TUNAY NA LINGKOD

Thursday, November 14, 2013

Pagrorosario utos ba ng Diyos?


Ang ating kinagisnan na relihiyon (Iglesia KAtolika Apostolica Romana) ay may isinasagawa ring panalangin o pagdarasal. Sila po ay gumagamit ng tinatawag na Rosaryo o magkakarugtong na butyl. Ang kanilang pagdarasal na may hawak na rosaryo ay ginagawa na mag isa o di kya ay kasama ang kanilang sambahayan. Ngayon po ay ating aalamin kung ang paggamit rosaryo ay naayon sa banal na kasulatan.

Ang mga unang gumamit ng rosaryo

Alamin muna natin. Sino ang mga unang gumamit ng Rosario?

“ Ang mga Budista ng Malayong Silangan, ang mga Brahman ng India, ang mga Lama ng Tibet, ang matatandang pagano ng Roma, at ang mga mamamayan ng Efeso sa kanilang pagsamba kay Diana (Mga gawa 19:28), pawang umiiral na bago pa ang Iglesia Katolika Romana, ay palagiang gumagamit ng mga butil sa kanilang mga pagdarasal.
(Roman Catholicism in the Light of the Scripture, page 137)
Inisa isa po ang mga unang gumamit ng mga butyl sa kanilang pagdarasal noon pang una ay ang mga Budista, Brahaman,Lama ng Tibet, paganong ng Roma at ang mga mamamayan sa Efeso. Anu po an gating mapapansin. Ginagamit nila ang ganitong pagdarasal na may butyl ay para sa pagsamba sa mga diyos diyusan.

Natala rin sa kasaysayan ang ganito:

"... Ang rosaryo, gayon pa man, ay mula sa kauna-unahang panahon, at halos laganap na matatagpuan sa mga bansang pagano. Ang rosaryo ay ginamit bilang isang banal na kasangkapan ng mga unang Mehikano.
(
The Two Babylons or the Papal Worship, page 187)

Kaya wala pa po ang Iglesia Katolika ay may mga gumagamit na ng Rosario o mga butyl sa kanilang padarasal na ito ay laganap na sa mga bansang PAGANO.

Paano at kailan nagsimula ang paggamit ng rosaryo ng Iglesia Katolika?

“… Ang dakilang pamimintakasi kay Maria, ang rosaryo, ay walang linaw na pinasimulan noong ikalabing-isang siglo at nang malaunan ay mapamaraang pinaunlad ni Sto. Dominic at nagkaroon ng anyong kilala natin ngayon na binubuo ng pagbigkas ng dalangin at pagbubulay-bulay ng labinlimang misteryo noong mga panahong isandaang Taong Digmaan. Kaya sa maikling pagbabalik-aral, ay ang mga tanda ng kamangha-mangha pagdaluyong ng pamimintakasi na kapuwa nakasapat upang mailaan sa Birhen ang kaniyang mataas na katayuan sa pagsambang Kristyano na pumapangalawa siya kay Cristo mismo.
(The book of Mary,page 81)


Ang rosary na ang pinagmulan ay sa  mga pagano ay ipinalalagay na pinasimulan sa loob          ngIglesiaKatolika noong lamang mga ika 11 siglo. Nangmalaunan ay pinaunlad ito ni Dominic at nagkaroon ng anyongkilala ngayon na binubuo ng 15 misteryo. Ito ay ginagawanilang pamimintakasi o pagdalangin kay Maria.Diumano,bilang pagsambang Cristiano. Hindi maikakaila,ganunpaman, na ang Rosaryo ng Iglesia Katolika ay nagmulasa mga pagano.

Ang Pagrorosaryo

Ilang beses ba inuulit ang dasal kapag ginagamitan nila ng Rosario? Ganito an gating mababasa sa kanilang aklat?

“… Ang buong panata sa Rosaryo ay binubuo ng labinlimang pangkat ng Aba ginoong Maria, sampu sa bawat pangkat na karaniwang tinatawag na dekada… Ang mga dasal ay binibigkas sa bawat butil at krusipiho, ngunit yaong dinarasal sa Krusipiho at sa limang butyl na binabanggit mong palawit ay panimula lamang sa kaniyang sarili at hindi kailangan sa Rosaryo…
“.. Ibig mo bang sabihin, na kapag dinarasal ang buong Rosaryo, ang ‘aba Ginoong Maria’ ay sinasabing 150 ulit?…Mangyari pa,…

( Father Smith Instructs Jackson, page 269-270)

Bukod pa sa 150 ulit na dsal kay Maria ay kasama pa rin sa
pagrorosaryo ang 15 ulit na dasal na “ Ama namin”

Sa Iglesia ng Kanluran “ Ang Rosaryo,’’ ayon sa roman Breviary,’ ay isang uri ng panalangin na doo’y sinasambitla ang labinlima na tigsasampung Aba Ginoong Maria kasama ng isang Ama naming sa pagitan ng bawat sampu…” 
( The Catholic Encyclopedia, Volume 13, page 184)

Kaya sa kabuuang bilang, ang pagrorosaryo ay binubuo ng165 na paulit-ulit na dasal sa isang pagkakataon lamang. Sino ba ang Nagutos sa mga miyembro ng Iglesia Katolika na gawin ang ganitong karaming paulit ulit na panalangin o dasal?

