TUNAY NA LINGKOD
Tuesday, January 27, 2015
Ang Kwento ni ka Zosimo
Madaling araw ng Nobyembre 8, 2013 nang araw na humagupit ang bagyong Yolanda sa Tacloban. “Lumakas ang hangin, bandang alas singco (ng umaga)” kwento ng kapatid na Zosimo. “talagang napakalakas, parang jina-jack hammer ang bahay na unti-unting binubunot” Natangay ng hangin at tuluyang inanod ng tubig ang bahay at lahat na pinaghirapan ng kapatid na Zosimo.
Nagawang umakyat sa tangke ng tubig ang kapatid na Zosimo at ang kaniyang asawa kasama rin sa nakaligatas ang kaniyang mga anak, manugang at mga apo. Nang humupa ang tubig, tumambad sa mag-anak ng kapatid na Zosimo ang nakahandusay at walang buhay nilang mga kapitbahay.
Ikinuwento ng kapatid na Zosimo ang pagliligtas ng ginawa ng Panginoong Diyos sa kanilang mag-anak. “Nanalangin ako, sabi ko sa Panginoong Diyos, Ama, iligtas mo kami para makapagpatuloy kami sa paglilingkod sa iyo. Dininig niya ang aming panalangin. “
Sa harap ng kalunos-lunos na pangyayari sa mga kababayan sa Tacloban City.
Agad na nagbilin at nagpadala ng tulong ang Tagapamahalang Pangkalahatan ng Iglesia ni Cristo, ang kapatid na Eduardo V. Manalo. Inutusan niya na magtungo ang kapatid na Glicerio B. Santos Jr. kasama ang mga ministro at mga kawani para mag-abot ng tulong sa mga kapatid at sa mga kababayan duon.
Pebrero 15, 2014, tatlong buwan matapos ang trahedya nagsagawa ang mga kapatid sa Iglesia ni Cristo ng “Worldwide Walk” para sa mga naapektuhan ng Bagyong Yolanda. Higit sa layunin na makalikom ng gagamitin na karagdagan pantulong sa mga kapatid at kababayan na nasalanta ay makapukaw ng atensyon ng pandaigdigan komunidad para pantulong sa permanenteng tahanan at kabuhayan ng mga biktima.
Ipinasya ng Tagapamahalang Pangkalahatan ng Iglesia ni Cristo na magpatayo ng komunidad na tutulong para sa mga kapatid na nasalanta at maging ang kabuhayan na kailangan nila. Pinangunahan ng kapatid na Eduardo V. Manalo ang ground breaking ceremony nuong Marso 14, 2014 para sa isang komunidad sa bayan ng Alang Alang sa Leyte na malayo na sa danger zone na ibinabala ng gobyerno.
Matapos ang ilang buwan, bumalik ang Tagapamahalang Pangkalahatan at pinasinayaan na ang EVM Self Sustainable Resettlement Community nuong Enero 23, 2015.
Ang unang 500 sa kabuuang 1,000 na mga housing unit ang ibinigay para sa mga benepisyaryo. Nagpagawa din ang Pamamahala ng Iglesia ng iba’t iba pang mga pagkukunan ng kabuhayan ng mga residente katulad ng eco-farming para sa rice at vegetable production, mushroom culture, dried fish factory at garment factory na nasa komunidad na makatutulong ng malaki para sa kabuhayan ng mga kapatid, para sa kanilang tuloy-tuloy na pagbangon.
“Nagpapasalamat (kami) laluna sa Panginoong Diyos, dahil ginamit Niyang kasangkapan ang Pamamahala at ipinangangako po namin ng aking sambahayan na magpapatuloy po kami sa aming paglilingkod sa Diyos. Kaya maraming salamat po Ama, totoo pong hindi Mo kami pinababayaan at totoong ang Pamamahala ng Iglesia ay totoong nagmamalasakit sa amin” pahayag ni kapatid na Zosimo del Rosario.
Bro. Zosimo del Rosario, a deacon of the local congregation of San Jose, Leyte East
One of the beneficiaries a new housing unit and livelihood project at the New Era Resettlement, Sitio New Era, Barangay Langit Alang Alang, Leyte.
Many brethren were amongst those affected by Typhoon Yolanda but through the relentless efforts of led by the Executive Minister of the Church, Brother EDUARDO V. MANALO, the needs of the brethren were immediately addressed.
Brethren were thankful ultimately to the Almighty God that He constantly uses the Church Administration to care for their needs
https://www.facebook.com/INCRadio?fref=photo
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment