Mga kaibigan namin lalo
na sa mga kaanib ng Iglesia ng Diyos kay Kristo Hesus Haligi at Saligan ng
Katotohanan sa Bansang Pilipinas Incorporated, tinatawag ding "Ang Dating
Daan" napakalinis? ng aming layunin sa pagpapadala sa inyo ng cassette tape
na ito na naglalaman ng mga impormasyon tungkol sa mga aral at turo ni Ginoong
Eliseo SORIANO. Kayo ang magpasiya kung dapat pa kayong manatili sa samahang
ito pagkatapos ninyong marinig ang mga katotohanang ito. Subalit bago ang lahat
ay nais muna naming malaman ninyo kung ano ang kasaysayan ng Iglesiang
kinaaaniban ninyo sa ngayon.
Noong 1922 nagparehistro sina G. Teofilo Ora, itiniwalag sa Iglesia ni Cristo, ng isang samahan na tinawag na Iglesia Verdadera de Cristo. Subalit pagkalipas ng ilang buwan ay binago niya ang pangalan ng Iglesiang ipinarehistro niya. Tinawag niya ito na Iglesia ng Diyos kay Kristo Jesus. Dito naging kaanib si Ginoong Nicolas Perez, itiniwalag din sa Iglesia ni Cristo at siyang sugo na kinikilala ni G. SORIANO. Ang dahilan ng pagkatiwalag kay G. Perez sa Iglesia ni Cristo ay dahil sa kinunan niya ng litrato sa ilog ng Mabacao, Maragondon, Cavite ang mga inanyayahan niyang mag-picnic at pagkatapos ay ipinadala ito kay Ginoong Felix Manalo at sinabing ang mga nasa litrato ang mga pinabautismuhan niya. Samakatuwid, hindi gawa ng isang tunay na mangangaral ang ginawa ni G. Perez, kaya siya itiniwalag. Pansinin din na sa simula pa lamang ay dalawang beses nang nagpalit ng pangalan ang iglesiang ipinarehistro ni G. Ora na rito ay kaanib si G. Perez.
Noong namang 1931, nagkahiwalay si G. Perez at G. Ora dahil sa ang nais ni G. Perez ay siya ang mamahala sa Iglesia. Hindi pumayag si G. Ora. Sa pangyayaring ito, nangaral na naman ng panibagong Iglesia si G. Perez. Tinawag niya itong Iglesia ng Diyos kay Cristo Jesus Haligi at Suhay ng Katotohanan. Sa? Iglesiang ito nabautismuhan ang mga magulang ni G. SORIANO noong 1934 ayon na rin sa pagtatapat ni G. SORIANO.
Noon namang 1936 ipinarehistro ni G. Perez ang Iglesiang ito na ipinangaral niya noong 1931. Ganito ang nakalagay sa rehistro noong 1936: 'That the official name of this society will be called "The church of God in Christ Jesus The Pillar and Ground of the Truth; Iglesia de Dios En Cristo Jesus, Columna Y Apoyo dela Verdad: Iglesia ng Dios kay Kristo Jesus Haligi at Suhay ng Katotohanan. That the central office of this society shall be situated at 530 Natividad St. Pasay City'. May lagda ito ni Ginoong Pedro SORIANO bilang General Secretary. Samakatuwid, mula 1931 hanggang 1936 ay kolorum ang relihiyong ipinangaral ni G. Perez. Naging opisyal lamang (daw) noong 1936. Samakatuwid, hindi na dapat baguhin ang pangalan ng Iglesiang ipinarehistro ni G. Perez dahil opisyal na raw ito.
Taong 1954 nang humiwalay naman ang grupo ni G. Avelino Santiago sa Iglesiang ipinarehistro ni G. Perez dahil nagturo si G. Perez na siya raw ang puno ng buhay at hindi ang Panginoong Jesucristo.
Noong 1973 lamang pinagtibay ni G. Perez na rito ay sang-ayon si G. SORIANO na si Cristo ay tunay na Diyos. Samakatuwid, mula noong 1931 ay walang malinaw na aral ang grupo ni G. Perez kung ano talaga ang kalagayan ni Cristo.
Taong 1975 na ng bawian ng buhay si G. Perez. Si Bb. Levita Gugulan ang naging presiding minister dahil ito ang nasa by-laws. Sa simula ay sang-ayon si G. SORIANO na si Bb. Gugulan ang siyang mamahala sa Iglesia. Lumagda ng pagsang-ayon si G. SORIANO na ititiwalag ang sinumang lalaban sa pamamahala ni Bb. Gugulan. Limang manggagawa ang sinuspinde dahil sa paglaban sa pamamahala ni Bb. Gugulan. Isa si G. SORIANO na sumang-ayon na suspindihin ang limang manggagawa.
Noong 1976 ay isa sa mga naging board of director si G. SORIANO sa Iglesiang pinamamahalaan ni Bb. Gugulan. Sa taon ding ito siya itiniwalag kasama ang 13 kaanib dahil sa pagtutol sa pamamahala ni Bb. Gugulan. Tinindigan ni G. SORIANO na hindi dapat mamahala ang babae sapagkat labag ito sa Biblia. Subalit halos 2 taon din ang lumipas na namahala si Bb. Gugulan sa kanila. Nangangahulugang sa loob ng 2 taong pamamahala ni Bb. Gugulan ay hindi sila sa Diyos sapagkat babae ang namamahala. Diumano ay si G. SORIANO raw ang dapat mamahala sa Iglesia dahil siya ang bukod tanging ministro na sinanay maging sa debate upang humalili kay G. Perez. Kung siya ang dapat mamahala sa Iglesia pagkamatay ni G. Perez, bakit pumayag pa siya na si Bb. Gugulan ang mamahala sa loob ng 2 taon? Di ba dapat ay siya na agad ang namahala sa Iglesia? At nasaan ang napakatagal na niyang sinasabing katunayan na siya lamang ang ministrong pinagtiwalaan ni G. Perez na mamahala sa Iglesia?
Noong Marso 30, 1977, nagparehistro si G. SORIANO sa SEC sa pamamagitan ni G. Fermin Calma ng isang panibagong Iglesia. Ganito ang nakasulat sa Articles of Incorporation: "That Iglesia ng Dios kay Kristo Hesus Haligi at Saligan ng Katotohanan is a religious denomination, this church is an independent society and not affiliated or part of any other church. That the principal office of the church shall be located at Bacolor, Pampanga at Barangay Tinajero." Huwag itong ikakaila ni G. SORIANO dahil ang relihiyong ito ang ipinangaral niya mula nang itiwalag siya sa samahan ni Bb. Gugulan. Pansining hindi na Suhay ang ipinarehistro kundi Saligan.
Taong 1978, kung hindi kami nagkakamali, nabahagi naman ang Iglesia ni G. SORIANO. Humiwalay sa kaniya ang grupo ni G. Filomeno Hizon.
