TUNAY NA LINGKOD

Tuesday, June 25, 2013

JUAN 14:7-9 Ang nakakita sa akin ay nakakita sa Ama



Sating pagpapatuloy, ay atin pang tatalakayin ang ilan pa sa mga talata ng Biblia na kanilang ginagamit na nagpapatunay daw na totoo ang kanilang aral na si Cristo ay tunay na Diyos.  Ituloy na natin.

   Narito pa ang isa sa kanilang ginagamit, basahin po natin:

Juan  14:7  “Kung ako'y nangakilala ninyo ay mangakikilala ninyo ang aking Ama: buhat ngayon siya'y inyong mangakikilala, at siya'y inyong nakita.”

Juan 14:8  “Sinabi sa kaniya ni Felipe, Panginoon, ipakita mo sa amin ang Ama, at sukat na ito sa amin.”

Juan 14:9  “Sinabi sa kaniya ni Jesus, Malaon nang panahong ako'y inyong kasama, at hindi mo ako nakikilala, Felipe? ang nakakita sa akin ay nakakita sa Ama; paanong sinasabi mo, Ipakita mo sa amin ang Ama?”

Maliwanag daw na sinabi ni Jesus sa verse na ito na:  “ANG NAKAKITA SA AKIN AY NAKAKITA SA AMA”, at dahil daw sa ang Ama ay Diyos, at ang Nakakita kay Cristo ay nakakita sa Ama, samakatuwid si Cristo ay Diyos.

Kapansin-pansin na kapag sila ay gumagamit ng mga talata, palaging yung salitang “si Cristo ay Diyos” ay hindi mo naman mababasa sa verse na ibinibigay nila.  At kadalasan, ito ay ang kanila lamang pakahulugan, interpretasyon o pagkaunawa sa talata.  Mahilig lang po talagang magbigay ng sarili nilang kahulugan ang mga naniniwalang si Cristo ay Diyos.  Ganito po sila kung gumamit ng Biblia. 

Tama po bang gawin ng isang tao ang pagbibigay ng maling kahulugan sa mga verse sa Biblia? Basahin po natin ang paliwanag ni Apostol Pedro:

2 Pedro 3:16 “Sa lahat ng sulat niya tungkol sa paksang ito, ganito ang lagi niyang paalala.Kaya lang, ang ilang bahagi sa kanyang mga sulat ay mahirap unawain, atBINIBIGYAN NG MALING KAHULUGAN ng mga mangmang at magugulo ang pag-iisipGanyan din ang kanilang ginagawa sa ibang mga Kasulatan, kaya nga't ipinapahamak nila ang kanilang sarili.”  [Magandang Balita, Biblia]

Kapahamakan po ang idudulot sa tao ng kapangahasan na kaniyang ginagawa sa Biblia, sa pamamagitan ng pagbibigay ng Maling Kahulugan sa mga talata o verse. Kaya ang ganitong gawain ay dapat iwasan ng sinoman.

Paano natin natitiyak na mali ang kanilang pakahulugan?  Mga kaibigan, sa Biblia po ay walang kontradiksiyon o salungatan.  Kung ating tatanggapin na Diyos si Cristo sa Juan 14:7-9, kokontrahin po niyan ang napakaraming talata sa Biblia. Sinabi po ni Jesus na ang Ama ang nag-iisang Diyos na tunay sa Juan 17:1,3.  Maliwanag na nilinaw ni Jesus sa atin na IISA LAMANG ANG TUNAY NA DIYOS at walang iba kundi ang AMA.  Kaya imposible na lumabas na Diyos si Cristo sa talatang iyan, dahil nabanggit na natin sa nakaraan, si Cristo ay ANAK at hindi siya ang AMA.  At niliwanag ni Cristo na ang AMA ang ating Diyos, gaya ng mababasa saJuan 20:17, basahin natin:

Juan 20:17  “Sinabi sa kaniya ni Jesus, Huwag mo akong hipuin; sapagka't hindi pa ako nakakaakyat sa Ama, nguni't pumaroon ka sa aking mga kapatid, at sabihin mo sa kanila, Aakyat ako sa AKING AMA at INYONG AMA, at AKING DIOS at INYONG DIOS.”

