TUNAY NA LINGKOD

Sunday, December 15, 2013

December 25 Birthday of the Sun



Ang mga Katoliko at ibat ibang sektang Protestante ay naniniwala na ang December 25 ay ang araw ng kapanganakan ng ating Panginoong Jesucristo ang petsang ito ay kanilang pinag hahandaan at ipinagdiriwang. Huwag po ipagkamali ng iba na masamang ipagdiwang ang kaarawan ng ating Panginoong Jesus. Sa biblia ay may ganitong binabanggit Lucas 2:13-14

At biglang nakisama sa anghel ang isang karamihang hukbo ng langit, na nangagpupuri sa Dios, at nangagsasabi: Luwalhati sa Dios sa kataastaasan, At sa lupa'y kapayapaan sa mga taong kinalulugdan niya. 

Nagpuri sa Diyos ang karamihang hukbo ng langit ng kaniyang araw ng kapanganakan. Kaya walang masama kung ipagdiwang natin ito. Ngunit ang ukol sa petsa ng kaniyang kapanganakan ay walang binabangit ang biblia. Ang December 25 ay hindi pinatutunayan ng biblia na araw ng kapanganakan ng ating Panginoong Jesus. Ngayon ang tanong ay Paano natin ipagdiriwang ang kanyang kapanganakan kung walang binabanggit sa biblia ukol sa araw na ito? Ang iba ay sinasabing ang pagdiriwang sa December 25 ay ang paraan ng pag alala sa kaniya. Tama kaya ito? Sang ayon ba ang Iglesia Katolika na hindi mababasa sa biblia ang petsa ng kapanganakan ng ating Panginoong Jesus? Sa Catholic Encyclopedia ay ganito ang mababasa sa Vol. III page 726

Pinagmulan ng Petsa- Tungkol sa petsa ng kapangaakan ni Cristo ang mga ebanghelyo ay walang maitutulong”

Sinang-ayunan din ito ng
Collier's Encyclopedia:

"Hindi maaring matiyak ang tamang petsa ng kapanganakan ni Cristo, maging mula sa mga katibayan ng mga ebangelyo, o mula sa anumang mabuting tradisyon." (Vol. VI page 403)

Sa isang Aklat-Katoliko naman ay malinaw na sinasabing ang tunay na petsa ng kapangankan ni Jesus ay hindi nalalaman.

"Dati ang Pasko ay ipinagdiriwang nan Enero 6, ngunit sa pasimula ng ikaapat na siglo, binago ni Papa Julio 1 ang petsa at ginawa ito na Disyembre 25, yamang ang tunay na petsa ay di nalalaman." (The Handbook of Catholic Practices page 176)


Maliwanag po sa aklat na ito na hindi nila nalalaman ang tunay na kapanganakan ng ating Panginoong Jesus. Una ay Enero 6 at ito po ay binago at naging December 25. Nagpabago bago sila ng petsa ukol sa kapanganakan ni Jesus? Ito pa ang isang maliwanag na patotoo sa isang aklat.

"Ang pagkakakasunod-sunod sa panahon ng mga pangyayari sa buhay ni Cristo ay lubos na nabaon sa kawalan ng katyakan hindi lamang ang mismong mga pangyaari kundi gayundin ang kaugnayan nito sa kapanahong kasaysayan. Hindi tayo ganap na nakatitiyak sa araw o taon ng kaniyang kapanganakan o kung kailan siya nagsimula na niyang hayag na pamumuhay o kaya'y kung gaano katagal ito nanatili o ang araw o taon ng kaniyang kamatayan." (The mystery of Christimas pp. 14-15)

sa ibat ibang aklat na ating nabasa ay tiniyak na walang patunay sa araw ng kapanganakan ng ating Panginoong Jesus. Ang mga paring katoliko mismo ang  nagpapatotoo ukol sa paniniwalang ito. Saan ba nila hingango ang aral nila na December 25 ang araw ng kapanganakan ni Jesus? Basa uli tayo ng isang aklat.

