TUNAY NA LINGKOD

Wednesday, July 31, 2013

Ligtas ba ang hindi narating o naabot ng Iglesia ni Cristo?


  
Maraming itinatanong ang mga nakarinig sa pagtuturong ang pag-anib sa Iglesia ni Cristo ang kaparaanan ni Cristo upang iligtas ang tao sa parusa pagdating ng Araw ng Paghuhukom.  Ang ilan sa mga ito ay ang mga sumusunod:

-         Paano maliligtas ang nasa mga bansa at mga bayang hindi pa naaabot o nararating ng pangangaral ng Iglesia ni Cristo lalo na ang nabuhay at namatay noong wala pa ito?
-         Hindi ba maliligtas ang mababait  at matutulunging tao na hindi kaanib sa Iglesia ni Cristo?
-         Hindi ba mangangahulugang may pagtatangi ang Diyos kung ang mga kaanib lamang sa Iglesia ni Cristo ang malilitas?

     Sa pamamagitan ng mga katotohanang nakasulat sa Biblia ay sasagutin natin ang mga tanong na ito.

Paano maliligtas ang hindi narating o naabot ng
Iglesia ni Cristo?
     Sapagka't ang lahat ng nangagkasala ng walang kautusan ay mangapapahamak din naman ng walang kautusan: at ang lahat na nangagkasala sa ilalim ng kautusan ay sa kautusan din sila hahatulan. (Roma 2:12)

     Ang nagkasala ng walang kautusan ay mapapahamak ng walang kautusan.  Kaya, hahatulan din ang mga taong hindi inabot ng kautusan o ng salita ng Diyos dahil sila ay nagkasala rin.  Ano ang gagamiting batayan ng paghatol sa kanila?

     “(Sapagka't kung ang mga Gentil na walang kautusan sa katutubo, ay nagsisigawa ng mga bagay ng kautusan, ang mga ito, na walang kautusan, ay siyang kautusan sa kanilang sarili;

     “Na nangagtatanyag ng gawa ng kautusang nasusulat sa kanilang puso, na pinatotohanan ito pati ng kanilang budhi, at ang kanilang mga pagiisip ay nangagsusumbungan o nangagdadahilanan sa isa't isa).” (Roma 2:14-15)

     Ang hindi inabot o hindi narating ng pangangaral ng ebanghelyo ay hahatulan sa pamamagitan ng kautusang nasusulat sa kanilang puso.  Ano ang katunayang may mga kautusang nasusulat sa kanilang puso?  Pinatotohanan ito ng kanilang budhi.  Kaya kahit hindi sila narating ng pangangaral ng mga salita ng Diyos ay alam nila ang mabuti at masama.  Ano ang katunayan nito?  Alam sa lahat halos ng bansa at kultura na masama ang pumatay ng kapuwa tao at ang magnakaw.  Bakit tiyak na hahatulan ng Diyos ang taong hinahatulan o inuusig ng kaniyang budhi?  Ganito ang itinuro ni Apostol Juan:

     “Sapagka't kung hinahatulan tayo ng ating puso, ang Dios ay lalong dakila kay sa ating puso, at nalalaman niya ang lahat ng mga bagay.” (I Juan 3:20)

     Kung ang isang tao ay hinahatulan mismo ng kaniyang puso dahil sa kasalanan niyang nagawa, lalong hahatulan siya ng Diyos na nakaaalam ng lahat ng bagay.  Ang Diyos din ang hahatol sa mga hindi inabot o hindi nakarinig ng aral tungkol sa Iglesia ni Cristo.  Subalit ang mga taong nakarinig o inabot ng pangangaral na ito at nalamang kailangan ang Iglesia ni Cristo sa kaligtasan ay nananagot na tuparin ang ipinagagawa ng Diyos (I Cor. 5:12-13)New Pilipino Version).

     Ang saligan ng pagliligtas sa tao ay hindi ang kuru-kuro ng tao kundi ang katuwiran ng Diyos.  Ang naghahayag nito ay ang ebanghelyo:

     “Sapagka't hindi ko ikinahihiya ang evangelio: sapagka't siyang kapangyarihan ng Dios sa ikaliligtas ng bawa't sumasampalataya; una'y sa Judio, at gayon din sa Griego.

Sapagka't dito ang katuwiran ng Dios ay nahahayag mula sa pananampalataya hanggang sa pananampalataya: gaya ng nasusulat, Nguni't ang ganap ay mabubuhay sa pamamagitan ng pananampalataya.” (Roma 1:16-17)

     Sa Araw ng paghuhukom, ang mga taong inabot ng pangangaral ng ebanghelyo ay hahatulan sa pamamagitan ng ebanghelyo:

    “Sa araw na hahatulan ng Dios ang mga lihim ng mga tao,ayon sa aking evangelio, sa pamamagitan ni Jesucristo.”(Roma 2:16)

     Ano ang tiyak na pasiya ng Diyos sa lahat ng inabot ng Ebanghelyo subalit hindi sumunod dito?

     “Na maghihiganti sa hindi nagsisikilala sa Dios, at sa kanila na hindi nagsisitalima sa evangelio ng ating Panginoong Jesus:

Na siyang tatanggap ng kaparusahan, na walang hanggang kapahamakang mula sa harapan ng Panginoon at mula sa kaluwalhatian ng kaniyang kapangyarihan.” (II Tes. 1:8-9)

     Parurusahan ang lahat ng inabot ng ebanghelyo ngunit hindi sumunod dito, kahit pa naglingkod sila sa Diyos at nilakipan pa ito ng mga pagmamalasakit na hindi naaayon sa katuwiran ng Diyos:

     “Sapagka't sila'y pinatotohanan ko na may mga pagmamalasakit sa Dios, datapuwa't hindi ayon sa pagkakilala.
    
     “Sapagka't sa hindi nila pagkaalam ng katuwiran ng Dios, at sa pagsusumakit na maitayo ang sariling kanila, ay hindi sila napasakop sa katuwiran ng Dios.” (Roma 10:2-3)

     Kung gayon, makatarungang hahatulan ng Diyos ang lahat ng tao.  Ang hindi kailanman nakaalam na may Iglesia ni Cristo ay hahatulan ng Diyos sa pamamagitan ng kautusang nasusulat sa kanilang puso.  Samantala, para sa mga taong inabot ng pangangaral ng ebanghelyo ay ebanghelyo ang gagamiting batayan sa paghatol sa kanila.  Ang nakarinig ng ebanghelyo na hindi sumunod dito ay tiyak na parurusahan.

Paano ang mababait at matutulunging hindi Iglesia ni Cristo?
    
Kailangan ang pagiging mabait, matulungin, at mapagmalasakit, ngunit ang mga ito ay hindi saligan sa ikaliligtas ng tao, kundi ang batas o katuwiran ng Diyos na nasa ebanghelyo:

     “Sapagka't nasusulat, Iwawalat ko ang karunungan ng marurunong, At isasawala ko ang kabaitan ng mababait.”(I Cor. 1:19)

     Napatunayan na sa pangyayari noong panahon ng mga apostol na bagaman mahalaga ang mabubuting gawa ay hindi naman ito ang batayan sa kaligtasan.  Ganito ang tala ng Biblia:

     “ At may isang lalake nga sa Cesarea, na nagngangalang Cornelio, senturion ng pulutong na tinatawag na pulutong Italiano.
     “Isang taong masipag sa kabanalan at matatakutin sa Dios siya at ang buong sangbahayan at naglimos ng marami sa mga tao, at laging nananalangin sa Dios.  

     “Nakita niyang maliwanag, sa isang pangitain, nang may oras na ikasiyam ng araw, na pumapasok na patungo sa kaniya ang isang anghel ng Dios, at nagsasabi sa kaniya, Cornelio.

     “At siya, sa pagtitig niya sa kaniya, at sa pagkatakot niya, ay nagsabi, Ano ito, Panginoon? At sinabi niya sa kaniya, Ang mga panalangin mo at ang iyong mga paglilimos ay nangapailanglang na isang alaala sa harapan ng Dios.

     “At ngayo'y magsugo ka ng mga tao sa Joppe, at ipagsama mo yaong Simon, na may pamagat na Pedro.”(Gawa 10:1-5)

     Pansinin na si Cornelio ay may mabubuting katangian; siya at maging ang kaniyang buong sambahayan ay masipag sa kabanalan at matatakutin sa Diyos tulad din ng maraming tao ngayon.  Naglilimos siya sa mga tao at mapanalanginin pa.  Subalit bakit hindi sinabi ng anghel ng Diyos kay Cornelio na “sapat na ang iyong mga panalangin at mga paglilimos upang tanggapin ka ng Diyos”?  Bakit inutusan pa siyang ipatawag si Apostol Pedro?  Ano pa ang kulang kay Cornelio gayong taglay niya ang maaraming katangian upang siya ay makapasok sa kaharian ng langit?

     “Magsugo ka nga sa Joppe, at ipatawag mo si Simon, na pinamagatang Pedro; siya'y nanunuluyan sa bahay ni Simong mangluluto ng balat, na nasa tabi ng dagat.

     “Pagdaka nga'y nagsugo ako sa iyo; at mabuti ang ginawa mo't naparito ka. Ngayon nga'y kaming lahat ay nangaririto sa paningin ng Dios, upang dinggin ang lahat ng mga bagay na sa iyo'y ipinagutos ng Panginoon.” (Gawa 10:32-33)

     Si Apostol Pedro ay isa sa mga sugo ng Diyos.  Nasa kaniya ang mga katotohanang kailangang marinig, sampalatayanan, at sundin ni Cornelio.  Sa sinugo pinaugnay si Cornelio upang matanggap niya ang tunay na aral at tanggapin siya ng Diyos.  Ang katunayang tinanggap na ng Diyos si Cornelio ay noong bumaba ang Espiritu Santo sa kanila:

     “Samantalang nagsasalita pa si Pedro ng mga salitang ito, ay bumaba ang Espiritu Santo sa lahat ng nangakikinig ng salita.

     “Sapagka't nangarinig nilang nangagsasalita ang mga ito ng mga wika, at nangagpupuri sa Dios. Nang magkagayo'y sumagot si Pedro,

     “Mangyayari bagang hadlangan ng sinoman ang tubig, upang huwag mangabautismuhan itong mga nagsitanggap ng Espiritu Santo na gaya naman natin?

     “At inutusan niya sila na magsipagbautismo sa pangalan ni Jesucristo. Nang magkagayo'y kanilang ipinamanhik sa kaniya na matirang mga ilang araw.” (Gawa 10:44, 46-48)

     Samakatuwid, kailangang maugnay muna ang tao at maaralan ng sugo ng Diyos bago siya tanggapin ng Diyos.  Ang sugo ang may tanging karapatan na mangaral ng ebanghelyo upang maunawaan ng tao ang katuwiran ng Diyos sa pagliligtas (Roma 10:15).

Wala bang pagtatangi ang Diyos?

     “At binuka ni Pedro ang kaniyang bibig, at sinabi, Tunay ngang natatalastas ko na hindi nagtatangi ang Dios ng mga tao.” (Gawa 10:34)

     Hindi kailanman nagtatangi ang Diyos.  Kung gayon, bakit may maliligtas at may mapapahamak?  Ang lahat ng tao ay nagkasala, at dahil dito, ang lahat ay nahatulang mamatay (Roma 5:12; 6:23) at maparusahan sa dagat-dagatang apoy sa Araw ng panghuhukom (Apoc. 20:14; II Ped. 3:7, 10).  Dahil dito, ang Diyos ay nagtakda ng wastong paraan ng pagliligtas.  Ang paraang ito ang siyang dapat sundin ng sinumang ibig maligtas.

     May tuntunin ang Diyos sa wastong paraan ng pagkilala at pag-ibig na dapat gawin ng tao:

     “At sa ganito'y nalalaman natin na siya'y ating nakikilala,kung tinutupad natin ang kaniyang mga utos.” (I Juan 2:3)

     Napakahalaga ng pagsunod sa utos ng Diyos.  Ang taong ayaw pasakop sa tuntuning ito, kahit nagsasabing siya’y kumikilala sa Diyos, ay sinungaling at ang katotohanan ay wala sa kaniya:

     “Ang nagsasabing, Nakikilala ko siya, at hindi tumutupad ng kaniyang mga utos, ay sinungaling, at ang katotohanan ay wala sa kaniya.” (I Juan 2:4)

     Ang pagtalima sa utos ng Diyos ang siyang kahayagan ng pag-ibig sa Kaniya:

     “Sapagka't ito ang pagibig sa Dios, na ating tuparin ang kaniyang mga utos: at ang kaniyang mga utos ay hindi mabibigat.” (I Juan 5:3)

     Ang isa sa mga utos ng Diyos na dapat tuparin ng tao ay yaong ipinahayag ng Panginoong Jesus:

     “Ako ang pintuan; sinumang pumasok sa kawan sa pamamagitan ko ay magiging ligtas.” (Juan 10:9, Revised English Bible, isinalin mula sa Ingles)

  Ang kawan ay ang Iglesia ni Cristo:

  “Ingatan ninyo kung gayon ang inyong mga sarili at ang buong kawan na rito’y hinirang kayo ng Espiritu Santo na mga katiwala, upang pakanin ang iglesia ni Cristo na binili niya ng kaniyang dugo.” (Gawa 20:28, Lamsa Translation, isinalin mula sa Ingles)

     Ang lahat ay inaanyayahan ng ating Panginoong Jesucristo.  Kaya, walang itinatanging tao.  Ngunit may tiyak na ipinagagawa sa ibig maligtas—pumasok sa kawan sa pamamagitan ni Cristo o umanib sa Iglesia ni Cristo.

     Kung hindi susundin ng tao ang ipinagagawa sa kaniya ng Tagapaligtas ay wala na siyang dapat sisihin kundi ang kaniyang sarili kung hindi siya maligtas:

     “ Kung hindi sana ako naparito at nagsalita sa kanila, ay hindi sila magkakaroon ng kasalanan: datapuwa't ngayo'y wala na silang madadahilan sa kanilang kasalanan.” (Juan 15:22)



Saturday, July 27, 2013

Ang May Bilang na SIX HUNDRED SIXTY SIX (666)


Kaiba ang pamamaraan ng DIYOS kapag siya ay HUMUHULA o nagbibigay nang kaniyang PAUNANG PAHAYAG o nagsasabi ng mga bagay na mangyayari sa hinaharap. Dahil ang kaniyang mga PROPESIYA o HULA ay hindi gaya ng ginagawa ng iba na kung tawagin ay PREDICTIONS o GUESSING na kadalasan ay nagkakataon lamang at hindi naman talaga natutumbok kung alin talaga ang kinatuparan. Ang PROPESIYA ng PANGINOONG DIYOS ay may ispesipikong katuparan, ibig sabihin kung sino lamang talaga ang partikular na tinutukoy sa HULA ay sa kaniya lamang ito maaaring matupad.

Ang isa sa mga HULA o PROPESIYA na lalong naghayag ng NAPAKADAKILANG KARUNUNGAN ng Diyos ay ang sinasabi sa APOCALYPSIS 13:18, tungkol sa isang TAO na may PANGALAN na may BILANG NA ANIM NA RAAN AT ANIM NA PU’T ANIM o 666, hindi TATLONG ANIM NA PINAGTABI-TABI iyan, na binibigkas ng iba na “SIX-SIX-SIX”, dahil ang talagang sinasabi ng BIBLIA iyan ay SIX HUNDRED SIXTY SIX. Gaya ng mababasa sa ibaba:

Apocalypsis 13:17 “At nang huwag makabili o makapagbili ang sinoman, kundi siyang mayroong tanda, sa makatuwid ay ng PANGALAN NG HAYOP o BILANG NG KANIYANG PANGALAN.”

