TUNAY NA LINGKOD

Thursday, December 25, 2014

Sapat na ba na maging kaanib lang sa Iglesia ni Cristo para maligtas?



Madalas nating napapansin ang paninirang ginagawa ng mga kaibayo natin sa pananampalataya, sa anumang paraan ay gumagawa sila para sirain at padumihin ang pag iisip ng maraming mga kapatid at maging ang iba ay mahikayat nilang umalis sa loob ng Iglesia ni Cristo. Anu ang isa sa mga paninirang ginagawa nila? Yung mga nababalitaan na kaugalian at gawain ng ilang mga kapatid na kahit na nasa loob ng Iglesia ay nagpapatuloy sa ganun. Gumagawa sila ng labag sa mga utos ng Diyos na nakasulat sa biblia. Anu yung ilang gawaing pansalibutan na maaaring makikita sa ilang kapatid? May mga nag lalasing o umiinom ng alak, may mga gumagamit ng ipinag babawal na gamot, may mga ilang nakiki apid, at ibat ibang uri pa ng mga gawaing hindi maka Cristiano ay maaaring masumpungan sa ilang mga kapatid sa INC.

Hindi natin maililihim ang ganitong mga pangyayari sa loob ng Iglesia, naka lulungkot lang talaga na tanggapin na may mga kapatid paring hindi sinusunod ang doktrina. Ngunit tandaan natin na pagsinabing nagkasala o nagkakamali ang mga kaanib ay hindi kabilang ang buong IGLESIA sa nagkasala. ang nagkasala ay yaon lamang mga kaanib at hindi ang IGLESIA. Katulad ng sa panahon ng ating Panginoong Jesucristo may nagtaksil at gumawa ng masama laban sa kaniya. Sino po si Judas, anu po ang dapat nating isipin? Si Judas ay hindi po basta kaanib lang sa Iglesia noong unang siglo sya ay kasama sa 12 Apostol. Kung nagkasala si Judas at naparusahan kasama ba ang ilang mga Apostol o mga kaanib sa nagkasala? hindi po sapagkat indibidual lang ang nagkasala. baket indibidual na kaparusahan lang kung magkasala ang Tao? Basahin natin ang nakasulat sa biblia.

"Hindi papatayin ang mga magulang dahil sa mga anak, ni ang mga anak ay papatayin dahil sa mga magulang; bawa't tao'y papatayin dahil sa kaniyang sariling kasalanan(Deut. 24:16).
Ang sabi sa atin hindi papatayin ang magulang dahil sa anak, ganun din ang anak ay hindi papatayin dahil sa mga magulang baket? Sapagkat bawat tayo ay papatayin dahil sa kaniyang sariling kasalanan. Kaya kung sino lang ang nagkasala sya lang ang paparusahan. Aling kamatayan ba ang ganap na kabayaran ng kasalanan? sa Apoc 21:8 ay ganito ang maliwanag na sinasabi.
Nguni't sa mga duwag, at sa mga hindi mananampalataya, at sa mga kasuklamsuklam, at sa mga mamamatay-tao, at sa mga mapakiapid, at sa mga manggagaway, at sa mga mapagsamba sa diosdiosan, at sa lahat na mga sinungaling, ang kanilang bahagi ay sa dagatdagatang nagniningas sa apoy at asupre; na siyang ikalawang kamatayan.
Ang ikalawang kamatayan ang binabanggit kabayaran ng kasalanan. Saan ito? Sa dagatdagatang apoy at asupre. Dito mapaparusahan ang mga tao na hindi sumunod sa mga utos ng Diyos kahit sabihing kaanib pa sa Iglesia ni Cristo. Wala ding kaligtasan ang gayong mga tao. Kaya ano po ang ginagawa ng Pamamahala?

Ang Pamamahala ay walang sawang nagpapaalala sa mga kapatid at nagtuturo ng mga tamang asal at pag uugali na dapat taglayin ng bawat kaanib sa Iglesia, nag papadala sila ng Pastoral Letter para makaabot sa lahat ng kapatid ang tagubilin. Gumagawa sila ng ibat ibang drive para mailayo ang mga kapatid sa kasamaan at kalayawan, Pinag lalapit ang damdamin ng mga mga Kapisanan upang hindi na mapasama sa masamang kaibigan.baket ba ito ginagawa ng Pamamahala?

Anu po ang isa sa mga dapat nating maintindihan? Hindi po sapat na maging kaanib lang sa Iglesia para maligtas mayrong dapat gawin ang mga kaanib, Anu ang dapat nating gawin? Basahin natin ang nilalaman ng Biblia.