"Ang pagsasa-Cristiano (Christianization) ng pagsamba sa diyos-ng-araw (sun-god) ang lumikha ng Pasko....Ginawa ni Aurelian (270-5) ang ika 25 ng Disyembre, ang araw ng kapanganakan ng diyos-ng-araw, na isang pagdiriwang ng Imperyo. Pagkatapos ng tagumpay ng Iglesia, Ito ay ginawang araw ng kapanganakan ng tunay na araw, bilang Pasko."
(Early Christian Art pp 99-100)

Hinango nila ang aral ukol sa paniniwalang Pagano.. ang mga sumasamba sa ibang Diyos. Ayon mismo sa aklat na ating nabasa Ginawa ni Aurelian ang December 25 ay araw ng kapanganakan ng diyos ng araw. Bakit po nila pinili ang December 25?

"....ang pagkakapili sa ika 25 ng Disyembre ay udyok ng katotohanang ang mga Romano, mula sa panahon ng emperador na si Aurelian (275), ay nagdiwang ng kapistahan ng diyos ng araw ( Sol Invictus: ang Hindi mapananaigang Araw) sa araw na iyon. Ang ika 25 ng Disyembre ay tinawag na Araw ng kapanganakan ng araw' at idinaos ang dakilang mga paganong pagdiriwang na pangrelihiyon sa buong imperyo ng pananampalatayang Mitrako. Ano ang higit na dapat asahan kundi ang mga Cristiano ay magdiwang ng kaarawan niya na Siyang Ilaw ng Sanlibutan at tunay na anak ng Katarungan sa mismong araw na ito?
(Handbook of Christian Feast angCustoms, pp 59-60)

pasya ng mga paring katoliko noon na maging December 25. Ayon sa aklat na ating nabasa ay “. Ano ang higit na dapat asahan kundi ang mga Cristiano ay magdiwang ng kaarawan niya na Siyang Ilaw ng Sanlibutan at tunay na anak ng Katarungan sa mismong araw na ito?” napaka liwanag na hinango lang nila sa gawaing Pagano ang ukol sa pagdiriwang nila ng December 25 bilang kapanganakan ni Jesus. Ang pagdiriwang nila na ito ay nauukol sa diyos diyusan ng mga pagano na si Mitra.


"Kaya may sapat na katunayan na ang pinagmulan ng Pasko ay matatagpuan sa ginagawa ng mga pagano na pagsamba sa araw, na tulad sa ating nabasa sa ikapitong kabanata, ay humangga sa Roma sa ilalim ni Aurelian noong 374.” (Paganism to Christianity In The Roman empire, pp 251-252)

paano ngayon maliligtas ang may ganitong gawain. Ang lahat ng nauukol sa gawain ng mga pagano ay walang kaligtasan. Ang mga pagdiriwang lang ba ng araw na December 25 ang nakaugnay sa gawaing pagano? Anu pa ang naka ugnay sa gawaing Pagano na sinundan o ginawa ng Iglesia Katolika at ng ibat ibang sektang Protestante.. ito ang ating pag aralan.

Ang mga Gawain sa Pasko ng Galing Din sa Pagano:

Para po maliwanagan ng husto ang ating mga kaibigan na hindi kaanib sa Iglesia ni Cristo ay dagdagan pa natin ang kaalaman ukol gawaing nakaugnay sa pagdiriwang ng Pasko patutunayan natin na ito ay gawaing Pagano din. Anu ba ang isa sa mga gawaing Pagano na nakapaloob sa pagdiriwang nila ng Pasko? Basa sa isang aklat Coliier's Encyclopedia Vol. VI, page 404
“ Itinuturing ng ilang awtoridad na ang Christmas Tree ay isang labi ng pagsamba ng mga pagano sa puno at tinutunton ito sa matandang Roma at Ehipto."
Coliier's Encyclopedia Vol. VI, page 404

Ang Chrismas Tree na inihahanda nila para sa Pasko ay ang labi ng mga Pagano sa pagsamba sa puno. Ang gawaing ito ay itinunton sa matandang Roma at Ehipto sadyang kinopya nila ito sa gawaing Pagano. Gaano naba ito katagal ginagamit sa Ehipto? Ganito ang sinasabi sa isang lathala:

