Nilinaw ba o lalong nilabo ang alleged “Tax Evasion Case” ng INC sa Japan
Sa artikulo sa blog ng “Kumakalaban sa Pamamahala” na may
pamagat na “GRAVE PROBLEM: TAX EVASION CASE OF INC DISTRICT OF JAPAN” na
inilathala nila noong April 24, 2015 ay sinasabi nila ang ganito:
“Ito po ang isa sa napakaraming pagkakautang ng Iglesia ngayon….
“Ang mababasa po ninyo ay isang confidential report na
naka-adres sa Tagapangasiwa ng Japan na si Kapatid na Manny Benedicto. Ang
gumawa po ng report na ito ay ang Japanese na Pangulong Diakono na siyang
nakikipag-ugnayan sa Legal Department sa Central at sa Japanese na abogado sa
Japan. Ang report na ito ay mula po sa translated-japanese report na ginawa ng
Japanese Lawyer sa Japan ukol po sa NAPAKALING SULIRANIN NA KINAKAHARAP NG
IGLESIA NI CRISTO SA JAPAN na kamakailan lamang po ay naiparehistro na sa
gobyerno ng Japan. At dahil po sa hindi masinop na napangangasiwaan ng
Tagapangasiwa na si Ka Benedicto ang UKOL SA TAXATION DUTIES NG IGLESIA NI
CRISTO SA PAMAHALAAN NG JAPAN. Ang bagay na ito ay ilang beses ng isinulat ng
mga kapatid kay Ka Benedicto at maging sa Tanggapan ng Ka Jun Santos subalit
laging hindi ito binibigyan ng pagpapahalaga. BILANG KATUNAYAN AY OVERDUE NA
ANG DAPAT SANA AY NABAYARAN NA NG IGLESIA NI CRISTO SA PAMAHALAAN NG JAPAN KAYA
ANG RESULTA AY NAGKAROON TAYO NG UTANG NAKAILANGANG
BAYARAN NA 40MILLION YEN.
Mabuti sana kung ang problema lang ay pera na maaari namang bayaran subalit
dahil sa ito ay overdue, marami pang penalties na kaakibat nito at ang
pinakamabigat pa sa lahat ay nanganganib na mapasara at mapawalang bisa ang pagkakarehistro
ng Iglesia sa Japan at mapaparusahan ang Iglesia Ni Cristo, ibo-broadcast sa
Japanese TV at malalantad sa kahihiyan dahil sa kasong TAX EVASION.” )Antonio
Ebangelista, INC Silent No More, “Grave Proble: Tax Evasion Case ng INC Distrit
of Japan,” emphasis mine)
Malinaw po ang panahayag ni Antonio Ebanghelista dito:
(1) Ang Iglesia Ni Cristo raw po ang may kinakaharap na
tax evasion case. Ang sabi niya, “Ito po ang isa sa napakaraming pagkakautang
ng Iglesia ngayon….ito ay mula po sa translated-japanese report na ginawa ng
Japanese Lawyer sa Japan ukol po sa NAPAKALING SULIRANIN NA KINAKAHARAP NG
IGLESIA NI CRISTO SA JAPAN”
(2) Ang Iglesia Ni Cristo sa Japan ay mayroon daw pong
taxation duties na hindi binabayaran. Ang sabi niya, “dahil po sa hindi masinop
na napangangasiwaan ng Tagapangasiwa na si Ka Benedicto ang UKOL SA TAXATION
DUTIES NG IGLESIA NI CRISTO SA PAMAHALAAN NG JAPAN.”
(3) Dahil daw sa hindi pagbabayad ng Iglesia Ni Cristo
sa Japan ng kaniyang “taxation duties” ay mayroon daw 40 million yen na utang
ang Iglesia. Ang sabi niya, “BILANG KATUNAYAN AY OVERDUE NA ANG DAPAT SANA
AY NABAYARAN NA NG IGLESIA NI CRISTO SA PAMAHALAAN NG JAPAN KAYA ANG RESULTA AY
NAGKAROON TAYO NG UTANG NAKAILANGANG BAYARAN NA 40MILLION YEN.”
