Hindi lingid sa atin na may samahang pang relihiyon na
gumagamit ng pangalang Jehovah para tukuyin ang di-umano’y tunay na Dios ng
biblia.
Suriin po natin kung ang kanilang mga pagmamatuwid ay talaga nga pong naayon sa mga nakasulat sa biblia. Magpasimula po tayo, ating suriin, kung atin pong susuriin ang mga kasulatan ay ating masusumpungan na inihayag ng Dios ang Kanyang sarili sa Kaniyang bayan sa pamamagitan nga iba’t-ibang pangalan.
Suriin po natin kung ang kanilang mga pagmamatuwid ay talaga nga pong naayon sa mga nakasulat sa biblia. Magpasimula po tayo, ating suriin, kung atin pong susuriin ang mga kasulatan ay ating masusumpungan na inihayag ng Dios ang Kanyang sarili sa Kaniyang bayan sa pamamagitan nga iba’t-ibang pangalan.
Sa Exodus 3:13-14 ay ating mababasa na nagpakilala Siyang “AKO NGA”
“ At sinabi ni Moises sa Dios, Narito, pagdating ko sa mga anak ni Israel, at sasabihin ko sa kanila, Sinugo ako sa inyo ng Dios ng inyong mga magulang; at sasabihin nila sa akin: Ano ang kaniyang pangalan? anong sasabihin ko sa kanila?
At sinabi ng Dios kay Moises, AKO YAONG AKO NGA; at kaniyang sinabi, Ganito ang sasabihin mo sa mga anak ni Israel, Sinugo ako sa inyo ni AKO NGA”
Sa Isaias 57:15 ay atin naming mababasa na ang pangalan Niya ay “BANAL”
“ Sapagka't ganito ang sabi ng Mataas at Matayog na tumatahan sa walang hanggan, na ang pangalan ay Banal; Ako'y tumatahan sa mataas at banal na dako na kasama rin niya na may pagsisisi at pagpapakumbabang-loob, upang bumuhay ng loob ng nagpapakumbaba, at upang bumuhay ng puso ng nagsisisi.”
Dito naman po sa Exodo 34:14 ay sinasabi na ang pangalan ng Dios ay “ MAPANIBUGHUIN”
“ Sapagka't hindi ka sasamba sa ibang dios: sapagka't ang Panginoon na ang pangalan ay Mapanibughuin; ay mapanibughuin ngang Dios:”
Sa Isaias 63:16 ay sinasabi na ang pangalan ng Dios ay “ AMA”
“Sapagka't ikaw ay aming Ama, bagaman hindi kami kinilala ni Abraham, at hindi kami kilala ng Israel: ikaw, Oh Panginoon, ay aming Ama, aming Manunubos na mula sa walang pasimula ay siya mong pangalan.”
Dito naman sa Awit 68:4 ay sinasabi ng biblia na ang pangalan ng Dios ay “ Jah”
“Kayo'y magsiawit sa Dios, kayo'y magsiawit ng kapurihan sa kaniyang pangalan: ipaghanda ninyo ng maluwang na lansangan siya na nangangabayo sa mga ilang; ang kaniyang pangalan ay JAH; at mangagalak kayo sa harap niya.”
Maging sa Oseas 2:16 ay sinasabi din na ang Dios ay tatawaging “ ISHI”
“At mangyayari sa araw na yaon, sabi ng Panginoon, na tatawagin mo akong Ishi, at hindi mo na ako tatawaging Baali.”
Ang mga ito at ang iba’t-ibang pangalan ng Dios na nakasulat sa biblia. Sa mga pangalang ito inihayag ng Dios ang Kaniyang sarili sa Kaniyang bayan. Siya ang Dios na nangangahulugang lakas o kapangyarihan. Sinasabi ng biblia na ang lupa ay natatag sa pamamagitan ng Kaniyang kapangyarihan (Jer.10:12). Siya ay tinatawag na Ama sapagkat sa Kaniya nagmula ang lahat ng bagay (1Cor.8:6) Siya’s tinatawag na Mapanibughuin, sapagkat hindi Siya pumapayag na maglingkod ang Kaniyang bayan sa ibang Dios(Exo.34:14-17).
Siya ay tatawaging ISHI na ang kahulugan ay “ aking asawa” upang ipakita ang kaugnayan Niya sa Kaniyang bayan. Ang Dios ay banal kaya marapat na Siya’y tawaging Banal (Lev.11:44).
Bukod sa iba’t-ibang pangalan ng Dios na atin nang nabanggit sa unahan nito, mayron pang pangalan ang Dios na hindi mabigkas, na masusumpungan sa mga kasulatang Hebreo. Ang mga dalubhasa sa biblia ay nagpapatotoo:
“…….Kung gayon ang lalong karaniwang pangalan para sa pagka-Dios, ay Dios, ang pagkakasalin ng orihinal na Elohim. Ang karaniwang salita para sa Maestro ay Panginoon, kumakatawan sa Adonai. Mayroon pang ibang pangalan na tanging ukol lamang sa Dios, bilang tangi at angkop na pangalan, yaon ay ang apat na letrang YHWH. Tingnan ang Exodo 3 at Isaias 42:8. Ang pangalang ito ay hindi mabigkas ng mga hudyo dahil sa paggalang sa pagkasagrado ng banal na pangalan". (New American Standard Bible, U.S.A. Collins World, p.ix).
Ayon sa mga dalubhasa sa biblia ang pangalan ng Dios na hindi mabigkas ng mga hudyo dahil sa labis na paggalang ay ang pangalan na nakasulat sa apat na letra –YHWH.
Sinasabi ng iba na ang bigkas sa apat na letrang ito ay Jehovah, kaya mayroong tagapagturo na nagsasabing Jehovah ang opisyal na pangalan ng Dios. Totoo po kaya naman ang kanilang pagtuturo na ito? Totoo kaya ang sinasabi ng ibang tagapagturo na ang personal na pangalan ng Dios ay Jehovah?
Mahalagang atin po’ng suriin, atin pong alamin kung sino ang unang gumamit ng at kung kalian unang ginamit ang salitang Jehovah.
Ang relihiyong ang tawag sa kanilang samahan ay “Saksi ni Jehovah” o “Jehovah’s Witness” na siyang malimit gumamit ng panglang “Jehovah” ang tanungin natin, kung sino at kung kalian unang ginamit ang pangalang Jehovah.
Sa kanilang opisyal na magasin, “ Ang Bantayan” inilathala noong agosto 1, 1980, ay ganito ang sinasabi sa pahina 10, ating tunghayan:
“ Kapuna-puna nga, si Raymundus Martini, isang mongheng kastila ng Ordeng Dominicano ang unang nagsalin ng “Jehovah” sa banal na pangalan. Ang anyong ito ay lumitaw sa kanyang aklat na Pugeo Fidei, na nalathala noong 1270 C.E. Mahigit na 700 taon na ngayon”
Pansinin po natin na kinikilala ng mga “ Saksi ni Jehovah” na ang pagkakasalin ng pangalang “Jehovah” ay nagmula lamang sa isang mongheng kastila na siRaymundus Martini. Siya ang unang gumamit ng salitang “Jehovah” sa kaniyang aklat na Pugeo Fidei noong 1270 CE. Maging ang mga dalubhasa sa biblia ay nagpapatunay na ang pangalang Jehovah ay nagsimula lamang noong edad medya:
“ The form ‘Jehovah’ is of late medieval origin” (The Bible Revised Standard Version, New York, Thomas Nelson and Sons, 1952, p.v)
Maging ang bantog na mananalaysay na si Webster sa kaniyang Ancient History ay nagpapahayag: “ This name Jehovah was never known to the Ancient Hebrew”
Pinatutunayan maging ng kasaysayan na sa matandang Hebreo (o Israel) ay hindi kilala ang pangalang “Jehovah”. Natural lamang na hindi kilala ng matandang Israel ang pangalang Jehovah sapagkat ito’y unang lumitaw noong edad medya.
Bakit sa ibang salin ng biblia ay nakasulat ang pangalang “Jehovah”?
Ang The Living Bible Encyclopedia in Story and Pictures vol.7,pp. 905-906 ay nagbigay liwanag sa ating katanungan:
“ Jehovah (je-ho’va), ang salitang English ng Hebreong tetragram na YHWH isa sa pangalan ng Dios. (Exodo 17:15) Ang original na bigkas nito ay hindi nababatid”
Samakatuwid, ang pangalang “Jehovah” ay hindi siyang original at hindi masusumpungan sa mga kasulatang Hebreo, kundi isang salin lamang ng tetragram. Ang salitang tetragrammaton ay nagmula sa wikang griego na tetra na ang kahulugan ay apat at gramma na nangangahulugang letra. Kaya ang kahulugan ng tetragrammaton ay ang apat na letra ng alpabetong Hebreo naYod-He-Vau-He katumbas ng YHWH o JHVH.
Pansinin natin na ang isa sa mga pangalan ng Dios na
masusumpungan sa mga kasulatang Hebreo ay binubuo ng mga katining lamang at
walang mga patinig kaya hindi matiyak ang tamang bigkas sa pangalang ito. Pansinin din na ang mga nagsalin lamang ang naglagay ng mga patinig at
dahil sa di pagkakaisa ay lumabas ang iba’t-ibang anyo ng pangalan ng Dios.
Tunghayan natin sa Ellicott’s Commentary on the Bible, vol. I. . 177, sa pagkakaliwat sa wikang Pilipino, ganito an gating matutunghayan:
“ Ang baybay ng salitang Jehovah ay mapagtatalunan dahil sa ang mga katinig lamang(J,H,V,H) ang tiyak, ang mga patinig naman ay yaong nasa Adonai(Panginoon) na siyang ipinapalit ng mga Hudyo kapag ito ay binabasa sa mga sinagoga, na ang unang patinig ay isa lamang mahinang pamalit sa isang tunog, at binibigkas ang A O Ealinsunod sa uri ng katinig na pinagkakapitan nito. Ito’y karaniwang kinakatawan ngayon sa pamamagitan ng isang mahinang paghinga kaya – Y’hovah, ‘donai. Tungkol naman sa baybay ang iginigiit nina Ewald; Gasenius, at iba pa ay Yaveh;SiFursh ay Yehveh, o Yeheveh; at sina Steir, Meyer at kanilang kasamahan ayYehovah.”
