TUNAY NA LINGKOD

Friday, November 14, 2014

Ligtas Daw Ang mga Lahat ng Tao kahit Atheist?

                                   Ang Nagtuturo ng Maling Aral (Pope Francis) 

Ang PAPA ng Iglesia Katolika ay may pahayag na lahat daw ng tao ay maliligtas kahit ang mga hindi naniniwalang may Diyos (Atheist). Sapagkat lahat daw ay tinubos ni Cristo ng kaniyang mahalagang dugo. Ganito ang kaniyang sinabi.
"THE LORD HAS REDEEMED ALL OF US, ALL OF US, WITH THE BLOOD OF CHRIST: ALL OF US, NOT JUST CATHOLICS. EVERYONE! 'FATHER, THE ATHEISTS?' EVEN THE ATHEISTS. Everyone! And this Blood makes us children of God of the first class. We are created children in the likeness of God and the Blood of Christ has redeemed us all. And we all have a duty to do good. And this commandment for everyone to do good, I think, is a beautiful path towards peace. If we, each doing our own part, if we do good to others, if we meet there, doing good, and we go slowly, gently, little by little, we will make that culture of encounter: We need that so much. We must meet one another doing good. 'But I don't believe, Father, I am an atheist!' But do good: We will meet one another there."

Napaka liwanag ng sinabi ng kanilang PAPA na lahat ay tinubos ng dugo ni Cristo hindi lang katoliko, lahat maging ang mga Atheist . 
Anu ba ang kahulugan ng Atheist para po malaman talaga natin?
Concise Oxford English Dictionary (eleventh edition).
atheism 
n  noun disbelief in the existence of a god or gods.

DERIVATIVES
     atheist noun
     atheistic adjective
     atheistical adjective

ORIGIN
            C16: from French athéisme, from Greek atheos, from a- 'without' + theos 'god'.
Samakatwid Itinuturo ng Leader ng Iglesia katolika o kanilang PAPA na maging ang mga hindi naniniwalang may Diyos ay maliligtas din sapagkat tinubos din sila ng Dugo ni Cristo. Sangayon kaya sa biblia ang kaniyang pagtuturo? Maliligtas ba ang mga hindi kumikilala sa Diyos? Basahin natin ang pagpapaliwanag ng Biblia.                 

2 TESALONICA 1:8-9 “NA MAGHIHIGANTI SA HINDI NAGSISIKILALA SA DIOS, at sa kanila na hindi nagsisitalima sa evangelio ng ating Panginoong Jesus: NA SIYANG TATANGGAP NG KAPARUSAHAN, NA WALANG HANGGANG KAPAHAMAKANG MULA SA HARAPAN NG PANGINOON at mula sa kaluwalhatian ng kaniyang kapangyarihan.”
Hindi maliligtas ang mga taong hindi kumikilala sa Diyos anu ang gagawin ng Diyos? Siya ay maghihiganti, anung klaseng paghihiganti ang gagawin ng Diyos? walang hanggang kaparusahan at kapahamakan. Saan itong walang hanggang kaparusahan at kapahamakan?
Apocalypsis 21:8 " Nguni't sa mga duwag, at SA MGA HINDI MANANAMPALATAYA, at sa mga kasuklamsuklam, at sa mga mamamatay-tao, at sa mga mapakiapid, at sa mga manggagaway, at sa mga mapagsamba sa diosdiosan, at SA LAHAT NG SINUNGALING, ang kanilang bahagi ay sa DAGATDAGATANG NAGNININGAS SA APOY at asupre; na siyang ikalawang kamatayan. "
Walang hanggang kaparusahan at kapahamakan sa Dagat Dagatang Apoy  ang sasapitin ng mga taong hindi sumasampalataya o hindi naniniwalang may Diyos. Kaya tiyak na mali ang itinuturo ng PAPA ng Iglesia katolika ukol Dito.
Ayon sa PAPA ng Iglesia katolika na nabasa sa itaas ay Lahat ng Tao kasama na nga ang mga Atheist ay Tinubos ni Cristo ng Kaniyang Dugo para maligtas. Totoo kaya ito? Alamin natin ang pagtuturo ng Biblia.
Ilan ang Iglesia na Tinubos ng Dugo ni Cristo? Basahin natin ang pahayag ni Cristo.
Mateo 16:18 At sinasabi ko naman sa iyo, na ikaw ay Pedro, at sa ibabaw ng batong ito ay itatayo ko ang aking iglesia; at ang mga pintuan ng Hades ay hindi magsisipanaig laban sa kaniya. 

