TUNAY NA LINGKOD

Tuesday, December 24, 2013

Pananampalataya Lamang?



May mga pangkatin ng relihiyon na ang kanilang ipinapakilalang paraan ng kaligtasan ay ang sumampalataya lang kay Cristo at tanggapin siya bilang pansariling tagapagligtas ay sapat na para maligtas. Hindi na ayon sa kanila na kailangan ng anumang relihiyon para maligtas. Huwag po na ipagkamali ng iba na mali ang magtaglay pananampalataya, bagkus ito ay kailangan ng isang tao para sa kaniyang kaligtasan, ngunit ang nililinaw natin ay ang pagtuturo ng iba na sapat na ang sumampalataya lamang,.totoo kaya ito?

Sapat nabang sumampalataya lang upang maligtas? Ganito ang nakasulat sa Santiago 2:14

“Anong pakikinabangin, mga kapatid ko, kung sinasabi ng sinoman nasiya'y may pananampalataya, nguni't walang mga gawa? makapagliligtas baga sa kaniya ang pana-nampalatayang iyan?”

Ang binasa po natin ay isang tanong na naroon narin ang kasagutan, anu yung tanung ni Apostol Santiago? Makapagliligtas daw ba ang pananampalatayang walang gawa? Samakatwid kailangan ng Gawa sa ating Pananampalataya. Bakit kailangan ng Gawa sa ating pananampalataya? Santiago 2:2

          “Nakikita mo na ang pananampalataya ay gumagawang kalakip ng kaniyang mga gawa, at sa pamamagitan ng mga gawa ay naging sakdal ang pananampalataya;”

Sapamamagitan ng gawa ay nagiging sakdal ang pananampalataya, kailangan sabay ang gawa at pananampalataya. Hindi po sinabing sumampalataya lang ay ligtas na. anu pa ang kahalagahan ng may kalakip na gawa ang ating pananampalataya?

“Nakikita ninyo na sa pamamagitan ng mga gawa'y inaaring ganap ang tao, at hindi sa pamamagitan ng pananampalataya lamang.” Santiago 2:24

Sapamamagitan ng pananampalataya na may kalakip na mga gawa ay inaring ganap ang tao. Hindi sa pananampalataya lamang. Pinagdiinan ni Apostol Santiago na kailangan talaga ang gawa sa ating pananampalataya para maligtas ang tao. Sa pamamagitan ng gawa ay naging ganap ang ating Pananampalataya. Anu pa ang isa sa dapat na ilakip sa pananampalataya? Sa  Filipos 1:29

 “Sapagka't sa inyo'y ipinagkaloob alang-alang kay Cristo, hindi lamang upang manampalataya sa kaniya, kundi upang magtiis din naman alangalang sa kaniya:”

Ayun po nilinaw na hindi lamang upang sumampalataya kailangan nating magtiis alang alang sa kanya o sa Panginoong Jesus. Ito pa ang isang patunay na kailangan magtiis ang tao. Hebreo 10:36

  “Sapagka't kayo'y nangangailangan ng pagtitiis, upang kung inyong magawa ang kalooban ng Dios, ay magsitanggap kayo ng pangako.”

Kaya anu po anga ting mapapansin kailangna talaga ng tao mamuhunan ng Pagtitiis kasabay ng pananampalataya.pag ito ay kasaban nating ginawa ay magsisitangap tayo ng Pangako. Kaya labag s autos ng Diyos ang pagtuturo na sumampalataya lang ay ligtas na, ito ay pinatotohanan din n gating Panginoong Jesus. Basahin natin. Juan 8:31

 “Sinabi nga ni Jesus sa mga Judiong yaon na nagsisisampalataya sa kaniya, Kung kayo'y magsisipanatili sa aking salita, kung magkagayo'y tunay nga kayong mga alagad ko;” (Juan 8:31

Anu katumbas sa ibang salin ng Biblia ng binanggit na pananatili sa salita?

“Kung patuloy kayong susunod sa aking aral…”(Juan 8:31Magandang Balita)

Samakatwid ang mga dapat ilakip ng tao sa kaniyang pananampalataya ay ang PAGTITIIS at MABUBUTING GAWA at PATULOY NA PAGSUNOD. Hindi po ito nakakatulad ng mga itinuturo nila na Pagsampalataya lang. hindi ikaliligtas ang ganun. Alamin natin alin ang gawa na dapat ilakip ng taong sa kaniyang pananampalataya? Ang PAnginoong Jesus ay may ipinaliliwanag ukol dito.

 “Hindi ang bawa't nagsasabi sa akin, Panginoon, Panginoon, ay papasok sa kaharian ng langit; kundi ang gumaganap ng kalooban ng aking Ama na nasa langit.” (Mateo 7:21)

Ang gawa na hinahanap sa mga sumasampalataya ay ang pagganap sa kalooban ng Diyos, anu ang magiging kapalaran ng gumaganap sa kalooban ng Diyos? Siya ang may karapatan na makapasok sa kaharian ng langit o maligtas. Anu ba ang kalooban ng Diyos na dapat sundin ng mga taong sumasampalataya? Basa ganito ang nakasulat sa biblia.

