TUNAY NA LINGKOD

Wednesday, February 19, 2014

Ang Pagkakilala ng IKAR kay Maria.

Description: http://biblehub.com/clearrectangle.gif



Sa  pagkakataong ito ay derektahin natin ang isa sa mga maling aral na tinataglay o sinasampalatayanan ng Iglesia Katolika Apostolika Romana, ang paksang ito ay hindi po paninira sa kanilang pananampalataya kundi ito po ay pagsasaad ng katotohanan upang mabuksan ang kanilang isipan sa mga maling aral na kanilang tinataglay. Ating pong alamin anu po ba ang kanilang pagkakilala kay Maria na ina ni Jesus? Sila po ang ating pasagutin sa pamamagitan ng kanilang aklat na pinamagatang (ANG AKING BIRHEN MARIA ANG TAGAPAMAGITAN inihanda nina B. Frores at R. Alejandro sa pahina 57-60).

“Palakasin mo Birhen ko ang aking katawan at kaluluwa sa ikakikilala sa kapangyarihan mong walang hanggan, paglingkuran ka ng tapat at sundin ang iyong mga utos,luwalhatiin ang iyong pangalan at biyaya, ibigin ka nang boong ningas sa aking puso, sambahin ka at tuwinay alalahanin. Sapagkat ikaw ang Diyos ng awa, ang aking pag asa, ang aking tungkod, ang aking lakas at ang buhay.”

Page 63.
“…. Ang aking mga kapatid at ang kapwa ko tao na iyong mga nilikha. Mahabag ka, Ina ko, dito sa inyo, na nagnanasang ikaw ay sambahin,igalang at purihin nang boong pag-ibig sa lahat ng bagay, sapagka’t Diyos kang maawain at makapangyarihan sa lahat.

Ang mga paring katoliko ay may mataas na pagkakilala kay Maria na ina ni Jesus. Isa isahin natin ang binanggit sa aklat na ating sinipi. Unahin na natin ang pinaka paksa ng aklat.

1.    Ang aking Birhen Maria ang Tagapamagitan= dito palang po ay labag na sa utos ng Diyos na nakasulat sa biblia. Wala po tayong mababasa na si Maria ay tagapamagitan. Sino po ba ang maliwanag na pinakikilala ng biblia na tagapamagitan? Basahin natin ang nakasulat sa 1 Juan 2:1

1Mumunti kong mga anak, ang mga bagay na ito ay isinusulat ko sa inyo upang kayo'y huwag mangagkasala. At kung ang sinoman ay magkasala, ay may Tagapamagitan tayo sa Ama, si Jesucristo ang matuwid


Ang panginoong Jesu Cristo po ang Tagapamagitang itinuturo ng biblia. Hindi po si Maria. Baka po sabihin ng iba na si Maria ay tagapamagitan din. Ilan po ba ang tagapamagitan na ipinakikilala ng biblia? Sa 1 Tim 2:5
5Sapagka't may isang Dios at may isang Tagapamagitan sa Dios at sa mga tao, ang taong si Cristo Jesus, 

Napakaliwanag po ng nakasulat sa biblia at hindi po ito mapapasubalian, Isa lang ang tagapamagitan ang ating Panginoong Jesucristo at hindi si Maria.
2.    Si Maria ayon sa kanilang pagkakilala ay Diyos na makapangyarihan sa lahat = muli ay wala pong mababasa sa biblia na si Maria ay Diyos na makapangyarihan sa lahat sino po ba ang Diyos na ipinakikilala ng biblia, basahin natin ang mga suod sunod ng mga talata?

Pagpapakilala ng mga Apostol
" Tungkol nga sa pagkain ng mga bagay na inihain sa mga diosdiosan, nalalaman natin na ang diosdiosan ay walang kabuluhan sa sanglibutan, at walang Dios liban sa iisa. Sapagka't bagama't mayroong mga tinatawag na mga dios, maging sa langit o maging sa lupa; gaya nang may maraming mga dios at maraming mga panginoon; Nguni't sa ganang atin ay may isang Dios lamang, ang Ama, na buhat sa kaniya ang lahat ng mga bagay, at tayo'y sa kaniya; at isa lamang Panginoon, si Jesucristo, na sa pamamagitan niya ang lahat ng mga bagay, at tayo'y sa pamamagitan niya." (1Cor.8:4-6).

Pagpapakilala ni Jesus

" Ang mga bagay na ito ay sinalita ni Jesus; at sa pagtingala ng kaniyang mga mata sa langit, ay sinabi niya, Ama, dumating na ang oras; luwalhatiin mo ang iyong Anak, upang ikaw ay luwalhatiin ng Anak: At ito ang buhay na walang hanggan, na ikaw ay makilala nila na iisang Dios na tunay, at siyang iyong sinugo, sa makatuwid baga'y si Jesucristo." (Juan 17:1,3)

Pagpapakilala ng mga Propeta

2 Samuel 7:22 “Kaya't ikaw ay dakila, Oh Panginoong Dios: sapagka't walang gaya mo, o may ibang Dios pa bukod sa iyo, ayon sa lahat na aming naririnig ng aming mga pakinig.”
Pagpapakilala mismo ng Diyos

 Isaias 45:21 “Kayo'y mangagpahayag, at mangagpasapit; oo, magsanggunian silang magkakasama: sinong nagpakilala nito mula nang mga unang panahon? sinong nagpahayag niyaon nang una? hindi baga ang Panginoon? at walang Dios liban sa akin: isang ganap na Dios at Tagapagligtas; walang iba liban sa akin.

Isaias 44:8 “Kayo'y huwag mangatakot, o magsipangilabot man: hindi ko baga ipinahayag sa iyo nang una, at ipinakilala? at kayo ang aking mga saksi. May Dios baga liban sa akin? oo, walang malaking Bato; ako'y walang nakikilalang iba.”

Ang ipinakilala mismo ng mga Apostol, ni Jesus mga unang lingkod ng Diyos ay ang Ama ang iisang tunay na Diyos at hindi si Maria ganun din ang pagpapakilala ng Diyos siya lang ang nag iisa. Kaya mali po ang kanilang pagtuturo patungkol kay maria na Diyos. Ito po ay labag at tahasang pagsalangasang sa Diyos. Nakatitiyak tayo na hindi ikaliligtas ang may maling aral. Kaya ditto ay hinihikayat naming kayo na patuloy na magsuri sa mga salita ng Diyos na sinasampalatayanan ng Iglesia ni Cristo.






Saturday, February 15, 2014

World Wide Walk


Ang Pamamahala ng Iglesia ni Cristo ay sadyang nagmamalasakit sa kapakanan ng mga kaanib sa loob ng Iglesia, lahat ay iniisip at pinaplano para sa ikabubuti ng kawan hindi lamang para sa kaligtasan maging sa kalaganayan ng mga kapatid ay kanilang iniisip. Ilang buwan na ang lumipas  (November 2013) mula ng hagupitin ng malakas ng bagyong Yolanda ang ating bansa na kumitil ng maraming buhay at sumira ng maraming mga ari arian ng mga tao. hanggang ngayon ay iniisip ng Pamamahala ang ikabubuti ng mga kapatid na nasalanta. Kahit hindi kaanib sa Iglesia ni Cristo, mga kaibigan at kamag anak, maging ang ating mga kababayan ay kasama sa mga nabibiyayaan. May mga lingap na isinagawa at patuloy na isinasagawa sa maraming lugar. Upang lubos na matulungan ang mga kapatid natin at mga kaibigan na nasalanta ni Yolanda ay nagpasya ang Pamamahala ng isang drive na kung tawagin ay World Wide Walk na nilahukan ng maraming kapatid sa ibat ibang panig ng mundo. Ito po ang ilan sa mga larawan..





Ang gawaing ito ng pamamahala ay laging pinupuna at binibigyan ng maling pakaisipan ng maraming tao na itinuturing na kaaway ang Iglesia ni Cristo. Hindi poi to ginagawa ng INC para ipakita lang sa mga tao O sinasabi ng iba na pakitang tao lang. baket po ba ito ipinasya ng Pamamahala? Anu po ba ang aral ng Diyos ukol sa ganitong mga gawain?

Awit 133:1 ""Masdan ninyo, na PAGKABUTI at PAGKALIGAYA sa mga MAGKAKAPATID na magsitahang magkakasama sa PAGKAKAISA""

Maliwanag sa talata na ang maidudulot ng pagkakaisa ay ang mabuti at maligayang pagsasamahan ng magkakapatid. Totoo po ba na ito ay mabuti at maligaya para sa mga kapatid? Opo kahit ito po ipag tanung natin sa mga nakipag kaisang kapatid. Ito ay kaaya-aya sa harapan ng Dios.

Anu naman po ang idinalangin ng Panginoong Jesus?

Juan 17:9, 11""Idinadalangin ko sila: hindi ang sanglibutan ang idinadalangin ko, kundi yaong mga sa akin ay ibinigay mo; sapagkat sila'y Iyo:...at wala na ako sa sanglibutan, at ang mga ito ay nasa sanlibutan, at ako'y paririyan sa Iyo. Amang banal, ingatan mo sila sa iyong pangalan yaong mga ibinigay mo sa akin, UPANG SILA'Y MAGING ISA, na gaya naman natin.""

Idinadalangin ng ating Panginoong Jesucristo na yaong mga ibinigay ng Ama sa kanya o ang kanyang mga hinirang na kaanib sa kanyang Iglesia ay maging isa. Ang pagkakaisang idinadalangin Niya ay yung gaya ng pagkakaisa ni Cristo at ng Panginoong Dios.

Kaisa ng Diyos at ni Cristo

Juan 17:21, 23 ""Upang silang lahat ay MAGING ISA; NA GAYA MO AMA, SA AKIN, AT AKO'Y SA IYO, NA SILA NAMA'Y SUMAATIN: upang ang sanglibutan ay sumampalataya na ako'y sinugo mo....Ako'y sa kanila, at Ikaw ay sa akin, upang sila'y MALUBOS SA PAGKAKAISA; upang makilala ng sanglibutan na ikaw ang sa akin ay nagsugo, at sila'y iyong inibig, na gaya ko na inibig mo.""

Ang kaisahan ng Iglesia ay hindi lamang kaisahan ng mga kaanib nito kundi kaisa rin dito ang Panginoong Dios at ang Panginoong JesuCristo ("...na sila nama'y sumaatin").

Itinuro ng mga Apostol

1 Corinto 1:10 ""Ngayo'y ipinamamanhik ko sa inyo, mga kapatid, sa pamamagitan ng pangalan ng ating JesuCristo, na kayong lahat ay MANGAGSALITA NG ISA LAMANG BAGAY at  HUWAG MANGAGKAROON SA INYO NG MGA PAGKAKABAHABAHAGI; kundi KAYO'Y MANGALUBOS SA ISA LAMANG PAG-IISIP AT PAGHATOL.""

Maliwanag sa mga talatang nasa itaas na kaya tinutupad ng Iglesia ni Cristo ang pagkakaisa ay hindi lamang dahil sa itinuro ito ng mga apostol kundi lalo na ay ito ay aral ng Dios at ni Cristo na nakasulat sa Biblia.

Anu ang kaisahang isinagawa ng mga kapatid ngayong February 15, 2014?

“Magkakaroon lagi ng mga dukhang tao sa lupain, kaya iniuutos Ko sa inyo na magbigay nang sagana (buksan ang inyong palad) sa inyong kapwa (o kamag-anak, o mga kababayan, o mga kapatid) sa mga dukha at nangangailangan sa inyong lupain.”  Deuteronomio 15:11 (Expanded Bible)

Pinagkaisahan na tulungan ang mga kaibigan, kababayan at mga kapatid natin na nasalanta ng nakaraang Bayong Yolanda. Nag dulot man ito ng konting abala sa mga nadaanan ng mga kapatid,nagdulot man ito ng pagod sa mga nakilahok ay hindi masasayang ang ating pag papagal. Sapagkat ganito ang sinasabi ng banal na kasulatan.

"Kaya nga, mga kapatid kong minamahal, kayo'y magsitatag, huwag makilos, na laging sumasagana sa gawa ng Panginoon, yamang nalalaman ninyo na hindi walang kabuluhan ang inyong gawa sa Panginoon." 1 Corinto 15:58

lahat ay may kabuluhan sa Diyos ang ating ginawang kaisahan, hindi po ito nasayang lahat po ay nakinabang sa pagkakataong ito. Anu po ang katunayan na hindi nasayang an gating ginawang Kaisahan?

1 Kay Timoteo, 6:18-19 18 Na sila'y magsigawa ng mabuti, na sila'y magsiyaman sa mabuting gawa, na sila'y maging handa sa pamimigay, maibigin sa pamamahagi;  19 - Na MANGAGTITIPON sa kanilang SARILI ng isang MABUTING kinasasaligan para sa panahong darating, upang sila'y makapanangan sa BUHAY na TUNAY na buhay. 

napakapalad po para sa isang kaanib sa Iglesia ni Cristo ang pagtulong, paggawa ng mabuti, sapagkat sila ay nagsisipag tipon sa kanilang sarili para makapanangan sa Buhay na Tunay na Buhay.

Anu po ang Dapat gawin ng bawat isang kaanib sa Iglesia ni Cristo ngayong kitang kita natin ang dakilang tulong at awa ng Diyos sa Iglesia at sa Pamamahala? 

Mga Awit, 113:1-2 "PURIHIN ninyo ang Panginoon. Purihin ninyo, Oh ninyong MGA LINGKOD ng Panginoon, purihin ninyo ang pangalan ng Panginoon.  2 - Purihin ang pangalan ng Panginoon mula sa PANAHONG ITO at MAGPAKAILANMAN."


Lahat ng kapurihan ay Ibinabalik natin sa Panginoong Diyos. Salamat po sa Pamamahalang inilagay sa Iglesia na patuloy na kumakalinga hindi lamang sa aming buhay spiritual maging sa kasalukuyang kalagayan namin.

Friday, February 14, 2014

ANG IGLESIA NI CRISTO


ANG IGLESIA NI Cristo (sa Ingles ay "Church Of Christ") ay natatag sa Pilipinas noong Hulyo 27, 1914. Mula sa kaniyang hamak na pasimula, ang Iglesia Ni Cristo ngayon ay isa nang Iglesiang nakalaganap sa buong daigdig. Inilalarawan ng iba ang Iglesia Ni Cristo bilang ang pinakamalaking nagsasariling Iglesia sa Asya, at ang pinakamalaki, pinakamakapangyarihan at pinaka-maimpluwensiyang Iglesia na lumitaw at nagmula sa Pilipinas.

Subalit, marami pa ring mga tao ngayon, lalo na ang mga nasa labas ng Pilipinas, ay lubhang kakaunti ang nalalaman ukol sa Iglesia Ni Cristo, at ang mga impormasyon pang kanilang nalalaman ay nagmula sa mga "taga-labas" ng Iglesia o sa mga hindi kaanib na ang iba pa ay tinuturing ang Iglesia Ni Cristo bilang kanilang mahigpit na kaaway. Dahil dito, ang kanilang sinasabi patungkol sa Iglesia Ni Cristo ay kanilang opinyon laban sa Iglesia, mga pakahulugan lamang nila sa mga aral at gawain ng Iglesia Ni Cristo, at ang iba pa'y paninira, panunuligsa at panghuhusga lamang laban sa Iglesia.

Upang maging makatuwiran ang lahat, dapat lamang na malaman din ang panig ng Iglesia Ni Cristo. Alamin natin ang katotohanan ukol sa Iglesia Ni Cristo.

KUNG ANO BA TALAGA ANG IGLESIA NI CRISTO

Ang sumusunod ang nagpapakilala kung ano ba talaga ang Iglesia Ni Cristo:

Isang Organisasyong Panrelihiyon

Ang Iglesia Ni Cristo ay isang organisasyong panrelihiyon na ang pangunahing layunin ay ang sambahin at paglingkuran ang Panginoong Diyos na Makapangyarihan sa Lahat batay sa Kaniyang mga kautusan at aral na itinuro ng Panginoong Jesucristo at nakasulat sa Biblia o sa Banal na Kasulatan.

Bilang isang organisasyong panrelihiyon, ang mga pangunahing gawain ng Iglesia Ni Cristo ay kabilang ang pagsamba sa Diyos, ang pagpapalaganap ng dalisay na Ebanghelyo, at ang pagpapatibay sa mga kaanib sa Iglesia. Ang taimtim na pagtitipon ng mga sumasampalataya, ang regular na pagsambang kongregasyunal, ay isinasagawa dalawang beses sa isang linggo, karaniwan ay sa mga araw ng Huwebes at Linggo. Bahagi ng palatuntunan ng pagtitipong ito ng Iglesia ang pag-awit ng pagpupuri sa Diyos, pananalangin, at ang pag-aaral ng mga salita ng Diyos (cf. I Cor. 14:15 at 26).

Sapagkat isang organisasyong panrelihiyon na ang pangunahing layunin ay ang sambahin ang Panginoong Diyos, ang Iglesia Ni Cristo ay nagtatayo ng mga gusaling sambahan ("kapilya") na siyang pinakadako kung saan isinasagawa ang mga gawaing panrelihiyon ng bawat lokal na kongregasyon ng Iglesia. Ang pagtatayo ng Iglesia Ni Cristo ng mga gusaling sambahan ay bilang pagtupad din sa kautusan ng Diyos sa Kaniyang mga hinirang para sa Kaniyang ikaluluwalhati (cf. Hagai 1:8).

Ngayon, ang mga gusaling sambahan ng Iglesia Ni Cristo ay matatagpuan hindi lamang sa buong Pilipinas, kundi maging sa iba't ibang bahagi ng mundo na naabot na ng Iglesia. Ang mga gusaling sambahan ng Iglesia Ni Cristo (karaniwang tinatawag sa Pilipinas na "kapilya") ay tumatayong
"landmarks" sa mga dakong kaniyang kinalalagyan. 

Isang Relihiyong Cristiano

Ang Iglesia Ni Cristo ay isang relihiyong Cristiano na nanghahawak at naninindigan sa dalisay na aral-Cristiano na nakasulat sa Biblia tulad ng aral na ang Ama lamamg ang iisang Diyos na tunay na tulad ng nakasulat sa I Corinto 8:6:

“Ngunit't sa ganang atin ay may isang Dios lamang, ang Ama, na buhat sa kaniya ang lahat ng mga bagay, at tayo'y sa kaniya; at isa lamang Panginoon, si Jesucristo, na sa pamamagitan niya ang lahat ng mga bagay, at tayo'y sa pamamagitan niya.”
(I Cor. 8:6)

Ayon kay Apostol Pablo, “sa ganang atin (tumutukoy sa mga tunay na Cristiano) ay may isang Dios lamang, ang Ama.” Kaya, labag sa utos ng Diyos ang ng ukol sa Trinidad (na mayroon daw tatlong persona sa iisang Diyos: Dios-Ama, Dios-Anak at Dios-Espiritu Santo). Ang paninindigan sa aral ng Biblia na ang Ama lamang ang iisang Diyos na tunay ay isa sa matitibay na katunayan na ang Iglesia Ni Cristo nga ang tunay na relihiyong Cristiano, ang relihiyon na naninindigan sa dalisay na aral-Cristiano na nakasulat sa Biblia o sa Banal na Kasulatan.

Isang Nagsasariling Iglesia

Ang Iglesia Ni Cristo ay hindi isang denominasyon o sekta. Hindi siya nakaugnay ("affiliated") o bahagi man ng anumang samahan, kapisanan o grupong panrelihiyon, at hindi siya isang samahan o katipunan ng mga kapisanang panrelihiyon. Ang Iglesia Ni Cristo ay isang nagsasariling Iglesia ("an independent Church"). Kami ay lubos na naninindigan na ang Iglesia Ni Cristo ay ang iisang tunay na Iglesia ni Cristo ngayon.

Hindi isang "Kulto"

Ang Iglesia Ni Cristo ay hindi isang "kulto" (na ang tinutukoy natin ay ang negatibong pakahulugan ngayon ng salitang "kulto"):

(1)
ang "kulto" ay "isang panrelihiyon o pang-espirituwal na sistema ng paniniwala, lalo na ang isang impormal at panandalian ("transient") na sistema ng paniniwala na itinuturing ng iba na nalinlang, kakaiba sa karaniwan, labis, o bulaan" (Microsoft Encarta Dictionary, c. 2009). Subalit, ang Iglesia Ni Cristo ay may isang sistema ng paniniwala na nakabatay sa Biblia lamang. Bagamat ang pagtuturo ng Iglesia Ni Cristo ay naiiba kaysa sa ibang mga relihiyon o pangkating nagpapakilalang sila'y diumano'y mga Cristiano, ito ay sapagkat ang aral ng iba ay wala sa Biblia, samantalang ang aral ng Iglesia Ni Cristo ay pawang nakasulat sa Biblia. Halimbawa, ang nakararami sa mga denominasyon at mga iglesia ngayon ay naniniwala sa tinatawag na "Trinidad," subalit, ang salita at doktrina ng Trinidad ay hindi matatagpuan sa Biblia, samantalang ang pagtuturo ng Iglesia Ni Cristo na ang Ama lamang ang iisang Diyos na tunay ay ang malinaw ana nakasulat sa Biblia (cf. Juan 17:1 at 3; Malakias 2:10; I Corinto 8:6).

(2)
ang isang "kulto" ay isa ring "labis na pamimintakasi sa isang bagay o isang tao, pag-idolo sa isang bagay o isang tao" (Ibid.). Ang Diyos lamang at ang Panginoong Jesucristo (sapagkat ito'y ayon sa utos ng Diyos, cf. Filip. 2:9-11 at Mateo 6:9-10) ang sinasamba ng Iglesia ni Cristo. Ang paniniwala ng Iglesia Ni Cristo patungkol kay kapatid na Felix Y. Manalo ay payak at simple, na siya ay sugo ng Diyos, isang taong isinugo ng Diyos upang ipangaral ang dalisay na Ebanghelyo sa mga huling araw na ito. Hindi namin siya itinatangi ng higit kaysa rito. Hindi namin siya sinasamba o tinatawag man sa mga titulong tulad ng propeta, papa, obispo at iba pang tulad nito, kundi sa payak na "kapatid na Felix Y. Manalo." Tunay na iginagalang namin siya, ngunit hindi namin siya pinipintakasi, dinadakila o sinasamba. Sinusunod namin ang kaniyang mga itinuro sapagkat ang lahat ng kaniyang mga itinuro ay pawang nakasulat sa Biblia, at hindi siya kailanman nagturo ng ganang sa kaniya lamang.

Samakatuwid, ang Iglesia Ni Cristo ay hindi isang "kulto," kundi ang tunay na relihiyong Cristiano na nanghahawak at naninindigan sa dalisay na mga aral na nakasulat sa Biblia.

Isang “Nagniningning” na Iglesia

Sa Efeso 5:27 ay inilarawan ni Apostol Pablo ang uri ng Iglesia na haharap sa ating Panginoong Jesucristo sa Kaniyang ikalawang pagparito:

“At iharap ito sa kanyang sarili na isang nagniningning na iglesya, walang batik o kulubot o anumang dungis, kundi banal at walang kapintasan.” (Efeso 5:27, NPV)

Ang Iglesia na haharap kay Cristo sa Kaniyang ikalawang pagparito ay inilarawan bilang isang nangniningning na Iglesia, walang batik, dungis o kapintasan. Samakatuwid, hinuhubog ng Iglesia Ni Cristo ang mga kaanib nito tungo sa sakdal na pagkakaisa ng pananampalataya, na ang bawat isa ay ialay ang kaniyang sarili sa pamumuhay na may kabanalan at sa paglilinngkod sa Diyos na nakabatay sa tunay na aral-Cristiano na nakasulat sa Biblia.

Isang “Pilipinong Iglesia”?

Marami ang tumatawag sa Iglesia ni Cristo na “isang Pilipinong Iglesia.” Subalit, ang Iglesia Ni Cristo ay isang Iglesia na para sa lahat na tutugon sa tawag ng Diyos at yayakap sa kaniyang pananampalataya — anuman ang pinagmulan niyang lahi, nasyunalidad, kultura, katayuan sa lipunan, kalagayan sa buhay, at inabot na pinag-aralan. Ang totoo, ngayon, ang mga kaanib sa Iglesia Ni Cristo ay binubuo ng mula sa higit sa 110 nasyunalidad.

Ang Ilan sa mga kaanib sa Iglesia Ni Cristo na nagmula sa iba't ibang panig ng mundo at nasyunalidad

Hindi Itinatag Ni Kapatid na Felix Y. Manalo

Kami ay lubos na sumasampalataya na ang pagbangon ng Iglesia Ni Cristo sa Pilipinas ay katuparan ng mga hula ("propesiya") na nakasulat sa Biblia patungkol sa muling pagtatatag ng Panginoong Jesucristo ng Kaniyang Iglesia sa mga huling araw na ito. Naninindigan kami na ang Panginoong Jesucristo ang nagtayo ng Iglesia Ni Cristo sa Pilipinas sa pamamagitan ng hula na nakasulat sa Biblia, at hindi ang kapatid na Felix Y. Manalo.

Para sa amin, ang Panginoong Jesucristo ang pinakadakilang sugo ng Diyos, ang nagtayo, ang manunubos, ang ulo at puno, at ang Tagapagligtas ng tunay na Iglesia Ni Cristo.

ANG ORGANISASYON AT PAMAMAHALA 
NG IGLESIA NI CRISTO


Ang Iglesia Ni Cristo ay may pangkalahatang pamamahala mula pa sa pasimula. May isang ministro na namamahala sa buong Iglesia na ang kaniyang tungkulin ay tinatawag na "Tagapamahalang Pangkalahatan" ("Executive Minister" sa Ingles). Subalit, ang Tagapamahalang Pangkalahatan ng Iglesia Ni Cristo ay may mga katulong sa pamamahala sa buong Iglesia na ito ang Pangkalahatang Ebanghelista, Pangkalahatang Kalihim, Pangkalahatang Ingat-Yaman, Pangkalahatang Auditor, at ang mga nangunguna sa iba't ibang departamento ng Tanggapang Pangkalahatan (The By-laws of the Iglesia Ni Cristo).

Kapatid na Felix Y. Manalo, 1914-1963

Ang unang naging Tagapamahalang Pangkalahatan ng Iglesia Ni Cristo ay si kapatid na Felix Y. Manalo. Siya ay namahala sa Iglesia Ni Cristo mula 1914 hanggang 1963.
Si kapatid na Felix Y. Manalo ay ipinanganak noong Mayo 10, 1886 sa Tipas, Taguig. Noong 1899 ay kinuha siya ng kaniyang amain na si Mariano de Borja, isang paring Katoliko Romano, na noon ay nakadistino sa Sta. Cruz, Maynila. Doon sa bahay ng kaniyang amaing pari sa Sta. Cruz natagpuan niya ang isang kopya ng Biblia at agad na ibinuhos ang kaniyang sarili sa pagbabasa at pag-aaral sa Biblia o sa Banal na Kasulatan. Pagkatapos na makitang lubos na ang mga aral at gawain ng Iglesia Katolika Romana ay hindi nakasulat sa Biblia, ipinasiya niyang iwan ang kinagisnan niyang relihiyon. Noong Disyembre, 1902, iniwan niya ang tahanan ng kaniyang amaing pari at bumalik sa Tipas. Pagkatapos na lisanin ang Iglesia Katolika ay nagsagawa siya ng masusing pagsisiyasat sa iba't ibang relihiyon: Colorum, Abril, 1903; Methodist Episcopal Church, 1904-1905; Presbyterian Church, 1905-1909; Disciples of Christ, 1909-1911; at Seventh-Day Adventist Church, 1911-1913. Ipina-alam sa kaniya ng Panginoong Diyos ang kaniyang banal na misyon na ipangaral ang Iglesia Ni Cristo noong Nobyembre, 1913, nang sa loob ng dalawang araw at tatlong gabi ay nagsagawa siya ng puspusang pag-aaral ng Biblia.

Pagkatapos na pagkatapos ng "Dalawang Araw at Tatlong Gabi" ay pinasimulan niya ang kaniyang misyon na ipangaral ang Iglesia Ni Cristo. Una siyang nangaral sa isang maliit na grupo ng mga tao sa Punta, Sta. Ana, Maynila. Ang Iglesia Ni Cristo ay narehistro sa pamahalaan sa Pilipinas noong Hulyo 27, 1914, na siyang opisyal na pagkakatatag ng Iglesia Ni Cristo sa Pilipinas. Sa loob ng 49 taon ay lumago ang Iglesia Ni Cristo na "mula sa iisa ay naging milyon" ("from one to millions"). Sa taong 1963, ang taon ng kaniyang pagpanaw, may mga nakatatag nang mga distrito eklesiastiko sa halos lahat na mga lalawigan sa Pilipinas. Si kapatid na Felix Y. Manalo ay pumanaw noong Abril 12, 1963. Ang kaniyang anak na si kapatid na Eraño G. Manalo ang humalili sa kaniya.

Kapatid na Eraño G. Manalo, 1963-2009

Hindi alam ng marami, lalo na ng mga hindi kaanib sa Iglesia Ni cristo, na ang mga sumunod na Tagapamahalang Pangkalahatan ng Iglesia Ni Cristo pagkatapos ni kapatid na Felix Y. Manalo ay pawang INIHALAL ayon sa isinasaad ng Saligang Batas ("By-Laws") ng Iglesia Ni Cristo. Si kapatid na Eraño G. Manalo ("Ka Erdy") ang nahalal na hahalili kay kapatid na Felix Y. Manalo sa eleksiyong isinagawa noong Enero, 1953 sa gusaling sambahan ("kapilya") ng Lokal ng F. Manalo na nasa San Juan, Metro Manila. Kaya, si "Ka Erdy" ay inihanda sa loob ng sampung taon (mula 1953 hanggang 1963) upang sa pagpanaw ni kapatid na Felix Y. Manalo ay siya ang hahalili bilang Tagapamahalang Pangkalahatan. Nagsimula si kapatid na Eraño G. Manalo bilang Tagapamahalang Pangkalahatan ng Iglesia Ni Cristo noong Abril 23, 1963. Siya ay namahala sa Iglesia Ni Cristo mula 1963 hanggang 2009.

Si kapatid na Eraño G. Manalo ay ipinanganak noong Enero 2, 1925. Siya ang ikalimang anak nina kapatid na Felix Y. Manalo at Honorata de Guzman-Manalo. Siya ay tuwirang tinuruan at sinanay ng kaniyang ama. Nag-aral siya ng pagka-abogasya, subalit dahil sa tindi ng pangangailangan noon ng mga manggagawa sa Iglesia, hindi niya itinuloy ang pag-aaral niya ng abogasya at sa halip ay pumasok sa ministeryo. Siya ay na-ordenahan bilang ministro ng Ebanghelyo noong Mayo 10, 1947. Noong Enero, 1953, siya ay nahalal na hahalili kay kapatid na Felix Y. Manalo bilang Tagapamahalang Pangkalahatan sa pagpanaw ng huli. Sa panahon ng kaniyang pamamahala, ang bilang ng mga distrito eklesiastiko at ng mga lokal na kongregasyon ay nadoble. Noong 1963 ay may 900 lamang na mga ordenadong ministro, subalit noong 1974 ay umabot sa bilang na 1,900, at sa kaniyang pagpanaw noong 2009 ay umabot sa bilang na 4,000. Ang Iglesia Ni Cristo ay nakarating sa Kanluran noong 1968 at mula noon ay lumaganap na sa buong mundo. Itinatag din ni kapatid na Eraño G. Manalo ang College of Evangelical Ministry, New Era University, at New Era General Hospital. Ang Tanggapang Pangkalahatan ng Iglesia Ni Cristo (Central office), ang Templo Central at ang Tabernakulo (isang multi-purpose building) ay natayo din sa panahon ng kaniyang pamamahala.

Kapatid na Eduardo V. Manalo, 2009-Kasalukuyan

Si "Ka Erdy" ay nanungkulan bilang Tagapamahalang Pangkalahatan ng Iglesia Ni Cristo mula 1963 hanggang 2009 (46 taon). Nang pumanaw si kapatid na Eraño G. Manalo noong Agosto 31, 2009, ang kaniyang anak na si kapatid na Eduardo V. Manalo ang humalili sa kaniya bilang ang ikatlong naging Tagapamahalang Pangkalahatan ng Iglesia Ni Cristo.

Si kapatid na Eduardo V. Manalo ay nahalal bilang Pangalawang Tagapamahalang Pangkalahatan ("Deputy Executive Minister") at bilang ang susunod na Tagapamahalang Pangkalahatan sa halalang isinagawa noong Mayo 6, 1994. Siya ay sinanay sa loob ng 15 taon bilang ang susunod na Tagapamahalang Pangkalahatan ng Iglesia Ni Cristo. Ipinanganak siya noong Oktubre 31, 1955, ang panganay na anak nina kapatid na Eraño G. Manalo at Cristina Villanueva-Manalo. Siya ay nagtapos ng AB Philosphy sa University of the Philippines, ng Bachelor of Evangelical Ministry sa College of Evangelical Ministry, at ng Masters degree sa New Era University. Naging Dekano muna siya sa College of Evangelical Ministry bago maging Tagapangasiwa sa distrito eklesiastiko ng Metro Manila, at 15 taong gumanap ng katungkulang Pangalawang Tagapamahalang Pangkalahatan bago siya maging Tagapamahalang Pangkalahatan ng Iglesia Ni Cristo noong Setyembre, 2009.

Ang Tanggapang Pangkalahatan (Central Office) 
Ng Iglesia Ni Cristo


Ang Cenral Office ng Iglesia Ni Cristo ay matatagpuan sa No. 1 Central Avenue, New Era, Quezon City, Philippines. Maramig "taga-labas" ang nag-aakalang ang mismong Central Office ng Iglesia Ni Cristo ang residencia ng Tagapamahalang Pangkahalatan (tulad ng Malacañang Palzce at ng White House na hindi lamang opisina kundi ang mismong residencia ng Presidente ng Pilipinas at ng Amerika). Ang Central Office ang pangkalahatang tanggapan ng Iglesia Ni Cristo kung saan matatagpuan ang mga opisina ng Tagapamahalang Pangkalahatan at ang iba pang mga kawanihan ("departments") na nangangasiwa sa buong Iglesia, sa mga distrito at mga lokal sa buong mundo, at hindi ito ang residencia ng Tagapamahalang Pangkalahatan ng Iglesia.

Iglesia ni Cristo Central Office
New Era, Quezon City, Philippines


Ang Tagapamahalang Pangkalahatan ng Iglesia Ni Cristo ay hindi ang may-ari ng mga ari-arian ng Iglesia Ni Cristo, kundi ang nangangasiwa lamang (Iglesia Ni Cristo Articles of Incorporation, dated 27 July 1914). Ang lahat ng mga ari-arian ng Iglesia Ni Cristo ay nakapangalan sa Iglesia (Ibid.). Ang pagbili, pagbenta at pag-alis ng mga ari-arian ng Iglesia Ni Cristo ay pinapasiyahan ng "Economic Council" ng Iglesia na binubuo ng Executive Minister, General Evangelist, General Secretary, General Treasurer, General Auditor, at ng mga Tagapangasiwa ng Distrito (By-Laws of the Iglesia ni Cristo).

Pinangangasiwaan ng Tagapamahalang Pangkalahatan ang buong Iglesia sa pamamagitan ng mga Tagapangasiwa ng Distrito. Sa kasalukuyan ay mayroong mahigit sa 100 distrito eklesiastiko sa buong mundo. Ang bawat distrito eklesiastiko naman ay binubuo ng mga lokal na kongregasyon na pinangangasiwaan naman ng mga ministrong distinado at katuwang ang mga pamunuan at mga maytungkulin sa lokal.

ISA NANG PANDAIGDIGANG IGLESIA 
("GLOBAL CHURCH")

Ngayon, ang mga kaanib sa Iglesia Ni Cristo ay binubuo ng humigit-kumulang sa 110 nasyunalidad. Mayroon na siyang mahit sa 100 distrito eklesiastiko sa Pilipinas at nakalaganap na sa mahigit na 100 mga bansa at teritoryo. Sa Pilipinas ay may mahigit na 5,000 mga lokal at mahigit naman sa 1,000 lokal ang nakalatatag sa iba't ibang panig ng mundo.

Monday, February 10, 2014

Valentines day?



Meaning of Valentines Day nowadays.

"a day for the exchange of tokens of affection"
 source: thefreedictionary.com


History of Valentines Day
The history of Valentine's Day is obscure, and further clouded by various fanciful legends. The holiday's roots are in the ancient Roman festival of Lupercalia, a fertility celebration commemorated annually on February 15. Pope Gelasius I recast thispagan festival as a Christian feast day circa 496, declaring February 14 to be St. Valentine's Day." source: infoplease.com
"Church policy in dealing with the ancient religions often included a strategy of incorporating, rather than just banning, the "old-time religions". And it proved to be an effective strategy. Many contemporary church rituals and holiday traditions have components based on ancient pagan celebrations. "If you can't beat 'em, join 'em" was the church's policy. And thereby the church essentially co-opted the old paganFestival and turned it into to a religious holiday celebrating the Christian virtues of love and marriage."

"...Interestingly the Emperor Claudius and the Christian (Catholic) Church found themselves on the same side on this argument for the Church was also opposed to the pagan festivities, but on grounds related to its lustfulness and especially the practice of the "lottery"..." 
source: goddessgift.com

"More than a Hallmark holiday, Valentine's Day, like Halloween, is rooted in pagan partying. "

"The annual pagan celebration, called Lupercalia, was held every year on February 15 and remained wildly popular well into the fifth century A.D.—at least 150 years after Constantine made Christianity the official religion of the Roman Empire." 
source: news.nationalgeographic.com

"Feb. 14, the day on which valentines are exchanged, originally connected with the pagan festival of Lupercaliasource: thefreedictionary.com

Who is Saint Valentine?

Numerous early Christian martyrs were named Valentine. The Valentines honored on February 14 are Valentine of Rome (Valentinus presb. m. Romae) and Valentine of Terni (Valentinus ep. Interamnensis m. Romae). Valentine of Rome was a priest in Rome who was martyred about AD 269 and was buried on the Via Flaminia. His relics are at the Church of Saint Praxed in Rome, and at Whitefriar Street Carmelite Church in Dublin, Ireland.
Valentine of Terni became bishop of Interamna (modern Terni) about AD 197 and is said to have been martyred during the persecution under Emperor Aurelian. He is also buried on the Via Flaminia, but in a different location than Valentine of Rome. His relics are at the Basilica of Saint Valentine in Terni (Basilica di San Valentino).
The Catholic Encyclopedia also speaks of a third saint named Valentine who was mentioned in early martyrologies under date of February 14. He was martyred in Africa with a number of companions, but nothing more is known about him.
No romantic elements are present in the original early medieval biographies of either of these martyrs. By the time a Saint Valentine became linked to romance in the fourteenth century, distinctions between Valentine of Rome and Valentine of Terni were utterly lost.
In the 1969 revision of the Roman Catholic Calendar of Saints, the feastday of Saint Valentine on February 14 was removed from the General Roman Calendar and relegated to particular (local or even national) calendars for the following reason: "Though the memorial of Saint Valentine is ancient, it is left to particular calendars, since, apart from his name, nothing is known of Saint Valentine except that he was buried on the Via Flaminia on February 14."] The feast day is still celebrated in Balzan (Malta) where relics of the saint are claimed to be found, and also throughout the world by Traditionalist Catholics who follow the older, pre-Vatican II calendar.
The Early Medieval acta of either Saint Valentine were expounded briefly in Legenda Aurea. According to that version, St Valentine was persecuted as a Christian and interrogated by Roman Emperor Claudius II in person. Claudius was impressed by Valentine and had a discussion with him, attempting to get him to convert to Roman paganism in order to save his life. Valentine refused and tried to convert Claudius to Christianity instead. Because of this, he was executed. Before his execution, he is reported to have performed a miracle by healing the blind daughter of his jailer.
Legenda Aurea still providing no connections whatsoever with sentimental love, appropriate lore has been embroidered in modern times to portray Valentine as a priest who refused an unattested law attributed to Roman Emperor Claudius II, allegedly ordering that young men remain single. The Emperor supposedly did this to grow his army, believing that married men did not make for good soldiers. The priest Valentine, however, secretly performed marriage ceremonies for young men. When Claudius found out about this, he had Valentine arrested and thrown in jail.
In an embellishment to The Golden Legend provided by American Greetings, Inc. to History.com and widely repeated, on the evening before Valentine was to be executed, he wrote the first "valentine" himself, addressed to a young girl variously identified as his beloved, as the jailer's daughter whom he had befriended and healed, or both. It was a note that read "From your Valentine." source: wikipedia



God's TEACHING 
“In particular, I want to urge you in the name of the lord, not to on living the aimless kind of life that pagans live. Intellectually they are in the dark, and they are estranged from the life of God, without knowledge because they have shut their hearts to it.” Eph. 4:17-18, Jerusalem bible


This kind of practice/tradition is just ONE of the MANY traditions in the CATHOLIC CHURCH that is adopted from PAGANS.




Monday, February 3, 2014

EDGE OF DESPERATION for the CATHOLIC CHURCH

EDGE OF DESPERATION for the CATHOLIC CHURCH
Too Late For Any Solution!



“It is very LATE for the (CATHOLIC) Church of John Paul II. From the start, he set out to see and listen. He travelled to Mexico, to Poland, to Latin America, to the U.S.A., to France and Germany and Britain and the PHILIPPINES. He heard the same story everywhere, from everyone. And he himself came to THE SAME CONCLUSION. It IS LATE. Late for control of theologians. Late for real unity with the Protestant Churches. Late for any democratic solution in Latin America with its impoverished hundreds of millions of Catholics. LATE, ABOVE ALL FOR ANY CREDIBILTY. The Roman Catholic Church in its ORGANIZATION, FINANCES, POLITICAL ALIGNMENTS, gives little testimony of being the Church of Jesus, the poor man of Galilee, the savior who was above all politics and “isms.” Already the POPULATIONS OF WESTERN EUROPE and the AMERICAs have LOST FAITH in the Organization as a sign of salvation.”

(THE DECLINE AND FALL OF THE ROMAN CHURCH By Malachi Martin [The Putnam Publishing Group, 200 Madison Avenue, New York, New York 100
16] emphasis mine)