May mga pangkatin ng relihiyon na ang kanilang ipinapakilalang
paraan ng kaligtasan ay ang sumampalataya lang kay Cristo at tanggapin siya
bilang pansariling tagapagligtas ay sapat na para maligtas. Hindi na ayon sa
kanila na kailangan ng anumang relihiyon para maligtas. Huwag po na ipagkamali
ng iba na mali ang magtaglay pananampalataya, bagkus ito ay kailangan ng isang
tao para sa kaniyang kaligtasan, ngunit ang nililinaw natin ay ang pagtuturo ng
iba na sapat na ang sumampalataya lamang,.totoo kaya ito?
Sapat nabang sumampalataya lang upang maligtas? Ganito ang
nakasulat sa Santiago 2:14
“Anong
pakikinabangin, mga kapatid ko, kung sinasabi ng sinoman nasiya'y may
pananampalataya, nguni't walang mga gawa? makapagliligtas baga sa kaniya ang
pana-nampalatayang iyan?”
Ang binasa po natin ay isang tanong na naroon narin ang
kasagutan, anu yung tanung ni Apostol Santiago? Makapagliligtas daw ba ang
pananampalatayang walang gawa? Samakatwid kailangan ng Gawa sa ating
Pananampalataya. Bakit kailangan ng Gawa sa ating pananampalataya? Santiago 2:2
“Nakikita mo na ang pananampalataya ay gumagawang kalakip ng kaniyang mga
gawa, at sa pamamagitan ng mga gawa ay naging sakdal ang
pananampalataya;”
Sapamamagitan ng gawa ay nagiging sakdal ang pananampalataya,
kailangan sabay ang gawa at pananampalataya. Hindi po sinabing sumampalataya
lang ay ligtas na. anu pa ang kahalagahan ng may kalakip na gawa ang ating
pananampalataya?
“Nakikita
ninyo na sa pamamagitan ng mga gawa'y inaaring ganap ang tao, at hindi sa
pamamagitan ng pananampalataya lamang.” Santiago 2:24
Sapamamagitan ng pananampalataya na may kalakip na mga gawa ay inaring
ganap ang tao. Hindi sa pananampalataya lamang. Pinagdiinan ni Apostol Santiago
na kailangan talaga ang gawa sa ating pananampalataya para maligtas ang tao. Sa
pamamagitan ng gawa ay naging ganap ang ating Pananampalataya. Anu pa ang isa
sa dapat na ilakip sa pananampalataya? Sa Filipos 1:29
“Sapagka't sa inyo'y ipinagkaloob
alang-alang kay Cristo, hindi lamang upang manampalataya sa kaniya, kundi
upang magtiis din naman alangalang sa kaniya:”
Ayun po
nilinaw na hindi lamang upang sumampalataya kailangan nating magtiis alang
alang sa kanya o sa Panginoong Jesus. Ito pa ang isang patunay na kailangan
magtiis ang tao. Hebreo 10:36
“Sapagka't kayo'y nangangailangan ng pagtitiis, upang kung
inyong magawa ang kalooban ng Dios, ay magsitanggap kayo ng pangako.”
Kaya anu po anga ting mapapansin kailangna talaga ng tao
mamuhunan ng Pagtitiis kasabay ng pananampalataya.pag ito ay kasaban nating
ginawa ay magsisitangap tayo ng Pangako. Kaya labag s autos ng Diyos ang
pagtuturo na sumampalataya lang ay ligtas na, ito ay pinatotohanan din n gating
Panginoong Jesus. Basahin natin. Juan 8:31
“Sinabi
nga ni Jesus sa mga Judiong yaon na nagsisisampalataya sa kaniya, Kung kayo'y magsisipanatili sa
aking salita, kung magkagayo'y tunay nga kayong mga alagad ko;” (Juan 8:31)
Anu katumbas sa ibang
salin ng Biblia ng binanggit na pananatili sa salita?
“Kung patuloy kayong susunod sa aking aral…”(Juan 8:31, Magandang
Balita)
Samakatwid ang mga dapat ilakip ng
tao sa kaniyang pananampalataya ay ang PAGTITIIS at MABUBUTING GAWA at PATULOY
NA PAGSUNOD. Hindi po ito nakakatulad ng mga itinuturo nila na Pagsampalataya
lang. hindi ikaliligtas ang ganun. Alamin natin alin ang gawa na dapat ilakip
ng taong sa kaniyang pananampalataya? Ang PAnginoong Jesus ay may
ipinaliliwanag ukol dito.
“Hindi
ang bawa't nagsasabi sa akin, Panginoon, Panginoon, ay papasok sa kaharian ng
langit; kundi ang gumaganap ng kalooban ng aking Ama
na nasa langit.” (Mateo 7:21)
Ang gawa na hinahanap sa mga sumasampalataya ay ang pagganap sa
kalooban ng Diyos, anu ang magiging kapalaran ng gumaganap sa kalooban ng
Diyos? Siya ang may karapatan na makapasok sa kaharian ng langit o maligtas.
Anu ba ang kalooban ng Diyos na dapat sundin ng mga taong sumasampalataya? Basa
ganito ang nakasulat sa biblia.