Atin pong pansinin ang Singular word na "Iglesia/Church"
at ang Personal Pronoun na 

"Aking/my"

Kaya po ang pagkasabi ni Cristo sa IGLESIA ay AKING IGLESIA o MY CHURCH. Hindi nya po sinabi na “ITATAYO KO ANG AKING MGA IGLESIA” hindi kasali dito ang IGLESIA KATOLIKA at ibat ibang sekta ng Relihiyon. Pansinin natin na Si Cristo ang Nagmamay ari ng Iglesia na kaniyang  itinayo kaya anu ang Ginawa nya para sa Iglesia? Basahin natin ang talata na madalas na ninyong marinig.
Acts 20:28 “Take heed therefore to yourselves and to all the flock over which the Holy Spirit has appointed you overseers, to feed the CHURCH OF CHRIST WHICH HE HAS PURCHASED WITH HIS BLOOD. (Lamsa Translation)

Sa Filipino:

Gawa 20:28 “Ingatan ninyo kung gayon ang inyong mga sarili at ang buong kawan na rito’y hinirang kayo ng Espiritu Santo upang maging mga katiwala, upang pakanin ang IGLESIA NI CRISTO  NA BINILI NIYA NG KANIYANG DUGO.”

Balik tayo sa ating tanung ilan ang Iglesia na Tinubos ni Cristo ng Kaniyang Dugo? Isa lang walang iba kundi ang IGLESIA NI CRISTO. Kaya maling mali ang tinuturo ng PAPA ng Iglesia katolika na Lahat ay tinubos ni Cristo. Labag po sa mg autos ng Diyos at tiyak na ikapapahamak ng mga tao. Kung ganito ang kanilang paniniwala ay hindi na kailangan pang maging Katoliko. Kahit ang mga taong Kasuklam Suklam sa Diyos na hindi niya kinikilala ay maliligtas din pala. Napaka laking kalapastanganan sa Diyos ang Ganitong mga pagtuturo ng Iglesia KATOLIKA.


6 comments:

  1. Hoy Tunay na Lingkod, Marami ang church of Christ, Ano pinagkaiba nyo? pag wala ba mababasa na Iglesia ni Kristo at Church of Christ lng hindi na INC, Ano pingkaiba ng church of christ sa iglesia ni kristo preho lng nman Tagalog at spanyo gamit nyo.

    ReplyDelete
    Replies
    1. This comment has been removed by the author.

      Delete
    2. Marami nga pong mga churches ang nakatatag ngayon,kaya lang po ang mga iyon ay hindi mga tunay na Iglesia,dahil walang tunay na sugong lider.Ang iglesia ni Cristo na lumitaw sa Pilipinas noong July 27,1914 ay tunay na Iglesia dahil may totoong sugo ng Dios.

      Delete
  2. Talaga? So paanong naging totoong sugo siya ng diyos? Kasi sinabi nya na siya ang totoong sugo ng diyos at iyong itinatag nyang iglesia ay totoo? Paano ka nakakasiguro na hindi ka inuuto?

    ReplyDelete
  3. Nagsuri yan kapatid at nakinig ng aral . Kung gusto mo maliwanagan ang sarili mo libri ka pumasok kahit saan man pong kapilya at magtanong ka sa mga mangangaral bakit ganun paniniwala nila ... Dala ka bible para alam mo kung tama ba sinasabi nila ...bago po tyo mang usig . Salamat po

    ReplyDelete
  4. Las Vegas casinos with free slot machines for free - DRMCD
    Best Las Vegas 당진 출장안마 casinos with free slot machines for 공주 출장마사지 free. Our list of the 나주 출장안마 top-rated slot 공주 출장샵 machines to play 안양 출장마사지 for free! Play casino slots, blackjack,

    ReplyDelete