Tayong mga kaanib sa Iglesia ni Cristo ay lubos na
sumasampalataya sa mga aral ng Diyos na naka sulat sa biblia. Ang kapatid na
Felix Manalo ang kanyang pinili upang ipaunawa sa atin ang mga katotohanang
ito. Siya ang isinugo ng Diyos sa mga huling araw. Sa mga naka raang leksion na
nating natalakay ay pinatunayan natin na sa Kapatid na Felix Manalo natupad ang
mga hula. Ngayon ay isang paunang pahayag o hula nanaman ang ating papatunayan.
Ang ukol sa IBONG MANDARAGIT na binabangit sa Isaias 46:11. Basahin po ninyong
maigi at unawain kung papaano natupad ang hulang ito kay kapatid na Felix
Manalo. Sipiin natin ang nasabing talata.
Isaias 46:11 “Na tumatawag ng IBONG
MANGDARAGIT mula sa silanganan, ng taong gumagawa ng aking payo mula sa
malayong lupain; oo, aking sinalita, akin namang papangyayarihin; aking,
pinanukala, akin namang gagawin.”
Ayon sa talatang ating nabasa ay may binabanggit na IBONG
MANDARAGIT, literal bang ibon ang binabanggit? Hindi po, sapagkat ang sabi ay
“Taong gumagawa ng aking payo” alin ba yung payo ng Diyos? Ito po ay ang
kaniyang mga salita. Samakatwid mangangaral o magtuturo ng mga salita ng Diyos
ang tinatawag na ibong mandaragit. Saan magmumula ang taong gumagawa ng payo ng
Diyos? Mula sa malayong lupain.
Alamin muna natin ngayon alin ba ang katumbas ng Pagdagit na
siyang magiging gawain ng Sugong hinuhulaan? Ganito ang ating mababasa
Judas 1:23 “AT ANG IBA'Y INYONG ILIGTAS, NA AGAWIN NINYO SA APOY; at ang iba'y inyong kahabagan na may takot; na inyong kapootan pati ng damit na nadungisan ng laman.”
Ang PAGDAGIT ay ANG PAG-AGAW SA APOY, na ang apoy na tinutukoy ay ang apoy ng impiyerno. Samakatuwid dadagitin o aagawin ng sugong ito ang mga tao upang sila’y maligtas at hindi upang mapahamak. Kaya mali ang isipan ng iba na lumalarawan sa mabangis na hayop ang binabanggit na ibong mandaragit.
Saan
magmumula ang mga tao na daragitin o aagawin ng Taong inihalintulad sa Ibong
mandaragit? Basahin natin ang kaugnay na hula?
Isaias 43:5 “Huwag kang matakot, sapagka't ako'y sumasaiyo: aking dadalhin ang iyong lahi mula sa silanganan, at pipisanin kita mula sa kanluran; Aking sasabihin sa HILAGAAN, Bayaan mo, at sa TIMUGAN, Huwag mong pigilin; dalhin mo rito ang aking mga anak na lalake na mula sa malayo, at ang aking mga anak na babae na mula sa mga wakas ng lupa;”
ang sabi ng Diyos ay “kaniyang mga anak na lalake na mula sa malayo at kaniyang mga anak na babae na mula sa mga wakas ng lupa”. Samakatwid ay mula sa malayo at mga wakas ng lupa. Doon manggaling ang mga taong daragitin ng Sugo na inihalintulad sa ibong mandaragit. Ngunit anu ang ating mapapansin sa hulang ito? May pipigil sa mga daragitin o aagawin ng Sugo. Sino ang pipigil? Ang timugan at Hilagaan. Kaya bang pigilin ng Timugan at Hilagaan ang gawaing ibinigay sa Sugo? Hindi po.. anu katunayan? Ang sabi ng Diyos “Aking sasabihin sa HILAGAAN, Bayaan mo, at sa TIMUGAN, Huwag mong pigilin;”
Sino ang Hilagaan at
Timugan na pipigil sa mga anak ng Diyos na binabanggit sa hula? Ganito ang ating
mababasa
"... IN THE NORTH THE PROTESTANTS WERE IN CONTROL--Lutheran churches in Sweden, Norway, Denmark, Iceland, the northern and central states of Germany; Calvinist or Reformed churches in Scotland, the Netherlands, Hesse, the Palatinate, and a few of the western German states. IN THE SOUTH THE CATHOLICS WERE IN CONTROL - Spain, Italy, Austria, Bavaria, and elsewhere in southern Germany." (The Reformation by Owen Chadwick p. 366)
Sa Filipino:
“…SA HILAGAAN ANG MGA PROTESTANTE ANG NAMAMAYANI – Iglesia Luterana sa Sweden, Norway, Denmark, Iceland, sa hilagaan at gitnang estado ng Alemaniya; Kalbinismo o ang Reformadong Iglesia sa Scotland, ang Netherlands, Hesse, ang Palatine, at mangilan-ngilan sa mga estadong kanluranin ng Alemaniya. SA TIMUGAN ANG MGA KATOLIKO ANG NAMAMAYANI – Espanya, Italiya, Austria, Bavaria at saanman sa timugang Alemaniya.”
