Ipinagtataka ng iba kung bakit Iglesia Katolika ang kinagisnan ng lalong maraming tao samantalang ang itinatag ni Cristo ay ang Iglesia ni Cristo. Ito ay bunga ng kawalan ng kabatiran sa tunay na kasaysayan ng Iglesiang itinatag ng ating Panginoong Jesuscristo noong unang siglo. Kapag ating nalalaman ang mga pangyayari sa kasaysayan ng Iglesia ni Cristo ay hindi na tayo magtataka kung bakit ang Iglesia Katolika ang kinagisnan ng marami samantanlang hindi ito ang Iglesia itinatag ng ating Panginoong Jesucristo.
Paano ba nagsimula ang Iglesia ni Cristo noong unang siglo? Ano ang kalagayan nito noong una?
Ang Iglesia ni Cristo ay nagsimula sa panahon ng Panginoong Jesucristo sa lupa bilang isang munting kawan. Tinawag Niya ito na muting kawan.
"Huwag kayong mangatakot, munting kawan; sapagka't nakalulugod na mainam sa inyong Ama ang sa inyo'y ibigay ang kaharian."(Luc.12:32)
Bakit natin natitiyak na ang Iglesia ni Cristo ang tinutukoy dito sa pangungusap ng ating panginoon?
Ang kawan ay ang Iglesia ni Cristo na tinubos ng dugo ng ating Panginoong Jesucristo; kaya natin natitiyak na ang Iglesia ni cristo ang tinutukoy dito sa pangungusap ng ating Panginoon.
"Ingatan ninyo kung gayon ang inyong sarili at ang buong kawan na rito'y hinirang kayo ng Espiritu Santo ng mga katiwala,upang pakanin ang iglesia ni Cristo na binili niya ng kaniyang dugo." (Gawa20:28, lamsa trans.)
Kung noong ang Panginoong Jesucristo ay narito pa sa lupa ay naroon na rin ang kawan o ang Iglesia ni Cristo, nangangahulugan na ang Iglesia ni Cristo ay natatag noong unang siglo pa.
Ano nag nangyari sa Iglesiang ito sa panahon ng pangangasiwa ng mga Apostol?
Ang Iglesia ni Cristo ay nagdanas ng malaking pag-uusig mula sa mga hindi kumikilala sa kaniya. Bunga nito ay nangalat ang mga kaanib sa mga dako ng Judea at Samaria. Samantala ay naiwan sa Jerusalem ang mga apostol.
"At si Saulo ay sumangayon sa kaniyang pagkamatay. At nang araw na yao'y nangyari ang isang malaking paguusig laban sa iglesia na nasa Jerusalem; at silang lahat ay nagsipangalat sa lahat ng mga dako ng Judea at Samaria, maliban na sa mga apostol." (Gawa 8:1)
Habang nangngalat ang mga alagad bunga ng pag-uusig ano ang patuloy na tinupad nila?
Habang sila ay nagsisipaglakbay sa kanilang panangalat sa iba't ibang dako ay ipinangaral nila ang salita.
"Ang mga nagsipangalat nga ay nagsipaglakbay, na ipinangaral ang salita.
"At bumaba si Felipe sa bayan ng Samaria, at ipinangaral sa kanila ang Cristo." (Gawa 8:4-5)
Ano ang ibinunga sa Igleisa kapag ang salita ng Diyos ay patuloy na ipinangaral?
Nang ipangaral sa Jerusalem ang mga salita ng Diyos, lumago ang Iglesia ni Cristo. Dumami ang tumalima sa pananampalataya.
"At lumago ang salita ng Dios; at dumaming lubha sa jerusalem ang bilang ng mga alagad; at nagsitalima sa pananampalataya ang lubhang maraming saserdote." (Gawa 6:7)
Kung paanong lumago ang Iglesia ni Cristo bunga ng pangangaral sa Jerusalem, gayon din ang natupad nang mangaral ang mga alagad habang nagsisipaglakbay sa pangangalat dahil sa dinanas na pag-uusig. Dumami rin ang bilang ng mga alagad.
