Hindi lingid
sa ating kaalaman na may pangkatin ng relihiyon na gumagawa ng pagsamba’t,
paglilingkod sa mga rebulto o sa mga larawang inanyuan. Ang pagkakaalam nila na
ang kanilang paglilingkod sa mga Rebulto o mga larawan ay nakalulugod sa
panginoong Diyos. Pilit silang binulag ng mga Paring katoliko sa pag tuturong
ang mga gayong gawain ay katanggap tangap sa Diyos. Iminamatuwid pa nila na
“kung bawal daw ang paggawa ng larawan ay dapat naring ipagbawal ang paggawa ng
mga larawan o rebulto ng mga bayani gaya ni Rizal.” Tinutuligsa din nila ang
rebulto ng kapatid na Felix Manalo at sinasabing tayo may gumawa rin ng rebulto.
Lahat ba ng larawan ay bawal ng gawin tulad ng mga larawan ng ating mga mahal
sa buhay? Anung uring larawan o rebulto ba ang ipinagbabawal ng Diyos? Ganito
ang ating mababasa sa Exodo 20:3-5
“Huwag kang magkakaroon ng ibang mga dios sa
harap ko. Huwag kang gagawa para sa iyo ng larawang inanyuan o ng kawangis man
ng anomang anyong nasa itaas sa langit, o ng nasa ibaba sa lupa, o ng nasa
tubig sa ilalim ng lupa: Huwag mong yuyukuran sila, o paglingkuran man sila;
sapagka't akong Panginoon mong Dios, ay Dios na mapanibughuin, na aking
dinadalaw ang katampalasanan ng mga magulang sa mga anak, hanggang sa ikatlo at
ikaapat na salin ng lahi ng mga napopoot sa akin;”
Maliwanag po
ang pahayag mismo ng Diyos “ Huwag kang gagawa para
sayo iyo ng larawang inanyuan o kawangis man ng anomang anyong nasa itaas sa
langit, o ng nasa ibaba sa lupa, o ng nasa tubig sa ilalim ng lupa: HUWAG MONG
YUYUKURAN SILA, O PAGLILINGKURAN MAN SILA;” Baket ayaw ng Diyos na
gumawa ang tao ng ganung uri ng mga larawan na pagtapos gawin ay
paglilingkuran? Sapagkat ang Diyos ay mapanibughuin. Anu ang pagtuturing ng
Diyos sa mga larawan o rebultong nilikha ng tao na pagkatapos ay
paglilingkuran.? Ibang mga diyos sa harapan nya o diyos diyosan, hindi tunay na
diyos. Diyan galit na galit ang tunay na Diyos na magkaroon ng iba liban sa
kanya.
Bumasa pa
tayo ng mga sunod sunod na talata ng Biblia ukol sa paggawa ng mga larawan o
rebulto na ipinagbabawal ng Diyos at saka ninyo bulay bulayin lalo ng n gating
mga kaibigang Katoliko na makababasa nito; na kung ang mga ito nga ay ginawa ng
Iglesia Katolika.
DAN 5 :23 “Kundi ikaw
ay nagpakataas laban sa Panginoon ng langit; at kanilang dinala ang mga
kasangkapan ng kaniyang bahay sa harap mo, at ikaw, at ang iyong mga mahal na
tao, ang iyong mga asawa at ang iyong mga babae, ay nagsiinom ng alak sa mga
yaon; at iyong pinuri ang mga diyos NA PILAK, at GINTO, TANSO, BAKAL, KAHOY at
BATO, na hindi nangakakakita, o nangakakarinig man, o nakakaalam man; at ang
Dios na kinaroroonan ng iyong hininga, at kinaroroonan ng lahat na iyong lakad,
hindi mo niluwalhati.”
HAB
2:18-19 “Anong
napapakinabang ng larawang inanyuan na yao’y inanyuan ng manggagawa niyaon; ng
binubong larawan, na TAGAPAGTURO NG MGA KASINUNGALINGAN, na tinitiwalaan ng
nagaanyo sa kaniya, na gumawa ng mga piping diosdiosan? 19 Sa aba niya na nagsasabi sa kahoy, Gumising
ka; sa piping bato, Bumangon ka!
Magtuturo baga ito? Narito, nababalot ng ginto at pilak, at walang hinga
sa loob niyaon.”
JER
2 :27 “ Na
nangagsasabi sa kahoy, Ikaw ay aking ama; at sa bato, Iyong ipinanganak ako:
sapagka’t kanilang ipinihit ang kanilang likod sa akin, at hindi ang kanilang
mukha; nguni’t sa panahon ng kanilang kabagabagan ay sasabihin nila, Ikaw ay
bumangon, at iligtas mo kami,
JER
10 :3-5 “Sapagka’t ang mga
kaugalian ng mga bayan ay walang kabuluhan; sapagka’t may pumuputol ng punong
kahoy sa gubat, na siyang gawa ng mga kamay ng manggagawa sa pamamagitan ng
palakol. 4 Kanilang ginagayakan ng pilak
at ng ginto; kanilang ikinakapit ng mga pako at ng mga pamukpok, upang huwag
makilos. 5 Sila’y gaya ng puno ng palma,
na binilog, at hindi nagsasalita: kinakailangang pasanin, sapagka’t hindi
makalakad. HUWAG NINYONG KATAKUTAN ANG MGA YAON, sapagka’t hindi makagagawa ng
kasamaan, ni wala ring magagawang mabuti”.
AWIT
114 : 4-8 “
ANG KANILANG MGA DIOSDIOSAN AY PILAK at GINTO, Yari ng mga kamay ng mga
tao.5 Sila’y may mga bibig, nguni’t sila’y hindi nangagsasalita; Mga mata’y
mayroon sila, nguni’t hindi sila nangakakakita;6 Sila’y may mga tainga, nguni’t hindi sila
nangakakarinig, Mga ilong ay mayroon sila, nguni’t hindi nangakakaamoy;7 Mayroon silang mga kamay, nguni’t hindi sila
nangakakatangan; Mga paa ay mayroon sila, nguni’t hindi sila nangakakalakad; Ni
nangagsasalita man sila sa kanilang ngalangala.8 ANG NAGSISIGAWA SA KANILA AY MAGIGING GAYA
NILA; OO, BAWA’T TUMITIWALA SA KANILA.”
DEUT
29 :17 “At inyong nakita ang kanilang mga
karumaldumal, at ang kanilang mga IDOLO, na kahoy at bato,pilak at ginto na
nasa gitna nila:”
JER
10 :9 “ May pilak na pinukpok na dinala rito mula sa Tarsis, at
ginto mula sa Uphaz, na gawa ng manggagawa at ng mga kamay ng panday; AZUL at
KULAY UBE ang kanilang damit; gawang lahat ng mga bihasang manggagawa.”
HOS
13 :2 At ngayo'y nangagkasala sila ng higit at
higit, at nagsigawa sila ng mga larawang binubo sa kanilang pilak, mga
diosdiosan na ayon sa kanilang unawa, lahat ng yaon ay gawa ng manggagawa:
sinasabi nila tungkol sa mga yaon; MAGSIHALIK sa mga guya ang mga tao na
nangaghahain.
Ang tanong po natin ngayon; totoo bang ganito ang ginawa ng
Iglesia Katolika? Nagpuri sila sa mga larawang inanyuan? Mga rebulto na inukit
ng mga dalubhasa mula sa kahoy, bato.
Pilak o ginto, nang magkaroon ng kalamidad saan naka harap ang mga taong
katoliko para humingi ng tulong? Mga larawang dinadalanginan may bibig na di
nakakapag salita, may tainga na hindi nakakarinig, mga larawan o rebultong
IDULO. Ang mga larawan na kasabay ng ating mga talata sa itaas ay nagpapatunay
ng kasagutan sa ating mga katanungan.
Ang mga
kaibigan nating katoliko ay may iminamatuwid “ hindi daw sila sumasamba sa
larawan o rebulto, iyon daw pagluhod nila sa larawan o rebulto ay patungkol
doon sa may ari ng larawan at hindi sa larawan mismo. Hindi raw sila tinuruan
ng mga pari na sumamba sa larawan, ang kanila daw ginagawa ay direktang
patungkol sa Diyos” totoo kaya ito?
Ngunit may pag amin parin ang mga paring
katoliko hingil sa pagsamba nila sa mga larawan. Para sa lalong ikatitibay
tunghayan po ninyo.
Pag amin ng mga Pari
Ang mga awtoridad Katoliko, mga Pari,
ay karaniwan ng gumagawa at naglalathala ng mga Aklat na siyang ginagamit nila
sa kanilang pagtuturo. Marahil ay ikagugulat ng isang Katoliko na
nagsasabi na siya’y hindi sumasamba sa larawan kung kaniyang makikita at
mababasa na ang kanilang mga aklat mismo na sinulat ng kanilang mga Pari ay
umaaamin na sila nga ay sumasamba sa larawan.
Narito ang katibayan, sa isang aklat
Katoliko na may pamagat na “Siya ang Inyong
Pakinggan: Ang Aral na Katoliko, na sinulat ng isang pari na
si Enrique Demond, ay ganito ang ating mababasa:
“Kung ating sinasamba ang larawan ni Kristong
napapako sa Krus, dinadasal natin: ‘Sinasamba kita at pinupuri, Panginoon kong
JesuCristo,…” [Siya ang Inyong Pakinggan: Ang Aral na Katoliko,
sinulat ni Padre Enrique Demond, inilathala ng Catholic Trade School, may
imprimatur ni Jose Bustamante, pahina 12 ]
Kitang-kita sa aklat na ito ang
pag-amin ng Pari na ang mga Katoliko’y sumasamba sa larawan, sa
pagsasabing sinasamba nila ang larawan ni Cristo. Pero kahit na sabihin
pa nila na ang sinasamba nila ay ang larawan ni Cristo, ay wala naman po tayong
mababasa kailan man sa mga pahina ng Biblia na ipinag-utos na sambahin ang
larawan ni Cristo, kaya maliwanag kung gayon na talagang sumasamba sila sa
larawan.
Hindi lamang iyon, narito pa ang isa,
Isang munting aklat Katoliko na may pamagat na“Catesismo” na
tinagalog ng Pari na si Luis de Amezquita , ganito naman ang
ating mababasa:
“ Pagbangon mo sa banig ay agad kang manikluhod sa harap ng
isang Krus o isang mahal na larawan. Kung maninikluhod ka sa tapat ng Altar
magwika ka ng ganito: Sinasamba kita,” [Catesismo, ni Padre Luis de Amezquita,
pahina 79 at 82].
Dito naman sa aklat na ito ay
maliwanag na inuutusan ang isang Katoliko na agad na manikluhod o lumuhod
pagkagising sa harap ng isang Krus o isang mahal na larawan, at pagkatapos ay
sasabihin sa harapan nito ang mga katagang: “Sinasamba Kita”. Hindi ba
iyan maliwanag na pag-uutos sa isang Katoliko na lumuhod at sumamba sa isang
Larawan?
Kaya nga sabihin man nila na hindi
sila sumasamba kung ang nakikita naman natin ay ang kanilang ginagawa: sila ay
lulumuluhod at nananalangin sa harapan ng mga larawan ng mga tinatawag nilang
mga Santo, hindi ba iyon ang nagpapatunay na sila ay sumasamba dito?
Dahil sa Biblia ang katumbas ng gawang pagyukod o pagluhod ay
pagsamba, basahin natin:
Awit 95:6 “Oh magsiparito
kayo, tayo'y magsisamba at magsiyukod; tayo'y magsiluhod sa harap ng Panginoon
na May-lalang sa atin.”
At maliwanag namang sinabi ng Diyos
na ang pagyukod o pagluhod sa mga ito ang kaniyang ipinagbabawal hindi po ba? Balikan
po natin ang sinasabi ng Diyos sa aklat ng Exodo:
Exodo 20:3-5 “Huwag kang
magkakaroon ng ibang mga dios sa harap ko. Huwag kang gagawa para sa iyo
ng larawang inanyuan o ng kawangis man ng anomang anyong nasa itaas sa langit,
o ng nasa ibaba sa lupa, o ng nasa tubig sa ilalim ng lupa: Huwag
mong yuyukuran sila, o paglingkuran man sila; sapagka't akong Panginoon
mong Dios, ay Dios na mapanibughuin, na aking dinadalaw ang katampalasanan ng
mga magulang sa mga anak, hanggang sa ikatlo at ikaapat na salin ng lahi ng mga
napopoot sa akin;”
Kaya ang mismong pagluhod na ginagawa
ng mga tao sa mga larawang ito, ay ang mismong ipinagbabawal ng Panginoong
Diyos. Aminin man nila o hindi, ang ginagawa nilang ito ay maliwanag na
pagsamba at pagluhod sa mga larawan na kasuklam-suklam sa Panginoong Diyos.
Binanggit din ng Diyos na hindi natin dapat paglingkuran ang mga larawang
ito. Hindi ba’t nakikita nating kanilang pinapasan, binibihisan,
sinasabitan ng mga bulaklak, ipinagpuprusisyon, pinapahiran ng panyo,
ipinagpipiyesta at kung anu-ano pa na ito’y maliwanag na pagsisilbi o
paglilingkod sa larawan na hindi rin po dapat na gawin.
Kumuha pa tayo ng dagdag na katibiyan
ng kanilang pag-amin sa gawaing ito, sa isa pang aklat Katoliko:
“13. Ang pagsamba ba sa mga santo ay ukol lamang sa kanilang
katauhan?
Hindi, sumasaklaw din ito sa kanilang mga relikya at mga
larawan.”
“14. Ano ang tinatawag nating mga relikya?
Tinatawag nating mga Relikya:
1. Ang mga labi ng katawan ng isang santo na
pinapaging-binal o inihanda sa pagiging banal ng Iglesia [Katolika];”
2. Ang mga bagay na naging pag-aari ng mga
santo, o yaong napadaiti sa kanilang mga katawan: tulad ng kanilang kasuotan,
mga ataol, at iba pa
“15. Dapat ba nating sambahin ang mga banal na larawan?
Dapat tayong magkaroon lalo na sa ating mga simbahan, ang mga larawan ng ating
Panginoong, tulad ng sa pinagpalang Birhen at mga santo, at dapat natin silang
bigyan ng kaukulang paggalang at pagsamba”. [Salin sa Filipino mula sa Cathecism of
Christian Doctrine, inilathala ng De La Salle College, pahina 95]
Maliwanag na ipinakita sa atin ng
aklat Katolikong ito na ang sinasamba nila sa isang kinikilala nilang santo ay
ang kaniyang katauhan, larawan, at relikya.
Hindi po ba ang mga santo ay mga tao lamang? Sinasabi po ng aklat na ito na ang
mga larawan ng mga santo ay dapat nating sambahin. Dapat po ba tayong lumuhod
sa harapan ng mga tinatawag na santo o iyong mga taong banal? Maliwanag naman na
kabawal bawalan ito ng Diyos. Saan ang bahagi ng mga taong sumasamba sa mga
dios diosan? Ganito ang nakasulat sa
Apocalypsis 21:8 “Nguni't sa mga duwag, at sa mga hindi mananampalataya, at sa mga kasuklamsuklam, at sa mga mamamatay-tao, at sa mga mapakiapid, at sa mga manggagaway, at sa mga mapagsamba sa diosdiosan, at sa lahat na mga sinungaling, ang kanilang bahagi ay sa dagatdagatang nagniningas sa apoy at asupre; na siyang ikalawang kamatayan.”
Apocalypsis 20:14 “At ang kamatayan at ang Hades ay ibinulid sa dagatdagatang apoy. Ito ang ikalawang kamatayan, sa
makatuwid ay ang dagatdagatang apoy.”
Maliwanag na itinuro ng Biblia na ang bahagi ng mga
sumasamba sa diosdiosan ay sa IKALAWANG KAMATAYAN sa dagat dagatang apoy. Anu
ang katumbas nito walang kaligtasan ang mga taong sumasamba sa mga rebulto; mga
taong nagsalig ng kanilang pag asa sa nilikha ng mga kamay ng tao.
Kaya ganito po ang pagmamalasakit naming mga kaanib sa
Iglesia ni Cristo sa pagsasabi ng katotohanan; hindi namin layuning siraan ang
ating mga kaibigan bagkus ay nais naming ipaalam sa kanila ang kanilang mga
ginagawalang labag sa utos ng Diyos. Anu ba ang nais ng Diyos na gawin ng mga
taong nakaalam ng katotohanan tulad nito? Ganito ang nakasulat sa
Judas 1:23 “At ang iba'y inyong iligtas, na agawin
ninyo sa apoy; at ang iba'y inyong kahabagan na may takot; na inyong kapootan pati ng damit na
nadungisan ng laman.”
Itinuring na ng mga kaanib sa
Iglesia ni Cristo na obligasyon ang paghahayag ng katotohanan sapagkat
kailangan maagaw ang mga tao sa nalalapit na kaparusahan sa araw ng Paghuhukom
Maaari bang Igawa ng Larawan ang Tunay na
Diyos?
Marami ang nagkaroon
ng maling paniniwala na ang Diyos ay may larawan mabuti po ay ating alamin mula
mismo sa biblia kung may larawan ba talaga ang Diyos tulad ng inakala ng iba?
Deuteronomio 4:15 “Ingatan nga ninyong mabuti ang inyong sarili; sapagka't wala kayong nakitang anomang anyo nang araw na magsalita ang Panginoon sa inyo sa Horeb mula sa gitna ng apoy:”
Maliwanag ang pahayag ng Diyos na
siya ay walang anomang anyo. Bakit? Ano ba ang kalagayan ng Diyos?
Juan 4:24 “Ang Dios ay
Espiritu: at ang mga sa kaniya'y nagsisisamba ay kinakailangang magsisamba
sa espiritu at sa katotohanan.”
Maliwanag ang sagot ng Panginoong
Jesus, ang Diyos ay Espiritu, ano ba ang isang espiritu?
Lucas 24:39 “Tingnan ninyo ang
aking mga kamay at ang aking mga paa, ako rin nga: hipuin ninyo ako, at
tingnan; sapagka't ang isang espiritu'y walang laman at mga buto,
na gaya ng inyong nakikita na nasa akin.”
Ang isang Espiritu ay walang laman at
mga buto, samakatuwid ang Diyos ay walang laman at mga buto kaya wala siyang
anomang anyo. Eh maigagawa ba siya ng larawan?
Isaias 46:5 “Kanino ninyo
ako itutulad, at ipaparis, at iwawangis ako, upang kami ay magkagaya?”
Maliwanag ang pahayag ng Diyos, wala
siyang kagaya, kawangis o kamukha, kaya imposible na maigawa ng tao ang Diyos
ng larawan, dahil hindi nakikita ang Panginoong Diyos:
1 Timote 1:17 “Ngayon sa Haring
walang hanggan, walang kamatayan, di nakikita, sa iisang
Dios, ay ang kapurihan at kaluwalhatian magpakailan kailan man. Siya nawa.”
Kaya po kung may magsasabi sa atin na
ang isang larawan ay iyon ay mukha ng Diyos, tiyak na tiyak na natin na hindi
totoo ang kaniyang sinasabi, dahil hindi kailanman maaaring maigawa ng larawan
ang Diyos. At kailanman ay hindi niya ibibigay ang kaniyang kaluwalhatian at kapurihan
sa mga larawang inanyuan lamang ng tao:
Isaias 42:8 “Ako ang Panginoon;
na siyang aking pangalan: at ang aking kaluwalhatian ay hindi ko ibibigay sa
iba, o ang akin mang kapurihan sa mga larawang inanyuan.”
Paano ang marapat ng pagsamba sa Diyos?
Paano ba natin magagawa ang marapat
na pagsamba sa Diyos? Atin na pong nalaman na hindi sa pamamagitan ng paggamit
ng mga larawan. Atin pong tunghayan ang pahayag ng Panginoong Jesus:
Juan 4:23 “Datapuwa't
dumarating ang oras, at ngayon nga, na sasambahin ng mga tunay na mananamba ang
Ama sa espiritu at katotohanan: sapagka't hinahanap ng Ama ang mga gayon na
maging mananamba sa kaniya.”
Sabi ng Panginoong Jesus ang mga
tunay na mananamba sa Diyos ay sinasamba siya sa Espiritu at Katotohanan, ito
ang marapat na paraan na pagsamba sa Diyos na dapat nating gawin dahil ito ang
hinahanp ng Diyos na maging mananamba sa kaniya.
Paano ang pagsamba sa Ama sa
espiritu?
Mateo 6:9 “Magsidalangin nga
kayo ng ganito: Ama namin na nasa langit ka,Sambahin nawa ang
pangalan mo.”
Ang pagsamba sa Ama sa Espiritu ay
ang pagsamba sa kaniyang pangalan at hindi sa kaniyang larawan? Maliwanag
po iyan. Paano ba ang pagsamba sa pangalan ng Diyos, isusulat ba natin
ang kaniyang pangalan sa isang papel pagkatapos ay ididikit sa pader at ating
luluhuran? Ganun po ba? Hindi po ganun, narito po ang sagot:
Hebreo 13:15 “Sa pamamagitan
nga niya ay maghandog tayong palagi ng hain ng pagpupuri sa Dios, sa makatuwid
baga, ay ng bunga ng mga labi na nagpapahayag ng kaniyang pangalan.”
Kapag ating pinupuri at binibigkas o
sinasabi ang pangalang ipinantatawag natin sa kaniya, ito ang pagsamba sa
kaniya sa espiritu. Ano ang pangalang iyon?
Juan 20:17 “Sinabi sa kaniya ni Jesus, Huwag mo akong hipuin; sapagka't
hindi pa ako nakakaakyat sa Ama, nguni't pumaroon ka sa aking mga kapatid, at
sabihin mo sa kanila, Aakyat ako sa aking Ama at inyong Ama, at aking
Dios at inyong Dios.”
“Ama” ang ating dapat itawag sa
nagiisa at tunay na Diyos, na Diyos din ng Panginoong Jesus.
Paano naman ang pagsamba sa Ama sa
katotohanan?
Mateo 6:10 “Dumating nawa ang
kaharian mo. Gawin nawa ang iyong kalooban, kung paano sa langit, gayon
din naman sa lupa.”
Ang pagsamba sa kaniya sa katotohanan
ay ang pagsunod na dapat nating gawin sa kaniyang mga kalooban o mga kautusan,
dahil ito ang buong katungkulan ng tao.
Ecclesiastes 12:13 “Ito ang wakas ng bagay; lahat ay
narinig: ikaw ay matakot sa Dios, at sundin mo ang kaniyang mga utos;
sapagka't ito ang buong katungkulan ng tao.”
Ito ang marapat na pagsamba sa Diyos
na dapat nating isagawa, upang tayo ay maging kalugodlugod sa kaniyang
paningin. Hindi ang pagluhod sa mga larawan na itinuro ng mga Paring katoliko;
taliwas na taliwas sa aral ng Diyos ang kanilang pagtuturo.
Ang awit 114:4-8 yan po ba talaga? O awit115:4-8?
ReplyDeleteopo ibat ibang version po kasi ang aming gingamit
DeleteThis comment has been removed by the author.
ReplyDeleteThis comment has been removed by the author.
ReplyDeletetsssss....Pangkaraniwan na naming mapapansin na maraming iba't ibang sekta ang mahilig manghiya, manuligsa at manlibak sa Banal na Simbahang Katolika. Isa na rito ang patungkol sa paggamit ng mga rebulto at larawan sa ating mga Simbahan.Nakakalungkot isipin na marami sa ating mga kapatid na katoliko ang nadadala sa ganitong impresyon at maling pagkaunawa na siyang sinasabi ng iba. Mababatid natin na ang karaniwan nilang binibigay na talata ay ang Exodo 20, sa tuwing kanilang gagamitin ang talatang yan ay kanilang sinasabi na sadyang nakakasuklam daw sa Diyos ang paggawa ng rebulto at larawan:
ReplyDeleteExodo 20:3-5 "Huwag kang magkakaroon ng ibang mga dios sa harap ko. Huwag kang gagawa para sa iyo ng larawang inanyuan o ng kawangis man ng anomang anyong nasa itaas sa langit, o ng nasa ibaba sa lupa, o ng nasa tubig sa ilalim ng lupa: Huwag mong yuyukuran sila, o paglingkuran man sila; sapagka't akong Panginoon mong Dios, ay Dios na mapanibughuin, na aking dinadalaw ang katampalasanan ng mga magulan sa mga anak, hanggang sa ikatlo at ikaapat na salin ng lahi ng mga napopoot sa akin."
Ayon sa kanila anumang larawan o rebulto daw ay atin daw sinasamba, dahil daw ayon dito ay atin daw niyuyukuran at niluluhuran ay pagsamba na raw yun sa rebulto. Kanilang sinusuportahan ito ng maraming mga talata tulad ng mga sumusunod ng talata:
Deuteronomio 4:16 "Huwag kayong gagawa ng anumang larawan upang sambahin, maging kawangis ng tao."(Magandang Balita Biblia)
Levitico 26:1 "Huwag kayong gagawa ng diyus-diyusan o magtatayo ng mga inukit na larawan o haligi na sagrado, o mga batong hinugisan upang sambahin."
Malinaw na sinasabi na ang isang bagay na kailangan para maging kasuklam-suklam ay upang sambahin at hindi upang alalahanin o igalang. Sa wikang Ingles, iba ang salitang veneration sa salitang adoration or worship. Hindi kasi batid ng mga di katoliko ang 3 aspeto nito, ang Latria o ang mataas na pagsamba sa Panginoong Diyos, and Hyperdulia, o ang espesyal na pagpaparangal at paggalang na naiikol sa Mahal na Birheng Maria, at Dulia o ang pamimintuho, paggalang at pag-alala sa mga santo at mga banal na tao. Dahil diyan isang malaking kasinungalinan ang sabihin na ang Iglesia Katolika ay sumasamba sa rebulto dahil mismong ang Iglesia Katolika ang kumokondena sa anumang uri ng idolatria. Tignan natin at silipin ang sinasabi naklat ng Katesismo ng Simbahang Katolika.
"Anu-ano ang mga ipinag-uutos sa, Huwag kang sasamba sa ibang diyus-diyosan."?
Ipinagbabawal ng utos na ito ang, Pagsamba sa maraming diyos o idolatriya, na nagtuturing sa mga nilikha bilang diyos, tulad ng pera, poder o kahit na ang mga demonyo."
Ngunit nasa biblia ba ang lahat ng iyong pinaliwanag ? Yung tatlong aspeto ?
DeleteDeuteronomio 4:16 "Huwag kayong gagawa ng anumang larawan upang sambahin, maging kawangis ng tao."(Magandang Balita Biblia)
Deletesir kayo na po ang nag post, pag gawa pa lang po bawal na. bakit po ba kasi kailangan pang gumawa ng mga rebulto, sinabi na nga pong bawal. at sa pag samba naman po sa mga yan ako din po nag tataka, ano po ba ang ibig sabihin ng pagigiging isang DEBOTO sa isang santo sa pananaw nyo at sa ibang katoliko.
Bibliya na mismo nag sabi na bawal sumamba sa Diyus-diyosan kaya wag nyo nalang hanapan ng dahilan kung baket nyo ginagawa yan kasi mali nga Binastos nyo naring mga Katoliko ang Panginoong Diyos kung ganon... Baguhin nyo nayang maling paniniwala nyo bago pa ma huli ang lahat...
DeleteThis comment has been removed by the author.
DeleteWala kayong mabibigay na paglabag ng mga Iglesia ni Cristo sa Bibliya kase Kaylan man Hindi kami lalabag sa utos ng Ating Panginoong Diyos.Di kami tutulad sa inyo mga sanlibutan na katoliko at sa mga katoLIKO nyong aral.
DeleteExodus 25 verse 17
Delete"17 At gagawa ka ng isang luklukan ng awa, na taganas na ginto: na may dalawang siko't kalahati ang haba niyaon, at may isang siko't kalahati ang luwang niyaon. 18 At gagawa ka ng dalawang querubing ginto; na yari sa pamukpok iyong gagawin, sa dalawang dulo ng luklukan ng awa. 19 At gawin mo ang isang querubin sa isang dulo, at ang isang querubin sa kabilang dulo: kaputol ng luklukan ng awa, gagawin mo ang mga querubin sa dalawang dulo niyaon. 20 At ibubuka ng mga querubin ang kanilang pakpak na paitaas, na nilililiman ang luklukan ng awa, ng kanilang mga pakpak, na ang kanilang mukha ay nagkakaharap, sa dakong luklukan ng awa ihaharap ang mga mukha ng mga querubin. 21 At iyong ilalagay ang luklukan ng awa sa ibabaw ng kaban; at sa loob ng kaban, ay iyong ilalagay ang mga kinalalagdaan ng patotoo, na aking ibibigay sa iyo. 22 At diya'y makikipagkita ako sa iyo, at makikipanayam sa iyo mula sa ibabaw ng luklukan ng awa, sa gitna ng dalawang querubin na nangasa ibabaw ng kaban ng patotoo, tungkol sa lahat ng mga bagay na ibibigay ko sa iyong utos sa mga anak ni Israel."
kaya pala si Kristo eh tao lang sa inyo.. at ung pagkain ng dinuguan nyo eh nasa lumang tipan pa..
Kaya't huwag na kayong magpapasakop pa sa anumang alituntunin TUNGKOL SA PAGKAIN at inumin, tungkol sa mga kapistahan, sa bagong buwan o sa Araw ng Pamamahinga. Ang mga ito'y ANYO LAMANG NG MGA BAGAY NA DARATING, ngunit si Cristo ang KATUPARAN ng lahat ng ito."
(Colossas 2:16-17)
Bakit sinasabi ng Bagong Tipan na hindi na tayo dapat magpasakop sa mga alituntunin tungkol sa pagkain, na kasama na doon ang pagkain ng dugo? Dahil dumating na si Cristo. Ayon sa sinabi sa talata, si Cristo na ang katuparan ng alituntuning ito. Sa anong paraan natupad?
Tinuturo ng Lumang Tipan na ang dugo ay nagtataglay ng BUHAY. Sa Bagong Tipan, ang dugo ni Cristo na mismo ang TUNAY NA BUHAY.
___"Sinabi ni Jesus, Pakatandaan ninyo: malibang kainin ninyo ang laman ng Anak ng Tao at inumin ang kanyang DUGO, hindi kayo magkakaroon ng BUHAY."
(Juan 6:53)
Kaya hindi na tayo nakakulong sa mga alituntunin tungkol sa pagkain. Pwede na nating kainin ang mga pagkain ng walang pangambang nagkakasala sa Diyos dahil langkinain natin ito.
___"Ang pagkain ay walang kinalaman sa katayuan natin sa harap ng Diyos. Walang mawawala sa atin kung hindi tayo kumain ng ganoong pagkain, at wala ring kabutihang maidudulot sa atin kung kumain man tayo niyan."
(1 Corinto 8:8)
___"Hindi ba ninyo alam na hindi ang anumang mula sa labas ng tao ang nakapagpaparumi sa kanya, sapagkat hindi naman iyon pumapasok sa kanyang puso, kundi sa tiyan, at pagkatapos ay idinudumi." Sa ganitong paraan ay ipinahayag ni Jesus na ang lahat ng pagkain ay maaaring kainin.
At sinabi rin niya, "Ang lumalabas sa tao ang nagpaparumi sa kanya sa paningin ng Diyos."
(Marcos 7:18b-20)
Isa pa. Bakit may mga larawan at rebulto kayo ni Felix Manalo? Hindi ba ang inyong pag kondena sa mga rebulto ay isang kaipokrituhan. Kami walang larawan ni Manalo pero may larawan ni Cristo at ni Maria. Dihamak naman na mas mahalaga si Cristo at si Maria kesa ke Felix Manalo.
DeleteMeron nga kaming rebulto ni kapatid na felix. Pero hindi namin iyon sinasamba at yinuyukuran tulad ng inyong gingawa sa inyong mga rebulto. Yun ay isang simbulo lamang na sya ang nagtatag at nagpasimula sa pangangaral sa iglesia ni cristo. But it doesnt mean na winoworship yung rebulto. Its just a display. Lel
DeleteSaan makikita yong verse na sinabi ng dios..ang lahat ng simbahan na may dios-diosan ay sa diablo.piro kung wala ay sa dios?
DeleteMalinaw ang kinokondena ng Iglesia Katolika ay ang pagsamba sa maraming diyos, at ang nagtuturing sa mga nilikha bilang diyos. Dahil diyan ang tunay na kinokondena ay yung pagturing sa anumang nilalang na diyos na mismo, at iba ang kanyang paniniwala sa mga santo kaysa sa pagtuturing ng iba sa isang nilalang ng Diyos. Dahil kailanman ay hindi itinuro ng Simbahan na ang mga santo ay diyos o kahit ang kanilang mga rebulto at larawan ay mga diyos na. Hindi po, at maliwanag po yang sinabi ng pareho ding katesismo.
ReplyDelete"Ang pag-galang ng mga Kristiyano sa mga banal na imahen ay nakabatay sa pagkakatawang-tao ng Anak ng Diyos, dahil ang pag-galang na ito ay naka-ugat sa misteryo ng Anak ng Diyos na naging tao at dahil dito'y nakita natin ang Diyos na lubhang lingid sa paningin ng tao noon una. Ito'y hindi pagsamba sa mga banal na imahen bagkus ay pag-galang ang ibinibigay natin sa mga banal na inilalarawan nito, halimbawa, si Kristo, ang Mahal na Birhen, ang mga anghel at mga Santo." (Katesismo ng Simbahang Katolika, pg. 181-182 )
Malinaw na sinasabi mismo ng katesismo na ang iniuukol mismo ng mga katoliko sa mga rebulto at imahen ay pag-galang at hindi pagsamba. Kaya malinaw na itinuturo yan hindi lamang basta ng mga pari kundi ayon na mismo sa dokumento ng Simbahan. Dahil diyan malinaw na sinasabi ng katesismo na ang, basehan ng Simbahan sa pag-galang sa mga banal na imahen ay nakabatay sa pagkakatawang tao ng Anak ng Diyos na si Jesucristo. Alam natin na ang Panginoong Jesucristo ay Diyos na nagkatawang tao. Dahil diyan siya ay may laman at buto at may anyo. Dahil nasusulat:
ReplyDeleteJuan 1:14 "At nagkatawang-tao ang Verbo, at tumahan sa gitna natin (at nakita namin ang kaniyang kaluwalhatian, kaluwalhatian gaya ng sa bugtong ng Ama), na puspos ng biyaya at katotohanan."
Sabi nyo po "Alam natin na ang Panginoong Jesucristo ay Diyos na nagkatawang tao." Ibig nyo po ba sabihin kayo ang nagsasabi ng katotohanan at ang ating Panginoong Jesucristo at nagsisinungaling? Kc po sabi nya sa Juan 8:40
Delete“Datapuwa’t ngayo’y pinagsisikapan ninyo akong patayin, na taong sa inyo’y nagsaysay ng katotohanan, na aking narinig sa Dios…” Sabi po nya siya ay tao lang at hindi tao sk Dios pa. Kasi po ang katotohanan na sinasabi ng Panginoong Jesus hanggang sa kanyang kamatayan sa Juan 17:1, 3, “Pagkasabi ni Jesus nito, tumingala Siya sa langit at nagsabi, ‘Ama, dumating na ang oras. Luwalhatiin Mo ang Iyong Anak upang luwalhatiin Ka rin ng Iyong Anak… At ito ang buhay na walang hanggan – ang makilala Ka nila, Ikaw na kaisa-isang tunay na Diyos, at si Jesu-Cristong sinugo mo”... Impossible pong magsinungaling ang Panginoong Jesus na ipinakilala Nya ang Ama na "kaisa-isang tunay na Diyos" tapos yun pala Sya rin pala wika ninyo ay Dios din?... Sino po ngayon ang nagsisinungaling at ang nagsasabi ng katotohana,,, kayo po o ang Panginoong Jesucristo? Pasensya na po kayo, pero ang Panginoong Jesucristo po ang paniniwalaan namin dahil gaya ng salita Nya, na Siya( Panginoong Jesucristo) ang TAONG nagsasaysay ng KATOTOHANAN na Kanyang narinig sa Dios.
Ganun lang po kasimple paliwanag ng Panginoong Jesus,,, Siya ay tao na binigyan ng kaluwalhatian ng Ama, ang Ama ang kaisa-isang Dios (ONLY GOD) ang nagsugo at nagkaloob ng kaluwalhatian sa Panginoong Jesus... Iba ang TAO kumpara sa DIOS, iba ang NAGBIGAY kumpara sa BINIGYAN, iba ang NAKARINIG kumpara sa KINARINIGAN at iba rin ang ISINUGO kumpara sa NAGSUGO. Bukas na kaisipan at pagtanggap lang po sa katotohanang nakasulat sa Biblia ang SOLUTION sa usaping ito, hindi ang kurokuro o sariling pakahulugan o katesismo.
"At nagkatawang-tao ang Verbo. kapatid na jack sparrow... assignment mo poh ngayon alamin mo ang tamang kahulugan ng verbo sa biblia at sa iba pang libro na mbabasa mo na nagbibigay ng kahulugan sa verbo na sa iyung palagay na ang verbo ay dios at nagkatawang tao na si jesus.... assignment mo poh yan ha... :)
DeleteJUAN 8:40
Delete40Datapuwa't ngayo'y pinagsisikapan ninyo akong patayin, na taong sa inyo'y nagsaysay ng katotohanan, na aking narinig sa Dios: ito'y hindi ginawa ni Abraham
ALam nyo po ba kong anong ibig sabihin ng Verbo? ang Verbo ay Verb its and Action Word isang salita. Hindi Dios Hindi Tao walang Exesistido itoy nasa Isipan ng Dios. Kong gayon kong sinasabi mo na Dios si Cristo . mag cocontradict na yan sa Isias 45:22 na sabi ng Ama na walang ibang Dios Maliban sakin.
