Hindi
lamang iisa ang hulang tumutukoy sa paglitaw ng Iglesia ni Cristosa
Pilipinas at sa sugo ng Diyos sa huling araw. Marami ang
hulang nagpapatotoo tungkol dito. Ang isa ay ang hulang nasa Apoc. 7:2-3, tungkol sa ibang anghel na may taglay ng
tatak ng Diyos na buhay. Sa kabanatang ito’y liliwanagin natin kung sino
ang kinatuparan ng hulang ito. Sipiin muna natin ang nilalaman ng Apoc. 7:2-3:
“At nakita
ko ang ibang anghel na umaakyat mula sa sikatan ng
araw, na taglay ang tatak ng Dios na buhay: at siya'y
sumigaw ng tinig na malakas sa apat na anghel na pinagkaloobang maipahamak ang
lupa at ang dagat,
“Na nagsasabi,
Huwag ninyong ipahamak ang lupa, kahit ang dagat, kahit ang mga punong kahoy,
hanggang sa aming matatakan sa kanilang mga noo ang mga alipin ng ating Dios.”
Bago natin liwanagin kung sino ang katuparan ng anghel na may taglay ng tatak
ng Diyos na binabanggit sa Apoc. 7:2-3, alamin muna natin kung may ilang uri sa
kalagayan ang tinatawag na anghel.
May Ilang Uri Sa Kalagayan Ang Tinatawag Na
Anghel? Sa Heb. 1:13-14, ay
ganito ang sinasabi:
“Nguni't
kanino sa mga anghel sinabi niya kailan man, Lumuklok ka sa aking kanan, Hanggang
sa ang iyong mga kaaway ay gawin kong tungtungan ng iyong mga paa?
“Hindi baga silang lahat ay mga espiritung tagapaglingkod, na
mga sinugo upang magsipaglingkod sa kapakinabangan ng mangagmamana ng
kaligtasan?”
Ito ang isa sa uri sa kalagayan ng tinatawag na anghel. Ang
kalagayan sa pagkalalang ay espiritu. Ang tahanan ng mga anghel na
ito’y sa langit, sa paligid ng luklukan ng Diyos (Apoc.
5:11). Tangi rito, mayroon pa bang tinatawag na anghel na iba ang
uri sa kalagayan kaysa nasa kalagayang espiritu? Sa Apoc. 1:16, ay
ganito ang sinasabi:
“At sa kaniyang kanang kamay ay
may pitong bituin: at sa kaniyang bibig ay lumabas ang isang
matalas na tabak na may dalawang talim: at ang kaniyang mukha
ay gaya ng araw na sumisikat ng matindi.”
Ano
itong pitong bituin na hawak sa kanang kamay? Ito
ba’y literalna bituin ang mga bituing planeta? Sa Apoc. 1:20, ay ganito ang sinasabi:
“Ang hiwaga ng
pitong bituin na iyong nakita sa aking kanang kamay, at ng pitong kandelerong
ginto. Ang pitong bituin ay ang mga anghel ng pitong iglesia: at
ang pitong kandelero ay ang pitong iglesia.”
Ano itong pitong bituin? Ito ay mga anghel ng pitong
Iglesia. Samakatuwid, ay may mga anghel ng Iglesia, at ang mga ito’y itinutulad
sa bituin. Ang Iglesia ay wala sa langit kundi nasa lupa, kaya ang
itnatawag na anghel ng Iglesia na itinutulad sa bituin ay hindi taga langit
kundi taga lupa. Ano ang kalagayan sa pagkalalang nitong anghel ng
Iglesia na itinutulad sa bituin? Sa Dan.
12:3, ay
ganito ang sinasabi:
“At silang
pantas ay sisilang na parang ningning ng langit; at silang
mangagbabalik ng marami sa katuwiran ay parang mga bituinmagpakailan
man.”