(4) Ito raw ay ayon sa isang confidential report na
ginawa raw ng isang Japanese na Pangulong Diakuno. Ang sabi niya, “Ang
mababasa po ninyo ay isang confidential report na naka-adres sa Tagapangasiwa
ng Japan na si Kapatid na Manny Benedicto. Ang gumawa po ng report na ito ay
ang Japanese na Pangulong Diakono na siyang nakikipag-ugnayan sa Legal
Department sa Central at sa Japanese na abogado sa Japan.”
Sinahgot po natin ang kanilang bintang na ito sa artikulo
natin na may pamagat na “TAX EVASION CASE OF INC IN JAPAN?” na inilathala po
natin sa blog na ito noong May 5, 2015. Narito po ang link ng artikulong ito
para sa mga hindi pa nakababasa:
Ang artikulong ito ay nagsilbing malaking “sampal” sa mga
“Kumakalaban sa Pamamahala” dahil maliwanag po na pinatunayan dito na HINDI
KAILANMAN MAAARING MAGKAROON NG TAX EVASION CASE ANG IGLESIA NI CRISTO SAPAGKAT
MAY TAX EXEMPTED STATUS ANG MGA RELIHIYON SA JAPAN. Kaya nga po ang tanong na
ating ibinigay sa kanila ay:
“Papaano magkakaroon ng tax evasion case ang exempted
sa
pagbabayad ng tax?”
pagbabayad ng tax?”
Dahil sa hindi maitatangging katotohanan na tax exempted ang
mga relihiyon sa Japan kaya lumalabas po na isang kamalian ang mga ipinahayag
niyang “hindi (raw) nagbabayad ng “taxation duties” ang INC sa Japan, na may
utang ang INC sa pamahalaan ng Japan, at na may kinakaharap na kasong tax
evasion ang INC sa Japan. Dahil din po dito, ang sinasabi niyang
“confidential repot na ginawa ng isang Japanese na pangulong diakuno sa Japan”
ay lumalabas na isang fabrication lamang.
Itinanggi Niya sa Kaniyang Pagsagot sa Message
ng mga Kapatid sa Kaniya na may tax exemption
ang mga relihiyon sa Japan
Dahil sa hindi maitatangging katotohanang ito, marami ang
nag-message na mga kapatid at nagtanong sa kaniya ukol sa bagay na ito. Ganito
po ang naging pag-uusap nila na ipinadala sa atin ng isang kapatid:
“Magandang araw po. Ang account na ito ay hindi po bogus.
Wala pong dahilan para magtago ako sa likod ng isang dummy account. Nabasa ko
po ang sagot nyo sa tungkol sa rebelasyon ni Antonio Ebanghelista tungkol umano
sa Japan tax Evasion case. Nag send po ako ng pm sa kaniya para tanungin ang
reaksyon nya tungkol sa sagot po ninyo. Heto po ang sagot nya sa pm.
“Antonio Ebangelista: Kilala ko po ang mga bumasa ng mga yan
at sa kanilang layunin na itago ang tunay na kalagayan ng Iglesia sa Japan ay
ang mga kapatid mismo sa Japan ang magpapatunay na totoo ang mga isiniwalat ko
dahil iyon mismo ay kopya ng ginawa nilang rekomendSyon sa tagapangasiwa dahil
sa mahaharap ang INC sa isang napakalaking problema kapag hindi naiayos ng inc
ang mga ito. ANG JAPAN AY HINDI GAYA NG PILIPINAS NA TAX EXEMPT ANG
RELIHIYON. Kaya nga po kakarehiatro lang ng inc sa japan bagaman matagal
na pong nasa japa ang inc. Kaya ang kailangan po nilang ipakita ay ang mandate
ng japanese government ukol sa registration ng inc sa japan. Ang mga bahay
sambahan at mga mehiras ng Iglesia ay nakapangalan sa mga japanese nationality
na kapatid kaya kapag di ito naayos ng inc ay sila ay magkakaproblema sa
gobyerno. Subukan po ninuong magtanong sa mga kapatid dun sa Japan para sila
mismo ang makapagsabi ukol sa cover up na ginagawa ngayon ng blog na yan. My
function is to expose the corruption. I ask nothing in return, only that the
church be returned to it's rightful place as a clean and righteous church. That
any and all of thise who blemishes the reputation of the church be acted upon.