Napakaliwanag na sinabi ni Jesus na ang ating Diyos ay ang kaniyang AMA na dapat ay AMA din natin.  Kung tutuusin, sa mga salita pa lamang na ito, ay dapat wala na tayong pagtatalo, dahil hindi naman sinabi ni Jesus dito na:  “AAKYAT NA ANG INYONG DIYOS” kundi: “AAKYAT AKO SA AKING AMA AT INYONG AMA, AT AKING DIYOS AT INYONG DIYOS”, kaya napakaliwanag na hindi siya ang Diyos kundi ang Ama.

Kaya maliwanag ngayon na hindi maaaring ang maging kahulugan ng Juan 14:7-9 ay Diyos si Cristo.  Ating balikan at unawaain ng tama.  Bakit ba sinabi ni Jesus na: “ANG NAKAKITA SA AKIN AY NAKAKITA SA AMA”, dapat kasi hindi tayo ang nagbibigay ng kahulugan eh, dahil hindi naman tayo ang nagsasalita diyan kundi si Cristo.  Ating tunghayan ang tunay na kahulugan ng talata, si Cristo mismo ang magpapaliwanag sa atin, ituloy lang natin ang pagbasa sa mga kasunod na verse:

Juan 14:9  “Sinabi sa kaniya ni Jesus, Malaon nang panahong ako'y inyong kasama, at hindi mo ako nakikilala, Felipe? ANG NAKAKITA SA AKIN AY NAKAKITA SA AMA; paanong sinasabi mo, Ipakita mo sa amin ang Ama?”

Juan 14:10  “Hindi ka baga nananampalataya na ako'y nasa Ama, at ang Ama ay nasa akin? Ang mga salitang aking sinasabi sa inyo'y hindi ko sinasalita sa aking sarili: kundi ang Ama na tumatahan sa akin ay gumagawa ng kaniyang mga gawa.”

Juan 14:11  “Magsisampalataya kayo sa akin na ako'y nasa Ama, at ang Ama ay nasa akin: o kungdi kaya'y magsisampalataya kayo sa akin dahil sa mga GAWA rin.”

Kadalasan ang mga gumagamit ng talatang ito ay hindi binabasa ang mga kasunod na talata, kasi nga mabubuko sila na mali ang kanilang pagkaunawa dito, maliwanag at napakasimple lamang ng kahulugan nung sinabi ni Jesus na: “ANG NAKAKITA SA AKIN AY NAKAKITA SA AMA” na ang ibig sabihin lamang ay:  “ANG AMA NA TUMATAHAN SA AKIN AY GUMAGAWA NG KANIYANG MGA GAWA”.  Ang mga GAWA ng AMA ang nakikita nating ginagawa ni Cristo, kaya katumbas nun NAKIKITA natin ang AMA sa pamamagitan niya.  Ganun lamang po kasimple iyon.

Sa isang simpleng Halimbawa:  Pag sinabi ba ng Nanay mo:  “NAKIKITA KO ANG TATAY MO SA IYO”, ibig bang sabihin nun, IKAW NA RIN YUNG TATAY MO? De lalabas niyan kung uunawain natin ang pakahulugan nila:  asawa ka rin ng Nanay mo?  Napakahalay ng kalalabasan hindi po ba?  Hindi ba ang ibig sabihin lamang niyan ay:  “MAY TAGLAY KA NG KATANGIAN NG TULAD SA IYONG TATAY” kaya maaaring makita ang Tatay mo sa iyo. Ganun din ang AMA kay Cristo, dahil ang mga ginagawa ni Cristo ay Gawa ng AMA, kaya makikita ang AMA kay Cristo, simpleng kahulugan, ngunit iminali ng mga taong kulang sa kaalaman sa katotohanan.