Ang anghel ng Iglesia na itinutulad sa bituin ay pantas sa
pagpapabalikloob ng marami sa katuwiran ng Diyos. Sino ba itong
nagpapabalikloob ng mga tao sa Diyos? Ito ang mga ministrong halal ng
Diyos na isinusugo sa pangangaral ng ebanghelyo. Ano ang kanilang kalagayan
sa pagkalalang? Sila’y tao, may laman at may buto at hindi
espiritu. Tinatanggap ba ng mga tagapagturong Katoliko na ang
kanilang mga Obispo na tao sa kalagayan sa pagkakalalang ay tinatawag nilang
anghel ng Iglesia? Sa Bagong Tipan na
isinalin sa Tagalog ng paring si Juan L. Trinidad, sa Apoc. 2:1, ay ganito
ang sinasabi:
“Sa anghel ng iglesya sa Efeso ay
isulat mo: Ito ang sinasabi na may hawak ng pitong bituin sa kanan Niyang
kamay, at lumalakad sa gitna ng pitong ilawang ginto.”
Ano ang paliwanag ng paring si Juan L.
Trinidad sa anghel ng Iglesia?
Sa footnote ay
ganito ang kanyang paliwanag:
“2, 1: Anghel; ang anghel na tagatanod ng iglesya,
o kaya’y ang mismong iglesya; o kaya naman, (at ito ang lalong
karaniwang pakahulugan), ang Obispo ng iglesya…”
Sa
paliwanag na ito ng paring si Juan Trinidad sa anghel ng iglesia ay maliwanag
na tinatanggap niya na ang Obispo, na sa kalagayan sa pagkalalang ay tao, may
laman at may buto, ay tinatawag na anghel. Bakit kung kami ang
nangangaral nito ay nagagalit ang mga Katoliko at maging ang mga pari?
Bakit daw namin sinasabing si Kapatid na Felix Manalo’y anghel, gayong ito ay
tao na may laman at may buto? Kapag mga pari ba ang mangangaral ay tama
at kung kami ay mali?
Bakit ba ang salitang anghel ay ikinakapit sa nasa kalagayang espiritu at
itinatawag pa rin sa nasa kalagayang tao? Ano ba ang kahulugan ng
salitang anghel? Ang salitang anghel ba’y pangalan ng kalagayan sa
pagkalalang o pangalan ng tungkulin? Marami ang nagkakamali sa bagay na
ito. Ang akala nila’y ang salitang anghel ay pangalan ng kalagayan sa
pagkalikha, gaya ng tao, hayop, isda, ibon, at iba pa. Ito
ay mali. Ito ay pangalan ng tungkulin o ng karapatan at hindi ng
kalagayan sa pagkalalang. Ano ang kahulugan ng salitang anghel ayon sa
Biblia? Sa Heb. 1:13-14, na atin nang sinipi sa unahan nito, sinasabing
ang mga anghel ay mga sinugo upang
magsipaglingkod sa kapakinabangan ng magmamana ng kaligtasan.
Samakatuwid, sugo ang kahulugan ng salitang anghel. Pinatutunayan din ito
ng mga paring Katoliko. Sa aklat na The Apostle’s Creed, na sinulat ng
paring si Clement H. Crock, pahina 72, ay
ganito ang sinasabi:
“They are called ‘Angels,’ from
a Greek word which means messenger. The word ‘Angel,’
therefore, does not express the nature of these spirits, but rather the
offices for which God at times uses them in His government and
ordering of the universe.”
Sa Wikang Pilipino:
“Sila’y tinatawag na mga ‘Anghel,’ mula
sa isang salitang Griego na ang kahuluga’y sugo. Ang
salitang ‘Anghel,’ kung gayon, ay hindi nagpapahayag ng kalagayan ng mga
espiritung ito, kundi ng mga tungkulin, na may pagkakataong ang Diyos
ay ginagamit sila sa Kanyang pamamahala at inuutusan sa sanlibutan.”
Paring Katoliko ang nagpapatotoo nito.
Aklat-Katoliko ang ating sinipi. Pinatutunayang ang kahulugan ng salitang
anghel ay sugo, at ang salitang anghel ay hindi nagpapahayag ng kalagayan sa
pagkalalang kundi ng tungkulin. Ang mga nilalang ng taga-langit na ang
kalagayan ay espiritu ay tinatawag na anghel, hindi sapagka’t sila’y
taga-langit o may pakpak, kundi dahil sa sila’y sinusugo ng Diyos. Sugo
ang kahulugan ng salitang anghel. Tinatawag ding anghel ang mga taong
inihalal ng Diyos sa pangangaral ng ebanghelyo, sapagka’t sila’y mga sugo ng
Diyos. Ang sabi ng mga Apostol: “Kami nga’y mga sugo sa pangalan ni Cristo, na waring namamanhik ang Dios sa pamamagitan namin:
kayo’y pinamamanhikan namin sa pangalan ni Cristo, na kayo’y makipagkasundo sa
Dios” (II Cor. 5:20).