Ang tinatanung natin ay
kung sino sino ang Hilagaan at timugan na pipigil sa mga anak ng Diyos na
binabanggit sa hula? Ang Hilagaan ay ang mga Protestante at sa Timugan ay
Katolisismo. Mula sa malalaking relihiyon na ito aagawin ng Sugo ang mga anak
ng Diyos na lalake at babae para maligtas sa tiyak na kapahamakan. Ang kapatid
na Felix Manalo ang ating sinasampalatayanan na kinatuparan ng hulang ito. Hindi
nagtagumpay ang Katolisismo at Protestantismo sa pagpigil sa mga anak ng Diyos.
Tayo po ang buhay na saksi at hanggang sa panahon natin ay tuloy tuloy ang
katuparan nito. Hindi mapapasubalian ang katotohanan na mula sa Katoliko at
Protestante ang mga naagaw ng Sugo para makarating sa tunay na Iglesia na
ililigtas ni Cristo.
Ngunit may mga naniniwala o
nagtuturo na hindi daw ang Kapatid na Felix Manalo ang kinatuparan ng hulang
ito na ibong mandaragit kundi si Haring Ciro ng Persia. Bakit ba tayo
nakatitiyak na si kapatid na Felix Manalo nga ang katuparan nito? Saan po ba
magmumula ang ibong mandaragit? Basahin uli natin ang nasabing talata.
Isaias. 46:11: “Calling a bird of prey from the EAST, The man who executes
My counsel, from a far country. Indeed I have spoken it; I will also bring it
to pass. I have purposed it; I will also do it.”
Isaias 46:11 “Na tumatawag ng IBONG MANGDARAGIT mula
sa SILANGANAN, ng taong gumagawa ng
aking payo mula sa malayong lupain; oo, aking sinalita, akin namang
papangyayarihin; aking, pinanukala, akin namang gagawin.”
Ang lugar po na tinutukoy
ay “Malayong Silangan” bakit tayo nakatitiyak na malayong silangan ang
tinutukoy na lugar eh East ang pagkakasalin sa wikang English? Sapagkat ang
“East” sa Hebrew term na ginamit sa
talata ay “Mizrach” at hindi “Kedem” ito po ang patunay sa Smith’s Bible Dictionary p. 154
"East.
The Hebrew term kedem properly means that which is before or in front of a
person, and was applied to the east some from the customer of turning in that
direction when describing the points......... The term as generally used refers
to the lands lying immediately eastward of Palestine,..........;on the other
hand MIZRACH IS USED OF THE FAR EAST with a less definite signification. Isa. 42:2, 25; 43:5; 46:11"
Gayundin, kung atin pang
susuriin, binanggit sa talata na ang “east” na tinutukoy ay “far away country.”
Kaya po, makatwiran na ang lugar ay tumutukoy sa “far east.” Ang Pilipinas ay
bansa na nasa malayong silangan; ang Persia o Iran (bansa ni Cyrus the Great) ay
wala po sa malayong silangan. Kaya hindi maaring si Cyrus ang katuparan ng
hinuhulaan sa Isaias.
Anu po ang iminamatuwid
at dinidepensa ng iba na pilit na sinasabi na si Cyrus ang katuparan sa hulang
ito? Gumagamit sila ng talata at doon ay maliwanag na nakasulat ang pangalan ni
Haring Cyrus. Sipiin natin ang mga talata.
