TUNAY NA LINGKOD

Monday, May 19, 2014

Tumangi sa Kasamaan



“Aking anak, sakali mang akitin ka ng masama, huwag kang paaakay, sila’y iyong tangihan nga. Aking anak, sa kanila ay iwasan mong makisama, umiba ka ng landas mo, papalayo sa kanila”(Kaw. 1:10,15, Magandang Balita Biblia).

Ang mga pananalitang ito’y naghahayag ng wagas na pag- ibig ng Diyos sa mga kinikilala Niyang anak. Tulad ng isang mapagmahal na magulang, ayaw ng Diyos na sinuman sa Kaniyang mga anak ay mapariwara.
Alam ng Diyos na ang mga taong masama ay manghihikayat sa iba upang gumawa rin ng masama. Kaya, maagap niyang ipinapayo sa Kaniyang mga anak na huwag silang paakay bagkus ay umiba ng landas at lumayo sa kanila. Dapat silang tumanggi sa lahat ng kasamaan gaano mang material na pakinabang ang ialok sa kanila.

Ganito rin ang laging dapat ipagunita ng mga magulang sa kanilang mga anak. Ang mga anak naman ay dapat sumunod sa mga payo ng kanilang mga magulang. Ano pa ang ipinag babawal ng Diyos sa mga anak Niya upang sila’y huwag matulad sa mga taong walang maganda at matatag na bukas? Ipinagbabawal Niya na sila’y maingit sa taong masama at hindi sila dapat makisama sa gayong mga tao:

 “ Huwag ninyong kaingitan ang masamang tao, huwag ninyong hangaring makisama sa kanila.”(Kawikaan 24:1 NPV).

Ang mga Cristiano ay dapat lumayo sa masamang tao sapagkat sila’y nakasisira sa magagandang ugali. Ganito ang ipinaalala ni Apostol Pablo:

 “Mag-ingat kayo, Ang masamang kasama’y nakasisira sa magagandang ugali.” (I Cor. 15:33).

Masamang isipan ang ipinupunla ng masasamang kasama. Ang masamang impluwensia ay nagiging sanhi upang ang isang tao ay makalimot sa mabubuting pag-uugali. Hindi nais ng sinumang magulang na ang kaniyang anak ay gumawa ng masama. Kung may mga anak na naging masama bunga ng impluwensia ng mga kasamahan, isang mapait na katotohanan  ang inihahayag nito-maaaring nagkukulang ang mga magulang sa kanilang pananagutan o kaya’y ang anak na napariwara ang mismonng tumahak sa landas na dapat sana’y kaniyang iniiwasan.

UMIWAS SA MGA LASENGGO, TAMAD, AT MANGMANG

Kanino pa dapat hindi makisama ang mga kabataan? Sa Kawikan 23:20-21 ay ganito ang sinasabi

 “Huwag kang sasama sa mga taong mahilig sa alak o masyadong matakaw ng karne, sapagkat ang mga lasenggo at matatakaw ay maghihirap sa buhay, at sa pagiging antukin ay magdadamit sila ng basahan”.

Walang mabuting ibubunga sa kanino mang kabataan ang pakikipag kaibigan sa mga lasenggo at tamad. Ang mga ganitong tao ay hindi naghahanda para sa kanilang bukas. Ang mahalaga lamang sa kanila ay ang kasiyahang nadarama nila sa kasalukuyan. Dahil dito, dapat iwasan ang pag inom ng mga nakalalasing na inumin at ang paggamit ng ipinag babawal na gamut. Dapat ding iwasan ang mga taong nag aanyaya na gumamit ng mga ito; gayundin ang mga taong tamad at walang pagsisikap sa buhay. Walang magandang bukas na naghihintay sa kanila, manapa’y kahirapan at kasalatan.

Hindi rin dapat makisama ang mga anak ng Diyos sa mga mangmang. Ganito ang pagtuturo ng biblia:

“Ang sumasama sa lakad ng matatalino ay nagiging matalino, ngunit ang kasamaan ng mga mangmang ay nagdaranas ng kapahamakan.”(Kawikaan 13:20).

Kitang kita ang malaking pagkakaibang sumasama sa lakad ng matatalino at ng sumasama sa mangmang ang nakikisama sa matatalino ay nagiging matalino sa mantalang ang nakikisama sa mangmang ay nagdaranas ng kapahamakan. Kaya ang dapat piliin ng kabatan na makasama o maging kaibigan ay ang mga taong matalino. Ayon kay Apostol Pablo, ang matalino ay sinasamantala na gumawa ng mabuti. Ginito ang kanyang pagtuturo sa

  Efe 5:15-18,MB
“ Kaya’t ingatan ninyo kung paano kayo namumuhay. Mamuhay kayong tulad ng matatalino, at di tulad ng mga mangmang. Sapagkat masama ang takbo ng daigdig,samantalahin ninyo ang bawat pagkakataon na kayo’y makagawa ng mabuti. Huwag kayong mga hangal. Unawain ninyo kung ano ang kalooban ng Panginoon. Huwag kayong maglalasing,sapagkat nakasisira iyan ng maayos na pamumuhay. Sa halip ay sikapin ninyong mapuspos kayo ng Espirito Santo”

Higit sa lahat, ang matalinong dapat samahan ng mga kabataan ay yaong nakauunawa ng mga daan o kautusan ng Panginoon. Ang sabi ng Diyos:

“ Ang mga bagay na ito’y dapat unawain ng matalino, at dapat mabatid ng marunong. Matuwid ang mga daan ni Yahweh, at doon tumatahak ang mabubuti, ngunit madarapa ang mangangahas na sumuway.” Oseas 14:9

Ang tunay na marunong ay nakababatid na matuwid ang daan ng Panginoon, kaya ito ang kanilang nilalakaran o sinusunod. Kung gayon ang mga kabataan ay dapat sumasama sa mga taong sumusunod sa mg autos ng Diyos, sa mga taong ang ginagmit na bagay at patnubay sa kanilang buhay at pamumuhay ay ang mga salita ng Diyos at hindi kailanman mangahas na sumuway rito.

PAALALA SA MGA ANAK

Likas sa mga magulang na hangarin at sikapin na ang kanilang mga anak ay mapalaking mabubuti at responsableng mamamayan. Kaya naman, bata pa lamang ang mga anak ay dapat silang turuang mamuhi sa masama at sa kasinungalingan.

“Ang matuwid ay namumuhi sa kasinungalingan, ngunit ang masama ay nagdudulot ng kahihiyan at kadustaan.” Kawikaan 13:5, NPV

Kung kamumuhian ng mga anak ang mga maling gawain at kasinungalingan, gaano man kalakas ang implowensia ng masamang kapaligiran ay hindi sila mahihikayat nito. Anumang panghihikayat na pananalita ang sabihin sa kanila para sila’y gumawa ng masama ay hindi sila malilinlang. Nauunawaan nila na ang gawang masama ay magdudulot sa kanila ng kahihiyan, maging sa kanilang mga magulang na nagmamalasakit sa kanilang kapakanan.

Dahil dito, ang lahat ng anak ay dapat matutong tumanggi sa lahat ng anyo ng kasamaan at manindigan sa tamang gawain mula pa sa kamusmusan. Kung ang mga anak o mga kabataan ay matututong tumanggi sa masama at kasabay nito’y susunod sa mg autos ng Diyos, tiyak na magandang bukas ang naghihintay sa kanila. 

No comments:

Post a Comment