“Na
ipinakikilala niya sa atin ang hiwaga ng kaniyang kalooban, ayon sa
kaniyang minagaling na ipinasiya niya sa kaniya rin. Sa pagiging katiwala sa
kaganapan ng mga panahon, upang tipunin ang lahat ng mga bagay kay
Cristo, ang mga bagay na nangasa sangkalangitan, at ang mga bagay na
nangasa ibabaw ng lupa; sa kaniya, sinasabi ko,” (Efeso 1:9-10)
Ang sabi ay Ipinakilala niya sa atin ang hiwaga ng kaniyang
kalooban. Na ito ay ayon sa kaniyang minagaling at ipinasya nya. Alin itong
kalooban ng Diyos? Tipunin ang lahat ng Bagay kay Cristo. Papaano matitipon kay
Cristo ang lahat ng Tao? Ganito sabi ni Apostol Pablo
“Sapagka't
kung paanong sa isang katawan ay mayroong tayong maraming mga sangkap, at ang
lahat ng mga sangkap ay hindi pareho ang gawain: Ay gayon din tayo, na marami,
ay iisang katawan kay Cristo, at mga sangkap na samasama sa isa't
isa.” (Roma 12:4-5)
Ang mga natipon kay Cristo ay sama
samang sangkap ng iisang katawan. Sabi ni Apostol Pablo “IISANG KATAWAN KAY
CRISTO” alin ang katawan na binabangit?
Ang Iglesia po ang katawan
“At siya ang ulo ng katawan, sama-katuwid baga’y
ng Iglesia…” (Colosas 1:18)
Anu tawag ng mga
Apostol sa katawan o Iglesia na ang Pangulo o “ULO nito ay si Cristo?
Ang iglesiang ito ay tinatawag na Iglesia ni Cristo:
“Mangagbatian
kayo ng banal na halik. Binabati kayo ng lahat ng mga iglesia ni
Cristo.” (Roma 16:16)
Samakatwid, kailangan maging sangkap
ng Katawan ni Cristo o kailangan na maging kaanib sa IGLESIA NI CRISTO para ang
tao ay maligtas. Ito ay Gawa na gapat ilakip sa pananampalataya, mali kung
gayon ang sinasabi ng iba na sumampalataya lang ay ligtas na. sundin ang
kalooban ng Diyos matipon ang lahat sa Katawan O Iglesia. Sabi natin
kanina kailangan ng Gawa at Pagtitiis sa pananampalataya upang ikaligtas. Alin
alin ba ang dapat nating tiisin ng mga sumasampalataya?
“Na pinatitibay ang mga kaluluwa ng mga alagad, at inaaralan sila na
magsipanatili sa pananampalataya, at sa pamamagitan ng maraming mga
kapighatian ay kinakailangang magsipasok tayo sa kaharian ng Dios.”
(Gawa 14:22)
“Ano pa't kami sa aming sarili ay nangagkakapuri sa inyo sa mga iglesia
ng Dios dahil sa inyong pagtitiis at pana-nampalataya sa lahat ng mga paguusig
sa inyo at sa mga kapighatiang inyong tinitiis; Na
isang tan-dang hayag ng matuwid na paghukom ng Dios; upang kayo'y ariing
karapatdapat sa kaharian ng Dios, na dahil dito'y na-ngagbabata rin naman
kayo: (2 Tessalonica 1:4-5)
Kailangan tiisin ng mga sumasampalataya ang mga pag uusig at
kapighatiang nararanasan, kahit napakaraming pagsubok, dumarating ang tukso sa
buhay, mga suliraning minsan ay hindi na makayang dalhin, mga magulang na lalos
hirap at walang maibigay sa mga hiling ng mga anak, mga nagkakasakit at walang
maipangpagamot. Lahat ng iyan ay mga pagsubok, mga pag uusig, hinahamak dahil
sa pangalan ni Cristo dapat nating tiisin ang mga ito. Hanggang kalian dapat
magtiis ang tunay na sumasampalataya para maligtas?
“Ngunit ang manatiling tapat hanggang wakas ay siyang
maliligtas,” (Mateo 24:13, MB)
Kapag tayo ay nagtiis hanggang wakas
namamalaging nasa IGLESIA NI CRISTO, alin man ang mauna. Wakas ng buhay natin o
araw ng pag huhukom ay tiyak na maliligtas at makakarating sa maluwalhating
tahanan na ipinangako ng Diyos. Hindi madali sa isipan ng iba ngunit ito ang
ating ilulungati na matapos natin an gating takbuhin nasa pagsunod sa kalooban
ng Diyos. Kapag inalis ng isang kaanib sa Iglesia ni Cristo ang Pagtitiis at
pati ang mga mabubuting gawa na dapat ilakip sa pananampalataya ay mawawalan ng
kabuluhan ang ating pagpapagal. Ngunit kung patuloy tayo at hindi nanlupaypay
ay maliwanag ang nakasulat sa biblia na dapat nating panghawakan.
“Mga
kapatid yamang kayo’y tinawag at hinirang ng Diyos, magpakatatag kayo
sa kalagayang ito upang huwag kayong manlupaypay. Sa ganitong paraan,
kayo’y maluwag na papapasukin sa walang hanggang kaharian ng ating Panginoon at
Tagapagligtas na si Jesu-Cristo.” (2 Pedro 1:10-11, MB)