Isaias 44:28 “Na nagsasabi tungkol kay CIRO, Siya'y aking pastor, at isasagawa ang lahat kong kaligayahan: na nagsasabi nga rin tungkol sa Jerusalem, Siya'y matatayo; at sa templo, Ang iyong patibayan ay malalagay.”
Isaias 45:1, 4 “Ganito ang sabi ng
Panginoon sa kaniyang pinahiran ng langis, kay CIRO, na ang kanang kamay ay
aking hinawakan, upang magpasuko ng mga bansa sa harap niya; at aking kakalagan
ang mga balakang ng mga hari; upang magbukas ng mga pintuan sa unahan niya, at
ang mga pintuang-bayan ay hindi masasarhan;… Dahil sa Jacob na aking lingkod,
at sa Israel na aking pinili tinawag kita sa iyong pangalan: aking pinamagatan
ka, bagaman hindi mo nakilala ako.”
Dahil sa binanggit sa
Isaias 44 at 45 ang pangalan ni Ciro ay idinugtong na nila ang nasa Isaias 46
at nagkaroon ng sariling pagkaunawa na si Ciro ang katuparan ng Ibong
Mandaragit na tinutukoy sa ISaias 46:11. Totoo kaya ito? Dapat nating maunawaan
na ang hinulaan ay siyang magpapatotoo sa hula sa kanya. Siya mismo ang
magbabangit nito. Sinu sino po ang nagpa totoo sa kaniyang sarili na ang katuparan
ng Hulang ay natupad sa kanya? Si Juan Bautista, Apostol Pablo at ang ating
PAnginoong Jesus. Isa isahin natin ang patotoo nila.
SI JUAN BAUTISTA:
Isaias 40:3 “ANG TINIG NG ISANG
SUMISIGAW, IHANDA NINYO SA ILANG ANG DAAN NG PANGINOON PANTAYIN NINYO SA ILANG
ANG LANSANGAN PARA SA ATING DIOS.”
Hinulaan na naka tala sa
Isaias ukol sa “Isang Tinig na Sumisigaw sa ilang na nagsasabing ihanda ninyo
ng Panginoon” ang hulang ito ay nasulat sa Isaias bago pa ipanganak si Juan
Bautista at makalipas ang daang taon ay natupad ito. Siya mismo ang nagsabi. Juan 1:19-23
Juan 1:19-23 “At ito
ang PATOTOO NI JUAN, nang suguin sa kaniya ng mga Judio mula sa Jerusalem
ang mga saserdote at mga Levita upang sa kaniya'y itanong, Sino ka baga?
At kaniyang ipinahayag, at hindi ikinaila; at kaniyang ipinahayag, Hindi ako
ang Cristo. At sa kaniya'y kanilang itinanong, Kung gayo'y ano nga? Ikaw baga'y
si Elias? At sinabi niya, Hindi ako. Ikaw baga ang propeta? At siya'y sumagot,
Hindi. Sinabi nga nila sa kaniya, Sino ka baga? Upang ibigay namin ang
kasagutan sa nangagsugo sa amin. Ano ang sinasabi mo tungkol sa iyong
sarili? Sinabi niya, AKO ANG TINIG NG ISANG HUMIHIYAW SA ILANG, TUWIRIN
NINYO ANG DAAN NG PANGINOON, GAYA NG SINABI NG PROPETA ISAIAS.”
SI APOSTOL PABLO:
May patotoo ng hula din kay Apostol Pablo bago pa siya ipanganak
ay nasulat din sa aklat ng Isaias. Basahin natin
Isaias 49:6 “Oo, kaniyang
sinasabi, Totoong magaan ang bagay na ikaw ay naging aking lingkod upang
ibangon ang mga lipi ng Jacob, at isauli ang iningatan ng Israel, IKAW AY
AKING IBIBIGAY NA PINAKAILAW SA MGA GENTIL UPANG IKAW AY MAGING AKING
KALIGTASAN HANGGANG SA WAKAS NG LUPA.”
Natupad din ang hulang ito ng Diyos kay Apostol Pablo makalipas
ang napaka raming taon at siya din mismo ang nagpatotoo katulad ni Juan
Bautista.