Sa opisyal na magasin ng mga “Saksi ni Jehovah”, Ang Bantayan na inilathala noong Agosto 1, 1980, sa pahina 4-5 ganito naman ang kanilang patotoo:
“……. Ang pangalan ng Diyos sa mas matatandang manuskritong Hebreo ay nakasulat na YHWH o JHVH, at malimit na ang tawag sa mga titik na iyan ng mga komentarista sa Biblia ay ang “Tetragrammaton” , na ang ibig sabihin “apat na letra”. Sa paglipas ng daan-daang taon, nawala ang tamang bigkas sa pangalan ng Diyos sa Hebreo. Kung gayon, hindi matiyak kung anong patinig ng dalawang salitang Hebreo naA.do.nay (Panginoon) at El.o.him (Diyos) ay isinama sa Tetragrammaton at ang lumabas na bigkas ay Ye.ho.wah. Sa wakas sa anyong Latin, ito’y nagging “Jehovah”. Subalit, maraming iskolar na Hebreo ang nagsasabi na mas tama raw ang “Yahweh”. Ngunit para kay Rudolf Kittel, editor ng Biblia Hebraica, ang pagkakapuwesto niya ng mga patinig sa Tetragram na Hebreo ay “Yehwah” sa lahat ng kaniyang edisyon”
Pansinin po natin na nagbunga ng kaguluhan ng singitan ng mga patinig ang YHWH oJHVH. Lumitaw ang sari-saring pangalan, gaya ng “Jehovah” “Yehovah” “Yeheveh” “Yahweh” “Yahveh” “Yehveh” at “Yehwah”
Alin man sa mga ito ay hindi mapapanghawakan sapagkat nakasalig lamang sa mga pala-palagay.
“ Ngunit anong salita ang “wastong kumakatawan” sa banal na pangalan na Hebreo? Mas gusto ng iba ay “Yehwah” at ang iba ay Jeve at marami pang iba. Ang problema ay nasa pagsulat ng sinaunang Hebreo mga katinig lamang ang ginagamit at inaamin ng kahit na mga eksperto na mga pala-palagay lamang ang pinagbabatayan sa kung aling mga patinig ang bumubuo ng kumpletong banal na pangalan.” (Ibid., p.11)
Inaamin din ng mga “Saksi ni Jehovah” na alin man sa mga pangalang nabanggit ay hindi siyang binigkas ng Dios kay Moises.
Sa kanilang aklat na Hayaang Maging Tapat ang Dios, sa pahina 24 ay ganito po ang kanilang pahayag:
“ ………bagaman ang alin man sa mga ito ay hindi kaypala siyang pagbigkas ng Dios sa Kaniyang pangalan kay Moises”
Maging ang mga dalubhasa sa Biblia ay nagpapatotoo na ang pangalang “Jehovah” ay hindi tamang kumakatawan sa pangalan ng Dios sa Hebreo:
“…….. ang salitang “Jehovah” ay di wastong kumakatawan sa ano mang anyo ng Pangalan di ginamit sa Hebreo. (The Bible Revised Standard Version, p. v)
Ayon sa mga dalubhasa sa Biblia ang pangalang “Jehovah” “Yahweh” “Yehweh” at “Yehwah” ay nasasalig lamang ito sa mga pala-palagay at hindi mapapanghawakan. Kaya nga kung binabanggit o inilalathala sa Pasugo ang “ Mga Saksi ni Jehovah” ay nilalagyan ng panipi upang di maipagkamali kami ay sumasang-ayon sa kanilang pagiging “ saksi” at sa pangalang “Jehovah” na ito’y maliwanag na di sinasang-ayunan ng mga dalubhasa sa Biblia at lalo nan g Biblia mismo.
Tunghayan natin sa Ellicott’s Commentary on the Bible, vol. I. . 177, sa pagkakaliwat sa wikang Pilipino, ganito an gating matutunghayan:
“ Ang baybay ng salitang Jehovah ay mapagtatalunan dahil sa ang mga katinig lamang(J,H,V,H) ang tiyak, ang mga patinig naman ay yaong nasa Adonai(Panginoon) na siyang ipinapalit ng mga Hudyo kapag ito ay binabasa sa mga sinagoga, na ang unang patinig ay isa lamang mahinang pamalit sa isang tunog, at binibigkas ang A O Ealinsunod sa uri ng katinig na pinagkakapitan nito. Ito’y karaniwang kinakatawan ngayon sa pamamagitan ng isang mahinang paghinga kaya – Y’hovah, ‘donai. Tungkol naman sa baybay ang iginigiit nina Ewald; Gasenius, at iba pa ay Yaveh;SiFursh ay Yehveh, o Yeheveh; at sina Steir, Meyer at kanilang kasamahan ayYehovah.”
Sa opisyal na magasin ng mga “Saksi ni Jehovah”, Ang Bantayan na inilathala noong Agosto 1, 1980, sa pahina 4-5 ganito naman ang kanilang patotoo:
“……. Ang pangalan ng Diyos sa mas matatandang manuskritong Hebreo ay nakasulat na YHWH o JHVH, at malimit na ang tawag sa mga titik na iyan ng mga komentarista sa Biblia ay ang “Tetragrammaton” , na ang ibig sabihin “apat na letra”. Sa paglipas ng daan-daang taon, nawala ang tamang bigkas sa pangalan ng Diyos sa Hebreo. Kung gayon, hindi matiyak kung anong patinig ng dalawang salitang Hebreo naA.do.nay (Panginoon) at El.o.him (Diyos) ay isinama sa Tetragrammaton at ang lumabas na bigkas ay Ye.ho.wah. Sa wakas sa anyong Latin, ito’y nagging “Jehovah”. Subalit, maraming iskolar na Hebreo ang nagsasabi na mas tama raw ang “Yahweh”. Ngunit para kay Rudolf Kittel, editor ng Biblia Hebraica, ang pagkakapuwesto niya ng mga patinig sa Tetragram na Hebreo ay “Yehwah” sa lahat ng kaniyang edisyon”
Pansinin po natin na nagbunga ng kaguluhan ng singitan ng mga patinig ang YHWH oJHVH. Lumitaw ang sari-saring pangalan, gaya ng “Jehovah” “Yehovah” “Yeheveh” “Yahweh” “Yahveh” “Yehveh” at “Yehwah”
Alin man sa mga ito ay hindi mapapanghawakan sapagkat nakasalig lamang sa mga pala-palagay.
