TUNAY NA LINGKOD

Monday, August 18, 2014

Pinagbawal ba ng Diyos ang Pagsusundalo o Pagpupulis?


Sa mga Saksi ni Jehova ay ipinagbabawal ang Pagsusundalo, maging ang Pagpupulis, para sa kanila ang tungkuling ito ay hindi katanggap-tanggap sa paningin ng Diyos sapagkat ang mga taong ito ay may karapatang kumitil ng buhay ng tao bilang bahagi ng kanilang tungkulin, bagamat hindi mababasa sa Biblia ng tuwiran na BAWAL ANG MAGSUNDALO ay may talata silang ginagamit na batayan, ito ay ang nasa aklat ng Exodo, atin pong basahin:

Exodo 20:13  “Huwag kang papatay.”

Ito raw ay napakatibay na ebidensiya na bawal ang PAGSUSUNDALO dahil sa mahigpit daw na ipinagbabawal ng Diyos ang pagpatay ng kapuwa tao. Totoo kaya ang pagkaunawa nilang ito na ang pagbabawal na ito ay kumakapit sa lahat ng uri ng tao?

Pero nais po naming ipapansin sa inyo ang isang pangyayari na nakatala sa kasaysayan ng Biblia:

1 Samuel 15:2-3  “Ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, Aking tinandaan yaong ginawa ng Amalec sa Israel, kung paanong siya'y humadlang sa kaniya sa daan, nang siya'y umahon mula sa Egipto. Ngayo'y yumaon ka at saktan mo ang Amalec, at iyong lubos na lipulin ang buo nilang tinatangkilik, at huwag kang manghinayang sa kanila; kundi PATAYIN MO ANG LALAKE AT BABAE, SANGGOL AT SUMUSUSO, BAKA AT TUPA, KAMELYO AT ASNO.” At pinisan ni Saul ang bayan at binilang sila sa Telaim, dalawang yutang lalake na naglalakad, at sangpung libong lalake sa Juda.

Kitang-kita sa talata na inuutusan ng Diyos si Haring Saul, ang Hari noon ng Israel na lipulin at pataying lahat, lalake, babae, sanggol, maging mga hayop.  Narito ang tanong?  HINDI BA BAWAL ANG PUMATAY SA PANAHONG IYAN? WALA PA BANG BATAS NA NAGBABAWAL SA PAGPATAY NG TAO SA PANAHONG IYAN?  Sa panahong iyan ay malaon nang patay si Moises, at ang pagbabawal sa pagpatay bilang bahagi ng sampung utos ay matagal ng panahon naibigay sa bayang Israel.  Hindi ba lalabas niyan na kinokontra ng Diyos ang kaniyang sarili sa paguutos niyang ito?

Bakit ba pinagpasiyahan ng Diyos na lipulin ang bayan ng Amalec?

1 Samuel 15:2  "When the Israelites were on their way out of Egypt, the nation of Amalek attacked them. I am the LORD All-Powerful, and now I am going to make Amalek pay! [Contemporary English Version]

Sa Filipino:

1 Samuel 15:2  “Nang ang mga Isrealita ay paalis ng Ehipto, SILA’Y NILUSOB NG BAYAN NG AMALEC. Ako ang Panginoon na Pinakamakapangyarihan, at ngayon aking pagbabayarin ang Amalec.”

Hindi ikinalugod ng Diyos ang ginawang paglusob o pagatake ng Amalec sa Israel ng sila ay papaalis sa Ehipto, nais lamang ng Diyos na makaganti ang bayan Israel sa ginawa nilang ito.  Kaya maliwanag kung gayon na:

 ANG PAGBABAWAL NG DIYOS SA PAGPATAY AY ISANG BATAS NA MAY KUNDISYONNA WALANG KARAPATANG MAGPASIYA ANG SINOMANG TAO NA PUMATAY SA KANIYANG SARILI MALIBAN NANG MAY MAGBIGAY SA KANIYA NG KARAPATAN NA GAWIN IYON,  at sa pagkakataong ito ay ang Panginoong Diyos.

Maliwanag kung gayon na may mga tao na binigyan ng Diyos ng karapatan lumipol sa mga taong itinuturing ng Diyos na kaniyang mga kaaway.

Katulad ni Samson na binigyan ng Diyos ng karapatang ito:

Judge 15:15  “Then he found a jawbone of a donkey that had recently died. He reached down and picked it up, AND KILLED A THOUSAND MEN WITH IT.” [Good News Bible]

Sa Filipino:

Hukom 15:15 “At siya’y nakakita ng panga ng isang asno na kamamatay lamang.  Kaniyang iniunat ang kaniyang kamay at kinuha ito, at PINATAY ANG ISANG LIBONG TAO SA PAMAMAGITAN NOON.”