Deletepwede po bang makita ang scanned copy ng aklat ni Padre Amezquita?
ReplyDeletekinantot ako ni hesus sa puwet. sabi niya ang sarap.
ReplyDeleteSumpain ka nawa sa pambabastos mo sa Panginoong Jesucristo.
DeleteKuya makialis comment ng Satanistang 'to.
This comment has been removed by the author.
DeleteSino yang tinutukoy mong makasalanan ka marami na ng gaya sa pangalan ng ating Panginoong HesuKristo.
DeleteSimple lang naman po ang kasagutan sa mga pinag tatalunan nyo. .wla aqng pinapanigang relehiyon dahil lahat tau ay sumasamba sa panginoon ngunit sa ibat ibang paraan ng pagsamba o pagkilala sa panginoon... Lilinawin ko lang po sa bumabatikos sa pananampalataya ng mga katoliko. .hindi rebulto ang sinasamba ng mga katoliko nagsisilbi lamang ito bilang imahe ng ating panginoon. .dahil ang pagsamba po ay nsa puso't damdamin at isipan at hindi kung anu ang nakikita ng mga mata... Lahat ng mga mata nating nilalang ng panginoon ay bulag dahil ang isipan at damdamin natin lamang ang makakakita skanya. . ...
ReplyDeleteKung gayon bakit kailangan mo pa ng rebulto o larawan kung nasa puso at damdamin mo rin lang naman pala ang pagsamba sa Panginoon???... Hindi ba sapat ang sinabi ng Dios na sambahin sya sa kanyang "PANGALAN" at gagawa kapa ng rebulto at larawan na hindi naman nya kamukha???....
DeleteKayla Elle Tama ka...
DeleteSimple lang naman po ang kasagutan sa mga pinag tatalunan nyo. .wla aqng pinapanigang relehiyon dahil lahat tau ay sumasamba sa panginoon ngunit sa ibat ibang paraan ng pagsamba o pagkilala sa panginoon... Lilinawin ko lang po sa bumabatikos sa pananampalataya ng mga katoliko. .hindi rebulto ang sinasamba ng mga katoliko nagsisilbi lamang ito bilang imahe ng ating panginoon. .dahil ang pagsamba po ay nsa puso't damdamin at isipan at hindi kung anu ang nakikita ng mga mata... Lahat ng mga mata nating nilalang ng panginoon ay bulag dahil ang isipan at damdamin natin lamang ang makakakita skanya. . ...
ReplyDeleteyun po ang sabi mo? pero ang doktrina ninyo hindi, mga pari po ang nag patotoo di po ba? wala po kaseng pag dodoktrina sa katoliko kaya po puro opinyon ng mga kaanib lang...
Deletekung ang pag baabsihan ay EXO na iniutos sa panahon ni moises hnd ba ang daming utos dyan na nag paggwa ang dyos ng imahe at rebulto.. kaya hnd masama ang rebulto lalo na patungkol sa kanila .. iba kasi ang VENERATION sa ADORATION.. humuhusga kayo at nag bibintang nag kakasala na agad kayo ... gudluck hahaha
Deletepuro kayo bible. ginagawa niyo ba? sa lahat ng kwento sa biblia, iilan lang ang mga napunta talaga sa impyerno. yung mga hindi tumutulong sa mga kapatid nilang maliliit. e kahit mga ministro niyong may mga anak, sa private nag aaral, naka kotse pa! Bible kayo ng Bible e sa Simbahan inaaway niyo nanggaling yan. Edi gumawa kayo ng Bible niyo, bat nyo sinasakmal yung kamay ng nagpakain sa inyo ng salita ng Diyos? Impokrito! ilan sa inyo ang nagkalinga sa mga maliliit dahil iniutos sa kanya ng Diyos na umibig? puro kayo kaepalan para lang masabing tumutulong kayo. Wala naman kayong ibang pinagkukunan ng PERA (na diyos niyo at dahilan niyo para mang akit pa ng ibang niyembro para diyan sa kulto niyo) kundi yung Bibliya na ang TANGING IMPORTANTENG UTOS LANG NAMAN E UMIBIG SA DIYOS AT SA KAPWA. BIBLIA NIYO MUKA NIYO, DI NIYO NAMAN TINUTUPAD MGA NAKASULAT DIYAN!
ReplyDeletePaps yan lang ata alam mong talata eh ! Kung ganon. Baliwala dn pala yung utos ng panginoon jesus na sinomang pumasok sakin ay maliligtas! At marami pa!!! TALINO MO PO !! Pagawa nalang kaya tayo ng sarili mong religon dahil sa isang talata mo hahahaha
DeletePaps wag muna alamin yung katotohanan ! Ganun din eh d mo rin kaya! Sayang lang ang biblia sainyo! Kung opinion nyo rin nman masusunod! Hindi yung katotohanan na pinag aaralan talaga!
Deletewow hahaha saan mo narinig yang PERA ay DIOS ng INC ?? ikaw isa ka sa mga nagkakalat ng maling impormasyon .. kung ang katotohanan pipigilan mo at kokontrahin mo.. at ang mali ay gusto mong maging tama.. ikaw nlang mag isa mo..
ReplyDeletetama PURO KAMI BIBLE. eh KAU ano PURE Opinion ??
isa pa nahihibang KABA? sabi MO PURO kami BIBLE tas SASABHIN mong kulto kami ? ang nagsasalig sa BIBLE ng PANANAMPALATAYA AY kulto PALA..
KAYA PALA UNG MGA GUMAYA SA MGA PAGANO NA GUMAGAWA NG REBULTO HNDI MGA KULTO . BALIKTAD NA PALA NGAYON
DI ba may rebulto sa bibliya? kerubin pa nga at ginto pa... pero Diyos pa mismo nag pagawa... basahin mo, kasi parati yan ang banat nyo sa katoliko madali kasi magsabi ng mali
DeleteExodus 25 verse 17
"17 At gagawa ka ng isang luklukan ng awa, na taganas na ginto: na may dalawang siko't kalahati ang haba niyaon, at may isang siko't kalahati ang luwang niyaon. 18 At gagawa ka ng dalawang querubing ginto; na yari sa pamukpok iyong gagawin, sa dalawang dulo ng luklukan ng awa. 19 At gawin mo ang isang querubin sa isang dulo, at ang isang querubin sa kabilang dulo: kaputol ng luklukan ng awa, gagawin mo ang mga querubin sa dalawang dulo niyaon. 20 At ibubuka ng mga querubin ang kanilang pakpak na paitaas, na nilililiman ang luklukan ng awa, ng kanilang mga pakpak, na ang kanilang mukha ay nagkakaharap, sa dakong luklukan ng awa ihaharap ang mga mukha ng mga querubin. 21 At iyong ilalagay ang luklukan ng awa sa ibabaw ng kaban; at sa loob ng kaban, ay iyong ilalagay ang mga kinalalagdaan ng patotoo, na aking ibibigay sa iyo. 22 At diya'y makikipagkita ako sa iyo, at makikipanayam sa iyo mula sa ibabaw ng luklukan ng awa, sa gitna ng dalawang querubin na nangasa ibabaw ng kaban ng patotoo, tungkol sa lahat ng mga bagay na ibibigay ko sa iyong utos sa mga anak ni Israel."
