Ang Nagtuturo ng Maling Aral (Pope Francis)
Ang PAPA ng
Iglesia Katolika ay may pahayag na lahat daw ng tao ay maliligtas kahit ang mga
hindi naniniwalang may Diyos (Atheist). Sapagkat lahat daw ay tinubos ni Cristo
ng kaniyang mahalagang dugo. Ganito ang kaniyang sinabi.
"THE LORD HAS
REDEEMED ALL OF US, ALL OF US, WITH THE BLOOD OF CHRIST: ALL OF US, NOT JUST
CATHOLICS. EVERYONE! 'FATHER, THE ATHEISTS?' EVEN THE ATHEISTS. Everyone! And this
Blood makes us children of God of the first class. We are created children in
the likeness of God and the Blood of Christ has redeemed us all. And we all
have a duty to do good. And this commandment for everyone to do good, I think,
is a beautiful path towards peace. If we, each doing our own part, if we do
good to others, if we meet there, doing good, and we go slowly, gently, little
by little, we will make that culture of encounter: We need that so much. We
must meet one another doing good. 'But I don't believe, Father, I am an
atheist!' But do good: We will meet one another there."
Napaka liwanag
ng sinabi ng kanilang PAPA na lahat ay tinubos ng dugo ni Cristo hindi lang katoliko,
lahat maging ang mga Atheist .
Anu ba ang
kahulugan ng Atheist para po malaman talaga natin?
Concise Oxford English Dictionary (eleventh
edition).
atheism
n noun disbelief in the
existence of a god or gods.
DERIVATIVES
atheist noun
atheistic adjective
atheistical adjective
ORIGIN
C16:
from French athéisme, from Greek atheos, from a- 'without' + theos 'god'.
Samakatwid
Itinuturo ng Leader ng Iglesia katolika o kanilang PAPA na maging ang mga hindi
naniniwalang may Diyos ay maliligtas din sapagkat tinubos din sila ng Dugo ni
Cristo. Sangayon kaya sa biblia ang kaniyang pagtuturo? Maliligtas ba ang mga
hindi kumikilala sa Diyos? Basahin natin ang pagpapaliwanag ng Biblia.
2 TESALONICA 1:8-9 “NA MAGHIHIGANTI SA
HINDI NAGSISIKILALA SA DIOS, at sa kanila na hindi nagsisitalima sa evangelio ng ating
Panginoong Jesus: NA SIYANG TATANGGAP NG
KAPARUSAHAN, NA WALANG HANGGANG KAPAHAMAKANG MULA SA HARAPAN NG PANGINOON
at mula sa kaluwalhatian ng kaniyang kapangyarihan.”
Hindi maliligtas ang mga taong hindi kumikilala sa Diyos
anu ang gagawin ng Diyos? Siya ay maghihiganti, anung klaseng paghihiganti ang
gagawin ng Diyos? walang hanggang kaparusahan at kapahamakan. Saan itong walang
hanggang kaparusahan at kapahamakan?
Apocalypsis 21:8 "
Nguni't sa mga duwag, at SA MGA HINDI
MANANAMPALATAYA, at sa mga kasuklamsuklam, at sa mga mamamatay-tao, at sa
mga mapakiapid, at sa mga manggagaway, at sa mga mapagsamba sa diosdiosan, at
SA LAHAT NG SINUNGALING, ang kanilang bahagi ay sa DAGATDAGATANG NAGNININGAS SA APOY at asupre; na siyang ikalawang
kamatayan. "
Walang hanggang kaparusahan at kapahamakan sa Dagat Dagatang Apoy ang sasapitin ng mga taong hindi
sumasampalataya o hindi naniniwalang may Diyos. Kaya tiyak na mali ang
itinuturo ng PAPA ng Iglesia katolika ukol Dito.
Ayon sa PAPA ng Iglesia katolika na nabasa sa itaas ay Lahat ng Tao
kasama na nga ang mga Atheist ay Tinubos ni Cristo ng Kaniyang Dugo para
maligtas. Totoo kaya ito? Alamin natin ang pagtuturo ng Biblia.
Ilan ang Iglesia na Tinubos ng Dugo ni Cristo? Basahin natin ang pahayag
ni Cristo.
Mateo
16:18 At sinasabi
ko naman sa iyo, na ikaw ay Pedro, at sa ibabaw ng batong ito ay itatayo ko ang aking iglesia; at ang mga
pintuan ng Hades ay hindi magsisipanaig laban sa kaniya.
Atin pong pansinin ang Singular word na "Iglesia/Church"
at ang Personal Pronoun na
"Aking/my"
Kaya po ang pagkasabi ni Cristo sa IGLESIA ay AKING IGLESIA o MY CHURCH. Hindi nya po sinabi na “ITATAYO KO ANG AKING MGA IGLESIA” hindi kasali dito ang IGLESIA KATOLIKA at ibat ibang sekta ng Relihiyon. Pansinin natin na Si Cristo ang Nagmamay ari ng Iglesia na kaniyang itinayo kaya anu ang Ginawa nya para sa Iglesia? Basahin natin ang talata na madalas na ninyong marinig.
Atin pong pansinin ang Singular word na "Iglesia/Church"
at ang Personal Pronoun na
"Aking/my"
Kaya po ang pagkasabi ni Cristo sa IGLESIA ay AKING IGLESIA o MY CHURCH. Hindi nya po sinabi na “ITATAYO KO ANG AKING MGA IGLESIA” hindi kasali dito ang IGLESIA KATOLIKA at ibat ibang sekta ng Relihiyon. Pansinin natin na Si Cristo ang Nagmamay ari ng Iglesia na kaniyang itinayo kaya anu ang Ginawa nya para sa Iglesia? Basahin natin ang talata na madalas na ninyong marinig.
Acts 20:28 “Take
heed therefore to yourselves and to all the flock over which the Holy Spirit
has appointed you overseers, to feed the CHURCH OF CHRIST WHICH HE HAS
PURCHASED WITH HIS BLOOD.” (Lamsa
Translation)
Sa Filipino:
Gawa 20:28 “Ingatan ninyo kung gayon ang inyong mga sarili at ang buong kawan
na rito’y hinirang kayo ng Espiritu Santo upang maging mga katiwala, upang
pakanin ang IGLESIA NI CRISTO NA
BINILI NIYA NG KANIYANG DUGO.”
Balik tayo sa ating
tanung ilan ang Iglesia na Tinubos ni Cristo ng Kaniyang Dugo? Isa lang walang
iba kundi ang IGLESIA NI CRISTO. Kaya maling mali ang tinuturo ng PAPA ng
Iglesia katolika na Lahat ay tinubos ni Cristo. Labag po sa mg autos ng Diyos
at tiyak na ikapapahamak ng mga tao. Kung ganito ang kanilang paniniwala ay
hindi na kailangan pang maging Katoliko. Kahit ang mga taong Kasuklam Suklam sa
Diyos na hindi niya kinikilala ay maliligtas din pala. Napaka laking
kalapastanganan sa Diyos ang Ganitong mga pagtuturo ng Iglesia KATOLIKA.