Hanggang saan nakarating ang Iglesia ni Cristo na nagsimulang isang muntign kawan?
Ang Iglesia ni Cristo ay nakarating sa dako ng mga Gentil, gaya ng ipinahayag ni Apostol Pablo.
"Na ipinain ang kanilang mga leeg dahil sa aking buhay; na sa kanila'y hindi lamang ako ang nagpapasalamat, kundi naman ang lahat ng mga iglesia ng mga Gentil." (Roma 16:4)
Binabanggit sa sulat na ito ni Apostol Pablo ang Iglesia ng mga Gentil. Samakatuwid, nakarating sa dako ng mga Gentil at naging kaanib ng Iglesia ang mga Gentil. Sino ang tinatawag noong na mga Gentil? Ito ang mga hindi Judio o hindi Israelita sa laman. Ang mga ito ay tinatawag ni Apostol Pablo na Iglesia ng mga Gentil.
Subalit saan kaanib ang mga napabilang sa Iglesia ng mga Gentil? Iba pa na ito sa Iglesia ni Cristo?
Ang tinawag ni Apostol Pablo na Iglesia ng mga Gentil ay mga Iglesia ni Cristo rin. Sa Iglesia ni Cristo kaanib ang mga Gentil na tinawag ng Diyos noon. Ganito ang sinasabi sa Roma 16:16:
"Mangagbatian kayo ng banal na halik. Binabati kayo ng lahat ng mga iglesia ni Cristo."
Ano ang hinulaan ni Cristo nga mangyari sa Iglesia itinayo niya noong unang siglo?
Pinapag-ingat ng ating Panginoong Jesucristo ang mga kaanib sa Iglesia sapagkat may magliligaw sa kanila. Samakatuwid, ililigaw ang mga kaanib sa Iglesia. Ganito ang Kaniyang pahayag:
"At sumagot si Jesus at sinabi sa kanila, Mangangingat kayo na huwag kayong maliligaw ninoman." (Mat.24:4)
Sino ang magliligaw sa Iglesia ni Cristo at gaano karami ang kanilang ililigaw?
Ang magliligaw sa Iglesia ni Cristo ay ang mga bulaang propeta at ang ililigaw ay ang maraming kaanib sa Iglesia.
"At magsisibangon ang maraming bulaang propeta, at kanilang ililigaw ang marami." (Mat 24:11)
Ano ang katumabas na kahulugan ng sinabi sa talatang ito na ililigaw ang mga alagad? Ganito naman ang pahayag ni Apostol Pablo na humula rin ukol sa pagliligaw sa mga alagad:
"Ngunit hayag na sinasabi ng Espiritu, na sa mga huling panahon,ang iba'y magsisitalikod sa pananampalataya, at mangakikinig sa mga espiritung mapanghikayat at sa mga aral ng mga demonio." (I Tim. 4:1)
Ang ibig sabihin ng ililigaw ay itatalikod sa pananampalataya. Samakatuwid, maliligaw o matatalikod ang Iglesia ni Cristo dahil sa mga bulaang propeta.
Paano itatalikod ng mga bulaang propeta ang mga alagad?
Ang gagamitin ng mga bulaang propeta upang maitalikod o mailigaw ang Iglesia ni Cristo ay ang mga aral ng demonio.
"Nguni't hayag na sinasabi ng Espiritu, na sa mga huling panahon ang iba'y magsisitalikod sa pananampalataya, at mangakikinig sa mga espiritung mapanghikayat at sa mga aral ng mga demonio.
"Na ipinagbawal ang pagaasawa, at ipinaguutos na lumayo sa mga lamangkati, na nilalang ng Dios upang tanggapin na may pagpapasalamat ng mga nagsisisampalataya at nangakakaalam ng katotohanan." (I Tim.4:1,3)
Alin-alin ang mga aral ng Demonio na ituturo ng mga bulaang propeta sa mga alagad upang sila ay mailigaw o matalikod sa pananampalataya?