Basahin nyo nalang ang nakasaad sa bibliya at intindihing mabuti.malinaw naman sa sampung utos palang malalaman nyo na kung tama ba na yuyukuran ang mga larawan o hindi. at ang sabi pa, wag kayong sasamba ng ibang diyos maliban sakin. di po sinabi na sasamban si santo ganito at santo ganyan. Sundin nalang ang utos ng diyos at wag ipairal ang pride. di kayo maliligtas ng pride nyo. Tingnan ang sampung utos, at kung napansin ninyo na salungat ang utos ng diyos sa pinaniniwalaan ng relihiyon nyo, ibig po sabihin, di po yan ang tunay na relihiyon. Di pa po huli ang lahat habang may buhay.
ReplyDeleteikaw yata ang dapat din mag basa ng kasulatan... ung kaban ng tipan may rebulto un ng kerubin at don nag dadasal at nakikipag tipan si moises sa Diyos.. at isa pa po, si Haring Solomon alam mo bang may rebulto ng anghel? don pa lang di na kinokundena ng diyos ang rebulto, basta di ung rebulto nila BAAL, Rebulto ng mga baka na may katawan ng tao o ung tinatawag na idols, dahil ito ay nakakapag palayo sa Diyos dahil ito na ang sinasamba,,, ang rebulto ba ni Kristo eh nakakapag palayo ng tao sa Diyos? at ang mga rebulto ng anghel? di po ba hindi.. kaya po si Haring Solomon may rebulto sya ng anghel at ung kaban ng tipan may rebulto ng kerubin.. siksik mo ito sa kukute mo, ang ayaw ng Diyos ung mga diyos diyusan.., at hindi ang mga rebulto ng mga alagad nya at rebulto ng mga anghel kung pag babasihan natin ang bibliya..
Deletebasahin mo ung Exodus 25 verse 17
Exodus 25 verse 17
"17 At gagawa ka ng isang luklukan ng awa, na taganas na ginto: na may dalawang siko't kalahati ang haba niyaon, at may isang siko't kalahati ang luwang niyaon. 18 At gagawa ka ng dalawang querubing ginto; na yari sa pamukpok iyong gagawin, sa dalawang dulo ng luklukan ng awa. 19 At gawin mo ang isang querubin sa isang dulo, at ang isang querubin sa kabilang dulo: kaputol ng luklukan ng awa, gagawin mo ang mga querubin sa dalawang dulo niyaon. 20 At ibubuka ng mga querubin ang kanilang pakpak na paitaas, na nilililiman ang luklukan ng awa, ng kanilang mga pakpak, na ang kanilang mukha ay nagkakaharap, sa dakong luklukan ng awa ihaharap ang mga mukha ng mga querubin. 21 At iyong ilalagay ang luklukan ng awa sa ibabaw ng kaban; at sa loob ng kaban, ay iyong ilalagay ang mga kinalalagdaan ng patotoo, na aking ibibigay sa iyo. 22 At diya'y makikipagkita ako sa iyo, at makikipanayam sa iyo mula sa ibabaw ng luklukan ng awa, sa gitna ng dalawang querubin na nangasa ibabaw ng kaban ng patotoo, tungkol sa lahat ng mga bagay na ibibigay ko sa iyong utos sa mga anak ni Israel."
bakit parang iba ang naka sulat sa awit 114:4-8 tignan nyo sa magandang balita bibliya ganto ang nakalagay
ReplyDelete4 Maging mga bundok,katulad ng tupa, ay pawang nanginig,pati mga burol,nanginig na parang tupang maliliit.
5 Ano ang nangyari,at ikaw, O dagat, nagbigay ng daan?Ikaw Ilog Jordan,bakit ang tubig mo ay tumigil naman?
6 Kayong mga bundok,bakit parang kambing na nagsisilundag?Kayong mga burol,maliit na tupa'y inyo namang katulad?
7 Ikaw, O daigdig,sa harap ni Yahweh, ngayon ay manginig,dapat kang matakotsapagkat darating ang Diyos ni Jacob,
8 sa malaking batonagpabukal siya ng saganang tubig,at magmula roonang tubig na ito ay nagiging batis.
Basahin ang kumpletong kabanata Mga Awit 114
eh sino po ba ang nagkaroon ng rebulto non pa? di po ba si haring solomon may rebulto sya ng anghel,,, so sinasamba nya rin un? bat di po sya pinigilan ng Diyos? at bakit po ung ark of the covenant o kaban ng tipan di po bat may rebulot iyon ng kerubin.. at don po nag dadasal sila moises at aaron... sinamba din nila ung rebulto ng kerubin don? grabeh kayo mangbaluktot ng paniniwala, kasalanan yan ng malaki sa Diyos!
ReplyDeleteExodus 25 verse 17
"17 At gagawa ka ng isang luklukan ng awa, na taganas na ginto: na may dalawang siko't kalahati ang haba niyaon, at may isang siko't kalahati ang luwang niyaon. 18 At gagawa ka ng dalawang querubing ginto; na yari sa pamukpok iyong gagawin, sa dalawang dulo ng luklukan ng awa. 19 At gawin mo ang isang querubin sa isang dulo, at ang isang querubin sa kabilang dulo: kaputol ng luklukan ng awa, gagawin mo ang mga querubin sa dalawang dulo niyaon. 20 At ibubuka ng mga querubin ang kanilang pakpak na paitaas, na nilililiman ang luklukan ng awa, ng kanilang mga pakpak, na ang kanilang mukha ay nagkakaharap, sa dakong luklukan ng awa ihaharap ang mga mukha ng mga querubin. 21 At iyong ilalagay ang luklukan ng awa sa ibabaw ng kaban; at sa loob ng kaban, ay iyong ilalagay ang mga kinalalagdaan ng patotoo, na aking ibibigay sa iyo. 22 At diya'y makikipagkita ako sa iyo, at makikipanayam sa iyo mula sa ibabaw ng luklukan ng awa, sa gitna ng dalawang querubin na nangasa ibabaw ng kaban ng patotoo, tungkol sa lahat ng mga bagay na ibibigay ko sa iyong utos sa mga anak ni Israel."
Saan jan nkasulat ang utos na sambahin nyo ang rebulto?
Deletemay manga tao talaga na akala nila na ang biblia ay pang karaniwan aklat na pag binsa nila ay ma uunawaan na nila. Hindi manglanag nila inisip na ang bawat salita dito ay manga utos at salita ng pangninoon Dios na ang nakakaalam nito ay ang tao na kanyang sinugo at makaunawa nito.
ReplyDeletemay manga tao talaga na akala nila na ang biblia ay pang karaniwan aklat na pag binsa nila ay ma uunawaan na nila. Hindi manglanag nila inisip na ang bawat salita dito ay manga utos at salita ng pangninoon Dios na ang nakakaalam nito ay ang tao na kanyang sinugo at makaunawa nito.
ReplyDeleteAng tunay na pagsamba ay nasa puso at damdamin. At ang kaligtasan ay galing sa Panginoon ayon s ginawa naten dito sa lupa. Kung tayo ay isinabuhay ang aral nya galing sa katotohanan at tinanggap naten na si Cristo ay Diyos na nag katawan tao lalang ng espiritu. Walang religion na makapagliligtas sa atin. Sundin naten kung ano ang nakasaad sa bibliya at tiyak magtatamo tayo ng kaligtasan. In Jesus name!
ReplyDeleteHAHAHAH KABOBOHAN MAS ALAM NYO PA NA NAGSASAMBA KAMI NG MGA DIOS-DIOSAN KAYSA SA AMIN HAHAHAH LOOK KUNG SASABIHIN NATING DIOSDIOSAN AY HINDI TOTOO DIBA? SO NGAYON GUMAWA KAMI NANG LARAWAN NI INANG MARIA.. HINDI BA TOTOO SI INANG MARIA? AT ISA HINDI NAMIN YAN SINASAMBA RUMERESPETO LANG KAMI SA INA NI JESU CRISTO NA ATING DIOS. KUNG HINDI NYO KAYANG RUMESPETO SA INA NI JESU CRISTO EDI WAG NARIN KAYONG RUMESPETO SA INYING MGA INA. WAG KAYONG MAG AKUSA SA MGA KATOLIKO NA NAGSASAMBA KAMI NG MGA DIOS-DIOSAN DAHIL KAMI MGA KATOLIKO ALAM NAMIN KUNG SINO ANG DIOS NAMIN. EH KAYO? GINAWAN NYO NGA NG REBOLTO SI MANALO EH YAN ANG TUNAY NA IDOLATRY.
ReplyDeleteMERON DIN SA BIBLIBLIYA NA SI KING SOLOMON AY PINAKIUSAPAN NANG DIOS NA GUMAWA NG TEMPLO AT LAGYAN NG MGA LARAWAN SA MGA ANGHEL AT MGA TAO NA HOLY.
ISA PO AKONG SAKRISTAN AT WALA PO AKONG NAKITANG MALI SA AMING MGA LARAWAN NG MGA SANTOS ANG NALALAMAN KO LANG NA MALI AY ANG PAGKAKAROON NG 10% SA INCOME NG MGA MEMBRO SA INC BWAHAHAHAH
HAHAHAH KABOBOHAN MAS ALAM NYO PA NA NAGSASAMBA KAMI NG MGA DIOS-DIOSAN KAYSA SA AMIN HAHAHAH LOOK KUNG SASABIHIN NATING DIOSDIOSAN AY HINDI TOTOO DIBA? SO NGAYON GUMAWA KAMI NANG LARAWAN NI INANG MARIA.. HINDI BA TOTOO SI INANG MARIA? AT ISA HINDI NAMIN YAN SINASAMBA RUMERESPETO LANG KAMI SA INA NI JESU CRISTO NA ATING DIOS. KUNG HINDI NYO KAYANG RUMESPETO SA INA NI JESU CRISTO EDI WAG NARIN KAYONG RUMESPETO SA INYING MGA INA. WAG KAYONG MAG AKUSA SA MGA KATOLIKO NA NAGSASAMBA KAMI NG MGA DIOS-DIOSAN DAHIL KAMI MGA KATOLIKO ALAM NAMIN KUNG SINO ANG DIOS NAMIN. EH KAYO? GINAWAN NYO NGA NG REBOLTO SI MANALO EH YAN ANG TUNAY NA IDOLATRY.
ReplyDeleteMERON DIN SA BIBLIBLIYA NA SI KING SOLOMON AY PINAKIUSAPAN NANG DIOS NA GUMAWA NG TEMPLO AT LAGYAN NG MGA LARAWAN SA MGA ANGHEL AT MGA TAO NA HOLY.
ISA PO AKONG SAKRISTAN AT WALA PO AKONG NAKITANG MALI SA AMING MGA LARAWAN NG MGA SANTOS ANG NALALAMAN KO LANG NA MALI AY ANG PAGKAKAROON NG 10% SA INCOME NG MGA MEMBRO SA INC BWAHAHAHAH
Eh bakit nyo gagawan ng rebulto? rerespituhin lang naman pala edi mag lingkod kayo.
DeleteBakit kayo may mga rebulto ni manalo?
DeleteBASTA MGA KATOLIKO MGA BOBO YANG MGA YAN
ReplyDeletePaano mo po nasabi? Matalino ka po ba?
DeleteKahit nga ikaw hindi makasunod sa ipinag-uutos ng ating panginoon Jesu-Crusto. . . Simple lang ang utos ating panginoon bago PA siya pumunta sa Amang Dios na nasa langit. . . .
ReplyDeleteSinabi ni Cristu sa. Kanyang mga alagad na MAG-IBIGAN KAYO . .ito ay malinaw at klaro sa sangkatauhan na hindi pakikipagkutyaan ang ibinilin niya sa atin. .
Ito lang ang sasabihin ko sa ating lahat iwasan nating magmalinis sa ating sarili gayun hindi naman dahil sa mata ng Dios, tayong lahat ay hindi malinis sa kanyang paningin at lahat tayo makikipagsulit at yuyukod sa kanyang Harapan sa takdang oras na kamatayan.
Ang tanging makakapagligtas lamang ating lahat ang MAGSISI SA LAHAT NG KASALAN.. . .at Isa buhay nating lahat si cristu dahil siya lang ang daan para saber kaligtasan ng lahat hindi basihan ang estado ng bawat relihiyon.dahil Walang relihiyon ang makakapagligtas sa atin kundi tayo mismo ayon sa pagkakakilala natin sa Dios na maylalang. Iwasan natin ang makipag-away sa kapwa dahil hindi ito nakakalugod sa mata ng Dios.
Ako po ay isang roman katoliko.
Naku Mga Anak Talaga ng Diablo ang mga MINISTRO Ng INC at Nabibiktima pati ang mga TAONG WALANG ALAM... UNA KAYO NAMIS MO NAGDAGDAG PARA LANG MANIRA ... GANYAN KASI ANG KATANGIAN NIYO DAGDAG at BAWAS.
ReplyDelete“ Pagbangon mo sa banig ay agad kang manikluhod sa harap ng isang Krus o isang mahal na larawan. Kung maninikluhod ka sa tapat ng Altar magwika ka ng ganito: Sinasamba kita,” [Catesismo, ni Padre Luis de Amezquita, pahina 79 at 82]. --- Sabi mo? Ehh ang Tanung TOTOO ba ITO? Hahahaha Naku LOKOHIN MUNA SARILI MO.
Ito ang ORIG.
Pagbagon mo sa banig ay agad kang manikluhod sa harap ng isang Cruz o ng isang mahal na larawan. See? Ang Layo.
Baka sabihin mo ako pa ang SINUNGALING ? Hahahaha AYAN ANG PROOF... DIABLO
https://quod.lib.umich.edu/cgi/t/text/pageviewer-idx?c=philamer;cc=philamer;rgn=full%20text;idno=aps8658.0001.001;didno=aps8658.0001.001;view=image;seq=00000098
Bakit si Felix Manalo may rebulto kung bawal pala gumawa? mga ipokrito
ReplyDeleteIsa ka pa, wala naman siguro problema sa rebulto (in English STATUE) kung HINDI NAMAN ITO SINASAMBA, DI PO BA?
DeleteMaraming mga rebulto sa mga bayani tulad ni Jose Rizal at iba pa. May nakita ka na bang nananalangin at nakaluhod sa harap ng rebulto ni Jose Rizal? Ok lang kung naka yuko as a sign of respect, pero kung nanalangin ka, iba na yun. Nandidito na lahat ng PATOTOO na ang mga CATHOLICS AY SUMASAMBA TALAGA SA MGA REBULTO PERO PINIPILIT NINYO NA NIRERESPETO LANG, may patotoo na nga eh. Wag ka na magtampo, halina tanggapin mo na ang katotohanan.
Maliwanag na aral na hango sa bibliya.
ReplyDeleteIpaliwanag Nyo nga kung saan galing yang mga rebolto Nyo..hindi ba yan inukit sa Kamay...kung hindi yan inukit ng Kamay saan yan ginawa...hulog ba yan galing langit
ReplyDeleteAnti kristo kayo
ReplyDelete