Sa pagkakataong ito ay derektahin natin ang
isa sa mga maling aral na tinataglay o sinasampalatayanan ng Iglesia Katolika
Apostolika Romana, ang paksang ito ay hindi po paninira sa kanilang
pananampalataya kundi ito po ay pagsasaad ng katotohanan upang mabuksan ang
kanilang isipan sa mga maling aral na kanilang tinataglay. Ating pong alamin
anu po ba ang kanilang pagkakilala kay Maria na ina ni Jesus? Sila po ang
ating pasagutin sa pamamagitan ng kanilang aklat na pinamagatang (ANG
AKING BIRHEN MARIA ANG TAGAPAMAGITAN inihanda nina B. Frores at R. Alejandro
sa pahina 57-60).
“Palakasin mo Birhen ko ang aking katawan at kaluluwa
sa ikakikilala sa kapangyarihan mong walang hanggan, paglingkuran ka
ng tapat at sundin ang iyong mga utos,luwalhatiin ang iyong pangalan at
biyaya, ibigin ka nang boong ningas sa aking puso, sambahin ka at
tuwinay alalahanin. Sapagkat ikaw ang Diyos ng awa, ang aking pag asa,
ang aking tungkod, ang aking lakas at ang buhay.”
Page 63.
“…. Ang aking mga kapatid at ang kapwa ko tao na
iyong mga nilikha. Mahabag ka, Ina ko, dito sa inyo, na nagnanasang ikaw
ay sambahin,igalang at purihin nang boong pag-ibig sa lahat ng bagay,
sapagka’t Diyos kang maawain at makapangyarihan sa lahat.”
Ang mga paring katoliko ay may mataas na
pagkakilala kay Maria na ina ni Jesus. Isa isahin natin ang binanggit sa
aklat na ating sinipi. Unahin na natin ang pinaka paksa ng aklat.
1.
Ang aking Birhen Maria ang
Tagapamagitan= dito palang po ay labag na sa utos ng Diyos na nakasulat sa
biblia. Wala po tayong mababasa na si Maria ay tagapamagitan. Sino po ba ang
maliwanag na pinakikilala ng biblia na tagapamagitan? Basahin natin ang
nakasulat sa 1 Juan 2:1
1Mumunti kong mga anak, ang mga bagay na ito
ay isinusulat ko sa inyo upang kayo'y huwag mangagkasala. At kung ang sinoman ay magkasala, ay may Tagapamagitan tayo sa Ama,
si Jesucristo ang matuwid
|
|
Ang panginoong Jesu Cristo po ang Tagapamagitang itinuturo
ng biblia. Hindi po si Maria. Baka po sabihin ng iba na si Maria ay
tagapamagitan din. Ilan po ba ang tagapamagitan na ipinakikilala ng biblia? Sa 1 Tim 2:5
5Sapagka't
may isang Dios at may isang Tagapamagitan sa Dios at sa mga tao,
ang taong si Cristo Jesus,
Napakaliwanag po ng nakasulat sa biblia at hindi po ito
mapapasubalian, Isa lang ang tagapamagitan ang ating Panginoong Jesucristo at
hindi si Maria.
2.
Si Maria ayon sa kanilang pagkakilala ay
Diyos na makapangyarihan sa lahat = muli ay wala pong mababasa sa biblia na si
Maria ay Diyos na makapangyarihan sa lahat sino po ba ang Diyos na ipinakikilala
ng biblia, basahin natin ang mga suod sunod ng mga talata?
Pagpapakilala
ng mga Apostol
" Tungkol nga sa
pagkain ng mga bagay na inihain sa mga diosdiosan, nalalaman natin na ang
diosdiosan ay walang kabuluhan sa sanglibutan, at walang Dios liban sa iisa. Sapagka't bagama't mayroong mga
tinatawag na mga dios, maging sa langit o maging sa lupa; gaya nang may
maraming mga dios at maraming mga panginoon; Nguni't sa ganang atin ay may isang Dios lamang, ang Ama, na
buhat sa kaniya ang lahat ng mga bagay, at tayo'y sa kaniya; at isa lamang
Panginoon, si Jesucristo, na sa pamamagitan niya ang lahat ng mga bagay, at
tayo'y sa pamamagitan niya." (1Cor.8:4-6).
Pagpapakilala
ni Jesus
" Ang mga
bagay na ito ay sinalita ni Jesus; at sa pagtingala ng kaniyang mga mata sa
langit, ay sinabi niya, Ama, dumating na ang oras; luwalhatiin mo ang iyong
Anak, upang ikaw ay luwalhatiin ng Anak: At
ito ang buhay na walang hanggan, na ikaw ay makilala nila na iisang Dios na
tunay, at siyang iyong sinugo, sa makatuwid baga'y si Jesucristo." (Juan 17:1,3)
Pagpapakilala
ng mga Propeta
2 Samuel 7:22 “Kaya't ikaw ay dakila, Oh Panginoong Dios:
sapagka't walang gaya mo, o may ibang
Dios pa bukod sa iyo, ayon sa lahat na aming naririnig ng aming mga
pakinig.”
Pagpapakilala mismo ng Diyos
Isaias 45:21 “Kayo'y
mangagpahayag, at mangagpasapit; oo, magsanggunian silang magkakasama: sinong
nagpakilala nito mula nang mga unang panahon? sinong nagpahayag niyaon nang
una? hindi baga ang Panginoon? at
walang Dios liban sa akin: isang ganap na Dios at Tagapagligtas; walang iba liban sa akin.”
Isaias 44:8 “Kayo'y huwag mangatakot, o magsipangilabot
man: hindi ko baga ipinahayag sa iyo nang una, at ipinakilala? at kayo ang
aking mga saksi. May Dios baga liban
sa akin? oo, walang malaking Bato; ako'y walang nakikilalang iba.”
Ang ipinakilala mismo
ng mga Apostol, ni Jesus mga unang lingkod ng Diyos ay ang Ama ang iisang
tunay na Diyos at hindi si Maria ganun din ang pagpapakilala ng Diyos siya
lang ang nag iisa. Kaya mali po ang kanilang pagtuturo patungkol kay maria na
Diyos. Ito po ay labag at tahasang pagsalangasang sa Diyos. Nakatitiyak tayo
na hindi ikaliligtas ang may maling aral. Kaya ditto ay hinihikayat naming kayo
na patuloy na magsuri sa mga salita ng Diyos na sinasampalatayanan ng Iglesia
ni Cristo.
|
Isa ka pang hungkag ka saksakan ng kaimpokrituhan! Kahit sinong Katoliko hindi mo KAYANG BOLAHIN sa mga pa-quote quote mo!
ReplyDeleteAlam namin kung SINO SI MARIA! Kahit magtanong ka pa sa mga Katolikong Intsik, iisa lang ang sagot sa iyo.!
Yung di mo pagkaunawa HUWAG MONG isisi sa aming mga Katoliko!
Hindi naman nambobola yung sumulat, nagsasabi lang siya ng totoo, at yung kanyang mga quotes eh para patunayan na hindi siya nagsasabi ng mula sa kanyang sarili, kundi nagmula sa Biblia. at wala naman siyang sinabi na sinisisi nya ang mga katoliko.
DeleteSalamat po sa pag babasa mo.. kaibigan... talagang mahirap po tanggapin ang katotohanan
ReplyDeleteWala kang galang sa lumalang sayo!
ReplyDeleteSumasamba kau sa rebultong inanyuan ng tao kysa gumawa sayo!
Aba Ginoong Maria! ANO RAW? LALAKI?
