Maraming mga
kaibayo natin sa Pananampalataya ang nagtatanong kung masama bang tumanggap ng
Christmas bonus ang mga kaanib sa Iglesia ni Cristo dahil hindi naman tayo
nagdiriwang ng Pasko. Kaya minsan ang mga kapatid ay maaaring may ganito ring
kaisipan o minsan ay nahihiyang tanggapin ang kanilang Christmas Bonus dahil sa
kantiyaw o pag uusig ng mga taga sanlibutan o ng ilang hindi natin
kapananampalataya. Alamin natin ang kasagutan sa Paksang ito.
Anu ba ang
Kahulugan ng salitang “Bonus”?
Ang Bonus po ay extra bayad o reward sa mga trabahador na may
magandang performance, na ang katumbas nito ay masibag sa trabaho. Pinagpagalan
po ng bawat manggagawa ang pagtanggap ng Bonus nagkataon lang na ito ay
ibinibigay tuwing buwan ng Disyembre dahil ang panahong ito ang maraming
gastusin.
Kung ganito ay bawal ba ang kaanib sa Iglesia ni Cristo
tumanggap ng Christmas Bonus? Hindi po sapagkat wala po nalalabag na doktrina
kung ang sinoman ay tumanggap ng Bonus dahil sa kanilang kasipagan karapatan
din po ito ng bawat kaanib sa Iglesia ni Cristo kahit hindi nagdiriwang ng
Christmas sapagkat kasapi o empleyado sila sa kumpanya.
Anu po ba ang masama o bawal na hindi dapat masumpungan sa mga
kaanib sa Iglesia ni Crsito? Ang makiisa o magdiwang ng kapaskuhan. Baket po?
Basahin natin ito.
“It has sometimes been said that the Nativity [Christmas] is only a Christianized pagan festival.” [Handbook of Christian Feasts and Customs, page 61]
Sa Filipino:
“Nasabi na sa ilang pagkakataon na ang Natividad [Pasko] ay isa lamang isina-Cristianong kapistahang pagano.”
Ang Christmas pala ay isa lamang isina
Cristianong kapistahang pagano. Galing sa Aral o Kaugaliang Pagano.
Ano ba ang ibig sabihin
ng salitang PAGAN o “pagano”?
“PA'GAN, n. a Gentile; an idolater; one who worships false gods. This word was originally applied to the inhabitants of the country, who on the first propagation of the Christian religion adhered to the worship of false gods, or refused to receive Christianity, after it had been received by the inhabitants of the cities.” [Webster’s 1828 Dictionary]
Sa Filipino:
“PAGANO, n. isang Gentil; isang mapagsamba sa diosdiosan; sumasamba sa mga hindi tunay na diyos. Ang salitang ito ay unang ginamit sa mga unang mamayan ng isang nayon, na sa pasimula ng pagpapalaganap ng relihiyong Cristiano ay mga nahirati sa pagsamba sa mga hindi tunay na diyos, o yaong tumatanggi na tanggapin ang Cristianismo, pagkaraan na ito ay tinanggap na ng mga naninirahan sa mga lungsod.”

Kaya kahit
tumanggap ang bawat kaanib sa Iglesia ni Cristo ng Christmas Bonus ay hindi
naman ito gagamitin sa Pagdiriwang ng Pasko sapagkat ito ay labag sa utos ng
Diyos na nakasulat sa Biblia.
No comments:
Post a Comment