TUNAY NA LINGKOD

Friday, January 24, 2014

Si Cristo ba ang Tunay na Diyos sa I JUAN 5:20?



Mga mga nagtutrong si Cristo ay Diyos ay nagpipilit gumamit ng talata upang kanilang patunayan di umano ang kanilang paniniwala. Ang isa sa kanilang pinag babatayan ay ang nakasulat sa I Juan 5:20, pagaralan po natin ang talatang ito. Sipiin natin ang nakasulat.

I Juan 5:20 “At nalalaman natin na naparito ang Anak ng Dios, at tayo'y binigyan ng pagkaunawa, upang ating makilala siya na totoo, at tayo'y nasa kaniya na totoo, sa makatuwid ay sa kaniyang Anak na si Jesucristo.  Ito ang tunay na Dios, at ang buhay na walang hanggan.”

 Sa talatang ito ay may banggit na “Ito ang tunay na Dios, at ang buhay na walang hanggan.” Sinasabi ng mga naniniwalang si cristo ay Diyos na ang tinawag sa talatang ito na tunay na Diyos ay ang Panginoong Jesucristo. Tinawag nga ba ang Panginoong Jesucristo na “tunay na Diyos” sa I Juan 5:20? Hindi po, bakit po tayo nakatitiyak?

UNA, Hindi sinabi ng Biblia na “si Jesucristo ang tunay na Diyos.” Walang sinabing gayun ang talata, kundi “Ito ang tunay na Dios, at ang buhay na walang hanggan.” Mapapansin na magkabukod na pangungusap ang banggit na “sa kaniyang Anak na si Jesucristo” at ang banggit na “Ito ang tunay na Diyos.
IKALAWA, kung tatanggapin natin na si Cristo ang tinutukoy ng banggit na  “Ito ang tunay na Diyos” ay lalabas na si Cristo ay may anak na tinatawag na “Anak ng Diyos” sapagkat binanggit din sa talata na “At nalalaman natin na naparito ang Anak ng Dios.”

IKATLO, lalabas na dalawa ang Cristo: isang Cristong tunay na Diyos at isa pang Cristong Anak ng Diyos. Kung si Cristo ang binabanggit sa I Juan 5:20 na “Ito ang tunay na Diyos”magiging dalawa ang Cristo sapagkat sinasabi rin sa talata na “sa kaniyang Anak na si Jesucristo.” Anak ng tunay na Diyos si Cristo. Kaya kung si Cristo ang tunay na Diyos ay lalabas na Anak ng tunay na Diyos na si Cristo si Cristo.
Samakatuwid, maling-mali na ipakahulugan na si Cristo ang tinutukoy ng banggit na “Ito ang tunay na Dios, at ang buhay na walang hanggan.”

Kung sino ang tintutukoy na tunay na Diyos sa I Juan 5:20 ay siyasatin nating mabuti ang talata.
Ang sabi sa I Juan 5:20, “At nalalaman natin na naparito ang Anak ng Dios.”Sino ang tinutukoy na “Anak ng Diyos” na naparito? Sinabi rin sa talata na  “sa kaniyang Anak na si Jesucristo.” Samakatuwid, si Cristo ang tinutukoy na Anak ng Diyos na naparito.

Bakit naparito ang Anak ng Diyos na si Cristo? Ang sabi sa talata, “At nalalaman natin na naparito ang Anak ng Dios, at tayo'y binigyan ng pagkaunawa, upang ating makilala siya na totoo.” Naparito si Cristo upang bigyan tayo ng pagkaunawa upang makilala natin “siya na totoo.”

Sino ang “totoo” na ipinakilala ng Anak ng Diyos na si Cristo kaya Siya ay naparito? Ang sabi sa talata, “Ito ang tunay na Dios, at ang buway na walang hanggan.” Kaya, ang isa sa misyon ng Panginoong Jesucristo kaya Siya naparito ay upang ipakilala ang tunay na Diyos.

Sa mga saling New World Translation, Goodspeed at Contemporary English Version ay ito ang maliwanag na pinatutunayan:

New World Translation:
“But we know that the son of God has come, and he has given us intellectual capacity that we may gain the knowledge of the true one. And we are in union with the true one, by means of his son Jesus Christ. This is the true God and life everlasting.”

Goodspeed:
“And we know that the Son of God has come, and he has given us power to recognize him who is true; and we are in union with him who is true, through his Son, Jesus Christ. He is the true God and eternal life.”

Contemporary English Version:
“We know that Jesus Christ the son of God has come and has shown us the true God. And because of Jesus, we now belong to the true God who gives eternal life.”