Taong 1979, inamin ni G. Calma sa korte na iba ang salitang Suhay at Saligan. Ito raw ay magkaibang salita na may magkaibang kahulugan. Inamin din niya na 1922 pa nagsimula ang Iglesiang ipinangaral ni G. Perez. Sa paglilitis na ito ay saksi si G. SORIANO. Noon namang 1980 ay nagparehistrong muli ng panibagong Iglesia si G. SORIANO. Ito ang samahang tinawag niya na Ang mga kaanib sa Iglesia ng Dios kay Kristo Hesus, Haligi at Saligan ng Katotohanan sa Bansang Pilipinas, Incorporated. Ganito ang nakalagay sa Articles of Incorporation: "That this religious society or organization shall be called 'Ang mga kaanib sa Iglesia ng Diyos kay Kristo Hesus Haligi at Saligan ng Katotohanan sa Bansang Pilipinas'. That the principal office of the corporation is to be established and located at Bagong Pag-asa Village, Apalit, Pampanga." Dito sa relihiyong ito kayo kaanib ngayon.
Mayo 4 1988 nang dumating ang pasiya ng SEC na palitan nina G. Calma at G. SORIANO ang Iglesiang ipinarehistro nila noong 1977. Ganito ang pasiya ng SEC: "Wherefore, in view of all the foregoing, respondent Iglesia ng Dios kay Kristo Jesus, Haligi at Saligan ng Katotohanan is hereby ordered to change its corporate name to another name not similar to any name already used by a corporation." May lagda ito ni James Abugan na siyang hearing officer noon. Batay sa record ng SEC ay hindi na naghabol ang grupo ni G. Calma at G. SORIANO sa pagkatalo nilang ito dahil nagparehistro naman si G. SORIANO ng Iglesian noong 1980. Marahil napatunayan nilang mali at hindi opisyal na pangalan ng Iglesia ang ipinarehistro nila, nina G. Calma noong 1977.
Noong 1993 lamang nalaman ng grupo nina G. Maximino Nieto, humalili kay Bb. Levita Gugulan na si G. SORIANO ay nagpa-rehistro ng panibagong Iglesia noong 1980.
Noon ding 1993 muling nagparehistro ng panibagong samahan si G. SORIANO. Tinawag niya itong Bayan ng Katotohanan Incorporated. Si G. SORIANO ang presiding minister. Ganito ang nakasulat sa Articles of Incorporation: "That we, the undersigned, all of legal age, have this day voluntarily associated ourselves for the purpose of forming religious corporation in accordance with SEC 116 of the Corporation Code of the Philippines and we certify: First: That the name of this corporation shall be: Bayan ng Katotohanan Inc. Second: That this religious corporation is a religious organization and an independent organization. It is also known as the City of Truth."
Si G. SORIANO ang Presiding Minister sa samahang ito tulad ng mababasa sa kanyang pahayag na ganito: "That I, Eliseo SORIANO of legal age Filipino, and a resident of K-40 Bagong Pag-asa Subdivision, Apalit, Pampanga, after having duly sworn in accordance with law, do hereby depose and say that I am the Presiding minister of the Bayan ng Katotohanan INC." Sinumpaan niya ito sa harap ni Attorney Benjamin Alba noong December 14, 1993. May mga lagda ito nina G. SORIANO, Danilo Navales, Daniel Razon, Josell Mallari, Freddie Cabanilla, Arcadio Mallari at Renato Dimalanta. Hindi pa ba sila nasiyahan sa mga naunang samahang ipinarehistro kaya't nagparehistro na naman ng panibagong samahan? Sa Diyos ba ang samahang ito na sa mula't mula pa ay laging nagbabago ng pangalan? Hindi na ba ito magiging opisyal? Kayo ang humatol.
Noong 1994 ay inihabla ng grupo ni G. Nieto si G. SORIANO.
Nobyembre 20, 1995 nang dumating ang pasiya ng korte na palitan ni G. SORIANO ang pangalan ng Iglesiang ipinarehistro niya noong 1980. Ganito ang desisyon ng SEC: "Respondent Mga kaanib sa Iglesia ng Dios kay Kristo Jesus Haligi at Saligan ng Katotohanan sa Bansang Pilipinas is hereby mandated to change its corporate name not deceptively similar or identical to the name already used by the Petitioner." So ordered. May lagda ito ng hearing officer na si Ysobel Yasay Murillo. Samakatuwid, muling natalo si G. SORIANO.
Noong taong 1996 ay nag-apela si G. SORIANO sa SEC dahil sa diumano ay napabayaan ng kaniyang abogado ang kasong ito. Pinalitan niya ang kaniyang abogado.
Noong October 7, 1997, dumating ang pasiya ng korte tungkol sa apela ni G. SORIANO sa pagkatalo niya sa SEC. Sa kaniyang apela ay muli na naman siyang natalo. Ganito ang pasya ng korte.
"Wherefore, the instant petition for review is hereby denied." May lagda ito nina Cancio Garcia, Delillah Vidallon Magtolis at Marina Buzon. Sila ay mga associate Justices sa Court of Appeals sa Maynila. Diumano ay patuloy na maghahabol si G. SORIANO hanggang sa Kataastaasang Hukuman o Supreme Court.
Ito po ang kasaysayan ng Iglesiang ipinarehistro ni G. Perez na diumano ay kinikilalang sugo ni G. SORIANO.
Bukod sa napakagulo at laging nababahaging samahan nina G. Perez at G. SORIANO, napakarami rin ng mga mali, pabagu-bago at mga salungatang aral na itinaguyod ni G. Perez at kasalukuyang itinataguyod ni G. SORIANO. Ang sinabing doktrina kahapon ay iba na sa sinabing doktrina ngayon. Pakinggan ninyo ang mga ito. Simulan muna natin sa pangalan ng Iglesiang ipinarehistro. Tunay ba ang ipinarehistro ni G. Ora at G. Perez noong 1922? Tandaan ninyo na sa simula pa lamang ng rehistro ay dalawang beses ng nagpalit ng pangalan. Kung tunay ito, di hindi na tunay ang ipinangaral noong 1931? O baka naman ang tunay ay ang ipinarehistro noong 1936? Kung itatanggi ni G. SORIANO ang Iglesiang ipinarehistro noong 1936, para na rin niyang itinanggi? ang kinikilala niyang sugo na nagparehistro nito maging ang mga magulang niya na nabautismuhan sa relihiyong ito noong 1934. Di ba 17 taong gulang pa lamang ay nangangaral na si G. SORIANO ayon sa pahayag niya at diumano ang nagturo sa kanya ay ang kapatid na Matanda na si G. Perez? Di nangangahulugang tunay na ang relihiyong ipinarehistro ni G. Perez noong 1936? Kung tunay na ito, di hindi na tunay ang ipinarehistro ni G. SORIANO noong 1977? Kung tunay ang ipinarehistro noong 1977, di hindi na tunay ang ipinarehistro ni G. SORIANO noong 1980 na rito ay kaanib kayo. Kung tunay naman ang ipinarehistro noong 1980, tunay din ba ang ipinarehistro noong 1993 na Bayan ng Katotohanan Incorporated? na rito ay presiding minister si G. SORIANO? O wala isa mang tunay sa mga ito. Ngayon iyong IGLESIA NI YHWH AT NI YHWSA HMSYH, INC na pinarehistro niya noong 1994 at iton bagi ang Church of God International, alin ang tunay dito?