“ Ngunit anong salita ang “wastong kumakatawan” sa banal na pangalan na Hebreo? Mas gusto ng iba ay “Yehwah” at ang iba ay Jeve at marami pang iba. Ang problema ay nasa pagsulat ng sinaunang Hebreo mga katinig lamang ang ginagamit at inaamin ng kahit na mga eksperto na mga pala-palagay lamang ang pinagbabatayan sa kung aling mga patinig ang bumubuo ng kumpletong banal na pangalan.” (Ibid., p.11)
Inaamin din ng mga “Saksi ni Jehovah” na alin man sa mga pangalang nabanggit ay hindi siyang binigkas ng Dios kay Moises.
Sa kanilang aklat na Hayaang Maging Tapat ang Dios, sa pahina 24 ay ganito po ang kanilang pahayag:
“ ………bagaman ang alin man sa mga ito ay hindi kaypala siyang pagbigkas ng Dios sa Kaniyang pangalan kay Moises”
Maging ang mga dalubhasa sa Biblia ay nagpapatotoo na ang pangalang “Jehovah” ay hindi tamang kumakatawan sa pangalan ng Dios sa Hebreo:
“…….. ang salitang “Jehovah” ay di wastong kumakatawan sa ano mang anyo ng Pangalan di ginamit sa Hebreo. (The Bible Revised Standard Version, p. v)
Ayon sa mga dalubhasa sa Biblia ang pangalang “Jehovah” “Yahweh” “Yehweh” at “Yehwah” ay nasasalig lamang ito sa mga pala-palagay at hindi mapapanghawakan. Kaya nga kung binabanggit o inilalathala sa Pasugo ang “ Mga Saksi ni Jehovah” ay nilalagyan ng panipi upang di maipagkamali kami ay sumasang-ayon sa kanilang pagiging “ saksi” at sa pangalang “Jehovah” na ito’y maliwanag na di sinasang-ayunan ng mga dalubhasa sa Biblia at lalo nan g Biblia mismo.
Alam mo ba ang tunay na kwento sa Secular History ng YHWH? At ang salin sa English na Jehova?
ReplyDeleteah salin sa english?? pano pala sa wikang filipino? saksi ni yahweh?
DeleteThis comment has been removed by the author.
ReplyDeleteThis comment has been removed by the author.
ReplyDeleteTanong ko naman sa mga Saksi ni Jehovah, bakit kayo nanghula ng pagdating ni Cristo nung 1914 kung kayo talaga ang nasa totoong relihiyon? Hindi ba kabawal-bawalan yan ng Biblia? Isa lang ang ibig sabihin niyan, hindi kayo ang relihiyong sa Diyos.
ReplyDeleteKahit ang mga apostoles man ng Panginoon ng kanilang kapanahunan ay nangaghintay din ng ikalawang pagparito ng Panginoon. Si Santiago sa kaniyang pangangaral ay pinapaghanda niya ang kaniyang mga inaaralan (to be ready) sapagkat ang Panginoon ay malapit ng dumating, that He may come at any moment. Gayon din ang paniniwala ni Apostol Pablo, sa sa mga taga Thessalonica na in their life time ay makikita nila ang pagdating ng Panginoon, sapagkat nasusulat sa Mateo 24:34-35; “Katotohanang sinasabi ko sa inyo, hindi lilipas ang lahing ito, hanggang sa maganap ang lahat ng mga bagay na ito. Ang langit at ang lupa ay lilipas datapwat ang aking mga salita ay hindi lilipas.” Na “hindi matitikman sa ano mang paraan ang kamatayan hanggang sa kanilang makita ang Anak ng tao na pumaparito sa kanyang kaharian.”(Mateo 16:28)
DeleteDahil sa mga salitang ito, ang mga apostoles ng Panginoon ay nangaghintay din subalit ang Panginoon ay hindi dumating sa kapanahunan ng mga apostoles at magpahanggang ngayon.
Nagkamali na ang mga Saksi ni Jehova sa pagkaunawa kung kailan darating ang katapusan. Tulad ng mga alagad ni Jesus noong unang siglo, umasa kaming matutupad sa isang partikular na panahon ang ilang hula pero hindi pala iyon kaayon ng talaorasan ng Diyos. (Lucas 19:11; Gawa 1:6; 2 Tesalonica 2:1, 2) Sumasang-ayon kami sa sinabi ng isang matagal nang Saksing si A. H. Macmillan: “Natutuhan kong dapat nating aminin ang ating mga pagkakamali at patuloy na magsiyasat sa Salita ng Diyos upang magkaroon ng higit na kaliwanagan.”
DeleteKung gayon, bakit patuloy pa rin kaming nangangaral na malapit na ang katapusan? Dahil sineseryoso namin ang mga sinabi ni Jesus: “Manatili kayong mapagmasid, manatiling gising.” Kung ‘matutulog’ kami, tiyak na hindi matutuwa sa amin si Jesus. (Marcos 13:33, 36) Bakit?
Isipin ito: Isang lifeguard ang nakakita ng isang taong tila nalulunod sa dagat, pero nang languyin niya ito, nalaman niyang nagkamali lang pala siya ng akala. Gayunman, ang pagiging alerto niya ay puwedeng makapagligtas ng buhay sa ibang pagkakataon.
