG, Ibig bang sabihin noon hindi ka tao at isa kang bulaklak na nasa ilog?

Ganiyan lang naman kasimple unawain iyan eh, nilalabo lamang nila, dahil sa mali nilang pagkaunawa sa ISAIAS 9:6.

Kaya nga pakakatandaan natin na ang PELE-JOEZ-EL-GIBBOR-ABI-AD-SAR-SHALOM ay isang PANGALAN lamang [Theophoric Name] na may kahulugan na:  “KAMANGHAMANGHA, TAGAPAYO, MAKAPANGYARIHANG DIOS, WALANG HANGGANG AMA, PANGULO NG KAPAYAPAAN”.  

Hindi nangangahulugan na kung ano ang ibig sabihin ng PANGALAN ay iyon na rin ang talagang KALAGAYAN ng pinatutungkulan.

Bukod doon niliwanag ng Diyos sa aklat din ni Isaias kung ano ba talaga kalagayan ni Cristo:

Isaias 53:3  “SIYA'Y HINAMAK AT ITINAKUWIL NG MGA TAO; ISANG TAONG SA KAPANGLAWAN, AT BIHASA SA KARAMDAMAN: at gaya ng isa na pinagkublihan ng kanilang mukha ng mga tao, na siya'y hinamak, at hindi natin hinalagahan siya.”

Niliwanag ng Diyos na si Cristo ay:  “ISANG TAONG SA KAPANGLAWAN” Kaya maliwanag na siya ay TAO at ang Diyos mismo ang nagpatunay sa pamamagitan din ni Isaias.

Ano ang katibayan na si Cristo nga ang tinutukoy?

1 Pedro 2:23  “NA, NANG SIYA'Y ALIPUSTAIN, AY HINDI GUMANTI NG PAGALIPUSTA; nang siya'y magbata, ay hindi nagbala; kundi ipinagkatiwala ang kaniyang sarili doon sa humahatol ng matuwid:”

1 Pedro 2:24 “Na siya rin ang nagdala ng ating mga kasalanan sa kaniyang katawan sa ibabaw ng kahoy, upang pagkamatay natin sa mga kasalanan, ay mangabuhay tayo sa katuwiran; na DAHIL SA KANIYANG MGA SUGAT AY NANGAGSIGALING KAYO.”

Kaya nga kung ipipilit na Diyos si Cristo sa Isaias 9:6, ay KOKONTRAHIN nito ang sinabi ng Diyos sa Isaias 53:3 na si Cristo ay TAO.


Maliwanag kung gayon na nagkamali lamang sila ng pagkaunawa sa nasabing talata, na lagi naman nilang ginagawa mapatunayan lang na totoo ang kanilang baluktot na paniniwala na si CRISTO ay TUNAY NA DIYOS.

5 comments:

  1. Ang mga pananalita sa bibliya ay matalinghaga at madalas symbolical. Kaya ang salitang pagtupok o paglipol sa apoy ay katumbas ng lubos na pagkapuksa o di na muling pag-iral... Katulad ng panalita sa bibliya na: Sa panahon ng pag-ani ay ihihiwalay ang trigo sa damo at ang damo ay susunugin... Ibig sabihin ng trigo ay ang mabubuting tao o lingkod ng Diyos samantalang ang damo ay mga masasama o balakyot at ang apoy ay kumakatawan sa pagkapuksa... Yan ang parusa/paglipol sa isang masamang tao, bagay o ng isang grupo o organisasyon ang pagkapuksa o di na muling pag-iral... Na binabanggit sa mga talata ng bibliya ay "Lilipulin sa Apoy"... Kung tungkol sa sakit, hapdi o kirot na dadanasin sa apoy ay wala ng mararamdaman pa ang makasalanang namatay na... Kundi, wala ng ikikirot pa sa hindi na mabibigyan ng pagkakataon para umiral muli o mabuhay. Samakatuwid baga'y ang kirot o hapdi sa pamamagitan ng apoy ay ang ikalawang kamatayan o ng hindi na muling pag-iral pang muli. Ang hapdi o kirot ay ginagamit din bilang sagisag. Kasuwato ito ng mga konteksto sa (MATEO 13: 24-30) (MATEO 13: 36-40) (GAWA 2:24) (AWIT 97:4) (AWIT 77:16) (AWIT 114:7)

    ReplyDelete
    Replies
    1. PALIWANAG: Ang salitang Hebreo na ginamit sa Kasulatan na [chai·yimʹ], at ang salitang Griego ay [zo·eʹ]. Ang salitang Hebreo na [neʹphesh] at ang salitang Griego na [psy·kheʹ], kapuwa nangangahulugang “KALULUWA,” ay ginagamit din upang tumukoy sa "BUHAY", hindi sa diwang abstrakto, kundi sa buhay bilang isang persona o hayop.

      Nagkakatalo lang sa interpretasyon ang ibang relihiyon na ang lahat ng tao kapag namatay daw ay may "ESPIRITU [greek: pneuʹma] [hebrew: ruʹach] daw na hihiwalay sa katawan ng tao... Ang sabi sa talata sa bible na ang taong namatay ay walang alam o sa ibang talata ay natutulog -ECLESIASTES 9:5; AWIT 146:4; EFESO 5:14... Kasuwato lang na ang hihiwalay sa katawan ng isang tao na namayapa na ay ang kanyang mismong "BUHAY". Kung may mga taong hihiwalay ang espiritu pagkatapos mamatay ay sila yun mga makakasama ni Kristo sa langit at sila ay binili at may takdang bilang na 144,000 ang maliit na kawan (APOCALIPSIS 7: 4) (APOCALIPSIS 14: 3).