Hindi ba napakagulo at pawang salungatan ang mga pangalan ng Iglesiang ipinarehistro nina G. Perez at G. SORIANO? At di ba may pasiya ang korte na dismiss o talo ang apela ni G. SORIANO noong 1996? Di nangangahulugang kolorum ang samahan ninyo hanggang sa oras na ito. At naghabol na ba si G. SORIANO sa Supreme Court tungkol sa pagkatalo ng Iglesia niya sa Court of Appeal? O hindi na siya maghahabol dahil may inpinarehistro naman siyang Bayan ng Katotohanan Incorporated? Pakitanong ninyo kay Ginoong SORIANO kung nasa hula ng Biblia na ang Iglesia na pinasimulan ni G. Perez na diumano ay itinataguyod niya ay magkakaroon ng napakaraming pangalan, magkakahati-hati, mahahabla at matatalo sa habla? Nasa hula rin ba ng Biblia na hanggang sa taong ito, 76 na taon ang nakalipas ay wala pang opisyal na pangalan ang relihiyong kinaaaniban ninyo? Tandaan ninyo na malabo pa sa tubig baha kung ano talaga ang pangalan ng Iglesiang kinaaaniban ninyo. Ito nga kaya ang tunay na Iglesia ng Diyos na nakasulat sa Biblia? Puntahan naman natin ang ukol sa mga doktrina maging sa mga ipinahayag ni G. SORIANO sa radyo at telebisyon.
UKOL SA SALITANG SUHAY AT SALIGAN

Di ba ang ipinarehistro ni G. Perez ay Suhay at ang kay G. SORIANO ay Saligan? Di ba inamin ni G. SORIANO na iba ang Suhay sa Saligan? Di malinaw na salungatan ang aral ng dalawa? Di ba kinamatayan ni G. Perez ang salitang Suhay? Di namatay siyang hindi tunay ang pangalan ng Iglesiang ipinangaral niya. Diumano, ayon kina G. SORIANO, Danilo Navales at Mel Magdaraog, hindi raw gaanong nakapag-aral si G. Perez, kaya Suhay ang naiparehistro. Di ba halos wala ring pinag-aralan ang mga apostol? Mali ba ang mga aral ng mga apostol? Di ba tamang lahat ang itinuro nila sapagkat may Espiritung pumatnubay sa kanila dahil sila ay mga sugo ng Diyos. Diumano, ayon kay G. SORIANO ay inutusan siya ni G. Perez na magsaliksik kung ano talaga ang tama, kung Suhay o Saligan dahil sa marami raw salin ang nagpapatotoo na Saligan ang tama. Maging sa wikang Griyego ay Saligan din ang katumbas sa Pilipino. Di nangangahulugang mali nga ang Suhay? Di mali ang Iglesia ni G. Perez at ni G. SORIANO mula 1936 at naging tama lamang noong magparehistro si G. SORIANO noong 1980? Kung tama ang Saligan, di mali ang nasa himnario na ginawa at binalangkas mismo nina G. Nicolas Peres at G. Eliseo SORIANO? Ganito ang nilalaman ng nasa Himnario 1990, pahina 44, ika-2 estropa: " Si Kristo ang buhay, Ilaw sa puso'y tanglaw, Nating lahat na tinawagan, Sa Iglesia ng Diyos na haligi at suhay na ating kaligtasan." Di ba kaya lamang ipinarehistro ni G. SORIANO ang Saligan ay upang maiba sa ipinarehistro ni G. Perez dahil bawal sa batas na magparehistro ng isang samahang nakarehistro na.
UKOL SA MAY HINDI RAW ALAM ANG DIYOS
Isang ipinagmamalaking doktrina ni G. SORIANO na may hindi alam ang Diyos. Di hindi rin alam ng Diyos na may magrerebelde pa sa langit dahil mayroon Siyang hindi alam? Di hindi rin alam ng Diyos kung may mga lalaban pa sa Kaniya pagdating ng mga maliligtas sa bayang banal? Di ba napakahinang klase ng Diyos ni G. SORIANO, nagawang lalangin ang buong sansinukob at nakagawa ng mga kahanga-hangang gawa, yaon pala ay mayroong hindi alam? Bakit naipatala ng Diyos sa Biblia na ang parurusahan ay singdami ng buhangin sa dagat kung mayroon siyang hindi alam? Bakit naipatala Niya ang lahat ng pangyayari sa darating kung mayroon Siyang hindi alam? Marahil, hindi alam ng Diyos ni G. SORIANO na magkakagulo rin ang relihiyong ipinarehistro niya at ni G. Perez at hindi rin alam ng Diyos na napakarami palang salungatan ang mga aral niya. Lahat ng tanong kay G. SORIANO ay nasasagot daw niya (kuno), pagkatapos ay ang Diyos na kinikilala niya ay may hindi alam. Nakapanghihilakbot na doktrina ito dahil may limitasyon ang kakayahan ng Diyos na kinikilala niya. Kayo matatanggap ba ninyo na ang kinikilala ninyong Diyos ay may hindi alam? Di ba ang Diyos ang pinakamakapangyarihan sa lahat, pinakamarunong sa lahat at sumasa lahat?
UKOL SA HINDI PAG-AASAWA NG MGA ANGHEL
Naninindigan si G. SORIANO na ang mga anghel ay hindi nag-aasawa sapagkat espiritu ang kalagayan ng mga ito. Ngunit ipinahayag ni G. SORIANO na ang mga anak ng Diyos na nagsipag-asawa ng mga anak ng mga tao ay mga anghel. Para na siyang kumuha ng bato at ipinukpok sa sarili niyang ulo dahil sa aral na ito. Diumano ay walang anghel na tao? Sino naman ang anghel na tao na binabanggit sa Apocalipsis 21:17? Pakitanong kay G. SORIANO, ano sa Griyego ang anghel? Ano sa Griyego ang mga sugo kay Rahab? Ano sa Pilipino ang angelos?
UKOL SA IISANG SANTIAGONG APOSTOL
Halos manggalaiti si G. SORIANO sa paninindigang iisa raw ang Santiago na Apostol sa Biblia? Tinutuligsa niya ang mga kaanib sa Iglesia ni Cristo at sinabing kawawa raw ang mga kaanib nito dahil sa Iglesia ni Cristo raw, kahit patay na ay nakapagpapasiya pa. Ipinahintulot na naman ng Diyos sa napakalaking pagkakamali si G. SORIANO dahil 2 ang Santiagong Apostol sa Biblia. Kayo na ang bumasa sa Mateo 10:2-4 at mapatutunayan ninyo kung sino ang nagsasabi ng totoo at hindi.
UKOL SA TAGAPAMAHALANG PANGKALAHATAN
Diumano ay si Apostol Pablo raw ang Tagapamahalang Pangka-lahatan ng unang Iglesia ni Cristo at hindi si Apostol Santiago. Sino naman ang Tagapamahalang Pangkalahatan sa Iglesia noong hindi pa natatawag na maging apostol si Apostol Pablo? Anong talata? Di ba malinaw na si Apostol Pablo ay doon lamang sa mga Gentil isinugo at hindi naman sa dako ng mga Judio dahil si Apostol Pedro ang sugo rito? Hindi ba ng magkaroon ng usapin sina Apostol Pablo at Apostol Pedro ay sumangguni sila sa Jerusalem? Hindi ba ang nagpasiya sa suliraning bumangon sa unang Iglesia ay si Apostol Santiago? Pakibasa na lamang po ang nilalaman ng Gawa kapitulo 15.