Kaya kitang-kita na mali na naman sila ng pagkaunawa sa talatang ito…

16 comments:

  1. HINDI TALAGA LAHAT NG TAO BINIGYAN NG KAALAMAN SA IISANG TUNAY NA DIYOS NA DAPAT SAMBAHIN....I COR 8:6-7. SA SUGO LANG TALAGA IBINIGAY ANG PAGPAPALIWANAG NG DALISAY NA ARAL

    ReplyDelete
  2. sobrang napakamali ng sabi mo kpatid na hndi Diyos si Cristo... sinabi na nga nya sa Juna 14: 8-9-10-11... baki mo hinahanap ang Ama.. matagal nyo na akong Kasama Felipe.... lulusot kpa kpatid.. para sabihin mong hndi Diyos si Crusto... AntiCristo ang Pnniwala nyo... mga bulaangbpropeta kayo at ang inyong mga kasama.. Sinabi na nga ni Jesus.. Juan 10:30 Ako at ang Ama ay iisa.. dumampot ng bato ang mga hudio upang si Jesus ay batuhin... kayo ang mga kamsmagAnak ng mga hudio dito sa Pilipinas.. ksi Ayaw nyong tanggapin ang sabi ni Cristo.... kung sa panahon ngayon.. sinabihan kayo ni Cristo na iisa sila ng Ama.. bato aabutin ji Cristong Diyos sa inyo... kaya.. I'm proud to be Catholic..

    ReplyDelete
    Replies
    1. Sinabi ba ni Cristo na AKO AT ANG AMA AY IISANG DIOS? nababasa na nga na NAKIKITA KAY CRISTO ANG AMA DAHIL SA KANYANG MGA GINAGAWA...malinaw na ang bumabato kay CRISTO katulad ninyo na kulang sa pang unawa😄

      Delete
  3. Ano po ang ibig Sabihin ng filipos 2:5-8 ?

    ReplyDelete
  4. tama naman ang paliwanag masyado lang lang sarado ang isipan ng iba, eto mas matibay na talata at ang Panginoong Hesus pa ang may sabi:

    JUAN 8:40

    Datapuwa't ngayo'y pinagsisikapan ninyo akong patayin, na TAONG sa inyo'y nagsaysay ng katotohanan, na aking narinig sa Dios

    oh baka isipin nyo Dios parin sya kahit sya na ang nag sabi, wag nyong isipin na magulo ang Panginoong Hesus sadyang sarado lang ang isip ng ilan.

    ReplyDelete
  5. Nakaka paningilabot at kalapastangan na itangi at hindi kilalanin na si Cristo ay Diyos!
    ..Kung sa kali ba na sa pagdating ng panahon na haharap ka na kay Cristo at natuklasan mong siya ay Diyos at mali ang iyong itinuturo.. Handa ka na bang MASUNOG AT MANATILI SA WALANG HANGGANG PAGDURUSA..? Habang may panahon kapatid, hanapin mo ang katotohanan. Mahabag ka sa kaluluwa mo.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hindi karin ba mangingilabot if hindi mo sundin ang Dios sa kanyang nais?

      Basa

      Contemporary English Version (US Version) 1 Timothy 2:4-5 Nais ng Diyos na ang lahat ay maligtas at malaman ang buong katotohanan, na, Iisa lamang ang Diyos, at si Kristo Hesus lamang ang makapagdadala sa atin sa Diyos. Si Jesus ay tunay na tao, at ibinigay niya ang kanyang sarili upang iligtas tayong lahat.