ReplyDeleteSa sobrang tagal na ng Simbahang Katolika na itinatag mismo ng ating Panginoong Hesukristo noong taong 33,napakarami ng aral nito na nagmula mismo sa bibliyang ang Simbahang katolika din naman ang nagsaayos nuong unang siglo upang maging kung ano ito sa ngayon, ay namimisinterpret at sinasadyang imisinterpret ng ibang relihiyong bigla na lamang sumulpot iilang taon pa lamang ang nakalilipas at inaangking sila ang tunay na simbahan at sila lang ang maliligtas,ang simbahang ang nagtatag ay tao lamang at hindi ang Diyos. kahit gaano pa man kayo mag ingay at manira ng tunay na simbahang itinatag ni Kristo na taong totoo at Diyos na totoo, kailanman, ito ay mananatiling nakatayo sapagkat ang pundasyon nito ay si Kristo mismo.
ReplyDeleteAng tanong:
ReplyDeleteMeron ba talagang page 63 sa aklat na yan?.. Hahahahahaha
Nakakaawa kayong mga INC. Mali kayo ng pagkaunawa sa lahat ng aral ng Katolisismo, pero kung magsalita kayo akala niyo kung sino kayong mga eksperto. Karaniwan na kayong kumukuha ng mga "quotes" sa mga aklat na sinasabi sa inyo ng mga ministro, pero sa malamang hindi niyo nabasa ng sarili ninyong mata ang mga aklat na binanggit ninyo. Ang opisyal na turo ng Simbahang Katolika ay nakapaloob sa "Cathechism of the Catholic Church." Kung gusto ninyong tuligsain ang mga aral Katoliko, doon kayo magsimula, at basahin niyo ang Bibliya ng naaayon sa kanyang pagkakasunod-sunod, wag patalon-talon at wag pagtagpi-tagpiin ang mga sitas na walang kaugnayan sa isa't-isa.
ReplyDeleteSi Maria ay tinatawag naming "Blessed" at mababasa mo ito sa Lukas 1:48. Hindi siya Diyosa, at kahit kailan hindi siya ituturing na ganoon. Wag ka mag-assume na darating ang panahon na mababago ang aral na ito. Para maunawaan mo ang pagbibigay halaga ng Simbahan kay Maria, basahin mo ang buong ebanghelyo, wag lalaktaw gaya ng ginagawa niyo sa mga pagsamba ninyo. Hindi mo mauunawaan ang Bibliya kung para kayong mga ministro ninyong palaktaw-laktaw ng basa sa mga aklat, talata at bersikulo sa Bibliya.
Maraming salamat.
Sa totoo lang po Hindi po ako sang ayon sa tinuro nyu po, dahil ginawa nyu nang Dios Ang berhin maria, si Maria po at tawo at ipinanganak siya galing sa gawa Ng tao at Hindi sa Dios , napaka bulag ang iyong mga Mata na Hindi nyu na Kikita Ang Tama puro kanalian Ang Inyung ginagawa at itinuturo, ngayun Lang po ako nakapagbasa nito kase curious ako eh Kung ano talaga laman dito, pero Dios ko Hindi nakakatuwa sa Mara Ng Panginoon Hesus Ang Inyung ginagawa si Maria at pinag pala Lang Hindi ginawang Dios , at kit Isa walang tao Ang nakapag sabi na Maria Diyos kahit anung gawin mo sa bible kahit baliktadbaliktarin moyan Wala Kang makikita na si Maria ay Diyos , dahil pag Dios Maria, bakit Hindi siya nalang Yung nag papako sa krus eh andito nanaman siya sa sanlibutan panahon na yun, eh bakit Sabi ni Ni Jesus na ako at Ang ama ay iisa bakit Hindi nya sinali si Maria , napakabulag at pipi nyu po Wala kayong malalim na pag uunawa sa bible kaya ayun dahil namiss interpret Ang salitang ina Ng Dios na Panginoon Jesus si Maria ginawa nalang siyang Dios Ng tao , grabee Ang paglinla Ng kaaway sa Inyu, Hindi kaayo natatakot sa Diyos na gumagawa kayo ng pagtuturo tapos Mali pa wowww
ReplyDelete