Una, ipagbabawal ang pag-aasawa. Ikalawa, ipag-uutos na lumayo sa mga lamangkati o karne.
Kung gayon, ang relihiyong nagtataguyod ng mga aral na ito ay siyang relihiyong tumalikod sa mga aral ng Diyos. Kapag tumalikod na sa aral ng Diyos ay tiyak nating hindi na ito ang tunay na Iglesia ni Cristo.
Sino ang nagtataguyud ng mga aral ng ito ng Demonio?
Sa isang aklat ng Iglesia Katolika na pinamagatang "Ang Pananampalataya ng ating mga Ninuno"
ay ganito ang sinasabi:
"Ang disiplina ng Iglesia(katolika)ay ipinatupad buhat pa sa pasimula,sa pamamagitan ng pagbabawal sa mga Sacerdote(pari) na mag-asawa pagkatapos na sila'y maordena." (p.396)
Sa Iglesia Katolika natin natagpuan ang pagbabawal sa pag-aasawa.Ang aral na ito na isa sa mga aral ng demonio ay ipinatutupad sa mga paring katoliko.Sila ay pinagbawalang magsipag-asawa. At saan din natin matatagpuang itinuturo ang aral ukol sa paglayo o hindi pagkain ng anumang lamangkati o karne? Ganito ang sinasabi ng isa pang aklat ng Iglesia Katolika:
Ang ikalawang iutos ng santa iglesia: Magayuno at huwag kumain ng anomang lamangkati sa mga araw na bawal.
"Sa ikalawang utos ay ipinaguutos ng Santa Iglesia sa atin na magayuno at huwag kumain ng anomang lamangkati o karne sa mga araw ng ipinagbabawal niya." (Siya Ang Inyong Pakinggan: Aral na Katoliko, P.139)
Maging ang pagbabawal ng pagkain ng lamangkati o obstinensiya sa karne ay ating nasumpungan sa Iglesia Katolika. Pinatutunayan lamang ng mga katotohanang ito na ang Iglesia Katolika ang tumalikod sa pananampalataya.
Ang relihiyong ito ay hindi siyang itinatag ng ating Panginoong Jesucristo kundi siyang naging bunga ng pagtalikod sa unang Iglesia ni Cristo.
Paano naman ipinakilala ni Cristo ang mga bulaang propeta na magtatalikod sa Iglesia niya? Ayon sa Kaniyang, sila ay nakadamit tupa.
"Mangagingat kayo sa mga bulaang propeta, na nagsisilapit sa inyo na may damit tupa,datapuwa't sa loob ay mga lobong maninila." (Mat. 7:15)
Kung gayon, may pagkakakilanlan sa mga bulaang propeta na magtatalikod sa Iglesia. Makikilala sila sa kanilang pananamit. ayon kay Cristo,ay magdaramit tupa.
Ano ang kahulugan ng magdaramit tupa? Sino ang tupa na nagdaramit na tularan ng mga bulaang Propeta? Si Cristo ang kordero o tupa ng Diyos.
"Nang kinabukasan ay nakita ni Juan si Jesus na lumalapit sa kaniya,at sinabi Narito, ang Cordero ng Dios, na nag-aalis ng kasalanan ng sanlibutan!." (Juan 1:29)
Ang salitang "Cordero" ay mula sa wikang Kastila na ang katumbas sa Pilipino ay tupa.Kaya, ang ibig sabihin ng "cordero ng Dios" ay tupa ng Diyos. Ang ating Panginoong Jesucristo ay tupa ng Diyos. Ang Kaniyang pananamit ang siyang tutu- laran ng mga bulaang propeta o magdaramit tupa.
Sino nga ba ang tumulad sa damit ni Cristo?
"ANG PANANAMIT NG PARENG NAGMIMISA.
"Ang pareng gayak sa pagmimisa ay nakakatulad ni Jesukristo noong umakyat sa bundok ng kalvario."
(Siya ang Inyong Pakinggan: Ang Aral na Katoliko, p.195)
Ang mga paring Katoliko ang tumulad sa pananamit ng ating Panginoong Jesucristo. Dahil dito, natitiyak nating ang mga paring Katoliko ang tinutukoy ng ating Panginoon na mga bulaang propeta na magtatalikod sa Iglesia ni Cristo.
Ano ang malaking kasalanan sa Diyos ng mga paring Katoliko? Ano ang kanilang ginawa?
Ipinagpauna ni Apostol Pablo ang pagsalangsang na gagawin ng mga bulaang propeta na magtatalikod sa Iglesia:
"Huwag kayong padaya kanino man sa anomang paraan: sapagka't ito'y hindi darating, maliban nang dumating muna ang pagtiwakas, at mahayag ang taong makasalanan, ang anak ng kapahamakan.
"Na sumasalangsang at nagmamataas laban sa lahat na tinatawag na Dios o sinasamba; ano pa't siya'y nauupo sa templo ng Dios, na siya'y natatanyag sa kaniyang sarili na tulad sa Dios." (II Tes.2:3-4)
Ayon kay Apostol Pablo, ang taong makasalanan na mangunguna sa pagtaliwakas o pagtalikod sa pananampalataya ay magmamataas, sasalangsang, at magtatanyag sa kaniyang sarili na tulad sa Diyos.
Paano gagawin ng mga bulaang Propeta ang pakikitulad o pakikipantay sa Diyos? Alin utos ng Diyos ang sasalangsangin ng mga paring katoliko sa layuning makitulad sa Diyos?
"at huwag ninyong tawaging inyong ama ang sinomang tao sa lupa: sapagka't iisa ang inyong ama, sa makatuwid baga'y siya na nasa langit." (Mat. 23:9)
Ipinagbawal ng Panginoong Jesucristo na tawaging ama(na tulad ng pagiging ama ng Diyos na nasa langit) ang sinumang tao sa lupa. Lalong malaking kasalanan kung ang isang tao ay magpatawag ng ama na tulad ng pagiging Ama ng Diyos na nasa langit. Ito ang pakikitulad o pakikipantay sa Diyos.
Ano ang uri ng pagka-ama ng Diyos na siyang tinularan ng mga paring Katoliko?
Ang Diyos ay ama ng Kaluluwa sapagkat ang kahulugan ng ama ay pinagmulan. Sa Kaniya nagmula ang lahat ng mga kaluluwa kaya Siya tinatawag na Ama ng kaluluwa.
"Narito, lahat ng kaluluwa ay akin; kung paano ang kaluluwa ng ama,gayon din ang kaluluwa ng anak ay akin:ang kaluluwa na nagkakasala ay mamamatay." (Ezek.18:4)
Samakatuwid, masamang tawaging Ama ng kaluluwa ang sinumang tao sa lupa. Sinumang magpatawag nang gayon ay nakikipantay sa Diyos.
Sino nga ba ang nagpatawag na Ama ng kaluluwa?
Ganito ang nakasulat sa isang babasahing Katoliko:
"At ang Santo Papa(Ama)ay ang pinakamataas na ama ng ating kaluluwa dito sa lupa, dahil sa siya ang kahalili nang ating Panginoon. "At dahil sa ang mga sacerdote ang nagbibigay sa atin ng buhay ng ating kaluluwa, sa pamamagitan ng pangangasiwa sa mga sacramento, sila man ay tinatawag na 'Ama ng kaluluwa'."
(Ang Iglesia ni Kristo at Iba't ibang SektangProtestante, p.26)
Ang mga papa at mga paring Katoliko ay napatatawag na mga ama ng kalu-luwa. Kaya nga ang tawag sa kanila ng mga taong Katoliko ay Padre(sa Kastila) o Father(sa Ingles), kapuwa katumbas ng salitang ama. Samakatuwid, sa pamamagitan ng pagpapatawag na mga ama ng kaluluwa ay nakikitulad o nakikipantay ang mga paring Katoliko sa Diyos. Ito ay isang malaking kalapastanganan sa tunay na Diyos.
Paano naman makilala ang mga naitalikod o nailigaw ng mga paring Katoliko na siyang mga bulaang Propeta? Bibigyan nila ng tanda ang mga nadaya nila.
Ano ang tanda na ibinigay sa mga itinalikod ng mga pari?
Ang mga nailigaw o naitalikod ay bibigyan ng tanda sa noo at kanang kamay.
"At ang lahat, maliliit at malalaki, at mayayaman at mga dukha, at ang mga laya at ang mga alipin ay pinagbigyan ng isang tanda sa kanilang kanang kamay, o sa noo." (Apoc. 13:16)
Alin ang tanda sa Noo at Kanang Kamay na ibinigay ng mga pari sa kanilang mga tagasunod?
"ANG TANDA NG SANTA KRUS
"Ang paraang ginagawa sa paggamit ng Santa Krus ay dalawa:ang magantanda at ang magkrus. Ang pagaantanda ay ang paggawa ng tatlong Krus nanghinlalaki ng kanyang kamay;ang una'y sa noo, ang ikalawa ay sa bibig,.. Ang tanda ng Santa Krus ay siyang tanda ng taong Katoliko,.." (Siya Ang Inyong Pakinggan:Ang Aral na Katoliko, p.11)
"Ang paraang ginagawa sa paggamit ng Santa Krus ay dalawa:ang magantanda at ang magkrus. Ang pagaantanda ay ang paggawa ng tatlong Krus nanghinlalaki ng kanyang kamay;ang una'y sa noo, ang ikalawa ay sa bibig,.. Ang tanda ng Santa Krus ay siyang tanda ng taong Katoliko,.." (Siya Ang Inyong Pakinggan:Ang Aral na Katoliko, p.11)
Ang tanda sa noo at kanang kamay na tinutukoy sa Biblia ay
siyang tanda ng Santa Krus kung tawagin naman ng mga Katoliko. Paano ang
pag-aantanda ng Santa Krus? Ito ay sa pamamagitan ng kanang kamay na ang una ay
ginagawa sa noo. Kaya tinatawag na tanda sa noo at kanang kamay.
Ano ang tanda sa noo at kanang kamay? Ano uring tanda ang tandang ito? Ayon na rin sa mga pari?
Ito ay tanda ng anti-Cristo.
"Ipag uutos mag quintal sa noo o canang camay sucat pagca quilalanan na sila nga, i, campong tunay nitong Anti-Cristong hunghang." (Pasion Candaba,p.210)
Ano ang tanda sa noo at kanang kamay? Ano uring tanda ang tandang ito? Ayon na rin sa mga pari?
Ito ay tanda ng anti-Cristo.
"Ipag uutos mag quintal sa noo o canang camay sucat pagca quilalanan na sila nga, i, campong tunay nitong Anti-Cristong hunghang." (Pasion Candaba,p.210)
Dito ay sinabi ng pari na ang tanda ng Santa Krus na siyang tanda sa noo at kanang kamay ay tandang ikakilala sa anti-Cristo o kalaban ni Cristo. Nangangahulugan lamang na ang mga taong Katoliko na binigyan ng tanda ng Santa Krus ay hindi na sa Diyos kundi kalaban na sila sapagkat sila ang mga nadaya ng mga pari o bulaang propeta.
Ano ang sasapitin ng mga taong may tanda sa Noo at Kanang Kamay, Ayon sa Biblia ?
Sila'y parurusahan sa apoy.
9 "At ang ibang anghel, ang pangatlo ay sumusunod sa kanila, na nagsasabi ng malakas na tinig, Kung ang sinoman ay sumamba sa hayop at sa kaniyang larawan,at tumatanggap ng tanda sa kaniyang noo, o sa kaniyang kamay, 10"Ay iinom din naman siya ng alak ng kaglitan ng Dios, na nahahandang walang halo sa inuman ng kaniyang kagalitan; at siya'y pahihirapan ng apoy at asupre sa harapan ng mga banal na anghel, at sa harapan ng Cordero: 11 "At ang usok ng hirap nila ay napaiilanglang magpakailan kailan man; at sila'y walang kapahingahan araw at gabi, sila mga nagsisisamba sa hayop at sa kaniyang larawan, at sinomang tumatanggap ng tanda ng kaniyang pangalan."
