TUNAY NA LINGKOD

Tuesday, February 24, 2015

Kulto ba ang Iglesia Ni Cristo?


Ang Iglesia Ni Cristo ay hindi isang "kulto" (na ang tinutukoy natin ay ang negatibong pakahulugan ngayon ng salitang "kulto").
(1) ang "kulto" ay "isang panrelihiyon o pang-espirituwal na sistema ng paniniwala, lalo na ang isang impormal at panandalian ("transient") na sistema ng paniniwala na itinuturing ng iba na nalinlang, kakaiba sa karaniwan, labis, o bulaan" (Microsoft Encarta Dictionary, c. 2009).
Subalit, ang Iglesia Ni Cristo ay may isang sistema ng paniniwala na nakabatay sa Biblia lamang. Bagamat ang pagtuturo ng Iglesia Ni Cristo ay naiiba kaysa sa ibang mga relihiyon o pangkating nagpapakilalang sila'y diumano'y mga Cristiano, ito ay sapagkat ang aral ng iba ay wala sa Biblia, samantalang ang aral ng Iglesia Ni Cristo ay pawang nakasulat sa Biblia. Halimbawa, ang nakararami sa mga denominasyon at mga iglesia ngayon ay naniniwala sa tinatawag na "Trinidad," subalit, ang salita at doktrina ng Trinidad ay hindi matatagpuan sa Biblia, samantalang ang pagtuturo ng Iglesia Ni Cristo na ang Ama lamang ang iisang Diyos na tunay ay ang malinaw ana nakasulat sa Biblia (cf. Juan 17:1 at 3; Malakias 2:10; I Corinto 8:6).
(2) ang isang "kulto" ay isa ring "labis na pamimintakasi sa isang bagay o isang tao, pag-idolo sa isang bagay o isang tao" (Ibid.). Ang Diyos lamang at ang Panginoong Jesucristo (sapagkat ito'y ayon sa utos ng Diyos, cf. Filip. 2:9-11 at Mateo 6:9-10) ang sinasamba ng Iglesia ni Cristo. Ang paniniwala ng Iglesia Ni Cristo patungkol kay kapatid na Felix Y. Manalo ay payak at simple, na siya ay sugo ng Diyos, isang taong isinugo ng Diyos upang ipangaral ang dalisay na Ebanghelyo sa mga huling araw na ito. Hindi namin siya itinatangi ng higit kaysa rito. Hindi namin siya sinasamba o tinatawag man sa mga titulong tulad ng propeta, papa, obispo at iba pang tulad nito, kundi sa payak na "kapatid na Felix Y. Manalo." Tunay na iginagalang namin siya, ngunit hindi namin siya pinipintakasi, dinadakila o sinasamba. Sinusunod namin ang kaniyang mga itinuro sapagkat ang lahat ng kaniyang mga itinuro ay pawang nakasulat sa Biblia, at hindi siya kailanman nagturo ng ganang sa kaniya lamang.
Samakatuwid, ang Iglesia Ni Cristo ay hindi isang "kulto," kundi ang tunay na relihiyong Cristiano na nanghahawak at naninindigan sa dalisay na mga aral na nakasulat sa Biblia.
Inaanyayahan po namin kayo sa aming mga pagsamba upang masuri ninyo kung ano ba talaga ang IGLESIA NI CRISTO.

Iglesia ni Cristo is not a cult
We are referring to the modern use of the word "cult" which has a negative connotation
(1) A cult is "a system of religious or spiritual beliefs, especially an informal and transient belief system regarded by others as misguided, unorthodox, extremist, or false, and directed by a charismatic, authoritarian leader" (Microsoft Encarta Dictionary, c. 2009).
However, the Iglesia Ni Cristo has a system of belief based solely in the Bible. Although her teachings differ from many denominations and churches, it's because that the teachings of other denominations and churches are not in the Bible, while the teachings of the Iglesia Ni Cristo are all in the Bible. For example, majority of the denominations and churches believe in the Trinity, however, the term "Trinity" and the doctrine of the Trinity cannot be found in the Bible, while the teaching of the Iglesia Ni Cristo that the Father alone is the only true God is the one clearly written in the Bible (cf. John 17:1 and 3; Malachi 2:10; I Corinthians 8:6).
(2) A cult is also "an extreme admiration of something or somebody, an idolization of something or somebody" (Ibid.). The Iglesia Ni Cristo worships only God and the Lord Jesus Christ. Its belief about Brother Felix Y. Manalo is plain and simple, that he is the messenger of God in these last days, a man sent by God to preach the Iglesia Ni Cristo and the pristine Gospel in these last days. We don't call him prophet, pope, bishop or of any title, just "Brother Felix Y. Manalo." We truly respect him, but we do not exalt him, nor worship him. We followed all his teachings because all of his teachings are written in the Bible, and he never invented any doctrine of his own.
The real "cult" is not whose doctrines are solely based in the teachings written in the Bible, but those who adhere to the teachings of men or unbiblical doctrines (doctrines not written in the Bible). Thus, the Iglesia Ni Cristo is not a cult, but the true Christian religion upholding the unadulterated teachings written in the Bible.
You are welcome to study-examine the doctrines, beliefs and teachings of the Iglesia ni Cristo in our local congregations nearest you. Thank you and God bless!


6 comments:

  1. Ang tunay na kulto ay ang mga maniniwala na ang Dios daw ay binubuo daw ng 3.Strange na aral yan.Ang isa pang kulto ay naniniwala na ang dios nila ay may puwet,kaliskis,matris,pangil pero walang tuhod.Alam nio kung saan makikita ang kultong iyan.Nasa Apalit lang yan.

    ReplyDelete
  2. Ishahare ko to sa mga mang uusig kong kaklase

    ReplyDelete
  3. Hindi po naniniwala ang INC sa Holy Trinity? Na iisa ang Panginoon natin sa tatlo- Ama, Anak, at Espiritu Santo? Nagkatawan tao ang Panginoon sa Ngalan ni Jesus Christ... hindi rin po ba naniniwala mga INC na si Jesus Christ ay Panginoon?

    ReplyDelete
  4. Kahit kailan Ang Eglesia na tatag lamang ng tao ay hindi maging tunay,sapagkat iisa lang Ang tunay na Eglesia na tatag ni Cristo.San Mateo 16:18 iisa lang Ang Eglesia( Singular) hindi pwede na ang naitatag na ni Cristo ay itatag pa ulit ng tao,malaking kamalian iyan.dahil Sabi ni Cristo kahit Ang hades ay Hindi makapanaig dito.tapos Ang turo NG Eglesia na tatag ng tao ay na (apostata)tumalikod Ang Eglesia never never napakalaking kasinongalingan iyan.

    ReplyDelete
  5. it's cult. dont sugarcoat it

    ReplyDelete
  6. Cult , kakilala nga na INC , grbeh magmura at napaka taas ng ere . Halos sobrang manapak ng tao

    ReplyDelete