TUNAY NA LINGKOD

Friday, May 24, 2013

Filipos 2:5-8 Si Cristo ba ay Dios?


FILIPOS 2: 5-8


Ang talatang ito ay isa sa madalas gamitin ng mga tao na naniniwala sa pagka Dios daw ni Cristo, suriin po natin kung tama po ba ang pagkaunawa nila sa talata?

Sipiin po natin ang nasabing talata:

5Ito ay sapagkat kailangang taglayin ninyo ang kaisipan na na kay Cristo Jesus din naman. 6Bagaman siya ay nasa anyong Diyos, hindi niya itinuring na kailangang pakahawakan ang kaniyang pagiging kapantay ng Diyos. 7Bagkus ginawa niyang walang kabuluhan ang kaniyang sarili at tinanggap niya ang anyo ng isang alipin at nakitulad sa tao. 8Yamang siya ay nasumpungan sa anyong tao, siya ay nagpakumbaba at naging masunurin hanggang sa kamatayan, maging sa kamatayan sa krus. Ang talatang ito ang siyang ebedensya na  si Cristo ay hindi tunay na Dios. Bakit? Pansinin ang banggit na….

“Naging masunurin hanngang sa kamatayan sa krus

Anong talata ang lalabagin pag tinanggap na Dios si Cristo?
ayon kay apostol Pablo ay ito po......

" Ngayon, sa Haring walang hanggan at walang pagkabulok, at hindi nakikita, at tanging matalinong Diyos, sumakaniya ang karangalan at kaluwalhatian magpakailan pa man. Siya nawa". ( 1Timoteo 1:17)

  "Ito ay sapagkat ibinigay ko na nga sa inyo nang una pa lamang ang akin ding tinanggap, na si Cristo ay namatay para sa ating mga kasalanan ayon sa mga kasulatan". (1 Mga Taga-Corinto 15:3)
Ang totoong DIOS  po ay walang kamatayan ayon sa pahayag ni Apostol Pablo kay Timoteo, samantalang ipinahayag naman niya sa mga taga Corinto na tanggap niya na si Cristo ay namatay. At Silang dalawa ay magkaibang entity,hindi po sila IISA,na ang ama ay si Jesus din tulad ng gustong palabasin ng mga naniniwalang Dios si Cristo., saka sisitas ng nasa Juan 10:30.

Sa pahayag ni apostol Pablo sa mga taga Filipos ay ganito po ang kanyang ipinahayag:

" Sumainyo nawa ang biyaya at kapayapaang mula sa Diyos na ating Ama at sa Panginoong Jesucristo.” (Mga Taga-Filipos 1:2)

Hayan po magkaiba po ang Cristo at ang Dios.

Ano pa po ang pruweba? Si Cristo po ay nanalangin sa Dios

Nanalangin si Jesus para sa Kaniyang Sarili.

 "Sinabi ni Jesus ang mga bagay na ito at tumingin siya sa langit at nagsabi:  Ama ang oras ay dumating na. Luwalhatiin mo ang  iyong Anak at nang luwalhatiin ka rin naman ng Anak. Kung paanong binigyan mo siya ng kapamahalaan sa  lahat ng tao, sa gayunding paraan siya ay magbibigay ng  buhay na walang hanggan sa lahat ng ibinigay mo sa kaniya. Ito ang buhay na walang hanggan: Ang makilala ka nila, ang tanging Diyos na totoo at si Jesucristo na  iyong sinugo."(Juan 17:1-3) 

Kung ipapangatuwiran naman na ang Dios ay pwede ding suguin at manalangin, sige nga po hanapin natin sa kanila saang talata mababasa na ang Ama ay nanalangin kay Cristo?
Dito pa lang po nakikita na natin ang hindi nila pagkakapantay.

Ano pa po ang pagkakaiba ng Dios at ni Cristo? Ang sagot po, sa Likas na kalagayan!

"Ingatan nga ninyo mabuti ang inyong mga sarili; sapagkat wala kayong nakitang anomang anyo nang araw na magsalita ang Panginoon sa inyo sa Horeb mula sa gitna ng apoy".(Deuteronomio 4:14)

Juan 4:24 Ang Dios ay Espiritu! (likas na kalagayan)
Ang Dios ay hindi nakikita, ngayon po ano naman ang pahayag ni Lucas tungkol sa Cristo?

Lucas 24:39Tingnan ninyo ang aking mga kamay at mga paa. Ang mga ito ay nagpapatunay na ako ito. Hipuin ninyo ako at tingnan. Ang espiritu ay walang laman at buto tulad ng nakikita ninyo sa akin.

Mag kaiba ang likas na kalagayan ng Panginoong Dios at Panginoong Jesus.

Kung gayon ano po ang katumbas ng banggit na si Kristo ay nasa anyong Dios?

Ito po ay hindi tumutukoy sa likas na kalagayan.ano po ang ating katibayan?
 Ang katibayan po natin ay naipahayag na natin sa itaas, naipakita natin na ang Dios ay walang pisikal na anyo kaya, nasisiguro natin na ang anyong binabanggit ay hindi pisikal kundi ito ay anyo na ang aibig sabihin ay imahe, o image sa English. Meron po ba tayong kakampi na hindi naman kaanib sa Iglesia ni Cristo na makakapagpatunay ng ating sinasabi?
Meron po! Dito po babasahin natin kung ano ba ang pakahulugan niya sa salitang “anyo” o“form”.

“..it has been long recognized that ‘Morphe’ (form) and ‘eikon ‘ (image) are near synonyms and that Hebrew thought the ‘visible form of God’ is his glory” (CHRISTOLOGY IN THE MAKING By James D.G. Dunn p.115)



Ayon naman po pala ang ibig sabihin ng “anyo o image” ang anyong makikita sa Dios ay ang Kanyang kaluwalhati-an.
Bakit po tayo agree sa ating kakampi? Kasi po ang kanyang sinasabi ay kakampi din ng sinasabi ng biblia.

Heto po ang patunay mula sa biblia….

 2 Mga Taga-Corinto 4: 4Binulag ng diyos ng kapanahunang ito ang mga kaisipan ng mga hindi sumampalataya upang hindi lumiwanag sa kanila ang liwanag ng ebanghelyo ng kaluwalhatian ni Cristo na siyang ANYO ng Diyos.SND)

In the form of GOD- hindi sa kalagayan tumutukoy kundi sa KALUWALHATIAN ng Panginoong Dios.

 EFESO 4:24

 “at ang dapat makita sa inyo’y ang bagong pagkatao na nilikhang kalarawan ng DIOS, kalarawan ng kanyang katwuiranat kabanalan.”(SND)

Si Cristo ay larawan o anyo ng Dios hindi po DIOS!



35 comments:

  1. from a wrongly translated version of protestant bible

    ReplyDelete
  2. Ang Iglesia Ni Cristo tinatanngap na si Jesus ay tao dahil sya ay ANYONG tao ayon sa Filipos 2, pero di tinatanggap na sya ay Diyos kahit sinabi din na sya ay ANYONG Diyos! Very selective reasoning! Pinipili lang ang mag-agree sa maling paniniwala. Basahin nyo buong kontexto. Very poor bible study! Pag d nyo ito pinublish inamin nyo na rin na guilty kayo sa maling reasoning.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Give me a verse na magpapatunay na si Cristo ay DIYOS!? siya nga mismo nagsabi na siya ay TAO at maraming verse akong maipapakita sayo na pati mga apostol, at si cristo nagsabi na siya AY TAO AT hindi DIYOS! at sinabi pa niya sa ama na hindi nakilala ng mga tao ang TUNAY NA DIYOS O NAG IISANG TUNAY NA DIYOS KUNDI ANG DIYOS AMA LAMANG AT WALA NG IBA.

      Delete
    2. https://www.youtube.com/watch?v=VzB_1drwwY4 nakita ko lng po to ... INC po sila.. paSensya narin po nakiSabat lng...panuorin nyo nlng po salamat.

      Delete
    3. Hahaha...katawatawa mga paliwanag ninyo. Putol-putol. May pakonteksto pa kayo, eh baluktot naman. Ang liwanag na nga na Siya (JC) na nagkatawang-tao (ibig sabihin hinubad Nya ang pagka-Diyos) subalit Sya ay Sya pa din Iisang Diyos. Tapos sasabihin niyong INComplete na hindi Diyos ang Panginoong Hesus? Kaya nga nung natupad na lahat ng mga bagay na ginawa Nya ayon sa plano ng Ama na Siya din sa "pamamagitan" na ANAK sa banal na Espiritu Santo ay bumalik Siya sa langit sa KATAAS-TAASANG LUKLUKAN (KTL) sa Kanan ng Ama. Eh sino naman ang nasa KTL? Eh di Ang Diyos na Iisa.

      Delete
    4. Walang banggit ang bibiliya na si cristo ay nag anyong tao, kundi sinabi niya talaga mula sa kanuan bibig na siya ay tao kaya mali ka kaibigan

      Delete
  3. Sinabi din na si Jesus ay kapantay ng Diyos sa Filipos 2:6, pero pilit na binalewala ang bersikulo na ito, dahil very damaging sa kanilang maling paniniwala. Kaya lang nakasulat na sa bibliya na Jesus ay kapantay ng Diyos kaya wala na kayong magagawa. Tanggapin nyo na lang si Jesus na Diyos para kayo ay di mapunta sa dagat-dagatang apoy! Binibigyan pa kayo ng pag-asa ni Jesus hanggat kayo mga Iglesia Ni Cristo ay buhay sa mundong ito.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ahaha, kapantay ba ang kinalang sa k7malang? Pantay ba yan? Pantay ba ang susuko sa susukuan? Pantay ba yan? Anu ba ang hinubad ni Cristo ang lagka Dios ba niya? O ang kanyang kabanalan? Mag aral kasi kayo para hindi kayo maligaw .

      Delete
  4. Tunay na Lingkod, tanong ko lang sa yo kung si Jesus ay hindi Diyos dahil siya ay "anyong Diyos," ibig bang sabihin hindi rin siya tao dahil siya ay "anyong tao" ayon dyan sa Philippians 2?

    Thank you.

    ReplyDelete
  5. Binulag na kasi si Felix Manalo ng spirit ng diyablo sa daming relihiyong sinalihan kaya nagkawindang-windang na pag eesep. Tanungin natin sila... bago ba naging tao ang Kristo nasaan sya at ano ang kalagayan nya? at dyan sa filipos 2: 5-11 , lalabagin din nyan ang kasulatan at mismo ang Diyos Ama ang lalabag. di ba ang sabi ng kasulatan ay ang Diyos lamang ang sasambahin, ang mga anghel hindi nagpasamba dahil ang sabi ng anghel ang Diyos lamang ang dapat sambahin, subalit sa filipos 2:10-11 ay mismo ang Amang Diyos ang nagsabi na ang lahat ng nilalang ay luluhod at sasambahin ang Kristo, kung hindi Diyos ang Kristo ay mismo ang Amang Diyos ang lumabag sa kanyang salita. logic lang po mga kababayang INC.... at isa pa bago sya pinanganak ni virgin Mary ay siyay (SYA NA) O alam nyo ibig sabihin nyan, kaya nga sya gustong batuhin ng mga hudyo ng sabihin nyang (before abraham was I AM) dahil blasphemy yun na ipantay nya ang Diyos sa sarili nya....

    ReplyDelete
    Replies
    1. Makikita talaga natin sino ang nabulag kasi tumataas ang emosyon nakakalungkot ikaw yon.

      Delete
    2. Filipos 2:5-8
      "5 Ito ay sapagkat kailangang taglayin ninyo ang kaisipan na na kay Cristo Jesus din naman. 6 Bagaman siya ay nasa anyong Diyos, hindi niya itinuring na kailangang pakahawakan ang kaniyang pagiging kapantay ng Diyos. 7 Bagkus ginawa niyang walang kabuluhan ang kaniyang sarili at tinanggap niya ang anyo ng isang alipin at nakitulad sa tao. 8 Yamang siya ay nasumpungan sa anyong tao, siya ay nagpakumbaba at naging masunurin hanggang sa kamatayan, maging sa kamatayan sa krus."

      Wala akong makitang diperensya dito. Ang punto nito ay si Hesus nagkatawang tao upang sundin ang Diyos na mas nakatataas sa kanya which is yung kanyang ama (Juan 1:18). At Siya'y nanggaling sa ama (Juan 1:1-2) na nagkatawang tao (Juan 1:14) upang siyang maging sakdal na alay sa ikatutubos ng mga kasalanan ng tao (Hebreo 10:5). Yun ay sa pamamagitan ng pagkapako sa krus at pagkabuhay na muli. Si Hesus ay Diyos na anak ng Diyos ama na siyang kasa-kasama at kaligayahan niya sa gabi't araw ng paggawa noong una pa man. So, hindi Siya tao mula sa orihinal na kalagayan, kundi nagkatawang tao dahil sa utos ng ama. Ang linaw nun, bakit nyo pinalalabo? Antikristo nga kayo.

      Delete
  6. Maliwanag pa sa araw.. ngunit pinipilit ng INC na baluktutin ang talatang ito. Kung anong anong talata pa ang cnasabi para mapalau sa talata.. mga INCM tlaga nilamon na ng diablo ung mga utak ninu...

    ReplyDelete
    Replies
    1. Para matauhan ka, ito ang tanung ko sayo, kung Diyos mo si cristo sinu ang tagaoamagitan mo?

      Delete
    2. Si Maria siguro tagapamagitan nila

      Delete
  7. kung si kristo ang ama kaninong tinig ang nagmula sa langit ng siya ay baustismuhan ni Juan Bautista sa MATEO 3:17
    17At isang tinig mula sa langit ang nagsabi, “Ito ang minamahal kong Anak na lubos kong kinalulugdan!”balik tayo sa tanong kanina kung si kristo nga ang ama kaninong tinig ang nagmula sa langit ano yun recorded ni kristo noong siya pa ay diyos gaya ng alam ng ilan ano yun advance technology ehh sa 1 timoteo 2:5 Sapagka't may isang Dios at may isang Tagapamagitan sa Dios at sa mga tao, ang taong si Cristo Jesus, kung kristo nga ay ang ama bakit nya pa kailangang mamagitan kung siya naman ang diyos papaano niya gagawin iyon sa kanyang sarili na ipamagitan ang sarili sa sarili at sa mga tao sa Juan 17:33 At ito ang buhay na walang hanggan, na ikaw ay makilala nila na iisang Dios na tunay, at siyang iyong sinugo, sa makatuwid baga'y si Jesucristo. kung si kristo ang ama sino ang tinukoy sa salitang "ikaw" at hindi niya sinabing "ako" at salitang "iyong" at hindi ang salitang "aking" sa Juan 14:6 At sinabi ni Jesus ako ang daan ang katotohanan at ang buhay,walang makaparoroon sa ama kundi sa pamamagitan ko.sa talatang ito hindi mababasa na sinabi ni Jesus ang salitang ako ang ama ang sabi walang makakaparoon sa ama kundi sa pamamagitan nya kung si Jesus ang ama bakit pa kailangan dumaan sa kanya upang makarating sa ama kung gayong siya na pala ang ama mga tao talagang walang pang-unawa puro lang haka-haka hayyyyysssss

    ReplyDelete
    Replies
    1. Tamaaaaaaa! Sobrang agree ako dito

      Delete
    2. Tagping tagping talata naka buo kayo ng relihiyon di dapat kayo kristyano e dapat tawag sa inyo MANALLO/MANALONIANS

      Delete
    3. mula kay simon pedro lingkod at apostol niJesu-Cristo para sa mga tulad naming tumanggap ng mahahalagang pananampalataya sa pamamagitan ng katuwiran ng ating Diyos at tagapagligtas na si Jesu-Cristo
      2PEDRO 1:1

      Diyos at tagapagligtas si jesus kay apostol pedro

      At alam nating naparito ang anak ng Diyos at binigyan tayo ng pagkaunawa upang makilala natin siya ng totoo at tayo ay nasa kanya natotoo samakatuwid sa kanyang anak na si Jesu-Cristo siya ang tunay na Diyos at ang buhay na walang hanggan.
      1JUAN 5:20

      kay apostol juan tunay na Diyos si Jesus

      Habang hinihintay natin ang katuparan ng ating mapagpalang pag-asa ang maluwalhating pagdating ng ating dakilang Diyos at tagapagligtas na si Jesu-Cristo.
      TITO 2:13

      Sulat ni apostol pablo kay tito Diyos si Jesus

      Sumagot si Tomas Panginoon ko at Diyos ko.
      JUAN 20:28

      Panginoon at Diyos ko kay tomas


      Si Jesus ay Totoong Tao

      There is only one God and Christ Jesus is the only who can bring us to God Jesus was truly human and he gave him self to rescue all of us
      1TIMOTHY 2:5

      si Jesus ay 2 nature divine nature at human nature batay sa bibliya

      Delete
  8. Tungkol po doon sa Juan nagkamali po nadoble po ang sulat ko sa number 3 Juan 17:3 po talaga iyon

    ReplyDelete
  9. So, ano ang paliwanag ng tektong ito ayon sa INC?
    7 Bagkus ginawa niyang walang kabuluhan ang kaniyang sarili at tinanggap niya ang anyo ng isang alipin at nakitulad sa tao.

    So, may "paggawa at pagtanggap" ibig sabihin, persona na si Jesus bago pa maging tao.

    ReplyDelete
  10. Bobo naman hndi marunong umintindi ng talata. Malinis na si jesus ay tunay na diyos . Hndi nyu po pweding baliin un. grebe kayo sa panginoong jesus. Hndi po tao si jesus. Ang namatay po ung katawang tao hindi po ung diyos. Nung namatay ung katawang tao umakyat ung ispirito ni jesus Sa langit pa punta sa ama

    ReplyDelete
  11. Mali po ung tinuturo ng iglesia ni manalo

    ReplyDelete
  12. Maraming Hindi makauunawa ng katotohanan kaya dapat mag suri parin ng mabuti

    Converted dating katoliko Hindi ko ikinahihiya ngayon ay
    Proud to be iglesia ni cristo

    ReplyDelete
  13. Saan po po ba nasusulat sa Bibliya o anong verse sa Bibliya nasusulat na si Felix Manalo ang huling sugo ng Diyos?

    ReplyDelete
  14. Bigyan natin ng malalim na pagsusuri ang I TIMOTEO 2:5 "Sapagakat may isang Dios at may isang tagapamagitan sa Dios at sa mga tao, ang taong si Cristo Jesus..." Nasaan na ba ang Panginoong Jesu-cristo ng ituro ito ni Apostol Pablo? Halos 30 taon na na nasa langit ang Panginoong Jesucristo ng ituro ito ni Apostol Pablo subalit;
    1. Iisang Dios pa rin lang ang (ang Ama) ang itinuro ni Apostol Pablo gayong nasa langit na ang Panginoong Jesucristo.
    2. Malinaw ding tinukoy ni Apostol Pablo na TAO ang kalagayan ng Panginoong Jesucristo bilang tagapamagitan ngayong Siya'y nasa langit na.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Gawa 9:1-

      9 Datapuwa't si Saulo, na sumisilakbo pa ng mga pagbabanta at pagpatay laban sa mga alagad ng Panginoon, ay naparoon sa dakilang saserdote,



      2 At humingi sa kaniya ng mga sulat sa Damasco sa mga sinagoga, upang kung siya'y makasumpong ng sinoman sa mga nasa Daan, maging mga lalake o mga babae, ay kaniya silang madalang gapos sa Jerusalem.



      3 At sa kaniyang paglalakad, ay nangyari na siya'y malapit sa Damasco: at pagdaka'y nagliwanag sa palibot niya ang isang ilaw mula sa langit:



      4 At siya'y nasubasob sa lupa, at nakarinig ng isang tinig na sa kaniya'y nagsasabi, Saulo, Saulo, bakit mo ako pinaguusig?



      5 At sinabi niya, Sino ka baga, Panginoon? At sinabi niya, Ako'y si Jesus na iyong pinaguusig:



      6 Nguni't magtindig ka, at ikaw ay pumasok sa bayan, at sasalitain sa iyo ang dapat mong gawin.



      7 At ang mga taong kasama niya sa paglalakad ay nangatilihan na hindi makapagsalita, na naririnig ang tinig, datapuwa't walang nakikitang sinoman.



      8 At nagtindig sa lupa si Saulo; at pagkadilat ng kaniyang mga mata, ay di siya nakakita ng anoman; at kanilang inakay siya sa kamay at ipinasok siya sa Damasco.



      9 At siya'y tatlong araw na walang paningin, at hindi kumain ni uminom man.



      10 Ngayon nga'y may isang alagad sa Damasco, na nagngangalang Ananias; at sinabi sa kaniya ng Panginoon sa pangitain, Ananias. At sinabi niya, Narito ako, Panginoon.



      11 At sinabi sa kaniya ng Panginoon, Magtindig ka, at pumaroon sa lansangang tinatawag na Matuwid, at ipagtanong mo sa bahay ni Judas ang isa na nagngangalang Saulo, lalaking taga Tarso: sapagka't narito, siya'y nananalangin;



      12 At nakita niya ang isang lalaking nagngangalang Ananias na pumapasok, at ipinapatong ang kaniyang mga kamay sa kaniya, upang tanggapin niya ang kaniyang paningin.



      13 Nguni't sumagot si Ananias, Panginoon, nabalitaan ko sa marami ang tungkol sa taong ito, kung gaano karaming kasamaan ang ginawa niya sa iyong mga banal sa Jerusalem:



      14 At dito siya'y may kapahintulutan ng mga pangulong saserdote na gapusin ang lahat ng mga nagsisitawag sa iyong pangalan.



      15 Datapuwa't sinabi sa kaniya ng Panginoon, Pumaroon ka: sapagka't siya'y sisidlang hirang sa akin, upang dalhin ang aking pangalan sa harapan ng mga Gentil at ng mga hari, at ng mga anak ni Israel:



      16 Sapagka't sa kaniya'y aking ipakikilala kung gaano karaming mga bagay ang dapat niyang tiisin dahil sa aking pangalan.



      17 At umalis si Ananias at pumasok sa bahay; at ipinatong ang kaniyang mga kamay sa kaniya na sinabi, Kapatid na Saulo, ang Panginoon, sa makatuwid baga'y si Jesus, na sa iyo'y napakita sa daan na iyong pinanggalingan, ay nagsugo sa akin, upang tanggapin mo ang iyong paningin, at mapuspos ka ng Espiritu Santo.



      18 At pagdaka'y nangalaglag mula sa kaniyang mga mata ang mga parang kaliskis, at tinanggap niya ang kaniyang paningin; at siya'y nagtindig at siya'y binautismuhan;



      19 At siya'y kumain at lumakas. At siya'y nakisamang ilang araw sa mga alagad na nangasa Damasco.



      20 At pagdaka'y kaniyang itinanyag sa mga sinagoga si Jesus, na siya ang Anak ng Dios.

      Sabi mo 30 yrs na nasalangit ang Panginoong Jesucristo ?? Ang Panginoong Jesucristo po ang nagpakita kay pablo at nagsugo kay ananias para muli sya makakita at maging isa sya sa maging tagapagsunod ng Dios ..kaya po bang gawin ng tao pagkatapos nya mamatay sa loob ng 30 yrs na muling magsugo at magpakita muli sa kapwa nya tao..ang kaya ng Dios Ama ay kaya ng Dios Anak..

      Delete
  15. sa human nature ni jesus siya ay napagod nagutom at namatay na nararanasan ng kahit sinong tao

    Sa divine nature ni Jesus...

    alam niya ang lahat

    ngunit dahil batid niya ang kaniyang mga iniisip sinabi niya sa kanila bawat kahariang hindi nagkakaisa ay babagsak at ang tahanang nag-aaway-away ay mawawasak.
    LUCAS:11:17

    AT kahit san na katangian din ng Diyos

    Sapagkat kung saan may dalawa o tatlong nagpupulong sa aking pangalan naroroon ako sa gitna nila
    MATEO 18:20

    AT ang lahat ng kapangyarihan
    MATEO 8:26-Pinakalma ang masamang panahon

    LUCAS 7:14-15 -binuhay ang patay

    Wala pa si abraham siya ay siya na.JUAN 8:58

    Ako ang alpha at ang omega ang sabi ng Panginoong Diyos na siyang kasulukayan nakaraan at siyang darating ang makapangyarihan sa lahat
    PAHAYAG 1:8

    Samakatuwid fully human siya at fully God o two nature sa isang katauhan lamang

    ReplyDelete
    Replies
    1. Yan ang tama😊😊 nasa katawang tao po ang Panginoong Jesucristo kaya nya nararanasan ang kalagayan ng mga tao...kaya nya isinantabi ang pagiging kapantay nya sa Dios upang tau ay mailigtas sa kasalanan ..nagpakababa sya at nag-anyong alipin na nakitulad sa mga tao ...AMEN

      Delete
  16. Bakit ang sabi ng john 1 sa pasimula naroon na ang salita at ang salita ay kasama ng Diyos at ang salita ay Diyos.tanong sino ang tinutukoy na Salita na isang Diyos na kasama ng Diyos..at sa verse 14 ito po ang pagkasalin mula sa original greek manuscript at english:kai(And) o (the) logos(word) sarx(flesh) egeneto(became) kai(and) eskenosen(dwelt) ibig sabihin ang pinakamalapit na na salin nito sa tagalog ay.At nagkatawang tao ang salita...kaya sya ang ang Diyos na nagkatawang tao...di pa man nabautismuhan si jesus sya ay nakagawa na ng himala sa kasal sa cana dahil sya ay Diyos.at ang bibliya ay na cannonized ng pitong pinakamalaking relihiyon na gumagamit ng bibliya sa buong munda nagpadala sila ng kanilang mga iskolar at pinag aralan nila nang
    walang bias kung ano talaga ang kahulugan ng bawat salita.

    ReplyDelete
  17. Acts 20:28 - Take heed therefore unto yourselves, and to all the flock, over the which the Holy Ghost hath made you overseers, to feed the church of God, which he hath purchased with his own blood.(KJV)
    tapos ang gagamitin naman nila lamsa version para magmukhang tama ung doctrine nila at mali ang translation ng iba.
    Hebrews 1:58 -8 But unto the Son he saith, Thy throne, O God, is for ever and ever: a sceptre of righteousness is the sceptre of thy kingdom.-ito pwede nyo na gamitin yung favorite vresion nyo
    revelation 1:8 - I am Alpha and Omega, the beginning and the ending, saith the Lord, which is, and which was, and which is to come, the Almighty.
    revelation 22:13 - I am Alpha and Omega, the beginning and the end, the first and the last.-ito pwedeng pwede sa favorite bible version nyo po

    ReplyDelete
  18. bulag bulaganlang mga INC?

    Filipos 2:5-11
    Ang Salita ng Diyos
    5 Ito ay sapagkat kailangang taglayin ninyo ang kaisipan na na kay Cristo Jesus din naman. 6 Bagaman siya ay nasa anyong Diyos, hindi niya itinuring na kailangang pakahawakan ang kaniyang pagiging kapantay ng Diyos. 7 Bagkus ginawa niyang walang kabuluhan ang kaniyang sarili at tinanggap niya ang anyo ng isang alipin at nakitulad sa tao. 8 Yamang siya ay nasumpungan sa anyong tao, siya ay nagpakumbaba at naging masunurin hanggang sa kamatayan, maging sa kamatayan sa krus. 9 Kaya nga, siya naman ay lubhang itinaas ng Diyos at binigyan ng pangalang higit sa lahat ng pangalan. 10 Ito ay upang sa pangalan ni Jesus ay luluhod ang bawat tuhod ng mga nasa langit, ng mga nasa lupa at ng mga nasa ilalim ng lupa. 11 Ito ay upang ipahayag ng bawat dila na si Jesucristo ang Panginoon, sa ikaluluwalhati ng Diyos Ama.

    ReplyDelete