ANG KARANIWANG PANINIWALA ng
marami, lahat ng tao ay mga anak ng Diyos dahil silang lahat ay Kaniyang
nilalang. Ngunit ang hindi nila alam, nang magkasala ang mga tao ay itinakuwil
sila ng Diyos bilang mga anak Niya. Ganito ang pahayag ng Biblia:
“Sila’y nagpakasama.
Dahil dito’y di na sila marapat tawaging anak, Isang lahing tampalasan at
balakyot.” (Deut. 32:5, Magandang Balita Biblia)
Dahil sa kanilang kasalanan, ang mga tao ay itinakuwil ng Diyos
bilang Kaniyang mga anak. Hindi lamang nawala ang kanilang karapatan sa
pagiging anak ng Diyos, kundi sila ay itinuring pa ng Diyos na Kaniyang mga
kaaway:
“At kayo, nang nakaraang panahon ay nangahihiwalay at mga kaaway
sa inyong pagiisip sa inyong gawang masasama.” (Col. 1:21)
Dahil sa ang mga tao ay naging kaaway ng Diyos, sila ay
nakatakdang parusahan sa Araw ng Paghuhukom:
“Kundi isang kakilakilabot na paghihintay sa paghuhukom, at
isang kabangisan ng apoy na lalamon sa mga kaaway.” (Heb.
10:27)
UPANG MAGING ANAK NG DIYOS
Subalit hindi dapat mawalan ng pag-asa ang sinuman. Bagaman ang mga tao ay itinakuwil ng Diyos bilang Kaniyang mga anak, nagbigay naman Siya ng pagkakataon upang sila ay muling magkaroon ng karapatang maging mga anak Niya. Ganito ang sinasabi ng Biblia:
Subalit hindi dapat mawalan ng pag-asa ang sinuman. Bagaman ang mga tao ay itinakuwil ng Diyos bilang Kaniyang mga anak, nagbigay naman Siya ng pagkakataon upang sila ay muling magkaroon ng karapatang maging mga anak Niya. Ganito ang sinasabi ng Biblia:
“Datapuwa’t ang lahat ng
sa kaniya’y nagsitanggap, ay pinagkalooban niya sila ng karapatang maging mga
anak ng Dios, sa makatuwid baga’y ang mga
nagsisisampalataya sa kaniyang pangalan.” (Juan 1:12)
Upang ang tao ay muling magkaroon ng karapatan na maging anak ng
Diyos, dapat niyang tanggapin at sampalatayanan ang pangalan ng Panginoong
Jesucristo.
Sa kasalukuyan, maraming
tagapangaral, lalo na ng mga pangkatin na tinatawag na evangelicals o Protestante, na ang ipinagdiriinan
ay, “Tanggapin si Jesus!” o “Sampalatayanan si Jesus.” Sapat na raw ito upang
ang tao ay pagkalooban ng karapatang maging anak ng Diyos. Dahil dito,
mahalagang suriin natin sa pamamagitan ng aral mismo ni Jesus kung sino ang
kinikilala Niya na tunay na sumasampalataya sa Kaniya upang malaman natin kung
sino ang naging mga anak ng Diyos. Ganito ang Kaniyang pahayag:
“Datapuwa’t hindi kayo nagsisampalataya, sapagka’t hindi kayo sa
aking mga tupa.” (Juan 10:26)
Ayon kay Jesus, kung hindi kabilang sa Kaniyang mga tupa ay
hindi tunay na sumasampalataya. Papaano makikilala ang mga taong kabilang sa
mga tupa ni Jesus? Ganito ang patuloy Niyang pagtuturo:
“Dinirinig ng aking mga tupa ang aking tinig, at sila’y aking
nakikilala, at sila’y nagsisisunod sa akin.” (Juan 10:27)
Ang mga taong nakikinig at sumusunod sa mga salita ni
Jesus ang kinikilala lamang Niya na Kaniyang mga tupa. Alin ang
sinasalita ni Jesus na sinunod ng mga taong kabilang sa Kaniyang mga tupa?
“Kaya’t muling sinabi ni Jesus, ‘Tandaan ninyo: ako ang pintuang
dinaraanan ng mga tupa. … Ako ang pintuan. Ang sinumang pumapasok sa
pamamagitan ko’y maliligtas’.” (Juan 10:7, 9, MB)
Sinabi ni Jesus na Siya ang pintuang dinaraanan ng mga tupa. Ang
mga taong pumasok sa Kaniya ang kinikilala Niyang kabilang sa mga tupa Niya. Saan
napaloob ang mga tupang pumasok kay Jesus?