Ganoon din ang karapatang ibinigay niya kay Haring David:

1 Samuel 17:46  “Sa araw na ito ay ibibigay ka ng Panginoon sa aking kamay; AT SASAKTAN KITA, AT PUPUGUTIN KO ANG ULO MO; at ibibigay ko ang mga bangkay sa hukbo ng mga Filisteo sa mga ibon sa himpapawid sa araw na ito, at sa mababangis na hayop sa lupa; upang maalaman ng buong lupa na may Dios sa Israel:”

Nang patayin ni David si Goliath ay may patnubay siya ng Diyos, at hindi lamang si Goliath ang napatay ni David sa buong panahon ng kaniyang buhay, subalit magkagayon man dahil sa dami ng kaniyang napatay itinuring ba siyang makasalanan?

Awit 86:2  “Ingatan mo ang aking kaluluwa; sapagka't AKO'Y BANAL: Oh ikaw na Dios ko, iligtas mo ang iyong lingkod na tumitiwala sa iyo.”

Sa kabila ng lahat na si David ay maraming napatay na tao sa buong kasaysayan ng kaniyang buhay, ang turing pa rin sa kaniya ay BANAL, samakatuwid hindi ibinilang na kasalanan niya ang kaniyang mga ginawang pagkitil ng buhay, dahil sa ito’y karapatan at kapangyarihang ibinigay sa kaniya ng Diyos bilang Hari ng Israel.

Napakaraming halimbawa na mababasa sa Biblia na mga mandirigma ngunit mga lingkod ng Diyos bukod kay Haring David at Samson, nandiyan din sina Josue, Gedeon, at marami pang iba.

Ano ang tawag noon sa Diyos ng bayang Israel?

1 Samuel 17:45  “Nang magkagayo'y sinabi ni David sa Filisteo, Ikaw ay naparirito sa akin na may tabak, at may malaking sibat at may kalasag; nguni't ako'y naparirito laban sa IYO SA PANGALAN NG PANGINOON NG MGA HUKBO, ng DIOS NG MGA KAWAL NG ISRAEL na iyong hinahamon.”

Ang Diyos noong panahong iyon ay tinatawag na “DIYOS NG MGA HUKBO” at “DIYOS NG MGA KAWAL”, kaya dito pa lamang ay maliwanag na nating nakikita ang matibay na ebidensiya na ang pagiging KAWAL o SUNDALO, ng isang tao ay hindi bawal sa Biblia.  Dahil bakit papayag ang Diyos na itawag ng tao sa kaniya ito kung bawal naman pala sa kaniya ang pagiging KAWAL ng isang tao.

At sa isa pang pagkakataon ang Diyos ay ipinakilala na“PANGINOON NG MGA HUKBO”:

Isaias 44:6  “Ganito ang sabi ng Panginoon, ng Hari ng Israel, at ng kaniyang Manunubos, na PANGINOON NG MGA HUKBO, Ako ang una, at ako ang huli; at liban sa akin ay walang Dios.”

Kaya nga dito pa lang ay alam na alam na natin ang napakatibay na ebidensiya na HINDI BAWAL ANG PAGSUSUNDALO, hindi po ito kailan man ipinagbawal ng Diyos sa Biblia.  Ang kanilang tungkulin bagamat totoo na sila ay kumikitil ng buhay at pumapatay ng tao para magpanatili ng kapayapaan at ipagtanggol ang bayan, ay tungkuling ibinigay ng Diyos sa kanila. Kaya EXEMPTED po sila sa batas ng Diyos na HUWAG KANG PAPATAY.  

Tayo na mga ordinaryong tao na wala sa ganoong tungkulin ang walang karapatang pumatay ng sinoman, dahil tayo ay nasa ilalim ng  batas ng Diyos na siyang nagbabawal sa pagpatay ng kapuwa tao.


Pagsusundalo bawal ba sa Bagong Tipan?

Maaaring may mangatuwiran na iyon daw mga halimbawa na ating ipinakita ay puro saLumang Tipan, pero sa panahong Cristiano na panahon ng Bagong Tipan, na siyang sumasakop sa panahon natin ay bawal na ang pagsusundalo.
Inyong tanungin ang inyong mga kaibigang Saksi ni Jehova, kung may maipapakita silang kahit na isang talata na mababasa ng maliwanag na ipinagbabawal ng Diyos ang PAGSUSUNDALO. Natitiyak namin na wala silang maipapakitang talata sa inyo kahit saBagong Tipan.

Dahil, hindi po bawal ang pagsusundalo sa buong Biblia…

Kumuha na tayo ng halimbawa sa Biblia:

Luke 3:14  “Some SOLDIERS also asked him, "What about us? What are we to do?" He said to them, "DON'T TAKE MONEY FROM ANYONE BY FORCE OR ACCUSE ANYONE FALSELY. BE CONTENT WITH YOUR PAY." [Good News Bible]

Sa Filipino:

Lucas 3:14 “May mga SUNDALO na nagtanong sa kaniya, “Kami? Ano ang aming gagawin? ” Sinabi niya sa kaniya, “HUWAG KAYONG KUKUHA NG SALAPI MULA SA KANINO MAN NG SAPILITAN AT MAGPARATANG SA KANINO MAN NG KASINUNGALINGAN.  MAKUNTENTO KAYO SA IBINABAYAD SA INYO.”

Dito sa pagkakataong ito, tinatanong ng mga SUNDALO si Juan Bautista kung ano ang kanilang gagawin upang maging dapat sa Diyos.  Kung talagang ipinagbabawal ng Diyos ang pagsusundalo, hindi ba ito ay isang napakagandang pagkakataon na sabihin ni Juan sa kanila na bawal ito?

Kasi kung talagang bawal ang pagsusundalo Puwedeng ganito ang mangyari:

MGA SUNDALO:  “Kami? Ano ang aming gagawin?”

JUAN BAUTISTA:  “Una, ninyong gawin ay iwan ang inyong pagiging sundalo dahil bawal ng Diyos ang PAGSUSUNDALO, dahil pumapatay kayo ng tao.”

Pero hindi ba sa pagsasabi ni Juan na: “MAKUNTENTO KAYO SA IBINABAYAD SA INYO.”Hindi ba maliwanag na hindi ipinagbabawal ang pagsusundalo, hindi ba lumalabas niyan na pinapayuhan pa ni Juan Bautista ang mga sundalo na makuntento sa kanilang suweldo at huwag mang-aabuso ng kapuwa?  Ito ay isa sa matibay na ebidensiya na maging sa Bagong Tipan ay hindi po bawal ang pagsusundalo, basta huwag mang-aabuso ng kapuwa, huwag magpaparatang ng hindi totoo, at makuntento sa suweldong tinatanggap.


Kumuha pa tayo ng isa pang halimbawa:

Mga Gawa 10:1-5  “At may isang lalake nga sa Cesarea, na nagngangalang CORNELIO, SENTURION NG PULUTONG NA TINATAWAG NA PULUTONG ITALIANO.  Isang taong masipag sa kabanalan at matatakutin sa Dios siya at ang buong sangbahayan at naglimos ng marami sa mga tao, at laging nananalangin sa Dios.  Nakita niyang maliwanag, sa isang pangitain, nang may oras na ikasiyam ng araw, na pumapasok na patungo sa kaniya ang isang anghel ng Dios, at nagsasabi sa kaniya, Cornelio.  At siya, sa pagtitig niya sa kaniya, at sa pagkatakot niya, ay nagsabi, Ano ito, Panginoon? At sinabi niya sa kaniya, ANG MGA PANALANGIN MO AT ANG IYONG MGA PAGLILIMOS AY NANGAPAILANGLANG NA ISANG ALAALA SA HARAPAN NG DIOS. At ngayo'y magsugo ka ng mga tao sa Joppe, at ipagsama mo yaong Simon, na may pamagat na Pedro;”

Isang tao sa Cesarea na ang pangalan ay Cornelio, isang SENTURION, o opisyal ng hukbong Romano, na siya ring pulutong italiano, sa madaling salita isang mataas na  “ROMAN OFFICER”.  Mabuting tao si Cornelio, mapanalanginin, at palaging tumutulong sa mahihirap, sa isang pangitain ay napakita sa kaniya ang isang anghel at sinabihan siyang ang kaniyang mga panalangin at ang kaniyang mga paglilimos ay napaiilanlang bilang isang alala sa harapan ng Diyos, at ipinagutos niyang ipasundo si Pedro.

Ano ang nangyari nang dumating si Pedro?

Gawa 10:34  “At binuka ni Pedro ang kaniyang bibig, at sinabi, TUNAY NGANG NATATALASTAS KO NA HINDI NAGTATANGI ANG DIOS NG MGA TAO:”

Ikinagalak ni Apostol Pedro ang pagsampalataya ni Cornelio na bagamat siya’y isang Gentil, nasabi niyang hindi nagtatangi ang Diyos ng mga tao.  Isa na namang katunayan na hindi bawal ang pagsusundalo, dahil kung ito ay mahigpit na ipinagbabawal, pauunlakan ba ni Apostol Pablo ang paanyaya ng isang kawal?  At hindi ba niya sasabihin kay Cornelio na ang PAGSUSUNDALO ay bawal ng Diyos?  Hindi ba’t ito ay isa na namang napakagandang pagkakataon? Kahit basahin niyo pa ang buong kapitulo 10, ng aklat ng mga Gawa, wala kayong mababasa na sinabi ni Pedro na bawal ang  MAGSUNDALO, bilang katibayan na hindi ito bawal, ano ang sumunod na pangyayari?

Gawa 10:46-47  “Sapagka't nangarinig nilang nangagsasalita ang mga ito ng mga wika, at nangagpupuri sa Dios. Nang magkagayo'y sumagot si Pedro, Mangyayari bagang hadlangan ng sinoman ang tubig, upang huwag mangabautismuhan itong mga nagsitanggap ng Espiritu Santo na gaya naman natin? AT INUTUSAN NIYA SILA NA MAGSIPAGBAUTISMO SA PANGALAN NI JESUCRISTO. Nang magkagayo'y kanilang ipinamanhik sa kaniya na matirang mga ilang araw.”

Si Cornelio at ang buo niyang sambahayan ay binautismuhang lahat na ang lahat ng mga nabautismuhan ay binautismuhan sa isang katawan:

1 Corinto 12:13  “Sapagka't sa isang Espiritu ay BINABAUTISMUHAN TAYONG LAHAT SA ISANG KATAWAN, maging tayo'y Judio o Griego, maging mga alipin o mga laya; at tayong lahat ay pinainom sa isang Espiritu.”

Na ang isang katawan ay ang Iglesia:

     Colosas 1:18  At siya ang ulo ng katawan, sa makatuwid baga'y ng IGLESIA…”

At ang pangalan ng Iglesia na kinaaniban ng senturiong si Cornelio at ng kaniyang buong sambahayan ay:

Roma 16:16  “Mangagbatian kayo ng banal na halik. Binabati kayo ng lahat ng mga IGLESIA NI CRISTO.”

Naging kaanib po ng Iglesia ni Cristo si Cornelio na isang SENTURION ng hukbong Romano, isang sundalo na tinanggap ang katotohanan sa pamamagitan ng pagsampalataya at nabautismuhan sa loob ng tunay na iglesia, ang Iglesia ni Cristo. Kaya po pinapahintulutan na maging kaanib ng Iglesia ang isang sundalo, pulis, at iba pa na mayroong katulad na tungkulin o trabaho.

Ang mga SUNDALO o KAWAL na naglilingkod sa pamahalaang umiiral ay may karapatang ibinigay ang Diyos upang kanilang gampanan ang kanilang tungkulin, Ganito ang sabi ng Biblia:

Roma 13:3-4  “Sapagka't ang mga pinuno ay hindi kilabot sa gawang mabuti, kundi sa masama. At ibig mo bagang mawalaan ng takot sa MAY KAPANGYARIHAN? gawin mo ang mabuti, at magkakamit ka ng kapurihan sa kaniya:   Sapagka't siya'y ministro ng Dios sa ikagagaling mo. Datapuwa't kung ginagawa mo ang masama, ay matakot ka; SAPAGKA'T HINDI WALANG KABULUHAN ANG PAGDADALA NIYA NG TABAK: SAPAGKA'T SIYA'Y MINISTRO NG DIOS, TAGAPAGHIGANTI SA IKAGAGALIT SA GUMAGAWA NG MASAMA.

Ang mga MAY KAPANGYARIHAN sa ating Pamahalaan ay binigyan ng Diyos ng karapatang magdala ng ARMAS o mga SANDATA sabi nga ng talata:  “SAPAGKA'T HINDI WALANG KABULUHAN ANG PAGDADALA NIYA NG TABAK”, may karapatan siyang gumamit ng sandata sa anong layunin at tungkulin?: “TAGAPAGHIGANTI SA IKAGAGALIT SA GUMAGAWA NG MASAMA.” Kaya dapat silang katakutan ng mga gumagawa ng masama, dahil may kapangyarihan at karapatan silang magparusa.

KAYA HINDI PO MASAMA ANG PAGDADALA NILA NG MGA ARMAS O SANDATA, sapagkat ang Diyos ay may pagpapahintulot sa mga MAY KAPANGYARIHAN (PULIS, SUNDALO, ETC.)upang maghiganti at magparusa sa mga taong gumagawa ng masama o sa mga taong lumalabag sa batas.

Hindi po kailan man ipinagbabawal ng Diyos sa Biblia ang PAGSUSUNDALO o PAGPUPULIS, ito po ay kapangyarihan at karapatang kaloob ng Diyos sa alinmang pamahalaang kanilang pinaglilingkuran sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan o iyong tinatawag sa English na "peace and order"...


Friday, July 25, 2014

Ang Matagumpay na Iglesia



Ilang araw nalang sasapit ang Iglesia ni Cristo sa 100 taong anniversary mula ng ito ay maiparehistro sa pilipinas noong July 27, 1914. Kitang kita natin ang pagtulong ng Panginoong Diyos sa kanyang Iglesia at sa Pamamahala, mula sa iisang Tao na kanyang sinugo ay lumaganap ito sa ibat ibang panig ng mundo at ibat ibang lahi ng tao. Tayo po ang saksing buhay ukol sa tagumpay ng Iglesia sa kasalukuyan. Ito ay tagos hanggang sa ating sambahayan.
Kaya anu po ang ibinilin ng mga Apostol na lagging gawin ng mga kaanib sa Iglesia?ganito an gating mababasa

Col 1:12 Lagi kayong magpasalamat sa Ama sapgkat minarapat niyang makabahagi kayo sa mga pangako ng Diyos para sa mga hinirang na nasa liwanag.

Ang bawat kaanib sa INC ay dapat lagging napapasalamat sa Ama o sa ating Panginoong Diyos. Bakit kailangan lagging magpasalamat? Sapagkat minarapat ng Diyos na tayo’y makabahagi sa kanyang mga Pangako. Totoo po ba na nangako ang Diyos sa kanyang bayan? Anu ang kaniyang pangako sa Sugo at sa pasugong ito?
Sa Isa. 41:10, ay ganito ang sinasabi:

Huwag kang matakot, sapagka't ako'y sumasaiyo; huwag kang manglupaypay, sapagka't ako'y iyong Dios; aking palalakasin ka;oo, aking tutulungan ka; oo, aking aalalayan ka ng kanang kamay ng aking katuwiran.

Ang sabi mismo ng Diyos sa kanyang sinugo; “sapagka't ako'y iyong Dios; aking palalakasin ka;oo, aking tutulungan ka; oo, aking aalalayan ka ng kanang kamay ng aking katuwiran.

Totoo po ba na tinulungan ng Diyos ang kanyang sugo na si kapatid na Felix Manalo? Opo.. malawak at matagumpay ang Iglesia ni Cristo na patuloy na nagtatagumpay dahil sa awa at tulong ng Diyos.

Ngunit anu po ang hindi maiiwasan ng bawat kaanig sa Iglesia ni Cristo? Ang kapootan ng taga sanlibutan. Tayo po ay nakakaranas ng mga pag uusig. Sari saring paninira ang kanilang binibitawan laban sa atin. Na ang sabi ng ilan ay pera pera lang daw sa Iglesia, INC1914, at ibat ibang panunuya ang ginagawa nila sa atin. Bakit ba ito nangyayari? Baket po ba tayo kinapopootan at inuusig ng mga taga sanlibutan? Ito mismo ang pahayag n gating Panginoong Jesus ang ating basahin

Juan 15:18-20 MB Kung napopoot sa inyo ang sanlibutan, alalahanin ninyong ako muna ang kinapootan nila bago kayo. Kung kayo'y taga-sanlibutan, mamahalin nila kayo, sapagkat kayo'y kabilang sa kanila. Hindi kayo taga-sanlibutan. Sila'y napopoot sa inyo dahil pinili ko kayo. Alalahanin ninyo ang sinabi kong ito: walang aliping nakakahigit kaysa sa kanyang panginoon. Kung ako'y inusig nila, uusigin din nila kayo. Kung sinunod nila ang aking sinabi, susundin rin nila ang inyong sasabihin. 

Sabi ni Jesus hindi na tayo taga sanlibutan, pinili nya tayo kaya hindi na tayo taga sanlibutan, kung papaanong si Jesus ay inusig tayong kaniyang pinili o ibinukod ay uusigin din at kapopootan ng sanlibutan. Samakatwid taglay na natin ang pangalan ng ating Panginoong Jesus ng tayo ay kaniyang piliin at ibukod. Tinatawag na tayo sa kaniyang pangalan. Aling pangalan ba ito? Ito ang pahayag ng Diyos

ISA 43:7 Bawa't tinatawag sa aking pangalan, at yaong aking nilikha ay sa aking kaluwalhatian, yaong aking inanyuan oo, yaong aking ginawa.

Ang sabi mismo ng Diyos “ Bawat tinatawag sa aking pangalan, na kanyang nilikha ay siya niyang kaluwalhatian.

Aling pangalan ang nilikha ng Diyos para sa kanyang kaluwalhatian?

“Pakatalastasin nga ng buong angkan ni Israel, na ginawa ng Dios na Panginoon at Cristo itong si Jesus na inyong ipinako sa krus.” (Gawa 2:36)

Pangalang Cristo po ang nilikha ng Diyos  na ito ay sa kanyang kaluwalhatian. Ito ang pangalang taglay natin. Kaya ang tawag ng mga Apostol ay IGLESIA NI CRISTO. (Roma 16:16)

Hindi tayo uusigin, kapopootan ng taga sanlibutan kung hindi ka kabilang sa INC lahat ng taong kaanib dito ay tiyak na makakaranas ng pag uusig, hindi po ito pananakot para sa mga gusto makabilang sa tunay na Iglesia, Ang pag uusig po ang katunayan na pinili tayo, ibinukod ni Jesus upang sa magmana ng kaharian ng Diyos. Anu po ba ang nais ni Cristo para sa kanyang mga ibinukod?