I do not seek fame nor fortune, i live a simple and basic life as a minister
with my family, officiating my functions. I welcome those who answer my
expositions and even encourage others to read them because in the end, the
reader will be the one to weigh everything. You will not believe me because I
says so, you will not believe them because they say so, you will believe what
your mind and heart will lead you to believe. SO IT IS NOT FOR ME TO
REFUTE WHATEVER THEY SAY AGAINST ME OR MY EXPOSITIONS, they have the ball to
prove whether the evidences I presented, which also came from the brethren
concerned, are factual or not. All of us will be answerable to our own actions
in this life.” (Emphasis mine)
Maliwanag po ang sinabi ni G. Antonio Ebanghelista dito na “ANG
JAPAN AY HINDI GAYA NG PILIPINAS NA TAX EXEMPT ANG RELIHIYON..” Maiwanag din po
ang sinabi niya na “SO IT IS NOT FOR ME TO REFUTE WHATEVER THEY SAY AGAINST ME
OR MY EXPOSITIONS” para po palabasin na “confident” siya na totoo ang kaniyang
sinasabi.
Nagulantang si AE sa Paglabas ng Katotohanan
Pagkatapos na i-send sa amin ng kapatid ang sagot niyang ito
ay ganito po ang aming naging sagot:
“THE IGLESIA NI CRISTO
“May 7th, 11:34am
SALAMAT PO KAPATID, Mapapansin ninyo na isa na naman pong
pagsisinungaling ang kaniyang sagot na ipinagpipilitan po niya na HINDI tulad
sa Pilipinas ay walang tax-exemption ang religion sa Japan. Subalit, wala po
siyang naibigay na katunayan. Maliwanag po sa 1951 Religious Corporation Law ng
Japan (maaari po ninyo itong i-search sa internet at maging ang "religion
and taxation sa Japan" at maging sa 2008 Basic Law on Foundation in Japan
ay maliwanag po na isinasaad ang provision na tax-exempted ang mga religions sa
Japan. Hindi po maaring maging "cover up" ito sapagkat ito po ang
katotohanan. Kailanman ang "facts" ay hindi maaaringmaging cover
up." Ang cover up po ng kahihiyan na inabot niya ay ang ang pagsasabing
"sabi ng mga kapatid sa Japan" HE WIL NOT REFUTE THIS BECAUSE HE
CANNOT REFUTE THE FACT. Wala po kasi siyang makukuhang referencia na
magsasabing WALANG tax exemption ang mga religions sa Japan at wala rin po
siyang makukuhang anumang katibayan na ang Iglesia Ni Cristo ay HINDI nakarehistro
bilang relihiyon sa Japan o hndi tayo inire-recognize ng Japanes government na
religion. AS LONG AS FACTS REMAIN na tayo po ay isang relihiyon, nakarehistro
sa Japan bilang isang relhiyon, at may batas na umiiral sa Japan na tax-exempt
ang relihiyon, NANANATLI PO ANG KATOTOHANAN NA FABRICATED O KASINUNGALINGANG
GINAWA LAMANG NILA ANG DIUMANO'Y TAX EVASION CASE NG INC SA JAPAN.
Pagkatapos, ang pakiusap po ng kapatid ay kung maaaring
i-send niya ang naging pagtugon po nating ito:
“I hope you don't mind po. Ika copy paste ko po ito and then
send it to him.”
Ito naman po ang naging tugon namin sa kapatid na ito:
“Opo, para po malaman po natin ang mga kasagutan niya.”
Nang i-send niya ang aming naging tugon sa kaniyang sagot sa
kapatid na ito, ito po ang isinend niya na naging tugon daw ni Antonio
Ebanghelista:
“Antonio Ebangelista
“Siguro po ay pabayaan na lang natin sila sa kanilang
pagpapaliwanag. Tutal kapag di po sila nakabayad sa Tax Centrr ng Japan ay
ibabalita naman po sa News ng Japan iyon. Then we will know who is telling the
truth. Sent from Messenger”
ANOTHER FABRICATION TO COVER FOR
HIS EXPOSED FABRICATION
Natatandaan po ninyo ang sinabi ni Antonio Ebanghelista sa
isang kapatid na nakipag-usap sa kaniya through message. Ang sabi niya, ““ANG
JAPAN AY HINDI GAYA NG PILIPINAS NA TAX EXEMPT ANG RELIHIYON.” Sinabi rin niya
na, “SO IT IS NOT FOR ME TO REFUTE WHATEVER THEY SAY AGAINST ME OR MY
EXPOSITIONS.” Ang ang isa pang naging tugon niya ay “Siguro po ay pabayaan na
lang natin sila sa kanilang pagpapaliwanag. Tutal kapag di po sila nakabayad sa
Tax Centrr ng Japan ay ibabalita naman po sa News ng Japan iyon. Then we will
know who is telling the truth.”
Is Antonio Ebanghelista true to his words?
May 7 po ang kanilang pag-uusap ng kapatid na ito at ito po
ay sa hapon ng araw na iyon naganap, na ang sinabi niya na HINDI NIYA SASAGUTIN
(ang sabi niya, ““SO IT IS NOT FOR ME TO REFUTE WHATEVER THEY SAY AGAINST ME OR
MY EXPOSITIONS.” At “Siguro po ay pabayaan na lang natin sila sa kanilang
pagpapaliwanag.”) KINABUKASAN (Mayo 8, 2015) ay naglathala po siya
sa kaniyang blog ng isang artikulo na ang pamagat ay “PAGLILINAW UKOL SA TAX
EVASION CASE NG IGLESIA NI CRISTO SA JAPAN.”
Sa artikulo niyang ito ay may isang ministro ang sumulat daw
sa kaniya ukol sa isyung ito [Ang bilis ano po? May 7 ay hindi niya masagot at
ang sabi niya ay hindi niya sasagutin, May 8 ay may sumulat daw sa kaniya na
isang ministro na “nagbibigay linaw” raw sa isyung ito. Kung ang sulat na ito
ng isang “ministro” ay hawak na niya before May 8 dapat ay nabanggit na niya
ito sa kaniyang pakikipag-usap sa kapatid na nagtatanong sa kaniya ukol dito.
Di po ba obvious may hokos-pokos diyan?]. Ganito po ang naging “introduction ng
“mistrong” ito sa kaniyang sulat kay Antonio Ebangelista:
“Magandang araw po kapatid na Antonio. Ako po ay isang
Ministro din. Dito po ako nakadestino sa Japan. Nabasa ko po ang inyong
isinulat ukol sa Tax Evasion Case ng INC dito sa Japan. Nabasa ko rin po ang inilabas
sa isa pang blog ukol sa sagot daw po sa inyong mga pahayag para ito ay
pasinungalingan. Pasensya na po kayo kung hindi po ako makapagpapakilala sa
inyo sa dahilang mahigpit po ang tagubilin sa amin ng aming Tagapangasiwa dito,
maging ng Ka Jun Santos. Noong una ko pong nabasa ang inyong mga posts ay
aaminin ko pong nagalit ako at gusto ko po kayong murahin. Subalit ng unti-unti
ko pong binasa ang lahat ng mga pahayag ninyo mula ng simula ay naramdaman ko
po ang inyong malasakit, na wala po kayong hangaring lumaban o lumapastangan sa
Kapatid na Eduardo V. Manalo kundi ang inyong pagnanais na labanan ang
katiwalian alang-alang sa Tagapamahalang Pangkalahatan at sa kapakanan ng
Iglesia. Ito po ang dahilan kaya ako naglakas ng loob na sumulat na sa inyo
upang ipaalam ang katotohanan ukol sa bagay na ito na mariin na pinabubulaanan
ng kampo ng Ka Jun Santos sa pamamagitan po ng mga ipinakakalat nila sa
internet para di-umano ay pasinungalingan ang inyong mga isiniwalat ukol sa
kalagayan ng Iglesia dito sa Japan. Kaya upang makatulong po sa kahit na maliit
na paraan ay hayaan nyo po sanang ako na ang sumagot sa mga isyus ukol po sa
totoong kalagayan ng INC dito sa Japan:”
Iyon pong source niya nang una na “pangulong diakuno” ay
na-promote po nagyon at naging ministro na. Siguro po kung gagawa siyang muli
ng sagot sa artikulo nating ito ay baka ma-promote na po ang source niya sa
Tagapangasiwa. HINDI PO KAILANGAN ANG EXPERT PA ANG MAGSIYASAT (subalit kung
may kilala po kayong professional writer, editor o professor sa literature ay
tanungin po ninyo) – OBVIOUS PO na ang style, vocabulary at grammar ng
diumano'y sulat ng isang ministro ay katulad na katulad po ng kay Antonio
Ebangelista. I-compare po ninyo ang “sulat” na ito sa mismong pahayag ni Antonio
Ebanghelista sa ibaba ng sulat na ito at maging sa iba pa niyang sulat ay
MAKIKITA PO NINYONG WALANG PAGKAKAIBA, PAREHONG-PAREHO PO.
Ganito po ang sinasabi ng diumano’y “ministrong” ito na mula
sa Japan:
“1. Totoo po na walang tax ang religion, pero kaming mga
ministro po ay may kaukulang report at kinakailangan i-apply mula ng ito ay
marehistro sa Japan… (Antonio Ebangelista, INC Silent No ore, “Paglilinaw sa
Tax Evasio ng INC sa Japan” May 8, 2015)
Kung tinatatanggap ni Antonio Ebanghelista ang pahayag na
ito ng diumano’y ministro sa Japan na “Totoo po na walang tax ang religion (sa
Japan),” samakatuwid ay inaamin po niyang NAGSISINUNGALING siya sa pahayag niya
na ““ANG JAPAN AY HINDI GAYA NG PILIPINAS NA TAX EXEMPT ANG RELIHIYON”:
“Antonio Ebangelista: Kilala ko po ang mga bumasa ng mga yan
at sa kanilang layunin na itago ang tunay na kalagayan ng Iglesia sa Japan ay
ang mga kapatid mismo sa Japan ang magpapatunay na totoo ang mga isiniwalat ko
dahil iyon mismo ay kopya ng ginawa nilang rekomendSyon sa tagapangasiwa dahil
sa mahaharap ang INC sa isang napakalaking problema kapag hindi naiayos ng inc
ang mga ito. ANG JAPAN AY HINDI GAYA NG PILIPINAS NA TAX EXEMPT ANG
RELIHIYON…” (Emphasis mine)
At kung isang katotohanan na ang may tax exemption sa Japan
ang mga relihiyon, kaya hindi po maling sabihin na kasinungaliungan ang mga
pahayag ni Antonio Ebanghelista na:
(1) Ang Iglesia Ni Cristo raw po ang may kinakaharap na
tax evasion case. Ang sabi niya, “Ito po ang isa sa napakaraming pagkakautang
ng Iglesia ngayon….ito ay mula po sa translated-japanese report na ginawa ng
Japanese Lawyer sa Japan ukol po sa NAPAKALING SULIRANIN NA KINAKAHARAP NG
IGLESIA NI CRISTO SA JAPAN”
(2) Ang Iglesia Ni Cristo sa Japan ay mayroon daw pong
taxation duties na hindi binabayaran. Ang sabi niya, “dahil po sa hindi masinop
na napangangasiwaan ng Tagapangasiwa na si Ka Benedicto ang UKOL SA TAXATION
DUTIES NG IGLESIA NI CRISTO SA PAMAHALAAN NG JAPAN.”