      Malinaw na nakasulat at yan ang ibig ng Dios, ang kaluluwa mo ang syang managot pag dating nang araw, hindi ka. magkamali ng pang unawa dyan hayag na hayag kaibigan

      Delete
  6. Sana pinaliwanag niyo rin yung juan 14:6 kasi siya ang daan katotohanan at buhay walang pakakapunta sa ama kundi sa pamamagitan ko.. Kaya kung hindi mo siya sasambahin hindi ka nakakapunta sa langit kasi nga siya ang daan papunta sa langit at siya ang tinapay na nagbibigay buhay sa atin sinabi pa niya sa bibliya ang sinumang sumamba sa akin ang kanyang pangalan ay isusulat sa aklat ng buhay kaya dapat pag isipan niyo rin mabuti mga sinasabi niyo iisa ang ama at ang anak good luck nalang sa mga hindi naniniwala kay kristo pagdating ng hukom

    ReplyDelete
    Replies
    1. kaibigan nakay Cristo nga ang daan, pero ano ba ang nais ng Dios tutulan mo ba nais ng Dios?

      Basa

      Contemporary English Version (US Version) 1 Timothy 2:4-5 Nais ng Diyos na ang lahat ay maligtas at malaman ang buong katotohanan, na, Iisa lamang ang Diyos, at si Kristo Hesus lamang ang makapagdadala sa atin sa Diyos. Si Jesus ay tunay na tao, at ibinigay niya ang kanyang sarili upang iligtas tayong lahat.

      hayag yan kaibigan walang paliwanagan nakasulat if ano ang nais ng Dios at ano tunay na kalagayan ni Cristo

      Delete
  7. Ang Panginoong Jesus Cristo ay Diyos ito ang patunay kapatid...


    Filipos 2:6-8
    Ang Salita ng Diyos
    6 Bagaman siya ay nasa anyong Diyos, hindi niya itinuring na kailangang pakahawakan ang kaniyang pagiging kapantay ng Diyos. 7 Bagkus ginawa niyang walang kabuluhan ang kaniyang sarili at tinanggap niya ang anyo ng isang alipin at nakitulad sa tao. 8 Yamang siya ay nasumpungan sa anyong tao, siya ay nagpakumbaba at naging masunurin hanggang sa kamatayan, maging sa kamatayan sa krus

    ReplyDelete
    Replies
    1. ito naman ang nais ng dios kaibigan
      Contemporary English Version (US Version) 1 Timothy 2:4-5 Nais ng Diyos na ang lahat ay maligtas at malaman ang buong katotohanan, na, Iisa lamang ang Diyos, at si Kristo Hesus lamang ang makapagdadala sa atin sa Diyos. Si Jesus ay tunay na tao, at ibinigay niya ang kanyang sarili upang iligtas tayong lahat.

      mali ang pagkaunawa mo sa talat na yan, kaibigan

      Delete
  8. Siya ay Diyos kapatid hinubad ng ating Panginoong Jesus Cristo ang Kanyang Pagka Diyos para maging tao para iligtas ka ikaw at ako kapatid yan ang katotohanan.

    ReplyDelete
    Replies
    1. San mo mababasa hinubad ni cristo ang kaniyang pagkadiyos? Gumagawagawa ka na naman ng maling aral. Basahin mo Heb. 5:7-8 MB, baka makatulong sa iyo po

      Delete
    2. Contemporary English Version (US Version) 1 Timothy 2:4-5 Nais ng Diyos na ang lahat ay maligtas at malaman ang buong katotohanan, na, Iisa lamang ang Diyos, at si Kristo Hesus lamang ang makapagdadala sa atin sa Diyos. Si Jesus ay tunay na tao, at ibinigay niya ang kanyang sarili upang iligtas tayong lahat.

      Delete
    3. Kapatid baliktarin mo man Ang Mundo si Cristo at dios Yung sinasabi mo same lang bugging anak Ng dios na nagkatawang tao samakatuwid anak Ng dios de dios ngarin

      Delete
  9. Sana buksan ng Dyos bulag nyang pag uunawa, parang nagmamadali syang makuha na ang ticket nya papuntang impyerno

    ReplyDelete