Apocalypsis 13:18
“Dito'y MAY KARUNUNGAN. Ang MAY PAGKAUNAWA AY BILANGIN ANG BILANG NG HAYOP; SAPAGKA'T SIYANG BILANG NG ISANG TAO: at ang kaniyang bilang ay ANIM NA RAAN AT ANIM NA PU'T ANIM.” 


Maliwanag sa sinasabi sa HULA, na MAY ISANG TAO na nagtataglay ng PANGALAN ng HAYOP, at ang PANGALANG ito ay may BILANG o NUMERO na katumbas sa BILANG na ANIM NA RAAN AT ANIM NA PU’T ANIM [666], kung ating BIBILANGIN sa pamamagitan ng ating KARUNUNGAN.

Sa madaling salita ang pangalan ng taong ito kung susumahin o bibilangin ay may katumbas na 666. Dito na ngayon pumasok ang mga manunuligsa sa Iglesia. Nang ituro ng Iglesia ni Cristo kung kanin natupad ang hulang ito, ay sumagot ang mga kumakalaban sa amin at sinabing si Kapatid na Felix Y. Manalo at maging si Kapatid na Eraño G. Manalo daw ang sinasabi sa hula.

Papaano nila ito ipinaliwanag? Ganito:

FELIX   YSAGUN   MANALO
    5               6                 6

Kung ang FELIX daw ay gagamitan ng spelling sa tagalog ito ay magiging PELIKS. tapos magiging ganito:

PELIKS    YSAGUN    MANALO
     6                 6                    6                      =  666

At kung ang pangalan naman daw ng Ka Erdie na:   ERAÑO GUZMAN  MANALO ang gagamitan ng ganun ding pamamaraan:

IRANYO   GUZMAN    MANALO
      6                  6                     6                   =  666

Kaya daw ang kinatuparan ng hula na binabanggit sa Apocalypsis ay ang mag-amang Felix at Eraño Manalo

Hindi maiwasang hindi matawa ng sinomang kapatid sa Iglesia nang kanilang ilabas ang ganitong paliwanag, dahil una ang sabi ng Biblia ay gamitan ng karunungan at katalinuhan. Eh matatawag mo bang matalino ang isang tao na ang tamang spelling ay iminamali?  Hindi lang iyon, ang sabi ba sa Biblia ang 666 ay tatlong na magkakatabi na kung ating susumahin ay 6+6+6 = 18 lang?  Hindi ba ang banggit sa Biblia ay Anim na raan at anim na pu’t animSIX HUNDRED SIXTY SIX iyon at hindi tatlong SIX na pinagtabi-tabi Kitang-kita ebidensiya na ang propesiya o hula ay kanilang hinuhulaan lamang ang kahulugan [hula na hinulaan pa], halatang-halata na kulang sila ng pagkaunawa kaya hindi nila maunawaan ang tunay na kahulugan ng talata.

Tsaka lalabas na sinomang tao sa daigdig na may pangalan na may anim na letra sa first name, anim na letra sa middle name, at anim na letra sa last name ay siyang kinatuparan ng hula. Gaya nito:       

                            ALEXIS  ROMANA MOLINA
                                 6                 6                 6                     =  666

                            ISAIAS CARLOS  GALVEZ
                                  6               6               6                        =  666         
       
Sige nga, hindi ba kung susundan natin ang kanilang pakahulugan ay lalabas na natupad din sa mga taong iyan ang sinasabi sa hula? Halatang gusto lang humanap ng tabla ang mga kumakalaban sa Iglesia ni Cristo, kahit na nakakatawa ang kanilang pamamaraan.  Hindi kasi nila matanggap ang naging kahulugan ng Apocalypsis 13:18,  Kanino ba ito tumutukoy? Sino nga ba ang tao na may pangalan na kung ating susumahin o bibilangin ay may katumbas na Anim na raan at anim na pu’t anim [666]?


May PANGALAN bang may KATUMBAS NA BILANG?

Opo, ang PANGALAN o mga SALITANG:

Ang Titulong “VICARIUS FILII DEI”

Ang PAPA sa Roma ay may titulo na “VICARIUS FILII DEI”, isang salitang Latin na ang ibig sabihin ay KAHALILI NG ANAK NG DIYOS.  Noong unang panahon ang “U” at “V” ay magkatumbas ganun din ang “J” at “I”, kaya nga VICARIUS ay katumbas ng VICARIVS, ang pangalang JESUS naman ay isinusulat noon sa latin na IESVS, kaya nga ang “INRI”ay IESVS·NAZARENVS·REX·IVDÆORVM' [Jesus Nazarenus Rex Judaerum – Jesus na taga Nazaret ang Hari ng mga Judio], mapapansin natin na ang U ay ginamitan ng letrang V.

Tumututol ang iba, ang sabi nila ang sinasabi sa hula ay PANGALAN o NAME at hindi “TITLE” o TITULO nung taong hinuhulaan.  Kaya’t ating linawin iyan,

ano ba ang ibig sabihin ng salitang “TITLE” o TITULO?

“TI'TLE, n. -  An inscription put over any thing as a NAME by which it is known.”
[Webster’s 1828 Dictionary]

Sa Filipino:

“TITULO, n – Isang isinusulat sa anomang bagay bilang PANGALAN na ikakikilala dito.”