UKOL SA Zacarias 13:7-9
Malinaw ding tinitindigan ni G. SORIANO na sila ang katuparan ng nasa Zacanulls 13:7-9. Kung sila ang katuparan nito, sino ang Pastor na sinaktan? Si Ginoong Perez ba? Sinaktan ba siya? Sino ang mga maliliit? Sino ang nahiwalay? Sino ang naiwan? Sino ang nangalat? Sino ang mamamatay? Ang katuparan ba nito ay ang samahan ni G. Perez? Ilang beses silang nabahagi? Ilang beses silang nahiwalay ? Bakit hanggang ngayon ay walang opisyal na pangalan? Di ba ang Pastor na sinaktan ay ang Panginoong Jesucristo at ang mga maliliit ay ang mga apostol?
UKOL SA PAGTALIKOD
Tinitindigan din ni G. SORIANO na diumano ay walang pagtalikod na naganap sa unang Iglesia dahil lilitaw na mahina ang Diyos kung matatalikod ang itinatag Niya. Mahina ba ang Diyos nang tumalikod si Adan at Eva? O ang mahina ay si Adan at Eva? Mahinang klase ba ang Diyos nang tumalikod ang bansang Israel? O ang mahinang klase ay ang bansang Israel? At kung totoong walang naganap na pagtalikod sa Iglesiang itinatag ni Cristo, sinu-sino ang mga naging tagapamahala sa Iglesia bago sumapit sa panahon ni G. Perez? Di ba nasa himnario 1990, pahina 82, na ang Iglesiang tunay ay nagiba at nawala? Ganito ang nakasulat sa himnario: "Sa dakong silanganan tinutukoy ng hula, Dito ay mababangon ang bayang nagiba, Ang Iglesiang tunay malaong nawala, ngayo'y ibinabandila." Alin kaya itong Iglesiang nawala at nagiba? Di ba malinaw na kasinungalingan na naman ang itinuturo niyang walang pagtalikod? Di ba malinaw din na salungat ang paninindigan ni G. Perez sa paninindigan ni G. SORIANO?
UKOL SA KALAGAYAN NG PANGINOONG JESUCRISTO
Maging sa pagtuturo kung ano talaga ang kalagayan ni Cristo ay napakaraming salungatang ipinahayag si G. SORIANO. Ayon kay G. SORIANO, si Cristo raw ay inahing manok. Ayon naman kay G. Danilo Navales, manggagawa ni G. SORIANO, wala raw matinong tao na magtuturo na si Cristo ay inahing manok. Di para niyang sinabi na hindi matinong tao si G. SORIANO? Turo rin ni G. SORIANO na si Cristo ay nasa kalagayang manok. May aral pa siyang si Cristo raw ay kumakatawan at tumulad sa inahing manok. Diumano, ayon pa rin sa turo niya, si Cristo raw ay may spiritual na pakpak? Di nangangahulugang may spiritual na palong din at may spiritual na tuka? Ano kayang talata? May binaggit din siyang si Cristo ay taong ibon at ang batayan niya ay nasa Isaias 46:11. Diumano ay si Cristo raw ang angel sa Apocalipsis 7:2-3? Sa madaling salita, napakagulo ng mga aral ni G. SORIANO.
UKOL SA KATUPARAN NG BIG 4
Diumano ay alam daw ni G. SORIANO kung sino ang katuparan ng Big 4 na binabanggit sa Apocalipsis 7:1-3. Noon pang 1982 niya ipinangakong ihahayag kung sino ito pero hanggang ngayon 16 na taon na ang lumipas ay hindi pa niya masabi kung sino.
UKOL SA KATUPARAN NG DANIEL 12:4, 9-10
Malakas din ang loob ni G. SORIANO na sabihing siya ang katuparan ng pantas na binabanggit sa Daniel 12:4 at 9-10. Ang panahon daw ng paglitaw o pagbangon nito ay sa panahong malago na ang karunungan ng tao at ito raw ay noong 1980 nang iparehistro niya ang samahan niyang 'Ang mga kaanib sa Iglesia ng Dios kay Kristo Hesus, Haligi at Saligan ng Katotohanan sa Bansang Pilipinas, Incorporated'. Di para niyang sinabi na bobo ang bumangon noong 1936 na rito ay kaanib ang kinikilala niyang sugo maging ang mga magulang niya? Di ba rito ay naging kaanib din si G. SORIANO?
UKOL SA PATUBUAN
Labag sa Biblia ang patubuan sapagkat nakasulat sa Deutrunomio 23:19 ang ganito: "Huwag kang magpahiram na may tubo sa iyong kapatid." Kumusta na kaya ang Bayan ng Katotohanan Credit Cooperative na kung manghihiram ka ay patutubuan?
UKOL SA ANTI-CRISTO
Hindi raw itinuturo ni G. SORIANO na ang Papa ang 666 gayong nasa himnario pahina 94, malinaw na sinasabi na ang Papa ang katuparan ng Anti-Cristo? Tingnan ninyo ang pagkakasulat sa ikatlong estropa: "Anti-Kristo'y may tanda siyang inangkin, Anim na raan anim na put anim, Sa mitra ng papa ating bilanging, Vicarius Filii Dei sa wikang latin." Di ba isa na naman itong malaking kasinungalingan ni G. SORIANO?
UKOL SA MARANGYANG DAMIT
Ipinagbabawal ni G. SORIANO ang marangyang damit pero naka-amerikana siya noon sa pagtuturo. Di ba iba ang sinasabi niya sa kanyang ginagawa?
UKOL SA SASAKYAN
Tinutuligsa niya ang mga Mangangaral na may mga sasakyan dahil si Cristo raw at ang mga apostol ay sa asno sumasakay noon. Marahil, asno rin ang sinasakyan ni G. SORIANO mula Apalit patungong Maynila. Marahil tama ang sinasabi ni G. Navales na mayroong ngang hindi matinong tagapangaral.
UKOL SA ORDENASYON
Mayroon siyang iba't-ibang paliwanag ukol dito. Diumano ay sa ulo raw papatungan ng kamay. May turo siya na hindi raw ito literal na kamay, di hindi rin literal ang ulo at hindi rin literal ang patong? Diumano mula ulo ay dadaus-dos sa balikat? Literal bang pagdaus-dos ito at literal din bang balikat? Di ba inamin niyang ang Isaias 9:6 ay ordenasyon? Inordenahan ba siya ni G. Perez? Literal bang kamay? Dumaus-dos ba sa balikat? Inordenahan ba ni G. SORIANO ang mga manggagawa niya? Kung walang ordenasyon sa samahan ninyo, di nangangahulugang walang ministro? Alam ba ninyo na may nakalagay sa By Laws ng samahan ninyo ang ganito: Section 5: "That the council of Ministers is composed of all ordained minister, each one with a written appointment from the incumbent Presiding Minister." May lagda ito ni G. SORIANO kasama ang 9 na iba pa.
UKOL SA PAG-AASAWA
Ilan pang aral ni G. Perez na tahasang sinalungat ni G. SORIANO ay ang ukol sa pag-aasawa. Ipinahihintulot na ngayon ang mag-asawa sa mga kaanib ni G. SORIANO samantalang mahigpit na ipinagbabawal ang pag-aasawa sa panahon ni G. Perez. Ang katunayang ipinahihintulot na ngayon ang pag-aasawa ay ang mga ikinasal noon sa Araneta Coliseum. Salungat naman ito sa himnario 1993 pahina 72. Ganito ang nakalagay sa himnario: "Oh kabataan, H'wag na tayong mangag-asawa, Malapit ang kawakasan, Nang mangaligtas sa parusa." Ganito naman ang nasa pahina 134 na ang pamagat ay Awit Sa Mga Manggagawa, ika-2 estropa: "Kami ay hinding-hindi na mag-aasawa, Ang aming buong lakas, Laan sa Kanya, Para kay Hesus ang buhay, O para kay Hesus lamang." Pakibasa na rin ang nasa pahina 66. Dito ninyo mapatutunayan na nagkakalaban laban ang mga aral nina G. Perez at G. SORIANO. Pakibasa na rin ang nasa I Timoteo 4:1-3 at mapatutunayan ninyo na ang pagbabawal ng pag-aasawa ay hindi aral ng Diyos kundi aral ng demonyo. Ang katunayan ay may asawa si Apostol Pedro maging ang iba pang mga apostol. Basahin ang I Corinto 9:5.
UKOL SA ALAHAS
Sa panahon ni G. Perez ay karumaldumal ang gumamit ng alahas. Itinitiwalag ni G. Perez ang sinumang lumabag dito. Ngunit sa panahon ni G. SORIANO ay ipinahihintulot na ang paggamit ng alahas. Ang isang matibay na katunayan ay ang pagbebenta ni G. SORIANO ng alahas kay Ginang Lolita Hizon. Marahil ay tatanggi si G. SORIANO ukol dito. Mapapakinggan ninyo sa bandang dulo ng tape na ito ang pagtatapat ni G. Lolita Hizon na si G. SORIANO ay nagbenta sa kaniya ng alahas. Kung bawal ang pag-aalahas, itiniwalag na ba ni G. SORIANO ang lahat ng mag-aalahas na miembro niya maging ang mga gumagamit ng alahas?
UKOL SA PAGKAKATIWALAG KAY G. SORIANO
Boong giting na isinisigaw ni G. SORIANO na hindi raw siya itiniwalag sa grupo nina Bb. Gugulan kundi kusang tumiwalag. Nabanggit na naman sa inyo na napakasinungaling ni G. SORIANO. Katunayan, pakinggan ninyo ang nilalaman ng Circular bilang 6, Serye ng taong 1976 tungkol sa pagkakatiwalag niya: "Sa lahat ng mga kapatid kay Kristo Hesus: Alinsunod sa Artikulo IV Seksion 1 ng patakarang batas ng Iglesia ng Diyos kay Kristo Hesus Haligi at Suhay ng Katotohanan, ang mga pamunuan at miembro sa Iglesia na dapat itiwalag ay yaong tinutukoy sa talatang 2 ng nabanggit na artikulo. Batay sa disiplinang nabanggit sa itaas, ang pangasiwaan ng INDKKHSK ay makatuwirang ipinaiiral ang pagpapatupad ng panuntunang ito at walang pasubaling itinitiwalag ang mga sumusunod: 1. Eliseo SORIANO (unang-una sa mga itiniwalag)Severina Jose, Noli Dacer, Manuel Bacosa Jr. at 13 iba pa. Ang pagtitiwalag na ito ay nagkakabisa ngayong ika-21 ng Pebrero 1976 pagkatapos na lagdaang ng Lupon ng mga patnugot at sinag-ayunan ng kapulungan ng mga manggagawa." Nakalagda sa ibaba ang 19 na maytungkulin sa Iglesia sa pangunguna ni Bb. Levita Gugulan.
UKOL SA PAMAMAHALA NI BINIBINING GUGULAN
Tinutulan ni G. SORIANO ang pamamahala ni Bb. Gugulan sa pagsasabing hindi raw babae ang dapat mamahala sa Iglesia subalit nakalagda siya at si Ginoong Manuel Bacosa sa sinumpaang pahayag na si Bb. Gugulan ang mamamahala sa Iglesia. May petsa itong Hunyo 15, 1975.
UKOL SA BABASAHING PASUGO
Isa pang kasinungalingan ni G. SORIANO: Diumano ay expert daw siya sa Pasugo dahil may mga kopya daw siya nito mula 1928. Malinaw na mas sinungaling pa siya kay Satanas dahil noong lamang 1939 nagsimulang maglathala ang Iglesia ni Cristo ng Pasugo.
UKOL SA BIBLIA AT REPERENSIYA
Tinutuligsa rin ni G. SORIANO ang gumagamit ng reperensiya at maging ng iba't ibang salin ng Biblia. Nakapagtatakang ngayon ay gumagamit na siya ng mga reperensiya at iba't ibang salin ng Biblia. Ang katunayan, ang kahulugan ng ordenasyon ay sa reperensiya niya kinuha at ang salitang Saligan ay hindi niya kinuha sa ginagamit niyang katiwa-tiwalang salin kundi sa Bibliang isinalin ng Iglesia Katolika.
UKOL SA SALITANG ROMANO
Mali raw na tawaging Romano ang mga Pilipino dahil aplikable lamang ito sa mga taga-Roma. Di ba malinaw na kasinungalingan na naman ito dahil nakatala sa kanilang himnario na maging ang mga Pilipino ay puwedeng tawaging Romano. Ano ang katunayan? Ganito ang nasusulat sa Himnario 1990, pahina 95, unang estropa: "Oh, mga Romanong aming kababayan, H'wag ninyong isipin kayo ay kaaway, Kundi bagkus kayo'y aming minamahal, Tayo'y magkabansa magkakaibigan." Pakitanong ninyo sa kanya kung sino ang mga Romanong aming kababayan? Haling at mangmang lamang ang magsasabing ang mga kababayang tinutukoy sa himnario ay mga taga-Roma.
UKOL SA SALITANG HULING ARAW
Mali raw ang aral ng Iglesia ni Cristo na ang INC ay babangon sa huling araw dahil ang huling araw daw ay paghuhukom. Mababasa rin ito sa kanilang magasin na "Ang Dating Daan" January 1990 issue pahina 8 na ang nakasulat ay ganito: "Ang huling araw naman ay ang pagbangon ng mga patay na ito ay sa paghuhukom." Sinasalungat ng magasing ito ang nasa himnario 1990, pahina 101, na ang nasulat ay ganito: "Balita ng Kaligtasan, Sa Huling araw sumilang, Titipunin ang tupang naligaw, Sa loob ng Kaniyang bakuran, Tanging Iglesia ng Dios lamang, Si Hesus nag-aakay." Di sa araw pa ng paghuhukom babangon ang samahan ni G. SORIANO kung paniniwalaan ang kasinungalingan niya.
UKOL SA SALITANG BUMANGON
Matibay din ang paninindigan ni G. SORIANO na ang samahan nila ay hindi bumangon kundi umugnay. Di mali na naman ang nasa himnario 1990, pahina 97, at 100 na mababangon ang dating bayan. Tunghayan ninyo ang nilalaman ng himnario, pahina 97: "Ang Iglesia ng Dios lamang, Ang tanging katotohanan, Tinukoy na dating daan, Ang mga hindi kilala, Na mula sa ibang bayan, Ibabangon dating tunay, Sa malayong silangan, Dito ay hinuhulaan, Mababangon dating bayan, Ngayon ibinabandila, Naming inyong kababayan, Sa Pilipinas na bayan."? Payo kay G. SORIANO, ang kabisahin mong mabuti ay hindi ang pasyon kundi ang himnario mo dahil marami sa mga aral mo ay nilalabanan ng himnariong ginagamit mo. Isa pang nakatatawag ng pansin, kung walang pagtalikod, bakit kailangang ibangon ang dating bayan? Matawagan nawa kayo ng pansin sa mga salungatang ito. Dumating nawa ang panahong sinusumbatan na siya ng kaniyang budhi dahil sa ginagawang mga panloloko sa tao lalo na sa pagpilipit sa mga talata ng Biblia.