Kung gayon, ang salitang
anghel na ang kahuluga’y sugo ay hindi lamang itinatawag sa nasa kalagayang
espiritu, kundi itinatawag din naman sa nasa kalagayang tao, gaya ng
mga ministrong halal ng Diyos sa pangangaral ng ebanghelyo. Ang tumututol
dito’y tumututol sa katotohanang nasusulat sa Banal na Kasulatan.
Anong Uri
Sa Kalagayan Itong Anghel O SugoNa May Taglay Ng Tatak Ng Diyos?
Ayon sa hulang nasa Apoc. 7:2-3, na sinipi na natin sa unahan nito, ang anghel
na ito’y may taglay ng tatak ng Diyos na buhay. Ano ang gawaing
pinangangasiwaan ng sugong ito. Gawaing pagtatatak. Tatatakan niya
at ng kanyang mga kasama ang mga alipin ng Diyos. Ano ang tatak at
papaano ang pagtatatak? Sa Efeso. 4:30, sinasabing ang tatak ng Diyos ay
ang Espiritu Santo. Papaano itinatatak angEspiritu Santo?
Sa Efe. 1:13, ay ganito ang sinasabi:
“Na sa
kaniya'y kayo rin naman, pagkarinig ng aral ng katotohanan, ng evangelio ng
inyong kaligtasan, na sa kaniya rin naman, mula nang kayo'y magsisampalataya,
ay kayo'y tinatakan ng Espiritu Santo, na ipinangako.”
Papaano ang pagtatatak? Sa pamamagitan ng pangangaral ng ebanghelyo ng
mga sinugo ng Diyos, ang mga nakinig at sumampalataya ay natatatakan
ng Espiritu Santo na ipinangako. Talaga bang sa
pangangaral ng mga sinugo tinatanggap ng mga sumasampalataya ang Espiritu
Santo? Sa Gawa 10:44, ay ganito ang sinasabi:
“Samantalang nagsasalita pa si Pedro ng mga salitang
ito, ay bumaba ang Espiritu Santo sa lahat ng nangakikinig ng salita.”
Sa
pangangaral ni Apostol Pedro na sugo ng Diyos natatakan ng Espiritu
Santo ang mga nakinig. Hindi lamang si Pedro ang nagtatak kundi
maging si Apostol Pablo ay nagtatak din, ayon sa kanyang patotoo na nasusulat
sa Roma 15:28:
“Kung
maganap ko nga ito, at aking matatakan na sa kanila ang
bungang ito, ay magdaraan ako sa inyong patungo sa Espana.”
Maliwanag
kung gayon, na ang tatak ay Espiritu Santo at ang pagtatatak ay
pangangaral ng ebanghelyo ng mga sugo ng Diyos. Ang anghel na binabanggit
sa Apoc. 7:2-3, ay magtatatak sa mga alipin ng Diyos, kaya natitiyak nating tao
ang kalagayan sa pagkalalang ng anghel na ito. Ang mga anghel na may
kalagayang espiritu ay hindi nangangaral ng ebanghelyo. Sila’y isinusugo ng
Diyos upang maghatid ng maikling balita sa mga tanging tao sa mga tanging
panahon (Mat. 1:20-24; Gawa 10:3-7; 12:7-10)
Ang Dakong Lilitawan Ng SugongMay Taglay Ng Tatak Ng Diyos
Saang
dako lilitaw ang pagtatatak o ang pangangaral ng ebanghelyo ni Cristo ayon sa
pangitain ni Apostol Juan? Ayon sa hulang nasa Apoc. 7:2, ito ay
magmumula sa sikatan ng araw. Alin itong sikatan ng araw? Sa Apoc. 7:2, ng Bibliang
Ingles ay ganito ang nakasulat:
“And I saw another angel ascending from
the East, having the seal of the living God…”
Sa Pilipino:
“At nakita ko ang ibang anghel na umaakyat
mula sa Silangan, taglay ang tatak ng Diyos na buhay…”
Sa Silangan magmumula itong anghel o taong sinugo ng Diyos sa pangangaral ng
tunay na ebanghelyo. Ngunit ang Silangan ay nahahati sa tatlong
bahagi: Silangang Malapit (Near East), Gitnang Silangan (Middle East), at
Malayong Silangan (Far East). Aling bahagi ng Silangan ang
pagmumulan ng taong magdadala ng payo o ng mga salita ng Diyos na itinulad sa
ibong mandaragit? Sa Isa. 46:11, na isa sa mga hulang tumutukoy sa sugo ng
Diyos sa huling araw, ay ganito ang sinasabi:
“Na
tumatawag ng ibong mangdadagit mula sa silanganan, ng taong gumagawa ng aking
payo mula sa malayong lupain; oo, aking sinalita, akin namang
papangyayarihin; aking, pinanukala, akin namang gagawin.”
Dito’y may binabanggit na ibong mandaragit na tatawagin ng Diyos mula sa
silangan. Tunay na ibon ba ito sa kalagayan? Nililiwanag din sa
talata na hindi ito ibon sa kalagayan kundi tao na gumagawa ng payo ng Diyos
mula sa malayong lupain. Kung gayon, ang ibon na mula sa silangan ay siya
ring tao na mula sa malayong lupain. Kaya’t ang taong sinugo ng Diyos na
itinulad sa ibong mandaragit ay magmumula sa malayong silangan. Alin
ang malayong silangan ayon sa patotoo ng kasaysayan? Sa World History nina Boak, Slosson
at Anderson, pahina 445, ay ganito ang sinasabi:
“The Philippines were Spain’s
share of the first colonizing movement in the Far East…”
Sa
Pilipino:
“Ang Pilipinas ay naging bahagi ng
Espanya sa unang kilusan sa pananakop sa Malayong Silangan…”
Alin ang Malayong Silangan? Ang Pilipinas. Kung gayon, sa Pilipinas
lilitaw ang taong sinugo ng Diyos na mangangaral ng tunay na ebanghelyo ni
Cristo.
Ang Panahong Itinakda Ng Diyos Sa Paglitaw ng Sugong Magmumula
Sa Pilipinas
Kailan
ang panahon ng paglitaw ng sugong magmumula sa Pilipinas ayon sa itinakda ng
hula? Sa Apoc.
7:1-2, ay ganito ang sinasabi;
“At pagkatapos
nito ay nakita ko ang apat na anghel na nakatayo sa
apat na sulok ng lupa, na pinipigil ang apat na hangin ng lupa, upang
huwag humihip ang hangin sa lupa, o sa dagat man, o sa anomang punong kahoy.
“At nakita
ko ang ibang anghel na umaakyat mula sa sikatan ng araw, na taglay ang tatak ng
Dios na buhay: at siya'y sumigaw ng tinig na malakas sa apat na anghel na
pinagkaloobang maipahamak ang lupa at ang dagat.”
Kailan
ang panahon ng pangangaral ng anghel o ng sugong magmumula sa Pilipinas?
Ang sabi sa hulang sinipi natin, pagkatapos nito, may nakitang
apat na anghel na pinipigil ang apat na hangin ng lupa, at kaalinsabay nito ay
saka nakitang umaakyat ang anghel o ang sugong magmumula sa
Pilipinas. Alin itong natapos na sinasabi sa Apoc. 7:1?
Sa Apoc. 6:12, 15, ay ganito ang
sinasabi:
“At nakita
ko nang buksan niya ang ikaanim na tatak, at nagkaroon ng malakas na lindol; at
ang araw ay umitim na gaya ng isang magaspang na kayong buhok na
maitim, at ang buong buwan ay naginggaya ng dugo;
“At ang mga hari sa lupa,
at ang mga prinsipe, at ang mga pangulong kapitan, at ang mayayaman, at ang mga
makapangyarihan, at ang bawa't alipin at ang bawa't laya, ay nagsipagtago sa
mga yungib at sa mga bato sa mga bundok.”
Alin ang natapos? Ang pagtatago sa yungib ng mga hari, prinsipe,
pangulong kapitan, mayayaman, mga makapangyarihan, at ang bawa’t alipin at ang
bawa’t laya, na ito’y mangyayari sa dulo o katapusan ng ikaanim na
tatak ng panahon ni Cristo. Bakit nagsipagtago sa yungib ang
lahat ng uri ng tao sa katapusan ng ikaanim na tatak? Ano ang dahilan ng
kanilang pagtatago? Sa Jer. 4:13, 19, ay ganito ang sinasabi:
“Narito,
siya'y sasagupang parang mga ulap, at ang kaniyang mga karo ay magiging
parang ipoipo ang kaniyang mga kabayo ay lalong matulin kay sa mga aguila. Sa
aba natin! sapagka't tayo'ynangapahamak.
“Ang hirap ko, ang hirap
ko! Ako'y nagdaramdam sa aking puso; ang dibdib ko ay kakabakaba, hindi ako
matahimik; sapagka't iyong narinig, Oh kaluluwa ko, ang tunog ng pakakak,
ang hudyat ng pakikipagdigma.”
Ano
ang dahilan ng pagtatago sa yungib ng mga tao mula sa hari hanggang sa mga
alipin sa dulo ng ikaanim na tatak? Dahil sa digmaan! Eh, ano kung
may digmaan? Hindi ba ang digmaan ay pangkaraniwan na rito sa mundo sa
mula’t mula? Tunay nga, ngunit ang digmaang naganap sa dulo ng ikaanim na
tatak ay walang katulad sa mga digmaang nakaraan. Bakit? Ang
digmaang ito’y ginamitan ng mga makabagong kasangkapan sa
digma, gaya ng mga karo na parang ipo-ipo at mga kabayong lumilipad
na matulin pa kay sa mga agila.
Alin
ang mga karong parang ipo-ipo? Ito ang ang mga tangkeng
pandigma. Alin naman ang mga kabayong lumilipad na matulin pa sa mga
agila? Ito ang mga eroplano, na kung tawagin ng kasaysayan ay “aerial cavalry” o kabayuhang panghimpapawid (World History, p. 478). Kapag sumasalakay ang mga
eroplano ay may hudyat. Alin itong hudyat? Ang tunog ng mga
sirena (air raid siren). Kapag ito’y narinig ng mga
tao’y kumakaba ang kanilang mga dibdib at nagsisipagtago sila sa mga
yungib (air raid shelter). Alin ang digmaang unang
ginamitan ng mga tangke at eroplano? Ito ang Digmaang
Pandaigdig na nagsimula noong 1914 (World
History, p. 478).
Ayon sa hulang nasa Apoc. 7:1-2, pagkatapos ng pagtatago sa yungib ay may
nakitang apat na anghel na nakatayo sa apat na sulok ng lupa, na pinipigil ang
apat na hangin ng lupa, at kaalinsabay nito ang pag-akyat mula sa Malayong
Silangan o Pilipinas ng anghel o ng sugong magtatatak o mangangaral ng tunay na
ebanghelyo.
Alin
itong hanging pinipigil ng apat na anghel?
Ang hangin ay sumasagisag sa digmaan (Jer. 4:11-13, 19). Sino naman ang apat na
anghel na pumipigil sa hangin o digmaan? Ito ba ay mga anghel nasa kalagayang
espiritu? Hindi! Ito ba ay mga anghel na tao sa kalagayan na sinusugo ng
Diyos sa pangangaral ng ebanghelyo? Hindi rin. Tao rin ang kalagayan
ng anghel na ito, nguni’t hindi tagapangaral ng ebanghelyo. Ano ang
kanilang gawain? Sila ay mga pinuno ng bansa. Tinatawag din silang
anghel o sugo (I Ped. 2:13-14).
Sinu-sino
itong apat na sugo ng bansa na kumatawan sa pagpigil saDigmaang
Pandaigdig na nagsimula noong 1914?
Sila ay sina Lloyd George ng Gran Bretana,
Clemenceau ng Pransiya, Orlando ng Italya atWilson ng
Amerika. Sila ay lalong kilala sa tawag na “The Big Four”(World
History, p. 494). Kaalinsabay ng pagpigil ng ito sa Digmaang
Pandaigdig, ay nakita namang umaakyat mula sa Malayong Silangan o Pilipinas
ang anghel o sugong mangangaral ng tunay na ebanghelyo. Nang magsimula
ang digmaan ay 1914. Noon nagsimulang magtanim ng binhi o mangaral ang
sugo ng Diyos sa huling araw na si kapatid na Felix
Manalo. Nang matapos ang digmaan ay 1918. Sa panahong
ito’y umaakyat na, ibig sabihi’y unti-unti nang nahahayag ang sugo at pasugo na
hinulaang lilitaw sa Pilipinas, na ito’y walang iba kundi ang Iglesia
ni Cristo sa pangangasiwa ng sugo ng Diyos na siKapatid na Felix
Manalo. Kaya maliwanag na natupad kay Kapatid na Felix Manalo ang
hulang nasa Apoc. 7:2-3,tungkol sa ibang anghel na may
taglay ng tatak ng Diyos na buhay.
MGA TANONG NA DAPAT PAG-ISIPAN:
ReplyDeleteLubos ang pagkilala ninyo kay Felix Manalo bilang ang 'anghel mula sa sikatan ng araw na may hawak ng tatak ng Diyos.' Pero may mga bagay lang na gusto kong linawin ninyo:
1) Kung si Felix Manalo ang "anghel", paano siya nakipag-ugnayan sa "The Big Four"? At anong awtoridad mayroon si Ka Felix sa apat na taong iyon? Mahalagang tanong ito dahil sa pangitain ni apostol Juan, siya ay "sumigaw" sa apat na anghel, na nagpapahiwatig ng pag-uutos na may awtoridad.
2. Paanong pinigilan ng "The Big Four" ang makasagisag na hanging mapaminsala, na ayon sa inyo ay ang Digmaang Pandaigdig I, kung ang totoo, mas mapinsala pa ang sumunod na digmaan na sinundan pa ng iba pang mga digmaan at kaguluhan sa mundo sa sumunod na mga dekada?
3. Bakit nga ba sa "The Big Four" ikinapit ang apat na anghel? Hindi ba ang apat na anghel ay "pinagkalooban na magpahamak sa lupa at dagat", hindi ang pumigil sa hangin ng pagkapuksa? Pumigil lang sila dahil ito ang iniutos sa kanila ng anghel na may hawak na tatak ng Diyos.
4. Ano ang tatak ng Diyos na hawak ni Felix Manalo, kung siya man ang "anghel na umakyat mula sa sikatan ng araw", at anong pakikibahagi mayroon siya sa pagtatatak sa 144,000 tao mula sa mga angkan ng mga Israelita? Isa rin itong mahalagang tanong dahil, ayon sa pangitain, kailangan munang matatakan sa kanilang mga noo ang mga alipin ng ating Dios" bago pakawalan ang hangin ng pagkapuksa. Aakay ito ngayon sa isa pang tanong...
5. Yamang, ayon sa inyo, ang Iglesia ay lumalaganap sa buong lupa dahil napipigilan pa ang hangin ng pagkapuksa, nangangahulugan na hindi pa tapos ang pagtatatak sa noo ng 144,000 na mga alipin ng Diyos. Taliwas ito sa sinasabi ninyong tapos nang lahat matatakan ang 144,000, na mga Judio na naging Kristiyano noong unang siglo. Ayon kasi sa pangitain, kapag natapos nang matatakan sa noo ang lahat ng mga alipin ng Diyos, ang 144,00, saka lang pakakawalan ang hangin ng pagkapuksa.
Sana'y bigyang-pansin po ninyo ang mga tanong na ito. Hindi ko hangad ang makipagdebate. Nagtatanong lang ako hinggil sa inyong pagkaunawa sa mga hula at pangitain na nakasaad sa Banal na Kasulatan. SALAMAT PO!
Ang mga salita ng Diyos ay nakatago sa lihim at hiwaga kaya highly figurative. Ang sugo ay may PAGGABAY ang Diyos. Ang mga tanong mo ay naunawaan namin as figurative narin. Ang Diyos nalang ang magbibigay ng kasagutan sa iyong mga tanong, pero kami ay nauunawaan namin ito at sumasampalataya sa pagsusugo kay ka. Felix Manalo
ReplyDelete