(Apoc. 14:9-11)
Ang mga binigyan ng tanda ng SantaKrus ang tiniyak ng Biblia na parurusahan sa apoy sa araw ng Pahuhukom. Kaya,dapat nang tigilan ang pag-aantanda ng tinatawag na Santa Krus.
Ano ang ginawa ng Iglesia Katolika sa mga hindi sumunod sa ginawa nilang pagtalikod, kung kaya ganap na hindi natin nagisnan ang Iglesia ni Cristo?
Ayon sa hula, sila'y hindi patatawarin ng mga ganib na lobo.
"Aking talastas na pagalis ko ay magsisipasok sa inyo ang mga ganid na lobo, na hindi mangagpapatawad sa kawan." (Gawa 20:29)
Pag-alis ni Apostol Pablo ay papasok ang mga ganib na lobo at hindi magpapatawad sa kawan o sa Iglesia.
Ano ang ibig sabihing hindi patatawarin ng mga lobong maninila ang kawan?
"Kung magkagayo'y ibibigay kayo sa kapighatian, at kayo'y papatayin: at kayo'y kapopootan ng lahat ng mga bansa dahil sa aking pangalan." (Mat. 24:9)
Samakatuwid ay papatayin ng mga ganib na lobo o ng mga bulaang propeta ang mga alagad na tatang-ging sumunod sa kanilang kagustuhan.
Nagpapatay nga ba ang Iglesia Katolika na katunayan sila nga amg tumalikod sa Iglesiang itinayo ni Cristo?
..ang Iglesia ay nagtatag ng isang tanging hukuman, ang Ingkisisyon Papa o Pangsanlibutang Ingkisisyon. Ang mahahalagang bahagi ng pamamaraan nito ay itinakda ng isang kalipunan ng mga batas na kapuwa pinagpatibay ni Papa Lucio III at Emperador Barbossa noong 1184. Ang mga maliliit na detalye ay idinagdag noong 1230. Ang gayong mga hukuman ng katarungang pang-espiritu ay itinatag sa mga dakong lubos na hinawahan ng mga maling aral... Itinuturing din ng bansa ang erehiya bilang isang kasalanan, sapagkat pinapaghihina nito ang mga saligan ng pangmadlang kagalingan. Ang parusa na itinakda ng mga batas panlupa ukol sa erehiya ay kamatayan sa apoy. Ang mga ito ay hindi kailanman ipinataw ng pansimbahang hukom. ('The Modern World', p.344)
Walang alinlangan na nagpapatay ng mga di nila kapanampalataya ang Iglesia Katolika. Pinatutunayan ito ng kasay-sayan.
Inamin ba ng mga paring Katoliko ang sinasabi ng kasaysayan na ang Iglesia Katolika ay nagpapatay?
Inaamin ito ng Iglesia Katolika at kanilang kinilala ang pananagutan na pagpapatay sa mga hindi sumang-ayon sa kanilang paniniwala.