Sa katulad na paraan, nagkamali kami sa ilang inaasahan namin tungkol sa katapusan. Pero mas mahalaga sa amin ang pagsunod kay Jesus at ang pagliligtas ng buhay kaysa sa pag-iwas sa mga batikos. Ang utos ni Jesus na “lubusang magpatotoo” ang nagpapakilos sa amin na babalaan ang iba tungkol sa katapusan.—Gawa 10:42.
Naging TAPAT lang sila sa kanilang pagkakamali.
Hindi nanghula ang mga Estudyante ng Bibliya (tawag noon sa mga Saksi) na darating si Kristo sa 1914. Patiuna nang naunawaan ni Russell na sa 1914 magaganap ang presensiya, o pagkanaririto, ni Kristo, hindi ang pagparito niya. Kasabay ito ng pagwawakas ng mga Panahong Gentil, 2,520 taon mula nang magwakas ang Davidikong kaharian bilang kinatawan ng Diyos sa lupa noong 607 BCE. Oo, hindi nila intensiyon noon na manghula, kundi ang unawain lang ang Kasulatan. Pero, mali ang nagawa nila. May ilan ngang nagsabi na darating si Kristo noong 1914 saka aakyat sa langit ang mga pinahirang Kristiyano. Masyadong dinibdib ng ilan ang pagnanais nilang umakyat sa langit, gayong napakarami pang gawain ang isasakatuparan nila sa lupa. Ngunit, kakaunti lang sila at natiwalag din sa kongregasyon dahilan sa kanilang maling motibo ng paglilingkod sa Diyos. Dumaan sa pagsubok ang mga Saksi ni Jehova sa paglipas ng panahon dahil dito, pero hindi nito napigilan ang literal na paglaganap nila sa halos lahat ng bansa sa mundo hanggang ngayon.
DeleteKayo alam nio b darating wakas..? At bakit ndi nio mabasa yung JHVH o Jehova..? Pero ito nababasa nio Brgy. O Barangay kung tawagin..? Yang Bldg.ndi nio mabasa? Bldg. O Building... db nababasa..?
DeleteMs mgaling b mga Iglesia ni manalo ksa mga bible scholar n ngsalin ng Biblia?mli mli ang pliwanag ng Iglesia ni Manalo
DeleteThis comment has been removed by the author.
ReplyDeleteHindi nga jehovah.yhwh yan mababasa sa ibang wika.sa pilipino jehova.iniaangkop nito sa wika ng bawat bansa na naiintindihan.sa ibang bansa hindi nga jehova ang gamit nila..dahil ang gamit nila ang wika nila na naiintindihan nila.ano ba mali don?
ReplyDeleteBakit nawala sa blog na ito ang mga komento ng jehovah witness?jehova(yhwh) ang pangalan ng dios.mateo 6:9
ReplyDeletePano naman naging jehovah ang yhwh?ang original po yhwh?bkit mo dadagdagan ang nakasulat?kung nawala ang comento nila malamang may nalabag po.
ReplyDeleteThis comment has been removed by the author.
DeleteYahshua is one proposed transliteration of the original Hebrew or Aramaic name of Jesus commonly used by individuals in the Sacred Name Movement. The English spelling Yahshua originates at least as early as 1950 with Angelo Traina's The New Testament of our Messiah and Saviour Yahshua.DI ba ang pangalan ni jesus sa hebrew or aramaic ay YAHSHUA di ba sa english jesus di ba nakita ninyo ang deperensya ang Y A H S H U A AY naging J E S U S!!!HAHAHAHA SALAMAT PO SANA MAINTINDIHAN NIYO!:)
DeleteMali naman yan, mga katangian ng Diyos yong tinukoy nyo, hindi ang totoong pangalan. Ikaw nga mismo may pangalan at may katangian din, binubulag nyo ang mga kaisipan ng bulag.
ReplyDeleteAng gamit nyong Bibliya ay King James Version, subukan nyo kayang buksan sa Awit 83:18 at Exudo 6:3. Sa bibliya nyo mismo ay lumilitaw ng ilang ulit ang Pangalang Jehovah, bakit nyo kinakaila at di kinikilala.
DeleteAlam nyo bang ang umaakay sa bulag ay bulag din, kung gayon pareho kayong mahuhulog sa hukay.
DeleteThis comment has been removed by the author.
ReplyDeleteIkaw pala tong turo nang turo mali naman,sa tingin mo ba maliligtas ka sa mga turo mong yan!!!!
ReplyDeleteTingnan mo sa bibliya mo AWIT 83:18
UPAMG MALAMAN NG MGA TAO NA IKAW NA ANG PANGALAN AY JEHOVA IKAW LAMANG ANG KATAASTAASAN SA BUONG LUPA
Baka itanong mo,Bibliya niyo kasi yan o baka itanong mo,wala naman sa bibliya ko eh
Eh di tingnan mo sa malaking dictionary
Yung miriam webster i search mo ang JEHOVAH lalabas doon na "THE GOD MOST HIGH" BULAG KA SIGURO SA KATOTOHANAN
https://tl.m.wikipedia.org/wiki/Jehova
ReplyDeleteKaya nga po pangalan.mga titulo lamang po ang mga ginamit ninyo.kung kagaya din yan ng presidente or mayor.pero hindi mo cla makilala kung walang pangalan.gaya ng ama na na sinabi mo.napakarami din ng ama.
ReplyDeletehahahaha pangalan ng diyos ay JEHOVA magpakailan man
ReplyDeletekaHit ano pa gawin NINYO para sa akin "JEHOVA" lang ang totoong diyos kahit na ipinagkakaila ninyo na hindi jehova ang pangalan ng diyos....PERIOD.Dahil mababasa natin sa JEREMIAS 23:27 hahaha kahit bata lang ako kaya kong ipaglaban ang pangalang jehova!!!!