“.. Si Papa Clemente XI, ay nag-utos na unang Linggo ng Oktubre ang kapistahan ng Rosaryo (naval) ay dapat ipagdiwang sa buong Iglesia. Noong taong 1885, ipinag-utos ni Papa Leo XIII na ang Rosaryo ay usalin araw-araw sa buwan ng Oktubre sa simbahan ng bawat parokya sa buong mundo at nagtagubilin na lahat ng hindi makadadalo sa pananalangin ng Rosaryo sa simbahan ay nararapat na umusal nito na kasama ang kanilang mga sambahayan sa tahanan, o sa pansarili..
(Amigo del Pueblo, page 275)
Ipinag utos ng PAPA sa Iglesia katolika na dapat silang magdasal ng paulit ulit. Dapat pa itong usalin o dasalin araw araw sa tuwing buwan ng Octobre. Kaya ang mga katoliko ay ginagawa ang ganitong uri ng pagdarasal kahit hindi na kalooban ng Diyos. Utos lamang ito ng mga tao.
Mahigpit na tagubilin

Ano po ba ang tagubilin sa Atin kung tayo ay mananalangin? Dapat ba itong gawin na paulit ulit na gaya ng ginagawa ng mga kaibigan nating Katoliko na itong ganitong paraan ay kinuha nila mula sa mga PAgano? Ganito ang sinasabi ni Apostol Pablo
Efeso 4:17-18 (salita ng Buhay)

“.. Kaya’t ito ang masasabi ko, sa pangalan ng Panginoon: Huwag na kayong mamuhay na gaya ng mga paganong walang kabuluhan ang mga iniisip at nadirimlan ang kaisipan. Dahil wala silang pagkaunawa at matigas ang kanilang puso, hiwalay sila sa Buhay na mula sa Dios.”

Ganito naman an gating mababasa sa:
Mateo 6:7-8 (Ibid)

“.. Huwag kayong manalangin nang paulit-ulit, na gaya ng ginagawa ng mga pagano. Akala nila’y diringgin sila dahil sa marami nilang salita. Huwag ninyo silang gayahin, sapagkat bago pa man kayo himingi ay alam na ng inyong Ama kung ano ang inyong kailangan.’’


Napakaliwanag po ng ipinahayag ng ating Panginoong Jesus” huwag manalangin ng paulit ulit na gaya ng ginagawa ng mga pagano.” Paanu ba manalangin o magdasal ang mga Pagano? Sa isang pagkakataon lang ay inuulit na napakarami ang kanyang sinasabi. Huwag po nating ipagkamali na bawal ang panalangin kung minsan ay nauulit natin ang ating pagsasabi ng ating mga panga ngailangan. Ipinag utos nga po na maging mapanalanginin. Ang kabawal bawalan ay ang panalangin gaya ng ginagawa ng mga pagano na ito ay ginaya ng IKAR. Inuulit nila sa pamamagitan ng maraming salita na ang akala ay naka lulugod sa Diyos.

Sa ginagawa nilang pagdarasal sapapamagitan ng Rosario ay nagdarasal sila kay Maria na tinatawag na pamimintikasi kay Maria. Tama ba na dumalangin sa pamamagitan ni Maria? Sino po ba ang tinurong tagapamagitan sa Diyos at sa mga Tao? Ganito ang mababasa sa Timoteo

1 Timoteo 2:5
Sapagka't may isang Dios at may isang Tagapamagitan sa Dios at sa mga tao, ang taong si Cristo Jesus, 
Ang ating Panginoong Jesus ang na tatanging tagapamagitan natin sa Diyos. Baket siya po ay ang ating tagapamagitan ipinag utos ba na sambahin o dalanginan si Jesus?

Filipos 2:10
Upang sa pangalan ni Jesus ay iluhod ang lahat ng tuhod, ng nangasa langit, at ng nangasa ibabaw ng lupa, at ng nangasa ilalim ng lupa,

Ang Sabi sa biblia; “ Upang sa pangalan ni Jesus ay iluhod ang lahat ng tuhod” ipinag utos po na sambahin at dalanginan ang ating Panginoong Jesus hindi kung sino sino. Hindi si Maria. Hindi rin ang mga Pari. Baket sa kanya dapat dumalangin? Anu po ba ang magagawa ng Ating Panginoong Jesus sa mga tao na tumitiwala sa kanya?

Hebreo 4:16
Magsilapit nga tayong may pagkakatiwala sa luklukan ng biyaya, upang tayo'y magsipagtamo ng awa, at mangakasumpong ng biyaya upang tumulong sa atin sa panahon ng pangangailangan.
Kaya napaka halaga ng pananalangin sa ating Panginoong Jesus; siya po ay tutulong sa atin sa panahon ng ating panga ngailangan. Sapagkat siya po ay luklukan ng biyaya at siya rin ang ating tagapamagitan sa ating Panginoong Diyos. Hindi po kung kani kanino lang tatawag para humingi ng panga ngailangan tulad ng panalangin ng IKAR kay Maria na matagal ng patay.


Dapat po itong maunawaan ng lahat ng aming kaibigang katoliko. Hindi po kami naninira o sariling atake lang. pinapatunayan namin na mali ang ganitong mga gawain na hindi ito naaayon sa mga aral ng Diyos. Ito po ay tahasang pagsalang sang sa utos ng Diyos.

No comments:

Post a Comment