Samakatuwid, ang itinuturo ng I Juan 5:20 ay naparito ang Panginoong Jesucristo upang ipakilala ang tunay na Diyos. Hindi ito pagpapatunay na si Cristo ang tunay na Diyos. Totoo ban a ipapakilala ni Cristo ang Tunay na Diyos? Basahin natin ang nakasulat saaklat din ni Apostol Juan. sa Juan 1:18

“Walang taong nakakita kailan man sa Dios; ang bugtong na Anak, na nasa sinapupunan ng Ama, siya ang nagpakilala sa kanya.”

 ayon sa ating nabasa ang bugtong na anak ang magpapakilala, sino ang bugtong na anak ng Diyos? Walang iba kundi ang ating Panginoong Jusucristo. Ipinakilala nga po ba ni Cristo kung sino ang tunay na Diyos at buhay na walang haggan? OPO. Ito po ang katunayan, nakasulat sa

Jaun 17:1 at 3
“Ang mga bagay na ito ay sinalita ni Jesus; at sa pagtingala ng kaniyang mga mata sa langit, ay sinabi niya, Ama, dumating na ang oras; luwalhatiin mo ang iyong Anak, upang ikaw ay luwalhatiin ng Anak:
“At ito ang buhay na walang hanggan, na ikaw ay makilala nila na iisang Dios na tunay, at siyang iyong sinugo, sa makatuwid baga'y si Jesucristo.”

Sino ang ipinakilala ng Panginoong Jesucristo na tunay na Diyos at buhay na walang hanggan? Walang iba kundi ang kaisa isang tunay na Diyos ang Ama hindi ang kaniyang sarili o hindi silang dalawa. Anu ang kahalagahan kung ating makilala ang isang tunay na Diyos? Ito ang buhay na walang hanggan, itong uri ng pagkilala sa tunay na Diyos ay ang ikapag tatamo ng kaligtasan.

Samakatuwid, ang tintuutkoy ni Apostol Juan sa I Juan 5:20 na “Ito ang tunay na Dios” ay hindi si Cristo kundi ang ipinakilala ng Panginoong Jesucristo na iisang Diyos na tunay, ang KANIYANG AMA.



9 comments:

  1. kapag po ba sinabi na si Jesus ay Anak ng diyos ay hindi na siya diyos?eh diba anak rin sya ni Mary?

    ReplyDelete
    Replies
    1. tayo rin naman anak ng Dios pero hindi tayo dios. Mga Taga-Roma, 8:16 - Ang Espiritu rin ang nagpapatotoo kasama ng ating espiritu, na tayo'y mga anak ng Dios:

      Delete
  2. anak po siya ni mary sa laman. iba po ang anak sa laman at anak sa espiritu.
    BASAHIN PO NATIN ITO KAPATID.
    Roma 8:12
    Kaya nga, mga kapatid, mga may utang tayo, hindi sa laman, upang mabuhay ayon sa laman: 13Sapagka't kung mangabuhay kayo ng ayon sa laman, ay mangamamatay kayo; datapuwa't kung sa pamamagitan ng Espiritu ay pinapatay ninyo ang mga gawa ng laman, ay mangabubuhay kayo. 14Sapagka't ang lahat ng mga pinapatnubayan ng Espiritu ng Dios, ay sila ang mga anak ng Dios. 15Sapagka't hindi ninyo muling tinanggap ang espiritu ng pagkaalipin sa ikatatakot; datapuwa't tinanggap ninyo ang espiritu ng pagkukupkop, na dahil dito'y sumisigaw tayo, Abba, Ama. 16Ang Espiritu rin ang nagpapatotoo kasama ng ating espiritu, na tayo'y mga anak ng Dios:

    ReplyDelete
  3. Di ba may karugtongtung yan...ito ang tunay na Diyos,at buhaybna walang hangan.di ba ang buhay na walang hanggan si cristo,nababasa sa itaas na talata..

    1 Juan 5:11
    "At ito ang patotoo, na tayo'y binigyan ng Dios ng buhay na walang hanggan, at ang buhay na ito ay nasa kaniyang Anak."

    ReplyDelete
    Replies
    1. nasa kanyang anak ang buhay na walang hanggan kasi si Cristo ang magpapakilala sa tunay na Dios ang katumbas pag nakilala mo ang tunay na Dios magkakamit ka ng buhay na walang hanggan.

      Delete
    2. uan, 17:1 - Ang mga bagay na ito ay sinalita ni Jesus; at sa pagtingala ng kaniyang mga mata sa langit, ay sinabi niya, Ama, dumating na ang oras; luwalhatiin mo ang iyong Anak, upang ikaw ay luwalhatiin ng Anak:
      Juan, 17:3 - At ito ang buhay na walang hanggan, na ikaw ay makilala nila na iisang Dios na tunay, at siyang iyong sinugo, sa makatuwid baga'y si Jesucristo.

      Delete
    3. Mga Gawa, 13:23 - Sa binhi ng taong ito, ayon sa pangako, ang Dios ay nagkaloob ng isang Tagapagligtas, na si Jesus;

      Delete
  4. Paano po yung nkasulat dto sa Hebreo chapter 1 vers 8 ano po pwedeng paliwanag dto? Slamat po

    ReplyDelete
  5. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete