May mga nagsasabi na may
tatlong dako na pinaglalagyan sa mga taong nangamamatay. Ang mga banal daw ay sa langit
o glorya, banal man at hindi naman lubos o ganap na nakapagkawas o nakapaglinis
sa pamamagitan ng pagkukumpisal ay sa purgatoryo raw at ang mga makasalanan ay
sa impiyerno. Ang iba naman ay nagtuturong may dalawang dakong pinaglalagyan ng
mga namamatay ngayon:—sa langit at sa impiyerno. Naniniwala rin silang ang mga
patay ay tumatanggap na ng kagantihan pagkatapos na mamatay. Mabuti ay alamin
natin ang katotohanang nakasulat sa biblia kung saan naroon ang amga namatay.
Alamin muna natin Anu ba ang tawag ni Jesus at mga Apostol sa mga patay? Basahin
muna natin ang pahayag n gating P. Jesus sa
Sa Juan 11:11-14, “Ang
mga bagay na ito'y sinalita niya: at pagkatapos nito'y sinabi niya sa kanila,
Si Lazaro na ating kaibigan ay natutulog;
nguni't ako'y paroroon, upang gisingin ko siya sa pagkakatulog.
“Sinabi nga ng mga alagad sa kaniya, Panginoon, kung siya'y natutulog, ay siya'y gagaling.
“Sinalita nga ni Jesus ang tungkol sa kaniyang pagkamatay: datapuwa't sinapantaha nila na ang sinalita ay ang karaniwang pagtulog. “Nang magkagayon nga ay sinabi sa kanila ni Jesus ng malinaw, Si Lazaro ay patay.”
Malinaw ang pahayag na ito ng ating Panginoong Jesucristo. Ang tawag
Niya sa taong patay ay natutulog. Ganito rin kaya ang natutuhan ng mga Apostol
kay Cristo?
Sa I Tes. 4:13,“Nguni't hindi
namin ibig na kayo'y di makaalam, mga kapatid, tungkol sa nangatutulog; upang kayo'y huwag mangalumbay, na gaya ng
mga iba, na walang pagasa.”
Si Jesus at ang mga
Apostol ay may iisang tawag sa taong patay-natutulog
Saan naroroon ang mga natutulog o ang mga patay? Nasa langit kaya ang mga banal? Nasa purgatoryo kaya ang mga banal na hindi lubos na nakapaglinis o hindi lubos na nakapagkawas ng kasalanan ayon sa mga pari? Nasa impiyerno kaya naman ang mga makasalanan?
Saan naroroon ang mga natutulog o ang mga patay? Nasa langit kaya ang mga banal? Nasa purgatoryo kaya ang mga banal na hindi lubos na nakapaglinis o hindi lubos na nakapagkawas ng kasalanan ayon sa mga pari? Nasa impiyerno kaya naman ang mga makasalanan?
Sa Dan. 12:2, ganito ang sagot sa mga tanong na iyan:
“At
marami sa kanila na nangatutulog sa
alabok ng lupa ay mangagigising, ang iba'y sa walang hanggang buhay, at ang
iba'y sa kahihiyan at sa walang hanggang pagkapahamak.”
Ayon sa biblia ang mga nangamatay ay nasa alabok ng lupa. Kaya wala sa
langit, purgatory o impiyerno ang mga nangamatay namamalagi sa alabok ng lupa.
Hanggang kalian kaya manantili sa alabok ng lupa o sa libingan ang mga
patay? Gaano katagal mananatili sa libingan ang mga patay na tao? Sa Job. 14:12, ganito ang
sagot:
“Gayon
ang tao ay nabubuwal at hindi na bumabangon:
hanggang sa ang langit ay mawala, sila'y hindi magsisibangon, ni mangagigising
man sa kanilang pagkakatulog.”
Maliwanag po na mamamalagi sa libingan ang mga nangamatay hanggang sa
mawala ang langit. Nawala naba ang langit? Hindi pa po. Kaya mula noon hanggang
ngayon ay namamalagi sila sa alabok ng lupa o libingan.
Kailan kaya mawawala ang langit na siyang panahon ng pagbangon ng mga
taong nangamamatay? Sa II Ped 3:10
“Datapuwa't darating ang araw ng Panginoon
na gaya ng magnanakaw; na ang sangkalangitan sa araw na iyan ay mapaparam
na kasabay ng malaking ugong, at ang mga bagay sa langit ay mapupugnaw sa
matinding init, at ang lupa at ang mga gawang nasa lupa ay pawang masusunog.”
Pagdating ng araw ng Panginoon o ang Araw ng paghuhukom ang pagkawala ng
langit at lupa. Na siyang panahon ng pagbangon ng mga patay sa libingan.
Hanggat di pa nag huhukom namamalaging nasa libingan ang mga patay. Kaya
kasinungalingan ang sinasabi ng ibang relihiyon na hinuhukuman na agad ang mga
tao pagkamatay o ang iba naman namatay ay agad tatanggap ng kagantihan. Malinaw
na maling aral ang kanilang tinuturo na ikapapahamak ng tao.
May sinasabi pa ba ang Diyos kung hanggang kalian mananatili sa libingan
ang mga patay na tao? Ganito ang sabi sa Job. 14:14:
“Kung
ang isang tao ay mamatay, mabubuhay pa ba siya? Lahat ng araw ng aking
pakikipagbaka ay maghihintay ako, hanggang
sa dumating ang pagbabago.”
Ang sabi sa talata hanggang sa dumating ang pagbabago. Alin itong
binabangit na panahon ng pagbabago na darating na sapanahong ito mabubuhay ang
mga patay? Sa I Cor. 15:51-53, basahin natin:
“Narito,
sinasaysay ko sa inyo ang isang hiwaga: hindi tayong lahat ay mangatutulog,
nguni't tayong lahat ay babaguhin,
“Sa isang sangdali, sa isang kisap-mata, sa huling pagtunog ng pakakak: sapagka't tutunog ang pakakak, at ang mga patay ay mangabubuhay na maguli na walang kasiraan, at tayo'y babaguhin.
“Sa isang sangdali, sa isang kisap-mata, sa huling pagtunog ng pakakak: sapagka't tutunog ang pakakak, at ang mga patay ay mangabubuhay na maguli na walang kasiraan, at tayo'y babaguhin.
“Sapagka't kinakailangan na itong may kasiraan ay magbihis ng walang kasiraan, at itong may kamatayan ay magbihis ng walang kamatayan.”
Ayon sa mga talatang ito ng Biblia, sa pahayag ni Apostol
Pablo, ang panahon ng pagbabago’y sa huling pagtunog ng pakakak, at ayon sa
pahayag ni Apostol Pablo ang panahon ng huling pagtunog ng pakakak ay sa
pagbaba ni Cristo mula sa langit (I Tes. 4:16). Diyan din sa panahong iyan
bubuhayin ang mga patay. Ang mga unang mabubuhay na mag-uli ay ang mga kay
Cristo. Sapagka’t sa panahong ito lamang bubuhayin ang mga patay, papaano
magiging katotohanan pa rin ang sinasabi ng mga ibang tagapagturo gaya ng pari
at pastor protestante na pagkamatay ng mga tao ay tumatanggap na ng kagantihan?
Hindi totoo iyan. Laban iyan sa pagtuturo ng Biblia. Iyan ang dayang aral.
Ang kalagayan ng mga taong patay
Datapuwa’t sa kabila ng mga katotohanang inilalahad ng Biblia
ukol sa kalagayan ng mga taong patay, ang mga pari ng Iglesia Katolika’y
ipinipilit pa rin na ang mga banal daw na nangamatay ay nasa langit na nga at
maaaring dalanginan upang sila’y ipamagitan sa Diyos. Mayroon bang kamalayan
ang mga patay na nasa libingan? Sa araw na ang tao’y mamatay, mayroon pa ba
siyang pag-iisip? Sa Awit 146:4, ganito ang pahayag:
“Ang hininga niya ay pumapanaw, siya'y nanunumbalik sa kaniyang
pagkalupa; sa araw ding yaon ay mawawala ang kaniyang pagiisip.”
Paano kaya mapananalanginan ang taong wala nang hininga at
bumalik na sa kaniyang pagkalupa o naging alabok na muli? Papaano makasasagot
ang walang pag-iisip? Ang taong namatay ay wala nang hininga, nalulusaw at
nagiging lupa at wala nang pag-iisip. Yaon lamang sira ang bait o baliw ay
hindi dapat pakipag-usapan sapagka’t sira nga ang isip. Hindi kaya ibayong sira
ang tumawag o manalangin sa walang pag-iisip? Kayo na ang humatol. At upang
patibayan pa ng Santong Sulat na talagang walang malay at ni walang bahagi ang
mga patay sa mga ginagawa sa ilalim ng araw ay ganito ang mababasa sa Ecles.
9:5-6:
“Sapagka't nalalaman ng mga buhay, na sila'y mangamamatay: nguni't hindi nalalaman ng patay ang
anomang bagay ni mayroon pa man silang kagantihan; sapagka't ang alaala sa kanila ay nakalimutan.
“Maging ang kanilang pagibig, gaya ng kanilang pagtatanim at ng kanilang pananaghili ay nawala ngayon; na wala man silang anomang bahagi pa na magpakailan man sa anomang bagay na nagawa sa ilalim ng araw.”
“Maging ang kanilang pagibig, gaya ng kanilang pagtatanim at ng kanilang pananaghili ay nawala ngayon; na wala man silang anomang bahagi pa na magpakailan man sa anomang bagay na nagawa sa ilalim ng araw.”
Napakalinaw ng mga pangungusap na iyan ng Bibliya. Ang patay ay walang anumang nalalaman; kahit ang kanilang kagantihan, sapagka’t ang alaala sa kanila ay nakalimutan ng lahat. Anumang gawin ng mga buhay patungkol sa mga patay, gaya ng pagdarasal o anumang pag-aalay sa kanila ay wala silang anumang bahagi. Lalong hindi naman makapapamagitan ang mga patay para sa mga buhay, sapagka’t “ang patay ay hindi pumupuri sa Panginoon ni sinumang nabababa sa katahimikan o sa libingan.” (Awit 115:17). Maging si David na hari ng Israel ay hindi pa rin umakyat sa langit bagaman siya’y inaring banal (Gawa 2:29, 34).
Namamatay ang kaluluwa ngunit ang mga tagapagturo na nagsasabing ginanti na raw
ang mga taong namatay, ay nagmamatuwid ng ganito: Na di-umano ang mananatili
raw sa libingan ay ang katawang lupa lamang, datapuwa’t ang kaluluwa raw ang
umaakyat sa langit. Kung ang tao kaya’y mamatay, ano ang nangyayari sa
kaluluwa?
Sa Ezek. 18:4, ganito ang patotoo ng Diyos:
“Narito, lahat ng kaluluwa ay akin; kung paano ang kaluluwa ng ama,
gayon din ang kaluluwa ng anak ay akin: ang
kaluluwa na nagkakasala ay mamamatay.”
Tiyak ang pahayag ng Diyos na ang kaluluwa na nagkakasala ay
mamamatay. Kaya kapag ang tao’y namatay, kasamang namamatay ang kanyang
kaluluwa. Kaya maliwanag kung gayon na ang pagtuturo ng ilang relihiyon ay
labag sa kalooban ng Diyos na nakasulat sa biblia. Ang maling araw kalian may
hindi nakasalig sa mga salita ng Diyos ay hindi ikaliligtas.