Ang TITULO, ayon sa patotoo ng Dictionary ay PANGALAN na ikakikilala sa pinatutungkulan nito, samakatuwid ang VICARIVS FILII DEI ay isang PANGALAN na ipinantatawag sa PAPA

Saan matatagpuan ang PANGALAN o TITULONG ito?

 Sa isang Pahayagang Katoliko na inilathala noong April 18 ,1915 na may pamagat na “OUR SUNDAY VISITOR” sa page 3 ganito ang mababasa:

“What are the letters supposed to be in the Pope’s crown, and what do they signify, if anything?  The letters inscribed in the pope’s mitre are these:  VICARIUS FILII DEI, which is the Latin for Vicar of the Son of God…”[Our Sunday Visitor, Bureau of Information section, page 3, April 18, 1915 Issue]

Sa Filipino:

“Ano ang isinisimbulo ng mga letra na nasa korona ng Papa, kung mayroon man?  Ang mga letrang nakasulat sa mitra ng Papa ay ang mga ito: VICARIUS FILII DEI, na Latin ng Kahalili ng Anak ng Diyos.”



Salitang LATIN na ang ibig sabihin ay “KAHALILI ng ANAK ng DIYOS”

Eh may BILANG ba o NUMERO ang PANGALANG iyan?

Opo, kung gagamitan natin ng KARUNUNGAN sabi sa HULA, mabibilang natin ang BILANG o NUMERO nung PANGALAN.

Kaya gamitan natin ng KARUNUNGAN sa CONVERSION ng ROMAN NUMERALS into HINDU ARABIC NUMBER gaya ng halimbawa sa ibaba dahil ang LATIN LETTERS po ay may KATUMBAS na BILANG o NUMERO:

I = 1
V = 5
X = 10
L = 50
C = 100
D = 500



Lagyan natin ng mga KATUMBAS na NUMERO ang MGA TITIK ng NASABING PANGALAN.

V = 5
I = 1
C = 100
A = 0
R = 0
I = 1
V = 5
S = 0
------------
112

F = 0
I = 1
L = 50
I = 1
I = 1
-----------
53

D = 500
E = 0
I = 1
------------
501

TOTAL : 112
53
501
-------------------
666

Iyan ang PANGALAN na may BILANG na ANIM NA RAAN AT ANIM NA PU’T ANIM [666] na BINABANGGIT sa HULA.

EKSAKTO po, hindi po ba?

Anu pa po ang ilang pangalan o Tawag sa PAPA ng Iglesia Katolika na may bilang na ANIM NA RAAN AT ANIM NA PU’T ANIM [666]?

Ang PAPA ay kilala rin sa TAWAG na “DVX CLERI” o “CAPTAIN of the CLERGY” sa tagalog PINUNO ng KAPARIAN.

Tingnan ninyo ito:

D = 500
V = 5
X = 10
------------
515

C = 100
L = 50
E = 0
R = 0
I = 1
-----------
151

TOTAL:
515
151
--------
666

At eto pa ang isa pang salitang
LATIN na “LVDOVICVS” na sa INGLES ay “VICAR of the COURT” na salitang PANTAWAG din sa PAPA.

L = 50
V = 5
D = 500
O = 0
V = 5
I = 1
C = 100
V = 5
S = 0
-----------
666

sobra naman yatang FAVORITE ng PAPA ang numerong 666...
 

May mga tumututol na nagsasabi na yung letter “V” [VICARIUS imbes na VICARIVS] daw ang dapat ay “U”, kung letter U daw ang gagamitin hindi daw magiging 666 kundi 661 lamang ang total.  Naipalawanag ko na po sa bandang unahan na yung letter U at V ay magkatumbas lamang sa Latin. Atin pong patutunayan iyan sa pamamagitan ng isang napakakilalang example: Napansin niyo ba ang spelling ng POST OFFICE BUILDING sa Maynila? Oh hindi ba iyong salitang BUILDING ay ginawang “BVILDING”? Letter V ang ginamit imbes na Letter U. Kasi nga sa Old Latin ay magkatumbas lamang ang dalawang letrang ito.



Sino ang NAGTATAGLAY ng PANGALANG iyan?

Sino nga ba ang TAONG nagtataglay ng PANGALAN na may BILANG na SIX HUNDRED SIXTY SIX [666] o ng PANGALANG “VICARIVS FILII DEI”

Sasagutin tayo ng ISANG PAHAYAGAN ng SIMBAHANG KATOLIKO:

“What are the LETTERS SUPPOSED TO BE IN THE POPE’S CROWN, and what do they signify, if anything? The letters inscribed in the pope’s mitre are these: VICARIUS FILII DEI, which is the Latin for Vicar of the Son of God…”[Our Sunday Visitor, Bureau of Information section, page 3, April 18, 1915 Issue]

Sa Filipino:

“Ano ang isinisimbulo ng MGA LETRA NA NASA KORONA NG PAPA, kung mayroon man? Ang mga letrang nakasulat sa mitra ng Papa ay ang mga ito: VICARIUS FILII DEI, na Latin ng KAHALILI NG ANAK NG DIYOS.”

Maliwanag ang sagot ng SIMBAHANG KATOLIKO, ang salitang “VICARIVS FILII DEI” na binibigkas bilang “VICARIUS FILII DEI” ay nakasulat sa KORONA ng PAPA ng IGLESIA KATOLIKA.

Paano ang pagkakasulat nito sa kaniyang KORONA?

Ipapaliwanag sa atin ng isa nating kaibigan na kilalang-kilala ng Saksi ji Hehova SI CHARLES TAZE RUSSEL:

“On the POPE’S CROWN in the VATICAN MUSEUM is the recognized and most used title of the pope. VICARIVS FILII DEI (VICAR OF THE SON OF GOD). The word VICARIVS is on the top of the THREEFOLD CROWN. The word FILII on the second circlet; and the words are made from dark, shining precious jewels. The word DEI is on the under part of the threefold crown and is made of 100 diamonds.”
(STUDIES IN THE SCRIPTURES, p. 215 Charles Taze Russel).

Sabi ni  Russel, ang PAPA raw ay may KORONA na kung tawagin ay THREEFOLD CROWN, na ang tawag naman ng SIMBAHAN ay “TIARA” o tatlong MAGKAKAPATONG na KORONA, sa pinaka-itaas o sa KORONA na nasa IBABAW, mababasa ang salitang “VICARIVS”, sa PANGALAWANG KORONA ang salitang “FILII” at sa pangatlo ang salitang “DEI”.

So maliwanag ang tao na NAGTATAGLAY ng PANGALAN na may NUMERO o BILANG na 666, ay walang iba kundi ang PAPA ng IGLESIA KATOLIKA.

Kaya SAKTO po ang sabi ng hula "ISANG TAO" dahil isang tao po talaga ang nagtataglay ng pangalan na may bilang na 666.

Eh baka NAGKATON lang, baka naman TSAMBA lang ito. 

Paano natin matitiyak pang LALO na hindi NAGKATAON lang kundi talagang TUMBOK na TUMBOK na siya talaga ang KINATUPARAN ng HULA?

kunin pa natin ang iba pang DETALYE sa BIBLIA na PALATANDAAN na ang PAPA sa ROMA talaga ang kinatuparan.

Paano pa natin matitiyak na TALAGANG ang kinatuparan ng HULA ay ang PAPA ng IGLESIA KATOLIKA? 

Kung talagang siya ang TINUTUKOY talaga sa HULA, dapat lahat ng DETALYE ng sinasabi sa HULA MATUTUPAD sa kaniya.

Sinasabi sa APOCALYPSIS 13:17-18, na ang PANGALAN ng HAYOP na may bilang na 666, ay PANGALAN ng ISANG TAO, samakatuwid ang TAO na tinutukoy sa HULA ay INIHALINTULAD sa HAYOP. 

KAYA KUNG ANO ANG KATANGIAN NUNG HAYOP, AY IYON DIN ANG KATANGIANG TATAGLAYIN NUNG TAO. 

KAYA ALAMIN NATIN KUNG ANU-ANO ANG MGA KATANGIAN NUNG HAYOP NA PINAGTULARAN DUN SA ISANG TAO NA MAY PANGALAN NA MAY BILANG NA 666.

Sa anong hayop ba ito inihambing at ano ba ang mga katangian nito na lalong magpapatibay sa atin ng tunay na kinatuparan ng hula? 

Kanina ang binasa natin ay verse 17 at 18, itataas lang natin ang basa sa verse 11:

Apocalypsis 13:11 “At nakita ko ang ibang HAYOP na umaahon sa lupa; at may DALAWANG SUNGAY na KATULAD NG SA ISANG KORDERO, at SIYA'Y NAGSASALITANG GAYA NG DRAGON.”

Ibinigay sa atin ang TATLONG KATANGIAN:

1.
“MAY DALAWANG SUNGAY” - Nagtataglay siya ng dalawang sungay:

2.
“KATULAD NG SA ISANG KORDERO” - gagayahin ang kordero

3.
“SIYA’Y NAGSASALITANG GAYA NG DRAGON.” - ang kaniyang sasabihin ay salita o aral ng dragon

Isa-isahin nating ipaliwanag ang mga katangiang ibinigay ng Biblia:

1.
MAY DALAWANG SUNGAY

Ano ba ang ibig sabihin ng “SUNGAY” ano ba isinisimbulo nito?

Amos 6:13 “Kayong nangagagalak sa isang bagay na walang kabuluhan na nangagsasabi; Di baga kami ay nagtaglay para sa amin ng mga SUNGAY sa pamamagitan ng aming sariling KALAKASAN?”

Ang sungay ayon sa Biblia ay KALAKASAN, kaya ang taong tinutukoy na may bilang na 666 na maydalawang sungay ay nagtataglay ng dalawang kalakasan. Ano ba ang ibig sabihin ng Kalakasan, kung ating babasahin sa Bibliang English ay ganito ang nakalagay:

Amos 6:13 “Ye which rejoice in a thing of nought, which say, Have we not taken to us HORNS by our own STRENGTH?” [King James Version]

Samakatuwid ang KALAKASAN ay STRENGTH sa English, na may meaning na:

“STRENGTH - That property or quality of an animal body by which it is enabled to move itself or other bodies. We say, a sick man has not strength to walk, or to raise his head or his arm. We say, a man has strength to lift a weight, or to draw it. This quality is called also POWER and FORCE.” [Webster’s 1828 Dictionary]

Makikita sa Dictionary na ang kasing kahulugan ng salitang STRENGTH o KALAKASAN ay POWER and FORCE o KAPANGYARIHAN at PUWERSA. Kaya sa madaling salita ang hinuhulaan dito ay isang tao na may DALAWANG URI NG KAPANGYARIHAN, iyon ang tinutukoy na DALAWANG SUNGAY na kaniyang taglay.
 Ilan ba at anu-ano ang KAPANGYARIHAN ng PAPA? Sasagutin tayo ng isang CARDINAL NG IGLESIA KATOLIKA:

“The Popes were not only devoted SPIRITUAL FATHERS, but firm and valiant CIVIL GOVERNORS…” [Faith of Our Fathers, by James Cardinal Gibbons, p. 113]

Sa Filipino:

“Ang mga Papa ay hindi lamang matatapat na ESPIRITUAL NA AMA, kundi matitibay at magigiting na mga GOBERNADOR SIBIL.”