'Ang unang batas ng kasaysayan, pahayag ni Papa Leo XII, tulad ng aming binanggit nang nakaraan, ay upang magpahayag nang walang kasinungalingan at upang huwag magkaroon ng takot sa pagsasabi ng katotohanan. Bilang pagsang-ayon sa matalinong simulaing iyan, tahasan naming kinikilala ang pananagutan ng mga papa sa paggamit ng pagpapahirap at sa pagsunog sa libulibong mga erehe sa tulos. Ang pag papahintulot nila sa ganyang malupit at makahayop na mga pamamaraan ay hindi maitatatuwang isa sa pinakamaitim na mga batik sa talaan ng Banal na Tanggapan at mananatili hanggang wakas na isang dahilan ng pagkutya at kahihiyan sa kapapahan. Kahit tapatang aminin, na siya namang nararapat, na ang kanilang mga layunin ay mabuti at ang kanilang pagsusumakit ay para sa kapakanan ng Kaluluwa ng biktima, hayaang manatiling pananinindiganan na ang malupit at di makataong pamamaraan na ginamit ay hindi mapasusubalian.(p.49)
'ANG PANANAGUTAN NG IGLESIA'
Ang Iglesia(Katolika)ay hindi makaiiwas sa pananagutan ukol sa paggamit ng pagpapahirap ni sa pagsunog ng mga biktima sa tulos. Ang Iglesia sa katauhan ng kaniyang mga pontipise ang nananagot sa paggamit ng pagpapahirap; ang malupit na gawaing ito ay pinasimulan ni Inocencio IV noong 1252... Pinasisikapan ng pontipise na ipagtanggol ang paggamit ng pagpapahirap sa pamamagitan ng pagtuturing sa mga erehe bilang mga magnanakaw at mamama-tay-tao, paghahalintulad lamang ang kanyang tanging batayan.Ang batas na ito ni Inocencio IV ay muling pinairal at pinatibay ni Alejandro IV noong ika-30 ng Nobyembre,1259, at Clemente IV noong ika-3 ng Nobyembre,1265.
Ni hindi makaiiwas ang Iglesia(katolika)sa pananagutan ukol sa pagpapasunog ng mga erehe sa tulos hanggang sa mamatay. Ang pagkukunwari lamang na ibigay ang biktima sa kapangyarihang sekular ay hindi makapaglilingid sa katotohanang ang mga papa ay paulit-ulit na nagpilit sa ilalim ng pagbabantang pagtitiwalag at pagbabawal sa mga pinuno, na igawad ang kaparusahang kamatayan sa mga erehe. (Ibid.,p.47)
Kailan pa nagsimulang mahayag ang pagtalikod sa Iglesiang itinayo ni Cristo na nagpatuloy hanggang sa may tinatalikurang aral ng Diyos at ni Cristo?
Ang pagtalikod ay nahayag lamang sa pag-alis ng mga apostol . Nang naroon pa ang mga apostol ay hindi pa ito nahayag.
"Aking talastas na pagalis ko ay magsisipasok sa inyo ang mga ganid na lobo, na hindi mangagpapatawad sa kawan". (Gawa 20:29)
Alin pag-alis ang tinutukoy dito ni Apostol Pablo?
Ang pag-alis na tinutukoy niya ay ang pag-alis na tuluyan nang hindi siya muling makikita.
"At ngayon, narito, nalalaman ko na kayong lahat, na aking nilibot na pinangaralan ng kaharian, ay hindi na ninyo muling makikita pa ang aking mukha." (Gawa 20:25)
Aling pag-alis ito na hindi na muling makikita pa ang kaniyang mukha? Ano ang naging damdamin ng mga kapatid nang marinig nila ang sinabing ito ni Apsotol Pablo?
"At silang lahat ay nagsipanangis nang di kawasa, at nangasiyakap sa leeg ni Pablo at siya'y hinagkan nila, "Na ikinahahapis ng lalo sa lahat ang salitang sinabi niya, na hindi na nila makikitang muli pa ang kaniyang mukha. At kanilang inihatid siya sa kaniyang paglalakbay hanggang sa daong." (Gawa 20:37-38)
Nanangis ang mga kapatid na marinig ang pangungusap ni Apostol Pablo ukol sa kaniyang pag-alis na hindi na muling makikita pa ang kaniyang mukha.
Bakit? Alin ba ang talagang tinutukoy ni Apsotol Pablo na pag-alis niya?
"Sapagka't ako'y
iniaalay na, at ang panahon ng aking pagpanaw ay dumating na.
"Nakipagbaka ako ng mabuting pakikipagbaka, natapos ko na ang aking takbo,iningatan ko ang pananampalataya: "Buhat ngayon ay natataan sa akin ang putong na katuwiran, na ibibigay sa akin ng Panginoon na tapat na hukom sa araw na yaon; at hindi lamang sa akin, kundi sa lahat din namang ng mga naghahangad sa kaniyang pagpapakita."