Gawa 13:46-47 “At NAGSIPAGSALITA
NG BUONG KATAPANGAN SI PABLO at si Bernabe, at nagsipagsabi, Kinakailangang
salitain muna ang salita ng Dios sa inyo. Yamang inyong itinatakuwil, at
hinahatulan ninyong hindi kayo karapatdapat sa walang hanggang buhay, narito,
kami ay pasasa mga Gentil. Sapagka't ganito ang ipinagutos sa amin
ng Panginoon, na sinasabi, INILAGAY KITANG ISANG ILAW NG MGA GENTIL, UPANG IKAW
AY MAGING SA IKALILIGTAS HANGGANG SA KAHULIHULIHANG HANGGANAN NG LUPA.”
AT ANG ATING PANGINOONG JESUCRISTO:
Katulad din ng ibang mga sugo ng Diyos, ang ating Panginoong
Jesu-Cristo na siyang pinakadakilang
sugo (Filipos 2:9) ay may hula rin
na tumutukoy sa kaniya na nagpapatunay at kahayagan ng kaniyang karapatan
bilang tunay na sugo, bago ang kaniyang paglitaw o ang kaniyang pagsilang sa
sanglibutan. Narito ang hula na tumutukoy sa kaniya:
Isaias 61:1-2 “ANG ESPIRITU NG
PANGINOONG DIOS AY SUMASA AKIN; SAPAGKA'T PINAHIRAN AKO NG PANGINOON UPANG
IPANGARAL ANG MABUBUTING BALITA SA MGA MAAMO; KANIYANG SINUGO AKO UPANG
MAGPAGALING NG MGA BAGBAG NA PUSO, UPANG MAGTANYAG NG KALAYAAN SA MGA BIHAG, AT
MAGBUKAS NG BILANGGUAN SA NANGABIBILANGGO; UPANG MAGTANYAG NG KALUGODLUGOD NA
TAON NG PANGINOON, AT NG KAARAWAN NG PANGHIHIGANTI NG ATING DIOS; UPANG ALIWIN
YAONG LAHAT NA NAGSISITANGIS;”
Na katulad din ng mga una nating halimbawa, dumating ang panahon
na ipinaliwanag din ni Jesus na siya ang kinatuparan ng hulang ito:
Lucas 4:16-21 “At siya'y napasa
Nazaret na kaniyang nilakhan: at ayon sa kaniyang kaugalian, siya'y pumasok sa
sinagoga nang araw ng sabbath, at nagtindig upang bumasa. AT IBINIGAY SA
KANIYA ANG AKLAT NG PROPETA ISAIAS. AT BINUKLAT NIYA ANG AKLAT, NA NASUMPUNGAN
NIYA ANG DAKONG KINASUSULATAN, SUMASA AKIN ANG ESPIRITU NG PANGINOON, SAPAGKA'T
AKO'Y PINAHIRAN NIYA UPANG IPANGARAL ANG MABUBUTING BALITA SA MGA DUKHA: AKO'Y
SINUGO NIYA UPANG ITANYAG SA MGA BIHAG ANG PAGKALIGTAS, AT SA MGA BULAG ANG
PAGKAKITA, UPANG BIGYAN NG KALAYAAN ANG NANGAAAPI, UPANG ITANYAG ANG KAAYAAYANG
TAON NG PANGINOON. At binalumbon niya ang aklat, at isinauli sa naglilingkod,
at naupo: at ang mga mata ng lahat ng nangasa sinagoga ay nangakatitig sa
kaniya. AT SIYA'Y NAGPASIMULANG MAGSABI SA KANILA, NGAYO'Y NAGANAP ANG
KASULATANG ITO SA INYONG MGA PAKINIG.”
Sadyang napaka hiwaga ng Diyos sa kanyang mga salita lalo na sa
mga paunang pahayag o hula, sapagkat hindi niya binabanggit ang pangalan ng
kaniyang hinuhulaan, anu po ang magpapatotoo sa hinuhulaan? Ang gampanin na
gagawin ng Sugo, ang kanilang paglitaw at sila mismo ang magpapatotoo ng hulang
pinatutungkol sa kanila. Kaya kung hindi mapapatotohanan ni Ciro na siya ang
Ibong mandaragit ay nag aaksaya lamang ng panahon ang mga naniniwala at
nagtuturo ukol dito. Hindi po maaaring ibang tao ang magpakilala o magsabi
tungkol sa patotoo kay Ciro.
Pag aralan natin kung
bakit binaggit ang pangalan ni Ciro sa ISAIAS 44:28 at 45:1,4 na sinasabi ng iba na ang pagkakabanggit na ito ay siyang
katuparan ng Hula. Anu po ba ang gampanin ni Ciro na ipinag uutos sa kanya?
Katulad ba ng sa ibong Mandaragit na hinulaan sa Isaias 46:11? Basahin natin ang
naka sulat sa hula ng ISaias
Isaias 44:28 “Na nagsasabi
tungkol kay CIRO, Siya'y aking pastor, at isasagawa ang lahat kong kaligayahan:
NA NAGSASABI NGA RIN TUNGKOL SA JERUSALEM, SIYA'Y MATATAYO; AT SA TEMPLO, ANG
IYONG PATIBAYAN AY MALALAGAY.”
Isaias 45:1, 4 “GANITO ANG SABI NG
PANGINOON SA KANIYANG PINAHIRAN NG LANGIS, KAY CIRO, NA ANG KANANG KAMAY AY
AKING HINAWAKAN, UPANG MAGPASUKO NG MGA BANSA SA HARAP NIYA; at aking kakalagan
ang mga balakang ng mga hari; upang magbukas ng mga pintuan sa unahan niya, at ang
mga pintuang-bayan ay hindi masasarhan;… Dahil sa Jacob na aking lingkod, at sa
Israel na aking pinili tinawag kita sa iyong pangalan: aking pinamagatan ka,
bagaman hindi mo nakilala ako.”
Makikita sa mga talatang iyan na si Ciro, hari ng Persia ay inatasan
ng Diyos sa isang tanging gampanin na:
“SA JERUSALEM, SIYA'Y MATATAYO; AT SA
TEMPLO, ANG IYONG PATIBAYAN AY MALALAGAY.”
Upang magtayo ng Templo o Bahay ng Diyos sa Jerusalem, at:
“UPANG MAGPASUKO NG MGA BANSA SA HARAP
NIYA.”
Maliwanag po ang kaniyang Misyon:
MAGTATAYO NG TEMPLO SA JERUSALEM at MAGPAPASUKO NG MGA BANSA
At ito ay pinatotohanan ni Haring CIRO na ipinagutos ng Diyos sa
kaniya:
2 Cronica 36:23 “GANITO ANG SABI NI CIRO NA HARI SA
PERSIA: LAHAT NG KAHARIAN SA LUPA AY IBINIGAY SA AKIN NG PANGINOON, NG DIOS NG
LANGIT; AT KANIYANG BINILINAN AKO NA IPAGTAYO SIYA NG ISANG BAHAY SA JERUSALEM,
NA NASA JUDA. Sinomang mayroon sa inyo sa buong kaniyang bayan, sumakaniya nawa
ang Panginoon niyang Dios, at umahon siya.”
Pinatinayan po ni Ciro ang tungkuling binigay sa Kanya ng Diyos.
Iba sa gampanin ng Ibong Mandaragit. Ang
hulang ito ay pinatotohanan mismo ni Ciro. Ngunit ukol sa Pagiging ibong
mandaragit ay hindi maipaliwanag o hindi mapatotohanan ni Ciro sapagkat hindi
siya ang hinulaan ukol dito. Ibang tao ang nagpapatooo sa kanya at ito ay
kakaiba sa paraan ng pagpapahayag sa hula ng Diyos. Baket ba hindi maunawaan ng
marami ang aklat ng Isaias? Sapagkat ito po ay hula ng Diyos. Sino lang ba ang
makakapag paliwanag sa mga hula ng Diyos? Basahin natin Gawa 8:27-31
Gawa 8:27-31 “At siya'y
nagtindig at yumaon: at narito, ang isang lalaking taga Etiopia, isang bating
na may dakilang kapamahalaan na sakop ni Candace, reina ng mga Etiope, na
siyang namamahala ng lahat niyang kayamanan, at siya'y naparoon sa Jerusalem
upang sumamba; At siya'y pabalik at nakaupo sa kaniyang karo, at BINABASA ANG
PROPETA ISAIAS. At sinabi kay Felipe ng Espiritu, Lumapit ka, at makisama sa
karong ito. AT TUMAKBO SI FELIPENG PATUNGO SA KANIYA, AT NAPAKINGGAN NIYANG
BINABASA SI ISAIAS NA PROPETA, AT SINABI, NAUUNAWA MO BAGA ANG BINABASA MO? At
sinabi niya, PAANONG MAGAGAWA KO, MALIBAN NANG MAY PUMATNUBAY SA AKING SINOMAN?