Pinatutunayan ng Cardinal ng Iglesia Katolika na ang Papa ay nagtataglay ng dalawang uri ng Kapangyarihan: KAPANGYARIHANG SPIRITUAL at KAPANGYARIHANG PAMPULITIKA, kapuwa saklaw ng Papa ang pamamahala sa Relihiyon at sa Gobiyerno. PASOK ANG PAPA SA UNANG KATANGIAN.

 2. KATULAD NG ISANG KORDERO

Sino ba ang KORDERO na binabanggit sa Biblia?

Juan 1:29 “Nang kinabukasan ay nakita ni Juan si Jesus na lumalapit sa kaniya, at sinabi, Narito, ang CORDERO ng Dios, na nagaalis ng kasalanan ng sanglibutan!”

Ang ating PANGINOONG JESU-CRISTO ang Cordero ng Diyos, samakatuwid SIYA ANG GAGAYAHIN NG TAONG HINUHULAAN SA APOCALYPSIS.

 Ano ba ang isa sa katangiang taglay ni Cristo na gagayahin ng taong ito?

Colosas 1:18 “At SIYA ANG ULO NG KATAWAN, SA MAKATUWID BAGA'Y NG IGLESIA; na siya ang pasimula, ang panganay sa mga patay; upang sa lahat ng mga bagay, ay magkaroon siya ng kadakilaan.”

SI CRISTO ANG ULO NG IGLESIA NIYA. Ang Papa ba sa Roma ay ipinakikilala rin bilang ULO NG IGLESIA? Isa namang Paring Katoliko ang sasagot sa atin:

"The pope, therefore, as vicar of Christ, is the VISIBLE HEAD of CHRIST'S KINGDOM on earth, THE CHURCH, of which Christ Himself is the invisible head." [Answer Wisely, by Rev. Martin J. Scott, p. 49]

Sa Filipino:

“Ang Papa, samakatuwid, bilang kahalili ni Cristo, ay ang NAKIKITANG ULO ng KAHARIAN NI CRISTO sa lupa, ang IGLESIA, kung saan si Cristo mismo ang di nakikitang ulo nito.”

Sabi ng Pari ang Papa daw ay ang Nakikitang Ulo ng Iglesia dito sa lupa, si Cristo naman daw ang hindi nakikitang Ulo, samakatuwid para sa kanila ang Papa ang Ulo ng Iglesia sa Lupa, si Cristo naman ang Ulo ng Iglesia sa langit. May mababasa ba tayo sa Biblia na dalawa ang ulo ng Iglesia?

Hindi lang iyon, hindi ba nasasakop ni Cristo ang lupa? Ang kaniya bang pamamahala ay sa langit lang?

Mateo 28:18 “At lumapit si Jesus sa kanila at sila'y kaniyang kinausap, na sinasabi, ANG LAHAT NG KAPAMAHALAAN SA LANGIT AT SA IBABAW NG LUPA AY NAIBIGAY NA SA AKIN.”

Napakaliwanag na ang Papa ay nag-aangkin lamang ng kapangyarihang kay Cristo lamang ipinagkaloob ng Diyos, dahil ang lahat ng kapamahalaan ay ibinigay na sa kaniya ng Ama sa langit man o sa lupa. Nabasa natin sa itaas na sinasabi nila na ang Papa ay may titulong VICARIUS CHRISTI [VICAR OF CHRIST], o KAHALILI NI CRISTO, samakatuwid hinahalinhan o pinapalitan ng Papa ang pamamahala ni Cristo sa Iglesia, HINDI LANG GINAYA ANG CRISTO KUNDI NAKIPANTAY PA SA KANIYA SA KAPANGYARIHAN.

Puwede bang magkaroon ng KAHALILI o KAPALITAN si Cristo? Sasagutin sa atin iyan ng Biblia:

Hebreo 7:24 “Datapuwa't siya, sapagka't namamalagi magpakailan man ay may pagkasaserdote siyang DI MAPAPALITAN.”

Ang kapangyarihan, posisyon, at karangalang ibinigay ng Diyos kay Cristo kailan man ay hindi maaagaw ni mapapalitan ninoman. Ang pagsasabing ang Papa ay KAHALILI NI CRISTO ay maliwanag na PAKIKIPANTAY at PANGGAGAYA SA CORDERO NG DIYOS na ito ay isang napakalaking kasalanan at kalapastanganan sa harap ng Diyos. Hindi lang iyon, kung ating lalawak-lawakan pa ang ating pagtalakay ay GINAYA RIN NG PAPA NA ITINUTURING NA PINAKAMATAAS NA PARI ANG PANANAMIT NI CRISTO.