“I am the door; anyone who comes into the fold through me
shall be safe.” [ Ako ang pintuan; ang sinumang pumasok sa kawan sa pamamagitan
ko ay magiging ligtas.] (John 10:9, New English Bible)
Ang mga pumasok kay Jesus
ay kabilang sa kawan ng mga tupa. Ang kawan ng mga tupa ay tinawag ni Apostol
Pablo na Iglesia ni Cristo:
“Take heed therefore to yourselves and to all the flock
over which the Holy Spirit has appointed you overseers, to feed the church of
Christ which he has purchased with his blood.” [Ingatan
ninyo kung gayon ang inyong sarili at ang buong kawan na rito’y hinirang kayo
ng Espiritu Santo na mga katiwala, upang pakanin ang iglesia ni Cristo na
binili niya ng kaniyang dugo.] (Acts 20:28, Lamsa Translation)
Malinaw, kung gayon, na
ang mga pumasok o umanib sa Iglesia ni Cristo ay
nakinig at sumunod sa salita ni Cristo. At dahil sa sila ang kinikilala ni
Cristo na Kaniyang mga tupa na tumanggap at sumasampalataya sa Kaniya, sila ang
nagtamo ng karapatang maging mga anak ng Diyos (Juan 1:12). Sa kabilang dako,
hindi tunay na sumasampalataya ang mga taong ayaw dinggin at sundin ang sinabi
ni Jesus na pumasok sa Kaniya sa loob ng Iglesia ni Cristo.
At hindi rin sila tunay na mga anak ng Diyos.
ANG PANGAKONG MAMANAHIN NG MGA
ANAK NG DIYOS
Ang pagiging anak ng Diyos ay malaking pagibig at pagpapalang ipinagkaloob sa mga kaanib sa Iglesia ni Cristo:
“Masdan ninyo kung
gaanong pagibig ang ipinagkaloob sa atin ng Ama, upang tayo’y mangatawag na mga
anak ng Diyos; at tayo’y gayon nga.
Dahil dito’y hindi tayo nakikilala ng sanglibutan, sapagka’t siya’y hindi
nakilala nito.” (I Juan 3:1)
Bakit ang karapatan sa pagiging anak ng Diyos ay dapat ituring
na malaking pag-ibig at pagpapalang kaloob Niya? Ganito ang sinabi ni Apostol
Pablo:
“Ang Espiritu rin ang
nagpapatotoo kasama ng ating espiritu, na tayo’y mga anak ng Dios: at kung mga
anak, ay mga tagapagmana nga; mga tagapagmana sa Dios, at mga kasamang
tagapagmana ni Cristo; kung gayon nga makipagtiis tayo sa kaniya, upang tayo’y lumuwalhati namang kasama niya.” (Roma 8:16-17)
Ang mga anak ng Diyos lamang ang tiyak na mga kasamang
tagapagmana ni Cristo.
Hindi ang lupang ito ang mamanahin ng mga anak ng Diyos kundi
ang baong langit at bagong lupa na tinatahanan ng katuwiran:
“Nguni’t, ayon sa kaniyang pangako, ay naghihintay tayo ng
bagong langit at bagong lupa, na tinatahanan ng katuwiran.” (II Ped.
3:13)
Doon ay wala nang pagluha, wala nang hirap o panambitan man at
hindi na magkakaroon ng kamatayan (Apoc. 21:1-4). Kailan tatamasahin ng mga
anak ng Diyos ang maligayang buhay sa Bayang Banal? Sa pagbabalik ng Panginoong
Jesucristo. Ganito ang pahayag ni Apostol Pablo:
“Sapagka’t ang ating
pagkamamamayan ay nasa langit; mula doon ay hinihintay naman natin ang Tagapagligtas,
ang Panginoong Jesuscristo:
“Na siyang magbabago ng katawan ng ating pagkamababa upang magingkatulad ng katawan ng kaniyang kaluwalhatian, ayon sa paggawa na maipagpapasuko niya sa lahat ng mga bagay sa kaniya.” (Filip. 3:20-21)
“Na siyang magbabago ng katawan ng ating pagkamababa upang magingkatulad ng katawan ng kaniyang kaluwalhatian, ayon sa paggawa na maipagpapasuko niya sa lahat ng mga bagay sa kaniya.” (Filip. 3:20-21)
Itinuturing ng mga anak ng Diyos na ang kanilang pagkamamamayan
ay hindi rito sa lupa kundi nasa langit. Matiyaga nilang hinihintay ang
pagbabalik ng Panginoong Jesus sapagkat nalalaman nila na sa araw na yaon ay
babaguhin ang kanilang katawan na pagkamababa (may kasiraan) at magiging
katulad ng katawan ng Panginoon na maluwalhati (wala ng kasiraan). Ito ang
dahilan kung bakit ang pagtatamo ng karapatan na maging anak ng Diyos ay isang
napakadakilang kaloob at pagpapala na mula sa Kaniya.
No comments:
Post a Comment