      Samantalang ang malaking kawan o malaking pulutong ay kailangan ding iligtas o isama sa kaharian at sila naman ang magmamana sa lupa -APOCALIPSIS 7: 9... Ang tinutukoy sa bibliya na "Ang malaking pulutong o kawan" na sinabi ni Kristo na kailangan din niyang dalhin sa kanyang kaharian ay kailangan natin dito ng logical na interpretasyon... Hindi ba't ang kaharian ng Diyos ay binanggit sa panalangin na gawin ang kanyang kalooban kung paano sa LANGIT, gayon din naman sa LUPA (MATEO 6: 10)... At magkakagayon nga na darating ang araw na iyon na ang lahat ng kalooban ng Diyos ay mangyayari sa LANGIT at maging sa LUPA... Patungkol naman sa "BAGONG LANGIT" at sa "BAGONG LUPA" ay hindi literal na panibagong paglalang na naman ng Diyos na parang sa una na naganap sa genisis o noong bago niya lalangin sa pasimula ang langit at lupa, kailangan dito ng lohikal at tamang interpretasyon... Na ang ibig sabihin lamang ng makasimbulong pananalitang iyan sa apocalipsis ay:
      BAGONG LANGIT = Bagong kaayusan na magaganap sa langit...Bakit? Dahil kapag ganap ng buo ang bilang ng mga binili na 144,000 mga makakasama ni Kristo sa kaharian sa langit bilang mga saserdote ng Diyos (1 TESALONICA 4:17). Bakit sila lang ang binili at hindi lahat ng mabubuti?... Dahil may takdang bilang ang binili na mga magiging saserdote ng Diyos. Kahit naman noon nasa lupa si Kristo ay 13 lang ang apostol at iyon ay ayon sa napili niya...

      Delete
    2. BAGONG LUPA = Bagong kaayusan sa lupa. Ito ay bagong gobyerno at bagong pamamahala na pinaghaharian ni Kristo at ng munting kawan. Sa panahong darating na maghahari na sa lupa si Kristo kasama ng mga saserdote ng Diyos "Ang Munting Kawan". Dahil sa langit pa lamang naghahari si Jesus simula noong 1914 ayon na rin sa katuparan ng mga hula ng banal na kasulatan (MATEO 24:7)... Kapag dumating ang panahon na kumpleto na ang bilang ng binili (Fast tence kasi yun binanggit na talata sa APOCALIPSIS 5: 9-10 na "BINILI" pero ito ay isang pangitain kaya madami pang hindi nagaganap doon o mangyayari pa lamang sa hinaharap, sinabi na "BINILI" dahil naihula na ng propeta sa pasimula). Bakit di pa kumpleto? DAHIL SA PAGTALIKOD NG ISRAEL SA DIYOS at di pa ganap na natatapos ang pagpili o sa pagbili sa mga kabilang sa 144,000 (DANIEL 9:11)(DANIEL 4: 23-26). Bagaman sinabi ng bibliya na bibilhin ang 144,000 sa tribu ni Abraham ay di ibig sabihin natapos na iyon noong panahong iyon... Maagang tumalikod ang Israel at may yugto ng panahon na walang tunay na kristiyano o tunay na lingkod ang Diyos... Ngunit ang tribu ni Abraham ay nagpatuloy ng lahi (kasama tayo)... Kaya ang pagbili sa bahagi ng 144,000 mula sa Israel sa tribu ni Abraham ay nagpapatuloy hanggang sa ngayon dahil ito ay para sa Diyos mula sa bawat tribo at wika at bayan at bansa (APOCALIPSIS 5: 9 at 10). Kaya ang pagbili ay hindi nagtatapos sa bansang Israel lamang... Opo, dahil ang tunay na sangkakristiyanuhan ay muling nabuhay sa panahon ng tinatawag na "Mga Huling Araw" na nagsimula noong taong 1914 (MATEO 24:7)..
      May natitira pa na buhay sa bilang ng kabuuan ng 144,000 hanggang sa pagsapit ng tinatawag sa bibliya na "Armagedon" (APOCALIPSIS 16:16)... Pagsapit ng armagedon ang mga nalalabi sa 144,000 ay aagawin sa alapaap (1 TESALONICA 4:17)... Ang pagiging hindi pa ganap na kompleto ng 144,000 ay
      kasuwato ng konteksto sa 2 PEDRO 3: 13-- "Ngunit may MGA BAGONG LANGIT at ISANG BAGONG LUPA na ating HINIHINTAY ayon sa kaniyang PANGAKO, at sa mga ito ay tatahan ang katuwiran". Ang "MGA BAGONG LANGIT" ay maaring tumukoy din mismo sa "MUNTING KAWAN" at gayundin naman sa "MALAKING PULUTONG" ay maaring tumukoy sa "BAGONG LUPA".

      Dapat na malaman ng iba na ang pinaghaharian ng Diyos ay pambuong sansinukob, na nakapaloob dito ang "Langit" at ang "Lupa" kaya samakatuwid baga'y iyan ang kaharian na tinutukoy sa panalangin sa "MATEO 6: 9 at 10".⤵

      Delete

    3. "9. Manalangin kayo, kung gayon, sa ganitong paraan:“ ‘Ama namin na nasa langit, pakabanalin nawa ang iyong pangalan
      ("יַהְוֶה ").

      10. Dumating nawa ang iyong KAHARIAN. Mangyari nawa ang iyong kalooban, kung paano sa LANGIT, gayundin sa LUPA".

      Delete
  2. Indi nmn mhirap unawain bsta bnigyan ka ng ama ng pang unawa ngi2ng matalinghaga lng pg ayaw tanggapin ang kato2hanan at mgbi2gay ng ibang conclusion oh maling interpretasyon ..

    ReplyDelete