TUNAY NA LINGKOD

Friday, September 13, 2013

Mga Iglesia ni Cristo?




BAGAMAT ang Biblia ay bumanggit ng pahayag na “churches of Christ” o “mga iglesia ni Cristo”, tulad ng nasa Roma 16:16:

Romans 16:16  “Salute one another with an holy kiss. The churches of Christ salute you.” [King James Version]

Roma 16:16 “Mangagbatian kayo ng banal na halik. Binabati kayo ng lahat ng mga iglesia ni Cristo. [Ang Biblia, 1905]

Hindi ito nangangahulugan na mahigit sa isa o marami ang iglesia o ang katawan ni Cristo. Binigyan diin ni Apostol Pablo na iisa lamang ang katawan ni Cristo o iglesia (Efeso 4:4; Colosas 1:18). Kung alin ang marami ay ang mga kaanib o miyembro ng katawan o iglesia na kanyang nilinaw sa kaniyang sulat sa mga taga Roma na ganito ang ating mababasa:

Roma 12:4-5 “Sapagka't kung paanong sa isang katawan ay mayroong tayong MARAMING MGA SANGKAP, at ang lahat ng mga sangkap ay hindi pareho ang gawain: Ay GAYON DIN TAYO, NA MARAMI, AY IISANG KATAWAN KAY CRISTO, at mga sangkap na samasama sa isa't isa.”

Ano ngayon ang nais ipahiwatig ng katagang “churches of Christ” o “mga iglesia ni Cristo” ?

Anong pangalan ang dapat itawag upang tumukoy sa kabuoan ng katawan ng mga nagsisisampalataya o mga tao ng Diyos? Para maiwasan ang pagiging bias at di isipin ang iisang panig lamang na pagpapaliwanag ating sipiin ang akalat ni G. Don De Welt.

“So that, not only is the expressionchurches of Christjustified, as applied to local congregations of believers; but “church of Christas a DESIGNATION OF THE WHOLE BODY OF HIS PEOPLE, lies implicit in its very constitution and history. The idea of it is not only scriptural, it is inseparable from the relation of Christ to the church.” (The Church in the Bible, p. 349)

Sa Filipino:

“Kaya nga hindi lamang ang katagang “mga iglesia ni Cristo” ang nagpapatunay, na ikinapit sa mga lokal na kongregasyon ng mga mananampalataya; Maging ang “iglesia ni Cristo” na ISANG KATAWAGAN NA TUMUTUKOY SA KABUOANG KATAWAN NG MGA TAO NIYA, ito’y maliwanag na nakabatay sa kaniyang pinaka alituntunin at kasayasayan. Ang kaisipang ito ay hindi lamang maka-kasulatan, ito ay hindi maihihiwalay sa kaugnayan ni Cristo sa iglesia.”

Ang katagang “churches of Christ” o “mga iglesia ni Cristo” ay tumutukoy sa mga lokal na kongregasyon, at hindi sa kabuoan ng mga mananampalatayang kabilang sa katawan o iglesia, ang Pangalang  “church of Christ” o “iglesia ni Cristo” ang siyang ginamit para rito. Sa kadahilanang ang pangalang ito ang tumutukoy sa pinaka alituntunin at kasaysayan ng Iglesia, at maliwanag na ipinapakita ang kaugnayan ni Cristo sa Iglesia. Ang mga ganitong pagpapaliwanag ay maka-kasulatan o maka-Biblia. Samakatwid ang pangalang Iglesia Ni Cristo, ay isang katotohanang hango sa Biblia na pinatutunayan ng mga Bible Scholars:

“He conferred authority in the Church; explained the importance of designating the organization by its PROPER NAME--the Church of Christ” (The Great Apostasy, p. 12)

Sa Filipino:

“Kaniyang tinaglay ang pamamahala sa Iglesia; ipinaliwanag ang kahalagahan ng pagtawag sa organisasyon sa kaniyang MARAPAT NA PANGALAN—ang  Iglesia ni Cristo.”