" Maraming siglo bago isinilang si Jesus, ang mga Christmas Tree ay natagpuan sa ilang mga tahanan sa Ehipto. Ang mga yaon ay mga puno ng palma at tinatawag na Baal-Tamar."The Philipines Herald Magazine, December 1966 Page 4

Maraming siglo na bago isilang si Jesus ay natagpuan na ang Chrismas Tree sa ilang mga tahanan sa Ehipto. Kaya sobrang tagal na.. anu ang ating mapapansin. Hindi pa isinisilang si Jesus ay gamit na nila ito. Ngunit sa kasalukuyan ay ginagamit lang ang Chrismas Tree kung dumarating ang December para sa paghahanda nila sa kapanganakan daw ni Jesus. Anu pa ang may kaugnayan sa kaugaliang Pagano maliban sa Chrismas Tree? Basa uli tayo..

" Ang mga kandila sa ilang bahagi ng Inglatera na sinisindihan tuwing bisperas ng Pasko, at ginagamit sa buong panahon ng pagdiriwang, ay sinisindihan din ng mga pagano sa bisperas ng kapistahan ng Diyos ng Babilonya, upang parangalan siya: Sapagkat isa sa mga kakaibang katangian ng pagsamba sa kaniya ang pagkakaroon ng mga sinisindihang kandila sa kaniyang mga dambana.The Two Babylons or tha Papal Worship page 97

Ayon sa aklat na ating sinipi “ ang mga kandila na sinisindihan tuwing bisperas ng pasko at sa buong panahon ng pagdiriwang ay sinisindihan din ng mga PAGANO. Kelan din sinisindihan ito ng mga pagano? Tuwing despiras ng kapistahan ng diyos ng Babilonia. Bakit nagsisindi ng kandila ang mga pagano para sa diyos ng babilonia? Upang parangalan siya. Ang pagsisindi ng kandila ay isang kakaibang katangian na pagsamba nila sa diyos ng babilonia. Hinango nanaman ng mga Paring katoliko ang kaugaliang ito sa mga Pagano..
Ang December 25, Chrismas Tree at kandila na pinapailaw. Kasama na ang mga parol na pinapailaw o ginagawang disenyo sa paghahanda sa pasko ay hindi galling s autos ng Diyos na nasa biblia. Ang lahat ng ito ay nagmula sa gawaig Pagano. Anu ba ang pagpapakilala ng biblia ukol sa mga pagano? Basahin natin ang  Efeso 4:17-18 (salita ng Buhay)

“.. Kaya’t ito ang masasabi ko, sa pangalan ng Panginoon: Huwag na kayong mamuhay na gaya ng mga paganong walang kabuluhan ang mga iniisip at nadirimlan ang kaisipan. Dahil wala silang pagkaunawa at matigas ang kanilang puso, hiwalay sila sa Buhay na mula sa Dios.”

Ang sabi ay : Huwag na kayong mamuhay na gaya ng mga paganong walang kabuluhan ang mga iniisip bakit sinabing walang kabuluhan ang pag iisip? Sapagkat nadirimlan ang kaniang kaisipan. Panu nadimlan ang kanilang kaisipan? Wala silang unawa at matigas ang kanilang puso. Samakatwid ayaw nilang tangapin ang katotohanan. Kaya kahit ituro na mali at labag sa utos ng Diyos ang Pagdiriwang ng Pasko ay hindi nila ito tatanggapin. Kaya sa anu sila hiwalay? Hiwalay sila sa Buhay na mula sa Diyos. Anu an gating mapapansin? Walang pag asa sa kaligtasan ang mga pagano sa araw ng paghuhukom.

Kahit sabihin po ng iba na hindi sila pagano ngunit ginagawa nila ang mga gawaing Pagano ay kasama sila sa mga hindi maliligtas sapagkat hiwalay sa buhay na mula sa Diyos.

No comments:

Post a Comment