AT PINAKIUSAPAN NIYA SI FELIPE NA PUMANHIK AT MAUPONG KASAMA NIYA.
Ang tunay na Sugo lamang ang makakapag paliwanag ng mga hula sa
Biblia tulad ng naka sulat sa ISaias. Si Felipe ang isa sa mga sinugo ng Diyos
na nakapag paliwanag ukol ditto.
Kaya ang mga nagtuturo at nagpapaliwanag sa mga hula ng Diyos ay
maliligaw lang. kahit patunayan nila ay lalabas parin ang katotohanan ng
kanilang kamalian. Sapagkat hindi kailanman maipakilala ni Ciro na siya ang
Ibong Mandaragit sa Isa. 46:11. Hindi dapat paniwalaan ang kanilang pagtuturo
ukol dito. Imbes na ikaligtas ay makapagdadala pa sa kaparusahan.
Ang ibong mandaragit ay siyang katuparan ng pag lipad sa babae sa ilang na nakasulat sa rev. 12. Hinde ito para kay manalo dahil hinde naman sinabing mangaral ang ibong ito..
ReplyDeleteang sinabi ay ang gumagawa ng aking payo! ibig sabihin ng payo ay mga salita ng Dios, sya ang magtuturo sa mga tao aagawin nya ang mga tao sa kapahamakan.
Deletehindi naman c felix manalo ang binabanggit dito sa Isaias 46:11 sapagkat ayon na rin sa paliwanag ng sumulat nito ay " Ayon sa talatang ating nabasa ay may binabanggit na IBONG MANDARAGIT, literal bang ibon ang binabanggit? Hindi po, sapagkat ang sabi ay “Taong gumagawa ng aking payo” alin ba yung payo ng Diyos? Ito po ay ang kaniyang mga salita. (((((Samakatwid mangangaral o magtuturo ng mga salita ng Diyos ang tinatawag na ibong mandaragit)))))). Saan magmumula ang taong gumagawa ng payo ng Diyos? Mula sa malayong lupain."(((( Ulitin ko lang magangaral daw ng mga salita ng Diyos e ano ba ang salita ng Diyos na ibinigay kay felix manalo mayroon ba...? eh.. wala naman e... ang biblia e nauna pa sa kaniya kaya paanong ibibigay sa kaniya ang biblia..? matagal ng panahon may biblia na , kaya kung ito ay salita ng Diyos bakit 1914 lang itutuwid ng Diyos ang tao hindi na magiging makatarungan ang Dios kapag ganoon.))))
ReplyDelete.
Tama
DeleteUnawain mo mabuti kaibigan. Hindi sinabi ng Author na GAGAWA SIYA NG MGA SALITA NG ATING PANGINOONG DIYOS.. ang malinaw IPANGAGARAL NIYA ANG MGA SALI A NG DIYOS NA NAKASULAT SA BIBLIA.. yan ang kahulugan kaibigan.
Deletetanong kupo ginoong jeorge anong panahon po ba ang mga wakas ng lupa at kailan po isinugo si moises at ang mga apostol??? anong panahon po sila isinugo??? hindi poba hinuhulaan kung anong panahon isinugo si moises?? pati ang mga apostol??
ReplyDeleteAng tunay na Sugo lamang ang makakapag paliwanag ng mga hula sa Biblia tulad ng naka sulat sa ISaias. Si Felipe ang isa sa mga sinugo ng Diyos na nakapag paliwanag ukol ditto.