 “Na ipinakikilala niya sa atin ang hiwaga ng kaniyang kalooban, ayon sa kaniyang minagaling na ipinasiya niya sa kaniya rin. Sa pagiging katiwala sa kaganapan ng mga panahon, upang tipunin ang lahat ng mga bagay kay Cristo, ang mga bagay na nangasa sangkalangitan, at ang mga bagay na nangasa ibabaw ng lupa; sa kaniya, sinasabi ko,” (Efeso 1:9-10)

Ang sabi ay Ipinakilala niya sa atin ang hiwaga ng kaniyang kalooban. Na ito ay ayon sa kaniyang minagaling at ipinasya nya. Alin itong kalooban ng Diyos? Tipunin ang lahat ng Bagay kay Cristo. Papaano matitipon kay Cristo ang lahat ng Tao? Ganito sabi ni Apostol Pablo

 “Sapagka't kung paanong sa isang katawan ay mayroong tayong maraming mga sangkap, at ang lahat ng mga sangkap ay hindi pareho ang gawain: Ay gayon din tayo, na marami, ay iisang katawan kay Cristo, at mga sangkap na samasama sa isa't isa.” (Roma 12:4-5)

Ang mga natipon kay Cristo ay sama samang sangkap ng iisang katawan. Sabi ni Apostol Pablo “IISANG KATAWAN KAY CRISTO” alin ang katawan na binabangit?  Ang Iglesia po ang katawan

At siya ang ulo ng katawan, sama-katuwid baga’y ng Iglesia…” (Colosas 1:18)

Anu tawag ng mga Apostol sa katawan o Iglesia na ang Pangulo o “ULO nito ay si Cristo?
Ang iglesiang ito ay tinatawag na Iglesia ni Cristo:

“Mangagbatian kayo ng banal na halik.  Binabati kayo ng lahat ng mga iglesia ni Cristo.” (Roma 16:16)

Samakatwid, kailangan maging sangkap ng Katawan ni Cristo o kailangan na maging kaanib sa IGLESIA NI CRISTO para ang tao ay maligtas. Ito ay Gawa na gapat ilakip sa pananampalataya, mali kung gayon ang sinasabi ng iba na sumampalataya lang ay ligtas na. sundin ang kalooban ng Diyos matipon ang lahat sa Katawan O Iglesia. Sabi natin kanina kailangan ng Gawa at Pagtitiis sa pananampalataya upang ikaligtas. Alin alin ba ang dapat nating tiisin ng mga sumasampalataya?

Na pinatitibay ang mga kaluluwa ng mga alagad, at inaaralan sila na magsipanatili sa pananampalataya, at sa pamamagitan ng maraming mga kapighatian ay kinakailangang magsipasok tayo sa kaharian ng Dios.” (Gawa 14:22)

 “Ano pa't kami sa aming sarili ay nangagkakapuri sa inyo sa mga iglesia ng Dios dahil sa inyong pagtitiis at pana-nampalataya sa lahat ng mga paguusig sa inyo at sa mga kapighatiang inyong tinitiis;   Na isang tan-dang hayag ng matuwid na paghukom ng Dios; upang kayo'y ariing karapatdapat sa kaharian ng Dios, na dahil dito'y na-ngagbabata rin naman kayo: (2 Tessalonica 1:4-5)

Kailangan tiisin ng mga sumasampalataya ang mga pag uusig at kapighatiang nararanasan, kahit napakaraming pagsubok, dumarating ang tukso sa buhay, mga suliraning minsan ay hindi na makayang dalhin, mga magulang na lalos hirap at walang maibigay sa mga hiling ng mga anak, mga nagkakasakit at walang maipangpagamot. Lahat ng iyan ay mga pagsubok, mga pag uusig, hinahamak dahil sa pangalan ni Cristo dapat nating tiisin ang mga ito. Hanggang kalian dapat magtiis ang tunay na sumasampalataya para maligtas?

“Ngunit ang manatiling tapat hanggang wakas ay siyang maliligtas,” (Mateo 24:13, MB)

Kapag tayo ay nagtiis hanggang wakas namamalaging nasa IGLESIA NI CRISTO, alin man ang mauna. Wakas ng buhay natin o araw ng pag huhukom ay tiyak na maliligtas at makakarating sa maluwalhating tahanan na ipinangako ng Diyos. Hindi madali sa isipan ng iba ngunit ito ang ating ilulungati na matapos natin an gating takbuhin nasa pagsunod sa kalooban ng Diyos. Kapag inalis ng isang kaanib sa Iglesia ni Cristo ang Pagtitiis at pati ang mga mabubuting gawa na dapat ilakip sa pananampalataya ay mawawalan ng kabuluhan ang ating pagpapagal. Ngunit kung patuloy tayo at hindi nanlupaypay ay maliwanag ang nakasulat sa biblia na dapat nating panghawakan.