"ANG PANANAMIT NG PARENG NAGMIMISA. Ang pareng gayak sa pagmimisa ay NAKAKATULAD NI JESUKRISTO noong umakyat sa bundok ng kalvario." [Siya ang Inyong Pakinggan: Ang Aral na Katoliko, Page 195]

Ginaya ang PAGIGING ULO ng IGLESIA at maging ang PANANAMIT ng KORDERONG si CRISTO. Pasok na naman sa IKALAWANG KATANGIAN.

3.
SIYA’Y NAGSASALITANG GAYA NG DRAGON

Sino ba ang Dragon na ang salita nito ang gagayahin ng taong may bilang na 666 sa kaniyang pangalan?

Apocalypsis 20:2 “At sinunggaban niya ang DRAGON, ang matandang ahas, na siyang DIABLO at SATANAS, at ginapos na isang libong taon,”

Ang salita ng Dragon o ng Diablo at Satanas ang sasalitain ng taong ito, samakatuwid magtuturo siya ng aral ng Demonio,

 na ano ang mga ito?

1 Timoteo 4:1 “Nguni't hayag na sinasabi ng Espiritu, na sa mga huling panahon ang iba'y magsisitalikod sa pananampalataya, at mangakikinig sa mga espiritung mapanghikayat at sa MGA ARAL NG MGA DEMONIO,”

1 Timoteo 4:3 “NA IPINAGBABAWAL ANG PAGAASAWA, AT IPINAGUUTOS NA LUMAYO SA MGA LAMANGKATI, na nilalang ng Dios upang tanggapin na may pagpapasalamat ng mga nagsisisampalataya at nangakakaalam ng katotohanan.”

Ang taong hinuhulaan ay magtuturo ng Pagbabawal ng pag-aasawa at paglayo o pagbabawal sa pagkain ng lamangkati o karne. Na mga aral ng demonio na katumbas ay salita ng Dragon. Na kapuwa natupad sa Iglesia Katolika dahil sa ito ang itinuro sa kanila?

"Ang disiplina ng Iglesia (Katolika) ay ipinatupad buhat pa sa pasimula, sa pamamagitan ng PAGBABAWAL sa mga Sacerdote (o pari) NA MAG-ASAWA pagkatapos na sila'y maordena." [Pananampalataya ng Ating mga Ninuno, sinulat ni James Cardinal Gibbons, tinagalog ng Paring si Rufino Alejandro, Page 396]

"Sa ikalawang utos ay ipinaguutos ng Santa Iglesia sa atin na magayuno at HUWAG KUMAIN NG ANOMANG LAMANGKATI O KARNE sa mga araw ng ipinagbabawal niya." [Siya Ang Inyong Pakinggan: Aral na Katoliko, sinulat ng Paring si Enrique Demond, Page 139]

Kaya kung ating i-susumarize:

“MAY DALAWANG SUNGAY” – Nagtataglay ang PAPA ng DALAWANG URI NG KAPANGYARIHAN: KAPANGYARIHANG PANGRELIHIYON at PAMPULITIKA.

“KATULAD NG ISANG KORDERO” – Ginaya ang pagiging ULO ni CRISTO sa IGLESIA at maging ang PANANAMIT ni CRISTO.

“SIYA’Y NAGSASALITANG GAYA NG DRAGON” – Ang aral na itinuro ay aral ng DRAGON o ng DIABLO, na ito nga ay mga ARAL NG DEMONIO, na ipinagbawal ang PAG-AASAWA at IPINAG-UTOS na LUMAYO o HUWAG KUMAIN NG LAMANGKATI o KARNE.

Ang KATANGIAN ng HAYOP, taglay nung TAONG hinuhulaan, at kitang-kita natin na taglay ng PAPA NG IGLESIA KATOLIKA ang TATLONG KATANGIANG nabanggit. Kaya WALANG-KADUDA-DUDA ang PAPA ang kinatuparan...

Dagdagan pa natin,
ANO PA ANG IBINIGAY NA KATANGIAN NG BIBLIA tungkol sa TAONG ito?

2 Tesalonica 2:4 “Na sumasalangsang at nagmamataas laban sa lahat na tinatawag na Dios o sinasamba; ANO PA'T SIYA'Y NAUUPO SA TEMPLO NG DIOS, NA SIYA'Y NAGTATANYAG SA KANIYANG SARILI NA TULAD SA DIOS.”

Itatanyag ang kaniyang sarili at itutulad ang kaniyang SARILI sa DIYOS, sa madaling salita, MAGPAPAKILALA SIYANG DIYOS:

Ang PAPA ba ng IGLESIA KATOLIKA ay KINIKILALA nilang DIYOS?

Pope Nicholas I declared: “the appellation of God had been confirmed by Constantine on THE POPE, WHO, BEING GOD, CANNOT BE JUDGED BY MAN.” [Labb IX Dist.: 96 Can. 7, Satis evidentur, Decret Gratian Primer Para]

Klarong klaro sabi ng AKLAT KATOLIKONG ito, na ang PAPA daw ay DIYOS, na hindi MAHAHATULAN ng sinomang tao. Kakalibot ano?

Eksakto, TUMBOK na TUMBOK ang KATUPARAN, lahat ng KATANGIANG BINANGGIT sa HULA ay NATUPAD sa kaniya.