Efeso 4:17-24 BMBB 17 Sa pangalan ng Panginoon, ito ang sinasabi ko sa inyo: huwag na kayong mamuhay tulad ng pamumuhay ng mga walang pananampalataya sa Diyos. Walang kabuluhan ang kanilang iniisip, 18 at wala silang pang-unawa. Dahil sa kanilang kamangmangan at katigasan ng ulo, wala silang bahagi sa buhay na kaloob ng Diyos. 19 Sila'y naging alipin ng kahalayan, at wala na silang kahihiyan kaunti man lamang. Wala na silang inaatupag kundi pawang kalaswaan.   20 Hindi ganyan ang natutuhan ninyo tungkol kay Cristo. 21 Napakinggan na ninyo ang aral ni Jesus at natutuhan na ninyo ang katotohanang nasa kanya. 22 Iwanan na ninyo ang dating pamumuhay. Hubarin na ninyo ang inyong dating pagkatao na napapahamak dahil sa masasamang pagnanasa. 23 Magbago na kayo ng diwa at pag-iisip; 24 at ang dapat ninyong isuot ay ang bagong pagkatao na nilikhang kalarawan ng Diyos, at nahahayag sa matuwid at banal na pamumuhay ayon sa katotohanan.

Himayin natin ang sinasabi sa talatang ating sinipi.

1.      Huwag na kayong mamuhay tulad ng pamumuhay ng mga walang pananampalataya sa Diyos.

2.      Hindi ganyan ang natutuhan ninyo kay Cristo.

3.      Iwanan na ninyo ang dating pamumuhay.

4.      Magbago na kayo ng Diwa at pag iisip.

5.      Nahahayag sa matuwid at banal na pamumuhay ayon sa katotohanan.

Ito po ang dapat na Makita sa bawat kaanib sa Iglesia ni Cristo whag papaya na nabubuhay sa kalayawan at kasalanan. Sundin natin ang ipinag uutos ng Diyos para tayo ay makatiyak ng kaligtasan. Humarap ka man sa pagsubok, magtiis Kaman ng maraming hirap bastat manatili kang tapat hanggang wakas ay ikaliligtas. Mateo 24:13. Anu ba ang ninanasa ng mga tapat na naglilingkod sa Diyos? Basahin natin ito.

Hebreo 11:16  “Nguni't ngayon ay nagnanasa sila ng lalong magaling na lupain, sa makatuwid baga'y ang sa langit: kaya hindi sila ikinahihiya ng Dios na tawaging Dios nila; sapagka't kaniyang ipinaghanda sila ng isang bayan.”

Nagnanasa ng lalong magaling na lupain samakatwid bagay ang nasa langit, alin itong magaling na lupain ito ang inihandang bagong bayan. Dahil sa pagtatapat nila ay hindi ikinahiya ng Diyos na siya ay tawaging Diyos. Kaya hindi lugi ang mga nagtatapat sa paglilingkod. Alin itong isang bayan na inihanda at anu ang magiging pamumuhay dito?

Apocalypsis 21:1-4  “At nakita ko ang isang bagong langit at ang isang bagong lupa: sapagka't ang unang langit at ang unang lupa ay naparam; at ang dagat ay wala na.”

 “At nakita ko ang bayang banal, ang bagong Jerusalem, na nananaog mula sa langit buhat sa Dios, na nahahandang gaya ng isang babaing kasintahan na nagagayakang talaga sa kaniyang asawa.”

 “At narinig ko ang isang malakas na tinig na mula sa luklukan, na nagsasabi, Narito, ang tabernakulo ng Dios ay nasa mga tao, at siya'y mananahan sa kanila, at sila'y magiging mga bayan niya, at ang Dios din ay sasa kanila, at magiging Dios nila:”

“At papahirin niya ang bawa't luha sa kanilang mga mata; at hindi na magkakaroon ng kamatayan; hindi na magkakaroon pa ng dalamhati, o ng pananambitan man, o ng hirap pa man: ang mga bagay nang una ay naparam na. “

Ang tanung natin ay alin ang isang bayan na inihanda? Ito ang bagong langit at bagong lupa, anu ang kmagiging pamumuhay ng mga nagtapat? Wala ng luha, wala ng kamatayan, wala ng dalamhati ang lahat ng hirap ng una ay naparam na. perpektong pamumuhay ang naghihintay sa mga kaanib sa Iglesia ni Cristo na naging tapat hangang wakas. Dito hinihikayat ng pamamahala ang lahat ng kapatid, bagaman may mga nagkakasala ay sinisikap ng Pamamahala na madala sa kaligtasan ang bawat kaanib. kaya lubusan nang iwan ang masamang pamumuhay at mamalaging nasa tapat na pag lilingkod.



No comments:

Post a Comment