Juan 14: 1-3 1Huwag magulumihanan ang inyong puso: magsisampalataya kayo sa Dios, magsisampalataya naman kayo sa akin. 2Sa bahay ng aking Ama ay maraming tahanan; kung di gayon, ay sinabi ko sana sa inyo; sapagka't ako'y paroroon upang ipaghanda ko kayo ng dakong kalalagyan. 3At kung ako'y pumaroon at kayo'y maipaghanda ng kalalagyan, ay muling paririto ako, at kayo'y tatanggapin ko sa aking sarili; upang kung saan ako naroroon, kayo naman ay dumoon.


Kung saan naroon si Cristo ay nais nya naroon din ang kaniyang mga ibinukod. Kahit makasagupa ng mga pag uusig at paninira sa Iglesia. Ano lamang ang dapat gawin ng bawat isa upang maligtas? Manatili tapat hanggang wakas.Mateo 24:13

Saturday, July 19, 2014

"JEHOVA" Tama ba bilang pangalan ng Diyos?



Hindi lingid sa atin na may samahang pang relihiyon na gumagamit ng pangalang Jehovah para tukuyin ang di-umano’y tunay na Dios ng biblia.
Suriin po natin kung ang kanilang mga pagmamatuwid ay talaga nga pong naayon sa mga nakasulat sa biblia. Magpasimula po tayo, ating suriin, kung atin pong susuriin ang mga kasulatan ay ating masusumpungan na inihayag ng Dios ang Kanyang sarili sa Kaniyang bayan sa pamamagitan nga iba’t-ibang pangalan.

Sa Exodus 3:13-14 ay ating mababasa na nagpakilala Siyang “AKO NGA”

“ At sinabi ni Moises sa Dios, Narito, pagdating ko sa mga anak ni Israel, at sasabihin ko sa kanila, Sinugo ako sa inyo ng Dios ng inyong mga magulang; at sasabihin nila sa akin: Ano ang kaniyang pangalan? anong sasabihin ko sa kanila?
At sinabi ng Dios kay Moises, AKO YAONG AKO NGA; at kaniyang sinabi, Ganito ang sasabihin mo sa mga anak ni Israel, Sinugo ako sa inyo ni AKO NGA”

Sa Isaias 57:15 ay atin naming mababasa na ang pangalan Niya ay “BANAL”

“ Sapagka't ganito ang sabi ng Mataas at Matayog na tumatahan sa walang hanggan, na ang pangalan ay Banal; Ako'y tumatahan sa mataas at banal na dako na kasama rin niya na may pagsisisi at pagpapakumbabang-loob, upang bumuhay ng loob ng nagpapakumbaba, at upang bumuhay ng puso ng nagsisisi.”

Dito naman po sa
Exodo 34:14 ay sinasabi na ang pangalan ng Dios ay  “ MAPANIBUGHUIN”

“ Sapagka't hindi ka sasamba sa ibang dios: sapagka't ang Panginoon na ang pangalan ay Mapanibughuin; ay mapanibughuin ngang Dios:”

Sa
Isaias 63:16 ay sinasabi na ang pangalan ng Dios ay “ AMA”

“Sapagka't ikaw ay aming Ama, bagaman hindi kami kinilala ni Abraham, at hindi kami kilala ng Israel: ikaw, Oh Panginoon, ay aming Ama, aming Manunubos na mula sa walang pasimula ay siya mong pangalan.”

Dito naman sa
Awit 68:4 ay sinasabi ng biblia na ang pangalan ng Dios ay “ Jah”

“Kayo'y magsiawit sa Dios, kayo'y magsiawit ng kapurihan sa kaniyang pangalan: ipaghanda ninyo ng maluwang na lansangan siya na nangangabayo sa mga ilang; ang kaniyang pangalan ay JAH; at mangagalak kayo sa harap niya.

Maging sa
Oseas 2:16 ay sinasabi din na ang Dios ay tatawaging “ ISHI”

“At mangyayari sa araw na yaon, sabi ng Panginoon, na tatawagin mo akong Ishi, at hindi mo na ako tatawaging Baali.”

Ang mga ito at ang iba’t-ibang pangalan ng Dios na nakasulat sa biblia. Sa mga pangalang ito inihayag ng Dios ang Kaniyang sarili sa Kaniyang bayan. Siya ang Dios na nangangahulugang lakas o kapangyarihan. Sinasabi ng biblia na ang lupa ay natatag sa pamamagitan ng Kaniyang kapangyarihan (Jer.10:12). Siya ay tinatawag na Ama sapagkat sa Kaniya nagmula ang lahat ng bagay (1Cor.8:6) Siya’s tinatawag na Mapanibughuin, sapagkat hindi Siya pumapayag na maglingkod ang Kaniyang bayan sa ibang Dios(Exo.34:14-17).
Siya ay tatawaging ISHI na ang kahulugan ay “ aking asawa” upang ipakita ang kaugnayan Niya sa Kaniyang bayan. Ang Dios ay banal kaya marapat na Siya’y tawaging Banal (Lev.11:44).

