Nalalapit nanaman ang ating
paghahanda para sa ating Banal na Hapunan o Santa Cena, lahat tayong mga kaanib
sa Iglesia Ni Cristo ay sabik sa ganitong mga pagkakataon. Tayo po ay lubusang
nag hahanda para sa gawaing ito. Sapagkat totoong napaka selan para sa atin ng
Banal na Hapunan. Hindi po lingid sa atin na sa bawat gawain o anu mang
aktibidad ng INC ay may mga bumabatikos at hindi natin ito maiiwasan. Para po
laong magliwanag ang mga salita ng Diyos ay sagutin natin ang nagiging tanung
nila ukol sa Banal na Hapunan. Ang naitatanung nila ay kung “Bakit may abuluyan
ang ating Santa Cena? Utos po ba ng Panginoong Jesus na mag-abuluyan sa Banal
na Hapunan?”
Basahin natin ang nakasulat sa Marcos 14:12
Marcos 14:12 “AT NANG UNANG ARAW
NG MGA TINAPAY NA WALANG LEBADURA, NANG KANILANG INIHAHAIN ANG KORDERO NG
PASKUA, ay sinabi sa kaniya, ng kaniyang mga alagad, Saan mo ibig kaming
magsiparoon at ipaghanda ka upang makakain ng KORDERO NG PASKUA?”
Nung PANAHON ng Panginoong Jesus, ito
ay isinabay niya sa HAPUNANG PANGPASKUWA, o ng KAPISTAHAN ng
TINAPAY ng walang LEBADURA ang kaniyang BANAL NA HAPUNAN:
Isang pagdiriwang sa mga JUDIYO ang
Kapisthan ng Tinapay ng walang LEBADURA, at sa gabi ng HAPUNANG PANGPASKUA ay
kumakain sila at nagsasalo-salo sa KORDERO o TUPA NG PASKUA. Iba ito sa BANAL
NA HAPUNAN, dahil ito ay talagang KAINAN.
Pagkatapos ng MAKAKAIN NG HAPUNANG
PANGPASKUA, ay saka isinagawa ng PANGINOONG JESUS ang kaniyang BANAL NA
HAPUNAN:
Lucas 22:14-15 “At nang dumating
ang oras, ay naupo siya, at ang mga apostol ay kasalo niya. At sinabi niya sa
kanila, PINAKAHAHANGAD KONG KANIN NA KASALO NINYO ANG KORDERO NG PASKUANG ITO
bago ako maghirap:”
Lucas 22:20 “Gayon din naman
ang saro, PAGKATAPOS NA MAKAHAPON, na sinasabi, ANG SARONG ITO'Y ANG BAGONG
TIPAN SA AKING DUGO, NA NABUBUHOS NANG DAHIL SA INYO.”
Maliwanag ang sabi: PAGKATAPOS
NA MAKAHAPON, ibig sabihin TAPOS NA NILANG KAININ ANG HAPUNANG PANGPASKUA,
tsaka isinagawa ang PAGBABANAL NA HAPUNAN.
Ang mga GENTIL na naging KAANIB sa
UNANG IGLESIA, ay hindi nagdiriwang ng KAPISTAHAN NG PASKUA, dahil hindi naman
sila mga JUDIYO, ang HAPUNANG PANGPASKUA ay requirement lamang na gawin ng mga
Judiyo. Narito ang dahilan:
Exodo 12:27 “Na inyong
sasabihin: SIYANG PAGHAHAIN SA PASKUA NG PANGINOON, NA KANIYANG NILAMPASAN ANG
MGA BAHAY NG MGA ANAK NI ISRAEL SA EGIPTO, nang kaniyang sugatan ang mga
Egipcio, at iniligtas ang aming mga sangbahayan. At ang bayan ay nagyukod ng
ulo at sumamba.”
Ang HAPUNANG PANGPASKUA ay isang
PAGGUNITA sa ginawang PAGLAGPAS na kung tawagin sa English ay PASS OVER nung
panahon ni Moises na pinatay ang lahat ng PANGANAY, at hindi nadamay ang mga
anak ng bayan ng ISRAEL kundi ang mga panganay lamang ng mga EGIPCIO, dahil sa
nilagpasan sila dahil sa paglalagay nila ng DUGO ng TUPA sa kanilang mga
Pintuan.