“Mga kapatid yamang kayo’y tinawag at hinirang ng Diyos, magpakatatag kayo sa kalagayang ito upang huwag kayong manlupaypay.  Sa ganitong paraan, kayo’y maluwag na papapasukin sa walang hanggang kaharian ng ating Panginoon at Tagapagligtas na si Jesu-Cristo.”  (2 Pedro 1:10-11, MB)  


9 comments:

  1. Salamat sa mga talatamg ito <3

    ReplyDelete
  2. PAMAMAW SA EVANGELIO:
    THESE HAPPENED TO JESUS, NOT TO ANY ONE;
    “1 Now when Jesus was born in Bethlehem of Judaea in the days of Herod the king, behold, there came wise men from the east to Jerusalem,
    2 Saying, Where is he that is born King of the Jews? for we have seen his star in the east, and are come to worship him.”-Mathew 2: 1
    “And thou Bethlehem, in the land of Juda, art not the least among the princes of Juda: for out of thee shall come a Governor, that shall rule my people Israel.”-Mathew 2: 6
    “When they had heard the king, they departed; and, lo, the star, which they saw in the east, went before them, till it came and stood over where the young child was.”-Mathew 2: 9
    “25 I have raised up one from the north, and he shall come: from the rising of the sun shall he call upon my name: and he shall come upon princes as upon morter, and as the potter treadeth clay.
    26 Who hath declared from the beginning, that we may know? and beforetime, that we may say, He is righteous? yea, there is none that sheweth, yea, there is none that declareth, yea, there is none that heareth your words.
    27 The first shall say to Zion, Behold, behold them: and I will give to Jerusalem one that bringeth good tidings.”-Isaiah 41: 25-27
    JESUS GAVE TIDINGS TO JERUSALEM AND NOT TO PHILIPPINES.AND ANSWERING QUESTIONS;
    “For I beheld, and there was no man; even among them, and there was no counseller, that, when I asked of them, could answer a word.

    ReplyDelete
  3. Sa Lucas 23:43 na ang sabi " At sinabi niya sa kaniya, Katotohanang sinasabi ko sa iyo, Ngayon ay kakasamahin kita sa Paraiso."

    Hindi po ba patotoo yan na kahit sumampalataya lang ay ligtas na?

    ReplyDelete
    Replies
    1. Iyan yung nakasama niya na pinakuan sa krus, n sumampalataya sa kanya na siya ang Cristo na tagapagligtas

      Delete
    2. “Anong pakikinabangin, mga kapatid ko, kung sinasabi ng sinoman nasiya'y may pananampalataya, nguni't walang mga gawa? makapagliligtas baga sa kaniya ang pana-nampalatayang iyan?”

      Delete
    3. Si cristo po mismo ang nag sabi majority... Sa panahon ngayon meron pong mga batas sapagkat nasa langit na si jesus nag kaylangan po ng mangangaral na sugo ... Meron po tinuro sa bibliya na paraan para maligtas
      Hindi lng po sa pamamagitan ng pananampalataya lng
      Malinaw po na nakasulat sa bibliya

      Delete
    4. Ang pananampalataya na walang kalakip na gawa ay patay

      Delete
    5. The THIEF ON THE CROSS?

      The account of the repentant robber who died on the cross beside Jesus has been the subject of countless or frequently been abused and misused.

      The record of the Bible offers little information on this well-known Biblical character, not even their names? The Bible says Christ’s words to the repentant robber (popularly known as the “thief”) were spoken sometime during the first three hours of crucifixion (Mark 15:25; Luke 23:44). Nonetheless we know little about the condemned robber who defended Jesus and spoke to Him. Or as what he did, He then rebuked the other robber (Luke 23:39-41). Although we may know these few things about the criminal, we must also see some limitations to this account. Because of limitations such as these, we would do well to remember that people cannot properly refer to the experience of the robber on the cross as an example of how people are saved in our modern day. Knowing that that the Bible explicitly says the ways or teaching by no other Jesus Christ himself (John 10:9) and or the apostles (Matthew 28:19) to cite a few. This man (thief) happened to was a unique person in a unique situation.

      As such, those who want to be saved today “just like the thief was” really do not know what they are saying. In effect, they would be saying that they insist on being saved by a limited, uninformed, and defective faith which has not been informed by the revelation given to us and the remainder of the New Testament...

      Regretfully, some people refer to the criminal on the cross and try to prove or promote an “easy way” by citing the conversion of the thief. These people therefore conclude that one may be saved in only several moments of time because we need “believed only.” How about the other commandments? Must be ignored? Whereas, people are putting their “own standard” to suit their personal rule out of the limited biblical justification or accounts of what transpired.

      We must not forget, however, that the thief must have truly repented. And Jesus Christ could see his heart and accepted him. No doubt the fear of God (Luke 23:40) and the closeness of death intensified his ability to repent with great seriousness even in these unusual circumstances.

      Lastly, we definitely can learn something from this amazing incident–however we must not press the account beyond what is written….

      “Now, brothers and sisters, I have applied these things to myself and Apollos for your benefit, so that you may learn from us the meaning of the saying, "DO NOT GO BEYOND WHAT IS WRITTEN." Then you will not be puffed up in being a follower of one of us over against the other.” (1 Corinthians 4:6)

      Delete
  4. Sundan mo ang talata, huwag po mag base sa iisang talata po.

    ReplyDelete