(3) Dahil daw sa hindi pagbabayad ng Iglesia Ni Cristo
sa Japan ng kaniyang “taxation duties” ay mayroon daw 40 million yen na utang
ang Iglesia. Ang sabi niya, “BILANG KATUNAYAN AY OVERDUE NA ANG DAPAT SANA
AY NABAYARAN NA NG IGLESIA NI CRISTO SA PAMAHALAAN NG JAPAN KAYA ANG RESULTA AY
NAGKAROON TAYO NG UTANG NAKAILANGANG BAYARAN NA 40MILLION YEN.”
At dahil sa TINANGGAP na ni Antonio Ebangehlista na may
tax-exemption sa Japan, kaya totoo po na isang FABRICATION ang ipinakita niyang
diumano’y confidential report na nagsasabing nahaharap ang Iglesia Ni Cristo sa
tax evasion case sa Japan dahil sa hindi pagbabayad sa kaniyang “taxation
duties”:
“Ang mababasa po ninyo ay isang confidential report na
naka-adres sa Tagapangasiwa ng Japan na si Kapatid na Manny Benedicto. Ang
gumawa po ng report na ito ay ang Japanese na Pangulong Diakono na siyang
nakikipag-ugnayan sa Legal Department sa Central at sa Japanese na abogado sa
Japan. Ang report na ito ay mula po sa translated-japanese report na ginawa ng
Japanese Lawyer sa Japan ukol po sa NAPAKALING SULIRANIN NA KINAKAHARAP NG
IGLESIA NI CRISTO SA JAPAN na kamakailan lamang po ay naiparehistro na sa
gobyerno ng Japan. At dahil po sa hindi masinop na napangangasiwaan ng
Tagapangasiwa na si Ka Benedicto ang UKOL SA TAXATION DUTIES NG IGLESIA NI
CRISTO SA PAMAHALAAN NG JAPAN…” emphasis mine)
Ang akala po ni Antonio Ebanghelista ay nakakuha siya ng
matibay na “sandata” laban po sa ating ibinunyag na isang fabrication lamang
ang sinasabi niyang “tax evasion” sa Japan. Ang “sandata” niyang ito ay
nag-“backfire” sa kaniya sapagkat lalo nitong pinatutunayan ang aming panig na
tax exempted ang Iglesia Ni Cristo sa Japan kaya kasinungalingan ang
pagsasabing may utang sa tax ang INC sa Japan at nahaharap daw sa tax evasion
case. G. Antonio Ebanghelsta, nananatili po na ang aming tanong ay hindi ninyo
nasasagot na: “PAPAANO MAGKAKAROON NG TAX EVASION CASE ANG INC SA JAPAN KUNG
TAX EXEMPTED ANG INC SA JAPAN?
“Paglilinaw ba o pagbabago sa isyu?”
Pansinin na ang pinag-uusapan (paksa) sa una niyang artikulo
ay gaya nang kaniya mismong isinaad ay:
“PAKSA: PROBLEMANG PANGPANANALAPI SA DISTRITO NG JAPAN DAHIL
SA TAX EVASION AY NASASAPANGANIB NA MAPATAWAN NG PARUSA, MAGMULTA AT MAPASARA
ANG IGLESIA NI CRISTO SA JAPAN DAHIL SA HINDI PAGBABAYAD NG BUWIS”
Subalit sapagkat nabunyag ang katotohanan na bandang huli ay
inamin din ni Antonio Ebanghelista na kami ay tama na exempted ang INC sa
pagbabayad ng tax sa Japan. Upang makaiwas sa matinding kahihiyan ay
pinalalabas niya na ang sumunod niyang artikulo ay isang “PAGLILINAW.” Ang
titulo ng kaniyang sumunod na artikulo ay “PAGLILINAW UKOL SA TAX EVASION CASE
NG IGLESIA NI CRISTO SA JAPAN.”
