TUNAY NA LINGKOD

Saturday, February 15, 2014

World Wide Walk


Ang Pamamahala ng Iglesia ni Cristo ay sadyang nagmamalasakit sa kapakanan ng mga kaanib sa loob ng Iglesia, lahat ay iniisip at pinaplano para sa ikabubuti ng kawan hindi lamang para sa kaligtasan maging sa kalaganayan ng mga kapatid ay kanilang iniisip. Ilang buwan na ang lumipas  (November 2013) mula ng hagupitin ng malakas ng bagyong Yolanda ang ating bansa na kumitil ng maraming buhay at sumira ng maraming mga ari arian ng mga tao. hanggang ngayon ay iniisip ng Pamamahala ang ikabubuti ng mga kapatid na nasalanta. Kahit hindi kaanib sa Iglesia ni Cristo, mga kaibigan at kamag anak, maging ang ating mga kababayan ay kasama sa mga nabibiyayaan. May mga lingap na isinagawa at patuloy na isinasagawa sa maraming lugar. Upang lubos na matulungan ang mga kapatid natin at mga kaibigan na nasalanta ni Yolanda ay nagpasya ang Pamamahala ng isang drive na kung tawagin ay World Wide Walk na nilahukan ng maraming kapatid sa ibat ibang panig ng mundo. Ito po ang ilan sa mga larawan..





Ang gawaing ito ng pamamahala ay laging pinupuna at binibigyan ng maling pakaisipan ng maraming tao na itinuturing na kaaway ang Iglesia ni Cristo. Hindi poi to ginagawa ng INC para ipakita lang sa mga tao O sinasabi ng iba na pakitang tao lang. baket po ba ito ipinasya ng Pamamahala? Anu po ba ang aral ng Diyos ukol sa ganitong mga gawain?

Awit 133:1 ""Masdan ninyo, na PAGKABUTI at PAGKALIGAYA sa mga MAGKAKAPATID na magsitahang magkakasama sa PAGKAKAISA""

Maliwanag sa talata na ang maidudulot ng pagkakaisa ay ang mabuti at maligayang pagsasamahan ng magkakapatid. Totoo po ba na ito ay mabuti at maligaya para sa mga kapatid? Opo kahit ito po ipag tanung natin sa mga nakipag kaisang kapatid. Ito ay kaaya-aya sa harapan ng Dios.

Anu naman po ang idinalangin ng Panginoong Jesus?

Juan 17:9, 11""Idinadalangin ko sila: hindi ang sanglibutan ang idinadalangin ko, kundi yaong mga sa akin ay ibinigay mo; sapagkat sila'y Iyo:...at wala na ako sa sanglibutan, at ang mga ito ay nasa sanlibutan, at ako'y paririyan sa Iyo. Amang banal, ingatan mo sila sa iyong pangalan yaong mga ibinigay mo sa akin, UPANG SILA'Y MAGING ISA, na gaya naman natin.""

Idinadalangin ng ating Panginoong Jesucristo na yaong mga ibinigay ng Ama sa kanya o ang kanyang mga hinirang na kaanib sa kanyang Iglesia ay maging isa. Ang pagkakaisang idinadalangin Niya ay yung gaya ng pagkakaisa ni Cristo at ng Panginoong Dios.

Kaisa ng Diyos at ni Cristo

Juan 17:21, 23 ""Upang silang lahat ay MAGING ISA; NA GAYA MO AMA, SA AKIN, AT AKO'Y SA IYO, NA SILA NAMA'Y SUMAATIN: upang ang sanglibutan ay sumampalataya na ako'y sinugo mo....Ako'y sa kanila, at Ikaw ay sa akin, upang sila'y MALUBOS SA PAGKAKAISA; upang makilala ng sanglibutan na ikaw ang sa akin ay nagsugo, at sila'y iyong inibig, na gaya ko na inibig mo.""