ReplyDeleteTanong ikaw ba ang tunay na sugo? Hindi sa makatuwid hindi mo rin alam ang pagpapaliwanag mo at, wala kang ma claclaim sa Bible na siya yan dahil wala naman naisulat sa Siya yan. Yung kay John the Baptist, kay Pablo at kay Jesus nung binanggit yun andoon sila mismo, si Felix walang ganyang katuparan, kaya self proclaim siya kinukuha niya ang isang prophesiya para sabihing siya yun upang mapaniwala sa mga paniniwala niya pagtapos niyang magkulong ng tatlong araw sa kwarto. Saka kung aaralin mo ang buhay ng self proclaim na sugo na ito, nanggaling muna siya sa ibat ibang paniniwala o secta at pakikidebate na pagnatalo siya ay lumilipat siya doon. Hindi ko paniniwalaan ang self proclaim na sugo na nagmula ang kanyang mga paniniwala sa kanyang pagkalito sa araw ng banal na salita ng Dios. Ang totoong modus na ginawa niya ay humanap ng aral nankabaligtad sa mga paniniwala ng protestante at kaloliko para madagit niya ang mga nagrerebelde sa mga relehiyong ito. Napakamali ng inyong pagpapatunay, bakit? Sinasabi nyo dito na sa dalawang relihiyon lang na ito ang dadagitin aba pero bakit sa mga palabas ninyo sa telebisyon nagpapakita kayo ng mga convert ninyo na galing sa Bron Again, Dating Daan at marami pang iba. Ang isang pagpatotoo na kulang o sobra ay hindi totoo kaya hindi kami magpapaloko sa husay ng iyung pagsulat lamang kaibigan pasensya ka na.
Kung ganon sino sa tingin mo ang tinutukoy dyan na ibong mandaragit sa silangan na mula sa malayo? At yug sinabihan na dalhin mo ang aking mga anak na lalaki....mga anak na babae mula sa mga wakas ng lupa.. kapag inadjust mo yung talaga tinanong si jesus dun sinabi “Kailan po ba mangyayari ang mga sinabi ninyo? Ano po ang magiging palatandaan ng inyong muling pagparito at ng katapusan ng mundo o wakas ng lupa?” 4 Sumagot si Jesus, “Mag-ingat kayo upang hindi kayo mailigaw ninuman! 5 Maraming paparito sa pangalan ko at magpapanggap na sila ang Cristo, at marami silang maililigaw. 6 Makakarinig kayo ng mga labanan at makakabalita ng mga digmaan sa iba't ibang dako. Ngunit huwag kayong mababahala dahil talagang mangyayari ang mga iyon, BAGAMAT HINDI PA IYON ANG KATAPUSAN NG MUNDO. 7 AALINGAWNGAW ANG MGA DIGMAAN NG BANSA LABAN SA BANSA at gayundin ang mga kaharian. Magkakaroon ng taggutom at lilindol sa maraming lugar. 8 Ang lahat ng mga ito'y pasimula pa lamang ng mga paghihirap na tulad sa isang babaing nanganganak.
DeleteMapapansin mo dyan na palatandaan ng wakas ng lupa na kelangan tipunin ang mga anak na babae at lalaki ay magkakaroon daw ng digmaan bansa laban sa bansa, KAILAN BA ANG WORLD WAR 1 JULY 28 1914, KAILAN ITINATAG ANG INC JULY 27 1914, dyan palang mag tataka kana kasi pagkatatag ng inc, ay kinabukasan natupad bigla ang hula na mag kakaroon ng digmaan, at sinabi din ni jesus na HINDI PA IYON ANG KATAPUSAN NG MUNDO, it mean nag uumpisa palang ang wakas ng lupa non at hindi pa iyon ang huli dahil umpisa palang, KAYA SA TALAGA NA IYON NATUPAD ANG SINABI NA DALHIN MO ANG AKIN MGA ANAK NA LALAKI...ANAK NA BABAE MULA SA MGA WAKAS NG LUPA OR KAPAG MAMGYARI NA YUNG TINUTUKOY NI JESUS NA DIGMAAN, KAHIRAPAN ETC.
Basahing maige ang Isaiah..ang layo layong si felix ang tinutukoy dun na ibong mandaragit..Hindi lang INC ang relihiyon na natatag nung 1914....
ReplyDeleteAng lugar daw na tinutukoy ay “Malayong Silangan” at nakatitiyak daw na malayong silangan ang tinutukoy na lugar. Narito ang buong entry ng “East” na sinipi sa Smith’s Bible Dictionary:
ReplyDelete"East. The Hebrew term, kedem, properly means that which is before or in front of a person, and was applied to the east, from the custom of turning in that direction, when describing the points of the compass, before, behind, the right and the left representing respectively east, west, south and north. Job 23:8-9.
The term as generally used refers to the lands lying immediately eastward of Palestine, namely, Arabia, Mesopotamia and Babylonia; on the other hand, mizrach, is used of the far east with a less definite signification. Isaiah 42:2; Isaiah 42:25; Isaiah 43:5; Isaiah 46:11."
- https://www.studylight.org/dictionaries/eng/sbd/e/east.html
Makikita na ang “kedem” at ang “mizrach” ay pinaghambing sa isa’t isa, kaya, kailangang buo ang ipakita dahil mas mauunawaan ang kahulugan at kaibahan nila sa isa’t isa.
Pansinin na ang salitang “far” sa “far east” ay naka-italics at ang “east” ay hindi (sa link na pinag-kopyahan). Ang ibig-sabihin ay ang salitang “mizrach” ay ginagamit, AS OPPOSED TO “kedem”, sa pagdedescribe ng isang lugar na hindi kadikit o immediate sa direction ng silangan. Halimbawa, kung merong 6 na siyudad - A, B, C, D, E, F – sa isang linya:
(West) A --- B --- C --- D --- E --- F (East)
Ang B ay "kedem" (kadikit na east) ng A, pero sinoman sa C hanggang F ay pwedeng "mizrach” (hindi kadikit na east) ng A, dahil ang "mizrach" ay hindi nangangahulugan na “immediately to the east”. Ito ang sense na ipinapakita ng Smith’s Bible Dictionary. Ang Mizrach ay ginagamit para sa distant east at hindi para sa immediate east.
Ang phrase na “far east” sa Smith’s definition ng “mizrach” ay hindi tumuturo sa SPECIFIC geographical region na tinatawag na “Far East” na kinabibilangan ng East at Southeast Asia at ng Russian Far East. At eto pa, ang term na “Far East” na ginagamit ng mundo ngayon ay naimbento lang nung 12th century:
“The term "Far East" came into use in European geopolitical discourse in the 12th century, denoting the Far East as the "farthest" of the three "easts", beyond the Near East and the Middle East. Likewise, in Qing Dynasty of the 19th and early 20th centuries the term "Tàixī (泰西)" – i.e., anything further west than the Arab world – was used to refer to the Western countries.”
- https://en.wikipedia.org/wiki/Far_East
Alamin natin ang katotohanan at huwag i-asa lang.
Ang huling hula ay kay Cristo sa Isaiah 61. Anlayo naman na bumalik sa Isaiah 46 para lang masabi na si manalo? 😂 Ungas talaga mga inc na to.. 2000 yrs ang layo ng hula ni Cristo (Isaiah 61 at ng pinag lalaban nyong Isaiah 46 ni manalo) 😂 ang mga hula ni Isaiah para sa panahon ng Messiah.. ang Hula ng huling mga araw ay nasa libro ng Pahayag. Gunggong talaga kayong mga inc.
ReplyDeleteHindi lang mga sugo ng Diyos ang makakapagpaliwanag ng Salita ng Diyos sa biblia. Kaya nga nag iwan ang Panginoong Hesu-Kristo ng Holy Spirit para sya ang magpaunawa sa atin ng mga salita at bagay bagay sa huling panahon at sa bibliya.
ReplyDeleteWalang kahit isang iskolar, comentarista, o dalubhasa sa larangan ng bibliya ang nagpatunay kay felix manalo, siya lang ang nagpatunay sa sarili nya, kaya magpauto ka na lang sa kanya. Hehehe
ReplyDeleteNakapagtataka ang pananampalataya na ito na kapag may hula ay manalo na. Sa ganang ito sa tatlong MANALO na taga pangasiwa sa relihiyon na yan sila na lang ba ang maliligtas? Malupit ang hatol ng mga iglesiya ni criato na to. Talo pa ang DIOS
ReplyDeleteWalang Sugo ang Dios na may BISYO! Si FELIX MANALO ay May BISYO. Malakas HUMITIT NG TABAKO AT SIGARILYO. Nicotene is poisonous and addictive. Can damage your lungs and kills brain cells.
ReplyDelete1 Cor 6:19-20
Or do you not know that your body is a temple of the Holy Spirit within you, whom you have from God? You are not your own, for you were bought with a price. So glorify God in your body.
How can you glorify God kung ADIK ka sa NICOTENE NG TABAKO AT SIGARILYO? Sorry to tell you but it’s Hypocrisy. Felix is Fake na Sugo . Self claimant .
Ang ibong mandaragit ay SI King Cyrus the Great,
ReplyDeletecge nga explain mo dito kung bakit yan ang naisip mo, dapat base sa nakasulat sa Biblia.
Delete