May ibat ibang itinuturo ang mga pangakatin ng relihiyon kung ang
pag uusapan ay ang ukol sa kaligtasan. Ang iba ay nagsasabing tangapin lang ang
ating Panginoong Jesucristo bilang pansariling tagapag ligtas ay maliligtas
kana. Ang iba naman ay nagsasabing sumampalataya ka lang at gumawa ng mabuti ay
ligtas kana.o ang iba naman ay nanghihikayat na umanib sa kanilang relihiyon
para maligtas. Ang iba naman ay nagsasabing hindi na kailangan ang relihiyon
para maligtas. Ang ibat ibang paniniwalang ay magliligaw sa tao sa tunay na
kaligtasan. Sa ating pag aaral ngayon ay malalaman natin kung anu ang katwiran
ng Diyos sa pagliligtas. Mabuting malaman muna natin kung anu ang batas ng
Diyos sa taong nagkasala. Ganito ang nakasulat sa
"Hindi papatayin ang mga magulang dahil sa mga
anak, ni ang mga anak ay papatayin dahil sa mga magulang; bawa't tao'y papatayin dahil sa kaniyang sariling kasalanan" (Deut. 24:16).
Ano ang batas ng Diyos
ukol sa taong nagkasala? Ang sabi sa biblia Hindi papatayin ang mga magulang
dahil sa mga anak, ni ang mga anak ay papatayin dahil sa mga magulang. Sino ang
papatayin o parurusahan? Ang bawat tao ay papatayin dahil sa sariling
kasalanan. Walang karapatan ang ibang tao na panagutan ang kasalanan ng iba
labag ito sa kalooban ng Diyos. Kung sino ang nagkasala ay siyang haharap sa
kaparusahan o kamatayan na kabayaran ng mga kasalanan.
Maaaring sabihin ng iba. “Ok lang na magkasala
ako sapagkat pag namatay na ako ay bayad na rin ako sa aking mga kasalanan”
Alin ba ang ganap na
kabayaran ng kasalanan na siyang kakamtin ng taong nagkasala? sa Apoc 21:8 ay ganito ang maliwanag na sinasabi.
Nguni't
sa mga duwag, at sa mga hindi mananampalataya, at sa mga kasuklamsuklam, at sa
mga mamamatay-tao, at sa mga mapakiapid, at sa mga manggagaway, at sa mga
mapagsamba sa diosdiosan, at sa lahat na mga sinungaling, ang kanilang bahagi
ay sa dagatdagatang nagniningas sa apoy
at asupre; na siyang ikalawang kamatayan. Ang ikalawang kamatayan ang
binabanggit kabayaran ng kasalanan. Saan ito? Sa dagatdagatang apoy at asupre.
Samakatwid hindi maliligtas ang taong nagkasala.
Nagbago ba ang batas
na ito ng Diyos sa panahong Cristiano o sa panahon ng ating Panginoong Jesus?
Sa Roma 6:23 basahin natin
"Sapagka't ang kabayaran ng kasalanan ay kamatayan; datapuwa't ang kaloob
na walang bayad ng Dios ay buhay na walang hanggan kay Cristo Jesus na
Panginoon natin" Hindi nagbago ang batas ng Diyos ukol sa taong nagkasala sa
panahong Cristiano, kamatayan o kaparusahan sa dagat dagatang apoy. Samakatwid
hindi natatapos ang lahat lahat pagkatapos ng pagkalagot ng hininga. Namamalagi
ang katotohanan na haharap sa kaparusahan ang lahat ng tao sapagkat ang lahat
ay nagkasala (maliban sa Panginoong Jesus)
"Kaya, kung paano
na sa pamamagitan ng isang tao ay pumasok ang kasalanan sa sanglibutan, at ang
kamataya'y sa pamamagitan ng kasalanan; at sa ganito'y ang kamatayan ay
naranasan ng lahat ng mga tao, sapagka't ang lahat ay nangagkasala" (Roma 5:12).
Anu ngayon ang
tinatanong ng maraming mga tao? Papaano na maliligtas ang mga tao? Hindi na ba
nagkaroon ng karapatan para maligtas sapagkat ang lahat ay nagkasala maliban sa
ating Panginoong Jesus? Ang Diyos po ay nagbigay ng pagkakataon sa Tao para
maligtas.
ANO ANG PAGKAKATAON IBINIGAY NG DIYOS UPANG MALIGTAS?
sa Gawa 5:31:
"Siya'y pinadakila ng Dios ng kaniyang kanang kamay upang
maging Principe at Tagapagligtas,
upang magbigay ng pagsisisi sa Israel, at kapatawaran ng mga kasalanan."
Isinugo ng Diyos ang Ating Panginoong Jesucristo para maging
tagapagligtas, sa pamamagitan din niya ay mapapatawad ang mga kasalanang nagawa
ng mga tao. Samakatwid sa pamamagitan ng ating Panginoong Jesucristo ang taong
nakatakda sa araw ng paghuhukom para maparusahan ay binigyan parin ng Diyos ng
pagkakataon para maligtas. Ganito ang pagmamahal ng Diyos sa mga tao, nais din
niya ay maligtas.
Ganito naman ang pangangatwiran ng ibang mga tao: “ayos na pala at
ibinigay o isinugo ng Diyos si Jesus para maligtas, sasampalataya na ako sa
kanya bilang sariling tagapagligtas at hindi ko na kailangan pa ng relihiyon”
ang iba ay nag sasabing gagawa nalang ng mabuti para maligtas na. totoo po ba
ito?
Anu po ba ang ipinag pauna ng ating Panginoong Jesucristo noong
narito pa siya sa lupa? Basahin natin ang Mat 5:17
"Huwag ninyong
isiping ako'y naparito upang sirain ang kautusan o ang mga propeta: ako'y
naparito hindi upang sirain, kundi upang ganapin"
Ang sabi ni Jesus “ huwag ninyong isiping akoy naparito upang
sirain ang kautusan” anu po ang ating dapat na mapansin? Hindi kailanman
sisirain ni Jesus ang lahat ng kautusan kasama ang batas ng Diyos ukol sa taong
nagkasala. anu nga uli ito? "...bawa't tao'y papatayin dahil sa
kaniyang sariling kasalanan."
Kaya hindi po maaaring
panagutan ni Jesus ang kasalanan ng iba, hindi niya sisirain ang batas ng Diyos
sa taong nagkasala. eh baket sinugo si Jesus para maging talapagligtas? Paano
ililigtas ni Jesus ang kasalanan ng iba kung hindi niya sisirain ang batas ng
Diyos? Basahin po ninyong maigi ang mga susunod na paliwanag.
Malalabag ng Panginoong Jesucristo ang batas
na ito ng Diyos kung pananagutan Niya ang kasalanan ng iba. Kaya, tiyak na mali
ang sinasabi ng iba na huwag na lamang gagawa ng masama ay maliligtas na.
Sapagkat nagkasala ang tao, hinihingi ng kautusan o batas ng Diyos na ito ay
bayaran ng kamatayang hindi lamang pagkalagot ng hininga kundi ng ikalawang
kamatayan sa dagat-dagatang apoy. Natitiyak din nating mali ang sinasabi ng iba
na sumampalataya lamang sa Panginoong Jesucristo ay maliligtas na, sapagkat,
tiniyak ng Panginoong Jesucristo na hindi Niya sisirain ang batas ng Panginoong
Diyos sa pagbabayad ng tao sa nagawang kasalanan.
ANG KATUWIRAN SA PAGLILIGTAS
Paano magagawa ng Panginoong Jesucristo ang pagliligtas sa taong
nagkasala nang hindi malalabag ang batas ng Diyos? Ang kasagutan ay mababasa
natin sa Efeso 2:15:
"Na inalis ang
pagkakaalit sa pamamagitan ng kaniyang laman, kahit kautusan na may mga
batas at ang palatuntunan; upang sa dalawa ay lalangin sa kaniyang sarili ang isang taong bago, sa
ganito'y ginagawa ang kapayapaan."
Ang sabi sa talata “Upang sa dalawa ay lalangin sa kaniyang sarili
ang isang taong bago” alin itong dalawa na binabangit ni Apostol Pablo na
nilalang ng Panginoong Jesus sa kanyang sarili na isang taong bago?
Ipinaliwanag ito ni Apostol Pablo sa
Col 1:18. "At siya ang ulo
ng katawan, sa makatuwid baga'y ng iglesia"
Ayun po napaka liwanag si Cristo ang lumugar na ulo sa katawan
niya na Iglesia. Sa harapan ng Diyos isang taong bago na sila. Hindi na po sila
dalawa. Bilang ulo ay pananagutan niya ang katawan niya para maligtas. Hindi
kailanman pababayaan ng ulo ang kanyang katawan. Kaya hindi na po nalabag ni
Jesus ang batas ng Diyos ukol sa nagkasala, sa harap ng Diyos ay isang taong
bago na sila at sa ganito ginagawa ang kapayapaan.
. Ano ang pangalan ng tunay na Iglesia na pinangunguluhan ng
Panginoong Jesucristo? Ang sagot ay mababasa
sa Roma 16:16:
"Magbatian kayo ng
banal na halik. Lahat ng iglesya ni Cristo ay bumabati sa inyo" (New Pilipino Version).
Kaya hindi totoo ang paniniwala ng iba na sumampalataya lang
ligtas na, gumawa lang ng mabuti ay ok na para maligtas. O tanggapin si Cristo
bilang pansariling tagapagligtas ay makakapag tamo ng na kaligtasan ang tao.
Kung hindi kabilang sa katawan o sa Iglesia na Pinangunguluhan niya na ito ay
ang Iglesia ni Cristo, ang Iglesian pag aari ni Crsito walang karapatan sa
kaligtasan. Dito naming kayo hinihikayat, hindi poi to saring salita ng mga
Ministro ng Iglesia ni Cristo, ito po ay maliwanag na nakasulat sa biblia.
Maling paniniwala rin ang sinasabi ng iba na hindi na kailangan
ang pag-anib sa Iglesia Ni Cristosa ikapagtatamo ng kaligtasan.
Tanging sa pamamagitan lamang ng tunay na Iglesia na ginawa ng Panginoong
Jesucristo na Kaniyang katawan ay mapananagutan Niya ang kasalanan ng Kaniyang
ililigtas nang hindi malalabag ang batas o katuwiran ng Diyos ukol sa
pagbabayad ng tao sa nagawang kasalanan.
Dahil dito, ano ang itinuro ng Tagapagligtas na dapat gawin ng
sinumang taong nais na maligtas? Sa Juan 10:9
"Ako ang pintuan;
sinumang pumasok sa loob ng kawan sa
pamamagitan ko ay magiging ligtas ..." (Revised English Bible,
isinalin mula sa Ingles)
Sa talatang ito ay hindi lamang itinuro ng Panginoong Jesucristo
na dapat gawin ng tao ang pagpasok sa loob ng kawan para maligtas, kundi, ipinakilala
rin Niya na Siya ay hindi nagtatangi ng tao na naghahangad na maligtas. Kaya
ang sabi Niya, "...sinumang pumasok sa loob ng kawan sa pamamagitan ko ay
magiging ligtas." Kung mayroon man Siyang itinatangi, ito ay ang
kaparaanan─kailangang pumasok ang tao at mapaloob sa kawan.
Ang kawan na dapat kapalooban para sa pagtatamo ng kaligtasan ay ang tunay na
Iglesia:
"Ingatan ninyo
kung gayon ang inyong mga sarili at ang buong kawan na rito'y hinirang kayo ng
Espiritu Santo na mga katiwala, upang pakanin ang iglesia ni Cristo na binili
niya ng kaniyang dugo" (Gawa
20:28, Lamsa Translation, isinalin mula sa Ingles)
NALALAPIT ANG WAKAS
Ang mga kaanib sa Iglesia Ni Cristo ay panatag na
umaasa sa kaligtasan sapagkat ang nangako ay ang mismong Tagapagligtas. Kailan
matatamo ng mga kaanib sa Iglesia Ni Cristo ang kaligtasang
ipinangako ng Panginoong Jesucristo? Ang sabi ni Apostol Pablo:
"Ay gayon din
naman si Cristo, na inihandog na minsan upang dalhin ang mga kasalanan ng
marami, sa ikalawa'y pakikita na hiwalay sa kasalanan, sa ikaliligtas ng mga
nagsisipaghintay sa kaniya" (Heb. 9:28).
Ang kaligtasang inaasahan ng mga kaanib sa Iglesia Ni
Cristo ay sa ikalawang pagparito ng Panginoong Jesucristo o pagdating
ng Araw ng Paghuhukom. Matagal pa kaya bago bumalik ang Panginoong Jesucristo?
Paano natin malalaman kung malayo pa o malapit na ang Kaniyang pagbabalik?
"At samantalang siya'y nakaupo sa bundok ng mga Olivo, ay
nagsilapit sa kaniya ng bukod ang mga alagad, na nagsisipagsabi, Sabihin mo sa
amin, kailan mangyayari ang mga bagay na ito? at ano ang magiging tanda ng
iyong pagparito, at katapusan ng sanglibutan?" (Mat. 24:3)
Sa talatang ito, ang itinanong ng mga alagad sa
Panginoong Jesucristo ay ang tungkol sa magiging tanda ng Kaniyang pagparito at
ng katapusan ng sanlibutan. Ano ang naging sagot Niya sa tanong ng mga alagad?
Sinabi Niya:
"Gayon din naman
kayo, pagka nangakita ninyo ang lahat ng mga bagay na ito, ay talastasin ninyo
na siya'y malapit na, nasa mga pintuan nga" (Mat 24:33)
Tiyak ang tugon ng Panginoong Jesucristo sa tanong ng mga alagad
Niya: "...pagka nangakita ninyo ang lahat ng mga bagay na ito, ay
talastasin na siya'y malapit na." Anu-ano ang mga bagay na makikita o
mangyayari kapag malapit na ang wakas ng mundo?
"At
mangakakarinig kayo ng mga digmaan at mga alingawngaw ng mga digmaan; ingatan
ninyo na huwag kayong magulumihanan:sapagka'tkinakailangang ito'ymangyari
datapuwa't hindi pa ang wakas. Sapagka't magsisitindig ang mga bansa laban sa
bansa, at ang kaharian laban sa kaharian; at magkakagutom at lilindol sa iba't
ibang dako. Datapuwa't ang lahat ng mga bagay na ito ay siyang pasimula ng
kahirapan." (Mat. 24:6-8)
Ito ang mga bagay na sinabi ng Panginoong Jesucristo na mangyayari
kapag malapit na ang ikalawang pagparito Niya na siya ring katapusan ng
sanglibutan. Ang sabi: "At mangakakarinig kayo ng mga digmaan at mga
alingawngaw ng mga digmaan."
Naganap na ang mga digmaang
ito, at ito ay ang mga digmaang sumiklab noong 1914 at 1939 na tinatawag ng
kasaysayan na una at ikalawang digmaang pandaigdig. Bakit natin natitiyak na
ang mga digmaang nagsimula noong 1914 at 1939 ay ang mga digmaang ipinagpauna
ng Panginoong Jesucristo na magaganap kapag malapit na ang katapusan ng
sanlibutan? Sapagkat, ang mga digmaang ibinabala Niya ay susundan ng
pagkakagutom, paglindol sa iba't-ibang dako, at paglaganap ng kahirapan na iyon
nga ang nakita natin sa pangyayari. Kaya, napakalapit na ng pagbabalik ng
Panginoong Jesucristo na siya ring wakas ng mundong ito. Napakalapit na ng
paghuhukom na itinakda ng Panginoong Diyos. Para tayo'y makatiyak ng pagtatamo
ng kaligtasan pagdating ng araw na yaon, ay dapat nating sundin ang tinuro ng
Panginoong Jesucristo─ang pagpasok sa Kaniyang Iglesia o sa Iglesia ni Cristo.
Salamat po sa inyong walang
sawang pagbabasa ng pagsang ito, matanim naya sa inyong puso at isipan at
magtulak para lalong pag igihin ang pagsisiyasat sa tunay na aral na
sinasampalatayanan ng mga kaanib sa Iglesia ni Cristo.
MAGANDANG ARAW PO.. SABI PO KASI NG ILAN SAPAT NADAW NA SUMAMPALATAYA KAY CRISTO PARA MALIGTAS GAYA PO NUNG MAGNANAKAW NA NAKASAMA NI CRISTO NUNG IPINAKO DAW PO SYA SA KRUS,, SABI PO NILA NA HINDI NAMAN UMANIB SA IGLESIA YUNG TAONG YUN PERO ISINAMA PARIN NI CRISTO SA LANGIT.. ANO PO BA ANG MAGANDANG TUGON UKOL DITO SALAMAT PO
ReplyDeleteok hindi totoo yun
DeleteBakit po nagtitiwalag ang Iglesia Ni Cristo po? - pero ano po ang ibig sabihin ng nakasulat sa Luke 5:32? . Maraming salamat po!
ReplyDeleteAng sinasabi po sa talata
DeleteLuke 5:32
Napariti ako, hindi upang tawagin ang mga matuwid kundi ang mga makasalanan upang mag sisi.
Ang sabi po dyan naparito po sya hindi tawagin ang matuwid kundi ang mga makasalanan upang mag sisi.
Pag sinabi po kasing matuwid ikinikilala po na ang turo ng panginoong jesus.
Bakit nya papo tatawagin yun eh alam na po yung katotohan .
Ang sabi nga po ay mapalad ang mga nanampalataya sa mga hindi nag kaka kita sa akin.
At eto nalang po
Alimbawa ganto.
Ang isang doktor
Ay ang mga ginagamot ay ang mga may sakit.
Kung kayat ikaw ay doktor gagamot kaba ng walang sakit o karamdaman..
Sana maintindian mo..
Marame pong salamat
Hindi po ba ang pagkakilala ni San Pablo sa Dios ay Tagapaglitas ng lahat ng mga tao (I Tim 4:10). Saan po mababasa na Iglesia "LANG" ni Cristo ang maliligtas??
ReplyDeleteJUAN 10:9 "Ako ang pintuan; sinumang pumasok sa loob ng kawan sa pamamagitan ko ay magiging ligtas
DeleteGawa 20:28 "Ingatan ninyo kung gayon ang inyong mga sarili at ang buong kawan na rito'y hinirang kayo ng Espiritu Santo na mga katiwala, upang pakanin ang iglesia ni Cristo na binili niya ng kaniyang dugo"
Deleteang kawan lamang ang ililigtas ng Panginoong Jesus