Kung paanong ang Iglesia ay ang katawan ni Cristo, marapat lamang na ang opisyal na pangalan nito ay Iglesia ni Cristo. Batay sa mga kasulatan, ito ang marapat na pangalan ng organisasyong ito, gaya ng ipinapaliwanag ng isa pang Bible scholar na si J.C. Choate, na ganito:

“Name of the Church” If the church is to be scriptural, then it must have a scriptural name. As to the church, Christ promised to build it (Matt. 16:18), it is said that he purchased it with his own blood (Acts 20:28), that he was the saviour of it (Eph. 5:23) and the head of it (Col. 1:18). It is only natural that it would wear his name to honour its founder, builder, saviour, and head. So when Paul wrote to the church at Rome, and sent along the greetings of the congregations in his area, he said, thechurches of Christ salute you (Rom 16:16). Then in speaking to the church at Corinth, “Now ye are the body of Christ and members in particular” (I Cor. 12:27). But since the body is the church (Eph 1:22, 23), then he was simply talking about the church of Christ.” (The Church of the Bible, pp 27-28)

Sa Filipino:

 “Pangalan ng Iglesia” kung ang iglesia ay dapat maging maka-kasulatan, ito ay dapat may pangalang maka-kasulatan. At sa Iglesiaipinangako ni Cristo na itatayo niya ito (Mat 16:18), sinasabing ito’y tinubos niya ng kaniyang dugo (Gawa 20:28), at siya ang tagapagligtas nito (Efe. 5:23), at siya ang ulo nito (Col.1:18). Kaya natural lamang na taglayin nito ang pangalan ng nagtatag, nagtayo, tagapagligtas, at ng ulo nito. Kaya nang si Pablo ay sumulat sa Iglesia na nasa Roma, at nagpadala ng pagbati sa mga kongregasyong sa kaniyang dako, sinabi niya “ binabati kayo ngmga iglesia ni Cristo” (Rom. 16:16). Pagkatapos nagsalita rin siya sa Iglesiang nasa Corinto, at sinabi niya, “kayo nga ang katawan ni Cristo, at bawat isa’y sama-samang mga sangkap niya” (I Cor. 12:27), at dahil sa katawan ni Cristo ang iglesia (Eph 1:22, 23), ang tinutukoy lamang niya sa kaniyang mga sinasabi ay ang iglesia ni Cristo.

Maging sa Norlie’s Simplified New Testament na isang salin ng Biblia, isang bahagi ng sulat ni Apostol Pablo sa mga taga Efeso ay isinalin sa isang paraan na ang pangalang ginamit ay church of Christ o iglesia ni Cristo imbes na body of Christ o katawan ni Cristo:

Ephesians 4:12 “The common object of their labor was to bring the Christians maturity, to prepare them for Christian service and the building up of the Church of Christ.” (Norlie’s Simplified New Testament)

Karaniwan sa mga salin ng Biblia tulad ng King James VersionToday’s English Version,New International Version, ang nasabing bahagi ng talata ay isinasalin bilang “body of Christ” o katawan ni Cristo. Dapat mapansin na ito’y nasa anyong pangisahan (singular form), at hindi “bodies of Christ” o mga katawan ni Cristo. Sa tuwing babanggitin ang katagang katawan ni Cristo sa Biblia, ito’y palaging nasa singular form. Sapagkat si Cristo ay nagtayo ng isa lamang Iglesia:

Matthew 16:18  “And I also say unto thee, that thou art Peter, and upon this rock I will build MY CHURCH; and the gates of Hades shall not prevail against it.” [ASV]

Mateo 16:18  At sinasabi ko naman sa iyo, na ikaw ay Pedro, at sa ibabaw ng batong ito ay itatayo ko ang AKING IGLESIA; at ang mga pintuan ng Hades ay hindi magsisipanaig laban sa kaniya.”

Hindi sinabi ni Cristo na “I will build MY CHURCHES” o “Itatayo ko ang AKING MGA IGLESIA”, hindi ba? Kaya nga, kapag binabanggit ng Biblia ang katagang katawan ni Cristoang tinutukoy lamang nito ay ang Iglesia ni Cristo.

Katawan ni Cristo   =   Iglesia ni Cristo


Kaya maliwanag po na nagkakamali lang ng iniisip ang mga kaibayo natin sa pananampalataya. Makabubuti po sa mga kaibigan natin ay patuloy na magsuri sa mga aral ng Diyos na sinasampalatayanan ng Iglesia ni Cristo. Magsadya po sa pinaka malapit na local ng Iglesia sa inyong lugar.

No comments:

Post a Comment