TUNAY NA LINGKOD

Friday, November 15, 2013

Tahakin Ang Tamang Landas



Nakatala sa kasaysayan ng mundo ng naging pag unlad ng kaalaman ng tao. Hayag ang maraming mga pag babago sa mundo na bunga ng pag lusong ng tao sa paggamit ng kanyang pag iisip at sa kaniyang naiibang pagtanaw sa mundo.
Noong panahon ng Renaissance (mula ika-13 siglo hanggang kalagitnaan ng ika 15 siglo), kinilala ng mga tao ang kahalagahan ng katuwiran o reason sa pag unawa at pag papaliwanag sa halos lahat ng mga bagay. Subalit, sa panahong iyon, itinuring parin na masmahalaga ang mga prinsipyong panrelihiyon- mga aral ng Cristianismo na noo’y laganap sa Europa kaysa katwiran.
Ang ganitong paniniwala ay napalitan noong ika-17 at 18 siglo, ang panahong tinatawag na Age of Enlightenment. Sa panahong ito, higit na naging tanyag ang paggamit ng katuwiran sa pag unawa ng tao sa sansinukbo at sa pag papaunlad ng kaniyang pamumuhay. Kapansin pansin din ang naging nmabilis na pagsulong ng agham, teknolohiya, at medisina.
 Gayunman, ang pagtitiwala ng tao sa magagawa ng kaniyang pag iisip ay nagbunga rin ng panganib. Sa pamamagitan ng pansariling karunungan, sinimulang ipaliwanag ng mga iskolar ang pananampalataya, relihiyon, mga hula at mga himala sa kasulatan, at ang paniniwala sa Dios. Ang mga bagay na espiritual ay siniyasat at isinailalim sa mga pag susuring ginamitan ng pangangatwiran ng tao.
Sa ika 19 na siglo naman ay nagsimula ang sekularisasyon o ang pagkiling ng tao sa mga bagay na ukol sa buhay na ito. Humina ang impluwensiya ng relihiyon sa mga institusyong panlipunan at nagkaroon ng mga pagbabago sa kultura nang ito ay untin-unting maimpluwensiyahan ng mga makabagong teoriya at pilosopiya.
Lalaong nahayag ang kapahamakanng dulot ng Age of Enlightenment noong ika 20 siglo. Nakita ng marami ang mga suliraning ibinunga ng rasyonalismo, materyalismo, pragmatism, humanism- mga idoelohiyang naghari sa nabanggit na panahon. Dahil ditto, nagkaroon ng interes ang mga tao sa mga bagay na espirituwal na kinalaunan ay siyang gumising sa muli nilang pag papahalaga sa relihiyon. Ngunit bagama’t ang mga tao ay nagkaroon ng kalayaan at karapatan sa pagpili ng relihiyon, may panganib parin silang kinakaharap. Ito ay dulot ng pagtanggap nila sa mga maling turo sa pag aakalang walang masama na ang mga ito’y paniwalaan at gamitin, sapagkat diumanoy praktikal at epektibo ang mga ito sa ikapagtatamo ng mga bagay na kanilang kailangan.
Ang ganitong kaisipan ang nagbunsod upang pagsamahin ng iba ang ilang ideyang Silanganin – mula sa Hinduismo at Budismo at ang mga konseptong Cristiano. Halimbawa, karaniwan nang tinatanggap ngayon ang TM (Transcendental Meditation), karma, levitation, reincarnation, at Zen at hindi namamalayan ng marami na silay nailigaw nan g kanilang paniniwala sa clairvoyance, astrolohiya, panghuhula, horoscope, psychic healing, tarot cards, feng shui, at mga kauri nito.
Dapat nating maunawaan na ang paniniwala sa mga ito ay katumbas ng pag aalis ng tiwala sa Dios at pag talikod  sa pananampalatayang Crsitiano. Kinasusuklaman ng Dios ang mga bagay na ito. Ganito ang naka sulat sa (Deut. 18: 9-12 MB)
9 "Kapag kayo'y naroon na sa lupaing ibibigay sa inyo ni Yahweh, huwag kayong gagaya sa kasuklam-suklam na gawain ng mga tao roon. 10 Sinuman sa inyo'y huwag magsusunog ng kanyang anak bilang handog. Huwag kayong manghuhula, huwag gagawin ang ginagawa ng mga mangkukulam, 11 ng mga mananawas, at ng mga sumasangguni sa mga espiritu ng namatay. 12 Sinumang gumawa ng alinman sa mga ito ay kasusuklaman ni Yahweh na inyong Diyos. Pakatatandaan ninyo na iyan ang dahilan kaya niya itataboy ang mga nakatira sa lupaing pupuntahan ninyo.
Siya mismo ang nagsabi na ang mga gumagamit ng mahika t pangkukulam, ang mga astrologo at mga manghuhula batay sa kalagayan kalangitan at bituin at naglalahad ng mga hula sa bawat buwan ay pawang walang magagawa at hindi nila maililigtas ang sinuman. ( Isa. 47:12-15 New Pilipino Version).
Kaya, nagbabala si Apostol Pablo sa mga tunay na Crsitiano laban sa mga gayong mga maling aral:
“Kung paano nga na inyong tinanggap si Cristo Jesus na Panginoon, ay magsilakad kayong gayon sa kaniya, na nangauugat at nangatatayo sa kaniya, at matibay sa inyong pananampalataya, gaya ng pagkaturo sa inyo, na sumasagana sa pagpapasalamat. Kayo’y magsipag ingat, baka sa inyo’y may bumihag sa pamamagitan ng kaniyang pilosopiya at walang kabuluhang pagdaraya, ayon sa Sali’t saling sabi ng mga tao ayon sa mga pasimulang ang aral ng sanlibutan, at di ayon kay Cristo. (Col. 2:6-8)

Samakatwid, dapat nating tiyaking nanghahawak tayong mahigpit sa tunay na pananampalataya at sa pagsunod sa mga aral ng Dios (Mat 15:9; Deut. 13:4). Tahakin natin ang tamang landas at maging masigla tayo sa paglilingkod sa kanya.

No comments:

Post a Comment