TUNAY NA LINGKOD

Friday, July 25, 2014

Ang Matagumpay na Iglesia



Ilang araw nalang sasapit ang Iglesia ni Cristo sa 100 taong anniversary mula ng ito ay maiparehistro sa pilipinas noong July 27, 1914. Kitang kita natin ang pagtulong ng Panginoong Diyos sa kanyang Iglesia at sa Pamamahala, mula sa iisang Tao na kanyang sinugo ay lumaganap ito sa ibat ibang panig ng mundo at ibat ibang lahi ng tao. Tayo po ang saksing buhay ukol sa tagumpay ng Iglesia sa kasalukuyan. Ito ay tagos hanggang sa ating sambahayan.
Kaya anu po ang ibinilin ng mga Apostol na lagging gawin ng mga kaanib sa Iglesia?ganito an gating mababasa

Col 1:12 Lagi kayong magpasalamat sa Ama sapgkat minarapat niyang makabahagi kayo sa mga pangako ng Diyos para sa mga hinirang na nasa liwanag.

Ang bawat kaanib sa INC ay dapat lagging napapasalamat sa Ama o sa ating Panginoong Diyos. Bakit kailangan lagging magpasalamat? Sapagkat minarapat ng Diyos na tayo’y makabahagi sa kanyang mga Pangako. Totoo po ba na nangako ang Diyos sa kanyang bayan? Anu ang kaniyang pangako sa Sugo at sa pasugong ito?
Sa Isa. 41:10, ay ganito ang sinasabi:

Huwag kang matakot, sapagka't ako'y sumasaiyo; huwag kang manglupaypay, sapagka't ako'y iyong Dios; aking palalakasin ka;oo, aking tutulungan ka; oo, aking aalalayan ka ng kanang kamay ng aking katuwiran.

Ang sabi mismo ng Diyos sa kanyang sinugo; “sapagka't ako'y iyong Dios; aking palalakasin ka;oo, aking tutulungan ka; oo, aking aalalayan ka ng kanang kamay ng aking katuwiran.

Totoo po ba na tinulungan ng Diyos ang kanyang sugo na si kapatid na Felix Manalo? Opo.. malawak at matagumpay ang Iglesia ni Cristo na patuloy na nagtatagumpay dahil sa awa at tulong ng Diyos.

Ngunit anu po ang hindi maiiwasan ng bawat kaanig sa Iglesia ni Cristo? Ang kapootan ng taga sanlibutan. Tayo po ay nakakaranas ng mga pag uusig. Sari saring paninira ang kanilang binibitawan laban sa atin. Na ang sabi ng ilan ay pera pera lang daw sa Iglesia, INC1914, at ibat ibang panunuya ang ginagawa nila sa atin. Bakit ba ito nangyayari? Baket po ba tayo kinapopootan at inuusig ng mga taga sanlibutan? Ito mismo ang pahayag n gating Panginoong Jesus ang ating basahin

Juan 15:18-20 MB Kung napopoot sa inyo ang sanlibutan, alalahanin ninyong ako muna ang kinapootan nila bago kayo. Kung kayo'y taga-sanlibutan, mamahalin nila kayo, sapagkat kayo'y kabilang sa kanila. Hindi kayo taga-sanlibutan. Sila'y napopoot sa inyo dahil pinili ko kayo. Alalahanin ninyo ang sinabi kong ito: walang aliping nakakahigit kaysa sa kanyang panginoon. Kung ako'y inusig nila, uusigin din nila kayo. Kung sinunod nila ang aking sinabi, susundin rin nila ang inyong sasabihin. 

Sabi ni Jesus hindi na tayo taga sanlibutan, pinili nya tayo kaya hindi na tayo taga sanlibutan, kung papaanong si Jesus ay inusig tayong kaniyang pinili o ibinukod ay uusigin din at kapopootan ng sanlibutan. Samakatwid taglay na natin ang pangalan ng ating Panginoong Jesus ng tayo ay kaniyang piliin at ibukod. Tinatawag na tayo sa kaniyang pangalan. Aling pangalan ba ito? Ito ang pahayag ng Diyos

ISA 43:7 Bawa't tinatawag sa aking pangalan, at yaong aking nilikha ay sa aking kaluwalhatian, yaong aking inanyuan oo, yaong aking ginawa.

Ang sabi mismo ng Diyos “ Bawat tinatawag sa aking pangalan, na kanyang nilikha ay siya niyang kaluwalhatian.

Aling pangalan ang nilikha ng Diyos para sa kanyang kaluwalhatian?

“Pakatalastasin nga ng buong angkan ni Israel, na ginawa ng Dios na Panginoon at Cristo itong si Jesus na inyong ipinako sa krus.” (Gawa 2:36)

Pangalang Cristo po ang nilikha ng Diyos  na ito ay sa kanyang kaluwalhatian. Ito ang pangalang taglay natin. Kaya ang tawag ng mga Apostol ay IGLESIA NI CRISTO. (Roma 16:16)

Hindi tayo uusigin, kapopootan ng taga sanlibutan kung hindi ka kabilang sa INC lahat ng taong kaanib dito ay tiyak na makakaranas ng pag uusig, hindi po ito pananakot para sa mga gusto makabilang sa tunay na Iglesia, Ang pag uusig po ang katunayan na pinili tayo, ibinukod ni Jesus upang sa magmana ng kaharian ng Diyos. Anu po ba ang nais ni Cristo para sa kanyang mga ibinukod?

Juan 14: 1-3 1Huwag magulumihanan ang inyong puso: magsisampalataya kayo sa Dios, magsisampalataya naman kayo sa akin. 2Sa bahay ng aking Ama ay maraming tahanan; kung di gayon, ay sinabi ko sana sa inyo; sapagka't ako'y paroroon upang ipaghanda ko kayo ng dakong kalalagyan. 3At kung ako'y pumaroon at kayo'y maipaghanda ng kalalagyan, ay muling paririto ako, at kayo'y tatanggapin ko sa aking sarili; upang kung saan ako naroroon, kayo naman ay dumoon.


Kung saan naroon si Cristo ay nais nya naroon din ang kaniyang mga ibinukod. Kahit makasagupa ng mga pag uusig at paninira sa Iglesia. Ano lamang ang dapat gawin ng bawat isa upang maligtas? Manatili tapat hanggang wakas.Mateo 24:13

4 comments:

  1. Niligaw kayo ng paniniwala ninyo dahil hindi tunay na sinugo ng Dios ang Felix Manalo. Ito ang dahilan bakit ko nasabi.

    Ang sabi sa
    Roma 16:16 Mangagbatian kayo ng banal na halik. Binabati kayo ng lahat ng mga iglesia ni Cristo.

    At ito ang pag bati ni Pablo:

    I Corinto 1:1 Si Pablo, na tinawag na maging apostol ni Jesucristo sa pamamagitan ng kalooban ng Dios, at si Sostenes na ating kapatid,

    I Corinto 1:2 Sa iglesia ng Dios na nasa Corinto, sa makatuwid baga'y sa mga pinapagingbanal kay Cristo Jesus, na tinawag na mangagbanal, na kasama ng lahat ng mga nagsisitawag sa bawa't dako, sa pangalan ng ating Panginoong Jesucristo, na kanila at ating Panginoon:

    Ang binabanggit po na mga Iglesia na binabati ni Cristo ay yong Iglesia ng Dios. Kaya nga ang pagkasipi ay binabati kayo ng mga Iglesia ni Cristo.Binigyan ng ibang kahulugan ang pag kasipi sa sulat.Kung ikaw ay hindi sa Dios maliligaw ka sa mga pagkasipi.Hindi kailanman mag tatayo ng Iglesia si Cristo sa ganang kanyang sarili lalo na sa kanyang pangalan sapagkat hindi higit ang alipin sa kaysa sa kanyang panginoon at yan ang mismong sinabi ni hesucristo.IGLESIA NG DIOS ang itinatag ng panginoon hesus at siya ang sugo ng Dios at hindi ang Felix Manalo. Huwag kayong mga hangal,sapagkat hindi dapat magkaron ng ibang sugo kundi ang nanggaling sa langit nabuhay, namatay at muling nabuhay at nabubuhay na mag pakailan man..

    ReplyDelete
    Replies
    1. Mga rason kung bakit si jesus cristo ay hindi diyos ....

      * Ang Diyos hindi namamatay sapagkat siya ay walang laman at mga buto si Jesus ay namatay.

      * Ang Diyos ay walang pinagmulan si Jesus naman ay pinanganak

      *Ang Diyos ay hindi napapagod, na uuhaw at nasasaktan ngunit si jesus ay napagod nasajtan at pinako sa krus

      Delete
  2. May nag-comment na taga Ang Diyablong Daan na alagad ni Eli Beki 😂😂😂

    ReplyDelete
  3. ANG SALITANG "CRISTO" BA AY PANAGALAN (name) NG PANGINOON?. . . SAANG TALATA MABABASA NA ANG "CRISTO" AY PANAGALAN (name) NG PANGINOON?. . . HUWAG NA NINYO IPILIT ANG GAWA 2:36 DAHIL MALI ANG PALIWANAG NINYO DITO. . . MGA SINUNGALING.

    ReplyDelete