SUBALIT ITO BA AY PAGLILINAW O PAGBABAGO NG PAKSA? Tandaan
na kapag “paglilinaw” ay “the same issue” gumawa ka lang ng clarification.”
SUBALIT HINDI GANON ANG SUMUNOD NIIYANG ARTIKULO.
Gaya nang ating nakita, ang isyu ay ang Iglesia Ni Cristo
(ang organisasyon) ang may utang sa pamahalaan dahil hindi raw binabayaran ng
INC ang “taxation duties” (buwis na dapat bayaran) niya sa pamahalaan. Subalit
sa kaniyang ikalawang artikulo (May 8, 2015) ay IBA NA ANG PAKSA. Ganito ang
kaniyang sinabi:
“1. Totoo po na walang tax ang religion, pero kaming mga
ministro po ay may kaukulang report at kinakailangan i-apply mula ng ito ay
marehistro sa Japan. Sa Pipilipas po ay talagang wala kayong mga tax para sa
tulong ng ministro,subalit dito sa Japan po ay may hinihinging kaukulang filing
para sa mga ministro at workers, dahil ang kategorya nito sa pamahalaan ay
‘sweldo’.” (Antonio Ebangelista, INC Silent No ore, “Paglilinaw sa Tax Evasio
ng INC sa Japan” May 8, 2015)
Ang una niyang pinapaksa ay magkakaroon ng tax evasion case
ang INC dahil sa hindi pagbabayad g INC (ang organisasyon) sa kaniyang
obligasyon o tax na dapat bayaran. Napatunayan kasi na tax exempted po ang INC
kaya ISANG KASINUNGALINGAN na sabihing may utang o obligasyon (tax) na dapat
bayaran ang INC sa Japan, anupat NAPAHIYA sa bagay na ito ay binago na ang
paksa, hindi na ang diumano’y “utang na buwis” ng Iglesia, kundi ang “utang na
buwis ng mga ministro” ang kaniyang tinutukoy.
Talagang ang mga ministro sa Japan, tulad din po sa ibang bansa,
ay may “buwis” na dapat bayaran sa gobyerno na kanilang kinaroonan. Suubalit,
gaya ng sa lahat ng bansa sa buong mundo, ang “income tax” (ang buwis na
ikakaltas sa “suweldo” – sapagkat sa ibang bansa ay “suweldo” ang turing sa
“tulong” sa mga ministro) ay itinuturing na “personal obligation” o “individual
obligation” ng isang tao. Ganito ang isinasaad sa atin na definition ng isal
Law Book:
“A tax that governments impose on financial income generated
by all entities within their jurisdiction. By law, businesses and individuals
must file an income tax return every year to determine whether they owe any
taxes or are eligible for a tax refund. Income tax is a key source of funds
that the government uses to fund its activities and serve the public.”
Ang “income tax” ay isang “individual obligation” – kaya
iyon bang doktor na hindi nagbayad ng kaniyang “income tax” ay pananagutin din
ang ospital na kaniyang pinagtatrabahuhan (ipasasara ang ospital at aalisan ng
lisensiya dahil sa doktor na ito)? Iyon bang empleyado sa SM kung hindi
nagbayad ng kaniyang “income tax” ay isasara ang SM at aalisin sa kaniyang
business corporation status?