UKOL SA MALAYONG SILANGAN
Noon ay tinutuligsa niya ang Iglesia ni Cristo sa pagtuturong hindi raw ang Pilipinas ang Malayong Silangan ngunit napansin ninyo marahil sa kaniyang himnario 1990 pahina 97 na inaamin niyang ang Pilipinas ay nasa malayong silangan. Isa pang nakatatawag ng pansin, kung walang pagtalikod, bakit kailangang ibangon ang dating bayan? Matawagan nawa kayo ng pansin sa mga salungatang ito.
UKOL SA REHISTRO
Hindi raw dapat iparehistro ang Iglesia sapagkat nakatala na ito sa Biblia. Ang dapat raw iparehistro ay ang mga kaaninb. Di mali na naman si G. Perez ng iparehistro ang Iglesia at hindi ang mga kaanib? Di dapat ang ipinarehistro ni G. SORIANO noong 1993 ay: "Ang Mga Kaanib Sa Bayan Ng Katotohanan, Incorporated."
UKOL SA ABULOYAN SA STA. CENA
Tinutuligsa rin niya ang Iglesia ni Cristo dahil nag-aabuluyan daw sa Sta. Cena. Di ba malinaw na hindi niya naiintindihan ang Sta. Cena? Ang Sta. Cena ay pagkain at pag-inom. Walang abuluyan sa Sta Cena. Ang may abuluyan ay ang pagsamba. Nakakikilabot na turo ni G. SORIANO, hindi raw tunay na tinapay at katas ng ubas ang kinain at ininom ng mga alagad. E ano ang pinagputol-putol, ano ang kinain, ano ang ininom? Di ba naniniwala si G. SORIANO na may Sta Cena at ang kinukuwesatiyon niya ay ang abuluyan? Kayo, may Sta. Cena ba kayo? Literal bang tinapay at katas ng ubas?
UKOL SA BAHAY NG DIYOS
Mali raw na tawaging bahay ng Diyos ang bahay sambahan. Ang bahay daw ng anay ay anay ang gumawa, ang bahay ng gagamba ay gagamba ang gumawa kaya ang bahay ng Diyos, Diyos din ang dapat gumawa? Di bahay ng aso, aso rin ang gumawa? Bahay ng baboy, kalapati etc.. baboy, kalapati etc.. ang gumawa? Di mali ang nasa Isaias 2:2 na ganito ang nakasulat: "At mangyayari sa mga huling araw, na ang bundok ng bahay ng Panginoon ay matatatag sa mga taluktok ng mga bundok at magiging mataas sa mga burol; at lahat ng bansa ay magsisiparoon doon." Basahin din ninyo ang nakasulat sa Mateo 21:12 at mapatutunayan ninyong ang aral ni G. SORIANO ay kalaban ng aral ng Diyos.
UKOL SA ABULUYAN
Naghihirap daw ang mga kaanib sa Iglesia ni Cristo dahil sa abuluyan. Bakit? Alam ba ni Ginoong SORIANO kung ano ang buhay ng mga kapatid sa Iglesia ni Cristo? Sino ba ang daing ng daing na lubog na sa utang? Di ba si SORIANO? Sino ba ang nagkakandakuba dahil hindi na halos makabayad sa programa sa radyo at telebisyon? Di ba siya? Sino ngayon ang nagkakandarapa sa hirap? Di ba siya? Sino ba ang nanghihiram ng amerkana na magagamit sa pagsasalita sa TV? Baka hindi mo pa naisasauli sa tunay na may-ari? May itatanong lamang kami kay G. SORIANO: "Nabayaran na ba niya ang humigit-kumulang 50 milyong piso para pambayad mo sa mga nagastos sa programa sa radyo at telebisyon?" Nakalikom na ba siya sa mga kaanib sa samahan niya ng halagang ito? Di ba kasalukuyang gumagala ang mga manggagawa para mangulekta sa mga kaanib ng diumano ay kusang loob na tulong? Sinasabi ng mga manggagawa na kaawaawa raw si G. SORIANO kung hindi ito mababayaran dahil makukulong siya. Pakitanong nga pala kay G. Manoling Bacosa kung natubos na mula sa pagkakasanla ang kanilang bahay upang maitulong sa utang ni G. SORIANO. Ayon kay Gng. Meding Bacosa ay 2 milyon ang pagkakasanla ng kanilang bahay dahil nais nilang matulungan si G. SORIANO.
UKOL SA PAGHUHUKOM
Diumano ay hindi raw alam ni Cristo ang petsa ng paghuhukom noong nandito pa siya sa lupa. Ngayon daw nasa langit na siya ay alam na niya ang petsa ng paghuhukom dahil kasama na niya ang Ama sa langit? Anong talata? Diumano ay hindi raw maaring hindi ito sabihin ng Ama kay Cristo? Samakatuwid ang batayan ni G. SORIANO ay kathang isip o guni-guni. Di ba sabi ni G. SORIANO na si Cristo at ang Ama ay magkasama na sa langit maging sa simula pa lamang ng paglalang? Di alam na ni Cristo noon pa ang petsa ng paghuhukom? Nalimutan ba ng magkatawan tao? Anong talata?
UKOL SA DIYOS SA LANGIT AT SA DIYOS SA LUPA
Diumano ay ang Ama ang Diyos sa langit at si Cristo ang Diyos sa lupa. Di ngayong magkasama na sila sa langit ay wala ng Diyos sa lupa? Di ba malinaw na salungat ito sa nakasulat sa Efeso 4:4-6 at Deutronomio 4:39.
UKOL SA PAGIGING TAO NI CRISTO
Mali raw ang turo ng Iglesia ni Cristo na si Cristo ay tao. Mali ba si Cristo nang sabihin Niyang Siya at tao batay sa Juan 8:40? Mali ba ang turo ni Apostol Pablo na si Cristo ay taong tagapamagitan sa Diyos? Mali ba ang hula ng Diyos na nakasulat sa Isaias 53:3 tungkol sa Panginoong Jesucristo na siya (Cristo) ay tao? Di ba kung ano ang nakasulat sa Biblia ang siyang paniniwala ng mga kaanib sa Iglesia ni Cristo? Di ba maliwanag na ang nilalabanan ni G. SORIANO ay ang turo ng Diyos, ni Cristo at ng mga apostol at hindi ang mga kaanib sa Iglesia ni Cristo?
UKOL SA KALIGTASAN
Hindi raw itinuturo ni G. SORIANO na sila lamang ang tunay at maliligtas. Kasakiman raw ito dahil pinakyaw na raw ang langit kapag sinabing sila lamang ang maliligtas. Malinaw na kayabangan at kasinungalingan na naman ito dahil nakasulat sa kanilang himnario, 1990, pahina 82, ang ganito: "Iglesia ng Diyos lamang ang katotohanan, Sa hula ni Jeremias siyang dating daan, Ang mga di kilala taga-ibang bayan, Sa hula ni Isaias magtatayong tunay." Ganito na nasa pahina 83: "Ang Iglesia ng Dios lamang, Kay Kristo Hesus na tunay, Ang siyang tanging pangalan, Na nasa Bagong Tipan." Huwag ninyong kalilimutan na ang gumawa at nagbalangkas ng himnario ay sina G. Perez at G. SORIANO.
UKOL SA MORAL
Ang tunay na tagapangaral ay dapat maging huwaran hindi lamang sa pagsasalita kundi maging sa pagkilos at sa paggawa. Pasado kaya si G. SORIANO sa pamantayang ito? Gaano karaming mayayamang kaanib ang inutangan niya kasama na si Mrs. Co ng Quezon City? Gaano karami ang mga utang niya sa mga bangko? Gaano karami ang kasalukuyang habla sa kaniya kasama na ang ukol sa DZME, maging ang habla sa kanya ng may-ari ng inuupahan ninyong sambahan sa De Jesus St. sa Roosevelt? Gaano karami ang mga kaaway niyang kapitbahay kasama na si Mrs. Dalmacia Gutierrez na kaaway niyang mortal? Tanungin ninyo si Gng. Gutierrez at ang tawag niya kay G. SORIANO ay puta, dalahira, malandi at walang pinag-aralan. Tama bang mamutawi sa bibig ng tunay na sugo ng Diyos na may Espiritu Santo ang mga salitang gago, sira ang ulo, tarantado, walanghiya, manloloko at iba pang mga uri ng mababang uri ng pangungusap na sinasalita lamang ng mga istambay sa kanto at mga walang pinag-aralan? Tagapangaral ba ng Diyos ang napakaraming kasong estafa? Magtanong kayo sa mga pulis sa Apalit at sasabihin sa inyong mga walang kuwentang tao lamang ang maniniwala kay SORIANO dahil alam nila ang lahat ng panloloko at panggagantsong ginawa niya. Inihabla ni G. SORIANO si Evangelist Wilde Almeda dahil tinawag siyang bakla ngunit hindi niya magawang maihabla si Gng. Lolita Hizon, may-ari ng Pampanga's Best nang tawagin siyang bakla dahil may matibay na ebidensiya si Gng. Hizon tungkol sa pagiging bakla ni G. SORIANO. Tanungin rin ninyo si Ginoong Maning Manzanilla, mahigit na 10 taong nakasama ni G. SORIANO sa pangangaral sa radyo at telebisyon kung bakit umalis sa samahan ninyo ang ibang mga manggagawa at mga kapatiran? Ang sabi ni G. Manzanilla ay pana-panahon kung sumpungin si G. SORIANO. Tinalakay na rin ni Ginoong Manolo Favis sa DZBB na si G. SORIANO ay hindi tunay na lalake. Binanggit niya ito noong kainitan ang pag-aaway nila G. SORIANO. Sana bago magturo si G. SORIANO ng mataas na moral ay turuan muna niya ang kaniyang sarili. (Roma 2:20-24).
UKOL SA PAGPAPUTOL NG LEEG
Buong giting na isinigaw ni G. Almeda na magpapabaril siya kapag hindi nanalo si Speaker Joe de Venecia. Buong giting namang tinindigan ni G. SORIANO na magpapaputol siya ng leeg kapag mapatutunayang may isang maling aral na itinuturo niya? Di ba magkauri lamang si G. Almeda at si G. SORIANO dahil parehong sinungaling? At kung magpapaputol nang leeg si G. SORIANO, di ba mas maganda kung hindi na siya magdadamay? Siya na mismo ang pumutol sa kaniyang leeg kapag narinig niya ang tape na ito. Marahil kahit 50 leeg ay kulang dahil napakaraming maling doktrina ang itinuro ni G. SORIANO.
PANAWAGAN
Nanawagan din kami sa mga manggagawa ni G. SORIANO na buksan ang kanilang mga mata at huwag maging mga panatikong tagasunod. Tandaan ninyo na may kaluluwa rin kayong nangangailangan ng kaligtasan. Ang inyong pagpapagal at pagmamalasakit ay magkakaroon lamang ng kabuluhan kung nasa tunay kayong relihiyon. Isa pa, papayag ba kayong maging kasangkapan upang ihatid ang mga tao sa kapahamakan na marahil ay iba rito ay mga mahal ninyo sa buhay. Bakit hindi ninyo pag-ukulang magsuri o magtanong sa mga ministro sa Iglesia ni Cristo tungkol sa lahat ng tuligsa ni G. SORIANO.
Narinig na ninyo ang mga tuligsa ni G. SORIANO sa Iglesia ni Cristo, narinig na ba naman ninyo ang sagot ng Iglesia ni Cristo. LAHAT ng mga tuligsa ni G. SORIANO ay nasagot na ng Iglesia ni Cristo sa programa sa radyo maging sa telebisyon, ngunit ang mga tanong ng Iglesia ni Cristo kay G. SORIANO, kasama na ang mga ito ay hindi pa niya nasasagot. May ilan lamang siyang sinagot ngunit halatang nangangatwiran lamang. Tandaan ninyo ang nakasulat sa Galacia 5:19-21 na ang may hidwang pananampalataya ay hindi magmamana ng kahanulln ng Diyos. Nakasulat din sa II Tesalonica 2:9-12 na ang ayaw sa katotohanan ay ipahihintulot sa kasinungalingan upang mahatulan sila pagdating ng paghuhukom. Ito ba ang gusto ninyong maging hantungan? Gaano karami na ang puhunan, hirap, sakit at pagtitiis ang naranasan ninyo sa pamamalagi sa samahan ni G. SORIANO? Papayag ba kayong ang lahat ng ito ay mawalan ng kabuluhan sapagkat nasa mali kayong samahan? Huwag nawang mangyari!!! May pagkakataon pang ibinibigay ang Diyos para sa kaligtasan ninyo.
Iparinig ninyo ang nilalaman ng tape na ito sa mga kakilala at kaibigan ninyong nadaya at patuloy na dinadaya ni G. SORIANO. Magpakopya rin kayo nito at ipadala sa lahat ng kapatirang patuloy na naligaw ng landas. Kudlit at tuldok lamang ang alisin sa Banal na Kasulatan ay sapat na para hindi kayo magtamo ng kaligtasan, di lalo na kung napakaraming mga aral ang salungatan, idinagdag at ibinawas? Masasabi ba ninyo ng taas sa noo na tunay ang samahan ninyo sa harap ng mga kasinungalingan at mga salungatang aral nina G. Perez at SORIANO? Hindi ba nakasulat sa Apocalipsis 21:8 na ang bahagi ng mga sinungaling ay sa dagat-dagatang apoy? Di ba malinaw pa sa sikat ng araw na kapahamakan ang inyong tinatahak sa samahang kinaaniban ninyo? Kahangalan at kapanatikuhan lamang kung mananatili kayo sa samahang "Ang Dating Daan." Ang tunay na Iglesia ay hindi nagbabago ng doktrina o aral kaya hindi tunay ang Iglesiang kinaaniban ninyo.
Huwag kayong manatili sa mali; doon kayo sumama sa tunay na Iglesia ni Cristo na ipinakikilala ng Biblia. Kaawaan nawa kayo ng tunay na Diyos na marating ang tunay na relihiyong maghahatid sa kaligtasan at buhay na walang hanggan. SA HULI, KAYO ANG HUMATOL O KAYO ANG HAHATULAN !!!
Juan 14:6 "Ako ang daan,ang katotohanan at ang buhay,walang makapupunta sa Ama kundi sa pamamagitan ko" Walang dating daan at walang bagong daan dahil iisa lng ang daan patungo sa Amang nasa langit.
ReplyDeleteJeremias 23:21 at 25
"Sinabi ni Yahweh, "Hindi ko sinugo ang mga propetang iyan, lumakad sila nang hindi ko inuutusan. Nagpahayag sila sa aking pangalan, gayong wala naman akong sinabi sa kanila."
Mateo 24:23-27 Kung may nagsabi sa inyo,Narito ang Mesias! o nariyan siya!.Sapagkat may mga magpapanggap na Mesias at may mga lilitaw na bulaang propeta.Magpapakita sila ng mga kagila-gilalas na TANDA at mga kababalaghan upang iligaw kung maaari,pati ang mga hinirang ng diyos.Tandaan ninyo:ipinagpauna ko nang sabihin ito sa inyo.
"Kaya't kung sabihin nila sa inyo,Naroon siya sa ilang,' huwag kayong maniniwala. Sapagkat kung gaano kabilis gumuhit ang mula sa silangan hanggang sa kanluran,gayon din naman ang pagparito ng Anak ng Tao."Ang mga turo tungkol sa pagsusugo ng Diyos ay nasa Bibliya,pero hindi lahat ng nasusulat ay kailangang bigyan ng kanya kanyang pag-aaral at opinyon para mapaniwala ang mga taong gustong kilalanin ang Diyos. "Unawain at Huwag Pag-aralan" ang salita ng Diyos.Bakit pa ninyo pag aaralan gayong sinasabi na ang lahat mong matutunan patungkol sa Espiritual na pamumuhay."Kalapastanganan sa Harapan ng Diyos ang Pagtatalo-talo ng mga Iglesia sa Banal niyang Salita,magbabatuhan kayo ng kanyang mga salita?Mga mapag paimbabaw !!!
<< Mateo 7 >>
Matthew 7:1-5
1Huwag kayong magsihatol, upang huwag kayong hatulan. 2Sapagka't sa hatol na inyong ihahatol, ay hahatulan kayo: at sa panukat na inyong isusukat, ay susukatin kayo. 3At bakit mo tinitingnan ang puwing na nasa mata ng inyong kapatid, nguni't hindi mo pinapansin ang tahilan na nasa iyong sariling mata? 4O paanong sasabihin mo sa iyong kapatid, Pabayaan mong alisin ko ang puwing sa mata mo; at narito, ang tahilan sa iyong sariling mata? Ikaw na mapagpaimbabaw, alisin mo muna ang tahilan sa iyong sariling mata; at kung magkagayo'y makikita mong malinaw ang pag-aalis mo ng puwing sa mata ng iyong kapatid..Lahat kayong Iglesia!!!Unawain ninyo ang Salitang ito Bago kayo mangaral sa Iba upang hindi ninyo sila madala sa kapahamakan.
Sa mga taong naguguluhan kung ano at sino ang tamang paniwalaan.? Wala na pong iba kundi ang Bibliya',paano po ninyo mauunawaan ang salita ng Diyos? ''Idalangin po natin sa sa Panginoon na bigyan po tayo ng sapat na talino upang maunawaan ang kanyang salita. Pagtupad at pagsunod lamang po sa utos at turo ng Bibliya ang makakapagligtas sa atin.,Hindi ang mga bulaang propeta. Pagtanggap at pagkilala kay Hesu-Cristo ang syang magliligtas sayo. "Naway Pagharian kayo ng Pag-ibig ng Diyos at bigyan kayo ng talino sa pagbabasa ng kanyang salita' sa matamis na pangalan ni Hesus na siyang tagapagligtas ng sanlibutan."Amen.
Hindi masama ang pakikipagtalo kung ito ay laban sa mga maling turo.Ang mga Apostol at si Cristo mismo ay nakipagtuligsaan din sa mga bulaang tagapagturo noon.
DeleteRama dapat makipagdebate Hindi dapat hanggang blog lang
DeleteBakit kc namimili ang lider ng ADD kapag INC ang haharapin.Ang INC hindi ganun,kahit sinong maghamon,hinaharap,pero ang ADD lahat ng conditions at alibi ay ginagawa nila kapag INC ang kaharap.lol
ReplyDeleteI AM CHALLENGING YOU FOR A DEBATE!
ReplyDeleteHere is my site
CHRISTIANWATCHDOG(dot)WORDPRESS(dot)COM
REFUTE ALL THE ANTI-INC ARTICLES I POSTED LIKE
INC IS AN OBSCENE AND PORNOGRAPHIC CHURCH
INC IS AN OPPRESSOR
etc..,
READ MY DEFENSE REGARDING YOUR POST
titled "proving eli soriano as a messenger of god and the church he leads as the true church"
LIKEWISE REGARDING AGGELOS
type aggelos in the search box for the article
And see how stupid you are regarding greek terminology.
AGGELOS DONT MEAN ANGEL BUT MESSENGER WHICH MESSENGER IS CATEGORIZED AS ANGEL AND PASTOR
is aggelos referring to angel or pastor!?
Fool!
Naku butike, sawa na ang INC sa kaletsehan nyong manawagan ng debate ngunit uurong naman ang bahag pagkapinatulan..
DeleteBaka Sasabihin mo ring hindi INC ang hinahamon ko? ������
Christianwatchdog.WordPress.com
ReplyDeletechristianwatchdog,wordpress.com<\url>
ReplyDeletePATUNAYAN NYONG HINDE NAGKAKAMALI ANG TUNAY NA IGLESIA!
ReplyDeletee sabi SA hula, they will be purified through fire!
ANG pinupurify yung me Mali!
?
Saan po ba yan mababasa sir?!
Deleteyung fire e iyon yung mga pagsubok sa buhay, lahat tayo ay may mga kahinaan at kung ano ang mga kahinaan natin ay doon tayo susubukin.
DeleteIlang beses hinamon ng ADD ang INC. ILANG BESES nang inimbitahan ni E. Soriano na humarap si E. Manalo sa isang debate um-OO ang mga ministro ni Manalo pero dapat sa PLAZA(Luneta Park) ito ganapin at hindi sa NATIONAL TELEVISION, gaya ng hamon ni Soriano. Nagkatalaba nalang ang mga paa ng mga Ministro ng INC isang taon makalipas sa pagtanggap ng hamon ni Soriano ay HINDI PA RIN NILA MAIHARAP SI E. MANALO. Sa huli ay sinabi nalang ng mga WALANG ISANG SALITANG mga MINISTRO ni Manalo na "HINDI KASI SILA MAGKALEVEL ni SORIANO" abay MAGALING! MGA HUDAS KAYO!
ReplyDeleteMaka hudas ka!!!....wag pong magsalita ng patapos....!
Deletepara sakin hindi na kailangang maghahamon ng debate ang ADD. patunayan niyo lang na hindi totoo ang mga nilalaman dito. sabihin niyong hindi totoo iyon. at upang mapapatunayan niyong hindi iyon totoo, ihabla niyo sa hukoman upang makita ang katotohanan.
ReplyDeleteProblema kase kapiraso Ng talata lang iniintindi eh... Basahin din kase mga karugtong para maintindihan Ang tunay na meaning Ng sinasabe sa verse. Di Yung puro daldal. Nasa Bible naman lahat Yan. Kailangan lang intindihin
ReplyDelete