Bukod sa iba’t-ibang pangalan ng Dios  na atin nang nabanggit sa unahan nito, mayron pang pangalan ang Dios na hindi mabigkas, na masusumpungan sa mga kasulatang Hebreo. Ang mga dalubhasa sa biblia ay nagpapatotoo:

“…….Kung gayon ang lalong karaniwang pangalan para sa pagka-Dios, ay Dios, ang pagkakasalin ng orihinal na Elohim. Ang karaniwang salita para sa Maestro ay Panginoon, kumakatawan sa Adonai. Mayroon pang ibang pangalan na tanging ukol lamang sa Dios, bilang tangi at angkop na pangalan, yaon ay ang apat na letrang YHWH. Tingnan ang Exodo 3 at Isaias 42:8. Ang pangalang ito ay hindi mabigkas ng mga hudyo dahil sa paggalang sa pagkasagrado ng banal na pangalan". (New American Standard Bible, U.S.A. Collins World, p.ix).

Ayon sa mga dalubhasa sa biblia ang pangalan ng Dios na hindi mabigkas ng mga hudyo dahil sa labis na paggalang ay ang pangalan na nakasulat sa apat na letra –
YHWH.
Sinasabi ng iba na ang bigkas sa apat na letrang ito ay
 Jehovah, kaya mayroong tagapagturo na nagsasabing Jehovah ang opisyal na pangalan ng Dios. Totoo po kaya naman ang kanilang pagtuturo na ito? Totoo kaya ang sinasabi ng ibang tagapagturo na ang personal na pangalan ng Dios ay Jehovah?
Mahalagang atin po’ng suriin, atin pong alamin kung sino ang unang gumamit ng at kung kalian unang ginamit ang salitang Jehovah.

Ang relihiyong ang tawag sa kanilang samahan ay  “Saksi ni Jehovah” o “Jehovah’s Witness”  na siyang malimit gumamit ng panglang
 “Jehovah” ang tanungin natin, kung sino at kung kalian unang ginamit ang pangalang Jehovah.
Sa kanilang opisyal na magasin
“ Ang Bantayan”  inilathala noong agosto 1, 1980, ay ganito ang sinasabi sa pahina 10, ating tunghayan:

“ Kapuna-puna nga, si Raymundus Martini, isang mongheng kastila ng Ordeng Dominicano ang unang nagsalin ng “Jehovah” sa banal na pangalan. Ang anyong ito ay lumitaw sa kanyang aklat na Pugeo Fidei, na nalathala noong 1270 C.E. Mahigit na 700 taon na ngayon”

Pansinin po natin na kinikilala ng mga “ Saksi ni Jehovah” na ang pagkakasalin ng pangalang
 “Jehovah” ay nagmula lamang sa isang mongheng kastila na siRaymundus Martini. Siya ang unang gumamit ng salitang “Jehovah” sa kaniyang aklat na Pugeo Fidei noong 1270 CE. Maging ang mga dalubhasa sa biblia ay nagpapatunay na ang pangalang Jehovah ay nagsimula lamang noong edad medya:

 “ The form ‘Jehovah’ is of late medieval origin” (The Bible Revised Standard Version, New York, Thomas Nelson and Sons, 1952, p.v)

Maging ang bantog na mananalaysay na si Webster sa kaniyang Ancient History ay nagpapahayag: “ This name Jehovah was never known to the Ancient Hebrew”

Pinatutunayan maging ng kasaysayan na sa matandang Hebreo (o Israel) ay hindi kilala ang pangalang “Jehovah”. Natural lamang na hindi kilala ng matandang Israel ang pangalang Jehovah sapagkat ito’y unang lumitaw noong edad medya.

Bakit sa ibang salin ng biblia ay nakasulat ang pangalang “Jehovah”?
Ang 
The Living Bible Encyclopedia in Story and Pictures vol.7,pp. 905-906 ay nagbigay liwanag sa ating katanungan:
“ Jehovah (je-ho’va), ang salitang English ng Hebreong tetragram na YHWH isa sa pangalan ng Dios. (Exodo 17:15) Ang original na bigkas nito ay hindi nababatid”

Samakatuwid, ang pangalang “Jehovah” ay hindi siyang original at hindi masusumpungan sa mga kasulatang Hebreo, kundi isang salin lamang ng tetragram.  Ang salitang tetragrammaton ay nagmula sa wikang griego na tetra na ang kahulugan ay apat at gramma na nangangahulugang letra. Kaya ang kahulugan ng tetragrammaton ay ang apat na letra ng alpabetong Hebreo na
Yod-He-Vau-He  katumbas ng YHWH o JHVH.