Kaya kung tatanggapin po natin ang sinasabi ni Antonio
Ebanghelista na “paglilinaw” ay ang tinutukoy pala niya ay hindi “tax
obligation ng Iglesia kundi ang “tax obligation” ng mga ministro, bakit
ipinangangalandakan niya na:
“PAKSA: PROBLEMANG PANGPANANALAPI SA DISTRITO NG JAPAN DAHIL
SA TAX EVASION AY NASASAPANGANIB NA MAPATAWAN NG PARUSA, MAGMULTA AT MAPASARA
ANG IGLESIA NI CRISTO SA JAPAN DAHIL SA HINDI PAGBABAYAD NG BUWIS”
“Nilinaw” na nga raw niya sa ikalawang artikulo na ang
tinutukoy pala niya ay “income tax” pala ng mga ministro, bakit patuloy pa rin
niyang ipinangangalandakan na:
“Ang Iglesia Ni Cristo sa kabuuan ang siyang malalagay sa
kahihiyan at mapipinsala kapag ito ay hindi naagapan ng Central.”
Kung anong “pinsala” sa Iglesia sa kabuuan ang tinutukoy
niya ay ganito ang sinasabi niya mismo:
“Bilang katunayan ay overdue na ang dapat sana ay nabayaran na
ng Iglesia Ni Cristo sa pamahalaan ng Japan kaya ang resulta ay nagkaroon tayo
ng utang nakailangang bayaran na 40Million Yen. Mabuti sana kung ang problema
lang ay pera na maaari namang bayaran subalit dahil sa ito ay overdue, marami
pang penalties na kaakibat nito at ang pinakamabigat pa sa lahat ay nanganganib
na mapasara at mapawalang bisa ang pagkakarehistro ng Iglesia sa Japan at
mapaparusahan ang Iglesia Ni Cristo, ibo-broadcast sa Japanese TV at malalantad
sa kahihiyan dahil sa kasong TAX EVASION.”
Siguro po ay ipagpapatawad po ninyo kung sasabihin kong
punong-puno ng kasinungaliangan ang sinasabing ito ni Antonio Ebanghelista.
Mayroon daw utang ang Iglesia sa Japan na 40 million yen dahil sa hindi
pagbabayad ng buwis, tapos ay sasabihin niya sa ikalawang artikulo na “Ay
income tax pala ng ministro ang tinutukoy ko.” Kahit pa sabihing ang 22
ministro sa Japan ang sangkot dito ay hindi aabutin ng 40 million yen na tulad
ng sinasabi ni Antonio Ebanghelista.
At bingaw na naman po ang nakuha ni Antonio Ebanghelista na
“sagot” kasi po doon ay sinabi rin na “Hindi naman po nai-wawala o na
wi-withdraw ang cancellation ng registro sa Japan dahil sila ay maluwag naman.”
HINDI KO NA PO TATALAKAYIN LAHAT ANG NASA IKAWALANG ARTIKULO
NIYA DAHIL ALAM KO PO NA NAHAHABAAN NA KAYO SA ARTIKULONG ITO. SUBALIT, SAPAT
PO ANG MGA IPINAKITA NATIN DITO NA NAGTATAGPI-AGPI LANG TALAGA NG
KASINUNGALINGAN ANG GRUPO NINA ANTONIO EBANGHELISTA UPANG GUMAWA NG ISANG
MASAMANG “SCENARIO” PARA PALABASIN NA TALAGANG MAY NAGAGANAP DAW NA “ANOMALYA”
AT “MISMANAGEMENT” SA IGLESIA NGAYON.
Sa huli po ang aming iiwanan sa inyo ay ang payo ni Apostol
Pablo upang huwag po tayong mawalan ng tiwala sa mga namamahala sa atin:
Roma 16:17-18 MB
"Ipinamamanhik ko sa inyo, mga kapatid, tandaan ninyo
ang mga lumilikha ng pagkakampi-kampi at nagiging sanhi ng pagtalikod sa mga
aral na tinanggap ninyo; iwasan ninyo sila. Ang mga gayong tao ay hindi
naglilingkod kay Cristo na ating Panginoon, kundi sa kanilang makasariling
hangarin, at sa pamamagitan ng kanilang magaganda at matatamis na pangungusap
ay inililigaw nila ang mga mapaniwalain."