Kaya sa dako ng mga GENTIL na hindi
nagsasagawa ng HAPUNAN NG PASKUA ay sa PANAHON ng PAGTITIPON nila
ito isinagawa:
1 Corinto 11:20 “Kaya’t sa inyong
PAGTITIPON, hindi BANAL NA HAPUNAN ng Panginoon ang kinakain ninyo. [Ang Bagong
Magandang Balita, Biblia]
Ito ‘yong talatang naibigay ko na sa
iyo sa nakaraan, na kinagagalitan ni Apostol Pablo ang mga Cristiano sa
Corinto, na nagsagawa ng BANAL NA HAPUNAN ng walang kaayusan na inakalang ito
ay ORDINARYONG HAPUNAN lamang na kaya isasagawa ay para MABUSOG, kaya niya
nasabi na hindi BANAL NA HAPUNAN ang kanilang kinain. Pero maliwanag niyang
sinabi na iyan ay sa panahon ng PAGTITIPON.
At ang PAGTITIPON na isinasagawa ng
mga UNANG CRISTIANO ay ang PAGSAMBA sa Diyos:
1 Corinto 14:26 “Ano nga ito, mga
kapatid? PAGKA KAYO'Y NANGAGKAKATIPON ANG BAWA'T ISA SA INYO'Y MAY ISANG AWIT,
MAY ISANG ARAL, MAY ISANG PAHAYAG, MAY WIKA, MAY ISANG PAGPAPALIWANAG. Gawin
ninyo ang lahat ng mga bagay sa ikatitibay.”
Ang mga UNANG CRISTIANO na kabilang
sa DAKO ng mga GENTIL, ay nagsagawa ng kanilang BANAL NA HAPUNAN sa kanilang
PAGTITIPON o PAGSAMBA.
Kaya ang INC ay ganun din, ISINABAY
ANG BANAL NA HAPUNAN sa aming PAGSAMBA, gaya ng ginawa ng mga UNANG CRISTIANO,
dahil tayo man ay hindi required na magsagawa ng HAPUNANG PANGPASKUA, dahil
hindi naman tayo LAHING JUDIYO.
Ang PAGSAMBA ang may ABULOY, hindi
ang BANAL NA HAPUNAN:
Hebreo 13:15-16 “Sa pamamagitan nga
niya ay maghandog tayong palagi ng hain ng PAGPUPURI SA DIOS, sa makatuwid
baga, ay ng bunga ng mga labi na nagpapahayag ng kaniyang pangalan. Datapuwa't
ang paggawa ng mabuti AT ANG PAGABULOY ay huwag ninyong kalimutan: sapagka't sa
mga gayong hain ang Dios ay totoong nalulugod.”
Sa panahon ng PAGPUPURI SA DIYOS, sa
PANAHON ng PAGSAMBA ginagawa ang ABULUYAN, isinabay lamang ang BANAL NA
HAPUNAN. Walang ABULUYAN ang BANAL NA HAPUNAN, NAGAABULOY kami sa
PAGSAMBA, at hindi sa BANAL NA HAPUNAN.
Kelan po ba ang Saktong petsa ng Santa cena?
ReplyDeleteSabi kasi nila, hindi daw saktong mar. 31 yun. Kasi sabi natin sa kanila walang dec 25 sa bible. Kaya naman binabalik nila na bakit daw mar.31 yung santa cena natin, samantalang Wala DIN daw saktong date sa Bible un, hahaha.
Ano pong say nyo jan? Pakisagot po, thanks.
Inutos sa ating mga kristiano na alalahanin ang panginoong jesucristo sa pamamagitan ng banal na hapunan. Subalit di naman sinabi kung anong petsa. Kasi di naman birthday iyon eh .. hahaha . Saka kung may birthday si jesus christ sa bible natural i cecelebrate natin iyon . Kasi iyong date nila ng pagcelebrate ka jesus christ bday iyon ng diyosdiyosang pagano.
Delete