(II Tim. 4:6-8)
"Nakipagbaka ako ng mabuting pakikipagbaka, natapos ko na ang aking takbo,iningatan ko ang pananampalataya: "Buhat ngayon ay natataan sa akin ang putong na katuwiran, na ibibigay sa akin ng Panginoon na tapat na hukom sa araw na yaon; at hindi lamang sa akin, kundi sa lahat din namang ng mga naghahangad sa kaniyang pagpapakita."
(II Tim. 4:6-8)
Ang tinutukoy ni Apostol Pablo na pag-alis ay ang kaniyang
pagpanaw o pagkamatay. Samakatuwid, ang tinutukoy na pag-alis ng mga apostol ay
ang kanilang kamatayan. Nang mamatay ang mga apostol ay saka lamang nahayag ang
pagtalikod ng mga bulaang propeta.
Ano ang nangyari sa Iglesiang itinatag ni Cristo noong Unang Siglo, Kaya hindi natin nagisnan?
Ang Iglesiang itinatag ni Cristo noong unang siglo ay natalikod. Iniligaw ito ng mga bulaang propeta na lumitaw sa Iglesia pagkatapos ng panahon ng mga apostol at ang iba naman, ang mga nanindigan, ay pinatay ng mga lobong maninila. 'Ang kinatuparan ng ibinabalang magtatalikod sa Iglesia ay ang mga paring Katoliko. Ipinasok nila ang mga hidwang pananampalataya sa iglesia hanggang sa tinawag itong Iglesia Katolika - isang iglesiang ibang iba na sa Iglesia ni Cristo na ipinakilala ng Biblia. Kung gayon ay hindi kay Cristo at lalong hindi sa Diyos at walang kaligtasan sa Iglesiang Katolika.
Kaya ano ang dapat gawin ng mga taong nasa Iglesiang Katolika pa upang sila ay maligtas?
"At narinig ko ang ibang tinig na mula sa langit, na nagsasabi, Mangagsilabas kayo sa kaniya, bayan ko, upang huwag kayong mangaramay sa kaniyang mga kasalanan,at huwag kayong magsitanggap ng kaniyang mga salot."
(Apoc.18:4)
Dapat lumabas sa Iglesia Katolika ang mga tao na nadaya ng mga bulaang propeta upang huwag maramay sa parusa ng Diyos. Dapat nang itakuwil ang lahat ng aral Katoliko sapagkat ang mga ito'y laban sa mga aral ng Diyos.
Ano ang nangyari sa Iglesiang itinatag ni Cristo noong Unang Siglo, Kaya hindi natin nagisnan?
Ang Iglesiang itinatag ni Cristo noong unang siglo ay natalikod. Iniligaw ito ng mga bulaang propeta na lumitaw sa Iglesia pagkatapos ng panahon ng mga apostol at ang iba naman, ang mga nanindigan, ay pinatay ng mga lobong maninila. 'Ang kinatuparan ng ibinabalang magtatalikod sa Iglesia ay ang mga paring Katoliko. Ipinasok nila ang mga hidwang pananampalataya sa iglesia hanggang sa tinawag itong Iglesia Katolika - isang iglesiang ibang iba na sa Iglesia ni Cristo na ipinakilala ng Biblia. Kung gayon ay hindi kay Cristo at lalong hindi sa Diyos at walang kaligtasan sa Iglesiang Katolika.
Kaya ano ang dapat gawin ng mga taong nasa Iglesiang Katolika pa upang sila ay maligtas?
"At narinig ko ang ibang tinig na mula sa langit, na nagsasabi, Mangagsilabas kayo sa kaniya, bayan ko, upang huwag kayong mangaramay sa kaniyang mga kasalanan,at huwag kayong magsitanggap ng kaniyang mga salot."
(Apoc.18:4)
Dapat lumabas sa Iglesia Katolika ang mga tao na nadaya ng mga bulaang propeta upang huwag maramay sa parusa ng Diyos. Dapat nang itakuwil ang lahat ng aral Katoliko sapagkat ang mga ito'y laban sa mga aral ng Diyos.
No comments:
Post a Comment