Ang kaisahan ng Iglesia ay hindi lamang kaisahan ng mga kaanib nito kundi kaisa rin dito ang Panginoong Dios at ang Panginoong JesuCristo ("...na sila nama'y sumaatin").

Itinuro ng mga Apostol

1 Corinto 1:10 ""Ngayo'y ipinamamanhik ko sa inyo, mga kapatid, sa pamamagitan ng pangalan ng ating JesuCristo, na kayong lahat ay MANGAGSALITA NG ISA LAMANG BAGAY at  HUWAG MANGAGKAROON SA INYO NG MGA PAGKAKABAHABAHAGI; kundi KAYO'Y MANGALUBOS SA ISA LAMANG PAG-IISIP AT PAGHATOL.""

Maliwanag sa mga talatang nasa itaas na kaya tinutupad ng Iglesia ni Cristo ang pagkakaisa ay hindi lamang dahil sa itinuro ito ng mga apostol kundi lalo na ay ito ay aral ng Dios at ni Cristo na nakasulat sa Biblia.

Anu ang kaisahang isinagawa ng mga kapatid ngayong February 15, 2014?

“Magkakaroon lagi ng mga dukhang tao sa lupain, kaya iniuutos Ko sa inyo na magbigay nang sagana (buksan ang inyong palad) sa inyong kapwa (o kamag-anak, o mga kababayan, o mga kapatid) sa mga dukha at nangangailangan sa inyong lupain.”  Deuteronomio 15:11 (Expanded Bible)

Pinagkaisahan na tulungan ang mga kaibigan, kababayan at mga kapatid natin na nasalanta ng nakaraang Bayong Yolanda. Nag dulot man ito ng konting abala sa mga nadaanan ng mga kapatid,nagdulot man ito ng pagod sa mga nakilahok ay hindi masasayang ang ating pag papagal. Sapagkat ganito ang sinasabi ng banal na kasulatan.

"Kaya nga, mga kapatid kong minamahal, kayo'y magsitatag, huwag makilos, na laging sumasagana sa gawa ng Panginoon, yamang nalalaman ninyo na hindi walang kabuluhan ang inyong gawa sa Panginoon." 1 Corinto 15:58

lahat ay may kabuluhan sa Diyos ang ating ginawang kaisahan, hindi po ito nasayang lahat po ay nakinabang sa pagkakataong ito. Anu po ang katunayan na hindi nasayang an gating ginawang Kaisahan?

1 Kay Timoteo, 6:18-19 18 Na sila'y magsigawa ng mabuti, na sila'y magsiyaman sa mabuting gawa, na sila'y maging handa sa pamimigay, maibigin sa pamamahagi;  19 - Na MANGAGTITIPON sa kanilang SARILI ng isang MABUTING kinasasaligan para sa panahong darating, upang sila'y makapanangan sa BUHAY na TUNAY na buhay. 

napakapalad po para sa isang kaanib sa Iglesia ni Cristo ang pagtulong, paggawa ng mabuti, sapagkat sila ay nagsisipag tipon sa kanilang sarili para makapanangan sa Buhay na Tunay na Buhay.

Anu po ang Dapat gawin ng bawat isang kaanib sa Iglesia ni Cristo ngayong kitang kita natin ang dakilang tulong at awa ng Diyos sa Iglesia at sa Pamamahala? 

Mga Awit, 113:1-2 "PURIHIN ninyo ang Panginoon. Purihin ninyo, Oh ninyong MGA LINGKOD ng Panginoon, purihin ninyo ang pangalan ng Panginoon.  2 - Purihin ang pangalan ng Panginoon mula sa PANAHONG ITO at MAGPAKAILANMAN."


Lahat ng kapurihan ay Ibinabalik natin sa Panginoong Diyos. Salamat po sa Pamamahalang inilagay sa Iglesia na patuloy na kumakalinga hindi lamang sa aming buhay spiritual maging sa kasalukuyang kalagayan namin.

No comments:

Post a Comment