TUNAY NA LINGKOD

Tuesday, February 24, 2015

Kulto ba ang Iglesia Ni Cristo?


Ang Iglesia Ni Cristo ay hindi isang "kulto" (na ang tinutukoy natin ay ang negatibong pakahulugan ngayon ng salitang "kulto").
(1) ang "kulto" ay "isang panrelihiyon o pang-espirituwal na sistema ng paniniwala, lalo na ang isang impormal at panandalian ("transient") na sistema ng paniniwala na itinuturing ng iba na nalinlang, kakaiba sa karaniwan, labis, o bulaan" (Microsoft Encarta Dictionary, c. 2009).
Subalit, ang Iglesia Ni Cristo ay may isang sistema ng paniniwala na nakabatay sa Biblia lamang. Bagamat ang pagtuturo ng Iglesia Ni Cristo ay naiiba kaysa sa ibang mga relihiyon o pangkating nagpapakilalang sila'y diumano'y mga Cristiano, ito ay sapagkat ang aral ng iba ay wala sa Biblia, samantalang ang aral ng Iglesia Ni Cristo ay pawang nakasulat sa Biblia. Halimbawa, ang nakararami sa mga denominasyon at mga iglesia ngayon ay naniniwala sa tinatawag na "Trinidad," subalit, ang salita at doktrina ng Trinidad ay hindi matatagpuan sa Biblia, samantalang ang pagtuturo ng Iglesia Ni Cristo na ang Ama lamang ang iisang Diyos na tunay ay ang malinaw ana nakasulat sa Biblia (cf. Juan 17:1 at 3; Malakias 2:10; I Corinto 8:6).
(2) ang isang "kulto" ay isa ring "labis na pamimintakasi sa isang bagay o isang tao, pag-idolo sa isang bagay o isang tao" (Ibid.). Ang Diyos lamang at ang Panginoong Jesucristo (sapagkat ito'y ayon sa utos ng Diyos, cf. Filip. 2:9-11 at Mateo 6:9-10) ang sinasamba ng Iglesia ni Cristo. Ang paniniwala ng Iglesia Ni Cristo patungkol kay kapatid na Felix Y. Manalo ay payak at simple, na siya ay sugo ng Diyos, isang taong isinugo ng Diyos upang ipangaral ang dalisay na Ebanghelyo sa mga huling araw na ito. Hindi namin siya itinatangi ng higit kaysa rito. Hindi namin siya sinasamba o tinatawag man sa mga titulong tulad ng propeta, papa, obispo at iba pang tulad nito, kundi sa payak na "kapatid na Felix Y. Manalo." Tunay na iginagalang namin siya, ngunit hindi namin siya pinipintakasi, dinadakila o sinasamba. Sinusunod namin ang kaniyang mga itinuro sapagkat ang lahat ng kaniyang mga itinuro ay pawang nakasulat sa Biblia, at hindi siya kailanman nagturo ng ganang sa kaniya lamang.
Samakatuwid, ang Iglesia Ni Cristo ay hindi isang "kulto," kundi ang tunay na relihiyong Cristiano na nanghahawak at naninindigan sa dalisay na mga aral na nakasulat sa Biblia.
Inaanyayahan po namin kayo sa aming mga pagsamba upang masuri ninyo kung ano ba talaga ang IGLESIA NI CRISTO.

Iglesia ni Cristo is not a cult
We are referring to the modern use of the word "cult" which has a negative connotation
(1) A cult is "a system of religious or spiritual beliefs, especially an informal and transient belief system regarded by others as misguided, unorthodox, extremist, or false, and directed by a charismatic, authoritarian leader" (Microsoft Encarta Dictionary, c. 2009).
However, the Iglesia Ni Cristo has a system of belief based solely in the Bible. Although her teachings differ from many denominations and churches, it's because that the teachings of other denominations and churches are not in the Bible, while the teachings of the Iglesia Ni Cristo are all in the Bible. For example, majority of the denominations and churches believe in the Trinity, however, the term "Trinity" and the doctrine of the Trinity cannot be found in the Bible, while the teaching of the Iglesia Ni Cristo that the Father alone is the only true God is the one clearly written in the Bible (cf. John 17:1 and 3; Malachi 2:10; I Corinthians 8:6).
(2) A cult is also "an extreme admiration of something or somebody, an idolization of something or somebody" (Ibid.). The Iglesia Ni Cristo worships only God and the Lord Jesus Christ. Its belief about Brother Felix Y. Manalo is plain and simple, that he is the messenger of God in these last days, a man sent by God to preach the Iglesia Ni Cristo and the pristine Gospel in these last days. We don't call him prophet, pope, bishop or of any title, just "Brother Felix Y. Manalo." We truly respect him, but we do not exalt him, nor worship him. We followed all his teachings because all of his teachings are written in the Bible, and he never invented any doctrine of his own.
The real "cult" is not whose doctrines are solely based in the teachings written in the Bible, but those who adhere to the teachings of men or unbiblical doctrines (doctrines not written in the Bible). Thus, the Iglesia Ni Cristo is not a cult, but the true Christian religion upholding the unadulterated teachings written in the Bible.
You are welcome to study-examine the doctrines, beliefs and teachings of the Iglesia ni Cristo in our local congregations nearest you. Thank you and God bless!


Sunday, February 15, 2015

Debate INC vs SDA Mindoro




Ayon sa isang kaibigan po natin na nakasaksi na taga-DZEM Nuong February 10, 2015 sa dako ng Bansud Plaza, Oriental Mindoro na kung saan pinagtibay na isagawa ang Debate sapagkat sa dakong iyan maraming mga SDA o Seventh-Day Adventist Church.
Pasado alas dos ng hapon nagsimula ang debate at natapos ng 9:30pm. Ganun kahaba ang naging talakayan. Tatlong tindigan pero sa unang tindig pa lang ay hindi nagiba yung pundasyon ng Iglesia ni Cristo.
UNANG PAKSA: Patutunayan namin na ang Iglesia ni Cristo ang siyang itinatag ni Cristo at maliligtas sa araw ng paghuhukom ayon sa Biblia at makagagamit ng mga referencia.
Hindi nila nauga o naibuwal ang pundasyon na ating sinasampalatayanan sapagkat nakasulat sa Biblia ang pundasyon ng Iglesia ni Cristo;
Mateo 16:18 Si Cristo ang nagtayo ng Kaniyang Iglesia
Roma 16:16 Iglesia ni Cristo ang Pangalan
Gawa 20:28 ang kawan ay yung Iglesia ni Cristo ang tinubos ng dugo ni Cristo
Colosas 1:18 si Cristo ang ulo ng katawan o Iglesia
Efeso 5:23 si Cristo ang tagapagligtas ng katawan o Iglesia.
Nagpaikot-ikot sa kalagayan ni Cristo yung tagapagsalita ng SDA at nawala na sa tema o paksa.
Kinabukasan nakuha ang ulat na maraming nagpatala na magpapaduktrina at nais umanib sa INC hindi lamang mga kababayan natin SDA kundi nasa iba’t ibang pangkatin ng Relihiyon na nakasaksi sa debate pong iyon.

Totoong natupad at patuloy na tinutupad ng Diyos ang kaniyang pangako.

Isaias 41:11-13  11Narito, silang lahat na nangagagalit sa iyo ay mangapapahiya at mangalilito: silang nangakikipaglaban sa iyo ay papanaw at mangapapahamak.
12Iyong hahanapin sila, at hindi mo mangasusumpungan, sa makatuwid baga'y silang nangakikipaglaban sa iyo: silang nakikipagdigma laban sa iyo ay papanaw, at gaya ng bagay ng wala.
13Sapagka't akong Panginoon mong Dios, ay hahawak ng iyong kanang kamay, na magsasabi sa iyo, Huwag kang matakot; aking tutulungan ka.

Ang kapurihan ay sa ating Panginoong Diyos!

Tuesday, January 27, 2015

Ang Kwento ni ka Zosimo




Madaling araw ng Nobyembre 8, 2013 nang araw na humagupit ang bagyong Yolanda sa Tacloban. “Lumakas ang hangin, bandang alas singco (ng umaga)” kwento ng kapatid na Zosimo. “talagang napakalakas, parang jina-jack hammer ang bahay na unti-unting binubunot” Natangay ng hangin at tuluyang inanod ng tubig ang bahay at lahat na pinaghirapan ng kapatid na Zosimo.

Nagawang umakyat sa tangke ng tubig ang kapatid na Zosimo at ang kaniyang asawa kasama rin sa nakaligatas ang kaniyang mga anak, manugang at mga apo. Nang humupa ang tubig, tumambad sa mag-anak ng kapatid na Zosimo ang nakahandusay at walang buhay nilang mga kapitbahay.
Ikinuwento ng kapatid na Zosimo ang pagliligtas ng ginawa ng Panginoong Diyos sa kanilang mag-anak. “Nanalangin ako, sabi ko sa Panginoong Diyos, Ama, iligtas mo kami para makapagpatuloy kami sa paglilingkod sa iyo. Dininig niya ang aming panalangin. “

Sa harap ng kalunos-lunos na pangyayari sa mga kababayan sa Tacloban City. 
Agad na nagbilin at nagpadala ng tulong ang Tagapamahalang Pangkalahatan ng Iglesia ni Cristo, ang kapatid na Eduardo V. Manalo. Inutusan niya na magtungo ang kapatid na Glicerio B. Santos Jr. kasama ang mga ministro at mga kawani para mag-abot ng tulong sa mga kapatid at sa mga kababayan duon.

Pebrero 15, 2014, tatlong buwan matapos ang trahedya nagsagawa ang mga kapatid sa Iglesia ni Cristo ng “Worldwide Walk” para sa mga naapektuhan ng Bagyong Yolanda. Higit sa layunin na makalikom ng gagamitin na karagdagan pantulong sa mga kapatid at kababayan na nasalanta ay makapukaw ng atensyon ng pandaigdigan komunidad para pantulong sa permanenteng tahanan at kabuhayan ng mga biktima.

Ipinasya ng Tagapamahalang Pangkalahatan ng Iglesia ni Cristo na magpatayo ng komunidad na tutulong para sa mga kapatid na nasalanta at maging ang kabuhayan na kailangan nila. Pinangunahan ng kapatid na Eduardo V. Manalo ang ground breaking ceremony nuong Marso 14, 2014 para sa isang komunidad sa bayan ng Alang Alang sa Leyte na malayo na sa danger zone na ibinabala ng gobyerno.
Matapos ang ilang buwan, bumalik ang Tagapamahalang Pangkalahatan at pinasinayaan na ang EVM Self Sustainable Resettlement Community nuong Enero 23, 2015.

Ang unang 500 sa kabuuang 1,000 na mga housing unit ang ibinigay para sa mga benepisyaryo. Nagpagawa din ang Pamamahala ng Iglesia ng iba’t iba pang mga pagkukunan ng kabuhayan ng mga residente katulad ng eco-farming para sa rice at vegetable production, mushroom culture, dried fish factory at garment factory na nasa komunidad na makatutulong ng malaki para sa kabuhayan ng mga kapatid, para sa kanilang tuloy-tuloy na pagbangon.

“Nagpapasalamat (kami) laluna sa Panginoong Diyos, dahil ginamit Niyang kasangkapan ang Pamamahala at ipinangangako po namin ng aking sambahayan na magpapatuloy po kami sa aming paglilingkod sa Diyos. Kaya maraming salamat po Ama, totoo pong hindi Mo kami pinababayaan at totoong ang Pamamahala ng Iglesia ay totoong nagmamalasakit sa amin” pahayag ni kapatid na Zosimo del Rosario.


Bro. Zosimo del Rosario, a deacon of the local congregation of San Jose, Leyte East
One of the beneficiaries a new housing unit and livelihood project at the New Era Resettlement, Sitio New Era, Barangay Langit Alang Alang, Leyte.

Many brethren were amongst those affected by Typhoon Yolanda but through the relentless efforts of led by the Executive Minister of the Church, Brother EDUARDO V. MANALO, the needs of the brethren were immediately addressed.

Brethren were thankful ultimately to the Almighty God that He constantly uses the Church Administration to care for their needs



https://www.facebook.com/INCRadio?fref=photo

Tuesday, January 13, 2015

A Biological Account on Brother Eduardo V. Manalo



THE PRESENT EXECUTIVE Minister of the Iglesia Ni Cristo (Church Of Christ), Brother Eduardo V. Manalo, assumed office on September 7, 2009. He is administering the Iglesia Ni Cristo Church Of Christ which has more than 100 ecclesiastical districts worldwide, more than 5,000 local congregations in the Philippine and about 1,000 congregations found in more than 100 countries and territories, thus making the members of the Church Of Christ comprised of people from more than 100 nationalities. Truly, Brother Eduardo V. Manalo is shepherding a global Church.

Brother Eduardo Villanueva Manalo was born in Manila, Philippines on October 31, 1955. He is the eldest son of Brother Eraño G. Manalo, who was Executive Minister of the Iglesia Ni Cristo (Church Of Christ) from 1963 to 2009 and of Sister Cristina Villanueva. It was his grandfather, Brother Felix Y. Manalo, God's Messenger in these last days and the first Executive Minister of the Church, who named him "Eduardo," which means "guardian."


CHILDHOOD

Brother Felix was already on his sick bed when one day he sent for his grandson, "Eddie," who was barely seven years old and at the time, was playing in the yard. When Eddie entered the room, Brother Felix asked his grandson to kneel, and then he placed his hands over the child's head and blessed him in front of several witnesses. Afterwards, he had his grandson rise and allowed him to return outside to play.

Eddie's grandmother, Sister Honorata Manalo, whom he called "Lola Ata," would constantly teach him and his cousins to kneel while praying, and never to waste any of God's blessings.

As a young boy, Eddie would get Brother Eraño's books, bring them to his own room, arrange them on one side of the table and begin preaching. Only later did he realize that his father was actually listening through an intercom system. So precocious was Eddie that his father trained him to type his worship service lessons for him with an italicized typewriter.

He started his elementary education in Jose Rizal College (now Jose Rizal University) along Shaw Boulevard, Mandaluyong City, and transferred during his fourth grade to Jose Abad Santos Memorial School (JASMS) in Quezon City.


ADOLESCENCE

He continued his high school in JASMS, wherein he had the opportunity to dabble in all sorts of fields, including Citizen's Military Training. He was also the guitarist of a singing group in his school and was active in dramatics.

He held the office of row leader in the Pagsamba ng Kabataan (PNK) or children's worship service (CWS) before he began attending classes for PNK Guro or CWS Teachers under Brother Benjamin Santiago Sr., a senior minister of the gospel. Inheriting the Sugo's passion for photography, he would contribute pictures for the PASUGO, the Church's official magazine, and at age 16 began submitting articles to it, the first of which was titled "Ang Mga Kagutom, ang Bagyo, at Sumpa" ("The Famines, the Storm, and the Curse," September 1972).

Having a natural love for books, he started his own library, most notable being his still-growing collection of Bibles, since Brother Eraño once told him, "Ang pinakamabuting collection ng manggagawa ay mga Biblia" (The best collection that a Minister should have is a collection of Bibles).


YOUNG ADULTHOOD

It was the wish of the Sugo for Brother Eduardo to study philosophy in college and so he majored in it as an undergraduate and continued studying it at the graduate level, both at the University of the Philippines– Diliman, Quezon City. As an undergraduate, he joined the UP Christian Brotherhood (UPCB), the Church's official student organization for the brethren enrolled in UP. He became its vice president for external affairs prior to becoming its president in his sophomore year. As his contemporaries would recall, Brother Eduardo was not unaccustomed to debating with members of other religious organizations, speaking in either Pilipino or English, as the situation necessitated.
While pursuing his undergraduate studies in UP, he undertook his ministerial studies at the Evangelical College (EVCO), now called College of Evangelical Ministry, where in a single academic year, he completed courses for both the fourth and fifth years of the program. He graduated from UP in 1978, and from EVCO in 1980.


EARLY MINISTRY

After graduating from EVCO, Brother Eduardo's first “destino” or area of assignment was in the local congregation of Cubao in Quezon City whose pastor at the time was Brother Cesar Pedrozo. Brother Eduardo was ordained as a minister on May 9, 1980 at the Iglesia Ni Cristo house of worship in Tondo, Manila. After a week of being assigned to the local congregation of Project 4, he was assigned as a “Tagapagturo” or Minister-Instructor of Evangelical Studies and as Assistant Dean of EVCO. He would bring along evangelical students from outside the Philippines, like Brothers Steven Kroll and Edward Maranan, to different provinces, especially in propagating God's words, to supplement their experiences in the ministry.

He was also assigned by Brother Eraño to host a religious radio program in DZEC and to be one of the first panelists on the TV program “Ang Iglesia Ni Cristo.” As a panelist, he would receive advice and constant guidance from the Executive Minister, which he would also share with his students.


AS COORDINATOR OF METRO MANILA

In 1984, Brother Eduardo was appointed as Coordinator of the Metro Manila Office of the Church, where he served with pioneering ministers, such as Brothers Benjamin Santiago Sr., Aniceto Bunag Sr., and Pedro Almedina. He was also involved in numerous projects, the most notable being “Project Tambalan,” which was initiated for the Sugo's Centennial Birth Anniversary Celebration. “Project tambalan,” a brainchild of Brother Pedro Jaraza, also a senior minister of the gospel, was a system of inviting non-members that yielded an unmatched record number of converts into the Church.

In order to document the worship services being officiated by the Executive Minister, Brother Eduardo initiated the use of sound and video facilities. He also founded the Society of Communicators and Networkers (SCAN) for brethren with a common interest in radio communication. Because the internet was technically non-existent in the Philippines during that time, he began and maintained a popular Bulletin Board System (BBS) and further developed his skills in computer programming. He organized the Data and Network Management (DNM), which allowed computerization of the entire Central Office. He also sponsored Internet seminars for ministers in various ecclesiastical districts of the Church.

Based on an article entitled "RP marks 7th year on the Internet", printed in the magazine Computer World Philippines in March 2001, Brother Eduardo is recognized by Filipino information technology enthusiasts as belonging to the "group of pioneers that brought the nation into the Internet Age."


AS DEPUTY EXECUTIVE MINISTER

A day after Eduardo was elected unanimously by the Church's Executive Council, he was sworn in as Deputy Executive Minister by Brother Eraño on May 7, 1994. That blessed and historic occasion was witnessed by brethren all over the world by means of video conferencing technology.

In 1994, he was entrusted by the Executive Minister with the historic task of registering the church officially in Rome, Italy. Two years later, he along with 11 ministers, joined Brother Eraño in restoring the Church in Jerusalem, Israel. In 1997, he accompanied the Executive Minister in a pastoral visit to Athens, Greece.

In 1998, he was tasked by the Executive Minister to make a pastoral visit to the United States, specifically in the states of Hawaii and California, for the 30th anniversary of the Church Of Christ's establishment in the West. He officiated the special worship services held in Neal Blaisdel Hall in Hawaii and San Jose Arena in California, both of which were filled to capacity. In his homilies, he preached not only in Filipino but also in English for the benefit of all the brethren.

In the year 2000, Brother Eraño once again sent Brother Eduardo on a pastoral visit to ten (10) states in the U.S.A. and to Washington, D.C. In 2006, he was sent by the Executive Minister to visit brethren in countries in the Middle East, Europe, and Asia.

Brother Eraño took every opportunity to hold “klase” (class) with his son. Even simple moments like taking a brisk walk would turn into precious mentoring sessions. Advice and guidance from the Executive Minister were extremely important to Brother Eduardo that during pastoral visits outside the Philippines, he always made sure his line of communication was always open to and for the Executive Minister. In fact, each time the plane he boarded had barely landed, Brother Eduardo would already be reaching for his phone to report his whereabouts to Brother Eraño. It had always been very characteristic of Brother Eduardo to consult constantly with the Executive Minister.

The ideals of the Executive Minister have always been the inspiration of Brother Eduardo's project. He sponsored workshops in writing and translations, and seminars for ministerial students, as Brother Eraño wanted ministers trained in all fields beneficial to the Church. Such learning activities culminated in projects like the “Eye 'N See Life photo exhibit” and Christian Music Video Festival (CMV Fest), which were under not only Brother Eduardo's sponsorship but also his artistic direction, given his knowledge of photography, filming, and video editing.

Because Brother Eraño wanted good values to be prompted especially among the youth of the Church, Brother Eduardo launched a children's exhibit entitled "Values 101." He also released animated documentaries about the Sugo and Brother Eraño to help the youth understand and value their compassionate labors for the Church. In addition, he initiated the digital restoration of older issues of the Pasugo.

As a composer and arranger himself, Brother Eduardo has continuously encouraged brethren to compose music for the Church. He has produced and released CD's of contemporary Christian music and "audio books" featuring Bible-verse reading paired with original INC hymns, which are all based on the books and lessons of the Executive Minister.


FAMILY LIFE

Brother Eduardo met his wife, Sister Lynn Ventura, when as a minister, he officiated a committee prayer of the UPCB. They were married on January 2, 1982, the 57th birthday of the Executive Minister. That was also the year when Brother Eraño devised the “Gabay sa Pagkakasal” (Guide for Officiating Marriage Ceremony), a minister's manual in counseling couples to be married and in solemnizing the wedding service.

Brother Eduardo and Sister Lynn molded their children early in their youth to value Church offices, which, up to now they fulfill faithfully. Brother Eduardo's constant advice to them is "Don't let the world influence you, you should influence the world," for by doing good, others will do the same. They also instilled in their children the value of studying hard so that they can use their God-given gifts in the service of the Church.

Their three children began studies at New Era University (NEU) before matriculating at UP. Dorothy Kristine graduated at U.P with Bachelor's degrees in Philosophy and Law, and now a lawyer and serving as member of the Board of Trustees of the New Era University. Gemma Minna, having graduated with a bachelor's degree in Music Education and Choir Conducting, teaches music at NEU-College of Music and serves as one of those that administer the Church choir and music. Brother Angelo Eraño has bachelor’s degree in European Languages from U.P., finished Bachelor of Evangelical Ministry (BEM) degree in 2010, and now an ordained  minister of the Gospel, heading the Christian Family Organizations (CFO) Office of the Church, and Chief Executive Officer (CEO) of Christian Era Broadcasting Corporation, a non-profit corporation running the INC TV and INC Radio.


RADIO COMMUNICATION AND OTHER
CURRENT HOBBIES AND INTERESTS

In his early teenage years, Brother Eduardo became interested in radio communication when he began tinkering with his father's unused ham radio units and antenna, eventually becoming a regular Short Wave Listener (SWL). He formed the Citizens Band Radio Group (Special Forces), and later on progressed to become a licensed amateur radio operator. He learned the Morse code, and has used voice, RTTY, and various other radio communication modes, which have afforded him the chance to communicate with people all over the world. Along with the computer technology, he is currently interested in astronomy and astrophotography.


PRINCIPLE OF LEADERSHIP
AND ADMINISTRATION

Elder ministers have described Brother Eduardo as humble. According to them, although he is the son of the Executive Minister, he has always been respectful of others ministers, especially those older than he. When it comes to the Executive Minister's instructions, his principle is to "always obey and never complain" even if it entails sacrifice, no matter how great, since such derivatives are biblical.

To Brother Eduardo, most prominent among the many advices his father imparted to him is to have selfless love and concern for the Church. For this reason, he has also been described as "compassionate" and a "good listener," although very firm and meticulous in implementing Church rules and discipline.

Now that the mantle of over-all Church administrations rests on Brother Eduardo, he himself has emphasized:

“Wala akong iibahin sa sinimulan ng Sugo at itinaguyod ng Tatay” (I will not change anything from what the god’s Last Messenger began and what my father continued to uphold), because all that they laid down for the Church have always been based on Church doctrines and regulations, in accordance with God's teachings written in the Bible.


AS THE PRESENT ECECUTIVE MINISTER:
A TRULY GOD-INSPIRED LEADERSHIP

Brother Eduardo V. Manalo assumed the office of the Executive Minister of the Church Of Christ on September 7, 2009, a week after the demised of Brother Eraño G. Manalo.

Brother Eduardo V. Manalo is the third and the present Executive Minister of the Church Of Christ. For only five years (from 2009 to 2014), his stewardship of the Church is truly God-inspired. Of how God guided and blessed the leadership of Brother Felix Y. and Brother Eraño G. Manalo, the Lord God continued to guide and bless the leadership of Brother Eduardo V. Manalo.


From 2009 to 2014, for just five years, Brother Eduardo V. Manalo already established ten ecclesiastical districts outside the Philippines, namely: United Kingdom, Eastern Canada, Western Canada, Middle East, UAE, North East Asia, China, Southeast Asia I, Southeast Asia II, and Australia; ten ecclesiastical districts in the Philippines including Palawan North, Bulacan South, Tarlac North, Laguna East, and reorganizing Metro Manila into six districts: Metro Manila East, Metro Manila West, Metro Manila South, Metro Manila North, Quezon City and Central; and ordained more than 2,000 new ministers of the Gospel.

Also hundreds of new locale congregations were established in different parts of the globe as a result of the intensive evangelical missions launched worldwide. The Church Administration also built hundreds of new houses of worship in the Philippines and in different countries worldwide.

As part of the Iglesia Ni Cristo Centennial Celebration, Brother Eduardo inaugurated the Engineering and Construction Department Building, the Pilar Manalo-Danao Multimedia Center, and the Legal-Finance Building (Honorata De Guzman-Manalo Building). All of these are inside the Central Office complex.

The present Executive Minister also led the Church with socio-civic projects and activities like Lingap Sa Mamamayan in San Nicolas, Tondo, Manila last 2012 which gained three Guiness world records, the World-Wide Walk for Yolanda Victims last February 15, 2014 which gained two Guiness world records, the Lingap Sa Mamamayan in Palayan, Nueva Ecija which gained one world record. Brother Eduardo also launched last April, 2014 the resettlement and livelihood projects in New Era, Leyte for Yolanda Victims.

At the height of the Centennial celebration of the Iglesia Ni Cristo, the Church Of Christ inaugurated the Ciudad de Victoria complex and the two gigantic structures inside its vicinity (the Philippine Arena and the Philippine Sports Stadium) last July 21, 2014. The Philippine Arena with 55,000 seating-capacities is said to be the largest indoor arena in the world.

Just recently, immediately after the week-long centennial celebration, Brother Eduardo established three more ecclesiastical districts: Laguna South (Sta.Cruz), Cavite North and Pampanga East. This makes Pampanga as the very first ecclesiastical district and the 100th ecclesiastical district in the Philippines.

Truly, Brother Eduardo V. Manalo’s leadership is God-inspired.

The victories and achievements of the Church Of Christ are not the work of men. The Church that came from a small and poor country and without any support from any government and other organizations is now recognized as one of the largest churches and the fastest growing Church in the world. The present status of the Church Of Christ is indeed the work of God, the fulfillment of God’s promise to His messenger in these last days, Brother Felix Y. Manalo. In Isaiah 41:9-10 this is what God said:

“I took you from the ends of the earth, from its farthest corners I called you. I said, 'You are my servant'; I have chosen you and have not rejected you. So do not fear, for I am with you; do not be dismayed, for I am your God. I will strengthen you and help you; I will uphold you with my righteous right hand.” (Isaiah 41:9-10 NIV)

The Lord God indeed fulfilled His promise to His last messenger, Brother Felix Y. Manalo, and continued fulfilling this promise to the present Executive Minister of the Church Of Christ, Brother Eduardo V. Manalo.

Monday, January 12, 2015

Manalo O Ysagun?


Si kapatid na Felix Y. Manalo ay ipinanganak na "Felix Manalo Ysagun." Ang kanyang ama ay si Mariano Ysagun at ang kanyang ina naman ay si Bonifacia Manalo. Subalit, pinalitan niya ang kanyang pangalan at ginawang "Felix Ysagun Manalo."

Ayon kay Kavanagh, isang Katolikong pari, ang mga residente ng Taguig ay iginigiit na ang pagbabago ng pangalan ay ginawa nang siya (Ka Felix) ay nagsimula sa kanyang pangangaral tungkol sa Iglesia Ni Cristo (noong 1914). Gayunpaman, ipinakikita ng mga tala ng mga dokumento na ito ay nangyari noong 1905, pagkatapos ng kamatayan ng kanyang ina, na siya ay nagsimulang ginamit ang pangalang "Felix Y. Manalo."

Pagkatapos ng kamatayan ng kanyang ina noong tag-araw ng 1905, nanatili siya sa Tipas upang makasama ng kanyang mga kapatid na lalaki (Baldomero) at babae (Praxedes atFausta). Noong siya bumalik sa Maynila, nag-enroll siya sa Ellinwood Bible Seminary na may pangalan na "Felix Y. Manalo." Sa 1909, noong siya ay umanib  sa Christian Mission (Deciples of Christ), siya ay kilala na bilang "Felix Y. Manalo." Sa isang pahayagan ng nasabing relihiyon na inilathala noong 1909, binanggit dito ang pangalan na "Felix Y. Manalo." Noong pakasalan niya ang kanyang unang asawa, si Tomasa Sereneo, ang kanyang pangalan ay binago sa Tomasa Manalo. Noong 1911, ginawa ang unang pagtitipun-tipon ng mga kaanib ng Seventh-Day Adventist Church sa Pilipinas, kasama sa listahan ng mga unang kaanib nito (Pioneer members) sina Kapatid na Felix Y. Manalo at Tomasa S. Manalo.

Mula noong 1905, si Kapatid na Felix ay bumalik sa Tipas noon lamang taong 1914 ng kanyang ipangaral ang Iglesia Ni Cristo sa kanyang bayang kinalakhan. Kaya, dito lamang nalaman ng mga tao sa Taguig na si Ka Felix ay gumagamit na ng apelyido ng kanyang ina.


Ang Dahilan kung Bakit Binago niya ang kanyang Pangalan Sa "Felix Y. Manalo"

Sa PASUGO (ang opisyal na magazine ng Iglesia Ni Cristo) ay inilahad na ang Kapatid na Felix ay nagbago ng kaniyang pangalan sa "Felix Y. Manalo" dahil sa kanyang mahusay na pag-ibig at pagmamahal para sa kanyang ina. Dahil sa kaniyang pagluluksa sa kamatayan ng kanyang ina kaya siya ay nagpasya na gamitin ang apelyido ng kanyang ina.

Gayunpaman, mayroong isa pang dahilan kung bakit siya nagbago ng kaniyang apelyido - siya at ang kanyang mga kapatid ay nagnais na magkaroon lamang ng isang apelyido.Hindi lamang si Kapatid na Felix Y. Manalo ang nagbago ang kanyang apelyido, kundi pati na rin ang kanyang kapatid na lalaki at babaeAng apat na magkakapatid ay may iba't ibang apelyido - Felix at Praxedes ay gumagamit ng "Ysagun" at Baldomero at Fausta ay gumagamit ng "Mozo." Ang kanilang ina, si Bonifacia Manalo ay naikasal ng dalawang beses (ang una ay kay Mariano Ysagun at ang pangalawa ay kay may Clemente Mozo).Ang ama ni ka Felix at Praxedes ay si Mariano Ysagun, habang ang ama nila Baldomero at Fausta ay si Clemente Mozo. Dahil si Ka Felix at Praxdedes ay hindi "Mozo," at si Baldomero at si Fausta ay hindi "Ysagun," kaya, ang apelyidong "Manalo" ay ang pinaka-lohikal, neutral at praktikal para sa kanila na gamitin sapagkat silang apat na magkakapatid ay "Manalo." Sa katunayan ay si Kapatid na Felix at kanyang mga kapatid ay ginamit ang apelyido na "Manalo." Ang kanilang mga talaan at ang kanilang mga pamilya ang magpapatunayan dito.


Ang kanyang Pangalan ba ay  "Felix Y. Manalo" at hindi "Felix M. Ysagun"

Siya ay ipinanganak na "Felix Manalo Ysagun," kaya dapat na tawagin siya na "Felix Ysagun" at hindi "Felix Manalo." Kung gayon, dapat ding tawagin na  "Jose Alonzo Mercado" at hindi "Jose Protacio Rizal" ang Pambansang bayani ng Pilipinas dahil siya ay ipinanganak na "Jose Alonzo Mercado." Kung ang "Jose P. Rizal" ay ang legal na pangalan ng ating Pambansang bayani, kahit na siya ay ipinanganak bilang "Jose Alonzo Mercado,"  ang pangalan na "Felix Manalo" ay dapat na tanggapin rin bilang legal na pangalan ng Kapatid na Felix kahit na siya ay ipinanganak "Felix Ysagun. "

Kung ipipilitin ng mga kaibayo na "dapat tawagin si Kapatid na Felix na " Felix Ysagun "at hindi" Felix Manalo " dahil ang kanyang ama ay si " Mariano Ysagun, "dapat rin nilang igiit na ang Pambansang bayani ng Pilipinas ay dapat tinatawag na " Jose Mercado "at hindi" Jose Rizal " dahil ang kanyang ama ay si Francisco Mercado.

Mayroon bang Maling sa Pagbabago ng Pangalan?

Ang pagbabago ng iyong pangalan ay hindi mali at hindi ito nangangahulugan na wala kang respeto sa iyong mga magulang. Dapat tandaan na ang ina ng Pambansang bayani ng Pilipinas ay si "Teodora Realonda Alonzo," at ang kanyang ama ay si "Francisco Protacio Mercado," habang ang kanyang pangalan ay "Jose Protacio Rizal." Pagkatapos ng kamatayan ni Rizal ay nagbago ang lahat ng kanyang mga kapatid ng kanilang mga apelyido mula sa "Mercado" sa "Rizal." Kung si Jose Rizal at ang kanyang kapatid ay nagbago ng kanilang mga apelyido mula sa "Mercado" sa "Rizal," ang kanilang mga magulang ay hindi ito minasama at hindi sila inakusahan ng paglapastangan sa kanilang mga magulang.

Gayundin, ang pagbabago ng pangalan ay hindi labag sa Bibliyasi Apostol Pablo ay unang tinawag na "Saul"; Abraham ay unang tinawag na "Abram"; at si Israel ay unang tinawag na "Jacob.".

Wednesday, January 7, 2015

Tinawag na TATAY ang ka Erdy?



Tayong mga kaanib sa loob ng Iglesia ni Cristo ay lubos na gumagalang sa mga leader na inilagay ng Diyos sa Iglesia, lubos tayong nagpapasakop sa kanilang mga tagubilin sapagkat ang mga ito ay sinasampalatayanan nating Kalooban ng Diyos na ipinahahayag sa atin. Kahit ang Sugo na si Kapatid na Felix Manalo at ang Tagapamahala na Kapatid na Erano Manalo ay inaalala natin ang kanilang mga naging pagpapagal sa Iglesia. Hindi nila pinabayaan ang buong bayan ng sila ay nabubuhay pa.
Bilang mga Pilipino ay nakasanayan ng ilang Kapatid na tawaging TATAY ang kapatid na Erano Manalo ng siya ay nabubuhay pa, kahit na ng siya ay pinagpahinga ng Diyos at sumasapit ang ika 2 ng Enero bawat taon ay hindi naiiwasan ng ilang mga kapatid na Maalala siya at masabing “ Salamat sa iyong Pagmamalasakit sa Iglesia TATAY Erdy”.

Ang pagtawag ng TATAY sa pumanaw na kapatid na Erano Manalo ay naging malaking katuwaan sa mga KATOLIKO lalo na sa mga Catholic Faith Defender (CFD). Sapagkat kung tayong mga kaanib daw sa Iglesia ni Cristo ang sisita sa pagtawag nila ng PAPA o Father sa kanilang mga Pari ay mag malaking pagtuligsa daw ang ginagawa natin at sumisitas daw tayo ng talata ng biblia nanakasulat sa Mat. 23:19 na” huwag tawaging AMA ang sino mang tao sa lupa.” Tinamaan din daw tayong mga Kaanib sa Iglesia ni Cristo sa talatang ito sapagkat tinawag ng ilan na TATAY ang kapatid na Erano Manalo.

Kung ang pag uusapan ay TATAY, PAPA, FATHER ay iisa lang ang kahulugan nito na katumbas ay AMA ngunit Pareho ba ng kahulugan kung tinawag na TATAY ang ka Erdy at ang pagtawag ng PAPA sa mga PARI?

May Doktrina ba ang Iglesia ni Cristo na Tawaging TATAY,FATHER, PAPA ang kapatid na Erano Manalo? Wala po, tinatawag lang ng ibang kapatid, (Pansinin natin na ibang kapatid hindi lahat) na TATAY ang ka ERDY dahil sa paggalang sa nakakatanda. Hindi dahil sa titulo na niya ang pagtawag ng TATAY ang talagang Titulo o tungkulin niya ay Tagapamahalang Pangkalahatan noon ng siya po ay nabubuhay pa. hindi rin siya nagpatawag ng TATAY ni walang aral sa Iglesia ni Cristo na ganun. Kung ang pagtawag sa Kanya ng TATAY ay doktrina Dapat ay Tinawag ding TATAY, FATHER, or PAPA ang Kapatid na Felix Manalo o ang kasalukuyang Pamamahala at lahat ng Ministro. Ngunit walang ganun. Uulitin natin ito po ay paggalang lang ng mga kapatid sa nakakatanda.

Tulad ng ilang mga tao kahit hindi nila kaanu ano ang isang tao tinatawag nilang TATAY, KUYA, ATE, ang kanilang nakakausap. Kaya hindi nalabag ang Aral ng Diyos na nasa biblia kung tinawag ng ilang kapatid na TATAY ang kapatid na Erano Manalo.

Ang Iglesia Katolika baket tinawag na PAPA ang mga pari at kahit ang kanilang PAPA na pinaka lider? Dahil basa paggalang? Basa muna tayo ng talata sa biblia.

II TES. 2:3-4 “Huwag kayong padaya kanino man sa anomang paraan: sapagkat itoy hindi darating, maliban nang dumating muna ang tagtaliwakas, at mahayag ang taong makasalanan, ang anak ng kapahamakan. Na sumalangsang at nagmataas laban sa lahat na tinatawag na Diyos o sinasamba; ano pa’t siyay nauupo sa temple ng Diyos, na siya,y natatanyag sa kanilang sarili na tulad sa Diyos.”

Ayon kay Apostol Pablo may darating na taong makasalanan, anu gagawin ng taong ito? Mangunguna sa pagtalikod o pagtaliwakas sa pananampalataya. Papanu tatalikod sa pananampalataya? Sasalangsang at magmamataas. Ganu kataas? Itatanyag ang sarili tulad sa Diyos.
Papaano makikitulad sa Diyos ang taong makasalanan na darating na binanggit ni Apostol Pablo?  May utos silang sasalangsangin. Aling utos ito? Ito na yung sinasabi sa Mat 23:9 na huwag tatawaging AMA ang sino mang tao sa lupa. Dito lumabag ang mga Paring KAtoliko nagpatawag sila ng PAPA, FATHER or TATAY. “Maaaring sabihin ng iba tulad ninyo paggalang lang po yan kaya namin sila tinatawag na Father” totoo po ba ito? Anung uring pagkaama po ba ang ipinagbabawal itawag sa sinomang tao sa lupa?

 Ezek. 18:4 “ Narito, lahat ng kaluluwa ay akin; kung paano ang kaluluwa ng ama, gayon din ang kaluluwa ng anak ay akin: ang kaluluwa ng nagkakasala ay mamamatay.”
Bawal pong tawaging Ama ng kaluluwa ang sino man tao sa lupa. Sapagkat ang Diyos lang ang Ama ng kaluluwa. Nagpatawag ba na AMA ng KALULUWA ang PAPA ng Iglesia KATILIKA? Hindi tayo ang sasagot. Basahin natin ang sipi sa isang Aklat na (Ang Iglesia ni Kristo at iba’t ibang Sektang Protestante, p26) ganito nakasulat

“at ang Santo PAPA(AMA) ay ang pinaka mataas na ama n gating kaluluwa ditto sa lupa, dahil sa siya ang kahalili nan gating Panginoon. “at dahil sa ang mga sacerdote ang nagbibigay sa atin ng buhay n gating kaluluwa, sa pamamagitan ng pangangasiwa sa mga sacramento, sila man ay tinatawag na AMA ng ating kaluluwa”


Hindi po paggalang lang kung tawagin nilang PAPA ang kanilang pinaka leader o POPE at ang mga PARI ito ay doktrina ng IGLESIA KATOLIKA,  ang kanilang layunin ay makipantay sa Diyos na napaka laking kalapastanganan sa Kanya.

 Uulitin natin ang kapatid na Erano Manalo ay hindi kalian man nagpatawag o Tinawag na TATAY or AMA ng kaluluwa samantalang ang mga Pari at PAPA ng Iglesia Katolika ay tinawag na Ama ng kaluluwa. Malaking malaki po ang pagkakaiba ito.

Tuesday, December 30, 2014

Alalahanin ninyo ang mga nangangasiwa sa inyo




Halos naging kaugalian na ng mga tao sa ibat ibang dako na magbalik tanaw sa taong lumipas at maglatag ng mga panukala para sa panibagong taon, o ang tinatawag na “New Year’s Resolution”. Lingid sa kaalaman ng marami, ang pagtatakda ng malalaking mithiin nang walang kaukulang masusing pagpaplano ay mauuwi lamang sa wala, sapagkat walang kongkretong hakbang upang yaon ay matamo. Sa malaot madali, ang kasiglahan at pag asa ay unti-unting napapawi sa paglipas ng mga buwan, kung hindi man mga linggo, at ang pagsisikap na makapag bago tungo sa ikabubuti ay biglang natatapos.

Kaysa magtala ng gayong mga “resolusyon” mas minamabuti ng mga tunay na kaanib sa Iglesia ni Cristo na lingunin ang nagdaan taon upang alalahanin ang mga pagtatagumpay na spiritual na ibiniyaya ng Panginoong Diyos. Mahigit 100 gusaling sambahan ang naipatayo at naihandog sa Diyos, limang bagong distrito eklesiatiko ang naitatag, daan daang ministro ang naordenahan, at libo-libong mga tao ang nabautismuhan tunay ngang ibinuhos ng Diyos ang kaniyang masaganang pagpapala at patnubay sa buong Iglesia at sa kasalukuyang Tagapamahalang Pangkalahatan, Ang Kapatid na Eduardo V. MAnalo!

Tangi rito, habang binabalikan natin ang taong lumipas ay hindi natin malilimot ang pahayag ng Biblia na “ alalahanin ninyo ang mga nangangasiwa sa inyo, na nagpahayag sa inyo ng salita ng Diyos. Isipin nga ninyo kung paano sila namumuhay at namamatay, at tularan ninyo ang kanilang pananalig sa Diyos” (Heb. 13:7, Magandang Balita Biblia). Ito ay lagi nating isinasagawa, lalo pa ngat ang ika 2 ng Enero ang siya sanang ika 90 na taong kaarawan ng Kapatid na Erano G. Manalo kung siya ay nabubuhay pa.

Ang Aral ng Banal na kasulatan, kung gayon, ang ating tinutupad kapag ginugunita natin ang yumaong Tagapamahalang Pangkalahatan, Kapatid na Erano G. Manalo. Bagamat wala na sila sa ating piling, ang kanilang alaala at iniwang halimbawa ay namamalaging buhay sa puso at isip ng mga kaanib ng Tunay na Iglesia ni Cristo.

Nagugunita natin ang pahayag noon ni Apstol Pablo sa mga unang Cristiano na: “Tiyak na tatandaan pa ninyo, mga kapatid, kung paano kami gumawa at nagpagal araw-gabi… samantalang ipinahahayag namin sa inyo ang Mabuting Balita” ( I Tes 2:9,). Tunay ngang nangaral sila sa atin ng walang bahid ng anumang likong layunin, bagkus ay sa pamamagitan ng matuwid at tapat na pananalita. Hindi nila binago kahit kaunti man ang mga pahayag ng Diyos para lamang maayon sa panlasa ng mga nakikinig, at hindi rin gumamit ng matatamis na pananalita para lamang makahikayat ng tao.

Bakit? Anu ang tunay na layunin ng Sugo ng Diyos sa mga huling araw, ang Kapatid na Felix Y. Manalo, at ng yumaong tagapamahalang Pangkalahatan, Kapatid na Erano G. Manalo, na nagbuhos sa kanila upang magpagal para sa Iglesia? Ganito ang paliwanag ni Apostol Pablo: “Dahil sa laki ng aming pagmamahal sa inyo, itinalaga namin ang aming sarili sa pangangaral sa inyo ng Mabuting Balita. Hindi lamang iyan, pati na aming buhay ay ihahandog namin, kung kakailanganin. Lubusan na kayong napamahal sa amin” I Tes. 2:8).

Ganoon na lamang ang kanilang pagmamahal sa Iglesia na handa nilang ibigay hindi lamang ang Mabuting Balita ng kaligtasan kundi maging ang kanilang buhay, kung kinakailangan. Hindi maitatatuwa na sila ay nagpagal at nagsakit para sa kapakanan ng mga kapatid. Subalit ang kanilang mga tiniis ay hindi ininda o ikinahapis man, bagkus ay ikinagalak pa nga nila ang kanilang pagsasakit alang alang sa Iglesia. Ginampanan nila ang kanilang tungkulin na magturo, mangalaga, at patibayin ang pananampalataya ng mga kapatid, hindi upang bigyang lugod ang tao, kundi ang Diyos (Gal. 1:10). Hindi nila hinangad na hangaan ng tao, yayamang ang ebanghelyo na kanilang itinuro ay mula sa Diyos sa pamamagitan ng pahayag ng Panginoong Jesucristo. ( Gal 1:11-12).

Napakahalagang mapansin na ang dakilang layunin at adhikain ng mga nangangasiwa sa atin sa kanilang pagpapagal at pagmamalasakit sa Iglesia, ay ka Espirito ng layunin ni Apostol Pablo noon, na “ samantalang inihahatid ninyo ang sa kanila ang balita ng kaligtasan. Pagdating ni Cristo ay maipagmamalaki ko kayo sapagkat hindi nawalan ng kabuluhan ang aking pagpapagal” ( Fil 2:16, MB). Ginugol nila ang kanilang buhay sa pag akay at paghikayat sa mga kapatid sa panahon ng mga pagsamba na kanilang pinangasiwaan, na mamuhay nang walang kapintasan- walang bahid ng kasamaan o karumihan sa gitna ng isang lahing liko at masama- upang kanilang maipagmalaki ang mga kapatid sa araw ng Paghuhukom. Subalit paano natin matitiyak na ang mga pagpapagal at pagsasakit ng mga nangangasiwa sa atin ay hindi mawawalang kabuluhan, kahit ngayong wala na sila sa ating piling? Niliwanag ito ni Apostol Pedro: “ Kaya lagi ko kayong pinapaalalahanan tungkol sa mga bagay na ito, kahit alam n’yo na ang mga ito at matatag na kayo sa katotohanang tinanggap n’yo. At sa palagay ko, nararapat lang na paalalahanan ko kayo sa mga bagay na ito habang nabubuhay pa ako,…. Kaya gagawin ko ang lahat para makatiyak akong maaalala n’yo parin ang mga itinuro ko kahit wala na ako rito” ( II Ped. 1:12-13,15 Ang salita ng Diyos).

Si Apostol Pedro, na isa sa mga namahala sa Iglesia noong unang siglo, ay buong diing nagpahayag: “Bagamat alam na ninyo ang katotohanang inyong tinanggap at matatag na kayo rito, gayunma’y lagi ko rin kayong paaalalahanan tungkol ditto.” Hindi ba ito rin ang nilayon at itinaguyod ng mga namahala sa Iglesia Ni Cristo sa mga huling araw na ito, mula sa Sugo ng Diyos na si Kapatid na Felix Manalo, hanggang sa namayapang Tagapamahalang Pangkalahatan, kapatid na Erano Manalo? Ito rin ang kanilang itinuro at walang sawang binigyang diin sa mga kaanib ng Iglesia nang sila ay nabubuhay pa. Sa anong layunin? Sinabi rin ni Apostol Pedro na: “Kaya gagawin ko ang lahat para makatiyak akong maalala n’yo parin ang mga itinuro ko kahit wala na ako rito.”

Ang isa sa mga dakilang katotohanan na lagging ipinaalala sa atin noon ng Sugo at ng Kapatid na Erano Manalo ay “ Mga kapatid, yamang kayo’y tinawag at hinirang ng Diyos, magpakatatag kayo sa kalagayang ito upang huwag kayong manlupaypay. Sa ganitong paraan, kayo’y maluwag na papapasukin sa walang hanggang kaharian ng ating Panginoon at Tagapagligtas na si Jesucristo” ( II Ped 1:10-11 MB).

Tunay nga hindi sila nagsawa sa pagtuturo at pagpapaalala ukol sa kadakilaan ng ating kahalalan at pagkatawag sa atin ng Diyos bilang Kaniyang mga lingkod sa mga huling araw na ito. Hinimok nila tayo na mamalagi sa biyayang ito, magpakatatag at magpakatibay anuman ang pagsubok, tiisin na ating masagupa upang hindi tayo matisod at maibuwal sa ating paglalakbay. Natitiyak nating tayo ang tunay na mga hinirang at pinili ng Diyos dahil ang ating saligan ay gaya ng ipinaliwanag ni Apostol Pedro: “ At kami ay mayroong lalong panatag na salita ng hula; na mabuti ang inyong ginagawa kung ito’y inyong sinusundan, na gaya ng isang ilawang lumiliwanag sa dakong madilim, hanggang sa pagbubukang liwayway, at ang tala sa umaga ay sumilang sa inyong mga puso” ( II Ped. 1:19).

Tunay ngang ang Iglesia ni Cristo na ating kinaaaniban ay may panatag na salita ng Hula- mga hula ng Diyos na pawang nagkaroon ng katuparan. Ang hula sa Isaias 43:5-6 ay nagpapahayag ng pagbangon ng mga anak ng Diyos sa Malayong Silangan o sa Pilipinas, na nagkaroon ng katuparan sa panahon ng Kapatid na Felix Y. Manalo. Binanggit din ng hula ang ukol sa pagtitipon ng mga anak ng Diyos sa Malayong Kanluran, na natupad naman sa panahon ng Kapatid na Erano Manalo nang kanilang pangunahan ang unang “Pagtitipon” ng mga kaanib sa Iglesia ni Cristo sa labas ng Pilipinas doon sa Ewa Beach, Honolulu, Hawaii, USA noong Hulyo 27, 1968.

Ang panatag na salita ng Hula na siyang saligan ng ating kahalalan ay siya ring katibayan na tayo ay maliligtas at makapapasok sa walang hanggang kaharian ng Diyos sa araw ng Paghuhukom na totoong malapit na. ito ang dahilan kaya walang humpay tayong tinuruan ng Kapatid na Erano Manalo nang sila ay nabubuhay pa. ang kanilang marubdob na hangarin ay ang madala ang bawat kaanib sa kasakdalan at kaligtasan. Sa pamamagitan ng mga leksyon sa pagsamba at mga palibot liham na kanilang inihanay, paulit ulit nila tayong pinaalalahanan na maging matibay at matatag tayo sa ating pagkatawag bilang mga kaanib sa Iglesia ni Cristo upang matamo natin ang pangakong kaligtasan.

Upang mapatunayan natin ang ating pagtatalaga sa ating pagkahirang, dapat nating sundin ang tagubilin ni Apostol Pablo na: “… Kailangan kayong manatiling tapat at matatag sa inyong pananampalataya at huwag bayaang mawala ang pag-asang dulot ng Mabuting Balita na inyong narinig….” (Col. 1:23, MB). Ang mga kaanib sa Iglasia ni Cristo na tunay na matatag at matibay sa kanilang kahalalan ay hindi natitinag sa kanilang pag asa sa kaligtasang ipinangako ng Diyos. Anumang pagsubok na dumating sa kanilang buhay- matinding hapis na dulot ng pagpanaw ng mahal sa buhay, kahirapan, pamalagiang sakit ng isang kaanib sa pamilya, o matinding pag uusig- hindi sila pumapayag na makilos sa pananampalataya at sa kanilang paninindigang sundin ang mga utos ng Diyos na kanilang tinanggap. Sa ganitong paraan ay hindi magiging walang kabuluhan ang pagsasakit ng mga nangasiwa sa kanila at maging  ng kasalukuyang namamahala.

Lubos nilang sinasampalatayanan ang pahayag ng ating PAnginoong Jesus na: “ Ang magtumibay ay daramtang gayon ng mga mapuputing damit; at hindi ko papawiin sa anomang paraan ang kanilang pangalan sa aklat ng buhay, at ipahahayag ko ang kaniyang pangalan sa harapan ng aking Ama at sa harapan ng kaniyang mga anghel” (Apoc 3:5). Isang matibay at di matitinag na pananalig sa puso at isip ng mga tapat na Iglesia ni Cristo ang siyang iniwan ng mga nagasiwa sa kanila- na isang dakilang kapalaran ang naghihintay sa kanila sa kahariang inihanda ng Panginoong Jesucristo. Doon, lubos silang nananalig na “ papahirin (ng Diyos) ang bawat luha sa kanilang mga mata, at hindi na magkakaroon ng kamatayan; hindi na rin magkakaroon pa ng pagdadalamhati, o ng pagtitiis man, o ng kirot man, sapagkat ang mga unang bagay ay lumipas na” (Apoc 21:4 Ang Bagong Ang Biblia).