Tayong mga
kaanib sa loob ng Iglesia ni Cristo ay lubos na gumagalang sa mga leader na
inilagay ng Diyos sa Iglesia, lubos tayong nagpapasakop sa kanilang mga
tagubilin sapagkat ang mga ito ay sinasampalatayanan nating Kalooban ng Diyos
na ipinahahayag sa atin. Kahit ang Sugo na si Kapatid na Felix Manalo at ang
Tagapamahala na Kapatid na Erano Manalo ay inaalala natin ang kanilang mga
naging pagpapagal sa Iglesia. Hindi nila pinabayaan ang buong bayan ng sila ay
nabubuhay pa.
Bilang mga
Pilipino ay nakasanayan ng ilang Kapatid na tawaging TATAY ang kapatid na Erano
Manalo ng siya ay nabubuhay pa, kahit na ng siya ay pinagpahinga ng Diyos at
sumasapit ang ika 2 ng Enero bawat taon ay hindi naiiwasan ng ilang mga kapatid
na Maalala siya at masabing “ Salamat sa iyong Pagmamalasakit sa Iglesia TATAY
Erdy”.
Ang pagtawag
ng TATAY sa pumanaw na kapatid na Erano Manalo ay naging malaking katuwaan sa
mga KATOLIKO lalo na sa mga Catholic Faith Defender (CFD). Sapagkat kung tayong
mga kaanib daw sa Iglesia ni Cristo ang sisita sa pagtawag nila ng PAPA o
Father sa kanilang mga Pari ay mag malaking pagtuligsa daw ang ginagawa natin
at sumisitas daw tayo ng talata ng biblia nanakasulat sa Mat. 23:19 na” huwag
tawaging AMA ang sino mang tao sa lupa.” Tinamaan din daw tayong mga Kaanib sa
Iglesia ni Cristo sa talatang ito sapagkat tinawag ng ilan na TATAY ang kapatid
na Erano Manalo.
Kung ang pag
uusapan ay TATAY, PAPA, FATHER ay iisa lang ang kahulugan nito na katumbas ay
AMA ngunit Pareho ba ng kahulugan kung tinawag na TATAY ang ka Erdy at ang
pagtawag ng PAPA sa mga PARI?
May Doktrina
ba ang Iglesia ni Cristo na Tawaging TATAY,FATHER, PAPA ang kapatid na Erano
Manalo? Wala po, tinatawag lang ng ibang kapatid, (Pansinin natin na ibang
kapatid hindi lahat) na TATAY ang ka ERDY dahil sa paggalang sa nakakatanda. Hindi
dahil sa titulo na niya ang pagtawag ng TATAY ang talagang Titulo o tungkulin
niya ay Tagapamahalang Pangkalahatan noon ng siya po ay nabubuhay pa. hindi rin
siya nagpatawag ng TATAY ni walang aral sa Iglesia ni Cristo na ganun. Kung ang
pagtawag sa Kanya ng TATAY ay doktrina Dapat ay Tinawag ding TATAY, FATHER, or
PAPA ang Kapatid na Felix Manalo o ang kasalukuyang Pamamahala at lahat ng
Ministro. Ngunit walang ganun. Uulitin natin ito po ay paggalang lang ng mga
kapatid sa nakakatanda.
Tulad ng
ilang mga tao kahit hindi nila kaanu ano ang isang tao tinatawag nilang TATAY,
KUYA, ATE, ang kanilang nakakausap. Kaya hindi nalabag ang Aral ng Diyos na
nasa biblia kung tinawag ng ilang kapatid na TATAY ang kapatid na Erano Manalo.
Ang Iglesia
Katolika baket tinawag na PAPA ang mga pari at kahit ang kanilang PAPA na pinaka
lider? Dahil basa paggalang? Basa muna tayo ng talata sa biblia.
II
TES. 2:3-4 “Huwag
kayong padaya kanino man sa anomang paraan: sapagkat itoy hindi darating,
maliban nang dumating muna ang tagtaliwakas, at mahayag ang taong makasalanan,
ang anak ng kapahamakan. Na sumalangsang at nagmataas laban sa lahat na
tinatawag na Diyos o sinasamba; ano pa’t siyay nauupo sa temple ng Diyos, na
siya,y natatanyag sa kanilang sarili na tulad sa Diyos.”
Ayon kay
Apostol Pablo may darating na taong makasalanan, anu gagawin ng taong ito?
Mangunguna sa pagtalikod o pagtaliwakas sa pananampalataya. Papanu tatalikod sa
pananampalataya? Sasalangsang at magmamataas. Ganu kataas? Itatanyag ang sarili
tulad sa Diyos.
Papaano
makikitulad sa Diyos ang taong makasalanan na darating na binanggit ni Apostol
Pablo? May utos silang sasalangsangin.
Aling utos ito? Ito na yung sinasabi sa Mat 23:9 na huwag tatawaging AMA ang
sino mang tao sa lupa. Dito lumabag ang mga Paring KAtoliko nagpatawag sila ng
PAPA, FATHER or TATAY. “Maaaring sabihin ng iba tulad ninyo paggalang lang po
yan kaya namin sila tinatawag na Father” totoo po ba ito? Anung uring pagkaama
po ba ang ipinagbabawal itawag sa sinomang tao sa lupa?
Ezek. 18:4 “ Narito, lahat ng kaluluwa ay akin; kung paano ang kaluluwa ng
ama, gayon din ang kaluluwa ng anak ay akin: ang kaluluwa ng nagkakasala ay
mamamatay.”
Bawal pong
tawaging Ama ng kaluluwa ang sino man tao sa lupa. Sapagkat ang Diyos lang ang
Ama ng kaluluwa. Nagpatawag ba na AMA ng KALULUWA ang PAPA ng Iglesia KATILIKA?
Hindi tayo ang sasagot. Basahin natin ang sipi sa isang Aklat na (Ang Iglesia ni Kristo at iba’t ibang Sektang Protestante,
p26) ganito nakasulat
“at
ang Santo PAPA(AMA) ay ang pinaka mataas na ama n gating kaluluwa ditto sa
lupa, dahil sa siya ang kahalili nan gating Panginoon. “at dahil sa ang mga
sacerdote ang nagbibigay sa atin ng buhay n gating kaluluwa, sa pamamagitan ng
pangangasiwa sa mga sacramento, sila man ay tinatawag na AMA ng ating kaluluwa”
Hindi po
paggalang lang kung tawagin nilang PAPA ang kanilang pinaka leader o POPE at
ang mga PARI ito ay doktrina ng IGLESIA KATOLIKA, ang kanilang layunin ay makipantay sa Diyos
na napaka laking kalapastanganan sa Kanya.
Uulitin natin ang kapatid na Erano
Manalo ay hindi kalian man nagpatawag o Tinawag na TATAY or AMA ng kaluluwa
samantalang ang mga Pari at PAPA ng Iglesia Katolika ay tinawag na Ama ng
kaluluwa. Malaking malaki po ang pagkakaiba ito.
No comments:
Post a Comment