ReplyDeleteEduardo Go
Deletedugtong.... na ikinakaila o kinalimutan nila pangalan ng diyos !!!
ReplyDeleteThis comment has been removed by the author.
ReplyDeletepuro panay bura ng comment ang mismong author, halatang hnd masgot ng maayos ang mismong pingllban nya
DeleteBakit binubura ng author? Ayaw kasi malaman ang katotohanan na mali mali ang paliwanag nya.mag saliksik ka muna bago ka gumawa ng blog KUNO
DeleteYahweh ang Pangalan ng Dios karamihan sa mga scholar ng Judio na ang apat na letra ay Yahweh ngayon ang tanong ko sa inyo ito
ReplyDelete" nakalimutan ba ng Israel ang kautusan na ibinigay kay moises?
ngayon nasa libro ba nila ang pangalan ni moises? sa tuwing tumatalikod ba ang Israelita lahat ba sila ?
KUNG KAYO BA TATAWAGIN SA HINDI NIYO PANGALAN MATUTUWA BA KAYO?SA KATULAD NA PARAAN MAY PANGALANG ANG DIYOS HINDI MGA TITULO LAMANG NABUBULAG KAYO NG SISTEMA NI SATANAS NA MAS GUGUSTUHIN NIYA NA HINDI NATIN MAKILALA ANG TUNAY AT BUAHAY NA DIYOS..
ReplyDeleteMARAMING MGA DIYOS AT PANGINOON MGA PANGHALILI SA PANGALAN NG DIYOS NGUNIT..HINDI MO KILALA ANG PANGALAN NG DIYOS,MAGING SI SATANAS AY diyos rin ng kasinungalingan 1CORINTO 8:5-6. KILALANIN NIYO ANG BUHAY AT TUNAY NA DIYOS MAGING MGA BITUIN AT MARAMING MGA BAGAY SA MUNDO AY MAY PANGALAN,MALI BANG ISIPIN NA MAY NATATANGING PANGALAN ANG DIYOS..
KAHIT ANU PA ANG PANGALAN NG PINAKA DAKILANG DIYOS SA LAHAT, AYAW NYA SIGURO NA MAY KAGULUHAN AT PAGTATALUNAN ANG BAWAT TAO. KASI SA PAGTATALO FYAN LUMALABAS ANG HINDI MAGANDANG SALITA NA NAGBUBUYO SA PANGIT NA UGALI, DYAN NAGKAKAROON NG KASALANAN,. HINDI GUSTO NG MAY LALANG ANG AWAY. NALULUGOD ANG SATANAS SA MGA GAWING GANYAN... π₯π₯
ReplyDeletejuan 10:30 ako at ang ama ay iisa.
ReplyDeletesa juan 19:19,20 ganito ang sabi:sumulat din si pilato ng isang titulo at inilagay ito sa pahirapang tulos. nakasulat "si Jesus na nazareno ang Hari ng mga judio"sa gayon ay marami sa mga judio ang nakabasa ng titulong ito,sapagkat malapit sa lunsod ang dako kung saan ibinayubay si jesus:at nakasulat iyon sa hebreo,sa latin,sa griego.ang punto dito kung ang pangalang jesus isinalin,makatuwiran po na ang pangalan ng Diyos ay isinasalin din.
apo 14:6 at nakakita ako ng isa pang anghel na lumilipad sa kalagitnaan ng langit,at mayroon siyang walang hanggang mabuting balita na ipahahayag bilang masayang pabalita doon sa mga tumatahan sa lupa,at sa bansa at tribo at wika at bayan,.......kaya sambahin ninyo ang isa na gumawa ng langit at ng lupa...
ReplyDeleteang punto po sambahin natin ang Diyos ayon sa ating wika.kaya kami nagsamba kami sa Diyos na Jehova ang gumawa ng langit at sa lupa.
american standard version
salm 91:14 because he hath set his love upon me,therefore will i deliver him:i will set him on high,because he hath known my name.
Jehovah's name.salm 83:18
??????
ReplyDeleteMga palapalagay nga ang salitang jehova..apat na letra lang nman talaga YHVH lang at palagay din ng mga hudyo na ang pag pronounce ay yahweh.
ReplyDeleteYHWH pala na ang palagay din na bigkas ay Yahweh.
DeleteAlam nio b darating wakas mga inc..? Nakaulat s bible yan...
ReplyDeleteSa biblia nio nsa unahan yung Jehova inc see nio maliban nlng kung in-paste nio yung page... ayaw nio lng gmtin... hahah
ReplyDeleteeto nalang po yan. kung ang mismong anak may pangalan, bakit ang ama nya wala?
ReplyDeleteTama nga ang binabanggit sa AWIT 83:18 kaya dapat na ang mga tao ay matuto na basahin na ngaun palang ang bibliya upang kayo rin mismo ang maka sagot sa inyong katanungan.higit sa lahat makikilala nyo ng higit ang tanging tunay na diyos na may pangalang banal at nakahihigit sa lahat walang iba kundi ang diyos na JEHOVA.Makikilala natin ang mga katangian ng ating diyos na buhay, suriin nyo bible nyo mga teksto dun.sa mga saksi ni JEHOVA madalas na gamitin nila ang bible nil
ReplyDeleteBible nila at tatanungin ang may bahay kung may sarili din syang bible para sa mismo bibliya nya mababasa ang salita ng diyos at hindi sa mga saksi natututo sila sa sarili nilang unawa.tara mag bible study tayo umpisahan ulit natin sa Genesis.
ReplyDeleteπ nag mula lang Pala sa monghe eh.for short dinagdagan lang .
ReplyDeleteButi pa nga ang monghe nagsikap isalin ang pangalan ng DIYOS take note ha! Hindi siya saksi ni jehova. ikaw subukan mo kayang tanggalan ng patinig ang pangalan mo mabasa mo kaya….. subukan mo rin kayang isalin ang salitang iglesia ni cristo sa salitang hebrew
DeleteIisa lang ang iisipin natin kung anung nakasulat na totoong pangalan ng ama,hindi yun pweding dagdagan o Palitan.
ReplyDeleteMatutupad ang mga hula sa Bibliya na sinasabi mismo ng Dios tungkol sa kanyang pangalan o pagkakilanlan. Hindi ito mapipigilan ng sinomang tao. Kahit burahin at palitan ito ng ibang titulo sa maraming salin ng Bibliya ay lalabas ito. Ang Dios ang PUMILI NG PANGALAN PARA SA KANYA at SIYA MISMO ANG NAGBIGAY SA PANGALANG ITAWAG SA KANYA. Walang ibang pangalan na sinabi ng Dios mismo na ITO ANG AKING PANGALAN MAGPAKAILANMAN AT ITO ANG ITAWAG SA KANYA.
ReplyDeleteExodo 3:15 Exodus 3:15
(1890 Darby Bible)
"Thus shalt thou say unto the children of Israel: Jehovah, the God of your fathers, the God of Abraham, the God of Isaac, and the God of Jacob, hath sent me unto you. THIS IS MY NAME FOREVER, AND THIS IS MY MEMORIAL UNTO ALL GENERATIONS.
[WALANG mababasa sa Bibliya na sinabi mismo ng Dios na ABA or AMA ang pangalan ko at ito ang itawag sa Akin sa lahat ng henerasyon. Tulad ng maraming anak na tumatawag na Tatay, Ama, Father o Daddy pero hindi ibigsabin na walang personal na pangalan ang kanilang ama. Kaya kung my mga form na kailanganga sulatan, Father's name, ay hindi natin ito sinasagotan ng "father" din, ang inilagay natin ay ang tunay na pangalan ng ating ama. Kaya malinaw na ang ibinigay ng Dios ay ang kanyang personal na pangala kaya noong sinabi ni Moises kay Paraon ay Sumagot itong "sino si Jehova". HINDI sinabi ni Paraon na, sinong Ama? ]
Ang pangalan ng Dios ay HINDI MALULUMA, HINDI MAPAPALITA NG IBANG PANGALAN O TITULO AT HINDI ITO MAWAWALA, DAHIL Sinabi ng Dios mismo na THIS IS MY NAME FOREVER o Magpakailanman. Hindi ito para lamang sa mga Israelita dahil ang sabi ng Dios, "TO ALL GENERATIONS or To generation to generation, IBIG SABIHIN KASAMA ANG ATING HENERASYON AT ANG SUSUNOD PANG HENERASYON. Ang sumuway sa sinabi ng Dios ay direktang kumakalaban sa sinasabi ng Dios mismo HINDI sa mga taong nagpapahayag sa Kanyang pangalan. Kaya ang Dios mismo ang magpapatunay at magpaparangal sa Kanyang pangalan.
Juan 12:28 RTPV
"Ama, parangalan mo ang iyong pangalan.” Isang tinig mula sa langit ang nagsabi, “PINARANGALAN KO NA ITO, AT MULI KONG PARARANGALAN.”
Isaias 52:5-6
"Ang mga namumuno sa kanila ay umuungal, sabi ni Jehova, at
ANG AKING PANGALAN AY LAGING HINAHAMAK SA BUONG ARAW. 6 KAYA'T MAKIKILALA NG AKING BAYAN ANG AKING PANGALAN. MALALAMAN NILA SA ARAW NA IYON, NA AKO ANG NAGSASALITA. NAPARITO AKO.”
Hindi ituturing ng Dios na walang kasalanan ang lumapastangan sa kanyang pangalan. - Deuteronomio 5:11
Ezekiel 36:23-
American Standard Version 1901
"AND I WILL SANCTIFY MY GREAT NAME, WHICH HATH BEEN PROFANE AMONG THE NATIONS, which ye have PROFANED IN THE MIDST OF THEM; and THE NATIONS SHALL KNOW THAT I AM JEHOVAH, SAITH THE LORD JEHOVAH, when I shall be sanctified in you before their eyes."
Patuloy ang katuparan ng mga hula mula sa Bibliya na galing mismo sa Dios, nagaganap na na ito ay dadakilain ng mga HENTIL sa buong lupa at ang pangalan ng Dios na JEHOVA ay sinasamba at pinupuri ng kanyang mga alagad. -
Malakias 1:11
Kahit ang mga Hudyo ngayon ay mismong nagpapahayag na kahit ito ay itinatago at ipinag bawal na bigkasin ang pangalan ng Dios sa kanilang ORAL TRADITION (hindi mula sa Bibliya) sa mahabang panahon ay inilantad na ang tunay na pangalan ng Dios na kanilang itinago at hindi ipinapakilala.
MABABASA NA NGAYON GAMIT ANG MOBILE PHONE ANG PANGALANG NG DIOS SA HEBREW BIBLE NA GINAGAMIT NG MGA JEWISH NA YEHOVAH ang tunay na pangalan ng Dios, na sa English Bible ay JEHOVAH.
ED GO
ReplyDeleteJEHOVA ang pangalan ng Dios.
ReplyDeleteMakikita ito sa Hebrew Bible na Tanakh
Maari nyong i-Google ang Jewish Bible gamit ang mobile phone nyo.
"Isaiah 42:8 in Tanakh"
Tingnan sa verse 8 sa Hebrew ang pangalan ng Dios sa unang linya sa bahaging gitna: [ ΧְΧֹΧָ֖Χ ]. Ang curve o pakurba na guhit ay "Tea'mim" hindi bahagi ng Nikkud o vowel sound. Ang teamim ay ginagamit sa accent o tuno ng pagbigkas makikita lang ito sa Biblical Hebrew.
π
https://www.chabad.org/library/bible_cdo/aid/15973/jewish/Chapter-42.htm
Upang mabasa ay tingnan nyo sa Hebrew Alphabet chart na available din sa Google. Tingnan ang Hebrew letters: 10th letter Yod or Y; 5th letter Hei or H; 6th letter Vav. Y-H-V-H
π
https://www.pinterest.ph/pin/hebrew-alphabet-chart-the-israel-bible--202380576984463977/
Hebrew Nikkud Tingnan sa Nikkud table ang simbolo ng mga tuldok o dots, sa ika limang linya SHVA sound "e"; Tingnan ang ika siyam na linya CHOLAM sound "o"; Tingnan ang unang linya KAMATZ sound "a". Y(e) - H(o) - V(a)H or YEHOVAH sa Hebrew at Jehovah sa English.
π
https://www.artofit.org/image-gallery/hebrew-vowels/
Maaring i-Google:
"What is Tanakh"
Hindi nila mabibigkas o maisalin ang pangalan ng Dios sa ibang wika kahit pa ito ay tuwirang mababasa sa Hebrew na Yehovah. Hindi ito nila mabigkas upang ipahayag at tuwing bibigkas sila ay titulo ang kanilabg sasabihin ADONAI or Panginoom hindi ang Yehovah na nakasulat. Dahil dyan ay ginaya iyan ng maraming relihiyon sa kanilang salin ng Bibliya at hinigitan pa ang paglapastangan ng mga Hudyo. Kung hindi binibigkas ng mga Hudyo ang pangalan ng Dios kahit nakasulat ito ay sa maraming nagpapakilalang Kristyano daw ay binura ang pangalan ng Dios ng tuluyan at pinalitan ng titulong PANGINOON OR LORD (Adonai).
Natupad ang sinabi ni Apostol Pablo sa mga Hudyo sa kanyang panahon:
Roma 2:24 - Bible Gateway
"Gaya ng nasusulat, “Nilalapastangan ng mga Hentil ang pangalan ng Diyos dahil sa inyo.”
Sa halip ay dapat na ipangaral at ipakilala ang pangalan ng Dios tulad ng ginawa ni JESU-KRISTO.
Juan 17:6, 25-26
"IPINAHAYAG KO ANG IYONG PANGALAN sa mga tao na ibinigay mo sa akin mula sa sanglibutan: sila'y iyo, at sila'y ibinigay mo sa akin; at TINUPAD NILA ANG IYONG SALITA..."
Amang banal, hindi ka nakikilala ng sanglibutan, nguni't NAKIKILALA KITA;
at nakikilala ng mga ito na ikaw ang nagsugo sa akin; At
IPINAKILALA KO SA KANILA ANG IYONG PANGALAN, at IPAKIKILALA KO;
UPANG ANG PAG-IBIG NA SA AKIN AY INIIBIG MO ay MAPASA KANILA,
at AKO'Y SA KANILA.
Sa kabaliktaran ay inalis ito sa maraming reluhiyon sa kanilang mga salin ng Bibliya, UPANG HINDI IPAKILALA.
Iyan ang dahilan kung bakit hindi to mababasa sa maraming salin ng Bibliya.
Malinaw na ang magpapahayag nito ay ang tunay na mga alagad ni Jesus at sumasamba sa Dios na Jehova. Sila ang tinutukoy ni Jesus na "TINUPAD NILA ANG IYONG SALITA" (Exodus 3:15). Ito ay upang ang PAIBIG ay mapasa kanila, "UPANG ANG PAG-IBIG NA SA AKIN AY INIIBIG MO ay MAPASA KANILA". Dahil dyan ay si Jesus ay nasa kanila, "AKO'Y SA KANILA".
Ngunit sa mga lumalapastangan sa pangalan ng Dios at hindi sumunod sa Dios ay itatakwil ni Jesu-Kristo.
Mateo 7:21-23 ASND
Nagpapatunay na nasa likod nila si Satanas isang makapangyarihan balakyot na espiritu upang sila ay makapaglinlang at nagkaroon sila ng kapangyarihan na gumawa pa nga ng himala. Si Satanas ang nasa likod upang hindi sambahin at hindi mapapakilala ang Dios. Mahaharangan kaya ng mga taong nadaya at naging alagad ni Satanas na pigilan na makilala, papurihan at sambahin ang Dios sa Kanyang pangalan? Malinaw na Hindi. Ang Malakias 1:11 Natupad na ang hulang iyan na mapakilala, purihin, sambahin at dakilain ang mga Hentil ang pangalan ng Dios na Jehova sa buong lupa, mula sa sikatan at lubugan ng araw.
Ang mga link na itinuturo π ay maari nyong diinan tapos pindutin ang copy. Pumunta sa Google, Diinan ang Google search box at pindutin ang paste. Then, pindutin ang search sign sa kanan na bahagi ng box upang ma buksan.
ReplyDeletehttps://youtube.com/shorts/RKIybQx5YTw?si=UxtWD7fwbSpwkeW5
ReplyDelete