Pansinin natin na ang isa sa mga pangalan ng Dios na masusumpungan sa mga kasulatang Hebreo ay binubuo ng mga katining lamang at walang mga patinig kaya hindi matiyak ang tamang bigkas sa pangalang ito. Pansinin din na ang mga nagsalin lamang ang naglagay ng mga patinig at dahil sa di pagkakaisa ay lumabas ang iba’t-ibang anyo ng pangalan ng Dios.
Tunghayan natin
sa Ellicott’s Commentary on the Bible, vol. I. . 177, sa pagkakaliwat sa wikang Pilipino, ganito an gating matutunghayan:

“ Ang baybay ng salitang Jehovah ay mapagtatalunan dahil sa ang mga katinig lamang(J,H,V,H) ang tiyak, ang mga patinig naman ay yaong nasa Adonai(Panginoon) na siyang ipinapalit ng mga Hudyo kapag ito ay binabasa sa mga sinagoga, na ang unang patinig ay isa lamang mahinang pamalit sa isang tunog, at binibigkas ang A O Ealinsunod sa uri ng katinig na pinagkakapitan nito. Ito’y karaniwang kinakatawan ngayon sa pamamagitan ng isang mahinang paghinga kaya – Y’hovah, ‘donai. Tungkol naman sa baybay ang iginigiit nina Ewald; Gasenius, at iba pa ay Yaveh;SiFursh ay Yehveh, o Yeheveh; at sina Steir, Meyer at kanilang kasamahan ayYehovah.”

Sa opisyal na magasin ng mga “Saksi ni Jehovah”,
 Ang Bantayan na inilathala noong Agosto 1, 1980, sa pahina 4-5 ganito naman ang kanilang patotoo:

“……. Ang pangalan ng Diyos sa mas matatandang manuskritong Hebreo ay nakasulat na YHWH o JHVH, at malimit na ang tawag sa mga titik na iyan ng mga komentarista sa Biblia ay ang “Tetragrammaton” , na ang ibig sabihin “apat na letra”. Sa paglipas ng daan-daang taon, nawala ang tamang bigkas sa pangalan ng Diyos sa Hebreo. Kung gayon, hindi matiyak kung anong patinig ng dalawang salitang Hebreo naA.do.nay (Panginoon) at El.o.him (Diyos) ay isinama sa Tetragrammaton at ang lumabas na bigkas ay Ye.ho.wah. Sa wakas sa anyong Latin, ito’y nagging “Jehovah”. Subalit, maraming iskolar na Hebreo ang nagsasabi na mas tama raw ang “Yahweh”. Ngunit para kay Rudolf Kittel, editor ng Biblia Hebraica, ang pagkakapuwesto niya ng mga patinig sa Tetragram na Hebreo ay “Yehwah” sa lahat ng kaniyang edisyon”

Pansinin po natin na nagbunga ng kaguluhan ng singitan ng mga patinig ang 
YHWH oJHVH. Lumitaw ang sari-saring pangalan, gaya ng “Jehovah” “Yehovah” “Yeheveh” “Yahweh” “Yahveh”  “Yehveh” at “Yehwah”

Alin man sa mga ito ay hindi mapapanghawakan sapagkat nakasalig lamang sa mga pala-palagay.

“ Ngunit anong salita ang “wastong kumakatawan” sa banal na pangalan na Hebreo? Mas gusto ng iba ay “Yehwah” at ang iba ay Jeve at marami pang iba. Ang problema ay nasa pagsulat ng sinaunang Hebreo mga katinig lamang ang ginagamit at inaamin ng kahit na mga eksperto na mga pala-palagay lamang ang pinagbabatayan sa kung aling mga patinig ang bumubuo ng kumpletong banal na pangalan.” (Ibid., p.11)

Inaamin din ng mga “Saksi ni Jehovah” na alin man sa mga pangalang nabanggit ay hindi siyang binigkas ng Dios kay Moises.
Sa kanilang aklat na
 Hayaang Maging Tapat  ang Dios, sa pahina 24 ay ganito po ang kanilang pahayag:

“ ………bagaman ang alin man sa mga ito ay hindi kaypala siyang pagbigkas ng Dios sa Kaniyang pangalan kay Moises”

Maging ang  mga dalubhasa sa Biblia ay nagpapatotoo na ang pangalang “Jehovah” ay hindi tamang kumakatawan sa pangalan ng Dios sa Hebreo:

“…….. ang salitang “Jehovah” ay di wastong kumakatawan sa ano mang anyo ng Pangalan di ginamit sa Hebreo. (The Bible Revised Standard Version, p. v)

Ayon sa mga dalubhasa sa Biblia ang pangalang “Jehovah” “Yahweh” “Yehweh” at “Yehwah” ay nasasalig lamang ito sa mga pala-palagay at hindi mapapanghawakan. Kaya nga kung binabanggit o inilalathala  sa Pasugo  ang “ Mga Saksi ni Jehovah” ay nilalagyan ng panipi upang di maipagkamali kami ay sumasang-ayon sa kanilang pagiging “ saksi” at sa pangalang “Jehovah” na ito’y maliwanag na di sinasang-ayunan ng mga dalubhasa sa Biblia at lalo nan g Biblia mismo.